Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“At mangyayari sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at magiging mataas sa mga burol; at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon. At maraming bayan ay magsisiyaon at mangagsasabi, Halina kayo, at tayo'y magsiahon sa bundok ng Panginoon, sa bahay ng Dios ni Jacob; at tuturuan niya tayo ng kaniyang mga daan, at tayo'y magsisilakad sa kaniyang mga landas: sapagka't mula sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem.
At siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa, at sasaway sa maraming tao: at kanilang pupukpukin ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod, at ang kanilang mga sibat ay maging mga karit: ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, o mangagaaral pa man sila ng pakikipagdigma. Oh sangbahayan ni Jacob, halikayo, at tayo'y magsilakad sa liwanag ng Panginoon” (Isaias 2:2-5).
At siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa, at sasaway sa maraming tao: at kanilang pupukpukin ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod, at ang kanilang mga sibat ay maging mga karit: ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, o mangagaaral pa man sila ng pakikipagdigma. Oh sangbahayan ni Jacob, halikayo, at tayo'y magsilakad sa liwanag ng Panginoon” (Isaias 2:2-5).
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang pagdating ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay nagdala ng katapusan sa Kapanahunan ng Biyaya. Naparito Siya pangunahin na upang bigkasin ang Kanyang mga salita, upang gamitin ang mga salita para gawing perpekto ang tao, upang paliwanagin at liwanagan ang tao, at upang alisin ang lugar ng malabong Diyos sa loob ng puso ng tao. Hindi ito ang yugto ng gawain na ginawa ni Jesus noong Siya ay dumating. Noong dumating si Jesus, nagpakita Siya ng maraming himala, nagpagaling Siya at nagpalayas ng mga demonyo, at isinakatuparan Niya ang gawain ng pagtubos ng pagpapapako sa krus. Bunga nito, sa kanyang mga pagkaintindi, naniniwala ang tao na ganito dapat ang Diyos. Dahil noong dumating si Jesus, hindi Niya ginawang alisin ang imahe ng malabong Diyos mula sa puso ng tao; noong Siya ay dumating, Siya ay ipinako sa krus, nagpagaling Siya at nagpalayas ng mga demonyo, at pinalaganap Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit. Sa isang banda, tinatanggal ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa panahon ng mga huling araw ang lugar na kinalalagyan ng malabong Diyos sa mga pagkaintindi ng tao, kaya naman wala na ang imahe ng malabong Diyos sa puso ng tao. Sa pamamagitan ng Kanyang aktwal na mga salita at aktwal na gawa, Kanyang pagkilos sa buong lupain, at ng natatanging tunay at normal na gawaing Kanyang isinasakatuparan kasama ng tao, Kanyang sinasanhi ang tao na ganap na maunawaan ang pagiging-tunay ng Diyos, at inaalis ang kinalalagyan ng malabong Diyos sa puso ng tao. Sa kabilang banda, ginagamit ng Diyos ang mga salita na winika ng Kanyang katawang-tao upang gawing kumpleto ang tao, at upang maisakatuparan ang mga bagay-bagay. Ito ang gawain ng Diyos na Kanyang isasakatuparan sa mga huling araw.
mula sa “Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ito ay ngayon lamang, kapag ako ay personal na dumating sa tao at ipahayag ang aking mga salita, na ang tao ay may kaunting kaalaman sa Akin, pag-alis ng lugar para sa "Akin" sa kanilang mga isipan, sa halip ng paglikha ng isang lugar para sa praktikal na Diyos sa kanilang kamalayan. Ang tao ay may mga pagkabatid at puno ng pag-usisa; sino ang hindi nais na makita ang Diyos? Sino ang hindi nagnais na makaharap ang Diyos? Ngunit ang tanging bagay na sumasakop sa isang tiyak na lugar sa puso ng tao ay ang Diyos na ang pakiramdam ng tao ay malabo at mahirap maunawaan. Sino ang makakaunawa nito kung hindi ko sinabi sa kanila nang malinaw? Sino ang tunay na maniniwala na ako ay totoong umiiral? Siguradong walang pahiwatig nang pagdududa? May napakalaking pagkakaiba sa pagitan ng "Ako" sa puso ng tao at ang "Ako" ng katotohanan, at walang sinuman ang may kakayahang akayin ang paghahambing sa pagitan nila. Kung hindi ako nagkatawang-tao, hindi Ako kailanman makikila ng mga tao, at kahit na dumating siya upang makikilala Ako, ang ganitong kaalaman ba'y hindi pa rin isang kabatiran? …
… Sapagka't ang tao ay natukso at dinungisan ni Satanas, dahil siya ay nakuha sa pamamagitan ng pag-iisip ng mga pagkabatid, ako ay nag katawang-tao upang personal na lupigin ang sangkatauhan, upang ilantad ang lahat ng mga pagkabatid ng tao, at upang paghiwalayin ang pag-iisip ng tao. Bilang resulta, hindi na muli nagparangya ang tao sa harapan Ko, at hindi na muli maglilingkod sa Akin gamit ang kanyang mga sariling pagkabatid, at sa gayon ang "Ako" sa mga paniwala ng tao ay ganap nang naitaboy.
