Kidlat ng Silanganan| Ang Kahulugan ng Tunay na Tao
Ang pamamahala sa tao ay Aking tungkulin, at ang pagsakop Ko sa kanya ay mas lalo pang nakatalaga mula noong Aking nilikha ang mundo. Hindi alam ng mga tao na sila ay lubusan Kong lulupigin sa mga huling araw, hindi rin nila alam na ang katibayan sa aking pagdaig kay Satanas ay ang paglupig sa mga suwail na kaanib ng sangkatauhan. Ngunit naiparating Ko na sa Aking katunggali nang ito ay nakipagbuno sa Akin na Ako ang magiging manlulupig ng mga taong kinuha ni Satanas at matagal nang naging kanyang mga anak, at ang kanyang mga tapat na mga lingkod na nagbabantay sa kanyang tahanan. Ang orihinal kahulugan ng lupigin ay paggapi, manghiya. Ayon sa mga tao ng Israel, ito ay ang ganap na pagtalo, pagwasak, at pagkawala ng kakayahan pang lumaban sa Akin. Ngunit ngayon gaya ng gamit ninyong mga tao, ang kahulugan nito ay ang manlupig. Dapat ninyong malaman na ang Aking layunin ay ang ganap na mabura at mapulbos ang masama sa sangkatauhan, upang ito ay hindi na maaaring maghimagsik laban sa Akin, o magkaroon pa ng hininga para antalain o abalahin ang Aking gawain. Sa gayon, kung ang mga tao ang tatanungin, ang ibig sabihin nito ay panlulupig. Anuman ang maging kahulugan ng salitang ito, ang Aking tungkulin ay ang talunin ang sangkatauhan. Tunay ngang ang sangkatauhan ay karugtong ng Aking pamamahala, ngunit upang mas maging tumpak, ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang Aking kaaway. Ang sangkatauhan ay ang masama na lumalaban at sumusuway sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang mga supling ng masama na Aking isinumpa. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang mga inapo ng arkanghel na nagkanulo sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang mga nagmana sa diablo na Akin nang kinamuhian at tinanggihan at kumalaban sa Akin. Ang kalangitan sa ibabaw ng buong sangkatauhan ay madilim at mapanglaw, wala ni isang kislap ng kaliwanagan. Ang mundo ng mga tao ay nasa matinding karimlan, at kapag nanirahan sa loob nito ang sinuman ay hindi man lang niya makikita ang kanyang sariling kamay kapag ito ay iniunat niya sa kanyang harapan at hindi niya makikita ang araw sa kanyang pagtingala. Ang daan sa ilalim ng kanyang mga paa ay maputik at puno ng mga butas, at ito ay paliku-liko at paikot-ikot; ang buong lupain ay nakakalatan ng mga bangkay. Ang mga sulok sa dilim ay puno ng mga labi ng mga patay. Ang mga malalamig at madidilim na mga sulok ay puno ng mga kawan ng mga demonyo na doon ay naninirahan. Sa buong sangkatauhan ang mga kawan ng mga demonyo ang dumarating at umaalis. Ang supling ng napakaraming halimaw na natatakpan ng dumi ay sama-samang nakikipaglaban sa isang marahas na pakikipagbuno, ang tunog nito ay nakapagpapakilabot sa puso. Sa gayong mga pagkakataon, sa ganoong mundo, at sa gayong “makamundong paraiso”, saan makahahanap ang sinuman ng kaligayahan sa buhay? Saan pupunta ang sinuman upang mahanap ang kanyang hantungan sa buhay? Ang sangkatauhan, na noon pa man ay nayurakan na sa ilalim ng mga paa ni Satanas, ay kumikilos nang naaayon sa anyo ni Satanas—naging mismong larawan pa nito. Sila ang katibayan ng pagiging “malakas at malinaw na saksi,” ni Satanas. Ang gayong sangkatauhan, ang gayong mga latak, o ang gayong mga supling nitong tiwaling pamilya ng tao, paano sila makapagpapatotoo sa Diyos? Saan manggagaling ang Aking kaluwalhatian? Nasaan ang Aking saksi? Ang kaaway na naninindigan laban sa Akin at ginagawang tiwali ang sanagkatauhan ay naparumi na ang sangkatauhan, ang Aking