Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabing-isang Pagbigkas (Tagalog Dubbed)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sino sa buong sangkatauhan ang hindi inalagaan sa paningin ng Makapangyarihan? Sino ang hindi naninirahan sa gitna ng pagkaka-tadhana ng Diyos? Kaninong kapanganakan at kamatayan ang nagmula sa kanilang sariling mga pagpipilian?
Kontrolado ba ng tao ang kanyang sariling kapalaran? Maraming tao ang tumatawag sa kamatayan, gayon pa man ito ay napakalayo sa kanila; maraming tao na nais na maging malakas sa buhay at takot sa kamatayan, gayon pa man lingid sa kaalaman nila, ang araw ng kanilang kamatayan ay nalalapit na, pinabubulusok sila sa kailaliman ng kamatayan; maraming tao ang tumitingin sa kalangitan at malalim na napapabuntong-hininga; maraming tao ang umiiyak nang malakas, humahagulhol; maraming tao ang bumabagsak sa gitna ng mga pagsubok; at maraming tao ang nagiging bilanggo ng tukso... Sa bawat araw minamasdan Ko ang bawat pagkilos ng maraming tao, at sa bawat araw sinisiyasat Ko ang mga puso at isipan ng maraming tao; wala kahit sinuman ang nakatakas sa paghatol Ko, at wala kahit sinuman ang naalis ang kanilang sarili sa realidad ng Aking paghatol."