Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V
Ang Kabanalan ng Diyos (II)
Magandang gabi sa inyong lahat! (Magandang gabi sa Diyos na Makapangyarihan sa Lahat!) Ngayong araw, mga kapatid, kumanta tayo ng isang himno. Humanap ng isa na gusto ninyo at regular na ninyong kinakanta noon pa. (Nais naming kumanta ng isang himno ng salita ng Diyos “Dalisay na Pag-ibig na Walang Kapintasan.”)
1. Ang pag-ibig ay isang dalisay na emosyon, dalisay na walang kapintasan. Gamitin ang inyong puso, gamitin ang inyong puso upang umibig at makaramdam at magmalasakit. Sa pag-ibig ay walang mga kundisyon o mga hadlang o walang distansya. Gamitin ang inyong puso, gamitin ang inyong puso upang umibig at makaramdam at magmalasakit. Kung kayo ay umiibig hindi kayo manlilinlang, magrereklamo, tatalikod, maghanap ng kapalit. Kung kayo ay umiibig kayo ay magsasakripisyo, tatanggapin ang paghihirap at maging kaisa sa Diyos.
2. Sa pag-ibig ay walang paghihinala, walang tuso, walang panlilinlang. Gamitin ang inyong puso, gamitin ang inyong puso upang umibig at makaramdam at magmalasakit. Sa pag-ibig walang distansya at walang hindi dalisay. Gamitin ang inyong puso, gamitin ang inyong puso upang umibig at makaramdam at magmalasakit. Kung kayo ay umiibig hindi kayo manlilinlang, magrereklamo, tatalikod, maghanap ng kapalit. Kung kayo ay umiibig kayo ay magsasakripisyo, tatanggapin ang paghihirap at maging kaisa sa Diyos.
3. Isusuko ninyong lahat ang inyong pamilya, kabataan, kinabukasan, inyong pag-aasawa para sa Diyos; Isusuko ninyo ang inyong lahat para sa Kanya. Isusuko ninyong lahat ang inyong pamilya, kabataan, kinabukasan, inyong pag-aasawa para sa Diyos; Isusuko ninyo ang inyong lahat para sa Kanya. O ang inyong pag-ibig ay hindi na pag-ibig, kundi panlilinlang, pagtataksil sa Diyos.
4. Ang pag-ibig ay isang dalisay na emosyon, dalisay na walang kapintasan. Gamitin ang inyong puso, gamitin ang inyong puso upang umibig at makaramdam at magmalasakit. Sa pag-ibig ay walang mga kundisyon o mga hadlang o walang distansya. Gamitin ang inyong puso, gamitin ang inyong puso upang umibig at makaramdam at magmalasakit.
Ito ay isang magandang awitin upang piliin. Gusto ba ninyong kantahin ang awiting ito? (Oo.) Ano ang inyong nararamdaman matapos kantahin ang awiting ito? Naramdaman ba ninyo ang ganitong uri ng pag-ibig sa inyong mga sarili? (Hindi pa gaano.) Aling mga salita mula sa awit ang pumukaw sa iyo nang pinakamatindi? (Ito ay magiging: Angpag-ibig ay walang mga kundisyon o walang mga hadlang o walang distansya. Sa pag-ibig walang paghihinala, walang katusuhan, walang panlilinlang. Sa pag-ibig, walang distansya at walang hindi dalisay. Ngunit sa kaibuturan ng aking sarili nakikita ko pa rin ang mga kasalaulaan at nakikita ko rin kung saan sinusubukan kong makitungo sa Diyos, mga lugar kung saan ako ay nagkukulang, kaya kapag iniisip ko ang tungkol sa aking sarili ngayon, hindi ko talaga naabot ang uri ng pagmamahal na dalisay at walang kapintasan.) Kung hindi mo natatamo ang uri ng pagmamahal na dalisay at walang kapintasan, anong uri ng pag-ibig ang mayroon ka? Anong antas ng pagmamahal ang mayroon ka sa kaibuturan ng iyong sarili? (Nasa yugto lamang ako kung saan ako ay nagkukusang maghanap at ako ay nagniningas.) Ayon sa iyong sariling tayog at paggamit ng iyong mga sariling salita mula sa iyong mga sariling karanasan, anong antas ang iyong naabot? Mayroon ka bang panlilinlang, mayroon ka bang mga reklamo? (Oo.) Mayroon ka bang mga pangangailangan sa kaibuturan ng iyong puso, mayroon bang mga bagay na gusto mo at pag-iimbot mula sa Diyos? (Oo, mayroong mga magkakahalong bagay na ito.) Sa anong mga pagkakataon sila lumalabas? (Kapag ang sitwasyon na ang Diyos ang nagsaayos para sa akin ay hindi tumutugma sa aking mga idea kung ano dapat ito, o kapag ang aking mga pag-iimbot ay hindi naabot, ipapakita ko ang ganitong uri ng tiwaling disposisyon.) Madalas ba ninyong kantahin ang awiting ito? Maaari mo bang talakayin kung paano ninyo naiintindihan ang “dalisay na pag-ibig na walang kapintasan”? At bakit ipinapakahulugan ng Diyos ang pag-ibig sa ganitong paraan? (Gusto ko talaga ang kantang ito dahil nakikita ko talaga na ang pag-ibig na ito ay isang ganap na pagmamahal. Gayunman, pakiramdam ko’y talagang malayo ako mula sa pamantayang iyon. Ngayon, nasa yugto lamang ako kung saan kusa akong naghahain ng ilang mga bagay at nagtitiis ng kaunting paggugol sa paghanap ng katotohanan, ngunit sa lalong madaling panahon na ang isang bagay ay nakakaapekto sa aking sariling kinabukasan at kapalaran, nakakaramdam ako ng hindi pagkakasundo sa aking kalooban. Nakikita ko na sa kaibuturan ng aking sarili na mayroon akong kaunting pagtitiwala sa Diyos.) (Nararamdaman ko ngayon na napakalayo ko pa rin mula sa pagtamo ng tunay na pag-ibig, ngunit mayroong ilang bahagi kung saan nakayanan kong gumawa ng pag-unlad tungo rito, isang paraan ng paggawa ko nito ay sa pamamagitan ng lakas na ibinibigay sa akin ng salita ng Diyos at isa pang paraan ay sa mga sitwasyong ito nakikiisa ako sa Diyos sa pamamagitan ng dasal. Gayunpaman, kapag ito ay nangangailangan ng aking mga pananaw sa pamumuhay, nararamdaman kong minsan hindi ko mapagtatagumpayan ang mga ito.) Naisip mo na ba ang mga bagay na maaaring humahadlang sa iyo sa mga oras na hindi mo mapagtatagumpayan ang mga ito? Naging mapanimdim ka ba sa mga isyung ito? (Oo, ako ay naging mapanimdim at kadalasan ito ay aking sariling prinsipyo at kapalaluan pati na rin ang aking mga inaasahan para sa aking kinabukasan at kapalaran na mga matitinding sagabal.) Kapag ang mga inaasahan sa iyong kinabukasan at kapalaran ay isang malaking sagabal, naisip mo ba kung bakit ito ay isang matinding hadlang? Paano nagiging hadlang ang kinabukasan at kapalaran na ito? Ano ang iyong nais mula sa iyong kinabukasan at kapalaran? (Hindi ako lubusang nalilinawan sa isyung ito, minsan nahuhulog ako sa mga sitwasyon kung saan nararamdaman kong wala akong kinabukasan at kapalaran o minsan nararamdaman ko pa na wala akong hantungan sa kung ano ang ibinunyag sa akin ng Diyos. Sa mga oras na ganito, nakararamdam ako ng labis na pagkahina at nararamdaman kong ito ay naging sarili kong malaking hadlang. Gayunpaman, matapos ang isang panahon ng karanasan at sa pamamagitan ng dasal, ang katayuan kong ito ay maaaring makaabot sa isang punto ng pagbabago, ngunit madalas pa rin akong nababagabag ng isyung ito.) Ano ang totoo mong pinupunto kapag sinasabi mong “kinabukasan at kapalaran”? (Ito ay nangangahulugang kapag ang Diyos ay nag-ayos ng ilang panyayari para sa akin, pakiramdam ko’y napakalayo ko mula sa Kanyang mga pangangailangan. Minsan, napapaisip akong ibinubunyag ako ng Diyos o hindi at nararamdaman kong wala akong kapalaran o hantungan, at pakiramdam ko’y napakahina ko.) Ano ang totoo mong pinupunto kapag sinasabi mong “kinabukasan at kapalaran”? Mayroon bang isang bagay na maaari mong ituro? Ito ba ay isang larawan o isang bagay na iyong inakala o ito ba ay isang bagay na maaari mo talagang makita? Ito ba ay tunay na bagay? (Ito ay hantungan.) Ano ang hantungan? Ano ang iyong kinabukasan? Sa inyong mga puso, dapat na isipin ninyo, ano ang pag-aalala na mayroon kayo sa inyong puso tungkol sa inyong kinabukasan at kapalaran na sumasangguni dito? (Ito ay upang maligtas at mamuhay nang ligtas, at ang pag-asa na unti-unting maging akma para kasangkapanin ng Diyos at magsagawa ng aking tungkulin na ayon sa pamantayan sa pamamagitan ng pamamaraan ng paggawa ng aking tungkulin. Ang mga bagay na ito ay madalas na ibinubunyag ng Diyos, at pakiramdam ko ay nagkukulang ako.) Ang ibang mga kapatid ay dapat tumalakay, paano mo nauunawaan “dalisay na pag-ibig na walang kapintasan”? (Walang anumang bagay ang hindi dalisay mula sa indibiduwal at hindi nakokontrol ang mga ito ng kanilang kinabukasan at kapalaran. Hindi alintana kung paano sila tinatrato ng Diyos, kaya nilang sumunod nang lubusan sa gawa ng Diyos, pati na rin sumunod sa mga pagsasaayos ng Diyos at sundan Siya hanggang sa pagtatapos. Ang ganitong uri lamang ng pag-ibig para sa Diyos ang dalisay na pag-ibig na walang kapintasan. Kapag ikinukumpara ko lamang ang aking sarili sa aking ginagawa na natutuklasan ko na sa maikling panahon na naniniwala ako sa Diyos maaaring mayroon akong, sa panlabas, isinakripisyong ilang bagay o natiis na ilang gastusin, ngunit hindi ko nakayanang tunay na ibigay ang aking puso sa Diyos. Noong ibinubunyag ako ng Diyos, pakiramdam ko’y wari’y nakilala ako bilang isang tao na hindi kayang mailigtas, at nanahan ako sa ganitong negatibong katayuan. Nakikita ko ang aking sarili na gumagawa ng aking tungkulin, ngunit sa parehong panahon ay sumusubok na gumawa ng mga pakikitungo sa Diyos, at hindi kayang mahalin ang Diyos nang buong puso, at ang aking hantungan, ang aking kinabukasan, at ang aking kapalaran ay laging nasa aking isip. Naaalala kong minsang sinabi ng pagsasamahan ng tao na dapat nating ibalik ang pag-ibig ng Diyos sa paggawa ng ating tungkulin, na ang pag-ibig ay dapat totoong maipahayag, at hindi lamang mga salitang walang nilalaman. Sa paghahambing, nararamdaman kong napakalayo ko sa pag-ibig na ito.)
Tila kinakanta ninyo nang madalas ang awiting ito at mayroong kaunting pagkaunawa nito at mayroon itong ilang kaugnayan sa inyong aktuwal na mga karanasan. Gayunman, halos lahat at mayroong iba’t ibang antas ng pagtanggap sa bawat isa sa mga kataga sa awiting “Dalisay na Pag-ibig na Walang Kapintasan.” Ang ilang mga tao ay pumapayag, ang ilan ay sumasamong isantabi ang kanilang kinabukasan, ang ilan ay sumasamong isantabi ang kanilang mga pamilya, ang ilan ay hindi sumasamong makatanggap ng anuman. Hanggang ngayon, ang iba ay inaatasan ang kanilang mga sarili na hindi magkaroon ng panlilinlang, mga reklamo, at hindi maghimagsik laban sa Diyos. Bakit gugustuhin ng Diyos na magmungkahi ng ganitong uri ng pag-ibig at kailanganin ang mga tao na ibigin Siya sa ganitong paraan? Ito ba ay isang uri ng pag-ibig na kayang maabot ng tao? Ibig sabihin, kaya ba ng mga tao na umibig sa ganitong paraan? Maaaring makita ng mga tao na hindi nila kaya, dahil silang lahat ay hindi nagtataglay ng ganitong uri ng pag-ibig, at kapag hindi nila taglay ito, at hindi nila pangunahing nauunawaan ang tungkol sa pag-ibig, winiwika ng Diyos ang mga salitang ito, na siyang hindi pamilyar sa kanila. Dahil nakatira ang mga tao sa mundong ito, nakatira sa kanilang tiwaling disposisyon, kung mayroon ang mga tao ng ganitong uri ng pag-ibig o kung ang isang tao ay maaaring magtaglay ng ganitong uri ng pag-ibig, ang hindi pagkakaroon ng mga kahilingan at mga pangangailangan, bilang pumapayag na ilaan ang kanilang mga sarili at pumapayag na tiisin ang paghihirap at isuko ang lahat ng kanilang pag-aari, paanong ang isang taong nagtataglay ng ganitong uri ng pag-ibig ay huhusgahan ng mga mata ng ibang tao? Hindi ba iyon isang perpektong tao? (Oo.) Ang isang perpektong taong kagaya niyon ay namumuhay ba sa mundong ito? Hindi siya umiiral, siya nga ba? Ang ganitong uri ng tao ay talagang hindi umiiral sa mundong ito, maliban na lamang kung sila ay maninirahan sa isang bakyum, tama? Samakatuwid, ang ilang mga tao—sa pamamagitan ng kanilang mga karanasan—ay gumugugol ng matinding pagsisikap upang maging katulad ng mga paglalarawan ng mga salitang ito. Nakikitungo sila sa kanilang mga sarili, pinipigilan ang kanilang mga sarili, at palagi pa nilang tinatalikdan ang kanilang mga sarili: Tinitiis nila ang pagdurusa at isinusuko ang mga maling pakahulugan na kanilang pinanghahawakan. Isinusuko nila ang mga paraang naging mapaghimagsik sila sa Diyos, isinusuko ang kanilang mga sariling mga pagnanasa at pagnanais. Ngunit sa huli, hindi pa rin nila kayang matugunan ang mga pangangailangang iyon. Bakit iyon nangyayari? Sinasabi ng Diyos ang mga bagay na ito upang magbigay ng isang pamantayan para sundin ng mga tao, upang malaman ng mga tao ang pamantayang kinakailangan ng Diyos para sa kanila. Ngunit sinasabi ba kahit minsan ng Diyos na dapat itong makamit ng mga tao kaagad? Sinasabi ba kahit minsan ng Diyos kung gaano karaming oras ang mayroon ang mga tao upang makamit ito? (Hindi.) Sinasabi ba ng Diyos kahit minsan na kailangang ibigin Siya ng mga tao sa ganitong paraan? Sinasabi ba iyon ng siping ito? Hindi nito sinasabi. Sinasabi lamang ng Diyos ang tungkol sa “pag-ibig” na Kanyang tinutukoy. Bilang ang mga tao na kayang umibig sa Diyos sa ganitong paraan at tratuhin ang Diyos sa ganitong paraan, ano ang mga kinakailangan ng Diyos? Hindi kinakailangang maabot ang mga ito kaagad, o ngayon din dahil hindi iyon kayang gawin ng mga tao. Naisip ba ninyo kahit minsan ang tungkol sa anong uri ng mga kalagayan ang kailangang maabot ng mga tao upang umibig sa ganitong paraan? Kung madalas nababasa ng mga tao ang mga salitang ito, unti-unti ba silang magkakaroon ng ganitong pag-ibig? (Hindi.) Kung gayon, ano ang mga kundisyon? Una, paano makakalaya ang mga tao mula sa mga paghihinala tungkol sa Diyos? (Ang mga tapat na tao lamang ang kayang magkamit niyon.) Paano naman ang paggiging malaya mula sa panlilinlang? (Kailangan rin nila maging matapat na mga tao.) Upang maging isang tao na hindi nais na makitungo sa Diyos? Iyon ay dapat ding maging isang matapat na tao. Paano naman ang hindi pagiging tuso? Ano ang tinutukoy nito sa pagsasabing walang pagpili sa pag-ibig? Lahat ba ng mga ito ay tumutukoy sa pagiging isang matapat na tao? Maraming mga detalye roon; ang kakayahan ng Diyos na magmungkahi ng ganitong uri ng pag-ibig o ang kakayanan ng Diyos na bigyang kahulugan ang ganitong uri ng pag-ibig, upang sabihin ito sa ganitong paraan, ano ang pinatutunayan nito? Masasabi ba natin na nagtataglay ang Diyos ng ganitong uri ng pag-ibig? (Oo.) Saan kayo nakakita nito? (Sa pag-ibig na mayroon ang Diyos para sa tao.) Ang pag-ibig ba ng Diyos para sa tao ay may kundisyon? (Wala.) Mayroon bang mga hadlang o distansya sa pagitan ng Diyos at ng tao? (Wala.) Mayroon bang mga paghihinala ang Diyos sa tao? (Wala.) Inoobserbahan ng Diyos ang tao, iniintindi ang tao, tama? (Oo.) Mm, tunay Niyang inuunawa ang tao. Mapanlinlang ba ang Diyos tungo sa tao? (Hindi.) Dahil nangungusap ang Diyos nang perpekto tungkol sa pag-ibig na ito, magiging perpekto ba ang Kanyang puso o ang Kanyang kalooban? Binigyang kahulugan ba ng mga tao kahit minsan ang pag-ibig sa ganitong paraan? (Hindi.) Saang mga pagkakataon binigyang kahulugan ng tao ang pag-ibig? Paano nangungusap ang tao tungkol sa pag-ibig? Hindi ba iyon pagbibigay o pag-aalay? (Oo.) Ang pakahulugan ng tao ng pag-ibig ay payak, ay nagkukulang sa nilalaman.