likha, nag-uumapaw sa Aking kaluwalhatian at Aking pagsasabuhay. Ninakaw nito ang Aking kaluwalhatian, at ang ipinuno nito sa tao ay walang iba kundi lason na nahahaluang maigi ng kapangitan ni Satanas at ang katas mula sa bunga ng puno ng pagkaalam ng mabuti at masama. Sa simula, Aking nilkha ang sangkatauhan, samakatuwid, Aking nilikha ang ninuno ng sangkatauhan, si Adan. Siya ay tunay at may hugis, puno ng buhay, puno ng sigla, at higit sa lahat, taglay ang pakikisama ng Aking kaluwalhatian. Iyon ay ang maluwalhating araw nang Aking lalangin ang tao. Sumunod doon, si Eba ay ginawa mula sa katawan ni Adan, ninuno din ng tao, kaya ang mga tao na Aking nilikha ay napuno ng Aking hininga at puspos ng Aking kaluwalhatian. Si Adan ay orihinal na gawa ng Aking kamay at siyang kumakatawan sa Aking kaanyuan. Kaya ang orihinal na kahulugan ng “Adan” ay ang Aking nilikha na puspos ng Aking sigla, puspos ng Aking kaluwalhatian, tunay at nasa mabuting anyo, mayroong kaluluwa at hininga. Siya ang tanging nilikha na pinagkalooban ng espiritu na maaaring kumatawan sa Akin, magtaglay ng Aking anyo, at tumanggap ng Aking hininga. Sa simula, si Eba ay ang pangalawang tao na pinakalooban ng hininga na aking ipinasiyang likhain, kaya ang orihinal na kahulugan ng “Eba” ay maging nilikha na magpapatuloy ng Aking kaluwalhatian, puno ng Aking sigla, at higit sa lahat ay mapagkalooban ng Aking kaluwalhatian. Si Eba ay nagmula kay Adan, kaya siya rin ay Aking kalarawan, dahil siya ang pangalawang tao na nilikha mula sa Aking sariling anyo. Ang orihinal na kahulugan ng “Eba” ay maging isang buhay na tao, nabigyan ng espiritu, nabubuhay na laman at buto, bilang Aking ikalawang patotoo at bilang Aking ikalawang anyo sa sangkatauhan. Sila ay mga ninuno ng sangkatauhan, ang kanyang dalisay at pinakamamahal na kayamanan, at orihinal na buhay na nilalang na may espiritu. Gayunman tinapakan at dinambong ng masama ang supling ng mga ninuno ng sangkatauhan, ikinulong ang mundo ng mga tao sa lubos na kadiliman, upang ang mga supling na ito ay hindi na naniniwala sa Aking pag-iral. At ang mas kasuklam-suklam ay sa parehong pagkakataon nang ginagawang tiwali at tinatapakan ng masama ang mga tao, malupit nitong kinukuha ang Aking kaluwalhatian, ang Aking patotoo, ang sigla na aking ipinagkaloob sa mga tao, ang hininga at buhay na hinipan Ko sa kanila, lahat ng Aking kaluwalhatian sa mundo ng mga tao, at lahat ng napakaingat na pagsisikap na Aking ipinuhunan sa sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay wala na sa liwanag, at iniwala ang lahat ng Aking ipinagkaloob sa kanila, itinapon ang kaluwalhatian na Aking ipinagkaloob. Paano pa nila ihahayag na Ako ang Panginoon ng mga nilikha? Paano sila maniniwala sa Aking pag iral sa langit? Paano nila matutuklasan ang pagpapakita ng Aking kaluwalhatian sa lupa? Paano tatanggapin ng mga apong lalaki at mga apong babae ang Diyos na itinuring na Panginoon ng mga nilikha ng kanilang sariling mga ninuno? Ang kaawa-awang mga apong lalaki at apong babae ay bukas-palad na ibinigay sa masama ang kaluwalhatian, ang anyo, at ang patotoo na Aking ipinagkaloob kina Adan at Eba, at ang buhay na ipinagkaloob sa sangkatauhan na kanilang inaasahan, na hindi iniisip kahit kaunti ang presensiya ng masama, at ibinigay ang lahat ng Aking kaluwalhatian dito. Hindi ba’t ito ang pinagmulan ng titulong “latak”? Paanong nangyari na ang gayong sangkatauhan, ang gayong mga demonyo, ang gayong mga naglalakad na bangkay, ang gayong mga anyo ni Satanas, ang gayong Aking mga kaaway ay magtataglay