Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ang Dalawang Pagkakatawang-tao ay Kukumpleto sa Kahalagahan ng Pagkakatawang-tao

Ang Dalawang Pagkakatawang-tao ay Kukumpleto sa Kahalagahan ng Pagkakatawang-tao

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos|  Ang Dalawang Pagkakatawang-tao ay Kukumpleto sa Kahalagahan ng Pagkakatawang-tao


      Bawat yugto ng gawain na ginawa ng Diyos ay mayroong tunay na kahalagahan. Noong dumating si Jesus, Siya ay lalaki, at sa oras na ito Siya ay babae. Mula dito, iyong makikita na nilikha ng Diyos ang parehong lalaki at babae para sa Kanyang gawain at sa Kanya ay walang pagkakaiba ng kasarian. Kapag ang Kanyang Espiritu ay dumating, maaari Siyang mag-anyo ng anumang katawang-tao na naisin at ang katawan ay kumakatawan sa Kanya. Maging ito man ay lalaki o babae, parehong kumakatawan sa Diyos basta’t ito ay ang Kanyang naging taong katawan. Kung si Jesus ay dumating at nagpakita bilang isang babae, sa ibang salita, kung ang batang babae, hindi isang lalaki, na mabubuo ng Banal na Espiritu, ang yugtong iyon ng gawain ay magiging kumpleto pa rin. Kung gayon, ang yugtong ito ng gawain ay dapat matapos sa halip ng isang lalaki at ang gawain ay samakatwid makukumpleto pa rin. Ang gawain na tinupad sa parehong mga yugto ay mahalaga; walang gawain ang inulit o magkakasalungat sa bawat-isa. Sa oras ng Kanyang gawain, si Jesus ay tinawag na ang tanging Anak na Lalaki, na nagpapahiwatig ng kasarian ng lalaki. Sa gayon bakit ang tanging Anak na Lalaki ay hindi nabanggit sa yugtong ito? Ito ay dahil sa ang mga pangangailangan ng gawain ay nangailangan ng pagbabago sa kasarian na kakaiba mula doon kay Jesus. Sa Diyos ay walang pagkakaiba sa kasarian. Ang Kanyang gawain ay natupad ayon sa Kanyang mga pag-nanais at hindi sakop ng kahit anumang mga pagbabawal, lubusang malaya, ngunit ang bawat yugto ay mayroong tunay na kahulugan. Ang Diyos ay dalawang beses nagkatawang-tao, at ito ay nangyayari na walang sinasabi na ang Kanyang pagkakatawang-tao sa mga huling araw ay ang huling pagkakataon. Siya ay dumating upang ibunyag ang lahat ng Kanyang mga gawain. Kung sa yugtong ito ay hindi Siya naging tao upang personal na gumawa upang masaksihan ng tao, ang tao ay magpakailanmang mananatili sa paniwala na ang Diyos ay lalaki lamang, hindi babae. Bago ito, ang lahat ay naniwala na ang Diyos ay maaaring lalaki lamang at ang babae ay hindi maaaring matawag na Diyos, sapagkat ipinagpalagay ng lahat na ang lalaki ay mayroong awtoridad sa babae. Naniniwala sila na walang babae ang maaaring magkaroon ng awtoridad, kundi lalaki lamang. Sinabi rin nila na ang pinuno ng babae ay lalaki at na ang babae ay dapat sumunod sa lalaki at hindi niya maaaring malampasan. Noong ito ay sinambit sa nakaaran na ang lalaki ay ang pinuno ng babae, ito ay sinabi hinggil kay Adan at Eba na nilinlang ng ahas, at hindi sa lalaki at babae na nilikha ni Jehovah sa simula. Syempre, ang babae ay dapat na sumunod at mahalin ang kanyang asawa, kagaya ng isang lalaki na dapat matuto na suportahan ang kanyang pamilya. Ito ang mga batas at mga kautusan na itinakda ni Jehovah kung saan ay dapat sundin ng sangkatauhan