Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Balita. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Balita. Ipakita ang lahat ng mga post

Tagalog Christian Skit | "Talaga Bang Nagsisi Ka Na?


Tagalog Christian Skit | "Talaga Bang Nagsisi Ka Na?"


Minsan, si Zhang Ming'en ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia. Maraming taon siyang naniwala sa Panginoon, at sa buong panahong iyon, siya ay nangaral, nagtrabaho, nagdusa, at gumugol para sa Panginoon. Kaya naniwala siya na tunay na siyang nagsisi at nagbago. Ngunit, sa isang halalan sa simbahan, nanood si Zhang Ming'en nang piliin ang iba pang mga kapatid na lalaki’t babae bilang mga pinuno ng simbahan at diyakono, samantalang binigyan siya ng tungkuling maging punong-abala sa mga pulong. Kahit sa tingin ay mukhang tinanggap at sinunod niya ito, ikinalungkot niyang masyado iyon. Nang sabihin ng asawa niya na hindi pa siya taos-pusong nagsisi at nagbago, hindi kumbinsido si Zhang Ming'en, at isang matalinong pagtatalo ang sumunod…. Ano ba talaga ang tunay na pagsisisi at pagbabago? Panoorin ang dula-dulaang Tunay Ka na bang Nagsisi? Para malaman ang mga sagot.

Manood ng higit pa:Buhay Kristiyano

Christian Crosstalk | "Ang Paglabas sa Biblia" (Crosstalk 2019)



Christian Crosstalk | "Ang Paglabas sa Biblia" (Crosstalk 2019)


Nagtatrabaho si Xiang Yang sa isang bahay-iglesia, at gaya ng maraming mga relihiyong mananampalataya, iniisip niyang ang mga salita at gawain ng Diyos ay nasa Biblia, na ang paniniwala sa Panginoon ay nangangahulugang paniniwala sa Biblia, na ang Biblia ang kumakatawan sa Panginoon, at kapag sumusunod siya sa Biblia, makakapasok siya sa kaharian ng langit at magkakamit ng buhay na walang hanggan.

Tagalog Christian Variety Show | "Nangangarap nang Gising" (Maikling Dula 2019)


Li Mingdao is a preacher at a house church. He has believed in the Lord for many years, and has always followed Paul's example, focusing on preaching, work, suffering, and paying a price. He believes that "as long as one labors and works, one can enter the kingdom of heaven, be rewarded, and gain a crown."

Christian Crosstalk "Interogasyon sa Paaralan" | The Proof of CCP's Persecution of Religious Freedom


Inilalarawan ng crosstalk na Interogasyon sa Paaralan ang mga katotohanan kung paano nakikiisa ang CCP sa mga mabababang paaralan at ginagamit ang mga pulis para linlangin, takutin, bantaan, at pinipilit paaminin ang mga mag-aaral para malaman kung naniniwala sa relihiyon ang kanilang mga magulang.

Tagalog Christian Skit | Ang mga "Mabuting" Layunin ng Pastor


Si Yang Xiangming ay isang manggagawa sa isang denominasyon, at nang matiyak niya na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, ginagabayan na niya ang ilan niyang kapatid na bumaling sa Makapangyarihang Diyos. Dahil dito, naligalig ang kanyang pastor, kaya ginagamit ng pastor niya ang katayuan at pera upang tuksuhin siya, at ginagamit din ang kasal ng anak niya upang pagbantaan si Yang Xiangming na talikuran ang tunay na daan.

Si Zhou Zhiyong ay isang Kristiyanong inaresto ng pulisyang CCP dahil sa pangangaral ng ebanghelyo. Pagkaraan ng kalahating buwan ng malupit na pagpapahirap na walang ibinunga ang kanilang interogasyon, bigla siyang pinalaya ng gobyernong CCP.

Tagalog Christian Crosstalk | "Pagmamatyag" | The CCP Uses High Tech to Violate Human Rights




Mula nang magkaro'n ng kapangyarihan ang CCP, palagi na nitong inaatake ang mga sumasalungat at pinahihirapan ang relihiyosong pananampalataya. Para tuluyang makontrol ang mga mamamayan ng Tsina, gumastos ng malaking halaga ang CCP para gumawa ng maraming uri ng surveillance network sa bansa, at naging lubhang matindi ang pagsubaybay sa mga Kristiyano.

Tagalog Christian Skit | "Mga Pakana ng mga Pulis" | The CCP's New Tricks for Persecuting Christians



Para maalis ang mga paniniwala sa relihiyon, madalas magsagawa ang ateistang gobyerno ng CCP ng mga hakbang para bantayan ang mga Kristiyano gaya ng pagmamanman at pagsunod sa kanila sa tangka nitong malinis at maalis ang mga ito.

Tagalog Christian Crosstalk | "Bilangguang Walang Pader" | The CCP's Tracking Service for Christians



Ang crosstalk na Bilangguang Walang Pader ay nagsasalaysay ng kuwento ni Han Mei, nangibang-bansa at nagbalik-tanaw sa mapait niyang karanasan bilang isang Kristianong namumuhay noon sa ateistang Tsina. Si Han Mei ay inaresto ng mga pulis ng CCP dahil sa pangangaral niya ng ebanghelyo, pero kahit matapos siyang palayain, hindi pa rin niya nagawang takasan ang masamang kamay ng pamahalaan ng CCP.

New Gospel Skit "Ang Panginoon ay Kumakatok" | God's Sheep Hear the Voice of God


"Ipinapaliwanag ng munting dula na Ang Panginoon ay Kumakatok kung paanong, sa mga huling araw, ang Panginoon ay kumakatok sa pinto ng ating mga puso gamit ang Kanyang mga salita, at na maririnig ng matatalinong dalaga ang tinig ng Diyos at magpipiging na kasama ng Cordero.

Tagalog Christian Skit | "Pagtitipon sa isang Kamalig" | Why Do Christians Meet in a Cowshed?


Tagalog Christian Skit | "Pagtitipon sa isang Kamalig" | Why Do Christians Meet in a Cowshed?


Sa kasalukuyan, ang pagpapahirap ng ateistang gobyerno ng CCP sa mga Kristiyano ay tumitindi araw-araw. Ang mga mananampalataya ay nahaharap sa mga pagbabawal na isagawa ang kanilang pananalig sa lahat ng oras; ni hindi sila makahanap ng lugar para makapagtipon nang payapa. Dahil wala nang pagpipilian, sa kamalig na lamang ni Liu Xiumin ginanap ang pagtitipon nila ng kanyang mga kapatid.

Tagalog Christian Crosstalk | "Paano ba Talaga Darating ang Panginoon" | Have You Welcomed the Lord?


Sa mga huling araw, lalong umiigting ang pakiramdam ng mga Kristiyanong naghihintay sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, ngunit paano nga ba talaga magbabalik ang Panginoon? Sinasabi ng ilan, "Darating ang Panginoong Jesus kasama ng mga ulap". Sinasabi naman ng iba, "Ang mga propesiyang humuhula sa Kaniyang pagbabalik ay sinasabi ring, "Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw" (Pahayag 16:15).  "Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay, at itakuwil ng lahing ito" (Lucas 17:25).

Maikling Dula | "Baka Nananaginip Tayo" | Can We Enter the Kingdom of Heaven Through Hard Work?




Isang pastor ng relihiyosong mundo na may jacket na gawa sa balat ng tupa, isang mabait at matapat na asawa, at isang tapat na Kristiyanong may pagkaunawa na nagmamahal sa katotohanan ang nagsasama-sama sa isang nakakatawang maikling dula na sumisiyasat sa tanong na, "Makakapasok ba ang isang tao sa kaharian ng langit sa pamamagitan ng pagsisikap?" Mapapaisip ang mga manonood dahil sa kabalintunaang lengguwahe at matalinong debate sa pagitan ng naniniwala at ng pastor…
Higit pang nilalaman: Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Tagalog Christian Video | "Ang Totoong Pagmamahal ng Diyos" | The Judgement of God Saved Me





Upang makagawa ng sarili niyang sulok sa mundong ito, napilitan ang bida na sundin ang mga kalakaran ng mundong ito, abala at nagsisikap nang mabuti para sa katanyagan at katayuan. Napakahungkag at napakasakit ng kanyang buhay. Matapos niyang maniwala sa Makapangyarihang Diyos, natagpuan niya sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang kahulugan ng buhay ng tao at, puno ng kaligayahan, sinundan niya ang Diyos at tinupad ang kanyang mga tungkulin.

Maikling Dula - "Isang Babala Mula sa Kasaysayan" (Tagalog Christian Video)


Maikling Dula - "Isang Babala Mula sa Kasaysayan" (Tagalog Christian Video)


Dalawang libong taon na ang nakakaraan, noong nagpakita at gumawa ang Panginoong Jesus, pinanghawakan ng mga Fariseo ang mga kautusan at kinondena ang Kanyang gawain, sinasabing ang gawain Niya ay labas sa Banal na Kasulatan. Para maprotektahan ang kanilang katayuan at kabuhayan, ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para pigilan ang mga tao sa paghahanap sa gawain ng Panginoong Jesus, at nakipagsanib puwersa sa pamahalaang Romano para ipako Siya sa krus. Sa mga huling araw, sa muling pagpapakita ng Panginoon Jesus sa katawang-tao para isagawa ang Kanyang gawain, inuulit ng mga pinuno sa mundo ng  relihiyon ang makasaysayang trahedya ng paglaban ng mga Fariseo sa Panginoong Jesus. Paano nila nilalabanan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw? Sa pamamagitan ng pagganap ng isang pastor bilang Fariseo sa isang palabas, inihahayag ng dulang ito kung paano pinanghahawakan ng mga makabagong pastor at elder ang Biblia para labanan ang Diyos, at malinaw na ipinapakita na walang pinagkaiba ang landas na tinatahak nila sa landas ng mga Fariseo.

Tagalog Crosstalk "Ang Hiwaga ng Pangalan ng Diyos" | Can the Lord Be Called Jesus When He Returns?


Sa loob ng dalawang libong taon, palaging nagdarasal at nananawagan ang mga Kristiyano sa pangalan ng Panginoong Jesus, nananalig na ang pangalan ng Diyos ay palaging magiging Jesus. Gayunman, ipinropesiya sa Aklat ng Pahayag, kapitulo 3, bersikulo 12, na magkakaroon ng bagong pangalan ang Panginoon pagbalik Niya. Kaya ngayong nagbalik na ang Panginoon sa mga huling araw, matatawag pa rin ba natin siyang Jesus? Anong mga hiwaga ang nasa likod ng pangalan ng Diyos? Ang pagtatanghal na salitaan na may pamagat na "Ang Hiwaga ng Pangalan ng Diyos," ay pinaghahalo ang mga estilo ng pag-awit at pagbigkas para gabayan tayo sa pag-unawa sa kahalagahan kung bakit iba-iba ang pangalan ng Diyos sa iba’t ibang panahon.

Maikling Dula "Ang Pagmamatyag"


Maikling Dula "Ang Pagmamatyag" (Tagalog Dubbed)
Makapangyarihang Diyos, paniniwala,

Si Xu Huilin at ang kanyang asawang si Zhiyong ay mga lider sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tumakas sila mula sa kanilang bayang sinilangan matapos malaman na tinutugis sila ng pamahalaan ng China dahil sa kanilang mga paniniwala. Ang kaisa-isa nilang anak na si Lingling ay nakitira sa lola niya, at umaasa sila sa isa’t isa. Lihim na umuwi si Xu Huilin noong Bisperas ng Bagong Taon para makasama ang kanyang pamilya, pero nagmamatyag na ang mga pulis, sa pag-asang maaresto ang mag-asawa. Doon nagsisimula ang kuwento …

Christian Variety Show | "Bibisita ang Pulis sa Bagong Taon" (Tagalog Skit 2018)

Christian Variety Show | "Bibisita ang Pulis sa Bagong Taon" (Tagalog Skit 2018)


Si Zheng Xinming na may edad nang halos pitumpo, ay isang matapat na Kristiyano. Dahil sa kanyang pananampalataya sa Panginoon, nadetine at nabilanggo siya, at nahatulan ng walong taon. Sa kanyang paglaya, inilista pa rin siya ng pulis na Komunistang Tsino bilang target ng nakatuon na pagmamanman. Partikular, matapos tanggapin ng matanda ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, halow araw-araw na dumarating ang mga pulis para takutin at istorbohin siya. Walang paraan para mabasa ni Zheng Xinming ang salita ng Diyos nang normal sa bahay, at maging ang mga kapamilya niya'y nababalisa rin. Ngayon bisperas ng Bagong Taon at nasa bahay ang matandang nagbabasa ng salita ng Diyos, hindi alam kung ano ang maaaring mangyari …