ng Aking kaluwalhatian? Babawiin Ko ang Aking kaluwalhatian, babawiin ang Aking patotoo sa mga tao at ang lahat na dati Kong pag aari, na Aking ibinigay sa sangkatauhan matagal na panahon na ang nakalilipas—lubusang lulupigin ang sangkatauhan. Ngunit dapat mong malaman, ang mga taong Aking nilikha ay mga banal na tao kasama ng Aking sariling anyo at Aking kaluwalhatian. Sila ay hindi dating kay Satanas, o sumailalim sa kanyang pang-aapak, ngunit lubos na ang Aking pagpapahayag, wala ni katiting na bakas ng lason. Kaya, hahayaan Kong malaman ng lahat na ang nais Ko lamang ay iyong nilikha ng Aking kamay, Aking minamahal na mga walang bahid na hindi kailanman kabilang sa kahit na anumang nilikha. Gayundin, Ako ay masisiyahan sa kanila at titingnan sila bilang Aking kaluwalhatian. Ngunit, ang Aking nais ay hindi ang sangkatauhan na pinasama ni Satanas, pag-aari ni Satanas ngayon, na hindi Ko na orihinal na nilikha. Dahil nais Kong bawiin ang Aking kaluwalhatian sa mundo ng mga tao, Aking lubos na lulupigin ang natitirang mga nakaligtas na sangkatauhan, bilang patunay ng Aking kaluwalhatian sa Aking tagumpay laban kay Satanas. Ginagamit Ko lamang ang Aking patotoo bilang kalinawan, bilang layunin ng Aking kagalakan. Ang gayon ay ang Aking layunin.
Ang sangkatauhan ay umunlad sa loob ng sampu-sampung libong mga taon ng kasaysayan upang marating ang kanilang kinaroroonan ngayon. Ngunit, ang Aking orihinal na nilikha ay matagal nang lumubog sa pagkahamak. Hindi na sila ang Aking sadya, at kaya ang mga tao, at batay sa Aking tingin sa kanila, ay hindi na karapat-dapat sa pangalang sangkatauhan. Para silang mga latak ng sangkatauhan, ninakaw ni Satanas, at mga naglalakad na naaagnas na bangkay na sinaniban ni Satanas at dinamitan. Ang mga tao ay hindi man lang naniniwala sa Aking pag-iral, o tinatanggap ang Aking pagdating. Ang sangkatauhan ay mabigat sa loob lamang na tumutugon sa aking mga pakiusap, panandaliang sumasang-ayon sa mga ito, at hindi totoong nakikibahagi sa Akin sa saya at lungkot. Inilalarawan Ako ng mga tao bilang misteryoso, sila ay mabigat sa loob na nagkukunwaring ngumingiti sa Akin, ipinagkakanulo sila ng kanilang paraan sa pagmamalabis sa kapangyarihan. Ito ay dahil walang kaalaman ang tao sa Aking gawain, lalo na sa Aking layunin ngayon. Magiging matapat Ako sa inyong lahat —kapag dumating ang araw, ang pagdurusa ng sinumang sumasamba sa Akin ay magiging mas madaling pasanin kaysa doon sa inyo. Ang antas ng inyong pananalig sa Akin ay hindi, sa totoo lang, hihigit sa pananalig ni Job—maging ang pananalig ng mga Fariseong Judio ay hihigitan pa ang sa inyo—kaya sa mga nalalapit na araw ng mga apoy, kayo ay magdurusa nang mas malala kaysa sa mga Pariseo noong sila ay sinaway ni Jesus, nang mas malubha sa 250 pinunong kumalaban kay Moises, at malala kaysa sa Sodoma sa ilalim ng nagbabagang apoy sa kanyang pagkasira. Nang hampasin ni Moises ang bato, at ang tubig na ipinagkaloob ni Jehovah ay sumibol mula rito, ito ay dahil sa kanyang pananampalataya. Nang si David ay tumugtog ng musika bilang papuri sa Akin, Jehovah—na ang kanyang puso ay napuno ng kaligayahan—ito ay dahil sa kanyang pananampalataya. Nang nawala kay Job ang kanyang mga alagang hayop sa buong palibot ng kabundukan, nawala ang mahahalagang kayamanan ng kanilang pamilya, at napuno ng mga bukol ang kanyang katawan, ito ay dahil sa kanyang pananampalataya. Nang kanyang marinig ang Aking boses, Jehovah, at makita ang Aking kaluwalhatian, Jehovah, ito ay dahil sa kanyang pananampalataya. Na si Pedro ay nakasunod kay