Ang pakahulugan ng Diyos sa pag-ibig at ang paraan na nangungusap ang Diyos tungkol sa pag-ibig ay kaugnay ng isang aspeto ng Kanyang kalooban, ngunit anong aspeto ng Kanyang kalooban? Noong huli tayo ay nagkaroon ng pagsasamahan para sa isang napakahalagang paksa, ito ay isang paksa na madalas tinatalakay ng mga tao at iminumungkahi noon, at ito ay isang salitang madalas na nababanggit sa konteksto ng paniniwala sa Diyos, ngunit ito ay isang salita na tila ba parehong pamilyar at kakaiba sa mga tao, ngunit bakit ito ganoon? Ito ay isang salita na nanggagaling mula sa mga wika ng tao, sa tao, ang pakahulugan nito ay parehong naiiba at malabo, ngunit ano ang salitang ito? (Kabanalan.) Ah, kabanalan: iyan ang paksa noong huling beses na tayo ay nagkaroon ng samahan. Nagsama-sama tayo at nag-usap-usap nang bahagya tungkol sa paksang ito, ngunit ang ating pagsasamahan ay hindi kumpleto. Ayon sa bahagi kung saan tayo ay nagsama noong huling beses, ang lahat ba ay nagkaroon ng bagong pagkaunawa tungkol sa kalooban ng kabanalan ng Diyos? (Oo.) Ano sa ang tingin ninyo ang bagong pagkaunawa? Iyon ay, ano ang nasa pagkaunawang iyon o ang nasa mga salitang ito ang nagparamdam sa inyo na ang inyong pagkaunawa ng kabanalan ng Diyos ay kaiba o iba-iba mula sa ating pinagsamahan tungkol sa kabanalan ng Diyos? Natatandaan ba ninyo? Nag-iwan ba ito ng impresyon? (Sinasabi ng Diyos ang Kanyang nararamdaman sa Kanyang puso; ito ay dalisay. Ito ay isang aspeto ng kabanalan.) Ito ay bahagi nito, mayroon pa bang idaragdag? (Mayroong kabanalan kapag nagagalit ang Diyos sa tao, ito ay walang kapintasan.) (Nakikita ko sa awtoridad ng Diyos ang Kanyang pagka-perpekto, ang Kanyang katapatan, Kanyang karunungan, at Kanyang dominyon na nangingibabaw sa lahat ng bagay. Naiintindihan ko ang mga bagay na ito.) “Ang dominyon na nagingibabaw sa lahat ng bagay,” iyon ay tungkol sa awtoridad ng Diyos, ngayon ay pinag-uusapan natin ang tungkol sa kabanalan ng Diyos. (Kaugnay ng kabanalan ng Diyos, naiintindihan kong mayroong galit at awa ng Diyos sa Kanyang matuwid na disposisyon, ito ay nag-iwan ng napakalakas na impresyon sa akin. Iminungkahi rin nito na ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay natatangi, na noong nakaraan ay hindi ako nagkaroon ng pagkaunawa o pakahulugan nito. Ngunit sa Iyong pagsasamahan, tinalakay Mo na ang galit ng Diyos ay kaiba sa galit ng tao. Ito ay isang bagay na walang nilikha ang may taglay. Ang galit ng Diyos ay isang positibong bagay at ito ay may prinsipyo; ito ay ipinadala dahil sa likas na kalooban ng Diyos. Ito ay dahil nakikita Niya ang isang bagay na negatibo at kaya pinapakawalan ng Diyos ang Kanyang galit. Sa awa ng Diyos, nakikita ko rin na ito ay isang bagay na walang nilalang ang nagtataglay. Kahit na ang tao ay may mabubuting mga gawa o matuwid na mga kilos na itinuturing na kaparehas ng awa, ang mga ito ay hindi dalisay at mayroong motibo sa likod ng mga ito. Ang ilang mga uri ng tinaguriang awa ay peke pa nga at walang nilalaman. Ngunit nakikita ko na ang pagliligtas ng Diyos noong nagpapamalas Siya ng awa sa mga tao, at ang awang ito ay naglalagay sa tao nang direkta sa landas para maging ligtas. Nilalagay nito ang mga tao sa tamang landas ng paniniwala sa Diyos para makatanggap sila ng kanilang magandang hantungan at pag-asa. Kaya naman ang awa ng Diyos ay tinataglay ng Kanyang kalooban. Samakatuwid, kahit na wasakin ng Diyos ang isang siyudad dahil sa Kanyang galit, dahil Siya ay may maawaing kalooban, kaya Niya sa anumang oras o lugar na magpamalas ng awa upang iligtas at ingatan ang mga tao sa siyudad na iyon. Ito ang aking pagkaunawa.) Mayroon kang kaunting pagkaunawa ng matuwid na disposisyon ng Diyos.
Nang tinanong ko kayo ng ilang mga katanungan ngayon lamang, ang karamihan sa inyo ay nakilala na ang pag-ibig ng Diyos ay napakadakila at napakatotoo, ngunit kulang kayo sa kaalaman ng banal na kalooban ng Diyos. Sa ating kasalukuyang paksa, tatalakayin ko ang bahaging ito, na siyang kaalaman ng kabanalan ng Diyos. Madalas na iniuugnay ng mga tao ang matuwid na disposisyon ng Diyos sa Kanyang kabanalan at alam nilang lahat at naririnig ang ilang mga detalye tungkol sa Kanyang matuwid na disposisyon. Tangi pa rito, maraming mga tao ang madalas na pinagsasama ang kabanalan ng Diyos at matuwid na disposisyon sa kanilang pagsasamahan, na sinasabing ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay banal. Ang lahat ay pamilyar sa salitang “banal” at ito ay isang salitang palaging ginagamit, ngunit kaugnay ng mga konotasyon ng salitang iyon, anong mga pagpapahayag ng kabanalan ng Diyos ang kayang makita ng mga tao? Ano ang ibinunyag ng Diyos na kayang makilala ng tao? Natatakot ako na ito ay isang bagay na walang nakakaalam. Sinasabi natin na ang disposisyon ng Diyos ay matuwid, ngunit kung iisipin mo ang matuwid na disposisyon ng Diyos at sasabihin na ito ay banal, tila ito ay medyo malabo, medyo nakakalito; bakit kaya ganito? Sinasabi mo na ang disposisyon ng Diyos ay matuwid, o sinasabi mo na ang Kanyang matuwid na His disposisyon ay banal, kaya sa inyong mga puso, paano ninyo kinikilala ang kabanalan ng Diyos, paano ninyo nauunawaan ito? Sa madaling sabi, ano ang ibinunyag ng Diyos o ano ang mayroon sa lahat ng mayroon ang Diyos at makikilala ng mga tao bilang banal? Naisip mo na ba ito noon? Ang aking nakita ay ang mga tao ay madalas na nagsasabi ng mga salitang madalas gamitin o mayroong mga katagang nasabi na nang paulit-ulit, ngunit hindi nga nila alam ang kanilang sinasabi. Iyon ay kung paano sinasabi iyon ng lahat, at sinasabi nila ito nang madalas, kaya ito ay nagiging karaniwang kataga. Gayunpaman, kung sila ay mag-iimbestiga at pag-aaralang mabuti ang mga detalye, makikita nila na hindi nila alam ang tunay na kahulugan nito o kung ano ang tinutukoy nito. Kagaya ng salitang “banal,” walang sinuman ang nakakaalam ng eksaktong aspeto ng kalooban ng Diyos na tinutukoy nito kaugnay ng Kanyang kabanalan. Kasing-layo ng pagtutugma ng salitang “banal” sa Diyos, walang may alam at ang mga puso ng mga tao ay nalilito, at sila ay malawak sa kung paano nila nakikilala na ang Diyos ay banal. Ngunit kapag inisip mo nang mabuti ito, paano naging banal ang Diyos? Mayroon bang nakakaalam? Natatakot ako na walang sinuman ang klaro sa isyung ito. Ngayon, tayo ay magsasama para sa paksa upang kilalanin ang salitang “banal” sa Diyos upang makita ng mga tao ang aktuwal na nilalaman ng kalooban ng kabanalan ng Diyos, at iiwasan nito ang ibang tao mula sa palagiang paggamit ng salita nang walang pag-iingat at pagsasabi ng mga bagay nang walang tiyak na kaayusan kapag hindi nila alam ang kanilang ibig sabihin, o kahit kapag sila ay tama at eksakto o hindi. Laging nasasabi ng mga tao ito sa ganitong paraan; nasabi mo ito, nasabi ko ito, at ito ay naging isang pamamaraan ng pagsasalita at ang mga tao ay hindi sinasadyang niyurakan ang salitang “banal.”
Kaugnay ng salitang “banal,” sa panlabas tila ito ay napakahirap intindihin, tama? Minsan, naniniwala ang mga tao na ang salitang “banal” ay nangangahulugang malinis, walang bahid ng dumi, sagrado, at dalisay, kagaya na lamang ng nasa himnong ating kinanta “Dalisay na Pag-ibig na Walang Kapintasan,” kung saan ang “banal” at “pag-ibig” ay pinagsama, na siyang tama; ito ay bahagi nito, ang pag-ibig ng Diyos ay bahagi ng Kanyang kalooban, ngunit hindi ito ang kabuuan nito. Gayunman, sa pananaw ng mga tao, nakikita nila ang salita at nauuwi sa pag-ugnay nito sa mga bagay na sila mismo ay nakikita itong dalisay at malinis, o sa mga bagay na personal nilang naiisip na walang bahid ng dumi o walang kapintasan. Halimbawa, sinasabi ng iba na ang bulaklak na lotus ay malinis, paano pinakahulugan ng mga tao ang bulaklak na lotus sa ganitong paraan? (“Ang bulaklak na lotus ay tumutubo sa putik ngunit yumayabong nang walang kapintasan.”) Ito ay sumisibol nang walang kapintasan mula sa maruming tubig, kaya nagsimula ang mga tao na gamitin ang salitang “banal” sa bulaklak na lotus. Ang ilang tao ay tinitingnan din ang mga kuwento ng pag-ibig na ginawa ng iba at ang nilalaman ng mga ito bilang banal, o tinitingnan nila ang mga gawa-gawang karapat-dapat na mga bida bilang banal. Higit pa rito, ang ilan ay itinuturing ang mga tauhan sa Biblia, o ang ibang nasusulat sa mga aklat na espirituwal—kagaya ng mga santo, mga apostol, o mga iba na minsang sinundan ang Diyos habang Siya ay nagsagawa ng Kanyang gawa—dahil sa pagkakaroon ng mga karanasang espirituwal na banal. Ang lahat ng mga ito ay mga bagay na naiisip ng mga tao at ang mga ito ay mga pag-iisp na pinanghahawakan ng mga tao. Bakit humahawak ang mga tao ng mga pag-iisip gaya nito? Mayroong isang dahilan at ito ay napakasimple: Ito ay dahil naninirahan ang mga tao sa kabila ng tiwaling disposisyon at namumuhay sa isang mundo ng kasamaan at karumihan. Ang lahat ng kanilang nakikita, lahat ng kanilang nahahawakan, lahat ng kanilang nararanansan ay kasamaan at katiwalian ni Satanas pati na rin ang panloloko, paglalabanan, at digmaan na nagaganap sa mga tao na nasa ilalim ng impluwensya ni Satanas. Samakatuwid, kahit kapag isinasagawa ng Diyos ang Kanyang gawa sa mga tao, o kahit kapag Siya ay nangungusap sa mga tao at ng Kanyang disposisyon at kalooban ay ipinapakita sa mga tao, hindi nila kayang makita o matanggap kung ano ang kabanalan. Higit pa rito, ito ang dahilan kung bakit madalas sinasabi ng mga tao na ang Diyos ay banal. Dahil naninirahan ang mga tao sa karumihan at katiwalian at nasa ilalim ng sakop ni Satanas, hindi nila nakikita ang liwanag at hindi alam ang mga positibong isyu o mga bagay at higit pa rito, hindi alam ang katotohanan. Samakatuwid, walang sinuman ang tunay na nakakaalam kung ano ang banal. Bilang pagwiwika nito, mayroon bang anumang banal na bagay o banal na mga tao sa tiwaling sangkatauhan na ito? (Wala.) Masasabi natin nang may katiyakan na hindi, wala nito, dahil ang kalooban lamang ng Diyos ang banal. Kaugnay ng kabanalan ng kalooban ng Diyos, noong huling beses na tayo ay nagsama-sama nang bahagya tungkol dito at ito ay nagsilbing inspirasyon para sa kaalaman ng mga tao tungkol sa kabanalan ng Diyos, ngunit hindi ito sapat. Hindi nito kayang sapat na matulungan ang mga tao na lubusang malaman ang kabanalan ng Diyos, ni hindi nito kayang sapat na matulungan silang intindihin na ang kabanalan ng Diyos ay natatangi. Higit pa rito, hindi nito kayang sapat na pahintulutan ang mga tao na unawain ang aspeto ng tunay na kahulugan ng kabanalan dahil ito ay lubusang kumakatawan sa Diyos. Samakatuwid, kinakailangang ipagpatuloy natin ang ating pagsasama sa paksang ito. Sa ikatlong bahagi ng ating pagsasamahan, tumalakay tayo ng tatlong paksa, kaya naman dapat na nating talakayin ang ikaapat, at atin nang sisimulan ang pagbabasa ng mga kasulatan.
4. Ang Tukso ni Satanas
(Mateo 4:1-4) Nang magkagayo’y inihatid ng Espiritu Santo si Jesus sa ilang upang siya’y tuksuhin ng diablo. At nang siya’y makapagayunong apat na pung araw at apat na pung gabi, sa wakas ay nagutom siya. At ang manunukso ay dumating at nagsabi sa kaniya, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay ipagutos mo na ang mga batong ito ay maging mga tinapay. Datapuwa’t siya’y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa’t salitang lumalabas sa bibig ng Dios.
Ito ang mga salitang ginamit ng diablo upang tuksuhin ang Panginoong Jesus. Ano ang nilalaman ng sinabi ng diablo? Humayo at basahin ito. (“Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay ipagutos mo na ang mga batong ito ay maging mga tinapay.”) Sinabi ng demonyo ang mga salitang ito, na tila payak lamang, ngunit mayroon bang problema sa mahalagang nilalaman ng mga salitang ito? (Oo.) Ano ang problema? Sinasabi nitong, “Kung ikaw ang Anak ng Dios,” kung kaya sa puso nito, alam ba nito na ang Panginoong Jesus ay ang Anak ng Diyos? Alam ba nito na Siya si Kristo? (Oo.) Kung gayon, bakit nito sinabing “Kung ikaw ang”? (Sinusubukan nitong tuksuhin ang Diyos.) Siyempre, sinusubukan nitong tuksuhin ang Diyos, ngunit ano ang layunin nito sa paggawa nito? Sinabi nitong, “Kung ikaw ang Anak ng Dios.” Sa puso nito, alam nito na si Jesucristo ang ang Anak ng Diyos, ito ay napakalinaw sa puso nito, ngunit sa kabila nito, nagpasakop ba ito sa Kanya o sinamba ba Siya nito? (Hindi.) Ano ang nais nitong gawin? Nais nitong gawin ito at sabihin ang mga salitang ito upang galitin ang Panginoong Jesus at gayon ay akitin Siya upang magpa-uto sa patibong, at upang linlangin ang Panginoong Jesus na gawin ang mga bagay ayon sa paraan ng pag-iisip nito at pag-akyat sa patibong nito. Hindi ba ito ang nararapat? Sa puso nito, malinaw na alam nito na ito ang Panginoong Jesucristo, ngunit sinabi pa rin ito nito. Hindi ba ito ang kalikasan ni Satanas? Ano ang kalikasan ni Satanas? (Upang maging tuso, masama, at walang paggalang sa Diyos.) Wala itong paggalang sa Diyos. Ano ang negatibong bagay na ginagawa nito rito? Hindi ba nito gustong atakihin ang Diyos? Gusto nitong gamitin ang pamamaraang ito upang atakihin ang Diyos, sinabi nito: “Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay ipagutos mo na ang mga batong ito ay maging mga tinapay”; hindi ba ito ang masamang intensyon ni Satanas? (Oo.) Ano ang talagang sinusubukan nitong gawin? Ang pakay nito ay napakalinaw: Sinusubukan nitong gamitin ang pamamaraang ito upang pasinungalingan ang posisyon at tukuyin ang Panginoong JesuCristo. Sinabi nito, “Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay ipagutos mo na ang mga batong ito ay maging mga tinapay. Kung hindi Mo gagawin, kung gayon hindi Ikaw ang Anak ng Diyos at hindi Mo lamang ginagawa ang gawang ito.” Ito ba ang ibig sabihin nito? Gusto nitong gamitin ang pamamaraang ito upang atakihin ang Diyos, gusto nitong paghiwa-hiwalayin at angkinin ang gawa ng Diyos; ito ang kasamaan at panlilinlang ni Satanas. Ang kasamaan nito ay isang likas na pagpapahayag ng kalikasan nito. Kahit na alam nitong ang Panginoong JesuCristo ang Anak ng Diyos, ang tiyak na pagkakatawang-tao ng Diyos Mismo, hindi nito kayang pigilin ang sarili nito kung hindi gawin ang bagay na ito, ang pagbuntot sa Diyos mula sa likuran at pagpatuloy na pag-atake sa Kanya at tiisin ang mga dakilang mga pasakit upang bulabugin at wasakin ang gawa ng Diyos at gawing kaaway ang Diyos.
Ngayon, ating suriin ang katagang ito na ginamit ni Satanas: “ipagutos mo na ang mga batong ito ay maging mga tinapay.” Upang gawin ang mga bato para maging mga tinapay—mayroon ba itong ibig sabihin? Wala itong kahulugan. Kung mayroong pagkain, bakit hindi ito kainin? Bakit kinakailangang gawin ang mga bato para maging pagkain? Mayroon bang pakahulugan rito? (Wala.) Kahit na Siya ay nag-aayuno noong mga oras na iyon, siguradong mayroong pagkain ang Panginoong Jesus upang kainin? Mayroon ba Siyang pagkain? (Mayroon.) Kung gayon, dito, nakikita natin ang kahibangan ng paggamit ni Satanas ng katagang ito. Para sa lahat ng kataksilan at masamang hangarin nito, nakikita natin ang kahibangan at kahangalan nito, tama? Gumagawa si Satanas ng ilang mga bagay. Nakikita mo ang malisyosong kalikasan nito at nakikita mo itong winawasak ang gawa ng Diyos. Ito ay may poot at nakakabugnot. Ngunit, sa kabilang banda, nakikita mo ba ang isang parang bata, walang katotohanang kalikasan sa likod ng mga salita at gawa nito? (Oo.) Ito ay isang pagbubunyag tungkol sa kalikasan ni Satanas; mayroon itong uri ng kalikasan at gagawin nito ang ganitong uri ng bagay. Para sa mga tao, ang katagang ito ay hibang at katawa-tawa. Ngunit ang mga salitang iyon ay kaya talagang bigkasin ni Satanas. Masasabi ba natin na ito ay ignorante? Kalokohan? Ang kasamaan ni Satanas ay nasa kahit saan at patuloy na nabubunyag. At paano sinasagot ito ng Panginoong Jesus? (“Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa’t salitang lumalabas sa bibig ng Dios.”) Mayroon bang anumang kapangyarihan ang mga salitang ito? (Oo, mayroon sila.) Bakit natin sinasabi na may kapangyarihan ang mga ito? (Ito ay mga katotohanan.) Tama. Ang mga salitang ito ang katotohanan. Ngayon, nabubuhay ba lamang sa tinapay ang tao? Ang Panginoong Jesus ay nag-ayuno sa loob ng 40 na mga araw at mga gabi. Namatay ba siya sa gutom? (Hindi.) Hindi siya namatay sa gutom, kaya nilapitan Siya ni Satanas, inuudyok Siya na gawing pagkain ang mga bato sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga ganitong klaseng bagay: “Kung gagawin Mong pagkain ang mga bato, hindi ba’t magkakaroon Ka na ng makakain? Hindi ba’t hindi Mo na kailangang mag-ayuno, hindi na kailangang magutom?” Ngunit sinabi ng Panginoong Jesus, “Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao,” na siyang nangangahulugang, kahit na ang tao ay naninirahan sa pisikal na katawan, ang nagbibigay sa kanya ng buhay, ang nagpapahintulot sa pisikal na katawan na mamuhay at huminga, ay hindi pagkain, ngunit lahat ng mga salitang binigkas ng bibig ng Diyos. Sa isang banda, tinitingnan ng tao ang mga salitang ito bilang katotohanan. Ang mga salitang nagbibigay sa kanya ng pananampalataya, pinaparamdam sa kanya na maaari siyang dumepende sa Diyos, na ang Diyos ay katotohanan. Sa kabilang banda, mayroon bang isang praktikal na aspeto sa mga salitang ito? (Mayroon.) Bakit? Dahil ang Panginoong Jesus ay nag-ayuno sa loob ng 40 araw at gabi at nakatayo pa rin Siya roon, nananatiling buhay. Ito ba ay isang paglalarawan? Ang punto rito ay hindi Siya kumakain ng kahit ano, anumang pagkain sa loob ng 40 mga araw at gabi. Buhay pa rin Siya. Ito ang makapangyarihang ebidensya sa likod ng Kanyang kataga. Ang kataga ay simple, ngunit, sa abot ng pagmamalasakit ng Panginoong Jesus, tinuro ba sa Kanya ng sinuman ang katagang ito, o inisip lamang ba Niya ito dahil sa ginawa sa Kanya ni Satanas? Isiping mabuti ang tungkol dito. Ang Diyos ay katotohanan. Ang Diyos ay buhay. Ang katotohanan at buhay ba ng Diyos ay isang huling pandagdag lamang? Iyon ba ay ipinanganak mula sa karanasan? (Hindi.) Ito ay likas sa Diyos, na nangangahulugang ang katotohanan at buhay ay nananahan na kalooban ng Diyos. Anuman ang sapitin Niya, ang Kanyang ibinubunyag ay katotohanan. Ang katotohanang ito, ang katagang ito—maging ang nilalaman ay mahaba o maikli—kaya nitong pahintulutang mamuhay ang tao, magbigay sa kanya ng buhay; tulungan siyang makahanap, sa kanyang sarili, ng katotohanan, ng kalinawan tungkol sa paglalakbay sa buhay, at tulungan siyang magkaroon ng paniniwala sa Diyos. Ito ang pinagmumulan ng paggamit ng Diyos ng katagang ito. Ang pinagmumulan ay positibo, kaya naman ang positibong bagay ba na ito ay banal? (Oo.) Ang kataga ni Satanas ay nanggaling mula sa kalikasan ni Satanas. Ibinubunyag ni Satanas ang kanyang masamang kalikasan, ang malisyoso nitong kalikasan, kahit saan, sa lahat ng oras. Ngayon, ang mga pagbubunyag na ito, ginagawa ba nito ito nang natural? (Oo.) Inuudyok ba ito ng sinuman? Tinutulungan ba ito ng sinuman? Pinupuwersa ba ito ng sinuman? (Hindi.) Tinututulan ba nito ang lahat sa sarili nitong pagsang-ayon. Ito ang masamang kalikasan ni Satanas. Anuman ang ginagawa ng Diyos at kahit paano pa man Niya ginagawa ito, sinusundan Siya ni Satanas sa Kanyang mga yapak. Ang kalikasan at tunay na mga katangian ng mga bagay na ito na sinasabi at ginagawa ni Satanas ay ang kalooban ni Satanas—ang masamang kalooban, malisyosong kalooban. Ngayon, sa pagpapatuloy ng pagbabasa, ano pa ang sinasabi ni Satanas? Tayo ay magpatuloy sa pagbabasa ng nasa ibaba.
(Mateo 4:5-6) Nang magkagayo’y dinala siya ng diablo sa bayang banal; at inilagay siya sa taluktok ng templo, At sa kaniya’y sinabi, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay magpatihulog ka: sapagka’t nasusulat, Siya’y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo: at, Aalalayan ka ng kanilang mga kamay, Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.
Pag-usapan muna natin ang tungkol sa katagang ito ni Satanas. Sinabi nito, “Kung ikaw ang Anak ng Dios, magpatihulog ka,” at sinabi nito mula sa mga Kasulatan, “Siya’y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo: at, Aalalayan ka ng kanilang mga kamay, Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.” Ano ang iyong nararamdaman kapag naririnig ang mga salita ni Satanas? Hindi ba masyadong may pagka-isip-bata ang mga ito? Ang mga ito ay may pagkabata, nakakatawa, at nakakayamot. Bakit ko sasabihin ito? Si Satanas ay palaging may katangahan, naniniwala ito sa sarili nito na ito ay napakatalino; at madalas itong kumuha ng mga kasabihan mula sa mga kasulatan—kahit ang mismong mga salita ng Diyos—sinusubukan nitong baguhin ang mga salitang ito laban sa Diyos upang atakihin Siya at upang tuksuhin Siya. Ang layon ng paggawa nito ay upang wasakin ang plano ng gawain ng Diyos. Gayunman, may napapansin ka bang anuman sa sinabi ni Satanas? (Mayroong mga masamang pakay sa mga ito.) Palagi nang naging manunukso si Satanas; hindi ito nagsasalita nang deretsahan, nagsasalita ito nang paligoy-ligoy na paraan gamit ang panunukso, pang-eenganyo, at pang-aakit. Tinutukso ni Satanas parehong ang Diyos at tao: Iniisip nito na ang Diyos at ang tao ay parehong masyadong ignorante, mangmang, at hindi kayang malinaw na malaman ang mga bagay sa kung ano sila. Iniisip ni Satanas na ang Diyos at tao ay parehong hindi makikita sa kalooban nito at na ang Diyos at tao ay parehong hindi makikita ang panlilinlang nito at masamang pakay. Hindi ba rito ang kung saan nakukuha ni Satanas ang kanyang kahangalan? (Oo.) Higit pa rito, bulgar na kumukuha si Satanas ng mga kasabihan mula sa mga kasulatan; iniisip nito na ang paggawa nito ay nagbibigay dito ng kredibilidad, at hindi mo makikita ang anumang kasamaan dito o maiwasang malinlang nito. Hindi ba rito ang kung saan nagiging kakatuwa at parang bata si Satanas? (Oo.) Ito ay pareho lamang kapag ang ilang tao ay nagpapakalat ng ebanghelyo at sumaksi sa Diyos, hindi ba ang mga di-mananampalataya ay nagsasabi ng anumang kaparis ng sinabi ni Satanas? Narinig mo ba ang mga tao na nagsabi ng anumang kapareho nito? (Oo.) Nayayamot ka ba kapag naririnig mo ang mga bagay na katulad niyon? (Oo.) Kapag nakakaramdam ka ng pagkayamot, nakakaramdam ka rin ba ng pagkasakit at pagkadismaya? (Oo.) Kapag mayroon ka ng mga pakiramdam na ito, kaya mo bang matukoy na si Satanas at ang kanyang masamang disposisyon na ginagawa ni Satanas sa tao ay masama? Sa inyong mga puso, kailanman ba ay nagkaroon ka ng pagkakaunawang katulad ng, “Hindi kailanman nagsasalita ang Diyos nang ganoon. Ang mga salita ni Satanas ay nagdadala ng mga atake at panunukso, ang mga salita nito ay walang katotohanan, nakakatawa, parang bata, at nakakayamot. Gayunman, sa mga kasabihan at mga kilos ng Diyos, hindi Siya kailanman gagamit ng mga pamamaraang gaya nito upang mangusap o isagawa ang Kanyang gawain, at hindi Niya iyon kailanman ginawa”? Siyempre, sa sitwasyong ganito lamang nagkakaroon ang mga tao ng isang kaunting pakiramdam na magpatuloy at hindi sila nagtataglay ng pagkaunawa ng kabanalan ng Diyos; maaari lamang nilang aminin na ang salita ng Diyos ay katotohanan, ngunit hindi nila alam na ang katotohanan ay kabanalan sa sarili nito. Sa inyong kasalukuyang tayog, kayo ay nakakaramdam lamang ng ganito: “Ang lahat ng sinasabi ng Diyos ay ang katotohanan, ito ay may pakinabang sa atin, at dapat nating tanggapin ito”; hindi alintana kung kaya mo bang tanggapin ito o hindi, walang pamumukod mong masasabi na ang salita ng Diyos at katotohanan at ang Diyos ay katotohanan, ngunit hindi mo alam na ang katotohanan ay kabanalan sa sarili nito at ang Diyos ay banal. Kaya naman, ano ang naging tugon ni Jesus sa mga salita ni Satanas?
(Mateo 4:7) Sinabi sa kaniya ni Jesus, Nasusulat din naman, Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Dios.
Mayroon bang katotohanan sa katagang ito na sinabi ni Jesus? (Oo.) Mayroong katotohanan sa loob nito. Sa labas, tila ito ay isang kautusan para sundin ng mga tao, ito ay isang napakasimpleng kataga, ngunit ito ay isang angparehong tao at si Satanas ay madalas na lumalabag. Kaya naman, sinabi ng Panginoong Jesus dito, “Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Dios,” dahil ito ang palaging ginagawa ni Satanas at gumagawa ito ng bawat hakbang upang gawin ito, maaari mo ring sabihin na walang hiyang ginagawa ito ni Satanas. Mahalagang kalikasan na ni Satanas ang hindi matakot sa Diyos at hindi magkaroon ng paggalang sa Diyos sa puso nito. Kaya kahit na kapag katabi ni Satanas ang Diyos at nakikita Siya, hindi kayang pigilan ni Satanas ang kanyang sarili kung hindi tuksuhin ang Diyos. Gayunman, sinabi ng Panginoong Jesus kay Satanas, “Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Dios.” Ito ay isang kataga na madalas sinasabi ng Diyos kay Satanas. Hindi nga ba naaangkop na gamitin ang katagang ito kahit ngayon? (Oo.) Bakit? (Dahil madalas din nating tuksuhin ang Diyos.) Madalas tinutukso ng mga tao ang Diyos, ngunit bakit madalas itong ginagawa ng mga tao? Ito ba ay dahil puno ang mga tao ng tiwali at mala-satanas na disposisyon? (Oo.) Kung gayon, ang sinabi ni Satanas sa itaas ay isang bagay na madalas sinasabi ng mga tao? (Oo.) Sa anong mga sitwasyon? Maaaring sabihin ng isa na ang mga tao ay nagsasabi ng mga bagay katulad nito at ibinubunyag ang mga ito nang natural lamang, hindi alintana ang oras at lugar. Pinatutunayan lamang nito na ang disposisyon ng mga tao ay ganap na kaparehas ng tiwaling disposisyon ni Satanas. Nagsabi ang Panginoong Jesus ng isang simpleng kataga, isa na kumakatawan sa katotohanan at isa na kailangan ng mga tao. Gayunman, sa sitwasyong ito, nakikipagtalo ba ang Panginoong Jesus kay Satanas? Mayroon bang anumang kahamon-hamon sa Kanyang sinabi kay Satanas? (Wala.) Paano tiningnan ng Panginoong Jesus sa Kanyang puso ang panunukso ni Satanas? Nakaramdam ba Siya ng pagkayamot at pagkasakit? (Oo.) Nayamot at nasaktan ang Panginoong Jesus ngunit hindi Siya nakipagtalo kay Satanas, higit na kaunti lamang ang Kanyang sinabi tungkol sa mga engrandeng mga prinsipyo, hindi ba iyon tama? (Oo.) Bakit ganoon? (Hindi hiniling ng Panginoong Jesus na kilalanin si Satanas.) Bakit hindi Niya hiniling na kilalanin si Satanas? (Dahil laging ganito si Satanas, hindi ito kailanman magbabago.) Maaari ba nating sabihin na hindi makatarungan si Satanas? (Oo, maaari nating sabihin.) Maaari bang kilalanin ni Satanas na ang Diyos ay katotohanan? Hindi kailanman kikilalanin ni Satanas na ang Diyos ay katotohanan at hindi kailanman aaminin na ang Diyos ay katotohanan; ito ang kalikasan nito. Higit pa rito, mayroong isang bagay pa tungkol sa kalikasan ni Satanas na siyang nakasusulasok sa mga tao, ano ito? Sa mga pagsubok nitong tuksuhin ang Panginoong Jesus, ano ang pinaniwalaan nito sa puso nito? Kahit na tinukso nito ang Diyos at hindi ito nagtagumpay, sinubukan pa rin ni Satanas. Kahit na mapaparusahan ito, ginawa pa rin nito ito. Kahit na wala itong makukuhang mabuti sa paggawa nito, ginawa pa rin nito ito, at pinagpilitan at tumayo laban sa Diyos hanggang sa katapusan. Anong uri ng kalikasan ito? Hindi ba iyon masama? (Oo.) Siya na nagagalit kapag ang Diyos ay nababanggit, nakita ba nila ang Diyos? Siya na nagagalit kapag ang Diyos ay nababanggit, kilala ba nila ang Diyos? Siya na hindi alam kung sino ang Diyos, hindi naniniwala sa Kanya, at hindi nakausap ng Diyos. Hindi siya kailanman ginambala ng Diyos, kaya bakit siya magagalit? Maaari ba nating sabihin na ang taong ito ay masama? (Oo.) Ito ay maaaring maging isang tao na may masamang kalikasan? Anumang mga kausuhan ang nangyayari sa mundo, ito man ay kasiyahan, pagkain, mga sikat na tao, magagandang mga tao, wala sa mga ito ang makakapagpapagulo sa isip nila, ngunit ang isang pagbigkas ng salitang “Diyos” at sila ay nagagalit; hindi ba ito isang halimbawa ng isang masamang kalikasan? Ito ay nagsisilbing katanggap-tanggap na katunayan ng masamang kalikasan ng tao. Ngayon, habang nagsasalita para sa inyong mga sarili, mayroon bang mga oras na kapag ang katotohanan ay nababanggit, o kapag ang mga pagsubok ng Diyos para sa sangkatauhan ay nababanggit o kapag ang mga salita ng paghatol ng Diyos laban sa tao ay nasasabi, at nakakaramdam kayo ng pagkainis, pagsasakit, at hindi ninyo gustong marinig ito? Ang inyong mga puso ay maaaring mag-isip: Paanong ito ang katotohanan? Hindi ba lahat ng tao ay nagsasabing ang Diyos ang katotohanan? Hindi ito ang katotohanan, ito ay malinaw na mga salita lamang ng pagpapaalala ng Diyos tungo sa tao! Maaaring makaramdam ang ibang tao ng pagkainis sa kanilang mga puso: Ito ay napag-uusapan araw-araw, ang Kanyang mga pagsubok para sa atin ay nababanggit araw-araw bilang Kanyang paghatol; kalian matatapos ang lahat ng ito? Kailan natin matatanggap ang mabuting hantungan? Hindi lingid sa kaalaman kung saan nanggagaling ang hindi makatuwirang galit na ito. Anong uri ng kalikasan ito? (Masamang kalikasan.) Ito ay inuudyukan ng masamang kalikasan ni Satanas. Kung sa Diyos, kaugnay ng masamang kalikasan ni Satanas at ang tiwaling disposisyon ng tao, hindi Siya kailanman nakikipagtalo o nakikipagtaltalan sa mga tao, at hindi Siya gumagawa ng gulo kapag ang mga tao ay umaakto buhat ng kamangmangan. Hindi ninyo makikita ang Diyos na humahawak ng magkakaparehong pananaw sa mga bagay na mayroon ang tao, at higit pa rito, hindi ninyo Siya makikita ang mga pananaw, kanilang kaalaman, kanilang siyensiya, o kanilang pilosopiya o ang imahinasyon ng tao upang panghawakan ang mga bagay. Sa halip, ang lahat ng ginagawa ng Diyos at ang lahat ng Kanyang ibinubunyag ay may kaugnayan sa katotohanan. Iyon ay, bawat salitang sinabi Niya at bawat kilos na Kanyang ginawa ay may kaugnayan sa katotohanan. Ang katotohanang ito ay hindi isang walang-basehang pantasya; ang katotohanang ito at ang mga salitang ito ay naipahayag ng Diyos dahil sa kalooban Niya at Kanyang buhay. Dahil ang mga salitang ito at ang kalooban ng lahat ng ginawa ng Diyos ay katotohanan, maaari nating sabihin na ang kalooban ng Diyos ay banal. Sa madaling sabi, ang lahat ng sinasabi at ginagawa ng Diyos at ay nagbibigay buhay at liwanag sa mga tao; pinahihintulutan nito ang mga tao na makita ang mga positibong bagay at ang katotohanan ng mga positibong bagay na iyon at ito ay nagtuturo sa sangkatauhan tungo sa daan ng liwanag upang sa gayon ay malakaran nila ang tamang daan. Ang mga bagay na ito ay nalalaman dahil sa kalooban ng Diyos at dahil sa kalooban ng Kanyang kabanalan. Nakita mo ito, tama? Magpapatuloy tayo sa pagbabasa ng mga kasulatan.
(Mateo 4:8-11) Muling dinala siya ng diablo sa isang bundok na lubhang mataas, at ipinamalas sa kaniya ang lahat ng mga kaharian sa sanglibutan, at ang kaluwalhatian nila; At sinabi niya sa kaniya, Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaw ay magpapatirapa at sasambahin mo ako. Nang magkagayo’y sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, Satanas: sapagka’t nasusulat, Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran. Nang magkagayo’y iniwan siya ng diablo; at narito, nagsidating ang mga anghel at siya’y pinaglingkuran.
Si Satanas, ang diablo, na nabigo sa dalawang nakalipas na panlilinlang nito, ay sumubok ng panibago: Ipinakita nito ang lahat ng mga kaharian sa mundo at ang kaluwalhatian nito sa Panginoong Jesus at hiniling Siyang sambahin ang diablo. Ano ang nakikita mo sa mga tunay na katangian ng diablo mula sa sitwasyong ito? Hindi ba tunay na walang hiya si Satanas, ang diablo? (Oo.) Gaano kawalang-hiya na ito maging maaari? Ang lahat ay nilikha ng Diyos, ngunit binabaliktad ito ni Satanas at ipinapakita ito sa Diyos habang sinasabi, “Iyong malasin ang kayamanan at kaluwalhatian ng lahat ng mga kaharian sa sanglibutan. Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaw ay magpapatirapa at sasambahin mo ako.” Hindi ba ito isang pagpapalitan ng papel? Hindi ba’t walang hiya si Satanas? Ginawa ng Diyos ang lahat, ngunit para ba iyon sa Kanyang kasiyahan? Ibinigay ng Diyos ang lahat para sa sangkatauhan, ngunit gustong kunin lahat ito ni Satanas at pagkatapos ay sinabi nito, “Sambahin ako! Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaw ay magpapatirapa at sasambahin mo ako.” Ito ang pangit na mukha ni Satanas; ito ay tunay na walang hiya, tama? Hindi nga alam ni Satanas ang kahulugan ng salitang “hiya,” at ito ay isa lamang halimbawa pa ng kasamaan nito. Hindi nga nito alam kung ano ang “hiya”. Malinaw na alam ni Satanas na ang lahat ay nilikha ng Diyos at Siya ay namamahala nito ay may kapangyarihan dito. Ang lahat ay pag-aari ng Diyos, hindi ng tao, higit na hindi kay Satanas, ngunit si Satanas na diablo ay walang habas na sinabing ibibigay nito ang lahat sa Diyos. Hindi ba gumagawa na naman si Satanas ng isang bagay na nakakatawa at walang hiya? Kinagagalitan ng Diyos si Satanas lalo na ngayon, tama? Ngunit anuman ang subukang gawin ni Satanas, nahulog ba ang Panginoong Jesus para rito? (Hindi.) Ano ang sinabi ng Panginoong Jesus? (“Sa Panginoon mong Dios sasamba ka.”) Mayroon bang praktikal na kahulugan ang katagang ito? (Oo.) Anong uri ng praktikal na kahulugan? Nakikita natin ang kasamaan ni Satanas ay ang kawalanghiyaan sa pagsasalita nito. Kaya naman kung sinamba ng tao si Satanas, ano kaya ang magiging kahihinatnan? Makakatanggap kaya sila ng kayamanan at kaluwalhatian sa lahat ng mga kaharian? (Hindi.) Ano ang kanilang matatanggap? Magiging kasing-walang hiya at kasing-katawa-tawa ba sila gaya ni Satanas? (Oo.) Wala silang ipagkakaiba kung gayon kay Satanas. Kaya naman, sinabi ng Panginoong Jesus ang katagang ito na siyang mahalaga para sa bawat tao: “Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran,” na siyang nagsasabing maliban sa Panginoon, maliban sa Diyos Mismo, kung ikaw ay maglilingkod sa iba pa, kung sasambahin mo si Satanas na diablo, kung gayon ay malulublob ka sa parehong karumihan gaya ng kay Satanas. Makikibahagi ka kung gayon sa kawalang-hiyaan at kasamaan ni Satanas, at kagaya lamang ni Satanas, tutuksuhin at aatakihin mo ang Diyos. Kung gayon, ano ang iyong magiging katapusan? Kamumuhian ka ng Diyos, pababagsakin ng Diyos, at wawasakin ng Diyos, hindi ba tama ito? Matapos mabigong tuksuhin ni Satanas ang Panginoong Jesus nang maraming beses, sumubok ba ito ulit? Hindi ito sumubok ulit at umalis na lamang ito. Ano ang pinatutunayan nito? Pinatutunayan nito ang masamang kalikasan ni Satanas, ang malisya nito, at ang kahangalan at kabaliwan ay hindi karapat-dapat sa isang pagbanggit sa Diyos dahil tinalo na ng Panginoong Jesus si Satanas sa tatlo lamang na mga pangungusap, matapos nito ay umalis ito na bahag ang buntot sa pagitan ng mga binti nito, labis na napahiyang ipakitang muli ang mukha nito, at hindi na Siya muling tinukso nito kailanman. Dahil tinalo na ng Panginoong Jesus ang panunukso ni Satanas, madali na Niyang maipagpapatuloy ang gawa na kinailangan Niyang gawin at isagawa ang mga gawaing nakaatang sa Kanya. Ang lahat ba ng sinabi at ginawa ng Panginoong Jesus sa sitwasyong ito ay nagtataglay ng ilang praktikal na mga kahulugan para sa lahat kung ito ay isinabuhay ngayon? (Oo.) Anong uri ng praktikal na kahulugan? Ang pagtalo ba kay Satanas ay isang madaling bagay para gawin? (Hindi.) Magiging ano ito kung gayon? Dapat bang magkaroon ang mga tao ng malinaw na pagkaunawa ng masamang kalikasan ni Satanas? Dapat bang magkaroon ang mga tao ng tiyak na pagkaunawa ng mga panunukso ni Satanas? (Oo.) Kung naranasan mo na ang mga panunukso ni Satanas sa iyong sariling buhay, at kung kaya mong makita ang masamang kalikasan ni Satanas, makakayanan mo bang talunin ito? Kung alam mo ang kahangalan at kabaliwan ni Satanas, mananatili ka pa rin ba sa panig ni Satanas at atakihin ang Diyos? (Hindi, hindi namin gagawin.) Kung nauunawaan mo kung paano nabubunyag sa iyo ang malisya at kawalang-hiyaan ni Satanas—kung malinaw mong nakikilala at nalalaman ang mga bagay na ito—tutuligsain mo pa rin ba at tutuksuhin ang Diyos sa ganitong paraan? (Hindi, hindi namin gagawin.) Ano ang iyong gagawin? (Maghihimagsik kami laban kay Satanas at pababayaan ito.) Iyon ba ay isang madaling bagay na gawin? (Hindi.) Hindi ito madali, upang gawin ito, dapat ay magdasal ang mga tao nang madalas, dapat nilang madalas na ialay ang kanilang mga sarili sa Diyos, at dapat nilang madalas na suriin ang kanilang mga sarili. Dapat silang sumailalim sa disiplina ng Diyos at Kanyang paghatol at pagkastigo at sa paraan lamang na ito dapat na marahang alisin nila ang kanilang mga sarili mula sa pamumuno at pagkontrol ni Satanas.
Maari nating lagumin ang mga bagay na bumubuo sa kalooban ni Satanas mula sa mga bagay na sinabi nito. Una, ang kalooban ni Satanas ay maaring masabing masama, na tumataliwas sa kabanalan ng Diyos. Bakit ko sinasabi na ang kalooban ni Satanas ay masama? Dapat makita ng isa ang mga bunga ng mga ginawa ni Satanas sa mga tao upang makita ito. Ginagawang tiwali at kinokontrol ni Satanas ang tao, at ang tao ay kumikilos sa ilalim ng tiwaling disposisyon ni Satanas, at naninirahan sa mundo na ginawang tiwali ni Satanas at naninirahan kasama ng mga tiwaling tao. Ang mga masa ay hindi sinasadyang sinapian at naging bahagi ni Satanas ay ang tao kung gayon ay mayroon nang masamang kalikasan ni Satanas. Mula sa lahat ng sinabi at ginawa ni Satanas, makikita natin ang kayabangan nito at ang panlilinlang at malisya. Paano pangunahing naipapakita ang kahambugan ni Satanas? Gusto ba lagi ni Satanas na sakupin ang posisyon ng Diyos? Palaging gusto ni Satanas na wasakin ang gawa ng Diyos at ang posisyon ng Diyos at angkinin ito para sa sarili nito upang sundin, suportahan, at sambahin siya ng mga tao; ito ang hambog na kalikasan ni Satanas. Ngunit noong ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao, ginawa nito ito sa isang mapanlinlang at mapanganib na paraan: Kapag ginawa ni Satanas ang gawain nito sa tao, hindi nito direktang sinasabi sa mga tao kung paano tanggihan at tutulan ang Diyos. Kapag tinutukso ni Satanas ang Diyos, hindi ito lumalabas at sinasabing, “Tinutukso Kita, tutuligsain Kita,” kaya naman anong pamamaraan ang ginagamit ni Satanas? (Pang-aakit.) Nang-aakit, nanunukso, tumutuligsa, at nagtatalaga ito ng mga patibong nito, at kumukuha pa ng mga kasabihan sa mga kasulatan. Nagsasalita at kumikilos si Satanas sa iba’t ibang mga paraan upang makamtan ang mga masamang motibo nito. Matapos gawin ito ni Satanas, ano ang maaaring makita mula sa kung ano ang naipapakita sa tao? Hindi ba hambog ang mga tao? Nagdusa ang tao mula sa katiwalian ni Satanas sa loob ng ilang libong taon at kaya naman naging hambog na ang tao at labis na naging mapagmalaki, at naging mapanlinlang, malisyoso, hindi makatuwiran, tama? Ang lahat ng mga bagay na ito ay nangyari dahil sa kalikasan ni Satanas. Dahil masama ang kalikasan ni Satanas, nagbigay ito sa tao ng masamang kalikasan at nagdala sa tao ng masamang disposisyon. Kung gayon, naninirahan ang tao sa ilalim ng tiwali, mala-Satanas na disposisyon at, katulad ni Satanas, tumataliwas ang tao laban sa Diyos, tumutuligsa sa Diyos, at tumutukso sa Kanya sa puntong ang tao ay hindi na sumasamba sa Diyos at hindi Siya iginagalang sa kanilang mga puso. Tama ba ito?
Kaugnay ng kabanalan ng Diyos, kahit na ito ay maaaring maging pamilyar na paksa, sa pagtatalakay, maaaring maging medyo malabo ito para sa ilang tao, at ang nilalaman ay maaaring maging medyo malalim. Sa nakalipas, madalang na nakipag-ugnayan ang mga tao sa paksa ng kabanalan ng Diyos, kaya naman hindi nila ito naiintindihan. Ngunit huwag mag-alala, tutulungan ko kayong intindihin kung ano ang kabanalan ng Diyos. Nakikita ko na ito ay medyo mahirap para sa inyo para maunawaan, sabihin muna natin ito: Kung gusto mong makilala ang isang tao, tumingin lamang sa kung ano ang kanyang ginagawa at ang mga resulta ng kanyang mga kilos, at makikita mo ang kalooban ng taong iyon. Kaya naman ating pagsamahan ang tungkol sa kabanalan ng Diyos mula muna sa pananaw na ito. Sinabi natin na ang kalooban ni Satanas ay masama at malisyoso, at kaya naman ang mga pagkilos ni Satanas tungo sa tao ay walang humpay silang ginagawang tiwali. Masama si Satanas, kaya naman ang mga tao na ginawang tiwali nito ay tiyak na masama rin, tama? Masasabi ba ng sinuman na, “Masama si Satanas, marahil ang sinuman na itiwali nito ay banal”? Isa ngang biro, hindi ba? Ito nga ba ay posible? (Hindi.) Kaya huwag mong isipin ito nang ganoon, pag-usapan natin ang tungkol dito mula sa aspetong ito: Masama si Satanas, ito ang kalooban nito at ito ay totoo, ito ay hindi basta pag-uusap na walang kuwenta. Hindi natin sinusubukang siraang puri si Satanas; tayo ay nagsasama lamang tungkol sa katotohanan at realidad pati na rin ang tungkol sa mga katotohanang pumapalibot dito. Maaaring masaktan niyo ang ilan o ang isang partikular na pangkat ng tao, ngunit walang malisyosong pakay rito; marahil maririnig ninyo ito ngayon at magiging hindi masyadong kumportable, ngunit sa ibang pagkakataon sa nalalapit na hinaharap, kapag kaya ninyong makilala ito, hahamakin ninyo ang inyong mga sarili, at mararamdaman ninyo na ang ating pinag-usapan ngayon ay labis na makakatulong sa inyo at napakahalaga.
Ang kalooban ni Satanas ay masama, kaya ang mga resulta ng mga pagkilos ni Satanas ay hindi maiiwasang maging masama, o maski na hindi, ay may kaugnayan sa kasamaan nito, maaari ba nating sabihin iyon? (Oo.) Kaya paano lumilibot si Satanas para itiwali ang tao? Una, dapat tayong tumingin partikular sa kasamaang dala ni Satanas sa mundo at sa sangkatauhan na nakikita, nararamdaman ng tao; naisip na ba ninyo dati ang tungkol dito? Maaaring hindi ninyo ito nabigyan ng labis na pag-iisip, kaya hayaan ninyo Akong talakayin ang maraming pangunahing mga punto nang sa gayon ay makita ninyo kung paano ginagawang tiwali ni Satanas ang tao. Mayroong isang teorya na tinatawag na ebolusyon; alam naman ng lahat ang tungkol dito, tama? Ang ebolusyong ito at materyalismo, hindi ba ang mga ito ay mga asignatura ng kaalaman na pinag-aaralan ng tao? (Oo.) Kung gayon, ginagamit muna ni Satanas ang kaalaman upang itiwali ang tao, at saka nito ginagamit ang agham upang akitin ang interes ng tao sa kaalaman, siyensiya, at mga misteryosong mga bagay, o sa mga bagay na ninanasa ng tao na alamin; ibig sabihin, gumagamit si Satanas ng siyentipikong kaalaman upang itiwali ang tao. Ang mga susunod na bagay na ginagamit ni Satanas upang itiwali ang tao ay ang tradisyunal na kultura at pamahiin, at sunod dito, gumagamit ito ng mga kausuhan sa lipunan. Lahat ng mga ito ay mga bagay na nararanasan ng mga tao sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at lahat ng mga ito ay may kaugnayan sa mga bagay na malapit sa mga tao, ano ang kanilang nakikita, ano ang kanilang naririnig, ano ang kanilang nahahawakan at ano ang kanilang nararanasan. Maaaring sabihin ng isa na pinalilibutan ng mga ito ang lahat, ang mga ito ay hindi matatakasan at hindi maiiwasan. Walang paraan ang sangkatauhan para iwasan na maimpluwensiyahan, mahawahan, ma-kontrol, at masakal ng mga bagay na ito; sila ay walang kapangyarihan upang itulak sila palayo.
Una, pag-uusapan natin ang tungkol sa kaalaman. Hindi ba isasaalang-alang ng lahat ang kaalaman bilang isang positibong bagay? O kahit na, iniisip ng mga tao na ang konotasyon ng salitang “kaalaman” ay positibo kaysa negatibo. Kaya naman bakit natin binabanggit dito na gumagamit muna si Satanas ng kaalaman upang itiwali ang tao? Hindi ba ang teorya ng ebolusyon ay isang aspeto ng kaalaman? Hindi ba ang mga siyentipikong teorya ni Newton ay mga bahagi ng kaalaman? Ang paghila ng grabidad ng daigdig ay bahagi ng kaaalaman, tama? (Oo.) Kaya bakit ang kaalaman ay nakalista sa mga nilalaman ng mga ginagamit ni Satanas upang itiwali ang sangkatauhan? Ano ang inyong paninindigan dito? Mayroon bang kahit katiting na katotohanan ang kaalaman? (Wala.) Kung gayon, ano ang kahalagahan ng kaalaman? (Ito ay lumalabag sa katotohanan.) Sa anong basehan natututunan ng tao ang kaalamang kanyang napag-aaralan? Ito ba ay may kinikilingan base sa teorya ng ebolusyon? Hindi ba ang kaalaman na ginalugad ng tao, ang pagbubuo nito, ay batay sa ateismo? (Oo.) Kaya naman, mayroon bang kaugnayan sa Diyos ang alinman sa kaalamang ito? May kaugnayan ba ito sa pagsamba sa Diyos? Ito ba ay kunektado sa katotohanan? (Hindi.) Paano ginagamit ni Satanas ang kaalaman upang itiwali ang tao? Sinabi ko lamang na wala sa kaalamang ito ang kunektado sa pagsamba sa Diyos o sa katotohanan. Ang ilan ay nag-iisip tungkol dito sa ganitong paraan: “Hindi man ito nagtataglay ng anumang may kinalaman sa katotohanan, ngunit hindi nito ginagawang tiwali ang mga tao.” Ano ang inyong paninindigan dito? Tinuruan ka ba ng kaalaman na ang kasiyahan ng tao ay nakadepende sa kung ano ang kanilang nilikha gamit ang kanilang mga sariling kamay? Kailanma’y tinuruan ka ba ng kaalalaman na ang kapalaran ng tao ay nasa kanyang sariling mga kamay? (Oo.) Anong uri ng usapin ito? (Ito ay walang kuwenta.) Magaling! Ito ay walang kuwenta! Kumplikado ang kaalaman upang talakayin. Maaari mo lamang isipin na ang isang asignatura ng kaalaman ay walang higit pa sa kaalaman. Iyon ay isang asignatura ng kaalaman na natututunan batay sa ateismo at kakulangan sa pang-unawa na nilikha ng Diyos ang lahat ng mga bagay. Kapag pinag-aralan ng mga tao ang ganitong uri ng kaalaman, hindi nila nakikita ang Diyos na nagkakaroon ng dominyon sa lahat ng mga bagay, hindi nila nakikita ang Diyos na siyang namumuno sa pamamahala ng lahat ng mga bagay. Sa halip, ang lahat ng kanilang ginagawa ay walang humpay na pananaliksik, pagsisiyasat, at paghahanap ng mga siyentipikong kasagutan sa asignaturang iyon ng kaalaman. Gayunman, kung hindi naniniwala ang mga tao sa Diyos at sa halip ay nagpapatuloy lamang ng pananaliksik, hindi sila kailanman makakahanap ng mga totoong kasagutan, tama? Binibigyan ka lamang ng kaalaman ng kabuhayan, trabaho, at kita upang hindi ka magutom, ngunit hindi ka nito tutulungang makilala ang Diyos, hindi ka kailanman tutulungan nitong maniwala sa Kanya, sumunod sa Kanya, at ang kaalaman ay hindi ka kailanman ilalayo sa kasamaan. Lalo mong pag-aralan ang kaalaman, lalo mong nanaising tumaliwas laban sa Diyos, upang saliksikin ang Diyos, upang tuksuhin ang Diyos, at kalabanin ang Diyos. Kaya ngayon, ano ang ating nakikita na ang kaalaman ay ang pagtuturo sa mga tao? Ang lahat ng ito ay pilosopiya ni Satanas. Ang mga pilosopiya ba ni Satanas at mga batas ng pamumuhay na makikita sa mga tiwaling tao ay mayroong anumang kaugnayan sa katotohanan? (Wala.) Wala silang kinalaman sa katotohanan at, sa katunayan, ito ay mga kabaliktaran ng katotohanan. Madalas sinasabi ng mga tao na, “Ang buhay ay paggalaw”; anong uri ng usapin ito? (Walang kuwenta.) Sinasabi rin ng mga tao, “Ang tao ay bakal, ang kanin ay bakal, ang tao ay nakakaramdam ng pagkagutom kapag lumalaktaw siya ng pagkain”; ano ito? (Walang kuwenta, mga salita ni Satanas.) Ito pa nga ay isang malubhang kasinungalingan at nakakainis itong marinig. Kaya naman ang kaalaman ay isang bagay na marahil ay alam ng lahat. Sa tinaguriang kaalaman ng tao, bumuo si Satanas ng kaunting pilosopiya ng buhay at ang pag-iisip nito. At habang ginagawa iyo ni Satanas, pinahihintulutan ni Satanas ang tao na hiramin ang kanyang pag-iisip, pilosopiya, at pananaw upang maaaring itanggi ng tao ang pag-iral ng Diyos, itanggi ang dominyon ng Diyos sa lahat ng bagay at ang dominyon sa kapalaran ng tao. Kaya habang pinag-aaralan ng tao ang pagsulong, nararamdaman niyang ang pag-iral ng Diyos ay nagiging malabo habang nagkakaroon siya ng mas maraming kaalaman, at maaaring makaramdam ang tao na hindi umiiral ang Diyos dahil sa mga pananaw, mga konsepto, at mga pag-iisip na idinagdag ni Satanas sa isip ng tao. Habang inilalagay ni Satanas ang mga kaisipang ito sa isip ng tao, hindi ba napapasama ang mga tao sa pamamagitan nito? (Oo.) Ano ang pinagbabatayan ngayon ng tao ng kanyang buhay ngayon? Dumedepende ba talaga siya sa kaalamang ito? Hindi; binabatay ng tao ang kanyang buhay sa mga kaisipan, pananaw, at pilosopiya ni Satanas na nakakubli sa kaalamang ito. Ito ay kung saan ang kaibuturan ng katiwalian ni Satanas ay nagmumula, ito ay ang layon ni Satanas at ang pamamaraan nito upang itiwali ang tao.
A. Paano Ginagamit ni Satanas ang Kaalaman upang Itiwali ang Tao
Pag-uusapan muna natin ang pinakamababaw na aspeto ng paksang ito. Kapag kayo ay mayroong mga aralin sa Intsik sa paaralan, ang wika at mga nakasulat ba ay maaring itiwali ang mga tao? Hindi nila ito kaya. Kaya ba ng mga salitang itiwali ang mga tao? (Hindi.) Hindi ginagawang tiwali ng mga salita ang mga tao; ang mga ito ay isang kagamitan na pumapahintulot sa tao na magsalita at isang kagamitan kung saan ang mga tao ay nakikipag-usap sa Diyos. Higit pa rito, ang wika at mga salita ay kung paano nakikipag-usap ang Diyos sa mga tao ngayon, ang mga ito ay kagamitan, ang mga ito ay isang pangangailangan. Ang isa kapag dinagdagan ng isa ay dalawa, ito ay kaalaman, tama? Ang dalawa, kapag minultiplika sa dalawa ay apat, ito ay kaalaman, tama? Ngunit maaari ka ba nitong itiwali? Ito ay praktikal na kaalaman kaya hindi nito kayang itiwali ang mga tao. Kung gayon, anong kaalaman ang gumagawang tiwali sa mga tao? Ito ay ang kaalaman na taglay ng mga pananaw at kaisipang kahalo ng kay Satanas, sinisikap ni Satanas na lagyan ang mga pananaw at kaisipang ito sa sangkatauhan sa pamamagitan ng kaalaman. Halimbawa, sa isang sanaysay, mayroon bang alinmang mali sa mga nakasulat na mga salita? (Wala.) Kung gayon, nasaan kaya ang magiging problema? Ang mga pananaw at layon ng may-akda noong kanyang isinulat ang sanaysay pati na rin ang nilalaman ng kanyang mga kaisipan—ang mga ito ay espirituwal na mga bagay—at kayang itiwali ang mga tao. Halimbawa, kung nanonood ka ng isang palabas sa telebisyon, anong mga uri ng bagay rito ang kayang makapagpabago ng iyong pananaw? Ito ba ay kung ano ang sinabi ng mga nagtanghal, ang mismong mga salita, ay maaari bang itiwali ang mga tao? (Hindi.) Anong uri ng mga bagay ang kayang itiwali ang mga tao? Ito ay ang kaibuturang mga kaisipan at nilalaman ng palabas, na siyang kakatawan sa mga pananaw ng direktor, at ang impormasyong taglay ng mga pananaw na ito ay kayang baguhin ang mga puso at isip ng mga tao. Tama ba ito? (Oo.) Alam ba ninyo kung ano ang Aking tinutukoy sa Aking pagtalakay ng paggamit ni Satanas ng kaalaman upang itiwali ang mga tao? (Oo, alam namin.) Hindi ka magkakamali, tama? Kaya kapag magbabasa kang muli ng isang nobela o isang sanaysay, kaya mo bang suriin kung ginagawang tiwali ang sangkatauhan o nag-aambag sa sangkatauhan ang mga kaisipang inihayag sa sanaysay? (Kaya nating gawin ito nang bahagya.) Ito ay isang bagay na kailangang mapag-aralan at maranasan sa isang mabagal na bilis, hindi ito isang bagay na madaling maunawaan kaagad. Halimbawa, kapag nagsasaliksik o nag-aaral ng isang asignatura ng kaalaman, ang ilang positbong mga aspeto ng kaalamang iyon ay maari kang tulungang maintindihan ang ilang praktikal na kaalaman tungkol sa asignaturang iyon, at ano ang dapat iwasan ng mga tao. Halimbawa, tingnan ang “kuryente,” ito ay isang asignatura ng kaalaman, tama? Magiging mangmang ka kung hindi mo alam na kayang kuryentehin ng kuryente ang tao, tama? Ngunit sa puntong maunawaan mo ang asignaturang ito ng kaalaman, hindi ka na magiging walang-pakialam sa paghawak ng anumang bagay na elektrikal at malalaman mo na kung paano gamitin ang kuryente. Ang mga ito ay parehong mga positibong mga bagay. Nalinawan ka na ba tungkol sa ating tinatalakay ukol sa kung paanong itiwali ng kaalaman ang mga tao? (Oo, kami ay nalinawan.) Kung naiintindihan mo ito, hindi na natin ipagpapatuloy pa ang pag-uusap tungkol dito dahil mayroong maraming uri ng kaalaman na pinag-aaralan sa mundo at dapat ninyong lubusin ang inyong oras upang paghambingin ang mga ito sa inyong mga sarili.
B. Paano Ginagamit ni Satanas ang Siyensiya upang Itiwali ang Tao
Ano ang siyensiya? Hindi ba ang siyensiya ay pinanghahawakang mataas at presitihiyoso at itinuturing na napakalalim sa isip ng lahat? (Oo, ito nga.) Kapag nababanggit ang siyensiya, hindi ba’t nararamdaman ng mga tao na, “Ito ay isang bagay na hindi madaling maunawaan ng mga pangkaraniwang tao, ito ay isang paksang tanging mga siyentipikong mananaliksik o mga eksperto lamang ang nakakahawak. Wala itong anumang kaugnayan sa ating mga pangkaraniwang mamamayan”? Ngunit mayroon nga ba itong kaugnayan? (Oo.) Paano ginagamit ni Satanas ang siyensiya upang itiwali ang mga tao? Hindi natin pag-uusapan ang ibang mga bagay maliban sa mga bagay na madalas maranasan ng mga tao sa kanilang sariling mga buhay. Narinig mo na ang tungkol sa mga gene, tama? (Oo.) Pamilyar na kayong lahat sa terminong ito, tama? Ang mga gene ba ay natuklasan sa pamamagitan ng siyensiya? Ano ang mismong kahalagahan ng mga gene sa mga tao? Hindi ba nito pinaparamdam na ang katawan ay isang misteryosong bagay? Kapag ang mga tayo ay ipinakilala sa paksang ito, hindi ba magkakaroon ng mga tao—lalo na ang mga mausisa—na siyang magnanais na makaalam pa ng higit pa o magnanais ng mas marami pang detalye? Ang mga mausisang tao ay magtutuon ng kanilang lakas sa paksang ito at kapag hindi sila okupado, maghahanap sila ng mga impormasyon mula sa mga aklat at mula sa internet upang matuto ng mas marami pang detalye ukol dito. Ano ang siyensiya? Sa madaling sabi, ang siyensiya ay ang mga kaisipan at mga teorya ng mga bagay kung saan mausisa ang tao, mga bagay na lingid sa kaalaman, at hindi sinabi sa kanila ng Diyos; ang siyensiya ay ang mga kaisipan at mga teorya ng mga misteryo na nais galugarin ng tao. Ano ang palagay mo sa sakop ng siyensiya? Maaari mong sabihin na sinasaraduhan nito ang lahat ng mga bagay, ngunit paano ginagawa ng tao ang gawa ng siyensiya? Ito ba ay sa pamamagitan ng pananaliksik? Ito ay nangangailangan ng pananaliksik ng mga detalye at mga kautusan ng mga bagay na ito at saka sasamahan ng mga teoryang walang katiyakan tungkol sa iniisip ng lahat, “Ang mga siyentipiko ay talagang nakakamangha! Masyadong marami silang alam at nagtataglay ng maraming kaalaman upang maunawaan ang mga bagay na ito!” Mayroon silang labis na paghanga para sa mga taong iyon, tama? Ang mga taong nagsasaliksik tungkol sa siyensiya, anong uri ng mga pananaw ang kanilang pinanghahawakan? Hindi ba nila gustong saliksikin ang tungkol sa sansinukob, upang saliksikin ang mga misteryosong bagay sa kanilang lugar ng interes? Ano ang pangwakas na kahihinatnan nito? Ang ilang mga siyensiya ay mayroong mga taong nagbibigay ng kanilang mga konklusyon sa pamamagitan ng mga haka-haka, ang iba ay mayroong mga taong dumedepende sa karanasan ng tao para sa kanilang mga konklusyon at may iba pang larangan ng siyensiya ang maghihikayat sa mga tao na dumako sa kanilang mga konklusyon batay sa karanasan o obserbasyong pangkasaysayan o pang-kaligiran. Tama ba ito? (Oo.) Kung gayon, ano ang ginagawa ng siyensiya para sa mga tao? Ang ginagawa ng siyensiya ay pinahihintulutan lamang nito ang mga tao na makita ang mga bagay sa pisikal na mundo at pinapasaya ang pagkamausisa ng tao; hindi nito pinahihintulutan ang tao na makita ang mga kautusan kung saan mayroong dominyon ang Diyos sa lahat ng mga bagay. Tila naghahanap ang mga tao ng mga kasagutan mula sa siyensiya, ngunit ang mga kasagutang iyon ay nakalilito at magdadala lamang ng panandaliang kasiyahan, isang kasiyahan na nagsisilbi lamang na magkulong ng puso ng tao sa pisikal na mundo. Nararamdaman ng tao na nakuha na nila ang mga kasagutan mula sa siyensiya kaya naman anumang isyu ang umusbong, may paninindigan silang naniniwala sa kanilang mga siyentipikong mga pananaw upang patotohanan o tanggapin ito. Ang puso ng tao ay inangkin na ng siyensiya at naakit nito sa puntong hindi na iniintindi ng tao na makilala ang Diyos, sambahin ang Diyos, at paniwalaan na ang lahat ng bagay ay nanggagaling sa Diyos at dapat na sa Kanya maghanap ang tao ng mga kasagutan. Hindi ba ito totoo? Makikito mo na lalong ang isang tao ay naniniwala sa siyensiya, lalong silang nagiging kakatuwa, habang naniniwala na ang lahat ay may siyentipikong solusyon, na kayang sagutin lahat ng pananaliksik. Hindi nila sinusumpungan ang Diyos at hindi sila naniniwala na Siya ay umiiral; kahit ang ilang mga tao na sumusunod sa Diyos sa loob ng maraming mga taon ay hahayo at magsasaliksik tungkol sa bakterya sa isang iglap o maghahanap ng kaunting impormasyon para sa mga kasagutan. Ang taong ganoon ay hindi tumitingin sa mga isyu mula sa perspektibo ng katotohanan at kadalasan ay gusto nilang dumepende sa siyentipikong mga pananaw at kaalaman o siyentipikong mga kasagutan para lutasin ang mga problema; ngunit hindi sila dumedepende sa Diyos at hindi nila sinusumpungan ang Diyos. Taglay ba ng mga taong ganito ang Diyos sa kanilang mga puso? (Hindi.) Mayroon pa ngang ilang mga tao na gustong magsaliksik sa Diyos sa parehong paraan na sila ay nag-aaral ng siyensiya. Halimbawa, mayroong maraming relihiyosong mga eksperto na nanggaling na kung saan huminto ang arko matapos ang malaking pagbaha. Nakita na nila ang arko, ngunit sa pagpapakita ng arko hindi nila nakikita ang pag-iral ng Diyos. Naniniwala lamang sila sa mga kuwento at sa kasaysayan at ito ang resulta ng kanilang siyentipikong pananaliksik at pag-aaral ng pisikal na mundo. Kapag ikaw ay nagsaliksik ng mga material na bagay, maging ito man ay mikrobiyolohiya, astronomiya, or heograpiya, hindi mo kailanman mahahanap ang isang resulta na nagsasabing umiiral ang Diyos o na mayroong Siyang dominyon sa lahat ng bagay. Hindi ba tama ito? (Oo.) Kung gayon, ano ang ginagawa ng siyensiya para sa tao? Hindi ba nito inilalayo ang tao mula sa Diyos? Hindi ba nito pinahihintulutan ang mga tao na pag-aralan ang Diyos? Hindi ba nito pinagdududa ang mga tao tungkol sa pag-iral ng Diyos? (Oo.) Kung gayon, paano gustong gamitin ni Satanas ang siyensiya upang itiwali ang tao? Hindi ba gusto ni Satanas na gumamit ng siyentipikong mga konklusyon upang linlangin at gawing manhid ang mga tao? Gumagamit si Satanas ng hindi tiyak na mga kasagutan upang manatili sa puso ng mga tao upang hindi na sila maghanap pa o maniwala sa pag-iral ng Diyos, at kung gayon ay maghihinala sila lagi sa Diyos, itatanggi ang Diyos, at mapapalayo mula sa Kanya. Ito ang dahilan kaya natin sinasabi na isa ito sa mga paraan na ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao.
C. Paano Ginagamit ni Satanas ang Tradisyonal na Kultura upang Itiwali ang Tao
Mayroon bang mga bagay na itinuturing na bahagi ng trasidyunal na kultura? (Oo.) Ano ang kahulugan ng tradisyunal na kulturang ito? (Ito ay ipinasa mula sa mga ninuno.) Ito ay ipinamana ng mga ninuno, ito ay isang aspeto. Ang mga pamilya, mga katutubong grupo, at kahit ang lahi ng tao at nagpamana ng kanilang mga pamamaraan ng pamumuhay mula noong una, o nagpamana sila ng mga kaugalian, mga kasabihan, at mga batas, na naitanim na sa kaisipan ng mga tao. Ano ang ginagawa ng mga tao sa mga bagay na ito? Itinuturing ang mga ito ng mga tao na hindi maaaring mawala sa kanilang buhay. Tinatanggap nila ang mga bagay na ito at itinuturing ang mga ito na mga batas at buhay na dapat sundin, at lagi silang walang kusa na baguhin o pabayaan ang mga bagay na ito dahil ang mga ito ay ipinamana ng kanilang mga ninuno. Mayroong iba pang mga aspeto ng tradisyunal na kultura, kagaya ng ipinamana ni Confucius o Mencius, o ang mga bagay na tinuro sa mga tao ng Taoismong Intsik at Confucianismo na siyang naging bahagi ng bawat tao hanggang sa kaibuturan ng kanilang buto. Hindi ba ito tama? (Oo.) Ano ang saklaw ng tradisyunal na kulturang ito? Kasama na rito ang mga bakasyon na ipinagdiriwang ng mga tao? Halimbawa, mula sa tuktok ay mayroong Pagdiriwang ng Tagsibol, ang Kapistahan ng mga Parol, Araw ng Paglilinis ng Puntod, ang Pista ng Bangkang Dragon, at mayroong pang Pandaigdigang Araw ng Manggagawa, Araw ng mga Bata, Pagdiriwang ng Kalagitnaan ng Taglagas, at Pambansang Araw. Ang ilang mga pamilya ay nagdiriwang pa nga ng ibang mga bakasyon, o nagdiriwang kapag ang mga nakatatanda ay dumating na ng isang tiyak na edad, o kapag ang mga bata ay nakaabot na ng 1 buwan at kapag sila ay 100-araw na gulang na. Ang lahat ng mga ito ay tradisyunal na mga bakasyon. Hindi ba ang mga kaligiran ng mga bakasyong ito ay nagtataglay ng tradisyunal na kultura? Ano ang kaibuturan ng tradisyunal na kultura? Mayroon ba itong kaugnayan tungkol sa pagsamba sa Diyos? Mayroon ba itong kinalaman tungkol sa pagsasabi sa mga tao upang isagawa ang katotohanan? (Hindi.) Mayroon bang anumang mga bakasyon para sa mga tao upang mag-alay ng sakripisyo sa Diyos, pumunta sa altar ng Diyos at tanggapin ang Kanyang salita? Mayroon bang ganitong mga bakasyon? (Hindi.) Ano ang ginagawa ng mga tao sa lahat ng mga bakasyong ito? (Sinasamba si Satanas. Kumakain, umiinom, at mga gawaing pampalibangan.) Sa modernong panahon, ang mga ito ay nakikitang mga okasyon para sa pagkain, pag-inom, at kasiyahan. Kung gayon, ano ang pinagmumulan sa likod ng tradisyunal na kultura? Kanino nanggaling ang tradisyunal na kultura? (Si Satanas.) Ito ay mula kay Satanas. Sa kaligiran ng mga tradisyunal na bakasyong ito, itinatanim ni Satanas ang mga bagay sa tao, ano ang mga bagay na ito? Ang pagsisigurado na natatandaan ng mga tao ang kanilang mga ninuno, ito ba ay isa sa mga ito? Halimbawa, sa Araw ng Paglilinis ng Puntod, naglilinis ang mga tao ng mga nitso at nagbibigay ng mga alay ng sakripisyo sa kanilang mga ninuno. Kaya naman hindi nalilimutan ng mga tao ang kanilang mga ninuno, tama? Dagdag pa rito, sinisugurado ni Satanas na naaalala ng mga tao na maging makabayan, gaya ng ginagawa sa Pista ng Bangkang Dragon. Ano naman ang sa Pagdiriwang ng Kalagitnaan ng Taglagas? (Mga muling pagsasama-sama ng pamilya.) Ano ang kaligiran ng mga pagsasama-sama ng pamilya? Ano ang dahilan para dito? (Upang magtayo muna ng pamilya, at mga emosyon.) Upang makisalamuha at makipag-ugnayan nang emosyonal, tama? Mangyari pa syempre, maging ito ay pagdiriwang ng Bisperas ng Bagong Taong Lunar o ng Kapistahan ng mga Parol, mayroong maraming mga paraan ng paglalarawan ng mga dahilan sa kaligiran nito. Gayunpaman, inilalarawan ng isa ang dahilan sa likod ng mga ito, ang bawat isa ay ang paraan ni Satanas ng pagtatanim ng pilosopiya nito at ng pag-iisip nito sa mga tao, upang lumayo sila sa Diyos at hindi na alam kung mayroon bang Diyos, at upang mag-alay sila ng sakripisyo sa kanilang mga ninuno o kaya naman ay kay Satanas, o dahil ito lamang ay isang dahilan para kumain, uminom, at magsaya para sa kapakanan ng laman. Dahil ang bawat isa sa mga bakasyong ito ay ipinagdiriwang, ang mga kaisipan at ideya ni Satanas ay nakatanim nang malalim sa isip ng mga tao at hindi nga nila alam ang tungkol dito. Kapag dumating ang mga tao ng kalagitnaang edad o mas matanda pa, ang mga bagay na ito, ang mga kaisipang ito at ang mga pananaw ni Satanas ay nakaugat na nang malalim sa kanilang mga puso. Higit pa rito, ginagawa ng mga tao ang kanilang lahat upang maibahagi ang mga ideyang ito, maging tama man ito o mali, papunta sa susunod na henerasyon nang walang pasubali. Hindi ba tama ito? (Oo.) Kung gayon, paanong ginagawang tiwali ang mga tao ng tradisyunal na kultura at ang mga bakasyong ito? (Nakukulong ang mga tao at napipigilan ng mga batas ng mga tradisyong ito sa puntong wala na silang oras o enerhiya na sumpungan ang Diyos.) Ito ay isang aspeto. Halimbawa, nagdiriwang ang lahat kapag Bagong Taong Lunar, kung hindi, makakaramdam ka ba ng pagkalungkot? Hindi mo ba naramdamang, “Aiya, hindi ako nagdiwang ng Bagong Taon. Ngayong araw ng Bagong Taong Lunar ay hindi kanais-nais, at hindi ito ipinagdiwang; ang buong taong bang ito ay hindi magiging maganda”? Madali ka bang magkakasakit? (Oo.) At medyo takot, tama? Mayroon pa ngang ilang mga tao na hindi gumawa ng mga sakripisyo sa kanilang mga ninuno sa loob ng ilang taon at bigla silang nagkaroon ng pangarap kung saan ang isang namatay nang tao ay humihingi sa kanila ng salapi, ano ang mararamdaman nila sa kanilang kalooban? “Gaano kalungkot na ang namayapang taong ito ay nangangailangan ng salapi para gastusin! Magsusunog ako ng kaunting perang papel para sa kanila, at kapag hindi ko ginawa, hindi iyon magiging tama. Tayong mga nabubuhay na tao ay maaaring mapasok sa ilang kaguluhan kapag hindi ako nagsunog ng kaunting perang papel, sino ang makapagsasabi kung kalian aatake ang trahedya?” Palagi silang magkakaroon ng ganitong maliit na ulap ng takot at pangamba sa kanilang mga puso. Kung gayon, sino ang nagbibigay sa kanila ng pangambang ito? (Si Satanas.) Dinadala ito ni Satanas. Hindi ba ito ang isa sa mga paraan na ginagawang tiwali ni Satanas ang tao? Gumagamit ito ng iba’t ibang mga pamamaraan at dahilan upang kontrolin ka, upang takutin ka, at upang sakalin ka, sa puntong mahuhulog ka sa isang kalituhan at padadaig at magpasailalim dito; ito ay kung paano itiwali ni Satanas ang tao. Kadalasan, kapag ang mga tao ay mahina o kapag hindi sila lubusang may kamalayan sa sitwasyon, maaari silang gumawa ng isang bagay na hindi sinasadya sa isang paraang mangmang, iyon ay, walang malay silang mahuhulog sa ilalim ng pagkahawak ni Satanas at maaari rin silang gumawa ng isang bagay na hindi nila sinasadya at hindi nila alam ang kanilang ginagawa. Ito ang paraan na giinagwang tiwali ni Satanas ang mga tao. Mayroon pa ngang ilang mga tao na tumatanggi na ngayong makiisa sa mga malalim nang mga tradisyunal na kultura at hindi nila basta maisuko ang mga ito. Ito ay lalo na kapag sila ay nanghihina at walang kibo na nais nilang ipagdiwang ang mga uri ng mga bakasyong ito at nais nilang makadaupang-palad si Satanas at pasayahing muli si Satanas, kung saan maaari rin nilang aliwin nang palihim ang kanilang mga sarili. Hindi ba ito ang nangyayari? (Oo.) Ano ang kaligiran ng mga tradisyunal na kulturang ito? Hinihila ba ng itim na kamay ni Satanas ang mga tali sa likod ng mga pangyayari? Ang masamang kalikasan ba ni Satanas ay nagmamanipula at kumokontrol ng mga bagay? Kinokontrol ba ni Satanas ang lahat ng mga bagay na ito? (Oo.) Kapag naninirahan ang mga tao sa isang tradisyunal na kultura at nagdiriwang ng mga tradisyunal na mga bakasyon, maari ba nating sabihin na ito ay isang kapaligirang kung saan sila ay nililinlang at ginagawang tiwali ni Satanas? Hindi ba sila masaya na ginagawa silang tiwali ni Satanas? Hindi ba ito ang paraan nito? (Oo.) Ito ay isang bagay na kinikilala nating lahat, tama? At isang bagay na alam nating lahat.
D. Paano Gumagamit si Satanas ng Pamahiin upang Itiwali ang Tao
Pamilyar kayo sa terminong “pamahiin,” tama? Sa pamahiin, ano ang madalas na nakakasalamuha ng tao? (Mga huwad na diyos.) Mayroong ilang magkakasanib na pagkakapareho ang tradisyunal na kultura rito, ngunit hindi natin pag-uusapan ang tungkol doon ngayon, sa halip, aking tatalakayin ang pinakamadalas na karanasan: pagpopropesiya, panghuhula ng kapalaran, pagsunog ng insenso, at pagsamba kay Buddha. Ang ilang mga tao ay nagsasagawa ng kanilang pagpopropesiya, ang iba ay sumasamba kay Buddha at nagsisindi ng insenso, habang ang iba ay nagpapabasa ng kanilang mga kapalaran o nagpapahula ng kanilang mga kapalaran sa pamamagitan ng pagpayag sa isang tao na basahin ang mga katangian ng kanilang mukha. Ilan sa inyo ang nagpabasa na ng inyong mga kapalaran o nagpabasa ng mukha? Ito ay isang bagay na ang karamihan ng mga tao ay interesado, tama? (Oo.) Bakit ganoon? Anong uri ng benepisyo ang nakukuha ng mga tao mula sa pagpapahula ng kapalaran at pagpopropesiya? Anong uri ng kasiyahan ang kanilang nakukuha mula rito? (Pagkamausisa.) Ito ba ay pagkamausisa lamang? Hindi maaaring ito lamang. Ano ang layon ng pagpopropesiya? Bakit kailangan itong gawin? Hindi ba ito ay upang makita ang hinaharap? Ang ilang mga tao ay ipinapabasa ang kanilang mukha upang hulaan ang hinaharap, ang iba ay ginagawa ito upang makita kung magkakaroon sila ng magandang kapalaran o hindi. Ang ilang mga tao ay ginagawa ito upang makita kung ano ang kanilang magiging pag-aasawa, at ang iba pa nga ay ginagawa ito upang makita kung anong suwerte ang dadalhin ng kasunod na taon. Ang ilang mga tao ay ipinapabasa ang kanilang mga mukha upang makita kung ano ang magiging mga pag-aasam ng kanilang mga anak na lalaki at mga anak na babae at upang makita ang lahat ng aspeto ng mga bagay na ito, at ang ilang mga negosyante ay nakikita kung gaano karaming pera ang kanilang magagawa kaya naman magkakaroon sila ng gabay kung ano ang kanilang dapat gawin. Ang ilang mga tao ay gusto lamang malaman kung ano ang kanilang magiging kapalaran at kung ano ang dadalhin nito. Ito ay upang mapasiya lamang ang pagkamausisa? (Hindi.) Kapag ipinabasa ng mga tao ang kanilang mukha o gumawa ng ganitong uri ng mga bagay, ito ay para sa kanilang pansariling kapakanan para sa kinabukasan at naniniwala sila na lahat ng ito ay malalapit na magkaugnay sa kanilang sariling kapalaran. Alinman ba sa mga bagay na ito ay may katuturan? (Hindi.) Bakit hindi ito kapaki-pakinabang? Hindi ba iyon isang magandang bagay na malaman ang kaunti tungkol sa hinaharap? Tutulungan ka nitong malaman kapag may kaguluhan, kaya maaari mong iwasan ito kung nalaman mo ito nang maaga, tama? Ang pagpapahula ng iyong kapalaran ay maaari kang pahintulutang magabayan sa palibot nito, upang ang susunod na taon ay maging maganda at maaari kang yumaman sa pagpapatakbo ng negosyo. Hindi ba iyon kapaki-pakinabang? (Hindi.) Maging ang pagiging kapaki-pakinabang nito ay walang kaugnayan sa atin, hindi natin pagsasamahan ang tungkol dito ngayon; ang ating pagtalakay ay hindi kasama sa nilalamang ito at paksang ito. Paano gumagamit si Satanas ng pamahiin upang itiwali ang tao? Ang alam ng mga tao tungkol sa mga bagay kagaya ng pagpopropesiya, pagbabasa ng mukha, at panghuhula ng kapalaran ay upang malaman nila kung ano ang kanilang magiging kapalaran sa hinaharap at ano ang hitsura ng daan pa roon, ngunit sa pagtatapos, kaninong mga kamay ang kumokontrol na sa mga bagay na ito? (Ang mga kamay ng Diyos.) Ang mga ito ay nasa kamay nang Diyos. Kung kay Satanas, sa paggamit ng mga pamamaraang ito, ano ang gusto nitong ipabatid sa mga tao? Nais ni Satanas na gamitin ang pagbabasa ng mukha at panghuhula ng kapalaran upang sabihin sa mga tao na alam nito ang kanilang kapalaran sa hinaharap, at gustong sabihin ni Satanas na alam nito ang mga ganitong bagay at ang siyang may kontrol sa mga ito. Gustong samantalahin ni Satanas ang oportunidad na ito at gamitin ang mga pamamaraang ito upang kontrolin ang mga tao, kagaya ng mga tao na naglalagay ng bulag na paniniwala rito at pagsunod sa bawat salita nito. Halimbawa, kung nagpabasa ka ng iyong mukha, kung ipinikit ng manghuhula ang kanyang mga mata at sasabihin sa iyo ang lahat na nangyari sa iyo sa mga nakalipas na dekada nang may perpektong kalinawan, ano ang iyong mararamdaman sa iyong kalooban? Bigla mong mararamdaman na, “Hinahangaan ko talaga ang manghuhulang ito, napaka-eksakto niya! Hindi ko kailanman ipinagsabi ang aking nakaraan sa kahit sino noon, paano niya nalaman ang tungkol dito?” Hindi ito magiging masyadong mahirap para kay Satanas na malaman ang iyong nakaraan, tama? Inihatid ka ng Diyos ngayon, at ginawan ring tiwali ni Satanas ang mga tao una hanggang huli at sinundan ka nito. Si Satanas ay isang masamang espiritu; ang paglipas ng mga dekada para sa iyo ay wala lang kay Satanas at hindi mahirap para rito na malaman ang mga bagay na ito. Kapag nalaman mo na ang sinabi ni Satanas ay tumpak, hindi mo ba ibibigay ang puso mo rito? Ang iyong kinabukasan at kapalaran, hindi ka ba umaasa sa pagkontrol nito? Sa isang iglap, ang iyong puso ay makakaramdam ng kaunting respeto at paggalang para rito, at para sa ibang mga tao, ang kanilang mga kaluluwa ay maaaring manakaw na nito. At iyong tatanungin kaagad ang manghuhula: “Ano ang dapat kong gawing kasunod? Ano ang dapat kong iwasang gawin sa susunod na taon? Anong mga bagay ang hindi ko dapat gawin?” At saka pa lang niya sasabihing: “Hindi ka dapat pumunta riyan, hindi mo dapat gawin ito, huwag magsuot ng mga damit ng isang partikular na kulay, hindi ka dapat magpunta roon sa mga lugar na iyon nang madalas, at dapat mong gawin nang madalas ang ilang mga bagay….” Hindi mo ba tatanggapin sa iyong puso ang lahat ng kanyang sinasabi? (Oo.) Makakabisa mo ito nang mas mabilis kaysa sa salita ng Diyos. Bakit mo ito makakabisa nang mabilis? (Ito ay makakatulong sa akin.) Dahil gusto mo na dumepende kay Satanas para sa suwerte, hindi ba ito kapag pinaghahawakan niya ang iyong puso? Kailan mo ginagawa ang sinasabi nito at ang mga salita nito ay nagkakatotoo kagaya ng nahulaan, hindi mo ba gugustuhing bumalik dito upang malaman kung anong suwerte ang dadalhin ng susunod na taon? (Oo.) Gagawin mo ang kahit anong sabihin ni Satanas na gawin mo at iiwasan mo ang mga sinasabi nito upang umiwas, hindi mo ba sinusunod ang lahat ng sabihin nito? Mabilis kang madadala sa ilalim ng pakpak nito, maliligaw, at mapapasailalim sa pag-kontrol nito. Nangyayari ito dahil pinaniniwalaan mo na ang mga sinasabi nito ay ang katotohanan at dahil pinaniniwalaan mong alam niya ang tungkol sa iyong buhay noong nakalipas, ang iyong buhay sa kasalukuyan, at kung ano ang dadalhin ng hinaharap; ito ang pamamaraang ginagamit ni Satanas upang kumontrol ng mga tao. Ngunit sa realidad, sino ang tunay na nasa kontrol? Ito ay ang Diyos Mismo, hindi si Satanas. Ginagamit lamang ni Satanas ang mga pandarayang ito sa ganitong kaso upang linlangin ang mga ignorante, linlangin ang mga tao na nakikita lamang ang pisikal na mundo sa paniniwala at magdepende dito. At saka sila mahuhulog sa gapos ni Satanas at susundin ang bawat salita nito. Ngunit pinapayagan ba ni Satanas kapag gusto ng mga tao na maniwala at sumunod sa Diyos? Hindi pumapayag si Satanas. Sa ganitong sitwasyon, ang mga tao ba ay talagang nahuhulog sa ilalim ng paggapos ni Satanas? (Oo.) Maaari ba nating sabihin na ang kaugalian ni Satanas sa ganitong usapan ay talagang walang hiya? (Oo.) Bakit natin masasabi iyon? (Gumagamit ng panloloko si Satanas.) Hmm, dahil ang mga panloloko ni Satanas ay huwad at talagang nakapanlilinlang. Walang hiya si Satanas at dinadala ang mga tao sa pag-iisip na ito ang kumokontrol ng kanilang lahat at nililinlang ang mga taong isipin na kinokontrol nito ang kanilang kapalaran. Ang panghuhusgang ito ang nag-uudyok sa mga mangmang upang sundin ito nang lubusan at nililinlang sila sa isang pangungusap lamang o dalawa at sa kanilang pagkalito, yumuyuko ang mga tao sa harap nito. Hindi ba tama ito? (Oo.) Kung gayon, anong uri ng mga pamamaraan ang ginagamit ni Satanas, ano ang sinasabi nito upang mahimok ka na maniwala rito? Halimbawa, maaaring hindi mo nasabi kay Satanas kung ilan ang miyembro ng iyong pamilya, ngunit maari nitong sabihin na may tatlong miyembro ang iyong pamilya, kasama ang isang anak na babae na 7 taong gulang, pati na rin ang mga edad ng iyong mga magulang. Kung mayroon kang mga suspetsa at mga pagdududa sa simula, hindi mo ba mararamdaman na ito ay medyo kapan-ipaniwala matapos marinig iyon? (Oo.) At kaya sasabihin ni Satanas, “Ang trabaho mo ang naging mahirap para sa iyo ngayong araw, ang iyong mga superyor ay hindi nagbibigay sa iyo ng pagkilala na dapat sa iyo at laging nagtatrabaho laban sa iyo.” Matapos marinig iyon, iisipin mo, “Tamang tama iyan! Ang mga bagay-bagay ay hindi tumatakbo nang maayos sa trabaho.” Kaya maniniwala ka nang bahagya pa kay Satanas. Kaya naman magsasabi ito ng isang bagay sa iyo, papaniwalain ka lalo rito, paunti-unti, matatagpuan mo ang iyong sarili na walang kakayahang tanggihan o maging mapaghinala pa tungkol dito. Gumagamit lamang si Satanas ng ibang walang kuwentang mga pandaraya, higit pang maliliit na mababaw na mga pandaraya, upang mahumaling ka. Habang ikaw ay nahuhumaling, hindi mo makukuha ang iyong kalakasan, mawawala ka sa iyong mga ginagawa, at magsisimula kang sumunod sa sinasabi ni Satanas. Ito ang “oh napakahusay” na pamamaraang ginagamit ni Satanas upang itiwali ang tao kung saan hindi sinasadyang mahulog ka sa patibong nito at naaakit nito. Tingnan mo, nagsasabi sa iyo si Satanas ng ilang bagay na iniisip ng mga tao na mabubuting bagay, at saka sasabihin sa iyo nito kung ano ang gagawin at ano ang dapat iwasan at iyon ay kung paano ka hindi sinasadyang nagsisimula sa landas na iyon. Sa oras na tahakin mo ang landas na iyon, mauuwi ito sa wala kung hindi gulo para sa iyo; parati kang mag-iisip tungkol sa sinabi ni Satanas at ano ang sinabi nitong gawin mo, at hindi mo namamalayang nasasapian ka na nito. Bakit ganoon? Ito ay dahil nagkukulang ang sangkatauhan sa katotohanan at kaya naman hindi nila kayang lumaban sa panunukso at pang-aakit ni Satanas. Nahaharap sa kasamaan ni Satanas at kanyang panlilinlang, pagtataksil, at malisya, napaka-mangmang ng sangkatauhan, napakamura ng isip at mahina, tama? Hindi ba ito ay isa sa mga paraan na pinasasama ni Satanas ang tao? (Oo.) Ang tao ay hindi sinasadyang malinlang at maisahan, paunti-unti, sa pamamagitan ng iba’t ibang mga pamamaraan ni Satanas, dahil nagkululang sila sa kakayahang makita ang pagkakaiba sa pagitan ng positibo at ng negatibo. Nagkukulang sila sa ganitong tayog, at ang kakayahang mapagtagumpayan si Satanas.
E. Paano Ginagamit ni Satanas ang mga Kausuhang Panlipunan upang Itiwali ang Tao
Ang mga kausuhang panlipunan ba ay isang bagong penomeno? (Hindi.) Kung gayon, kailan nagsimula ang mga ito? Maaari bang sabihin ng isa na ang mga kausuhang panlipunan ay nauso noong nagsimula na si Satanas na itiwali ang mga tao? (Oo.) Ano ang saklaw ng mga kausuhang panlipunan? (Estilo ng pananamit at meykap.) Ito ay isang bagay na madalas maranasan ng mga tao. Ang estilo ng pananamit, moda, at mga kausuhan, ito ay isang maliit na aspeto. Mayroon pa bang iba? Ang mga sikat na kasabihan ba na madalas pinag-uusapan ng mga tao ay kasama rin? Ang mga estilo ba ng pamumuhay na ninanasa ng mga tao ay kasama? Ang mga bituwin sa musika, mga sikat na personalidad, mga magasin, at mga nobela na gusto ng mga tao ay kasama? (Oo.) Sa inyong isip, Anong aspeto ng mga kausuhang ito ang kayang itiwali ang tao? Alin sa mga kausuhang ito ang pinakanakakaakit sa inyo? Sinasabi ng ilan na: “Lahat tayo ay nakarating na sa isang partikular na edad, tayo ay nasa kwarenta, singkwenta, sisenta, sitenta, o otsenta anyos kung saan hindi na natin kayang makibagay sa mga kausuhang ito at hindi na pinanghahawakan ang ating atensyon ng mga ito.” Tama ba ito? (Hindi.) Sinasabi ng iba: “Hindi namin sinusundan ang mga sikat na personalidad, iyan ay isang bagay na ang mga kabataan sa kanilang kadalagahan at kabinataan at mga bente anyos lamang ang gumagawa; hindi rin kami nagsusuot ng mga kasuotang sunod sa moda, iyon ay isang bagay na ginagawa ng mga mapag-alala sa kanilang imahe.” Kung gayon, alin sa mga ito ang kayang makapagpa-tiwali sa inyo? (Ang mga popular na kasabihan.) Kaya ba ng mga kasabihang ito na itiwali ang mga tao? Ito ang isa, at makikita ninyo kung magagawang itiwali nito ang tao o hindi, “Pinaalis ng pera ang babaeng kabayo”; ito ba ay isang kausuhan? Hindi ba ito mas masahol pang bagay kumpara sa mga kausuhang moda at pagluluto na inyong binanggit? (Oo.) “Pinaalis ng pera ang babaeng kabayo” ay isang pilosopiya ni Satanas at ito ay nananaig sa bawat lipunan ng mga tao. Maari ninyong sabihin na ito ay isang kausuhan dahil ito ay ibinahagi sa lahat at ngayon ay nakatanim na sa kanilang puso. Nanggaling ang mga tao mula sa hindi pagtanggap ng kasabihang ito patungo sa pagkasanay dito upang kapag naranasan na nila ang tunay na buhay, unti-unti silang nagbibigay ng tahimik na pag-apruba rito, kinilala ang pag-iral nito, at sa wakas, binigyan nila ito ng sarili nilang selyo ng pag-apruba. Hindi ba tama ito? (Oo.) Hindi ba ang prosesong ito ni Satanas ang gumagawang tiwali sa tao? Marahil ang ilan sa inyo na nakaupo rito ay hindi nauunawaan ang kasabihang ito sa parehas na antas, ngunit ang lahat ay mayroong magkakaibang mga antas ng interpretasyon at pagkilala sa kasabihang ito batay sa mga bagay na nangyayari sa kanilang paligid at kanilang mga sariling karanasan, tama? Hindi alintana kung gaano karaming karanasan ang mayroon ang isang tao sa kasabihang ito, ano ang negatibong epekto na dulot nito sa puso ng isang tao? (Iisipin ng mga tao na kayang gawin ng salapi ang lahat, at gugustuhin nila ang salapi.) Nabubunyag ang isang bagay sa pamamagitan ng disposisyon ng tao sa mga tao sa mundong ito, kasama na ang inyong mga sarili na nakaupo rito. Paano ito binibigyang kahulugan? Ito ang pagsamba sa salapi. Mahirap bang alisin ito mula sa puso ng isang tao? Napakahirap nito! Tila ang katiwalian ni Satanas sa mga tao ay talagang mabusisi! Masasabi ba natin iyon? (Oo.) Kaya naman matapos gamitin ni Satanas ang kausuhang ito upang itiwali ang mga tao, paano ito nakikita sa kanila? Hindi ba ninyo nararamdaman na hindi ninyo kayang mamuhay nang ligtas sa isang araw nang walang anumang salapi, na kahit isang araw ay imposible lamang? (Oo.) Ang estado ng mga tao ay base sa kung gaano karaming salapi ang mayroon sila bilang na rin ang kanilang pagiging kagalang-galang. Ang mga likod ng mahihirap ay nakayuko sa hiya, habang nagpapakasasa ang mga mayayaman sa kanilang mataas na estado. Nakatayo sila nang matuwid at mapagmataas, nagsasalita nang may kumpiyansa, at namumuhay nang may kahambugan. Ano ang dinadala ng kasabihan at kausuhang ito sa mga tao? Hindi ba nakikita ng marami ang pagkakaroon ng salapi na karapat-dapat sa anumang halaga? Hindi ba isinasakripisyo ng marami ang kanilang dignidad at katapatan sa paghahanap ng mas maraming salapi? Hindi ba marami pang mga tao ang nawawalan ng oportunidad na isagawa ang kanilang tungkulin at sundin ang Diyos para sa kapakanan ng salapi? Hindi ba ito ay isang kawalan para sa mga tao? (Oo.) Hindi ba’t masama si Satanas upang gamitin ang pamamaraang ito at ang kasabihang ito upang itiwali ang tao hanggang sa puntong iyon? Hindi ba ito isang malisyosong pandaraya? Habang ikaw ay sumusulong mula sa pagtutol sa popular na kasabihang ito papunta sa pangwakas na pagtanggap dito bilang katotohanan, mahuhulog nang buo ang iyong puso sa ilalim ng paghawak ni Satanas, at kaya gayon ay hindi sinasadya kang nabubuhay rito. Hanggang saang antas ka naapektuhan ng kasabihang ito? Maaari mong malaman ang tunay na daan, maaari mong malaman ang katotohanan, subalit ikaw ay walang kapangyarihang itaguyod ito. Maaari mong malaman nang malinaw ang salita ng Diyos, ngunit wala kang kusa na magbayad ng kabayaran nito, walang kusa na magdusa upang mabayaran ang kabayaran nito. Sa halip, mas gugustuhin mong isakripisyo ang iyong sariling kinabukasan at hantungan upang kalabanin ang Diyos hanggang sa katapusan. Anuman ang sabihin ng Diyos, anuman ang ginagawa ng Diyos, gaaano mo man mapagtanto na ang pag-ibig ng Diyos para sa iyo ay malalim at dakila, mananatili ka pa nang sutil at pagbabayad ng kabayaran para sa kasabihang ito. Ang ibig sabihin nito ay ang kasabihang ito ay kinokontrol na ang iyong pag-uugali at ang iyong mga kaisipan, at gugustuhin mong ang iyong kapalaran ay nakokontrol ng kasabihang ito kaysa isuko itong lahat. Ginagawa ito ng mga tao, sila ay nakokontrol ng kasabihang ito at namamanipula nito. Hindi ba ito ang epekto ng pagtiwali ni Satanas sa mga tao? Hindi ba ito ang pilosopiya at tiwaling disposisyon ni Satanas na nag-uugat sa iyong puso? Kung gagawin mo ito, hindi ba natamo ni Satanas ang kanyang layunin? (Oo.) Nakikita mo ba kung paano napasama ni Satanas ang tao sa ganitong paraan? (Hindi.) Hindi mo nakita ito. Nararamdaman mo ba ito? (Hindi.) Hindi mo ito naramdaman. Nakikita mo ba rito ang kasamaan ni Satanas? (Oo.) Ginagawang tiwali ni Satanas ang tao sa lahat ng oras at sa lahat ng mga lugar. Ginagawang imposible ni Satanas para sa tao na lumaban sa katiwaliang ito at ginagawang walang-laban ang tao rito. Ginagawa ni Satanas na tanggapin mo ang mga kaisipan nito, mga pananaw nito, at ang mga masamang bagay na nagmumula rito sa mga hindi sinasadyang sitwasyon at kapag wala kang pagkilala ng kung ano ang nangyayari sa iyo. Buong tinatanggap ng mga tao ang mga bagay na ito at hindi tumatanggap ng pamumukod sa kanila. Minamahal nila at pinanghahawakan ang mga bagay na ito na parang isang kayamanan, hinahayaan nila ang mga bagay na ito na manipulahin sila at paglaruan sila, at ito ay kung paano lumalalim nang lumalalin ang katiwalian ni Satanas sa tao.
Ang maraming nailarawang mga pamamaraan noong nakaraan na ginagamit ni Satanas upang itiwali ang mga tao ay halata at naranasan ito ng lahat; ginagamit ni Satanas ang mga ito, at ang mga ito ay hindi matatakasan. Mayroong kaalaman ang mga tao at ilang mga siyentipikong teorya, nabubuhay ang tao kasama ang impluwensya ng tradisyunal na kultura, at ang lahat ay isang tagapagmana ng tradisyunal na kultura. Tiyak ang tao na ipagpatuloy ang tradisyunal na kultura na ibinigay sa kanya mula kay Satanas pati na rin ang mga pagkilos kaugnay ng mga kausuhang panlipunan na ibinibigay ni Satanas sa sangkatauhan. Sa kabila ng pagiging di-maipaghiwalay kay Satanas, ang pakikiisa sa lahat ng ginagawa ni Satanas sa lahat ng oras, ang pagtanggap sa panlilinlang nito, kahambugan, malisya, at kasamaan—matapos taglayin ang mga disposisyon ni Satanas—masaya ba ang tao o namimighati sa paninirahan sa sangkatauhang ito at sa mundong ito? (Namimighati.) Bakit mo nasabi ito? (Siya ay naitali na ng mga bagay na ito at ang kanyang buhay ay isang mapait na labanan.) Hmm. Maaari kang makakita ng isang tao na sumasalamin at mayroong mismong kaanyuhan ng karunungan; maaaring hindi siya kailanman sumisigaw, dapat maging palaging magaling magsalita, makatarungan, at higit sa lahat, dahil sa kanyang edad, maaring dumaan na siya sa maraming mga bagay at dapat maging may karanasan; maaaring may kakayahan siyang magsalita nang detalyado tungkol sa mga bagay na malalaki at maliliit at mayroong matibay na pundasyon para sa kung ano ang kanyang sinasabi; maaari rin siyang magkaroon ng isang pulutong ng mga teorya upang tayahin ang katotohanan at dahilan ng mga bagay; at maaaring tumingin ang mga tao sa kanyang kaugalian, kanyang kaanyuhan, at makita kung paano niya dinadala ang kanyang sarili at nakikita ang kanyang katapatan at ang kanyang karakter at hindi makahanap ng kamalian sa kanya. Ang mga taong gaya nito ay partikular na nakikiuso sa mga kausuhang panlipunan at hindi kailanman napag-isipang mapag-iwanan; sa halip, siya ay mapangahas na bagong uso at may estilo. Kahit na maaaring maging mas matanda ang taong ito, hindi siya kailanman nahuli sa mga panahon at hindi siya kailanman napakatanda para matuto. Sa labas na anyo, walang makakahanap ng kamalian sa kanya, ngunit sa kalooban niya, siya ay lubusan nang ginawang tiwali ni Satanas. Sa labas na anyo, walang mali, siya ay banayad, pino, nagtataglay ng kaalaman at tiyak na moralidad; mayroon siyang katapatan at ang mga bagay na alam niya ay maikukumpara sa kung ano ang alam ng mga kabataan. Gayunman, kaugnay ng kanyang kalikasan at kalooban, ang taong ito ay kabuuan at nabubuhay na modelo ni Satanas, siya ang kapilas ni Satanas. Ito ang “bunga” ng katiwalian ni Satanas sa mga tao. Ang aking mga sinabi ay maaaring maging masakit para sa inyo, ngunit totoo ang lahat ng mga ito. Ang kaalamang pinag-aaralan ng tao, ang siyensiyang kanyang nauunawaan, at ang daang kanyang tinatahak para makibagay sa mga kausuhang panlipunan, walang pamumukod, ay mga kagamitan ng katiwalian ni Satanas. Lubusan itong totoo. Kung gayon, naninirahan ang tao sa loob ng isang disposisyon na ginawang tiwali nang tuluyan ni Satanas at walang paraan ang tao na malaman kung ano ang kabanalan ng Diyos o ano ang kalooban ng Diyos. Ito ay dahil sa panlabas na anyo, hindi kayang makahanap ng mali sa mga pamamaraan na ginagawang tiwali ni Satanas ang tao; hindi kayang masabi mula sa kaugalian ng isang tao na may anumang kakaiba. Ang lahat ay nagpapatuloy sa kanilang mga trabaho nang normal at namumuhay nang normal; nagbabasa sila ng mga libro at mga dyaryo nang normal, nag-aaral at nagsasalita sila nang normal; ang ilan pa nga ay natuto na magkaroon ng imahe ng moralidad upang ang masabi nila ang kanilang mga pagbati, maging magalang, maging mapitagan, maging maunawain sa iba, maging palakaibigan, maging matulungin sa iba, maging mapagbigay sa kapwa, at iwasan ang pagiging mabusisi tungo sa iba at iwasang samantalahin ang iba. Gayundin, ang kanilang mga tiwali at mala-Satanas na disposisyon ay nakaugat nang malalim sa kanilang kaibuturan; ang kaloobang ganito ay hindi kayang baguhin sa pamamagitan ng pagdepende sa panlabas na gawa. Hindi kaya ng tao na malaman ang kabanalan ng Diyos dahil sa kaloobang ito, at kahit na ang kalooban ng kabanalan ng Diyos ay ginawang publiko sa tao, hindi ito sineseryoso ng tao. Ito ay dahil tuluyan nang naangkin ni Satanas ang mga nararamdaman ng tao, mga ideya, mga pananaw, at mga kaisipan sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan. Ang pagkaangkin at katiwaliang ito ay hindi pansamantala o paminsan-minsan; ito ay umiiral kahit saan at sa lahat ng oras. Kung gayon, maraming mga tao na naniniwala sa Diyos sa loob ng tatlo o apat na taon—kahit pa lima o anim na taon—kumakapit pa rin sila sa mga kaisipan at pananaw na naitanim sa kanila ni Satanas na para bang may hawak silang kayamanan. Dahil tinanggap ng tao ang masama, hambog, at malisyosong kalikasan ni Satanas, hindi maiiwasang mayroong kaguluhan sa mga interpersonal na relasyon ng mga tao, kadalasan may mga pagtatalo at hindi pagkakatugma, na siyang nilikha bilang resulta ng hambog na kalikasan ni Satanas. Kung nagbigay si Satanas sa sangkatauhan ng mga positibong bagay—halimbawa, kung ang Confucianismo at Taoismo ng tradisyunal na kultura na tinanggap ng tao ay itinuturing na mga mabuting bagay—ang magkakaparehong mga uri ng tao ay dapat na marunong makibagay sa isa’t isa matapos tanggapin ang mga bagay na iyon, tama? Kaya bakit mayroong ganoong malaking pagkakahati sa pagitan ng mga tao na tumanggap ng mga magkakaparehong bagay? Bakit ganoon? Ito ay dahil ang mga bagay na ito ay nagmula kay Satanas at lumilikha si Satanas ng hatian sa pagitan ng mga tao. Ang mga bagay na ibinibigay ni Satanas, kahit pa gaano ang mukhang may dignidad o dakila ang mga iyon sa panlabas, dinadala pa rin nito ang tao at nilalabas lamang sa tao ang kayabangan, at walang iba kung hindi ang panlilinlang ng masamang kalikasan ni Satanas. Hindi ba tama iyon? Ang isang tao na kayang magpanggap ng sarili, magtaglay ng kayamanan ng kaalaman, o mayroong magandang pagpapalaki ay mahihirapang itago ang kanilang mala-Satanas na tiwaling disposisyon. Ilang beses mang ikubli ng taong ito ang kanilang mga sarili, kung naiisip mo sila bilang santo, o kung naisip mo na sila ay perpekto, o kung naisip mo na sila ay isang anghel, gaano man inakala mong sila ay dalisay, ano ang kanilang magiging buhay sa likod ng mga eksenang ito? Anong kalooban ang nakikita mo sa pagbubunyag ng kanilang disposisyon? Walang duda na makikita mo ang masamang kalikasan ni Satanas. Maaari bang ito masabi ng sinuman? (Oo.) Halimbawa, sabihin nating may kilala kayong isang tao na malapit sa inyo na tingin ninyo ay isang mabuting tao, o iniisip mo bilang isang mabuting tao, marahil isang tao na inyong inidolo. Sa inyong kasalukuyang tayog, ano ang inyong tingin sa kanila? Una, tinitingnan ninyo kung mayroong pagkatao ang taong ito o wala, kung sila ay matapat, kung sila ay may tunay na pag-ibig para sa mga tao, kung ang kanilang mga salita at gawa ay nakakapagbigay benepisyo at nakatutulong sa iba. (Hindi.) Ang tinaguriang kabaitan, pag-ibig, o kabutihan na naibubunyag dito, ano ba talaga ito? Ang lahat ng ito ay panlabas lamang, ang lahat ng ito ay huwad. Ang mga nasa likod ng mga eskenang panlabas na ito ay may isang natatagong masamang layon: Ito ay upang gawin ang taong iyon na hangaan at idolohin. Nakikita n’yo ba ito ngayon? (Oo.)
Anong dinadala sa sangkatauhan ng mga pamamaraang ginagamit ni Satanas upang itiwali ang mga tao? Mayroon bang anumang positibo rito? (Wala.) Una, kaya bang ipagkaiba ng tao ang mabuti sa masama? (Hindi.) Tingnan mo, sa mundong ito, ito man ay isang dakilang tao, o ilang dyaryo, o ilang mga estasyon ng radyo, sasabihin nilang ito o iyon ay mabuti o masama, iyon ba ay ganoon katumpak? (Hindi.) Tama ba iyon? (Hindi.) Ang kanila bang mga pagtataya ng mga pangyayari at mga tao ay patas? (Hindi.) Mayroon bang katotohanan rito? (Wala.) Ang mundo bang ito o sangkatauhan ay nagtataya ng mga positibo at mga negatibong bagay buhat sa pamantayan ng katotohanan? (Hindi.) Bakit walang ganoong abilidad ang mga tao? Pinag-aralan na ng mga tao ang napakaraming kaalaman at marami nang alam tungkol sa siyensiya, hindi pa ba sapat ang kanilang mga kakayahan? Bakit hindi nila kayang ipagkaiba ang mga positibo at mga negatibong mga bagay? Bakit ganoon? (Dahil walang taglay na katotohanan ang mga tao; ang siyensiya at kaalaman ay hindi mga katotohanan.) Ang lahat ng dinadala ni Satanas sa sangkatauhan ay kasamaan ay katiwalian at wala itong taglay na katotohanan, ang buhay, at ang daan. Sa kasamaan at katiwalian nadala ni Satanas sa mga tao, masasabi mo bang mayroong pag-ibig si Satanas? Masasabi mo bang may pag-ibig ang tao? Maaaring sabihin ng mga tao: “Mali ka, maraming mga tao sa buong mundo na tumutulong sa mga mahihirap o mga walang tirahan. Hindi ba mabubuting mga tao ang mga ito? Mayroong ring mga organisasyong mapagbigay sa kapwa na gumagawa ng mabubuting mga gawain, hindi ba ang lahat ng gawang kanilang gawa ay para sa kabutihan?” Kung gayon, ano ang ating masasabi tungkol doon? Gumagamit si Satanas ng maraming, iba’t ibang mga pamamaraan at teorya upang itiwali ang tao; ang katiwalian ba ng tao ay isang malabong konsepto? Hindi, ito ay hindi malabo. Gumagawa rin si Satanas ng iba’t ibang mga praktikal na bagay, na siyang nagsasama ng iba’t ibang uri ng mga huwad na bagay na nagbabalat-kayong mabubuting bagay, pati na rin ang mga mapanlinlang na kilos, na ginagawa ni Satanas kasama ang sarili nitong intensyon at layon. Ang mga tiwaling tao at si Satanas ay magkaparehas; sila ay nasa mundo ring ito at nasa lipunan, nagpapalaganap ng isang pananaw o teorya. Sa bawat dinastiya at sa bawat kapanahunan, sila ay nagpapalaganap ng isang teorya at nagtatanim ng ilang mga kaisipan sa mga tao. Ang mga kaisipan at teoryang ito ay unti-unting umuugat na sa mga puso ng tao, at kaya naman ang mga tao ay nagsisimula nang mamuhay sa mga teorya at kaisipang ito; hindi ba sila nagiging si Satanas nang hindi nila alam? Hindi ba ang mga tao ay kaisa ni Satanas? Kapag ang mga tao ay naging kaisa ni Satanas, ano ang kanilang ugali tungo sa Diyos sa katapusan? Hindi ba iyon kaparehas na ugali na mayroon si Satanas tungo sa Diyos? Walang sinuman ang nangangahas na aminin ito, tama? Nakakatakot ito! Ang mga tao ay Satanas, at ang kanilang kalikasan ay ang pinaka-kalikasan ni Satanas. Bakit ko nasabing ang kalikasan ni Satanas ay masama? Ito ay natutukoy at naaanalisa batay sa kung ano ang ginawa ni Satanas at ang mga bagay na kanyang ibinunyag; hindi ito walang-halaga na sabihing si Satanas ay masama. Kung sinabi ko lamang na si Satanas ay masama, ano ang inyong iisipin? Maaari ninyong isipin, “Halata naming si Satanas masama.” Kaya tatanungin ko kayo: “Anong aspeto ni Satanas ang masama?” Kung iyong sasabihing: “Ang pagtanggi ni Satanas sa Diyos ay masama,” hindi pa rin kayo nagsasalita ng may kalinawan. Ngayon nasabi na natin ang mga espesipikong bagay sa ganitong paraan; mayroon ba kayong pagkaunawa tungkol sa espesipikong nilalaman ng kalooban ng kasamaan ni Satanas? (Oo.) Ngayong mayroon na kayong ganitong pagkaunawa sa masamang kalikasan ni Satanas, gaano mahigit ang inyong pag-unawa tungkol sa inyong mga sarili? Ang mga ito ba ay magkaugnay? (Oo.) Ang ganitong ungnayan ba ay nakasasakit sa inyo? (Hindi.) Nakakatulong ba ito sa inyo? (Oo.) Gaano ito nakakatulong? (Isang napakamalaking tulong!) Pag-usapan natin ang mga katiyakan; hindi ako makakarinig ng mga salitang hindi malinaw. Gaano kalaki ang ibig sabihin ng “napakalaking” ito? (Alam natin ang mga bagay na ikinagagalit ng Diyos, aling mga bagay ang tumataliwas sa Diyos; ang ating mga puso ay may kalinawan tungkol sa mga bagay na ito.) Mm, mayroon bang iba pang maidadagdag? Kapag ako ay nakikisama tungkol sa kalooban ng kabanalan ng Diyos, kinakailangan ba na pagsamahan ko ang tungkol sa masamang kalooban ni Satanas, ano ang inyong opinyon? (Oo, ito ay kinakailangan.) Bakit? (Ang kasamaan ni Satanas ay naglalagay sa kabanalan ng Diyos sa kaginhawahan.) Ganito ba ito? Ito ay bahagyang tama dahil kung wala ang kasamaan ni Satanas, hindi malalaman ng mga tao ang kabanalan ng Diyos; tama ito. Gayunman, kung sasabihin ninyo na ang kabanalan ng Diyos ay umiiral lamang dahil kabaliktaran ito ng kasamaan ni Satanas, tama ba ito? Mali ang argumentong ito. Ang kabanalan ng Diyos ang likas na kalooban ng Diyos; kahit na ibinubunyag ito ng Diyos o inaakto ng Diyos, nagtataglay Siya ng likas na kaloobang ito at ito ay natural na nabubunyag, ito ay natural na nasa Diyos Mismo at ito ay lagi nang umiiral, ngunit hindi ito nakikita ng tao. Namumuhay ang tao sa masamang disposisyon ni Satanas at sa masamang kalooban nito, at hindi alam ng tao ang tungkol sa kanyang kabanalan o tungkol sa tiyak na nilalaman ng kabanalan ng Diyos. Hindi ba tama ito? Kaya naman, naiisip ba ninyo na kinakailangan nating pagsamahan muna ang tungkol sa masamang kalooban ni Satanas? (Oo, ito nga.) Tingnan mo, pinagsamahan natin ang tungkol sa maraming aspeto ng pagkakatangi ng Diyos at hindi natin nabanggit ang kalooban ni Satanas, tama? Maaaring ihayag ng ilan ang kanilang mga duda gaya ng, “Kayo ay nagsasama-sama tungkol sa Diyos Mismo, bakit lagi Kayong nag-uusap tungkol sa kung paaano ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao at gaano kasama ang kalikasan ni Satanas?” Nailagay mo na ba sa limot ang mga dudang ito? (Oo.) Paano mo ibinaon sa limot ang mga ito? (Sa pamamagitan ng pagsasamahan ng Diyos, naipagkaiba natin kung alin ang masama.) Kapag ang mga tao ay mayroong pagkilala ng kasamaan at kapag sila ay may tiyak na pakahulugan dito, kapag nakikita nang malinaw ng mga tao ang tiyak na nilalaman at pagpapakita ng kasamaan, ang pinagmumulan at ang kalooban ng kasamaan—kapag ang kabanalan ng Diyos ay tinalakay ngayon—saka malinaw na mapapagtanto ng mga tao, o malinaw na makikilala ito bilang kabanalan ng Diyos, bilang tunay na kabanalan. Kung hindi ko tinalakay ang kalikasan ni Satanas, magkakamali ang ilan sa paniniwalang ang isang bagay na ginagawa ng tao sa lipunan at sa mga tao—o isang bagay sa mundong ito—ay maaaring may kaugnayan sa kabanalan. Hindi ba ang pananaw na ito ay mali? (Oo.) Napagsamahan na natin nang mabuti ang tungkol sa kalooban ni Satanas. Anong uri ng pagkakaunawa ng kabanalan ng Diyos ang inyong natamo sa pamamagitan ng inyong mga karanasan noong mga nakalipas na taon, mula sa inyong pagkakakita ng salita ng Diyos at mula sa pagdanas sa Kanyang gawain? Humayo kayo at ipagkalat ang tungkol dito. Hindi mo kailangang gumamit ng mga salitang kaaya-aya sa tainga, magsalita lamang mula sa inyong sariling mga karanasan, ang kabanalan ba ng Diyos ay gaya ng Kanyang pag-ibig? Ang pag-ibig lamang ba ng Diyos ang ating inilalarawan bilang kabanalan? Iyon ay may pinapanigan, tama? Hindi ba iyon magiging hindi patas? (Oo.) Kaya maliban sa pag-ibig ng Diyos, mayroong iba pang mga aspeto ng kalooban ng Diyos na inyong nakita? (Oo.) Ano ang inyong nakita? (Kinapopootan ng Diyos ang mga pista at mga bakasyon, mga tradisyon, at mga pamahiin; ito ang kabanalan ng Diyos.) Sinabi lamang ninyo na kinapopootan ng Diyos ang ilang mga bagay; ang Diyos ay banal kaya naman kinapopootan Niya ang mga bagay, ito ba ang kahulugan nito? (Oo.) Sa ugat nito, ano ang kabanalan ng Diyos? Ang kabanalan ng Diyos ay walang matibay na nilalaman, iyon lamang ay kinapopootan Niya ang mga bagay? Sa inyong mga isip, iniisip ba ninyo na, “Dahil kinagagalitan ng Diyos ang mga masasamang bagay na ito, kung gayon maaaring sabihin ng isa na banal ang Diyos”? Hindi ba ang ispekulasyong ito ay narito? Hindi ba ito isang anyo ng pagbabawas at paghatol? Ano ang pinakamalaking kabawalan pagdating sa pag-unawa ng kalooban ng Diyos? (Ang pagkalimot sa realidad.) Ito ay kapag iniiwanan natin ang realidad kapag pinag-uusapan ang mga doktrina, ito ang pinakabawal na gawing bagay. Mayroon pa ba? (Ispekulasyon at imahinasyon.) Ang ispekulasyon at imahinasyon, ang mga ito ay mga napakalakas ring mga kabawalan. Bakit ang ispekulasyon at imahinasyon ay hindi kapaki-pakinabang? Ang mga bagay ba na iyong pinagbabakasakalian at ginuguni-guni ang tunay mong nakikita? (Hindi.) Ang mga ito ba ay tunay na kalooban ng Diyos? (Hindi.) Ano pa ang bawal? Bawal ba na mag-isa-isa lamang ng isang bungkos ng mga salitang magandang pakinggan tungkol sa kalooban ng Diyos? (Oo.) Hindi ba ito mayabang at walang kuwenta? Ang paghatol at pagbabaka-sakali ay walang kuwenta, kagaya rin lamang ng pagpili ng mga salitang magandang pakinggan. Mayroon pa bang iba? Ang papuring walang laman ay wala ring kuwenta, tama? (Oo.) Nasisiyahan ba ang Diyos sa pakikinig sa mga tao na nag-uusap tungkol sa ganitong uri ng kahangalan? (Hindi, hindi Siya nasisiyahan.) Ano ang isang kasingkahulugan ng “hindi nasisiyahan” mayroon ba? (Ang makaramdam ng pagiging hindi kumportable.) Hindi kumportable ang Kanyang pakiramdam sa pakikinig dito! Namumuno ang Diyos at nagliligtas ng isang grupo ng tao, at matapos ang grupong ito ay narinig ang Kanyang mga salita, hindi naman nila kailanman naunawaan ang Kanyang ibig sabihin. Maaaring sabihin ng isa: “Mabuti ba ang Diyos?” at sila’y tumugon, “Mabuti!” “Gaano kabuti?” “Napaka-, napakamabuti!” “Mahal ba ng Diyos ang tao?” “Oo!” “Gaano kalaki?” “Napaka-, napakalaki!” “Kaya mo bang ilarawan ang pag-ibig ng Diyos?” “Ito ay mas malalim kaysa dagat, mas mataas kaysa sa himapapawid!” Hindi ba ito kahangalan? Hindi ba ang kahangalang ito ay parehas ng kasasabi lamang ninyo tungkol sa, “Kinapopootan ng Diyos ang tiwaling disposisyon ni Satanas, kung gayon, banal ba ang Diyos”? (Oo.) Hindi ba ang inyong kasasabi lamang ay kahangalan? Saan nanggagaling ang karamihan ng mga hangal na bagay na nababanggit? (Si Satanas.) Nanggagaling ang mga ito kay Satanas. Ang mga bagay na hangal na nabanggit ay pangunahing nanggagaling sa iresponsibilidad ng mga tao at kawalan ng paggalang sa Diyos. Maaari ba nating sabihin iyon? (Oo.) Hindi kayo nagkaroon ng anumang pagkakaunawa ngunit nagsalita pa rin kayo ng kahangalan, hindi ba ito ay pagiging iresponsable? Hindi ba ito kabastusan sa Diyos? Nagkapag-aral ka ng kaunting kaalaman, nakaunawa ng kaunting pangangatuwiran at kaunting lohika, na siyang ginamit ninyo rito, higit pa rito, nakagawa ng mga ito sa pagkilala sa Diyos. Tingin ba ninyo, hindi ba kumportable ang Diyos na marinig ito? Paano ninyo makikilala ang Diyos sa paggamit ng mga pamamaraang ito? Hindi ba iyon ay nakakasaliwang pakinggan? Kung gayon, pagdating sa kaalaman ng Diyos, dapat maging maingat ang isang tao; kung saan kilala ninyo ang Diyos, magsalita lamang ng tungkol doon. Magsalita nang may katapatan at may praktikalidad at huwag palamutian ang inyong mga salita ng mga karaniwang papuri at huwag gumamit ng pambobola; Hindi iyon kailangan ng Diyos at ang ganitong uri ng bagay ay nanggagaling kay Satanas. Hambog ang disposisyon ni Satanas at gusto ni Satanas na bolahin at makarinig ng magagandang mga salita. Masisiyahan si Satanas at matutuwa kapag inilista ng mga tao ang lahat ng salitang magandang pakinggan na kanilang natutunan at gagamitin ang mga salitang ito para kay Satanas. Ngunit hindi ito kailangan ng Diyos; Hindi kailangan ng Diyos ng paglalangis o pambobola at hindi Niya hinihingi sa mga tao na magsalita ng kahangalan at purihin Siya nang walang taros. Napopoot ang Diyos at ni hindi makikinig sa papuri at pambobola na malayo sa realidad. Kaya naman, kapag ang ilang mga tao ay pinupuri nang walang taros ang Diyos at ang kanilang sinasabi ay hindi tugma sa kung ano ang nasa kanilang puso at kapag walang taros silang gumagawa ng mga panata sa Diyos at nagdadasal sa Kanya nang hindi isinasaloob ang ginagawa, hindi kailanman nakikinig ang Diyos. Dapat ninyong akuin ang responsibilidad para sa inyong sinasabi. Kung hindi mo alam ang isang bagay, sabihin mo lamang; kung alam mo naman ang isang bagay, ilahad mo ito sa isang praktikal na paraan. Ngayon, kaugnay ng aktuwal na nilalaman ng kabanalan ng Diyos, mayroon ba kayong tiyak na pagkakaunawa rito? Ngayon, hindi kayo mangangahas na magsabi ng mga hangal na bagay, tama? Hindi kayo nagsasalita ng kahangalan, ngunit hindi mapigilan ang pagsasalita, kaya kayo ay dapat nang magkaroon ng kaunting pang-unawa, tama? Iniisip ba ninyo ang tungkol dito? Maingat ninyong pinanghahawakan ito, tama? Maaari kayong magsabi ng ilang mga bagay ngayon. (Noong ibinunyag ko ang pagkasuwail, noong ako ay nagkaroon ng mga paglabag, natanggap ko ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, at doon ko nakita ang kabanalan ng Diyos. At noong nahulog ako sa mga sitwasyon at mga kapaligiran na hindi tumatalima sa aking mga inaasahan, nagdasal ako tungkol sa mga bagay na ito at sinumpungan ko ang mga intensiyon ng Diyos at niliwanagan ako ng Diyos at ginabayan ako gamit ang Kanyang mga salita, nakita ko ang kabanalan ng Diyo.) Hmm, ito ay mula sa iyong sariling karanasan, tama? (Kapag inakay ng Diyos ang lahat ng mga tao patungo sa daan, at habang mayroon Siyang dominyon sa mga tao, doon ko nakikita ang kabanalan ng Diyos. Sa katunayan, sa kasasabi lamang ng Diyos tungkol sa kung paano itiwali ni Satanas ang tao at ang tao ay namumuhay sa ilalim ng katiwalian at pagdurusa ni Satanas, walang kontrol ang tao rito, tunay kong nakikita ang kabanalan ng Diyos sa pamamagitan ng gawa ng Diyos sa tao.) (Nakita ko na mula sa kung ano ang sinabi ng Diyos na ang tao ay masama at napinsalaan ni Satanas gaya nito. Gayunman, ibinigay ng Diyos ang lahat para iligtas tayo at mula rito nakikita ko ang kabanalan ng Diyos.) Ito ay isang makatotohanang paraan ng pagsasalita at ito ay isang totoong kaalaman. Mayroon bang ibang mga pag-intindi rito? (Hindi ko alam kung ang aking pagkakaintindi ay tama o mali. Sa pagsasama na nagkaroon lamang ang Diyos sa atin, nakikita ko ang kasamaan ni Satanas sa mga bagay na sinasabi at ginagawa ni Satanas. Sa unang pagsasamahan, nabanggit na sinabi ng Diyos sa tao ang pwede at hindi Niya pwedeng kainin, at ibinunyag ng mga salita ng Diyos ang kalinisan at katuwiranan; mula rito nakikita ko ang kabanalan ng Diyos. Iyan ang pwede kong idagdag.) Mm. Sa inyong narinig mula sa sinabi ng mga tao, kaninong mga salita ang madalas mong sabihan ng Amen? Kaninong mga salita, kaninong pagsasama-sama ang pinakamalapit sa ating paksa ngayon, kanino ang pinakamakatotohanan? Kamusta ba ang pagsasamahan ng huling kapatid na babae? (Mabuti.) Nagsasabi kayo ng Amen sa kanyang sinabi, ano ang kanyang sinabi na akma sa target? Maaari kayong maging direkta, magsabi ng inyong dapat sabihin at hindi mag-alala tungkol sa pagiging mali. (Sa mga salita na kasasabi lamang ng ating kapatid, narinig ko na ang salita ng Diyos ay direkta at klaro, ang lahat ng ito ay hindi katulad ng mga paligoy-ligoy na salita ni Satanas. Nakita ko rito ang kabanalan ng Diyos.) Hmm, bahagi ito nito. Narinig ba ninyong lahat ang kasasabi lamang? (Oo.) Tama ba iyon? (Oo.) Bigyan natin si sister ng isang masigabong palakpakan. Napakainam. Nakikita ko na mayroong kayong natutunan sa dalawang pinakabagong mga pagsasamahang ito, ngunit dapat kayong magpatuloy sa pagtatrabaho nang mabuti. Ang dahilan na kayo at dapat na magtrabaho nang mabuti ay dahil ang pag-unawa ng kalooban ng Diyos ay isang malalim na aralin; hindi ito isang bagay na nauunawaan ng isang tao sa isang gabi lamang o kayang sabihin nang malinaw sa kaunting mga salita.
Bawat aspeto ng tiwaling mala-Satanas na disposisyon ng tao, kaalaman, pilosopiya, mga kaisipan ng tao at mga pananaw, at mga personal na aspeto na humahadlang sa kanilang higit pang pagkilala sa kalooban ng Diyos; kaya kapag narinig ninyo ang mga paksang ito, ang ibang mga paksa ay maaaring maging malayo sa inyong kayang abutin, ang ilang mga paksa ay maaaring hindi ninyo maunawaan, habang ang ilang mga paksa na pangunahing alam ninyo ay hindi tumutugma sa realidad. Hindi alintana ito, narinig ko ang tungkol sa inyong pagkakaunawa ng kabanalan ng Diyos at alam ko na sa inyong mga puso kayo ay nagsisimula nang kilalanin ang kasasabi ko lamang at pinagsamahan tungkol sa kabanalan ng Diyos. Alam ko na sa inyong puso ninanais ninyo na ang maunawaan ang kalooban ng kabanalan ng Diyos ay nagsisimulang umusbong. Ngunit ano ang lalong nagpapasaya pa sa Akin? Ito ay ang ilan sa inyo ay marunong nang gumamit ng mga payak na salita upang ilarawan ang inyong kaalaman tungkol sa kabanalan ng Diyos. Kahit na ito ay isang simpleng bagay lamang para sabihin at nasabi ko na ito noon, sa mga puso ng karamihan sa inyo, ito ay dapat pang masangayunan o makagawa ng impresyon. Gayunman, ang ilan sa inyo ay isinapuso na ang mga salitang ito at ito ay mabuti at ito ay isa nang magandang simula. Umaasa ako na sa mga paksang iniisip ninyo na malalim—o sa mga paksa na higit pa sa inyong kayang abutin—magpapatuloy kayong makiisa sa pagsasamahan, at gumawa pa ng mas marami at marami pang pagsasamahan. Sa mga isyung ganoon na higit pa sa inyong kayang abutin, mayroong isang tao na magbibigay sa inyo ng higit pang gabay. Kung makikiisa kayo sa mas marami pang pagsasamahan kaugnay ng mga bahaging nasa inyong abot ngayon, ang Banal na Espiritu ay gagawa ng Kanyang gawa at kayo ay makakarating sa mas dakila pang pagkakaunawa. Ang pang-unawa ng kalooban ng Diyos at ang pagkilala sa kalooban ng Diyos ay nagbibigay ng hindi masukat na tulong sa pagpasok ng tao sa buhay. Umaasa ako na hindi ninyo isasawalang-bahala ito o makikita ito bilang isang laro; dahil ang pagkilala sa Diyos ay isang napakahalagang batayan at pundasyon para sa pananampalataya ng tao sa Diyos at ang paghahanap ng tao sa katotohanan at kaligtasan at isang bagay na hindi dapat ipagpamigay lamang. Kung naniniwala ang tao sa Diyos ngunit hindi pa kilala ang Diyos, at kapag namumuhay ang tao kasama ang ilang mga sulat at doktrina, hindi ninyo matatamo ang kaligtasan kahit pa kumilos kayo at mamuhay ayon sa mga mababaw na salita ng katotohanan. Ibig sabihin, kung ang inyong pananampalataya sa Diyos ay hindi batay sa pagkilala sa Kanya, kung gayon ang inyong pananampalataya ay walang kahulugan. Naiintindihan ninyo, tama? (Oo, naiintindihan namin.) Ang ating pagsasamahan ay magtatapos na rito sa ngayon.

Enero 04, 2014
Mula sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan:
Rekomendasyon:
Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!
Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ?
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal