Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Banal na Espiritu. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Banal na Espiritu. Ipakita ang lahat ng mga post

Ano ang Mahalagang Pagkakaiba sa Pagitan ng nagkatawang-taong Diyos at mga Taong Ginamit ng Diyos?


Nanganganib na Pagdala | "Ano ang Mahalagang Pagkakaiba sa Pagitan ng nagkatawang-taong Diyos at mga Taong Ginamit ng Diyos?" (Mga Movie Clip)

Sinasabi ng Diyos, "Ang salita ng Diyos ay hindi maaaaring bigkasin gaya ng salita ng tao, lalong hindi maaaring ang salita ng tao ay mabigkas gaya ng salita ng Diyos. Ang isang tao na ginamit ng Diyos ay hindi ang nagkatawang-taong Diyos, at ang nagkatawang-taong Diyos ay hindi isang tao na ginamit ng Diyos; dito, may malaking pagkakaiba" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Dalawang beses nagkatawang-tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain ng pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan, at dalawang beses na nagkaroon ng mga taong ginamit ng Diyos na nakikipagtulungan sa gawain ng nagkatawang-taong Diyos.

May Kinalaman sa Isang Normal na Buhay Espirituwal

Ang isang sumasampalataya ay dapat mayroong isang normal na buhay espirituwal-ito ang saligan para sa pagpapakaranas ng mga salita ng Diyos at pagpasok sa katotohanan. Sa kasalukuyan, maaari ba na ang lahat ng mga panalangin, ang mapalapit sa Diyos, ang pag-awit, pagpupuri, pagbubulay-bulay, at ang pagsisiskap na alamin ang mga salita ng Diyos na inyong isinasagawa ay nakaaabot sa mga pamantayan ng isang normal na buhay espirituwal. Walang sinuman sa inyo ang masyadong malinaw tungkol dito. Ang isang normal na buhay espirituwal ay hindi limitado sa panalangin, awit, buhay iglesia, pagkain at pag-inom ng mga salita ng diyos, at iba pang gayong mga pagsasagawa, ngunit ito ay nangangahulugan na isabuhay ang isang buhay espirituwal na sariwa at masigla. Ito ay hindi tungkol sa pamamaraan, bagkus sa resulta. Iniisip ng karamihan sa mga tao na upang magkaroon ng isang normal na buhay espirituwal ang isa ay dapat manalangin, umawit, kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, o subukang unawain ang mga salita ng Diyos. Hindi alintana magkaroon man ng anumang resulta, o magkaroon man ng isang tunay na pagkaunawa, ang mga taong ito ay basta na lamang nagpopokus sa pakikiayon sa nasa labas- at hindi nagpopokus sa resulta-sila ang mga tao na nabubuhay sa loob ng mga ritwal ng relihiyon, at hindi mga taong nabubuhay sa loob ng iglesia, at lalong hindi sila mga tao ng kaharian. Ang ganitong uri ng mga panalangin ng tao, mga awit, at pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos ay pagsunod lahat sa mga patakaran, sila ay inuudyukan na gawin ang mga ito, at ang mga ito ay ginagawa upang makisabay sa uso, hindi sila ginagawa nang kusa o ginagawa mula sa puso. Hindi alintana gaano man ang idalangin o awitin ng mga taong ito, hindi magkakaroon ng anumang resulta, sapagkat lahat ng kanilang isinasagawa ay mga relihiyosong patakaran at mga ritwal, at hindi nila isinasagawa ang salita ng Diyos. Sa pagpopokus lamang sa pamamaraan, at pagdadala sa mga salita ng Diyos bilang mga patakaran na susundin, ang ganitong uri ng tao ay hindi isinasagawa ang salita ng Diyos, ngunit pinalulugod ang laman, at gumagawa ng mga bagay upang purihin ng iba. Ang ganitong uri ng relihiyosong ritwal at patakaran ay nagmumula sa tao, hindi mula sa Diyos. Ang Diyos ay hindi nagpapanatili ng mga patakaran, hindi sumusunod sa anumang mga kautusan; gumagawa Siya ng mga bagong bagay araw-araw at gumagawa Siya ng praktikal na gawain. Kagaya ng mga tao sa Tatlong-Sariling Iglesia na limitado lamang sa pang-araw-araw na panalangin sa umaga, mga panggabing panalangin, mga pagpapasalamat bago ang pagkain, pagpapahayag ng pasasalamat sa lahat, at iba pang gayong mga pagsasagawa, gaano man karami ang gawin ng mga taong ito, o gaano man katagal nilang isagawa, hindi nila matataglay ang gawain ng Banal na Espiritu. Kung ang mga tao ay nabubuhay sa loob ng mga patakaran, na ang kanilang mga puso ay buhos sa pagsasagsawa, kung gayon ang Banal na Espiritu ay walang pag-asang gumawa ng gawain, sapagkat ang puso ng mga tao ay abala sa mga patakaran, abala sa mga pagkaintindi ng mga tao; kung gayon ang Diyos ay walang paraan upang gumawa ng gawain; ang mga tao ay palagi na lamang mabubuhay sa ilalim ng pagkontrol ng kautusan, at ang ganitong uri ng tao ay hindi kailanman matatanggap ang papuri ng Diyos.

Clip ng Pelikulang Ang Misteryo ng Kabanalan (3) | "Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao ng Diyos"


Clip ng Pelikulang Ang Misteryo ng Kabanalan (3) | "Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao ng Diyos"

Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos ay nagkatawang-tao at naging ang Panginoong Jesus na pumarito upang tubusin ang sangkatauhan, at sinabi ng mga Judiong Fariseo na ang Panginoong Jesus ay isang tao lamang. Sa mga huling araw, ang Diyos ay nagkatawang-tao at naging Makapangyarihang Diyos na naparito para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol, at ang mga pastor at mga elder ng daigdig ng relihiyon ay nagsasabi rin na ang Makapangyarihang Diyos ay isang tao lamang, kaya ano ang problema rito? Mula sa labas, ang Diyos na nagkatawang-tao ay mukhang isang karaniwang, normal na tao. Ngunit sa Kanyang kalooban ay doon nakatahan ang Espiritu ng Diyos; kaya Niyang ipahayag ang katotohanan, ipahayag ang tinig ng Diyos at gawin ang gawain ng Diyos, kung gayon ang Diyos ba na nagkatawang-tao ay isang tao, o Diyos?
Manood ng higit pa:kalooban ng Diyos

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Umiiral ba ang Trinidad? (Unang Bahagi)


Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Umiiral ba ang Trinidad? (Unang Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang konseptong ito ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu ay masyadong katawa-tawa! Pinagpira-piraso nito ang Diyos at pinagbaha-bahagi sa tatlong persona, bawat isa ay may kalagayan at Espiritu; paano kung gayon na Siya ay isang Diyos at isang Espiritu pa rin? Sabihin ninyo sa Akin, ang langit at lupa, at ang lahat ng mga bagay na nakapaloob dito ay nilikha ba ng Ama, ng Anak, o ng Banal na Espiritu? Sinasabi ng ilan na nilikha Nila ito nang magkakasama. Kung gayon sino ang tumubos sa sangkatauhan? Ito ba ang Banal na Espiritu, ang Anak, o ang Ama? Sinasabi ng ilan na ang Anak ang tumubos sa sangkatauhan. Kung gayon ay sino ang Anak sa kaanyuan? Hindi ba Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos? Tinatawag ng nagkatawang-tao ang Diyos sa langit sa pangalang Ama mula sa pananaw ng isang taong nilikha. Hindi mo ba alam na si Jesus ay ipinanganak mula sa paglilihi ng Banal na Espiritu? Sa loob Niya ay ang Banal na Espiritu; anuman ang iyong sabihin, Siya ay kaisa ng Diyos sa langit, sapagkat Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos. Ang ideyang ito tungkol sa Anak ay tunay na hindi totoo. Ito ay ang isang Espiritu na ipinatutupad ang lahat ng gawain; tanging ang Diyos Mismo, iyon ay, ang Espiritu ng Diyos ang nagpapatupad ng Kanyang gawain."
Malaman ang higit pa:Ano ang kalooban ng Diyos

Yaong mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Matatamo ng Diyos

Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagbabago bawa’t araw, pataas nang pataas sa bawa’t hakbang; ang pagbubunyag bukas ay mas mataas pa kaysa sa ngayon, isa-isang hakbang ay umaakyat nang lalo pang mataas. Ganyan ang gawain kung saan ay ginagawang perpekto ng Diyos ang tao. Kung hindi nakakasabay ang tao, siya ay maaaring maiwan sa anumang sandali.

Tagalog Music Video | Kinakailangan ng Gawain ng Banal na Espiritu ang mga Pagbabago sa Disposisyon


Tagalog Gospel Songs  |  Kinakailangan ng Gawain ng Banal na Espiritu ang mga Pagbabago sa Disposisyon

I
Ang gawain at presensya ng Banal na Espiritu
ang nagpapasiya kung taos-puso kang naghahanap,
hindi ang mga paghatol ng iba, ni ang kanilang mga opinyon.
Ngunit higit pa rito, ang nagpapasiya ng iyong katapatan ay,
sa paglipas ng panahon, kung ang gawain ng Banal na Espiritu
ay nagpapabago sa iyo at nakikilala mo ang Diyos.

Tagalog Worship Songs | “Ang Diwa ni Cristo ay ang Diyos” (Tagalog song)


Tagalog Worship Songs | “Ang Diwa ni Cristo ay ang Diyos” (Tagalog song)

I
Diyos na nagkakatawang tao'y tinatawag na Cristo,
ang Cristong makapagbibigay ng katotohana'y Diyos.
Hindi kalabisang sabihin nang gayon.
Dahil angkin N'ya ang diwa ng Diyos.
Angkin N'ya ang disposisyon ng Diyos at dunong sa gawa N'ya,
na di-maabot ng tao.
Yaong tinatawag ang sarili na Cristo
pero di magawa ang gawain ng Diyos ay mga mandaraya,
'di katagala'y babagsak lahat.
Sapagka't kahit tinatawag nila ang sarili na Cristo,
ala silang taglay alinmang diwa ni Cristo.

II
Si Cristo ay di lang pagpapakita ng Diyos sa lupa,
ngunit ang katawang-tao mismo ng Diyos,
habang tinatapos ang Gawain N'ya sa mga tao, sa mga tao.
Ang katawang taong ito'y di mapapalitan ninuman.
Kayang dalhin ang Gawain ng Diyos sa lupa.
Hinahayag disposisyon ng Diyos,
kinakatawan ang Diyos at nagtutustos ng buhay sa tao.

Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos

Bakit ka ba naniniwala sa Diyos? Karamihan sa mga tao ay nalilito sa tanong na ito. Sila ay palaging may dalawang lubos na magkaibang pananaw tungkol sa praktikal na Diyos at sa Diyos na nasa langit, nagpapakita na sila ay naniniwala sa Diyos hindi para tumalima, nguni’t para makatanggap ng ilang mga pakinabang, o para makatakas sa paghihirap ng kapahamakan. Saka lamang sila medyo tumatalima, subali’t ang kanilang pagtalima ay may kundisyon, ito ay para sa kapakanan ng kanilang mga sariling adhikain, at ipinilit sa kanila.

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang lahat ng mga kilos at mga gawa ni Satanas ay nakikita sa tao. Ngayon ang lahat ng mga kilos at mga gawa ng tao ay pagpapahayag ni Satanas at samakatuwid ay hindi maaaring kumatawan sa Diyos. Ang tao ang sagisag ni Satanas, at ang disposisyon ng tao ay hindi kayang kumatawan sa disposisyon ng Diyos.

Kung ang Panginoong Jesus ay Diyos Mismo, bakit kapag nagdarasal ang Panginoong Jesus, nagdarasal pa rin Siya sa Diyos Ama?

Sagot: Totoong may hiwaga sa pagtawag ng Panginoong Jesus sa Diyos ng langit na Ama sa Kanyang mga panalangin. Nang nagkatawang-tao ang Diyos, nagtago ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao, mismong ang katawan ay hindi alam na naroon ang Espiritu. Tulad ng hindi natin nadarama ang ating mga espiritu na nasa ating kalooban.

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo"


Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo"

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao ay nangangahulugang lahat ng gawain at mga salita ng Espiritu ng Diyos ay isinagawa sa pamamagitan ng Kanyang normal na pagkatao, at sa pamamagitan ng Kanyang pagka-katawang-tao.

Dumako sa Sion na may pagpupuri


Tagalog Christian Song | "Dumako sa Sion na may pagpupuri"
I
Dumako sa Sion na may pagpupuri.
Nagpakita na ang tahanan ng Diyos.
Dumako sa Sion na may pagpupuri.
Inaawitan ng lahat banal Niyang pangalan; ito'y lumalaganap.
Hari ng Sansinukob, Huling Cristo,
aming maliwanag at nagniningning na Araw, 
sumikat mula
sa pinaka-marilag na Bundok ng Sion sa sansinukob. 
Makapangyarihang Diyos!

Tagalog Worship Songs | Sa Pagsunod Lamang sa Gawain ng Banal na Espiritu Makasusunod Hanggang Wakas


Tagalog Worship Songs | "Sa Pagsunod Lamang sa Gawain ng Banal na Espiritu Makasusunod Hanggang Wakas"
I
Ang gawain ng Banal na Espiritu'y araw-araw nagbabago,
mas mataas sa bawat hakbang 
nang may mas maraming pagbubunyag.
Ganito gumagawa ang Diyos 
upang maperpekto ang sangkatauhan.
Kung di makasasabay ang tao, maaaring maiwan siya.
Kung walang pusong handang sumunod,
di siya makasusunod hanggang sa wakas.
II
Lipas na ang dating panahon, at bagong kapanahunan na ito.
Kapag dumarating ang bagong panahon, 
bagong gawain ay dapat magawa.
At sa huling panahon kapag pineperpekto ng Diyos ang tao,
ang Diyos ay gagawa nang napakabilis, 
ginagawa ang bagong gawain.
At kaya kung walang masunuring puso,
napakahirap sundan ang mga yapak ng Diyos!
Ang mga likas na sumusuway, 
kusang kinakalaban gawa ng Diyos,
mapag-iiwanan sila, mabilis ang pagsulong ng gawain ng Diyos.
Tanging ang mga sumusunod, 
masayang nagpapakumbaba ng sarili
ang makasusulong hanggang sa wakas, sa dulo ng landas.
III
Ang gawain ng Diyos ay hindi di-nagbabago 
ni saklaw ng mga patakaran,
kundi ito'y laging mas bago, ito'y laging mas mataas.
Ang Kanyang gawa ay nagiging mas praktikal sa bawat hakbang,
mas lalong nakaayon sa aktuwal 
na mga pangangailangan ng sangkatauhan.
Tanging kapag dumaan ang tao sa ganitong uri ng gawain,
maaaring magbago sa wakas ang kanyang disposisyon.
IV
Lumalago ang kaalaman ng tao tungkol sa buhay,
kung kaya't iniaangat ng Diyos Kanyang gawain.
Ganyang pineperpekto ng Diyos ang tao 
at ginagawa siyang akma para magamit ng Diyos.
Kinakalaban, itinatama ng Kanyang gawa 
ang mga pagkaunawa ng tao,
inaakay sila sa mas mataas, mas tunay na kalagayan,
ang pinakamataas na antas ng pananalig sa Diyos, 
upang kalooban Niya'y matutupad.
Ang mga likas na sumusuway, 
kusang kinakalaban gawa ng Diyos,
mapag-iiwanan sila, mabilis ang pagsulong ng gawain ng Diyos.
Tanging ang mga sumusunod, 
masayang nagpapakumbaba ng sarili
ang makasusulong hanggang sa wakas, sa dulo ng landas.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Manood ng higit pa: Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao

Gaano karami sa gawain ng tao ang gawain ng Banal na Espiritu at gaano karami ang karanasan ng tao? Kahit ngayon, masasabi na hindi pa rin nauunawaan ng mga tao ang mga tanong na ito, na lahat ay dahil hindi nauunawaan ng mga tao ang mga panuntunan sa paggawa ng Banal na Espiritu. Mangyari pa, ang gawain ng tao na sinasabi Ko ay tumutukoy sa gawain niyaong mga nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu o yaong mga ginagamit ng Banal na Espiritu.

Tagalog church songs | Ang Epekto ng Dalanging Tunay


Ang Epekto ng Dalanging Tunay

I
Lumakad nang may katapatan,
at manalangin na mawala
ang malalim na panlilinlang sa 'yong puso.

Tagalog Christian Movie | "Anong mga Kamalian ang Pinakamadaling Nagagawa sa Pagsalubong sa Panginoon?"


Tagalog Christian Movie | Kumakatok sa Pintuan | "Anong mga Kamalian ang Pinakamadaling Nagagawa sa Pagsalubong sa Panginoon?"

Maraming mga mananampalataya sa mga grupo ng relihiyon ang naniniwala sa sinasabi ng mga pastor at elder na, “Nasa Biblia ang lahat ng mga salita at gawain ng Diyos. Imposibleng mawala sa Biblia ang kahit na ano sa mga salita ng Diyos.”

Tagalog Gospel Songs | "Sundan Bagong Gawain ng Banal na Espiritu Para Papuri ng Diyos Matamo"


Tagalog Gospel Songs | "Sundan Bagong Gawain ng Banal na Espiritu Para Papuri ng Diyos Matamo"
I
Wow ... wow … wow …
Pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu'y 
ibig sabihi'y nauunawaan kalooban ng Diyos sa kasalukuyan,
kumikilos ayon sa utos Niya, sinusunod ang Diyos ng ngayon,
sinusunod ang kasalukuyan Niyang atas at tumutuloy 
sa pamamagitan ng pinakabago Niyang pagbigkas.
Ang mga taong ganito'y sumusunod sa gawa ng Espiritu.
Sila'y nasa daloy ng Banal na Espiritu, 
kita nila'ng Diyos at natatanggap Kanyang papuri.

Tagalog Bible Movie | "Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono" (Christian movie trailer)


Si Tao Wei ay isang mangangaral mula sa isang bahay-iglesia.more-->Habang nagiging mas malungkot ang kanyang iglesia araw-araw, naging hindi aktibo at nanghina ang espiritu ng lahat ng kanyang tagasunod, at ngayon dumilim ang kanyang sariling espiritu.