sa kanilang mga buhay sa mundo. Sinabi ni Jehovah sa babae, “at sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban, at siya’y papapanginoon sa iyo.” Ito ay sinabi lamang upang ang sangkatauhan (iyon ay, kapwa babae at lalaki) ay maaaring mamuhay ng karaniwang pamumuhay sa ilalim ng dominyon ni Jehovah, upang ang mga buhay ng sangkatauhan ay magkaroon ng balangkas at hindi mawala ang kaayusan. Sa gayon, si Jehovah ay gumawa ng mga karampatang alituntunin kung paano ang lalaki at babae ay dapat kumilos, ngunit ang mga ito ay nakatukoy lamang sa lahat ng mga nilikhang namumuhay sa mundo at hindi sa Diyos na nagkatawang-tao. Paano magiging kapareho ng Diyos ang Kanyang nilikha? Ang Kanyang mga salita ay para lamang sa sangkatauhan na Kanyang nilikha; ang mga ito ay alituntunin na itinakda para sa lalaki at babae upang ang sangkatauhan ay maaaring mamuhay ng karaniwang buhay. Noong simula, nang nilikha ni Jehovah ang sangkatauhan, ginawa Niya ang parehong babae at lalaki; sa gayon, ang Kanyang katawan na naging tao ay naiiba rin sa kahit alin sa lalaki o babae. Hindi Siya nagpasiya ng Kanyang gawain batay sa mga salitang winika Niya kina Adan at Eba. Ang dalawang beses Niyang pagkakatawang-tao ay ganap na itinakda ayon sa Kanyang kaisipan noong una Niyang nilikha ang sangkatauhan. Iyon ay, ganap Niyang naisagawa ang trabaho ng Kanyang dalawang pagkakatawang-tao ayon sa lalaki at babae na hindi nadungisan ng kasalanan. Kung isasagawa ng tao ang mga salitang sinabi ni Jehovah kay Adan at Eba na nalinlang ng ahas sa gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos, hindi rin ba dapat mahalin ni Jesus ang Kanyang asawa sa paraan na Kanyang kinakailangan? Ang Diyos ba ay Diyos parin samakatwid? Kung gayon, magagawa ba Niyang kumpletuhin ang Kanyang gawain? Kung mali na ang nagkatawang-tao ng Diyos ay maging babae, hindi rin ba ito malaking kamalian na nilikha ng Diyos ang babae? Kung ang lalaki ay naniniwala parin na ang Diyos na nagkatawang-tao bilang babae ay kamalian, hindi ba ang pagkakatawang-tao ni Jesus, na hindi nag-asawa at sa gayon hindi maaaring mahalin ang Kanyang asawa, ay maging higit na kamalian bilang kasalukuyang pagkakatawang-tao? Yamang iyong ginagamit ang mga salita na sinambit ni Jehovah kay Eba upang masukat ang katotohanan ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa araw na ito, dapat mong gamitin ang mga salita ni Jehovah kay Adan upang hatulan ang Panginoong Jesus na nagkatawang-tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Hindi ba magkapareho ang dalawang ito? Yamang iyong hinatulan ang Panginoong Jesus sa pamamagitan ng lalaki na hindi nalinlang ng ahas, hindi mo maaaring hatulan ang katotohanan ng pagkakatawang-tao sa araw na ito sa pamamagitan ng babae na siyang nalinlang ng ahas. Iyon ay hindi patas! Kung gagawa ka ng ganoong paghatol, sa gayon ito ay patunay ng iyong kakulangan ng pagkamakatuwiran. Nang si Jehovah ay dalawang beses na nagkatawang-tao, ang kasarian ng Kanyang katawang-tao ay kaugnay sa lalaki at babae na hindi nalinlang ng ahas. Dalawang beses Siyang naging tao na ayon sa lalaki at babae na hindi nalinlang ng ahas. Huwag isipin na ang