Jesucristo, ito ay dahil sa kanyang pananampalataya. Na siya ay napako sa krus para sa Akin at magbigay ng maluwalhating patotoo, ito ay dahil rin sa kanyang pananampalataya. Nang makita ni Juan ang maluwalhating anyo ng Anak ng tao, ito ay dahil sa kanyang pananampalataya. Nang makita niya ang pangitain sa mga huling araw, ito ay higit na dahil sa kanyang pananampalataya. Nang matanggap ng tinatawag na mga tao sa bansang Gentil ang aking pagbubunyag, nalaman nilang Ako ay nagbalik sa laman na ginagawa ang Aking mga gawain sa mga tao, ito ay dahil rin sa kanilang pananampalataya. Hindi ba’t lahat ng mga tinablan ng Aking mabigat na salita at sa gayon ay inaliw at nailigtas ay itinulot dahil sa kanilang pananampalataya? Ang lahat ng naniniwala sa Akin at nakararanas ng kahirapan, hindi rin ba sila isinailalim sa pagtatakwil ng mundo? Silang mga namumuhay sa labas ng Aking salita, mga tumatakas sa paghihirap ng pagsubok, hindi ba’t sila ay sumasabay lamang sa agos ng mundo? Sila ay katulad ng mga dahon sa taglagas na wumawagayway lamang dito at doon upang magpahinga, lalong hindi ng aking salita ng pag-aliw. Bagaman ang Aking pagkastigo at kapinuhan ay hindi sumusunod sa kanila, hindi ba’t sila ang mga pulubi, lumiligid-ligid, na pakalat-kalat lamang sa daan sa labas ng kaharian ng langit? Ang mundo nga ba ang iyong lugar ng pahingahan? Tunay ka bang makapagtatamo ng ngiti ng kaginhawaan mula sa mundo sa pamamagitan ng iyong pag-iwas sa Aking pagkastigo? Tunay mo bang magagamit ang iyong panandaliang kasiyahan bilang panakip sa hindi maitatagong kahungkagan sa iyong puso? Maaari mong lokohin ang sinuman sa iyong pamilya, ngunit kailanman ay hindi mo Ako kayang lokohin. Dahil ang iyong pananampalataya ay kakarampot, ikaw ay wala pa ring kapangyarihan upang makahanap ng kahit na anumang mga kagalakan na maiaalok ng buhay. Pinapayuhan kita: mas mabuting matapat mong gugulin ang kalahati ng iyong buhay para sa Akin kaysa ang iyong buong buhay sa kainaman at karaniwang paggawa para sa laman, tinitiis ang lahat ng paghihirap na halos hindi kayang pasanin ng tao. Para saan pa na pahalagahan mong masyado ang iyong sarili upang tumakas sa Aking pagkastigo? Para saan pa na itatago mo ang iyong sarili mula sa Aking panandaliang pagkastigo para lamang mag-ani ng walang hanggang kahihiyan, walang hanggang pagkastigo? Hindi Ko, sa katunayan, pipilitin ang sinuman sa Aking kagustuhan. Kung ang isang tao ay handang magpasakop sa lahat ng aking plano, siya ay hindi Ko tatratuhin nang masama. Ngunit, kinakailangan na ang lahat ng tao ay naniniwala sa Akin, kung papaanong si Job ay naniwala sa Akin, Jehovah. Kung ang pananampalataya ninyo ay hihigitan ang kay Tomas, ang inyong pananampalataya ay makatatamo ng Aking papuri, sa inyong katapatan mahahanap ninyo ang Aking lubos na kaligayahan, at tiyak na mahahanap ninyo ang Aking kaluwalhatian sa inyong mga araw. Gayunpaman, ang mga naniniwala sa mundo at naniniwala sa diablo ay may pinatigas na mga puso, katulad ng mga tao sa lungsod ng Sodoma, na may mga butil ng buhangin na umiihip sa kanilang mga mata at mga alay mula sa diablo na nananatili sa kanilang mga bibig. Ang kanilang nalinlang na mga puso ay matagal nang pagmamay-ari ng masama na nang-agaw sa mundo, at halos lahat ng kanilang saloobin ay ninakaw ng sinaunang demonyo. Kaya ang pananampalataya ng sangkatauhan ay naglahong bigla, at hindi man lamang nila napansin ang Aking gawain. Ang maaari lang nilang gawin ay makayanan o suriin humigit-kumulang, sapagkat sila ay tinahanan na ng lason ni Satanas.
Aking lulupigin ang sangkatauhan dahil sila ay Aking nilalang na minsan at kanila nang, idagdag pa, tinamasa ang lahat ng mga masaganang bagay na Aking likha. Ngunit, Ako ay kanilang tinanggihan, at wala Ako sa kanilang mga puso, itinuturing nila Ako bilang pasanin sa kanilang mga buhay. Ang mas malala pa, nakita na Ako nang malinaw ng mga tao ngunit tinalikuran pa rin nila Ako, at nag-isip pa ng mga paraan upang talunin Ako. Hindi Ako hinahayaan ng mga tao na sila ay bigyang halaga o sila ay higpitan, ni hindi nila pinahihintulutan ang Aking paghatol o kaparusahan sa kanilang pagkakasala. Hindi nila ito itinuturing ang gayong pagtrato na kawili-wili, sa halip, kinayayamutan nila. Kaya ang Aking tungkulin ay ang talunin ang sangkatauhan na kumakain, umiinom mula sa Akin at nakikipagsaya sa Akin, subalit hindi nakakikilala sa Akin. Sasamsamin Ko ang kanilang sandata, at pagkatapos, Ako ay magbabalik sa Aking tahanan kasama ng Aking mga anghel at ng Aking kaluwalhatian. Dahil sa ang pag-uugali ng tao ang lubusang nanakit sa Aking puso at dumurog sa aking mga gawain noon pa man. Nais Kong bawiin ang kaluwalhatian na ninakaw ng masama mula sa Akin bago Ako lumakad palayo nang may kasiyahan, hahayaan ang sangkatauhan na magpatuloy sa kanilang mga buhay, magpatuloy sa kanilang “buhay at gawain nang mapayapa”, magpatuloy sa “pagbungkal ng kanilang mga bukid,” pagiging malaya mula sa Aking panghihimasok sa kanilang buhay. Ngunit babawiin Ko ngayon nang ganap ang Aking kaluwalhatian mula sa kamay ng masama, ibabalik ang kabuuan ng kaluwalhatian na Aking pinanday sa tao sa paglikha ng mundo, ang hindi na kailanman ipagkakaloob muli sa sangkatauhan ng mundo. Dahil ang mga tao ay hindi lamang nabibigo sa pangangalaga ng Aking kaluwalhatian, sa halip pinapalitan nila ito sa anyo ni Satanas. Hindi pinahahalagahan ng tao ang Aking pagdating, hindi rin nila itinatangi ang mga araw ng Aking kaluwalhatian. Hindi nila ikinasisiya ang pagtanggap sa Aking pagkastigo, lalong hindi handa na maibalik sa Akin ang Aking kaluwalhatian. Ni hindi sila handang itapon ang lason ng masama. Patuloy Akong nililinlang ng mga tao, at palagi silang may mga maaliwalas na ngiti at masasayang mga mukha. Sila’y walang kamalayan sa lalim ng lagim na kahaharapin ng sangkatauhan matapos silang iwanan ng Aking kaluwalhatian, lalong walang kamalayan na kapag dumating ang Aking araw sa kabuuan ng sangkatauhan, sila ay higit na mas mahihirapan kaysa sa mga tao noong panahon ni Noe. Dahil hindi nila alam kung gaano kalagim ang nangyari nang humiwalay ang Aking kaluwalhatian mula sa Israel, dahil nakalilimutan ng tao ang hirap ng matarik na kadiliman sa gabi pagdating ng bukang liwayway. Kapag lumubog na uli ang araw at ang kadiliman ay maaninag ng tao, siya ay muling tatangis at magliligis ng kanyang mga ngipin sa kadiliman. Nakalimutan na ba ninyo nang humiwalay ang Aking kaluwalhatian mula sa Israel, kung gaano kahirap para sa mga tao nito ang patuloy na batahin ang gayong pagdurusa? Ngayon na ang mga araw na makikita ninyo ang Aking kaluwalhatian, ito rin ang mga maluluwalhating araw na inyong pinagdadaan kasama Ko. Ang tao ay magluluksa sa kadiliman kapag ang Aking kaluwalhatian ay lumisan mula sa maruming lupain. Ngayon na ang mga maluluwalhating araw na ginagawa Ko ang Aking gawain, ito na rin ang mga araw na makalalaya ang sangkatauhan mula sa pagdurusa, dahil hindi Ako dadaan sa masasakit at malulupit na sitwasyon kasama nila. Ang nais Ko lamang ay ang lubos na paglupig sa sangkatauhan at lubos na matalo ang masama ng sangkatauhan
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Rekomendasyon : Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos