Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Salita ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Salita ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” (Sipi II)



Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” (Sipi II)


Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | 21. Ano ang pagsunod sa Diyos?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang pangunahing kahalagahan ng pagsunod sa Diyos ay na ang lahat ay dapat alinsunod sa totoong mga salita ng Diyos: Maging ikaw ay naghahangad ng pagpasok sa buhay o ang katuparan ng kalooban ng Diyos, ang lahat ay dapat nakasentro sa totoong mga salita ng Diyos. Kung ano ang iyong pakikipag-isa at hinahangad ay hindi nakasentro sa palibot ng totoong mga salita ng Diyos, kung gayon isa kang estranghero sa mga salita ng Diyos, at ganap na nawalan ukol sa gawain ng Banal na Espiritu.

mula sa “Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Mga Yapak ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagbabago sa araw-araw, pataas nang pataas sa bawat hakbang; ang pagbubunyag ng bukas ay nagiging mas mataas kaysa sa ngayon, bawat hakbang ay umaakyat nang mas mataas.

Mga Pagbigkas ni Cristo | Tanging ang Pagsasagawa ng Katotohanan ang Pagkakaroon ng Realidad

Ang kakayahang maipaliwanang nang tahasan ang mga salita ng Diyos ay hindi nangangahulugan na taglay mo ang katotohanan—ang mga bagay ay hindi kasing-simple ng iyong iniisip. Taglay mo man ang katotohanan o hindi, hindi ito nakabatay sa kung ano ang iyong sasabihin, sa halip, ito ay nakabatay sa iyong isinasabuhay. Kapag naging buhay at likas na pagpapahayag mo ang mga salita ng Diyos, ito lamang ang naituturing na realidad, at ito lamang ang naituturing na pagkamit mo ng pagkaunawa at tunay na tayog. Kailangan mong makayanan ang pagsusuri sa mahabang panahon, at kailangan mong maisabuhay ang wangis na hinihingi sa iyo ng Diyos; hindi ito dapat na sa anyo lamang, ngunit kailangan itong likas na dumaloy palabas sa iyo. Sa gayon ka lamang tunay na magkakaroon ng realidad, at sa gayon mo lamang makakamit ang buhay.

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan

Ang pagkilala sa gawa ng Diyos sa mga panahong ito, sa pinakamalaking bahagi, ay ang pagkilala sa Diyos na nagkatawang-tao ng mga huling araw, kung ano ang Kanyang pangunahing ministeryo, at kung ano ang Kanyang pakay na gagawin sa daigdig. Akin nang nabanggit sa Aking mga sinabi na ang Diyos ay naparito sa lupa (sa mga huling araw) upang magbigay-halimbawa bago lumisan. Paano ipinakikita ng Diyos ang halimbawang ito? Sa pamamagitan ng pagsasalita, sa pamamagitan ng paggawa at pagsasalita sa buong lupain. Ito ang gawain ng Diyos sa mga huling araw; Siya ay nagsasalita lamang, nang sa gayon ang daigdig ay maging isang mundo ng mga salita, upang ang bawa’t tao ay mapaglaanan at maliwanagan ng Kanyang mga salita, at upang ang espiritu ng tao ay magising at siya ay malinawan tungkol sa mga pangitain. Sa mga huling araw, ang Diyos na nagkatawang-tao ay naparito sa lupa pangunahin na upang magbahagi ng Kanyang mga salita. Noong dumating si Jesus, pinalaganap Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit, at tinupad ang gawain ng pagtubos sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus.