pagkalalaki ni Jesus ay katulad kay Adan na siyang nalinlang ng ahas. Siya ay lubos na walang kaugnayan sa kanya, at sila ay dalawang lalaki na iba ang mga katangian. Tiyak na hindi maaari na ang pagiging lalaki ni Jesus ay patunay na Siya lamang ang pinuno ng lahat ng mga kababaihan ngunit hindi ng lahat ng kalalakihan? Hindi ba Siya ang Hari ng lahat ng mga Hudyo (kasama ng kapwa mga lalaki at mga babae)? Siya ay ang Diyos Mismo, hindi lamang pinuno ng babae ngunit ang pinuno rin ng lalaki. Siya ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang at ang pinuno ng lahat ng mga nilalang. Paano mo natitiyak na ang pagkalalaki ni Jesus ay magiging simbolo ng pinuno ng babae? Hindi ba ito kalapastanganan? Si Jesus ay lalaki na hindi nadungisan. Siya ay Diyos; Siya ay si Kristo; Siya ang Panginoon. Paano Siya magiging lalaking tulad ni Adan na naging tiwali? Si Jesus ay ang katawang-tao na ginamit nang pinaka-banal na Espiritu ng Diyos. Paano mo masasabi na Siya ay isang Diyos na nagtataglay ng pagkalalaki ni Adan? Kung gayon hindi ba lahat ng gawa ng Diyos ay kamalian? Maaari bang isama ni Jehovah kay Jesus ang pagkalalaki ni Adan na siyang nalinlang? Hindi ba ang kasalukuyang pagkakatawang-tao ay iba pang gawain ng Diyos nagkatawang-tao na iba sa kasarian ni Jesus ngunit kapareho sa kalikasan? Ikaw pa rin ba ay may lakas ng loob na sasabihin na ang nagkatawang-taong Diyos ay hindi maaaring babae yamang ang babae ang unang nalinlang ng ahas? Ikaw pa rin ba ay may lakas ng loob na sabihin na ang babae ay ang pinaka-marumi at pinanggalingan ng katiwalian ng sangkatauhan, marahil ang Diyos ay hindi maaaring maging tao bilang babae? Ikaw pa rin ba ay may lakas ng loob na sabihin na “ang babae ay dapat laging sumunod sa lalaki at hindi kailanman magpakilala o direktang kumatawan sa Diyos”? Hindi mo naintindihan noong nakaraan; maaari mo pa rin bang lapastanganin ang gawain ng Diyos, lalo na ang katawan ng naging taong Diyos? Kung hindi mo ito nakikita nang malinaw, mabuting isipin ang iyong pananalita, upang ang iyong kahangalan at kamangmangan ay hindi maibunyag at ang iyong kapangitan ay mailantad. Huwag isipin na iyong naintindihan ang lahat. Sinasabi Ko sa iyo na ang lahat ng iyong nakita at naranasan ay kulang upang maunawaan ang kahit isa-sa-isang-libo ng Aking plano sa pamamahala. Kaya’t bakit ikaw ay masyadong mapagmataas? Ang iyong hamak na kapirasong talento at kaunting kaalaman ay kulang upang magamit kahit man lang sa isang segundo ng gawain ni Jesus! Gaano karaming karanasan ang tunay na mayroon kayo? Ang lahat ng iyong nakita at lahat ng iyong narinig sa iyong buong buhay at kung ano ang inyong mga naisip ay mas kaunti kaysa sa Aking ginagawa sa isang sandali! Mas mabuting huwag kang maghiniksik at maghanap ng kamalian. Hindi alintana kung gaano ka mapanghamak, ikaw parin ay isang nilalang na mas mababa kaysa sa langgam! Lahat ng nasa loob ng iyong tiyan ay mas mababa kaysa sa loob ng tiyan ng langgam! Huwag mong isipin na dahil marami kang naging karanasan at naging mas nakatatanda, maaari ka na magsalita at kumilos nang may hindi mapigil na kayabangan. Hindi ba ang iyong mga karanasan at iyong pagiging