mula sa “Ang Ikalabing-isang Pagbigkas” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa pagtatayo ng kaharian, Ako ay kumilos nang tuwiran sa Aking pagka-Diyos, at pinapahintulutan ang lahat ng tao na malaman kung anong mayroon Ako at sino Ako batay sa kaalaman ng Aking mga salita, at sa huli, pinapahintulutan silang makamit ang kaalaman tungkol sa Akin na nasa katawang-tao. Kaya ito ay magbibigay ng wakas sa paghahangad ng sangkatauhan sa isang malabong Diyos, at ito ay nagbibigay-katapusan sa lugar ng "Diyos ng langit" sa puso ng tao, na ibig sabihin ay, ito ay nagpapahintulot sa tao na malaman ang Aking mga gawa sa Aking katawang-tao, at winawakasan nito ang Aking panahon sa daigdig.
mula sa “Ang Ikawalong Pagbigkas” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Para sa lahat ng mga nabubuhay sa laman, ang pagbabago ng kanilang disposisyon ay nangangailangan ng pagtaguyod ng mga layunin, at ang pagkilala sa Diyos ay nangangailangan na masaksihan ang tunay na mga gawa at ang tunay na mukha ng Diyos. Kapwa ay maaari lamang makamit sa pamamagitan ng nagkatawang-taong katawan ng Diyos, at ang kapwa ay maaari lamang matupad sa pamamagitan ng normal at tunay na katawan. Ang dahilan kung bakit mahalaga ang pagkakatawang-tao, at kung bakit dapat ito ay nasa lahat ng tiwaling sangkatauhan. Dahil ang mga tao ay hinihingang makilala ang Diyos, ang mga imahe ng malabo at hindi pangkaraniwang mga Diyos ay dapat maiwaksi mula sa kanilang mga puso, at dahil kinakailangan nilang alisin ang kanilang tiwaling disposisyon, dapat muna nilang malaman ang kanilang tiwaling disposisyon. Kung tanging tao ang gagawa sa pagwawaksi ng mga imahe ng malabong Diyos mula sa mga puso ng mga tao, kung gayon siya ay mabibigo na makamit ang tamang epekto. Ang mga imahe ng malabong Diyos sa mga puso ng mga tao ay hindi maaaring mailantad, maiwaksi, o ganap na mapaalis sa pamamagitan ng mga salita lamang. Sa paggawa nito, sa huli ay hindi pa rin posible na palayasin ang malalim na pagkabaon ng mga bagay na ito mula sa mga tao. Tanging ang praktikal na Diyos at ang tunay na larawan ng Diyos ang maaaring ipalit sa mga malabo at hindi pangkaraniwang mga bagay na ito upang pahintulutan ang mga tao na unti-unting malaman ang mga ito, at sa ganitong paraan lamang maaaring makamit ang takdang epekto. Kinikilala ng tao na ang Diyos na kanyang hinahangad ng mga nakaraang panahon ay malabo at hindi pangkaraniwan. Na ang maaaring makapagkamit ng epekto na ito ay hindi ang direktang pamumuno ng Espiritu, lalong hindi ang mga aral ng isang tiyak na indibidwal, ngunit ang nagkatawang-taong Diyos. Ang mga pagkaintindi ng tao ay inihantad kapag opisyal na ginagawa ng nagkatawang-taong Diyos ang Kanyang gawain, dahil ang pagiging normal at pagkatotoo ng nagkatawang-taong Diyos ay ang katumbalikan ng malabo at hindi pangkaraniwang Diyos sa imahinasyon ng tao. Ang orihinal na pagkaintindi ng tao ay maaari lamang ibunyag sa pamamagitan ng kanilang kaibahan sa nagkatawang-taong Diyos. Kung wala ang paghahambing sa nagkatawang-taong Diyos, ang mga pagkaintindi ng tao ay hindi mabubunyag; sa ibang salita, kung walang kaibahan sa pagkatotoo ang malalabong mga bagay ay hindi mabubunyag. Walang may kakayahan na gumamit ng mga salita upang gawin ang gawaing ito, at walang sinuman ang may kakayahang magsalita nang maliwanag sa gawaing ito gamit ang mga salita. Tanging ang Diyos Mismo ang maaaring gumawa ng Kanyang sariling gawa, at walang sinuman ang maaaring gumawa ng gawaing ito na Kanyang kahalili. Hindi mahalaga kung gaano kayaman ang wika ng tao, hindi niya kaya na magsalita nang maliwanag ang katotohanan at pagiging karaniwan ng Diyos. Maaari lamang makilala ng tao ang Diyos sa mas kapaki-pakinabang na paraan, at maaari lamang Siyang makita nang mas malinaw, kung ang Diyos ay personal na gagawa sa gitna ng tao at ganap na itatanghal ang Kanyang larawan at ang Kanyang pagka-Diyos. Ang epektong ito ay hindi maaaring makamit sa pamamagitan ng anumang maka-lamang tao. Siyempre, ang Espiritu ng Diyos ay hindi rin kayang makamit ang epekto na ito.
mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kapag ang Diyos ay gumagawa sa Kanyang katawang-tao, ang mga taong sumusunod sa Kanya ay hindi na humihingi at naghahanap sa mga malabo at hindi malinaw na mga bagay, at tumitigil sa paghula sa kalooban ng malabong Diyos. … Ang Espiritu ay hindi masasalat ng tao, at di-nakikita ng mga tao, at ang gawain ng Espiritu ay hindi kayang mag-iwan ng anumang karagdagang katibayan o mga katunayan ng gawain ng Diyos para sa tao. Ang tao ay hindi kailanman makikita ang tunay na mukha ng Diyos, at palaging maniniwala sa malabong Diyos na hindi umiiral. Ang tao ay hindi kailanman makikita ang tunay na mukha ng Diyos, ni ang tao ay makarinig ng mga salita na personal na sinabi ng Diyos. Ang mga guni-guni ng tao ay, kung tutuusin, walang laman, at hindi mapapalitan ang tunay na mukha ng Diyos; ang likas na disposisyon ng Diyos, at ang gawain ng Diyos Mismo ay hindi mapapagpanggapan ng tao. Ang hindi-nakikitang Diyos sa langit at ang Kanyang mga gawain ay maaari lamang dalhin sa lupa sa pamamagitan ng Diyos na nagkatawang-tao na personal na gumagawa ng gawain Niya sa pagitan ng mga tao. Ito ang pinaka-mainam na paraan kung saan nagpapakita ang Diyos sa tao, kung saan ang tao ay nakikita ang Diyos at nalalaman ang tunay na mukha ng Diyos, at hindi ito maaaring matamo sa pamamagitan ng isang hindi nagkatawang-taong Diyos.
mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinakamainam na bagay tungkol sa Kanyang gawain sa katawang-tao ay maaari Siyang mag-iwan ng tumpak na mga salita at mga pangaral, at ang Kanyang tumpak na kalooban para sa sangkatauhan patungkol sa mga taong sumusunod sa Kanya, sa gayon pagkatapos nito ang Kanyang mga tagasunod ay maaaring mas tumpak at mas konkretong maipasa ang lahat ng Kanyang mga gawain sa katawang-tao at ang Kanyang kalooban para sa buong sangkatauhan na tumatanggap sa ganitong paraan. Tanging ang gawain ng Diyos sa katawang-tao sa gitna ng mga tao ang tunay na nagsasakatuparan sa katunayan ng pagiging Diyos at ang pamumuhay kasama ng mga tao. Tanging ang gawaing ito ang magsasakatuparan sa kagustuhan ng tao na mamasdan ang mukha ng Diyos, masaksihan ang gawain ng Diyos, at marinig ang personal na salita ng Diyos. Wawakasan na ng nagkatawang-taong Diyos ang kapanahunan nang ang likod lamang ni Jehovah ang nagpakita sa sangkatauhan, at tatapusin din ang kapanahunan ng paniniwala ng sangkatauhan sa isang malabong Diyos. Sa partikular, ang gawain ng huling nagkatawang-taong Diyos ay dinadala ang lahat ng sangkatauhan sa isang kapanahunan na mas makatotohanan, mas praktikal, at mas kaaya-aya. Hindi lang Niya tatapusin ang kapanahunan ng kautusan at doktrina; mas mahalaga, ibinubunyag Niya sa sangkatauhan ang isang tunay at pangkaraniwang Diyos, na matuwid at banal, na nagbubukas ng gawain ng plano sa pamamahala at nagpapakita ng mga misteryo at hantungan ng sangkatauhan, na lumikha sa sangkatauhan at dadalhin sa katapusan ang gawaing pamamahala, at nanatiling nakatago ng libo-libong taon. Dadalhin Niya ang kapanahunan ng kalabuan sa isang ganap na katapusan, tatapusin Niya ang kapanahunan kung saan ang buong sangkatauhan ay ninais na hanapin ang mukha ng Diyos ngunit hindi nagawa, wawakasan Niya ang kapanahunan na kung saan ang buong sangkatauhan ay naglingkod kay Satanas, at aakayin ang buong sangkatauhan hanggang sa dulo ng isang ganap na bagong panahon. Ang lahat ng ito ay ang kinalabasan ng gawain ng Diyos sa katawang-tao sa halip na Espiritu ng Diyos.
mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Pumaparito ang Diyos sa araw na ito sa mga tao para sa layunin nang pagbabagong-anyo ng kanilang mga saloobin at mga espiritu pati na rin ang imahe ng Diyos sa kanilang mga puso na nagkaroon sila ng libu-libong taon. Sa pamamagitan ng pagkakataong ito, gagawin Niyang perpekto ang tao. Iyon ay, sa pamamagitan ng kaalaman ng tao babaguhin Niya ang paraang nakilala nila Siya at ang kanilang saloobin sa Kanya, upang ang kanilang mga kaalaman sa Diyos ay maaaring magsimula mula sa isang malinis na pisara, at sa gayon mapanumbalik at magbagong-anyo ang kanilang mga puso. Ang mga paraan ay pakikitungo at disiplina, habang ang mga layunin ay pananakop at pagpapanibago. Ang iwaksi ang mapamahiing mga paniniwala na namalagi sa tao tungkol sa malabong Diyos ay ang magpakailanmang intensyon ng Diyos, at kani-kanina lamang ay naging bagay na nangangailangan ng dagliang pagkilos sa Kanya. Umaasa ako na lahat ng mga tao ay bibigyan ito ng karagdagang pag-iisip.
mula sa “Gawa at Pagpasok (7)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pagdating ng Diyos sa katawang-tao ay pangunahing nagpapakita sa mga tao ng tunay na gawa ng Diyos, upang maisakatuparan ang mga walang hugis na Espiritu sa katawang-tao, at hayaan ang mga tao na makita at madama Siya. Sa ganitong paraan, ang mga nagawa Niyang sakdal ay isasabuhay Siya, ang mga ito ay makakamtan Niya, at hahangarin ang Kanyang puso. Kung ang Diyos ay nagsalita lamang sa langit, at hindi aktwal na dumating sa lupa, ang mga tao ay maaring hindi pa rin magawang kumilala sa Diyos, maari lamang silang mangaral ng mga gawa ng Diyos gamit ang walang laman na teyorya, at hindi magkakaroon ng mga tunay na salita ng Diyos. Ang Diyos ay una nang naparito sa lupa upang kumilos bilang isang huwaran at modelo para sa mga taong nakamtan ng Diyos; sa ganitong paraan lamang maaaring makilala ng mga tao ang Diyos, at mahaplos ang Diyos, at makita Siya, at doon lamang sila maaaring tunay na nakamtan ng Diyos.
mula sa “Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang tao ay hindi na magkakaroon ng makasalanang kalikasan pagkatapos na siya ay madalisay, dahil madadaig na ng Diyos si Satanas, na nangangahulugan na hindi na makapanghihimasok ang mga masamang puwersa, at walang masamang mga puwersa ang maaaring sumalakay sa laman ng tao. At kaya makalalaya ang tao, at magiging banal-siya ay makapapasok sa kawalang-hanggan. Kapag ang masasamang puwersa ng kadiliman ay naigapos na saka pa lamang magiging malaya ang tao saan man siya magpunta, at nang walang paghihimagsik o pagsalungat. Si Satanas ay kailangang maigapos para maging maayos ang tao; sa ngayon, hindi siya maayos sapagkat[a] si Satanas ay naghahasik pa rin ng kaguluhan kahit saan sa lupa, at sapagkat ang kabuuang gawain sa pamamahala ng Diyos ay hindi pa umaabot sa kanyang katapusan. Sa oras na matalo na si Satanas, ang tao ay magiging lubos nang malaya; kapag natamo ng tao ang Diyos at nakalabas sa ilalim ng sakop ni Satanas, kanyang pagmamasdan ang Araw ng pagkamatuwid. Ang buhay na karapat-dapat sa normal na tao ay mababawi; lahat ng dapat taglayin ng isang normal na tao-kagaya ng kakayahan na mawari ang mabuti sa masama, at pagkaunawa kung papaano pakainin at damitan ang sarili, at ang kakayahan na mabuhay nang normal-ang lahat ng ito ay mababawi. Kung si Eba man ay hindi natukso ng ahas, ang tao ay nagkaroon dapat ng normal na buhay pagkatapos na siya ay likhain noong pasimula. Siya dapat ay nakakain, dinamitan, at isinabuhay ang normal na buhay ng tao. Ngunit pagkatapos na ang tao ay maging ubod nang sama, ang buhay na ito ay naging pangarap na lamang, at kahit ngayon hindi nagtatangka ang tao na isipin ang gayong mga bagay. Sa katunayan, ang magandang buhay na kinasasabikan ng tao ay isang pangangailangan: Kung ang tao ay walang gayong hantungan, kung gayon ang kanyang buhay sa lupa na ubod nang sama ay hindi kailanman titigil, at kung walang gayong magandang buhay, hindi na magkakaroon ng konklusyon ang kapalaran ni Satanas o ang panahon na kung saan nasasakop pa ni Satanas ang dominyon ng buong lupa. Kailangang makarating ng tao sa isang kaharian na hindi maaabot ng mga puwersa ng kadiliman, at kapag nagawa niya, mapatutunayan nito na si Satanas ay natalo na. Sa ganitong paraan, sa oras na wala na ang panggugulo ni Satanas, Ang Diyos Mismo ang mamamahala sa sangkatauhan, at Kanyang aatasan at pamamahalaan ang buong buhay ng tao; ito lamang ang maituturing na pagkatalo ni Satanas.
mula sa “Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kasunod ng kaganapan ng mga salita Ko, unti-unting nabubuo ang kaharian sa mundo at unti-unting babalik sa pagiging-karaniwan ang tao, at sa gayon naitatatag sa mundo ang kahariang nasa Aking puso. Sa kaharian, mababawi ng buong bayan ng Diyos ang buhay ng normal na tao. Wala na ang nagyeyelong taglamig, napalitan na ng isang mundo ng mga lungsod sa tagsibol, kung saan tagsibol sa buong taon. Hindi na nahaharap ang mga tao sa madilim, mahirap na mundo ng tao, hindi na nila tinitiis ang maginaw na mundo ng tao. Hindi na nakikipag-away ang mga tao sa isa't isa, hindi na makikipagdigma ang mga bansa sa isa't isa, wala na ang patayan at ang dugong dumadaloy mula sa patayan; mapupuno ang lahat ng mga lupain ng kaligayahan, at punung-puno ng init sa pagitan ng mga tao ang lahat ng dako. Kumikilos Ako sa buong mundo, nasisiyahan Ako mula sa kaitaasan ng Aking trono, naninirahan Ako sa kalagitnaan ng mga bituin. At naghahandog sa Akin ang mga anghel ng mga bagong awitin at mga bagong sayaw. Hindi na sinasanhi ng kanilang kahinaan na umagos ang mga luha sa kanilang mga mukha. Hindi Ko na naririnig, sa Aking harapan, ang tinig ng pag-iyak ng mga anghel, at wala na ring nagrereklamo sa Akin ng kahirapan.
mula sa “Ang Ikadalawampung Pagbigkas” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kapag pormal Ko nang nakuha ang Aking kapangyarihan at paghahari bilang Hari sa kaharian, ang lahat ng Aking mga tao ay gagawin Kong ganap sa pagdaan ng panahon. Kapag ang lahat ng mga bansa ng daigdig ay nagkagulo, iyon ang tiyak na oras na ang Aking kaharian ay itatatag at huhugisan at kung kailan din Ako ay magbabagong-anyo at babalik sa buong sansinukob. Sa oras na iyon, ang lahat ng mga tao ay makikita ang Aking maluwalhating mukha, makikita ang Aking totoong itsura.
mula sa “Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kapag ang mga bansa at ang mga tao ng daigdig ay bumalik lahat sa harap ng Aking trono, agad Kong kukunin ang lahat ng kasaganaan ng langit at ibigay ito sa mundo ng tao, kaya't, salamat sa Akin, ito ay mapupuno nang walang kapantay na kasaganaan. Ngunit habang ang lumang mundo ay patuloy na umiiral, itataboy Ko ito pabalik sa Aking galit sa mga bansa nito, lantarang ipapahayag ang Aking utos ng pamamahala sa buong sansinukob, at bibisitahin ng kaparusahan ang sinumang lumabag sa mga ito:
Sa oras na Ako ay tumingin sa sansinukob upang magsalita, ang buong sangkatauhan ay maririnig ang Aking tinig, at sa gayon ay makikita ang lahat na mga gawa na Aking isinaboy sa buong sansinukob. Silang mga sumasalungat sa Aking kalooban, iyon ay upang sabihin, sa mga tututol sa Akin sa mga gawa ng tao, ay babagsak sa ilalim ng Aking kaparusahan. Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa mga kalangitan at gagawin silang bago, at salamat sa Akin ang araw at ang buwan ay magiging bago—ang kalangitan ay hindi na gaya ng dati; ang hindi mabilang na mga bagay sa mundo ay magiging bago. Lahat ay magiging ganap sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ang madaming mga bansa sa loob ng sansinukob ay muling hahatiin at papalitan ng Aking bansa, upang ang mga bansa sa ibabaw ng lupa ay mawawala magpakailanman at maging isang bansa na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak, at titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, ang lahat ng mga kasama sa diyablo ay pupuksain; lahat ng sumasamba kay Satanas ay ilalapag sa Aking lumiliyab na apoy—iyon ay, maliban sa mga nasa loob ng agos, ang lahat ay magiging abo. Kapag kinastigo Ko ang maraming tao, ang mga nasa relihiyosong mundo ay, sa magkakaibang antas, babalik sa Aking kaharian, nilupig ng Aking mga gawa, dahil makikita nila ang pagdating ng ang Isang Banal na nakasakay sa puting ulap. Ang lahat ng sangkatauhan ay susunod sa kanilang sariling uri, at makatatanggap ng parusa na naiiba sa kung ano ang kanilang ginawa. Yaong mga nanindigan laban sa Akin ay malilipol; para naman sa yaong hindi Ako isinama sa kanilang gawain sa lupa, sila’y, dahil sa kung paano nila pinalaya ang kanilang mga sarili, patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak at ng Aking bayan. Ipapahayag Ko ang Aking sarili sa hindi mabilang na mga tao at sa hindi mabilang na mga bansa, tumutunog mula sa Aking sariling tinig sa ibabaw ng lupa upang ipahayag ang pagkumpleto ng Aking dakilang gawain para sa buong sangkatauhan upang makita ng kanilang sariling mga mata.
mula sa “Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mga Talababa:
a. Ang nilalahad ng orihinal na teksto “ngayon, ito ay dahil.”
Rekomendasyon:Ang pag-ibig ng diyos sa tao