Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang pangunahing kahalagahan ng pagsunod sa Diyos ay na ang lahat ay dapat alinsunod sa totoong mga salita ng Diyos: Maging ikaw ay naghahangad ng pagpasok sa buhay o ang katuparan ng kalooban ng Diyos, ang lahat ay dapat nakasentro sa totoong mga salita ng Diyos. Kung ano ang iyong pakikipag-isa at hinahangad ay hindi nakasentro sa palibot ng totoong mga salita ng Diyos, kung gayon isa kang estranghero sa mga salita ng Diyos, at ganap na nawalan ukol sa gawain ng Banal na Espiritu.
mula sa “Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Mga Yapak ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagbabago sa araw-araw, pataas nang pataas sa bawat hakbang; ang pagbubunyag ng bukas ay nagiging mas mataas kaysa sa ngayon, bawat hakbang ay umaakyat nang mas mataas.
Ganoon ang gawain kung saan ginagawang perpekto ng Diyos ang tao. Kung hindi kaya ng taong makipagsabayan, kung gayon ay maaari siyang pabayaan sa anumang oras. Kung ang tao ay walang masunuring puso, kung gayon ay hindi siya makasusunod hanggang sa katapusan. Ang lumang kapanahunan ay lumipas na; ngayon ay isang bagong kapanahunan. At sa isang bagong kapanahunan, ang bagong gawain ay dapat gawin. Lalo na sa huling kapanahunan kung saan ang tao ay gagawing perpekto, gagampanan ng Diyos ang bagong gawain nang mas mabilis. Samakatuwid, kung walang pagsunod sa kanyang puso, mahihirapan ang tao na sumunod sa mga yapak ng Diyos. Ang Diyos ay nananahan hindi sa pamamagitan ng mga tuntunin, ni hindi rin Niya itinuturing ang anumang yugto ng Kanyang gawain bilang hindi nagbabago. Sa halip, ang gawain na ginawa ng Diyos ay laging mas bago at laging mas mataas. Ang Kanyang gawain ay nagiging higit pang praktikal sa bawat hakbang, higit pang ayon sa aktuwal na mga pangangailangan ng tao. Pagkatapos lamang maranasan ng tao ang ganitong uri ng gawain na maaari niyang makamit ang pangwakas na pagbabagong-anyo ng kanyang disposisyon. … Ang lahat yaong may isang suwail na kalikasan at may isang pusong mapanlaban ay pababayaan ng mabilis at makapangyarihang gawaing ito; tanging ang mga may masunuring puso lamang at gustong magpakumbaba ang susulong sa dulo ng daan. Sa ganoong gawain, ang lahat sa inyo ay dapat matutong pasailalim at isantabi ang iyong mga paniwala. Ang bawat hakbang ay dapat isagawa nang may pag-iingat. Kung kayo ay hindi maingat, tiyak na ikaw ay magiging isang taong itatakwil ng Banal na Espiritu at isang sumisira sa gawain ng Diyos. Bago sumailalim sa yugto ng gawaing ito, ang lumang mga tuntunin at mga kautusan ng tao ay hindi na mabilang at sila ay nadala, at bilang resulta, sila ay naging mayabang at nakalimutan ang kanilang mga lugar. Ang lahat ng ito ay mga balakid sa daan ng tao na tumatanggap sa bagong gawain ng Diyos at mga salungat sa tao na lumalapit upang makilala ang Diyos. Kung ang isang tao ay walang pagkamasunurin sa kanyang puso ni isang pananabik para sa katotohanan, kung gayon siya ay manganganib. Kung susundin mo lamang ang gawain at angkaraniwang mga salita, at hindi kayang tanggapin ang alinman sa isang mas malalim na sidhi, kung gayon ikaw ay isa sa nananatili sa lumang mga pamamaraan at hindi magawang sumabay sa gawain ng Banal na Espiritu. Ang gawain na ginawa ng Diyos ay naiiba sa lahat ng mga yugto ng panahon. Kung magpapakita ka ng mahusay na pagsunod sa isang bahagi, ngunit sa susunod na bahagi ay magpakita ng mas mababa o halos wala, kung gayon ay dapat kang talikdan ng Diyos. Kung patuloy kang sasabay sa Diyos habang Siya'y umaakyat sa hakbang na ito, kung gayon ay kailangan mong ipagpatuloy ang pagsabay kapag Siya ay aakyat sa susunod. Tanging gayong mga tao ang masunurin sa Banal na Espiritu. Dahil naniniwala ka sa Diyos, dapat kang manatiling tapat sa iyong pagsunod. Hindi maaaring basta ka lamang susunod kapag gusto mo at susuway kapag ayaw mo. Ang ganitong paraan ng pagsunod ay hindi inaayunan ng Diyos. Kung hindi mo kayang makasabay sa bagong gawain na Aking pinagsamahan at patuloy na hahawak sa dating kasabihan, gayon papaano magkakaroon ng paglago sa iyong buhay? Ang gawain ng Diyos ay ang tustusan ka sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Kapag sinunod at tinanggap mo ang Kanyang salita, kung gayon ang Banal na Espiritu ay siguradong kikilos sa iyo. Ang Banal na Espiritu ay kumikilos nang eksakto sa paraan ng Aking pagsasalita. Gawin mo ang aking sinabi, at ang Banal na Espiritu ay agad na kikilos sa iyo. Ilalabas Ko ang isang bagong liwanag para makita ninyo at dadalhin kayo sa kasalukuyang liwanag. Kapag lumakad ka sa liwanag na ito, ang Banal na Espiritu ay agad na kikilos sa iyo. Ang ilan ay maaaring ayaw sumunod at sasabihin, "Hindi ko gagawin ang tulad ng sinasabi mo." Kung gayon ay sasabihin Ko sa iyo ngayon na ito na ang dulo ng daan. Ikaw ay natuyo na at wala ng buhay. Samakatuwid, sa pagkaranas ng pagbabago ng iyong disposisyon, napakahalaga na makasabay sa kasalukuyang liwanag.
Ang Pagbabahagi ng Tao:
mula sa “Yaong Mga Sumusunod sa Diyos na Mayroong Isang Tunay na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sumunod si Pedro kay Jesus nang ilang taon at maraming mga bagay siyang nakita kay Jesus na wala sa mga tao. Pagkatapos sumunod sa Kanya sa loob ng isang taon, napili siya bilang pinuno ng labindalawang disipulo ni Jesus. (Siyempre ito ay isang bagay ng puso ni Jesus, at lubos itong hindi nakikita ng mga tao.) Bawa’t galaw ni Jesus ay nagsilbing halimbawa para sa kanya sa kanyang buhay, at ang mga sermon ni Jesus ay tanging nakaukit sa kanyang puso. Siya ay napakamaalalahanin at nakaalay kay Jesus, at hindi siya nagkaroon ng anumang hinaing kay Jesus. Ito ay dahil siya ay naging tapat na kasama saanman Siya magpunta. Minasdan ni Pedro ang mga pagtuturo ni Jesus, ang Kanyang marahang mga salita, at kung ano ang kinain Niya, isinuot, ang Kanyang pang-araw-araw na buhay, at Kanyang mga paglalakbay. Sinundan Niya ang halimbawa ni Jesus sa lahat ng paraan. Hindi siya matuwid-sa-sarili, nguni’t iwinaksi niya ang lahat ng kanyang dating makalumang mga bagay at sinundan ang halimbawa ni Jesus sa salita at gawâ. Noon niya nadama na ang mga kalangitan at lupa at lahat ng mga bagay ay nasa mga kamay ng Makapangyarihan, at sa kadahilanang ito hindi siya nagkaroon ng kanyang sariling pagpili, nguni’t kinuha ang lahat ng kung ano si Jesus upang magsilbing kanyang halimbawa. Nakikita niya mula sa buhay niya na si Jesus ay hindi matuwid-sa-sarili sa Kanyang ginagawa ni ipinagyabang man Niya ang tungkol sa Kanyang Sarili, sa halip, inantig Niya ang mga tao nang may pag-ibig. Sa iba’t ibang mga katayuan nakikita ni Pedro kung ano si Jesus. Iyan ang kung bakit ang lahat kay Jesus ay naging ang bagay na ginawa ni Pedrong huwaran ng kanyang sarili.
mula sa “Tungkol sa Buhay ni Pedro” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Pagbabahagi ng Tao:
Ang pagsunod sa Diyos ay nangangahulugang pakikinig sa Diyos sa lahat-lahat, pagtalima sa lahat ng mga pagsasaayos ng Diyos, pagkilos ayon sa mga salita ng Diyos, at pagtanggap sa lahat na nagmumula sa Diyos. Kung naniniwala ka sa Diyos, kung gayon dapat kang sumunod sa Diyos; datapwat, sa di-pagtanto nito, kapag sila’y naniniwala sa Diyos karamihan sa mga tao’y sumusunod sa mga tao, na kapwa katawa-tawa at nakapanlulumo. Sa mahigpit na pananalita, ang sinumang sinusundan ng mga tao angsiyang pinaniniwalaan nila. Bagaman ilang mga tao ang tinatayang naniniwala sa Diyos, sa kanilang mga puso ay walang Diyos; sa kanilang mga puso, sinasamba nila ang kanilang mga pinuno. Ang pakikinigsa sariling mga pinuno, kahit hanggang sa sukdulang itatwa ang mga pagsasaayos ng Diyos, ay ang pagpapakita ng paniniwala sa Diyos ngunit pagsunod sa mga tao. Bago nila matamo ang katotohanan, ang paniniwala ng bawat isa ay kasing pagkataranta at pagkalito tulad nito. Ganap silang mangmang pati sa kung ano ang kahulugan ng sumusunod sa Diyos, at di-maaaring makapagsabi ng pagkakaiba sa pagitan ng pagsunod sa Diyos at pagsunod sa mga tao. Naniniwala lamang sila na sinumang nangungusap ng mga doktrina na mabuti,at mataas, ay kanilang ama o ina; para sa kanila, sinumang may gatas ay kanilang ina, at sinumang may kapangyarihan ay kanilang ama. Ganoon sila kalunus-lunos. Maaaring masabi na, sa iba’t-ibang antas, ito ang espirituwal na estado ng karamihan.
Ano ang ibig sabihin nang sumusunod sa Diyos? At paano mo ito isasagawa? Ang pagsunod sa Diyos ay hindi lamang kinabibilangan ng pagdarasal sa Diyos at pagpupuri sa Diyos; ang pinakaimportante ay ang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos at mamuhay ayon sa mga salita ng Diyos, ang kumilos ayon sa katotohanan, ang hanapin ang landas na mararanasan ang buhay sa gitna ng mga salita ng Diyos, tanggapin ang utos ng Diyos, isagawa nang tama ang bawat isa sa iyong mga tungkulin, at lumakad sa landas na nasa harapan mo ayon sa gabay ng Banal na Espiritu. Lalo na, sa kritikal na mga sugpungan, kapag may pangunahing mga problema na sumapit sa iyo, may higit pang mas malaking pangangailangan na maghanap sa pakahulugan ng Diyos, maging maingat baka niloloko ng mga doktrina ng tao, at hindi mahulog sa ilalim ng kontrol ninuman. “Ang nagmumula sa Diyos aking sinusunod at sinusundan, ngunit kapag ito’y nanggaling mula sa kalooban ng tao matatag kong tinatanggihan ito; kung ang ipinangangaral ng mga pinuno at mga manggagawa ay salungat sa mga pagsasaayos ng Diyos, samakatwid ako’y walang pasubali na sumusunod sa Diyos at tinatanggihan ang mga tao. Kung ito’y ganap na ayon sa mga pagsasaayos at kalooban ng Diyos, kung gayon maaari akong makinig dito.” Ang mga taong nagsasagawa sa ganitong paraan ay yaong mga sumusunod sa Diyos.
mula sa Ang Paliwanag mula sa Itaas