nakatatanda ay bunga ng mga salita na Aking winika? Naniniwala ka ba na ang mga ito ay nakakamit sa pamamagitan ng iyong pagtatrabaho at paghihirap? Ngayong araw, makikita mo ang Aking pagkakatawang-tao, at bilang resulta ikaw ay mayroong mga mayamang pagkaintindi, kung saan nagmula di-mabilang na mga paniniwala. Kung hindi dahil sa Aking pagkakatawang-tao, kahit na gaano kagila-gilalas ang iyong mga talento, hindi ka magkakaroon ng maraming pagkaintindi. Hindi ba dito nagmula ang iyong mga paniwala? Kung hindi sa unang pagkakataon na nagkatawang-tao si Jesus, ano ang iyong malalaman sa pagkakatawang-tao? Hindi ba ito dahil sa iyong kaalaman ng unang pagkakatawang-tao kaya ikaw ay naglakas-loob na mangahas na hatulan ang pangalawang pagkakatawang-tao? Bakit kailangan mo itong kilatisin sa halip na maging masunuring tagasunod? Kayo ay pumasok sa daloy na ito at humarap sa nagkatawang-taong Diyos. Paanong ikaw ay pahihintulutang mag-aral? Mainam para sa iyo na pag-aralan ang kasaysayan ng iyong sariling pamilya, ngunit kung iyong pag-aaralan ang “kasaysayan ng pamilya” ng Diyos, paano ka pahihintulutan ng Diyos ngayon na gawin ito? Hindi ka ba bulag? Hindi ka ba nagdadala ng pahamak sa iyong sarili?


       Kung ang gawain lamang ni Jesus ay natupad nang hindi tumutulong sa yugtong ito sa mga huling araw, sa gayon maaaring magpakailanman manatiling isipin ng tao na si Jesus lamang ay ang tanging Anak ng Diyos, iyon ay, ang Diyos ay mayroong isang anak lamang, at ang sinumang lalabas matapos na may ibang pangalan ay hindi ang tanging Anak ng Diyos, hindi lalung Diyos Mismo. Mayroong paniwala ang tao na Siya na nagsisilbi bilang alay sa kasalanan o siyang gumampan ng kapangyarihan ng Diyos at tumutubos sa lahat ng sangkatauhan ay ang tanging Anak ng Diyos. Mayroong iilang naniniwala na hangga’t lalaki Siyang dumating, Siya ay maaaring ituring na tanging Anak ng Diyos at isang kumakatawan sa Diyos. At mayroon ding nagsasabi na si Jesus ay Anak ni Jehovah, Kanyang tanging Anak. Hindi ba ito seryosong paniwala ng tao? Kung ang yugtong ito ng gawain ay hindi natupad sa huling panahon, sa gayon ang lahat ng sangkatauhan ay mababalot sa anino pagdating sa Diyos. Kung ganon, iisipin ng lalaki na ang sarili niya ay may mataas na estado kaysa sa babae, at ang babae ay hindi kailanman magagawang itingala ang kanilang mga ulo. Sa ganoong panahon, walang babae ang makatatanggap ng kaligtasan. Laging pinaniniwalaan ng mga tao na ang Diyos ay lalaki, at lagi Niyang kinasusuklaman ang babae at hindi bibigyan ang babae ng kaligtasan. Kung ganoon, samakatwid hindi totoo na ang lahat ng mga babae na nilikha ni Jehovah at nadungisan ay hindi kailanman magkakaroon ng pagkakataon mailigtas? Sa gayon hindi ba walang kabuluhan na likhain ni Jehovah ang babae, iyon ay, likhain si Eba? At hindi ba mawawala ang babae sa kawalang-hanggan? Sa gayon, ang yugtong ito ng gawain sa mga huling araw ay upang iligtas ang lahat ng sangkatauhan, hindi lamang ang kababaihan ngunit lahat ng sangkatauhan. Ang gawaing ito ay para sa lahat ng sangkatauhan, hindi lamang para sa babae. Kung sinuman ang nag-iisip ng iba, samakatwid sila ay mas lalong hangal!
         Ang gawain sa kasalukuyan ay tinulak pasulong ang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya; iyon ay, sumulong ang gawain sa buong anim-na-libong-taon ng plano ng pamamahala. Kahit na natapos ang Kapanahunan ng Biyaya, ang gawain ng Diyos ay tuluyang itinataguyod. Bakit ko paulit-ulit na sinasabi na ang yugtong ito ng gawa ay binubuo sa Kapanahunan ng Biyaya at Kapanahunan ng Kautusan? Ito ay nangangahulugang ang gawa sa ngayon ay ang pagpapatuloy ng gawa na tinupad sa Kapanahunan ng Biyaya at pagpapaunlad ng mga ginawa sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang tatlong yugto ay malapit na magkakaugnay at magkarugtong sa isa’t isa. Bakit ko sinasabi na ang yugtong itong gawain ay bumubuo sa ginawa ni Jesus? Kung ang yugtong ito ay hindi nabuo sa gawain na tinupad ni Jesus, sa gayon sa yugtong ito ng pagpapako sa krus, ang gawain ng pagtubos na ginawa sa nakaraan, ay kailangan pa rin ipatupad. Ito ay magiging walang halaga. Samakatwid, hindi naman sa ang gawain ay ganap nang natapos, kundi ang kapanahunang iyon ay sumulong, at ang gawain ay naging mas mataas kaysa sa dati. Maaaring sabihin na ang yugtong ito ng gawain ay binuo sa pundasyon ng Kapanahunan ng Kautusan at ang bato ng gawain ni Jesus. Ang gawain ay binuo yugto kada yugto, at ang yugtong ito ay hindi isang bagong simulain. Tanging ang kombinasyon ng tatlong yugto ang maituturing na anim-na-libong-taon na plano sa pamamahala. Ang yugtong ito ay ginawa ayon sa pundasyon ng gawain ng Kapanahunan ng Biyaya. Kung ang dalawang yugto ng gawaing ito ay hindi magkaugnay, bakit walang pagpapako sa krus sa yugtong ito? Bakit hindi Ko dinadala ang mga kasalanan ng tao? Ako ay hindi naparito sa pamamagitan ng paglilihi ng Banal na Espiritu ni hindi rin Ako ipapako sa krus upang pasanin ang mga kasalanan ng tao. Sa halip, Ako ay naririto upang direktang kastiguhin ang tao. Kung hindi Ko kakastiguhin ang tao matapos ang pagpapako sa krus, at ngayon hindi Ako naparito sa pamamagitan ng paglilihi ng Banal na Espiritu, sa gayon hindi Ako karapat-dapat na magkastigo sa tao. Ito ay tiyak dahil sa Ako ay kaisa ni Jesus na Ako ay dumating upang direktang kastiguhin at hatulan ang tao. Ang yugtong itong gawain ay ganap na dagdag sa nakaraang yugto. Ito ang dahilan kung bakit ang ganitong gawain lamang ang maaaring magdala sa tao ng kaligtasan yugto kada yugto. Si Jesus at Ako ay mula sa parehong Espiritu. Kahit na ang Aming mga katawan ay walang kaugnayan, ang Aming mga Espiritu ay iisa; kahit na ang Aming ginagawa at ang gawain na Aming pinapasan ay hindi pareho, Kami ay magkapareho sa kakanyahan; ang Aming mga katawan ay magkaibang hitsura, at ito ay dahil sa pagbabago sa kapanahunan at pangangailangan ng Aming gawain; ang Aming mga ministeryo ay hindi pareho, kaya ang Aming gawain na pinapasan at disposisyon na Aming ibinubunyag sa tao ay magkaiba rin. Iyon ang dahilan kung bakit ang nakikita at natatanggap ng tao sa kasalukuyan ay kakaiba sa nakaraan; ito ay dahil sa pagbabago ng kapanahunan. Kahit na ang kasarian at anyo ng Kanilang mga katawan ay magkaiba, at kahit na Sila ay hindi ipinanganak mula sa parehong pamilya, mas lalong hindi sa parehong kapanahunan, ang Kanilang mga Espiritu ay iisa. Kahit na ang Kanilang mga katawan ay hindi magka-dugo o walang anumang relasyong pisikal, hindi nito maipagkakaila na Sila ay ang mga katawan ng naging taong Diyos sa dalawang magkaibang kapanahunan. Ito ay hindi maitatangging katotohanan na Sila ay mga katawan ng naging taong Diyos, kahit na hindi Sila mula sa parehong angkan o isang karaniwang wika ng tao (isa ay lalaki na nagsalita sa wika ng mga Hudyo at ang isa ay babae na nagsasalita lamang ng wikang Tsino). Dahil sa mga kadahilanang ito kaya ginawa Nila ang gawain na Kanilang kailangan sa iba’t-ibang mga bansa, at ganoon din sa iba’t-ibang kapanahunan. Sa kabila ng katotohanan na Sila ay parehong Espiritu, nagmamay-ari ng parehong kakanyahan, walang ganap na pagkakaparehong anuman sa pagitan ng Kanilang mga panlabas na anyo ng Kanilang mga katawan. Pinagsasaluhan lamang Nila ang pagiging parehong tao, ngunit sa hitsura at sa kapanganakan ng Kanilang mga katawan ay hindi pareho. Ang mga ito ay walang epekto sa Kanilang sariling mga gawain o sa kaalaman ng mga tao tungkol sa Kanila, kaya, sa kabila ng lahat, Sila ay parehong Espiritu at walang makapaghihiwalay sa Kanila. Kahit na Sila ay hindi magkaugnay sa dugo, ang Kanilang buong katauhan ay pinapatnubayan ng Kanilang mga Espiritu, upang Kanilang maisaganap ang iba’t-ibang gawain sa iba’t-ibang kapanahunan, na ang Kanilang mga laman ay hindi nakikibahagi sa isang angkan. Gayon din, ang Espiritu ni Jehovah ay hindi ama ng Espiritu ni Jesus, tulad ng Espiritu ni Jesus ay hindi anak ng Espiritu ni Jehovah. Sila ay iisang Espiritu. Katulad ng nagkatawang-taong Diyos sa kasalukuyan at si Jesus. Kahit na hindi Sila magkaugnay sa dugo, Sila ay iisa; ito ay dahil sa ang Kanilang mga Espiritu ay iisa. Maaari Niyang gawin ang gawain ng awa at mapagkandiling pagmamahal, gayon din ang makatwirang paghatol at pagkastigo sa tao, at ang paghahatid ng mga sumpa sa tao. Sa katapusan, maaari Niyang gawin ang gawain ng pagwawasak sa mundo at pagpaparusa sa masasama. Hindi ba Niya Mismo ginagawa itong lahat? Hindi ba ito ang pagka-makapangyarihan sa lahat ng Diyos? Maaari Siyang parehong magtakda ng mga batas para sa tao at magbigay ng mga utos, at maaari ding pamunuan ang mga sinaunang Israelita upang mamuhay sa mundo at gabayan sila upang magtayo ng templo at mga altar, naghahari sa lahat ng mga Israelita. Dahil sa Kanyang awtoridad, Siya ay nanirahan sa mundo kasama silang dalawang libong taon. Hindi nangahas ang mga Israelita na maghimagsik; ang lahat ay sumamba kay Jehovah at sumunod sa mga utos. Ang gawaing ito ay natupad dahil sa Kanyang awtoridad at sa Kanyang pagka-makapangyarihan sa lahat. Sa Kapanahunan ng Biyaya, dumating si Jesus upang tubusin ang buong nagkasalang sangkatauhan (hindi lamang ang mga Israelita). Ipinakita Niya ang awa at mapagkandiling pagmamahal sa tao. Ang Jesus na nakita ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya ay puno ng mapagkandiling pagmamahal at laging mapagmahal, dahil Siya ay dumating upang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Maaari Niyang patawarin ang tao sa kanilang mga kasalanan hanggang sa Kanyang pagpapako sa krus na tunay na nagligtas sa sangkatauhan mula sa kasalanan. Sa panahong iyon, nagpakita ang Diyos sa tao ng awa at mapagkandiling pagmamahal; iyon ay, Siya ay naging alay sa kasalanan para sa tao at ipinako sa krus para sa mga kasalanan ng tao upang sila ay mapatawad magpakailanman. Siya ay maawain, mahabagin, walang-maliw at mapagmahal. At ang lahat ng sumunod kay Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ay naghangad din na maging walang-maliw at mapagmahal sa lahat ng mga bagay. Kanilang tiniis ang lahat ng paghihirap, at hindi kailanman lumaban kahit pa bugbugin, sumpain o batuhin. Ngunit hindi ganoon sa huling yugtong ito, katulad kung paanong magkaiba ang gawain ni Jesus at Jehovah kahit na ang Kanilang Espiritu ay iisa. Ang gawain ni Jehovah ay hindi upang dalahin ang kapanahunan sa isang katapusan ngunit upang pamunuan ito at magpahayag sa buhay ng sangkatauhan sa mundo. Gayunman, ang gawain ngayon ay upang lupigin ang mga taong lubhang nabahiran ng kasamaan sa mga bansa ng Gentil at upang pamunuan hindi lamang ang pamilya ng Tsina ngunit ang buong sansinukob. Nakikita mo ang gawaing ito ay ginagawa ngayon lamang sa Tsina, ngunit ang katotohanan ay nagsimula na itong lumaganap sa ibang bansa. Bakit ang mga dayuhan ay paulit-ulit na naghahanap ng totoong landas? Iyon ay dahil ang Espiritu ay nagsimula na sa Kanyang gawain, at ang mga salita ngayon ay nakadirekta sa lahat ng mga tao sa buong sansinukob. Ito ay kalahati na ng gawain. Ang Espiritu ng Diyos ay gumawa na ng dakilang gawain simula ng likhain ang mundo; Siya ay gumawa ng iba’t-ibang gawain sa ibayong iba’t-ibang kapanahunan, at sa iba’t-ibang mga bansa. Ang mga tao sa bawat kapanahunan ay nakita ang Kanyang iba’t-ibang disposisyon, na karaniwang naihayag sa pamamagitan ng iba’t-ibang gawain na Kanyang ginagawa. Siya ay Diyos, puno ng awa at mapagkandiling pagmamahal; Siya ang alay sa kasalanan ng tao at ang pastol ng tao, gayon pa man Siya din ang paghahatol, pagkastigo, at ang sumpa sa tao. Maaari Niyang pamunuan ang tao upang mabuhay sa mundo ng dalawang libong taon at tubusin din ang tiwaling sangkatauhan mula sa kasalanan. At sa araw na ito, magagawa rin Niya na lupigin ang sangkatauhang hindi Siya kilala at sakupin sila sa ilalim ng Kanyang dominyon, sa gayon ang lahat ay ganap na susunod sa Kanya. Sa katapusan, Kanyang susunugin papalayo ang lahat ng madumi at hindi matuwid na mga tao sa buong sansinukob, upang ipakita sa kanila na hindi lamang Siya Diyos ng awa, mapagkandiling pagmamahal, karunungan, himala at kabanalan, ngunit higit pa, Siya ay Diyos na humahatol sa tao. Sa mga masasama sa lahat ng sangkatauhan, Siya ay nag-aalab, paghahatol at kaparusahan; sa mga gagawing perpekto, Siya ay pagdurusa, pagpipino, at pagsubok, pati rin kaginhawahan, pagkabuhay, nagtutustos na mga salita, pakikitungo at pagpupungos. At sa mga inalis, Siya ay kaparusahan, pati rin paghihiganti. Sabihin ninyo sa akin, hindi ba makapangyarihan sa lahat ang Diyos? Kaya Niyang gawin lahat ng gawain, hindi lamang ang pagpapako sa krus na iyong naisip. Masyadong mababa ang iniisip mo sa Diyos! Ikaw ba ay naniniwala na ang lahat ay darating sa katapusan matapos ng pagtubos sa lahat ng sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang pagpapapako sa krus? At na, matapos ito, ikaw ba ay susunod sa Kanya sa langit at pagkatapos kakain ng prutas mula sa puno ng buhay at iinom mula sa ilog ng buhay? ... Ganoon ba ito kasimple? Sabihin ninyo sa Akin, ano ang iyong natupad? Mayroon ka bang buhay ni Jesus? Kayo ay talagang natubos Niya, ngunit ang pagpapako sa krus ay gawain ni Jesus Mismo. Ano ang tungkulin na iyong natupad bilang isang tao? Ikaw ay mayroon lamang na panlabas na kabanalan ngunit hindi nauunawaan ang Kanyang paraan. Ganon ba ang iyong pagkilala sa Kanya? Kung hindi mo pa natatanggap ang buhay ng Diyos o nakikita ang kabuuan ng Kanyang matuwid na disposisyon, sa gayon hindi mo maaaring sabihin na ikaw ay isang may buhay, at ikaw ay hindi karapat-dapat na pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit.
       Hindi lamang Espiritu ang Diyos ngunit maaari rin Siyang maging tao; higit pa, Siya ay katawan ng kaluwalhatian. Si Jesus, bagaman hindi pa ninyo Siya nakikita, nasaksihan na ng mga Israelita, iyon ay, ang mga Hudyo ng kapanahunang iyon. Siya ay katawang-tao sa una, ngunit matapos na Siya ay ipako sa krus, Siya ay naging katawan ng kaluwalhatian. Siya ay walang-hanggan na Espiritu at maaaring gumawa ng gawain sa lahat ng mga lugar. Siya ay maaaring si Jehovah, si Jesus at ang Mesias; sa katapusan, Siya ay maaaring maging Makapangyarihang Diyos. Siya ay katuwiran, paghahatol, at pagkastigo, ang sumpa at ang galit, ngunit awa at mapagkandiling pagmamahal. Lahat ng gawain na Kanyang ginawa ay maaaring kumatawan sa Kanya. Anong kaugalian ng Diyos ang masasabi mo na mayroon Siya? Simpleng hindi mo magagawang ipaliwanag at masasabi lamang na, “hindi ko maipaliwanag kung ano ang kaugalian ng Diyos na mayroon Siya.” Huwag gumawa ng konklusyon na ang Diyos ay magpakailanmang Diyos ng awa at mapagkandiling pagmamahal, dahil lamang sa ginawa ng Diyos ang gawain ng pagtubos sa isang yugto. Maaari ka bang makatiyak na Siya lamang ang ganoong Diyos? Kung Siya ay maawain at mapagmahal na Diyos, bakit Niya dadalhin ang kapanahunan sa isang katapusan sa mga huling araw? Bakit Siya magpapadala ng napakaraming sakuna? Kung iyon nga ay tulad ng iyong iniisip, na Siya ay maawain at mapagmahal sa tao hanggang sa katapusan, kahit sa huling kapanahunan, bakit Siya samakatwid magpapadala ng mga kapahamakan mula sa mga kalangitan? Kung minamahal Niya ang tao katulad ng Sarili Niya at bilang Kanyang tanging Anak, bakit Siya magpapadala ng mga salot at nagyeyelong ulan mula sa mga kalangitan? Bakit Niya hinahayaang magdusa ang tao mula sa pagkagutom at salot? Bakit Niya hinahayaan pagdusahan ng mga tao ang mga kapahamakang ito? Wala sa inyo ang naglalakas-loob na magsabi kung ano ang kaugalian ng Diyos na mayroon Siya, at walang makapagpapaliwanag. Maaari mo bang matiyak na Siya ang Espiritu? Maglalakas-loob ka bang magsasabi na Siya ang katawan ni Jesus? At maglalakas-loob ka bang magsasabi na Siya ang Diyos na magpakailanmang ipapako sa krus para sa tao?
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Rekomendasyon:
1.   Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
2.   Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos