Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Sermons and Fellowship About God’s Word “How to Know the God on Earth”(V)

Eastern Lightning | Sermons and Fellowship About God’s Word “How to Know the God on Earth”(V)

142-A-1
“How to Know the God on Earth
All of you are glad to receive rewards before God and to be recognized by God. This is everyone’s wish after he begins to have faith in God, for man wholeheartedly seeks higher things and none are willing to fall behind others. This is the way of man. For this reason, many among you always try to gain the favor of the God in heaven, yet in truth, your loyalty and sincerity to God are far less than your loyalty and sincerity to yourselves. Why do I say this? Because I do not acknowledge your loyalty to God at all, and I further deny the existence of the God that is within your hearts. That is to say, the God that you worship, the vague God that you admire, does not exist at all. The reason I can say this so definitively is that you are too far away from the true God. The loyalty you possess comes from the existence of another idol within your hearts, and as for Me, the God regarded as neither great nor small in your eyes, you acknowledge Me with nothing but words. When I speak of your great distance from God, I am referring to how far away you are from the true God, while the vague God seems to be near at hand. When I say “not great,” it is in reference to how the God that you have faith in this day appears to merely be a man without powerful abilities; a man that is not very lofty. And when I say “not small,” this means that though this man cannot summon the wind and command the rain, He is able to call upon the Spirit of God to do work that shakes the heavens and earth, thus baffling man. Outwardly, you all appear to be very obedient to this Christ on earth, yet in substance you neither have faith in Him nor love Him. What I mean is that the one you truly have faith in is that vague God in your feelings, and the one you truly love is the God you yearn for night and day, yet have never seen in person. As for this Christ, your faith is merely a fraction, and your love for Him is nothing. Faith means belief and trust; love means adoration and admiration in the heart, never parting. Yet your faith in and love of the Christ of this day fall far short of this. When it comes to faith, how do you have faith in Him? When it comes to love, how is it that you love Him? You know not at all of His disposition, much less His substance, so how is it that you have faith in Him? Where is the reality of your faith in Him? How do you love Him? Where is the reality of your love for Him?

Tagalog Christian Movie Trailer 2018 | "Paghihintay"


Si Yang Hou'en  ay isang pastor sa isang bahay-iglesia sa China. Maingat niyang hinintay ang pagbaba ng Panginoong Jesus mula sa mga ulap at pagdadala sa kanya sa kaharian ng langit. Dahil dito, masigasig siyang naglingkod sa Panginoon, mahigpit na nanangan sa Kanyang pangalan, at naniwala na sinumang hindi ang Panginoong na bumababa mula sa mga ulap ay isang huwad na Cristo.

Kidlat ng Silanganan | Ang Biblia ba ang Panginoon o Diyos ang Panginoon? "Sino Ang Aking Panginoon"


Isang pastor si Liu Zhizhong sa isang lokal na bahay iglesia sa Tsina. Naging isa siyang mananampalataya sa mahigit 30 taon, at patuloy na pinananatili na "Ang Banal na Biblia ay kinasihan ng Diyos," "Kumakatawan sa Diyos ang Banal na Biblia, ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa Biblia, ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Diyos." Sa kanyang puso, ang Biblia ay napakahalaga. Dahil sa kanyang pagsamba at bulag na pananampalataya sa Biblia , hindi niya kailanman napag-aralan o natingnan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Hanggang sa isang araw, nang hinarangan niya ang mga mananampalataya mula sa online na pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nagkaroon siya ng pagkakataong makaharap ang mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matapos sumailalim sa mga matinding debate tungkol sa katotohanan, nagawa ba niyang makita nang malinaw sa huli ang relasyon sa pagitan ng Banal na Biblia at Diyos? Nagawa ba niyang lumayo mula sa Biblia upang maunawaan na si Cristo ay ang katotohanan, daan, at buhay? Siya ba ay dadalhin sa harapan ng Diyos?

Kidlat ng Silanganan | Isang Maikling Pagtalakay Tungkol sa “Dumating na ang Milenyong Kaharian”

Kidlat ng Silanganan,Dumating na ang Milenyong Kaharian

Kidlat ng Silanganan | Isang Maikling Pagtalakay Tungkol sa “Dumating na ang Milenyong Kaharian” 

Paano ninyo tinitingnan ang pangitain ng Milenyong Kaharian? Masyadong nag-iisip ang ilang tao tungkol dito, at sinasabi na ang Milenyong Kaharian ay magtatagal ng isang libong taon sa lupa, kaya’t kung ang mga nakatatandang miyembro ng iglesia ay hindi pa nakakapag-asawa, dapat ba silang magpakasal na? Ang aking pamilya ay walang pera, dapat ba akong magsimulang maghanap ng pera? … Ano ang Milenyong Kaharian? Alam ba ninyo? Ang mga tao ay malabo ang mata, at nagdurusa ng mahigpit na pagsubok. Sa katunayan, ang Milenyong Kaharian ay hindi pa opisyal na dumating. Sa yugto nang paggawang perpekto sa mga tao, ang Milenyong Kaharian ay maliit lamang na daigdig; sa panahon ng Milenyong Kaharian na binigkas ng Diyos, ang mga tao ay nagiging perpekto. Sa nakaraan, sinasabi na ang mga tao ay magiging tulad ng mga banal at maninindigan sa lupain ng Sinim. Tanging kapag ang mga tao ay nagawang perpekto—kapag sila ay naging mga banal na binanggit ng  Diyos—makararating na ang Milenyong Kaharian. Kapag ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao, dinadalisay Niya sila, at mas dalisay sila mas higit silang ginagawang perpekto ng Diyos. Kapag ang karumihan, paghihimagsik, pagsalungat, at ang mga bagay ng laman sa iyong loob ay naalis, kapag ikaw ay napadalisay, ikaw ay mamamahalin ng Diyos (sa ibang salita, ikaw ay magiging banal); kapag ikaw ay nagawang perpekto ng Diyos at maging banal, ikaw ay mapapabilang sa Milenyong Kaharian. Ngayon ang Kapanahunan ng Kaharian. Sa Kapanahunan ng Milenyong Kaharian ang mga tao ay umaasa sa mga salita ng Diyos upang mabuhay, at lahat ng mga bansa ay mapapasailalim sa pangalan ng Diyos, at ang lahat ay pupunta upang basahin ang mga salita ng Diyos. Sa oras na iyon ang ilan ay tatawag gamit ang telepono, ang ilan ay fax … gagamit sila ng bawa’t kaparaanan upang maabot ang mga salita ng Diyos, at kayo, rin, ay mapapasa-ilalim ng mga salita ng Diyos. Ang lahat ng ito ang mangyayari matapos gawing perpekto ang mga tao. Ngayon, ang mga tao ay ginagawang perpekto, pinipino, nililiwanagan, at ginagabayan ng mga salita; ito ay ang Kapanahunan ng Kaharian, ito ay ang yugto na ang mga tao ay ginagawang perpekto, at ito ay walang kaugnayan sa Kapanahunan ng Milenyong Kaharian. Sa Kapanahunan ng Milenyong Kaharian, ang mga tao ay nagawang perpekto na at ang tiwaling disposisyon sa loob nila ay nagawa nang dalisay. Sa panahong iyon, ang mga salita na binigkas ng Diyos ang gagabay sa mga tao sa bawat hakbang, at ihahayag ang lahat ng mga misteryong ginawa ng Diyos mula sa oras ng paglikha hanggang sa ngayon, at ang Kanyang mga salita ang magsasabi sa mga tao ng mga pagkilos ng Diyos sa bawa’t kapanahunan at bawa’t araw, kung paano Niya pinatnubayan ang mga tao sa loob, ng gawain Niya sa espirituwal na kaharian, at sasabihin sa mga tao ang mga dinamika ng espirituwal na kaharian. Tanging pagkatapos lamang niyon magiging tunay na ganap ang Kapanahunan ng Salita; ngayon ay tanging isang maliit na daigdig. Kung ang mga tao ay hindi pa perpekto at dalisay, imposibleng mabuhay sila ng isang libong taon sa lupa, at ang kanilang laman ay tiyak na mabubulok; kung ang mga tao ay dinadalisay sa loob, at hindi na sila kay Satanas at sa laman, sa gayon sila ay mananatiling buhay sa lupa. Sa yugtong ito ikaw ay isa pa ring malabo ang mata, at lahat ng inyong nararanasan ay ang pagmamahal sa Diyos at pagpapatotoo sa Kanya sa bawat araw na nabubuhay ka sa lupa.

Kidlat ng Silanganan | Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos

Diyos,Pananampalataya,Pagmamahal

Ngayon, sa inyong paghanap sa pag-ibig at pagkilala sa Diyos, sa isang banda dapat ninyong tiisin ang hirap at pagpipino, at sa ibang banda, kailangan ninyong magbigay ng kabayaran. Walang leksiyon na mas malalim kaysa sa turo ng maibiging Diyos, at maaaring sabihing ang leksiyong natututunan ng mga tao sa panghabambuhay na paniniwala ay kung paano mahalin ang Diyos. Na ang ibig sabihin, kung naniniwala ka sa Diyos dapat mong mahalin ang Diyos. Kung ikaw lamang ay naniniwala sa Diyos ngunit hindi mo Siya minamahal, hindi pa nakamtan ang pagkilala sa Diyos, at hindi kailanman nagmahal sa Diyos nang tunay na pagmamahal na mula sa loob ng iyong puso, sa gayon ang iyong paniniwala sa Diyos ay walang saysay; kung, sa iyong paniniwala sa Diyos, hindi mo mahal ang Diyos, ikaw ay nabubuhay nang walang kabuluhan, at ang iyong buong buhay ay ang pinakamababa sa lahat ng mga buhay. Kung, sa kabuuan ng iyong buong buhay, hindi mo kailanman inibig o napasaya ang Diyos, sa gayon ano ang saysay ng iyong pamumuhay? At ano ang saysay ng iyong paniniwala sa Diyos? Hindi ba iyon isang pag-aaksaya ng pagsisikap? Na ang ibig sabihin, kung ang mga tao ay maniniwala sa at iibigin ang Diyos, dapat silang magbigay kabayaran. Sa halip na subuking kumilos sa isang tiyak na paraang panlabas, dapat nilang hanapin ang tunay na pag-unawa sa kailaliman ng kanilang mga puso. Kung ikaw ay masigasig tungkol sa pag-awit at pagsayaw, ngunit hindi maisagawa ang pagpapatupad ng katotohanan, maaari bang sabihing ikaw ay umiibig sa Diyos? Ang pag-ibig sa Diyos ay nangangailangan ng paghahanap sa kalooban ng Diyos sa lahat ng mga bagay, at iyong siyasating mabuti sa kalooban kapag may anumang nangyari sa iyo, subukang maunawaan ang kalooban ng Diyos, at subukang makita kung ano ang kalooban ng Diyos sa bagay na ito, kung ano ang nais Niya na iyong makamit, at kung paano ka dapat palaisip sa Kanyang kalooban. Halimbawa: May nangyaring kailangan mong pagtiisan ang hirap, sa panahong dapat mong maunawaan kung ano ang kalooban ng Diyos, at kung paano ka dapat umunawa sa Kanyang kalooban. Hindi ka dapat magpakasasa ng iyong sarili: Isantabi muna ang iyong sarili. Wala nang mas kasukla-suklam kaysa sa laman. Kailangan mong magsikap na mapasaya ang Diyos, at dapat tumupad sa iyong tungkulin. Sa gayong saloobin, ang Diyos ay magdadala ng espesyal na kaliwanagan sa inyo sa bagay na ito, at ang inyong puso ay makakahanap din ng kaginhawaan. Ito man ay malaki o maliit, kapag may isang bagay na nangyayari sa inyo, dapat ninyo munang ilagay ang inyong sarili sa isang tabi at ituring ang laman bilang pinakamababa sa lahat ng bagay. Sa higit mong pagbibigay kasiyahan sa iyong laman, mas higit na pagpapalaya ang kailangan; kung ito ay iyong bibigyang kasiyahan sa oras na ito, ito ay hihingi nang higit pa sa susunod na pagkakataon, at habang ito ay nagpapatuloy, lalo mong gugustuhin ang laman. Ang laman ay laging mayroong labis na pagnanais, ito ay palaging naghahangad na masiyahan, at ito ay iyong binibigyang kasiyahang panloob, maging ito man ay sa mga bagay na iyong kinakain, iyong mga sinusuot, o sa labis na pagtustos nang higit sa kaya, o pagbuyo sa iyong sariling mga kahinaan at katamaran.… Ang lalo mong pagbibibigay kasiyahan sa laman, mas lalong lumalaki ang pagnanais nito, at mas nagpapakasasa ang laman, hanggang sa ito ay dumating sa punto na ang lamanay magkimkim ng mas malalim na mga paniniwala, at sumuway sa Diyos, at purihin ang kanyang sarili, at maging mapagduda tungkol sa gawa ng Diyos. Ang lalo mong pagbibigay kasiyahan sa laman, mas lumalaki ang kahinaan ng laman; palagi mong mararamdaman na walang sinumang nakikisimpatiya sa iyong mga kahinaan, lagi kang maniniwalang sumusobra na ang Diyos, at sasabihin mong: Paano ba naging sobrang malupit ang Diyos? Bakit hindi Niya bigyang espasyo ang mga tao? Kapag ang mga tao ay masyadong nahumaling sa laman, at minahal ito nang sobra, doon ay pinatatalo nila ang kanilang mga sarili. Kung ikaw ay tunay na umiibig sa Diyos, at hindi pinasasaya ang laman, makikita mo roon na ang lahat ng bagay na ginagawa ng Diyos ay karapat-dapat, at napakabuti, at ang Kanyang sumpa sa iyong paghihimagsik at pasya sa iyong kabaluktutan ay naaangkop. Magkakaroon ng panahon na ikaw ay parurusahan at didisiplinahin ng Diyos, at bubuo ng kapaligiran na magpapakumbaba sa iyo, pipilit sa iyo na lumuhod sa Kanya—at lagi mong mararamdamang ang ginagawa ng Diyos ay kahanga-hanga. Kaya iyong mararamdamang parang hindi masyadong masakit, at ang Diyos ay talagang kaibig-ibig. Kung ikaw ay matatangay sa mga kahinaan ng laman, at sabihing sumusobra na ang Diyos, ikaw ay laging makararamdam nang nasasaktan, at palaging malulumbay, at ikaw ay malalabuan sa lahat ng gawa ng Diyos, at mukhang ang Diyos ay hindi man lang nakikiramay sa mga kahinaan ng tao, at hindi batid ang mga paghihirap ng tao. At sa gayon ikaw ay makakaramdam ng kalungkutan at pag-iisa, na para bang ikaw ay nagdurusa nang higit na kawalang-katarungan, at sa oras na ito ikaw ay magsisimulang magreklamo. Ang iyong higit na pagpapabuyo sa mga kahinaan ng laman sa paraang ito, lalo mong mararamdaman na sumusobra ang Diyos, hanggang sa ito ay lumala at iyo nang itanggi ang gawa ng Diyos, at magsimulang sumalungat sa Diyos, at maging puno ng pagsuway. Kaya, dapat mong labanan ang laman, at hindi magpatangay dito: Ang iyong asawang lalaki, asawang babae, mga anak, mga inaasam, pag-aasawa, pamilya—walang mahalaga sa kanila! Kailangan mo ng ganitong kapasyahan: “Sa aking puso ay may isang Diyos lamang, at aking marapat na subukan ang aking pinakamahusay upang masiyahan ang Diyos, at hindi sumunod sa laman.” Kung iyo palaging taglay ang nasabing pasya, at kapag isinabuhay mo ang katotohanan, at inilagay ang iyong sarili sa isang tabi, magagawa mo ito nang may kaunting pagsisikap. Nasabi na noon ay may isang magsasakang nakakita ng ahas sa kalsada na matigas na matigas. Pinulot ito ng magsasaka at inilagay ito sa ng dibdib, at matapos na mabuhay ang ahas ay tinuklaw nito ang magsasaka hanggang mamatay. Ang laman ay tulad ng ahas: Ang diwa nito ay upang makapinsala sa kanilang buhay—at kapag ganap na nitong makuha ang gusto, naiwala mo ang iyong buhay. Ang laman ay pagmamay-ari ni Satanas. Sa loob nito ay mga napakaluhong pagnanais, iniisip lamang nito ang kanyang sarili, nais nitong magtamasa ng kaginhawaan, at magsaya sa paglilibang, magumon sa kakuparan at katamaran, at matapos itong mapasaya sa isang tiyak na yugto, kakainin kayo nito sa bandang huli. Na ang ibig sabihin, kung iyo itong pasasayahin sa oras na ito, sa susunod ito ay hihingi pa nang mas marami. Ito ay laging may mga napakaluhong pagnanais at mga bagong hiling, at nagsasamantala sa iyong pagkabuyo sa laman at mas lalo mong pahalagahan ito at mamuhay kasama ng mga ginhawa nito—at kung hindi mo ito madadaig, sa bandang huli maiwawala mo ang inyong sarili. Kung ikaw ay magkakamit ng buhay sa harap ng Diyos, at kung ano man ang iyong magiging sukdulang pagtatapos, ay nakasalalay sa kung paano mo isasagawa ang iyong paghihimagsik laban sa laman. Iniligtas ka ng Diyos, at pinili at ikaw ay itinalaga, ngunit kung ngayon ikaw ay walang kagustuhang pasayahin Siya, ikaw ay walang kagustuhang isabuhay ang katotohanan, ikaw ay walang nais na maghimagsik laban sa iyong laman na may pusong tunay na nagmamahal sa Diyos, sa bandang huli iyong ipapahamak ang iyong sarili, at kaya ikaw ay magtitiis sa sobrang paghihirap. Kung lagi kang nagpapabuyo sa laman, dahan-dahan kang lalamunin ni Satanas sa kalooban, at iiwanan kang walang buhay, o pakiramdam ng Espiritu, hanggang sa dumating ang araw na ikaw ay ganap nang may madilim na kalooban. Kapag ikaw ay namumuhay sa kadiliman, ikaw ay bihag ni Satanas, ikaw ay mawawalan na ng Diyos, at sa panahong iyon iyong pabubulaanan na kilala mo ang Diyos at iiwanan Siya. Kaya, kung nais mong ibigin ang Diyos, dapat mong pagbayaran ang sakit at magtiis sa hirap. Hindi na kailangan ang panlabas na pagkataimtim at paghihirap, higit na pagbasa at dagdag na pagtakbo; sa halip, dapat mong isang-tabi ang mga bagay sa iyong kalooban: ang magarbong pag-iisip, mga personal na interes, at ang iyong sariling mga konsiderasyon, mga paniniwala at layunin. Iyon ang kalooban ng Diyos.

Kidlat ng Silanganan | Siya Ang Ating Diyos


Siya Ang Ating Diyos

Siya lang ang may alam ng ating iniisip. Uri't diwa natin ay talos N'ya, tulad ng palad N'ya. Tanging S'ya ang hukom sa taong tiwali at suwail. Tanging S'ya ang magsasabi't gagawa sa atin sa ngalan ng Diyos. S'ya lang ang nag-aangkin ng kapangyariha't dunong ng Diyos. Tanging S'ya lamang ang nag-aangkin ng dangal ng Diyos. Ang disposisyon ng Diyos at kung ano S'ya at mayro'n S'ya ay ganap na hayag sa buo, sa buo Niyang katawan. S'ya lang ang makapagdadala ng liwanag sa atin. S'ya lang ang makapagtuturo ng tamang daan. S'ya lang maghahayag mga hiwagang di-hayag ng Diyos, Di-hayag ng Diyos mula sa paglikha hanggang ngayon. S'ya lang ang magliligtas sa atin mula kay Satanas, at mula sa tiwali ng ating, ng ating disposisyon. S'ya lang ang magliligtas sa atin mula kay Satanas, at sa tiwaling disposisyon, ng ating disposisyon.

Kidlat ng Silanganan | Ikaw Ba’y Nabuhay?

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos,Kidlat ng Silanganan,Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos

  Kapag nakamit mo na ang pagsasapamuhay ng normal na pagkatao, at nagawa ka nang perpekto, bagaman hindi mo magagawang magsalita ng propesiya, ni anumang misteryo, ang larawan ng isang tao ang ipapamuhay at ibubunyag mo. Nilikha ng Diyos ang tao, pagkatapos ay ginawang masama ni Satanas ang tao, at ginawang mga patay na katawan ng kasamaang ito ang mga tao—kaya, matapos kang magbago, magiging iba ka sa mga patay na katawang ito. Ang mga salita ng Diyos ang nagbibigay buhay sa mga espiritu ng tao at pinangyayari na sila’y ipanganak muli, at kapag ipinanganak muli ang mga espiritu ng tao, sila ay mangangabuhay muli. Ang pagbanggit ng “patay” ay tumutukoy sa mga walang espiritung bangkay, sa mga taong kung saan ang kanilang espiritu ay namatay na. Kapag binigyang buhay ang espiritu ng mga tao, nabubuhay silang muli. Ang mga santo na pinag-usapan noon ay tumutukoy sa mga tao na nabuhay, ang mga nasa ilalim ng impluwensya ni Satanas ngunit dinaig si Satanas. Napagtiisan ng piniling bayan ng Tsina ang malupit at di-makataong pag-uusig at panlilinlang ng malaking pulang dragon, na iniwan silang napinsala ang pag-iisip at walang katiting na lakas ng loob upang mabuhay. Kaya, dapat magsimula ang pagpukaw ng kanilang mga espiritu sa kanilang diwa: Unti-unti, dapat pukawin ang kanilang espiritu sa kanilang diwa. Kapag, isang araw, ay nabuhay na sila, wala nang magiging sagabal pa, at lahat ay magpapatuloy nang maayos. Sa ngayon, nananatili itong hindi makakamtan. Ang pagsasabuhay ng karamihan sa mga tao ay naglalaman nang labis na pakiramdam ng kamatayan, nababalot sila ng aura ng kamatayan, at napakarami nilang kakulangan. May dalang kamatayan ang mga salita ng ilang tao, may dalang kamatayan ang kanilang pagkilos, at kamatayan ang halos lahat ng kanilang pagsasabuhay. Kung magpapatotoo ngayon sa publiko ang mga tao tungkol sa Diyos, ang gawaing ito ay mabibigo kung gayon, dahil kailangan muna silang ganap na mabuhay muli, at masyadong marami ang patay sa gitna ninyo. Ngayon, nagtatanong ang ilang tao kung bakit hindi nagpapakita ng ilang tanda at himala ang Diyos upang mabilis Niyang maipalaganap ang Kanyang gawain sa mga bansang Gentil. Hindi maaaring magpatotoo ang patay tungkol sa Diyos; ang buhay ang maaari, ngunit karamihan sa mga tao ngayon ay patay, masyadong marami sa kanila ang namumuhay sa kulungan ng kamatayan, namumuhay sa ilalim ng impluwensya ni Satanas, at hindi kayang magtagumpay—kaya paano sila makakapagpatotoo tungkol sa Diyos? Paano nila maipapalaganap ang gawain ng ebanghelyo?