Kidlat ng Silanganan | 4. Ano ang ibig sabihin ng tunay na manalangin?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


Ano ang ibig sabihin ng manalangin nang tunay? Nangangahulugan ito ng pagsasabi ng mga salita sa loob ng iyong puso sa Diyos, at pakikipagniig sa Diyos na mayroong pagkaunawa sa Kanyang kalooban at batay sa Kanyang mga salita; nangangahulugan ito ng pakiramdam na talagang malapit sa Diyos, pakiramdam na Siya ay nasa harap mo, at na mayroon kang isang bagay na gustong sabihin sa Kanya; at nangangahulugan ito ng pagiging talagang masigla sa loob ng iyong puso, at damdamin na ang Diyos ay sadyang kaibig-ibig. Madarama na ikaw ay sadyang pinukaw, at pagkatapos marinig ang iyong mga salita ang iyong mga kapatid ay malulugod, madadama nila na ang mga salita na iyong sinabi ay ang mga salita sa loob ng kanilang mga puso, mga salitang gusto nilang sabihin, at kinakatawan ng iyong sinasabi kung ano ang gusto nilang sabihin.

salita ng Diyos | "Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat" (Sipi 2)



salita ng Diyos | "Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat" (Sipi 2)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang Makapangyarihan sa lahat ay may awa sa mga taong ito na malalim ang pagdurusa. Ganoon din, Siya ay sawang-sawa na sa mga tao na walang kamalayan, dahil kailangan pa Niyang maghintay ng napakahabang panahon para sa sagot ng mga tao. Hinahangad Niyang maghanap, hanapin ang iyong puso at ang iyong espiritu. Nais ka Niyang dalhan ng pagkain at tubig at gisingin ka, upang hindi ka na uhaw, hindi na gutom. Kapag ikaw ay nanghihina at kapag ikaw ay nagsimula nang maramdaman ang kapanglawan ng mundong ito, huwag nang maguluhan, huwag kang umiyak. Ang Makapangyarihang Diyos, ang Tagabantay, ang tatanggap sa iyong pagdating anumang oras."

Tayong mga Kristiyano ay nananalangin sa ngalan ng Panginoong Hesukristo araw-araw, pero alam ba natin ang kahulugan ni Kristo?


Mga Pagsasalaysay | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV Ang Kabanalan Ng Diyos (I) (Ikatlong Bahagi)



Mga Pagsasalaysay | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV Ang Kabanalan Ng Diyos (I) (Ikatlong Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Anumang mga panukala ang ginawa ng Diyos, sa kasagsagan ng Kanyang paggawa ang lahat ng mga iyon ay may positibong epekto para sa tao, at pinangungunahan ng mga ito ang daan. Kaya may mga makasariling pag-iisip ba sa isipan ng Diyos? Mayroon bang karagdagang mga layunin ang Diyos patungkol sa tao, o nais ba Niyang gamitin ang tao sa ibang paraan? (Hindi) Hindi kailanman. Ginagawa ng Diyos kung ano ang sinasabi Niya, at ganito rin Siya mag-isip sa Kanyang puso. Walang magkahalong layunin, walang makasariling mga saloobin. Wala Siyang anumang ginagawa para sa Kanyang Sarili, subalit ginagawa talaga ang lahat para sa tao, nang walang anumang pansariling layunin. Bagaman may mga plano at mga intensyon Siya para sa tao, wala Siyang anumang ginagawa para sa Kanyang Sarili. Lahat ng ginagawa Niya ay pawang ginagawa para sa sangkatauhan, upang ingatan ang sangkatauhan, upang mapanatiling hindi naliligaw ang sangkatauhan."

Kung nais mong makamit ang paraan ng pamumuhay, dapat mo munang malaman ang Salita ng Buhay 

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos

Binibigkas ng Diyos ang Kanyang mga salita at ginagawa ang Kanyang gawain ayon sa iba’t-ibang mga kapanahunan, at sa iba’t-ibang kapanahunan, bumibigkas Siya ng iba’t-ibang mga salita. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alituntunin, o nag-uulit ng parehong gawain, o nangungulila para sa mga bagay ng nakaraan; Siya ay isang Diyos na palaging bago at kailanma’y hindi naluluma, at bawa’t araw ay bumibigkas Siya ng bagong mga salita. Ikaw ay dapat sumunod doon sa dapat sundin ngayon; ito ay ang pananagutan at tungkulin ng tao. Napakahalaga na ang pagsasagawa ay maisentro sa liwanag at mga salita ng Diyos sa kasalukuyan. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alintuntunin, at nakakapagsalita mula sa maraming iba’t-ibang mga perspektibo upang gawing kitang-kita ang Kanyang karunungan at walang-hanggang kapangyarihan. Hindi mahalaga kung Siya man ay nangungusap mula sa perspektibo ng Espiritu, o ng tao, o ng ikatlong persona—ang Diyos ay palaging Diyos, at hindi mo nasasabi na Siya ay hindi Diyos dahil sa perspektibo ng tao mula kung saan Siya ay nangungusap.

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Paano Malaman ang Realidad


Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Paano Malaman ang Realidad


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung nais ng mga tao na makilala ang Diyos, dapat muna nilang malaman na ang Diyos ay ang tunay na Diyos, at dapat nilang malaman ang mga salita ng Diyos, ang tunay na hitsura ng Diyos sa laman, ang tunay na gawa ng Diyos. Tanging pagkatapos lamang na makilala na ang lahat ng gawa ng Diyos ay tunay maaaring aktuwal kang makikipagtulungan sa Diyos, at tanging sa pamamagitan lamang ng daang ito maaari mong matamo ang paglago sa iyong buhay. Lahat ng yaong mga walang kaalaman sa realidad ay walang kaparaanan upang maranasan ang mga salita ng Diyos, sila ay nabitag ng kanilang maling pag-iisip, nabubuhay sila sa kanilang guniguni, at sa gayon wala silang kaalaman sa mga salita ng Diyos.

Ano ang Mahalagang Pagkakaiba sa Pagitan ng nagkatawang-taong Diyos at mga Taong Ginamit ng Diyos?


Nanganganib na Pagdala | "Ano ang Mahalagang Pagkakaiba sa Pagitan ng nagkatawang-taong Diyos at mga Taong Ginamit ng Diyos?" (Mga Movie Clip)

Sinasabi ng Diyos, "Ang salita ng Diyos ay hindi maaaaring bigkasin gaya ng salita ng tao, lalong hindi maaaring ang salita ng tao ay mabigkas gaya ng salita ng Diyos. Ang isang tao na ginamit ng Diyos ay hindi ang nagkatawang-taong Diyos, at ang nagkatawang-taong Diyos ay hindi isang tao na ginamit ng Diyos; dito, may malaking pagkakaiba" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Dalawang beses nagkatawang-tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain ng pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan, at dalawang beses na nagkaroon ng mga taong ginamit ng Diyos na nakikipagtulungan sa gawain ng nagkatawang-taong Diyos.

May Kinalaman sa Isang Normal na Buhay Espirituwal

Ang isang sumasampalataya ay dapat mayroong isang normal na buhay espirituwal-ito ang saligan para sa pagpapakaranas ng mga salita ng Diyos at pagpasok sa katotohanan. Sa kasalukuyan, maaari ba na ang lahat ng mga panalangin, ang mapalapit sa Diyos, ang pag-awit, pagpupuri, pagbubulay-bulay, at ang pagsisiskap na alamin ang mga salita ng Diyos na inyong isinasagawa ay nakaaabot sa mga pamantayan ng isang normal na buhay espirituwal. Walang sinuman sa inyo ang masyadong malinaw tungkol dito. Ang isang normal na buhay espirituwal ay hindi limitado sa panalangin, awit, buhay iglesia, pagkain at pag-inom ng mga salita ng diyos, at iba pang gayong mga pagsasagawa, ngunit ito ay nangangahulugan na isabuhay ang isang buhay espirituwal na sariwa at masigla. Ito ay hindi tungkol sa pamamaraan, bagkus sa resulta. Iniisip ng karamihan sa mga tao na upang magkaroon ng isang normal na buhay espirituwal ang isa ay dapat manalangin, umawit, kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, o subukang unawain ang mga salita ng Diyos. Hindi alintana magkaroon man ng anumang resulta, o magkaroon man ng isang tunay na pagkaunawa, ang mga taong ito ay basta na lamang nagpopokus sa pakikiayon sa nasa labas- at hindi nagpopokus sa resulta-sila ang mga tao na nabubuhay sa loob ng mga ritwal ng relihiyon, at hindi mga taong nabubuhay sa loob ng iglesia, at lalong hindi sila mga tao ng kaharian. Ang ganitong uri ng mga panalangin ng tao, mga awit, at pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos ay pagsunod lahat sa mga patakaran, sila ay inuudyukan na gawin ang mga ito, at ang mga ito ay ginagawa upang makisabay sa uso, hindi sila ginagawa nang kusa o ginagawa mula sa puso. Hindi alintana gaano man ang idalangin o awitin ng mga taong ito, hindi magkakaroon ng anumang resulta, sapagkat lahat ng kanilang isinasagawa ay mga relihiyosong patakaran at mga ritwal, at hindi nila isinasagawa ang salita ng Diyos. Sa pagpopokus lamang sa pamamaraan, at pagdadala sa mga salita ng Diyos bilang mga patakaran na susundin, ang ganitong uri ng tao ay hindi isinasagawa ang salita ng Diyos, ngunit pinalulugod ang laman, at gumagawa ng mga bagay upang purihin ng iba. Ang ganitong uri ng relihiyosong ritwal at patakaran ay nagmumula sa tao, hindi mula sa Diyos. Ang Diyos ay hindi nagpapanatili ng mga patakaran, hindi sumusunod sa anumang mga kautusan; gumagawa Siya ng mga bagong bagay araw-araw at gumagawa Siya ng praktikal na gawain. Kagaya ng mga tao sa Tatlong-Sariling Iglesia na limitado lamang sa pang-araw-araw na panalangin sa umaga, mga panggabing panalangin, mga pagpapasalamat bago ang pagkain, pagpapahayag ng pasasalamat sa lahat, at iba pang gayong mga pagsasagawa, gaano man karami ang gawin ng mga taong ito, o gaano man katagal nilang isagawa, hindi nila matataglay ang gawain ng Banal na Espiritu. Kung ang mga tao ay nabubuhay sa loob ng mga patakaran, na ang kanilang mga puso ay buhos sa pagsasagsawa, kung gayon ang Banal na Espiritu ay walang pag-asang gumawa ng gawain, sapagkat ang puso ng mga tao ay abala sa mga patakaran, abala sa mga pagkaintindi ng mga tao; kung gayon ang Diyos ay walang paraan upang gumawa ng gawain; ang mga tao ay palagi na lamang mabubuhay sa ilalim ng pagkontrol ng kautusan, at ang ganitong uri ng tao ay hindi kailanman matatanggap ang papuri ng Diyos.

Kailangan Mong Mapanatili ang Iyong Katapatan sa Diyos

Paano gumagawa ang Banal na Espiritu sa loob ng iglesia ngayon? Mayroon ka bang nauunawaan sa gayon? Ano ang pinakadakilang mga paghihirap ng mga kapatid? Ano ang pinakakulang sa kanila? Sa kasalukuyan, may ilang mga tao na negatibo sa gitna ng mga pagsubok, at ang iba sa kanila ay nagrereklamo pa, at ang ilan ay hindi na nagpapatuloy pa sapagkat ang Diyos ay hindi na nagsasalita.Ang mga tao ay hindi nakapasok sa tamang landas sa paniniwala sa Diyos. Hindi nila kayang mamuhay nang mag-isa, at hindi nila mapanatili ang kanilang sariling buhay espiritwal.

Ginagawang Perpekto ng Diyos Yaong Mga Naghahangad sa Kanyang Puso

Ang grupo ng mga tao na gustong makamit ng Diyos ay yaong nagsisikap na makipagtulungan sa Diyos, na magagawang sundin ang Kanyang gawain, at naniniwala na ang mga salitang sinasalita ng Diyos ay totoo, na magagawang isagawa ang mga kinakailangan ng Diyos. Sila yaong mga mayroong tunay na pagkaunawa sa kanilang mga puso. Sila yaong maaaring gawing perpekto, at sila yaong walang pagsalang lalakaran ang landas ng pagiging perpekto.

Clip 7 - Mga Patotoo ng Pagkakaranas ng Paghatol sa Harapan ng Upuan ni Cristo


"Sino Siya na Nagbalik" Clip 7 - Mga Patotoo ng Pagkakaranas ng Paghatol sa Harapan ng Upuan ni Cristo

Bagama’t napapawalang-sala ang ating mga kasalanan sa sandaling maniwala tayo sa Panginoon, nabubuhay pa rin tayo sa gitna ng kasalanan, nagkakasala at ikinukumpisal ang mga kasalanan araw-araw at lahat ay nasasabik sa sandaling hindi na tayo magkakasala o susuway sa Diyos.

Paano winawakasan ng pagkakatawang-tao ng Diyos para gawin ang gawain ng paghatol ang pananalig ng sangkatauhan sa malabong Diyos at ang madilim na kapanahunan ng dominyon ni Satanas?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“At mangyayari sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at magiging mataas sa mga burol; at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon. At maraming bayan ay magsisiyaon at mangagsasabi, Halina kayo, at tayo'y magsiahon sa bundok ng Panginoon, sa bahay ng Dios ni Jacob; at tuturuan niya tayo ng kaniyang mga daan, at tayo'y magsisilakad sa kaniyang mga landas: sapagka't mula sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem.

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Awit Ng Kaharian (I) Nakababa na ang Kaharian sa Mundo"


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Awit Ng Kaharian (I) Nakababa na ang Kaharian sa Mundo

I
Kaharian ng Diyos dumating sa lupa;
persona ng Diyos puno't mayaman.
Sinong titigil at 'di magsasaya?
Sinong tatayo at 'di sasayaw?
O Zion, itaas ang bandila ng tagumpay
upang magdiwang para sa Diyos.

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Ang mga Pangako sa Mga Nagawang Perpekto


Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Ang mga Pangako sa Mga Nagawang Perpekto


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Yaong gagawing perpekto ng Diyos ay silang tatanggap ng mga pagpapala ng Diyos at ng Kanyang pamana. Iyon ay, tinatanggap nila kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, upang mabuo kung anong mayroon sila sa loob;

Tatlong Paalaala

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Bilang isang nananampalataya sa Diyos, dapat kang maging tapat sa Kanya lamang sa lahat ng mga bagay at makayang umayon sa Kanyang kalooban sa lahat ng mga bagay.

Ang Pananalig sa Diyos ay Hindi Dapat Para Lamang sa Paghahanap ng Kapayapaan at mga Pagpapala.

 Mga Biyaya, Pagkilala sa Diyos, Praktikal, Salita ng Diyos,
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ngayon, kailangan mong itakda ang tamang landas dahil ikaw ay naniniwala sa praktikal na Diyos. Sa pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos, hindi ka lamang dapat maghanap ng mga pagpapala, ngunit hanaping mahalin ang Diyos at makilala ang Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang pagliliwanag at ng iyong sariling pagtataguyod, maaari mong kainin at inumin ang Kanyang mga salita, makabuo ng isang totoo na pang-unawa sa Diyos, at magkaroon ng isang tunay na pag-ibig ng Diyos na nanggagaling sa iyong puso.

Ang Masama ay Dapat Parusahan

Ang pagsisiyasat kung iyong isinasagawa ang pagkamatuwid sa lahat ng iyong ginagawa, at kung minamasdan ng Diyos lahat ng pagkilos mo, ay mga prinsipyo sa pag-uugali ng mga naniniwala sa Diyos. Tatawagin kayong matuwid dahil napalulugod ninyo ang Diyos, at dahil tinatanggap ninyo ang Kanyang pag-aalaga at proteksyon.