Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na iglesia. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na iglesia. Ipakita ang lahat ng mga post

Tagalog Dubbed Movies - Kaninong mga Salita ang Dapat Pakinggan Kapag Sinisiyasat ang Tunay na Daan


Tagalog Dubbed Movies - Kaninong mga Salita ang Dapat Pakinggan Kapag Sinisiyasat ang Tunay na Daan

Maraming tunay na sumasampalataya sa Panginoon ang nananabik para sa pagpapakita ng Diyos ang nakabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, ang kumilalang lahat na ang mga iyon ang katotohanan, na ang mga iyon ang tinig ng Diyos, at nakahanda sila na hanapin at sinisiyasat ang tunay na daan.Gayunman, may ilan sa kanila na nagdududa tungkol sa gawain ng Diyos at nagnanais na isuko ang kanilang pagsusuri sa tunay na daan dahil sa kaso sa Zhaoyuan Shandong noong Mayo 28, at dahil naniwala sila sa mga kasinungalingan na ipinakalat ng ateistang pamahalaan ng Partido Komunista ng Tsina at ng mga pastor at matatanda sa iglesia ng mundo ng relihiyon. Ang ang tunay na isyu dito? Ang kaso ba sa Shandong Zhaoyuan ay may kaugnayan sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos? Kaninong mga salita ang dapat na pakinggan ng mga Kristiyano sa paghahanap at pagsusuri sa tunay na daan?
Rekomendasyon:pananampalataya sa Diyos 

Buhay Kristiyano: 4 na Puntos upang Turuan Kang Makipag-ugnayan sa Iba Alinsunod sa mga Layunin ng Diyos

Ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao ay isang usaping nagdudulot ng sakit ng ulo para sa maraming tao. Ito ay isa ring paksa na madalas kaharapin ng isang tao sa kanyang buhay bilang Kristiyano. Hinihingi ng Panginoong Jesus na magsamahan tayo nang may pagkakasundo at magmahalan tulad ng pagmamahal natin sa ating mga sarili. Maraming debotong Kristiyano ang handang isagawa ang mga aral ng Panginoon. Bagamat, sa katotohanan, kapag nakikipag-ugnayan tayo sa iba, madalas ay nakasasagupa tayo ng mga salungatan, mga hindi pagkakaintindihan, na nagiging dahilan kung bakit nagiging matigas at nasisira ang ating mga kaugnayan. Ito ay nagdudulot ng pagdurusa para sa lahat. Ngayon, ano ang dahilan kung bakit hindi tayo nakakapamuhay nang may pagkakasundo sa isat-isa? Tayong mga Kristiyano, paano tayo dapat nakikipag-ugnayan sa iba sa ating buhay alinsunod sa mga layunin ng Panginoon? Ito rin ay naging problema ko dati. Salamat sa Panginoon para sa Kanyang patnubay! Matapos nito, nahanap ko ang kasagutan sa isang aklat na nakalutas sa aking mga paghihirap. Dito, ibabahagi ko nang kaunti ang tungkol sa aking karanasan at pagkaunawa!

1. Kailangan mong pakitunguhan ang iba nang patas at nang pantay-pantay. Hindi ka dapat kumilos batay sa iyong mga damdamin at mga kagustuhan.

Sinabi ni Jesus: "Sapagka’t kung kayo’y iibig sa nangagsisiibig lamang sa inyo, ano ang ganti na inyong kakamtin? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis? At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong babatiin, ano ang kalabisan ng inyong ginagawa? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga Gentil? Kayo nga’y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal "(Mateo 5:46–48). Mula sa mga salita ng Panginoon, naunawaan ko na hinihingi ng Diyos na pakitunguhan ng mga Kristiyano ang iba batay sa salita ng Diyos sa kanilang mga buhay. Hindi nila ito gagawin ayon sa kanilang mga damdamin o kagustuhan. Nang binubulay-bulay ko kung paano tayo nakikipag-ugnayan sa iba, napagtanto ko na kung tayo ay nakatatanggap ng pakinabang o tulong mula sa iba, tayo ay nagiging masaya at nagpapasalamat sa kabilang partidong iyon. Subalit, kapag ang iba ay nagsasalita o gumagawa ng mga bagay na nakasasama sa atin, nagagalit tayo sa ibang tao na iyon at hindi na natin sila pinapansin. Kapag nakakaharap natin ang isang taong gusto natin, lumalapit tayo sa kanila at hinihikayat natin silang gawin ang gusto natin; kapag hindi natin gusto ang nakakatagpo natin, tinatanggihan natin sila at nilalayuan. Kung sinuman ang may mas mataas na katayuan o malaking kapangyarihan, nililinlang natin sila at sinusubukang gamitin upang makahingi ng pabor. Kung sinuman ang walang katayuan o kapangyarihan, tinatanggihan natin sila o hinahamak. Kapag ang isang taong gusto natin ang magsasabi sa atin ng ating kasiraan, natatanggap natin ito. Kapag ang isang taong hindi natin gusto ang gumawa ng kaparehong bagay, hindi natin ito natatanggap, pinapangatwiranan at minsan ay nasusuklam pa tayo sa kanila, nakikipagtalo sa kanila at tinutuligsa pa sila. Ang lahat ng ito ay mga halimbawa ng pagsunod sa mga damdamin at kagustuhan ng isang tao at hindi pantay-pantay na pagtrato sa iba. Ito rin ay isang pamamaraan kung paano tinatrato ng mga hindi mananampalataya ang iba. Kung ganito ang pagtrato sa iba ng isang Kristiyano, kung gayon, magkatulad ang landas na tinatahak nila ng isang hindi mananampalataya, hindi sila karapat-dapat tawaging mananampalataya ng Panginoon at ang kanilang mga ginagawa ay hindi alinsunod sa mga layunin ng Diyos. Bilang mga mananampalataya sa Panginoon, kailangang isagawa natin ang Kanyang mga aral. Dapat nating mahalin ang iba tulad ng pagmamahal natin sa ating mga sarili. Hangga’t ang pagkatao ng isang tao ay mabuti, tunay silang naniniwala sa Diyos at minamahal nila ang katotohanan, hindi alintana kung pareho sila ng mga kagustuhan, pag-uugali, karakter, gusto man natin sila o hindi at kahit pa sila ay pawang karaniwang mga kapatid o mga lider sa iglesia, dapat ay ituring natin sila nang totoo at patas. Kailangan ay pakitaan natin sila ng pagtanggap, pagtitiyaga at pagmamahal. Hindi tayo dapat manlinlang at magtangi. Sa pamamagitan lamang ng mga ito tayo aayon sa mga layunin ng Diyos.

2. Maayos na tugunan ang mga pagkukulang ng ibang tao at mga hayag na kasamaan. Huwag basta na lamang sukatin o hatulan ang iba.

Sinabi ni Jesus: "Huwag kayong magsihatol, upang huwag kayong hatulan. Sapagka’t sa hatol na iyong ihahatol, ay hahatulan kayo: at sa panukat na inyong isusukat, ay susukatin kayo" (Mateo 7:1-2). Ang mga aral ng Panginoon ang nakatulong sa akin na maunawaan na lahat tayo ay mga taong pinasama ni Satanas. Magkakatulad ang ating masamang disposisyon. Kung ipinapahayag ng iba ang kanilang mayabang, mapagmataas, makasarili at kasuklam-suklam na mala-satanas na disposisyon, maihahayag din natin ang kaparehong disposisyon. May mga pagkukulang din tayong kagaya sa iba. Hindi tayo iba sa kanila. Kung hinahatulan at sinusukat natin ang iba dahil sa kanilang mga pagkukulang at kasamaan, unay tayong mayayabang kung gayon at tunay na maliit ang ating pagkakilala sa ating mga sarili! Samakatuwid, anumang ihayag na kasamaan at pagsalangsang ng iba, dapat nating pakitunguhang mabuti ang mga ito at hindi natin sila dapat basta na lamang hahatulan at susukatin. Alalahanin ang saloobin ni Jesus nang nagsalita siya tungkol sa mga makasalanan na naitala sa Biblia: Hinablot ng mga Fariseo ang isang babaeng nahuli sa pangangalunya at dinala siya sa harap ni Jesus. Itinanong nila kay Jesus kung paano dapat pakitunguhan ang babaeng ito. Ayon sa mga batas noong panahong iyon, ang babaeng iyon ay dapat na batuhin hanggang sa mamatay. Gayunpaman, hindi siya hinatulan ni Jesus para sa kanyang mga kasalanan. Ang tanging ginawa Niya ay ang sabihin sa kanya na huwag nang magkasala sa hinaharap. (Tingnan ang Juan 8:3-11.) Mula sa siping ito, makikita natin na naiintindihan ni Jesus ang nararamdamang pasakit at kawalan ng kakayahan ng mga taong pinasama ni Satanas at namumuhay sa kasalanan. Nahabag siya sa kahinaan ng tao. Kapag nahayag ang ating kasamaan o nakagawa ng kasalanan, hangga’t tayo ay tunay na nagsisisi, binibigyan tayo ng Diyos ng sapat na oras upang magsisi at magbago. Dapat rin nating sundin ang halimbawa ni Jesus at maayos na tugunan ang mga pagkukulang at hayag na kasamaan ng ibang tao. Dapat ay tingnan natin ang iba mula sa isang pananaw ng pag-unlad. Ito rin ang prinsiyo ng pakikitungo sa ibang tao na dapat taglayin ng ibang Kristiyano sa kanilang mga buhay. Kung mayroong tayong mabibigat na mga inaasahan mula sa ibang tao, kung nakikipag-away tayo sa kanila, at kahit basta na lamang hinahatulan ang iba, kung sinusukat natin sila at pinagpapasyahang sila ay wala nang pag-asa kapag nalaman natin ang kanilang mga pagkukulang, ito ay isang halimbawa ng paggamit ng mayabang at mapagmataas na masamang disposisyon upang makitungo sa iba. Kung gagawin mo ito, hindi ito alinsunod sa mga layunin ng Diyos at lubos kang hindi magkakaroon ng normal na kaugnayan sa ibang mga tao.
Hayaan ninyo akong ibahagi sa lahat ang ilan sa aking mga karanasan. Sa aming iglesia, mayroon kaming isang kapatid na babae na hindi nakakadalo sa aming mga pagtitipon sa tamang oras dahil sa kanyang asawang hindi mananampalataya. Maraming beses na kaming nag-usap ng kapatid na babaeng ito, ngunit namumuhay pa rin siya sa pagiging negatibo at kahinaan. Nagalit ako nang husto tungkol dito kaya siya ay itinuring ko bilang isang tao na hindi tunay na naniniwala sa Diyos. Hindi ko na siya gustong tulungan o gabayan pa. Matapos iyon, binasa ko ang mga sumusunod sa Biblia: “Ang kumakain ay huwag magwalang halaga sa hindi kumakain; at ang hindi kumakain ay huwag humatol sa kumakain: sapagka’t siya’y tinanggap ng Dios. Sino kang humahatol sa alila ng iba? Sa kaniyang sariling panginoon ay natatayo siya o nabubuwal. Oo, patatayuin siya; sapagka’t makapangyarihan ang Panginoon na siya’y maitayo” (Roma 14:3-4). Nahiya ako nang husto. Naisip ko ang mga pagkakataong nakaramdam ako ng pagkatalo, negatibo, at panghihina. Inantig ng Diyos ang aking mga kapatid upang ako ay lapitan at basahan ng mga salita ng Diyos nang maraming beses. Makikipag-usap sila at magbabahagi ng kanilang mga karanasan upang tulungan at gabayan ako. Sa ilalim lamang ng patnubay ng mga salita ng Diyos ako nakapanindigan. Wala akong anumang bagay na maaari kong ipagmalaki. Ngayon, hindi nakakadalo ang kapatid na ito sa tamang oras ng mga pagtitipon dahil sa mga paghadlang ng kanyang asawa. Dapat ay tinulungan ko siya gamit ang isang pusong mapagmahal, subalit hindi ako nag-aalala sa buhay ng kapatid na ito. Iniwasan ko pa siya at ibinilang na isang hindi tunay na nananampalataya sa Diyos. Nang tingnan ko ang aking sarili, naramdaman kong napakayabang ko. Hindi ko pinakitunguhan ang kapatid kong iyon nang may mapagmahal na puso o pagtitiyaga man lang. Wala man lang ni isa sa mga nagawa ko ang alinsunod sa mga layunin ng Diyos. Nang maunawaan ko ito, ikinumpisal ko ang aking mga kasalanan sa Diyos at nagsisi: Handa na akong patuloy na tulungan at gabayan ang kapatid na ito. Pagkatapos, ipinabatid ko ang mga salita ng Diyos sa kapatid na ito nang may mapagmahal na puso at ibinahagi ko rin ang ilan sa aking mga karanasan at kaalaman. Pagkatapos ng aking pakikipag-usap sa kanya nang ilang beses, hindi na siya nagpapailalim sa kontrol ng kanyang asawa at unti-unti ay bumuti ang kanyang kalagayan. Natutunan ko sa karanasang ito na anumang pagkukulang at kahinaang mayroon ang ating kapatid na lalaki o babae, o anuman ang katiwalian na kanilang inihahayag, hangga’t tunay silang naniniwala sa Diyos at nakapagsisisi sa harap ng Diyos kapag sila ay nagkamali, bibigyan sila ng Diyos ng pagkakataon upang magbago. Kung kaya’t dapat rin natin silang tulungan nang may mapagmahal na puso, patawarin at tratuhin ang bawat isa alinsunod sa mga hinihingi ng Diyos. Hindi talaga natin dapat basta na lamang sukatin at hatulan ang ibang tao. Ganito ang paraan kung paano pinakikutunguhan ng isang tao nang pantay-pantay ang mga tao at alinsunod sa mga layunin ng Diyos.

3. Hindi mo dapat palabisin ni pababain ang iyong pagtingin sa ibang tao. Matuto mula sa kalakasan ng ibang tao at bumawi para sa sarili mong mga kakulangan.

Sabi ng Biblia: “Huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng pagkakampikampi o sa pamamagitan ng pagpapalalo, kundi sa kababa ng pagiisip, na ipalagay ng bawa’t isa ang iba na lalong mabuti kay sa kaniyang sarili” (Filipos 2:3). Binigyan ng Diyos ang bawat isa sa atin ng kakaibang kakayahan, talento, at mga kalakasan. Dahil rito, dapat tayong magkaroon ng mapagkumbabang puso kapag nakikipag-ugnayan sa ating mga kapatid at dapat ay maayos nating harapin ang kalakasan o kahinaan ng ibang tao. Hindi natin dapat palabisin o pababain ang ating tingin sa iba o hamakin ang iba. Dapat nating tanggapin ang kalakasan ng iba upang makabawi sa ating mga pagkukulang. Kung dahil sa ating sariling mga kalakasan, kakayahan at talento ay nauuwi tayo sa paghamak sa iba at pinalalabis ang ating mga kalakasan nang walang limitasyon, kung saan ay nagpapasikat tayo at nagyayabang, gayundin ay humahatol, nanghihiya at nagdudulot ng kapinsalaan sa iba, ito ang paraan kung paano tayo kinokontrol ng ating sariling kayabangan at mapagmataas na masamang kalikasan. Hindi ito ang paraan ng pamumuhay ng isang Kristiyano. Halimbawa, dati, palagi kong iniisip na mas mahusay ang kakayahan ko kaysa sa kapatid na babae na nakatrabaho ko, kaya minaliit ko siya. Sa aming pagtatrabaho, sinadya at hindi ko sinadyang magpakitang-gilas at napuno ang aking puso ng kapalaluan. Naging daan ang aking masamang disposisyon upang kamuhian ako ng Diyos at naging dahilan upang itago ng Diyos ang kanyang mukha sa akin. Ang aking espiritu ay naging madilim at malungkot. Napakaraming malinaw na suliranin sa aking trabaho ang hindi ko makita, habang ang trabaho ng kapatid ay unti-unting bumuti. Naalala ko ang sinabi ni Jesus: “At sinomang nagmamataas ay mabababa; at sinomang nagpapakababa ay matataas” (Mateo 23:12). Sa ganitong paraan ko nakita kung gaano ako kayabang. Hindi ko kilala ang aking sarili. Sa totoo lang, dahil sa Banal na Espiritu kaya nagbunga ng ilang resulta ang aking trabaho o kaya natuklasan ko ang ilan sa mga problema. Gayunpaman, ninakaw ko pa rin ang karangalan ng Diyos at walang hanggan akong nasiyahan sa aking sarili at hinangaan ko ang aking sariling kayabangan. Minaliit ko ang aking mga kapatid. Sa katotohanan, sobrang wala ako sa katwiran! Kasabay nito, alam kong kailangan kong matutunan na palayain ang aking sarili. Kinailangan kong tanggapin ang mga kalakasan ng kapatid upang makabawi ako para sa aking mga kakulangan. Sa ganitong paraan ko lamang mapapasaya ang Diyos at patuloy na lalago ang aking buhay. Bilang resulta, sinimulan ko itong gawin. Kapag may mga suliranin akong hindi maintindihan, humihingi ako sa kapatid ng payo. Kung makaharap man ako ng mga usapin, pinag-uusapan namin ito. Sa panahong iyon ko napagtanto na marami siyang kalakasan na wala ako. Sobrang nahiya ang aking puso. Naunawaan kong inayos ng Diyos ang pagkakataong iyon na makatrabaho ko ang kapatid upang makabawi ako sa aking mga pagkukulang. Ninais Niyang magtulungan kami sa gawaing iniatas Niya sa amin. Unti-unti, naging normal ang aking kaugnayan sa kapatid at muli ay natanggap ko ang gawain ng Banal na Espiritu.

4. Kapag natuklasan mong ang ginagawa ng ibang tao ay hindi kaayon sa iyong mga ideya, huwag mong ituon ang iyong pansin sa taong iyon. Sa halip, dapat mo munang kilalanin ang iyong sarili at isagawa ang katotohanan.

Sinabi ni Jesus: “At bakit mo tinitingnan ang puwing na nasa mata ng inyong kapatid, nguni’t hindi mo pinapansin ang tahilan na nasa iyong sariling mata? O paanong sasabihin mo sa iyong kapatid, Pabayaan mong alisin ko ang puwing sa mata mo; at narito, ang tahilan sa iyong sariling mata? Ikaw na mapagpaimbabaw, alisin mo muna ang tahilan sa iyong sariling mata; at kung magkagayo’y makikita mong malinaw ang pag-aalis mo ng puwing sa mata ng iyong kapatid” (Mateo 7:3-5). Kapag tayo ay nakikipag-ugnayan sa iba, hindi maiiwasan na magkaroon ng mga alitan at pagkiling. Sa mga ganitong pagkakataon, hindi tayo dapat maging bulag sa mga kamaliang ginagawa ng kabilang partido at palagiang maniwala na ang kasalanan ay nasa kanila. Sa halip, dapat nating matutunan na humarap sa Diyos at hanapin ang katotohanan sa salita ng Diyos upang mahanap natin kung saan nagmumula ang problema. Sa sandaling maintindihan natin ang mga layunin ng Diyos at magkaroon ng pang-unawa sa ating sariling masamang disposisyon, maaari nating ilagay ang ating mga sarili sa kalagayan ng iba at tingnan ang mga bagay mula sa kanilang pananaw. Maiintindihan natin sila, mauunawaan at matatanggap. Sa puntong ito, ang ating mga pagkiling ay kusang mababawasan ang lubusan.

Mayroon akong mga malalim na karanasan tungkol sa aspetong ito. Naalala ko ang isa sa mga nakatrabaho kong kapatid na babae na ilang beses nagsabi na hindi ko ginagawa nang tama ang aking responsibilidad pagdating sa gawain ng iglesia. Gayunpaman, hindi lamang sa hindi ko ito natanggap mula sa Diyos, sa katunayan, pinaghinalaan ko na sinasadya ng kapatid na ito na hanapan ako ng kamalian at pahirapan ang aking buhay. Nagsimulang magkaroon ang puso ko ng mga pagkiling sa kapatid na ito at hindi ko na siya ginustong makatrabaho. Matapos kong basahin at hanapin ang mga layunin ng Diyos, naunawaan ko na ang aking sariling kayabangan at mapagmataas na mala-satanas na disposisyon ang kumokontrol at pumipigil sa akin na tanggapin ang mga mungkahi ng kapatid na ito. Nagdulot pa nga ito ng kawalan ng kakayahan kong magkaroon ng normal na pakikipag-ugnayan sa kanya. Kasabay nito, alam ko na ang mga tao, mga pangyayari at mga bagay na aking nasasagupa sa bawat araw ay idinikta at isinaayos lahat ng Diyos. Ang Diyos ang metikulosong nagsaayos ng lahat nga mga ito upang baguhin at iligtas ako at hindi ang kapatid na iyon na sinasadyang pahirapin ang mga bagay-bagay para sa akin. Dapat akong magpasakop sa Diyos, matutunang palayain ang aking sarili at tanggapin ang kanyang mga wastong mungkahi. Pagkatapos, humarap ako sa Diyos at nagnilay sa aking sarili. Mula sa mga mungkahi ng kapatid na iyon, nakita ko na hindi ko tunay na ginagawa ang aking mga pananagutang may kinalaman sa gawain ng iglesia. Ginawa ko ang anumang isinaayos na gawin ko ng aming pinuno, ngunit hindi ko inisip kung paanong mas mapagbubuti pa ang gawain sa iglesia. Nang maintindihan ko ang mga layunin ng Diyos, ginawa ko ang mga bagay alinsunod sa mga kahilingan ng Diyos. Pinangunahan at malaya kong ipinahayag ang aking kasamaan sa kapatid na ito at hiniling sa Diyos na bigyan pa ako ng mas marami pang pananagutan. Kapag nakasagupa ako ng mga sitwasyon, inisip ko kung paano ako mas makakatulong sa iglesia. Kapag ganito ang paraan na ginawa ko, nawawala ang mga hindi namin pagkakaunawaan ng kapatid na iyon. Kami ay nagkakaintindihan sa espirituwal at ang aming dating pagkakaisa ay naibalik.

Ang apat na mga prinsipyo ng pagsasagawa ang aking mga natutunan mula sa aking mga karanasan. Tunay kong naranasan na ang salita ng Diyos ang ilaw na gabay sa isang buhay Kristiyano. Ito ang nagtuturo ng direksyon para sa ating landas. Kung wala ang gabay ng salita ng Diyos, wala tayong landas na lalakaran. Ang kailangan lamang nating gawin ay isagawa ang mga aral ng Diyos at pakitunguhan ang lahat nang pantay-pantay. Sa gayon lamang tayo maaaring makapamuhay sa wangis ng totoong tao, mabuhay nang sama-sama sa pagkakaisa, makapagpahintulot sa iba na makatulong at magdulot sa Diyos ng kasiyahan at purihin tayo.

Salamat sa Diyos para sa Kanyang patnubay. Ang lahat nawa ng karangalan ay maging sa Diyos!

Pansin ng Patnugot: Salamat sa pagpapaliwanag at patnubay ng Diyos, hangga’t isinasagawa ng isang tao ang apat na prinsipyong nabanggit sa sanaysay na ito, ang mga usapin na kinakaharap ng isang tao patungkol sa mga pantaong kaugnayan ay parang salamangkang mawawala. Isipin kung gaano bubuti ang ating mga buhay kung maisasabuhay natin bilang mga Kristiyano ang mga salita ng Diyos at magkakasamang mabuhay nang may pagkakaisa! Saan kaya masusumpungan ng isang tao ang ganitong uri ng buhay? Patuloy na imimumungkahi ng patnguot ang isang Kristiyanong himno: Tagalog Praise Song | “Ang Kaharian ni Cristo ay Mainit na Tahanan” | Napakasayang Mabuhay sa Pag-ibig ng Diyos Pagkatapos mong pakinggan ang himnong ito, mahahanap mo ang iyong kasagutan.
Rekomendasyon:Ano ang panalangin

Tagalog Dubbed Movies | "Anong mga Kamalian ang Pinakamadaling Nagagawa sa Pagsalubong sa Panginoon?"


Tagalog Dubbed Movies | Kumakatok sa Pintuan | "Anong mga Kamalian ang Pinakamadaling Nagagawa sa Pagsalubong sa Panginoon?"

Maraming mga mananampalataya sa mga grupo ng relihiyon ang naniniwala sa sinasabi ng mga pastor at elder na, “Nasa Biblia ang lahat ng mga salita at gawain ng Diyos. Imposibleng mawala sa Biblia ang kahit na ano sa mga salita ng Diyos.” May matibay bang basehan sa Biblia ang pahayag nilang ito? Sinabi ba ng Panginoong Jesus ang mga salitang ito?

Sinalubong Ko ang Pagbabalik ng Panginoon

Parehong mga Kristiano ang ang aking mga magulang at mula pagkabata, nagsimula akong sumama sa kanila papunta sa iglesia upang dumalo ng mga gawain. Sa edad na labindalawa, dumalo ako ng isang engrandeng kampo pang-Kristiano sa Myanmar, at habang naroon ako, sinabi sa akin ng isang pastor: “Ang mabinyagan ang siyang tanging paraan upang iwasan ang kamatayan at makatuloy sa kaharian ng langit.”

Tagalog Bible Movie | "Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono" (Christian movie trailer)


Si Tao Wei ay isang mangangaral mula sa isang bahay-iglesia.more-->Habang nagiging mas malungkot ang kanyang iglesia araw-araw, naging hindi aktibo at nanghina ang espiritu ng lahat ng kanyang tagasunod, at ngayon dumilim ang kanyang sariling espiritu.

Pagbubunyag sa Katotohanan ng mga Paliwanag ng mga Pinuno ng Relihiyon sa Biblia (2)


Madalas ipaliwanag ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ang Biblia sa mga tao at hinihikayat silang manghawakan sa Biblia. Sa paggawa nito, talaga bang pinupuri at pinatototohanan nila ang Panginoon? Hindi ito maunawaan ng karamihan sa mga tao.

May Batayan ba sa Biblia ang Pagbalik ng Panginoon sa Pamamagitan ng Pagkakatawang-tao? (2)


Maraming tao sa pagtanggap sa ikalawang pagparito ng Panginoon ang nagpapahalaga lang sa propesiya sa Kasulatan na bababa ang Panginoon mula sa mga ulap para pumaritong muli habang kinaliligtaan ang propesiya na paparitong muli ang Panginoon sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao.

Clip ng Pelikulang (1) "Niyanig ng Kidlat ng Silanganan ang mga Relihiyon"


Ang Kidlat ng Silanganan—ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw ay niyanig ang lahat ng sekta at denominasyon, at ibinunyag na ang lahat ng klase ng tao. Mas gusto pa ng maraming mabubuting tupa sa c na dumanas ng di-mapigil na pag-aresto at pagpapahirap ng Chinese Communist Party para lang mahanap at masiyasat ang Kidlat ng Silanganan.

Ano ang Pinakamahalagang Gawi para Masalubong ang Pagdating ng Panginoon?


Sabi ng Panginoong Jesus, "Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin"(Juan 10:27). Ilang beses ding iprinoposiya sa Pahayag na, "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia."

Ang Kalungkutan ng mga Iglesia

Sa ngayon, laganap ang mapapanglaw na simbahan sa lahat ng relihiyon, pero hindi pa namin lubos na nauunawaan ang pangunahing dahilan. Kaya nga masigasig naming binabasa ang Lumang Tipan at pinagtutuunan namin kung paano humantong sa kapanglawang iyon sa relihiyon ang mga ikinilos ng mga punong saserdote, eskriba at Fariseong Judio noong mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan. Bagama’t may natuklasan na ang ilang problema, hindi naging malinaw ang kabuuan nito. Nagpunta na rin kami sa mga simbahan sa maraming iba’t ibang lugar at mula sa iba’t ibang sekta, pero hindi pa namin nakikita ang gawain ng Banal na Espiritu. Hindi gaanong malinaw sa amin kung bakit napakapanglaw ng lahat ng relihiyon. Ano ang tunay na dahilan nito?

Ang mga Fariseo, iglesia, relihiyon, Tanong at Sagot ng Ebanghelyo,

Sagot: Ngayon, laganap ang kapanglawan sa lahat ng relihiyon, wala roon ang gawain ng Banal na Espiritu, at nanlamig na ang pananampalataya at pagmamahal ng maraming tao—tanggap na ang katotohanang ito. Anuman ang eksaktong pangunahing dahilan ng kapanglawan ng lahat ng relihiyon ay isang tanong na kailangang maunawaan nating lahat nang lubusan. Gunitain muna natin sandali kung bakit naging mapanglaw ang templo sa mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan, at saka natin mauunawaan nang lubusan ang dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon sa mga huling araw. Sa mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan, hindi sinunod ng mga pinunong Judio ang mga utos ng Diyos, tinahak nila ang sarili nilang landas at kinalaban ang Diyos; ito ang pangunahing dahilan na tuwirang nagresulta sa kapanglawan ng templo. Inilantad at kinagalitan ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo, na nagsasabing: “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa’t sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal. Gayon din naman kayo, sa labas ay nangagaanyong matuwid sa mga tao, datapuwa’t sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan” (Mateo 23:27-28).

“Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t itinatayo ninyo ang mga libingan ng mga propeta, at inyong ginayakan ang mga libingan ng mga matuwid, At sinasabi ninyo, Kung kami sana ang nangabubuhay nang mga kaarawan ng aming mga magulang disi’y hindi kami nangakaramay nila sa dugo ng mga propeta.

Ang Kidlat ng Silanganan | Mga Patotoo | Ang Paggamit ng Salita ng Diyos bilang isang Salamin

Ang Paggamit ng Salita ng Diyos bilang isang Salamin


katotohanan, Salita ng Diyos, iglesia, Diyos,
Wu Xia Siyudad ng Linyi, Lalawigan ng Shandong


Pagkatapos tanggapin ang trabahong ito at kainin at inumin ang salita ng Diyos, naging malinaw sa akin na napakahalaga na nauunawaan ko ang aking sarili. Dahil dito, habang kinakain at iniinom ang salita ng Diyos, sinigurado ko na suriin nang mabuti ang sarili ko laban sa salita na kung saan inilalantad ng Diyos ang tao. Karamihan sa mga kaso, nagawa kong kilalanin ang aking mga kakulangan at mga kawalang-kakayahan. Naramdaman ko na talagang nagawa kong unawain ang sarili ko. Gayunpaman, sa pamamagitan lamang ng isang pagbubunyag mula sa Diyos ko nakita na hindi ko talaga nauunawaan ang aking sarili ayon sa salita ng Diyos.



Isang araw, nagpunta ako sa isang lugar kasama ng isang pinuno ng distrito upang mag-withdraw ng pera. Nang nakumpirma na ang halaga ng pera at naisulat na ang resibo, nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan, at pansamantala, walang sinuman sa amin ang nais na magpatalo. Nang oras na iyon, biglang napabulalas ang pinuno ng distrito: “Kung sirain mo na lang ang huling resibo, walang magiging katibayan. Kung itabi mo na lang kaya ang pera para sa sarili mo?” Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pagkatapos kong marinig ito, pero talagang naramdaman ko ang isang malaking insulto sa aking integridad; naging napakahirap para sa akin na lunukin iyon. Naisip ko: Anong klaseng tao ang tingin mo sa akin? Sinunod ko ang Diyos nang napakaraming taon at isa akong mabuting tao. Paano ko magagawa ang ganoong bagay? Bukod pa rito, pinamunuan ko ang trabahong ito nang napakaraming taon at hindi kailanman nagkamali sa usaping pananalapi, kaya bakit ko nanakawin ang pera ng iglesia? Sa anong paraan ko nakahawig si Judas? … Habang naiisip ko ang tungkol dito, mas lalo akong nagagalit. Habang mas naiisip ko ang tungkol dito, mas lalo kong nadama na hinahamak at ginagawa akong utus-utusan. Labis akong nasaktan na halos mapaluha ako.



Sa aking pighati, bigla kong naalala ang mga salita ng Diyos, “Ang kapaligirang nakapalibot sa atin gayundin ang mga tao, mga usapin at mga bagay, pinapayagang lahat ng Kanyang trono.” Naisip ko rin noon: Bakit lilikha ang Diyos ng sitwasyon kung saan sasabihin ng kapatid na babaeng ito ang gayong bagay? Ano ang itinuturo sa akin ng Diyos? Habang pinag-iisipan ito, nagsimulang makaramdam ng kapayapaan ang aking puso. Nagsimulang magtanong ang isip ko sa masasakit na reaksiyong nakuha ko tungkol sa komento ng kapatid na babae: Mali ba siya nang sabihin niyang “Kung itabi mo na lang kaya ang pera para sa sarili mo?” Sinabi ng Diyos na ipagkakanulo ng tao ang katuwiran at ilalayo ang kanilang sarili sa Diyos sa anumang oras at maging saanman. Walang sinuman ang tunay na mapagkakatiwalaan. Hindi ba ako kabilang dito? Bukod pa rito, gaano ba ang ipinagbago ng aking disposisyon? Gaano kalaking katotohanan na ang natamo ko? Kung hindi ko natamo ang katotohanan o hindi man lang gaanong nagbago ang disposisyon, bakit hindi ko dapat pinahintulutan ang iba na makita ako sa ganoong paraan at sa anong batayan ko dapat makita ang sarili ko bilang marangal at dalisay?

Tagalog Christian Movie "Mapalad ang Mapagpakumbaba" | The Lord Has Come Back


Tagalog Christian Movie "Mapalad ang Mapagpakumbaba" | The Lord Has Come Back

iglesia, katotohanan, Makapangyarihang Diyos, Kaligtasan, Diyos,

Si Cho Yeonghan ay pastor sa isang iglesia sa South Korea. Malugod siyang naglingkod sa Panginoon nang ilang dekada at nakamtan ang matinding paggalang ng kanyang kapwa mananampalataya.  Sa nagdaang mga taon, ang iglesia niya ay naging mas mapanglaw araw-araw. Ang masasamang gawa ay naging pangkaraniwan na lamang, at kahit siya, madalas niyang natatagpuan ang sarili niya na nagkakasala. Bilang resulta, naging masyado siyang miserable at nakadama ng labis na pagkalito. Pagkatapos niyang pag-isipan ang lahat, maayos niyang ibinigay ang kanyang posisyon bilang pastor at iniwan ang kanyang denominasyon, naghanap ng isang iglesya na may gawain ng Banal na Espiritu, umaasa na matatagpuan ang landas na mag-aalis ng kanyang kasalanan.

Tagalog Christian Movie | "Nanganganib na Pagdala" (Tagalog Dubbed)


Tagalog Christian Movie | "Nanganganib na Pagdala" (Tagalog Dubbed)





Panginoon, Iglesia,
Isang elder si Zhao Zhigan sa Lokal na Iglesia sa Tsina. Tulad ng maraming Kristiyano, ang kanyang pinakadakilang pag-asa bilang mananampalataya sa Panginoon ay ang madala nang buhay, masalubong ang Panginoon at mamahala kasama Siya. Noong 1999, matapos ilabas ng pinuno ng iglesia ang mensaheng, "Sa taong 2000 ang Panginoon ay darating muli, at madadala nang buhay ang Kanyang mga mananampalataya," lalo pa siyang nasabik at naging masigasig kaysa dati. Punung-puno ng pananampalataya at kumpiyansa, tiningnan niya ang hinaharap nang may pag-asa at pag-asam.... Gayunpaman, pagkatapos dumating at lumipas ng taong 2000, nabalewala ang lahat ng kanyang pag-asa. Dumating ang isang di-inaasahang krisis sa pananampalataya sa kanyang denominasyon, at hindi niya maiwasang mag-isip kung tama o mali ba ang landas na tinahak niya.

Tagalog Christian Testimony Video | "Nagising" | The Heart's Voice of a Christian


Tagalog Christian Testimony Video | "Nagising" | The Heart's Voice of a Christian


Ang pangalan niya'y Chen Xi, at simula noong maliit pa siya dahil sa edukasyon at impluwensya ng kanyang mga magulang at kanyang pag-aaral ay nais niya palaging mahigitan ang ibang tao at maging mas mataas kaysa sa iba, kaya't masigasig siya sa kanyang pag-aaral at walang sinasayang na pagkakataon. Matapos maniwala sa Diyos binasa ni Chen Xi ang napakaraming salita ng Diyos at naunawaan niya ang ilang katotohanan. Nakita niya na ang tanging wastong landas sa buhay ay ang maniwala sa at sumunod sa Diyos at naging masugid na mananaliksik, at napaka-aktibo sa pagganap sa kanyang tungkulin. Si Chen Xi ay nangibang-bayan noong 2016 para takasan ang pagtugis at pang-aapi ng Komunistang gobyerno ng China, at kinailangang gumamit ng Ingles sa pagganap ng kanyang tungkulin ng pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagbibigay saksi sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ikinarangal niya ito, at nadamang kakaiba ang kanyang talento. Nang puno na siya ng kumpiyansa at iniisip na magkaroon siya ng posisyon sa iglesia, natuklasan niya na ang kanyang mga kapatid ay nagbahagi ng mga salita ng Diyos nang may liwanag at mas mahusay sila sa Ingles kaysa sa kanya. Ayaw niyang mapag-iwanan, kaya't para malampasan ang iba at tingalain siya at purihin nila, dinoble niya ang kanyang pagsisikap na matuto. Lumipas ang kaunting panahon ngunit hindi pa rin niya mapantayan ang iba. Hindi matanggap ni Chen Xi ang katotohanang ito at natagpuan niya ang kanyang sarili na namumuhay araw-araw na nahihirapang magkaroon ng pangalan at ng personal na pakinabang. Hindi na siya naghahanap ng katotohanan o nakapokus sa pagpasok sa buhay, at lalong hindi niya nagagampanang mabuti ang kanyang tungkulin. Naging negatibo siya at pinanghinaan ng loob…. Noon siya humarap at lumapit sa Diyos sa panalangin at binasa ang Kanyang mga salita—ang paghatol at pagkastigo ng Kanyang mga salita ay pumukaw sa kanyang kaluluwa at dahil dito'y malinaw niyang nakita ang diwa ng reputasyon at status o katayuan sa buhay gayundin ang mga bunga ng kanyang pagkagapos at kahirapang hatid ng mga bagay na ito. Naunawaan niya ang kahalagahan ng pagganap sa kanyang tungkulin, ang tunay na halaga ng buhay, at anong uri ng buhay ang tunay na kaligayahan. Magmula noon nagsimula siyang magkaroon ng mga wastong mithiin at hindi na napailalim sa matinding paghadlang ng katanyagan o katayuan. Nagsimula na siyang magpokus sa paghahanap ng katotohanan at pagganap sa tungkulin ng isang nilalang para masuklian ang pagmamahal ng Diyos

Best Tagalog Christian Movie | "Masasakit na Alaala" The Repentance of a Christian (Tagalog Dubbed)


   Si Fan Guoyi ay isang elder ng isang bahay-iglesia sa China. Sa mahigit dalawampung taon ng paglilingkod, lagi niyang ginagaya si Pablo, at nagsumikap at nagpakahirap para sa Panginoon nang may malaking kasigasigan. Bukod dito, matibay ang paniniwala niya na sa patuloy na pagsampalataya sa ganitong paraan, isinasakatuparan niya ang kalooban ng Ama sa langit, at na kapag nagbalik ang Panginoon, siguradong mara-rapture siya sa kaharian ng langit. Gayunman, nang sumapit sa kanya ang pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, kumapit siya sa kanyang mga pagkaunawa. Paulit-ulit niyang tinanggihan, kinontra, at tinuligsa ang gawain ng Diyos sa mga huling araw…. Kalaunan, matapos makipagtalo nang ilang beses sa mga pastor ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nagising din sa katotohanan si Fan Guoyi, at tunay na naunawaan ang kahulugan ng isakatuparan ang kalooban ng Ama sa langit, gayundin kung paano patuloy na sumampalataya sa paraan na magtatamo siya ng kaligtasan at makakapasok sa kaharian ng langit …. 

Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! | "May Iba pa Bang mga Salita ang Diyos Maliban sa Nasa Biblia?"


Sinasabi sa Biblia, "At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak" (Pahayag 5:1). "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay bibigyan ko ng manang natatago" (Pahayag 2:17). Sang-ayon sa Biblia, sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw ay ilaladlad Niya ang scroll o balumbon, bubuksan ang pitong tatak at ipagkakaloob sa tao ang manang natatago. Ngunit karamihan ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ay naniniwala na lahat ng mga salita ng Diyos ay nakatala sa Biblia at walang mga salita ang Diyos maliban sa nasa Biblia. Ang ganitong uri ba ng pananaw ay naaayon sa katotohanan? Wala ba talagang mga salita ang Diyos maliban sa nasa Biblia? Aalamin ng maikling video na ito ang mga tanong na ito para sa iyo.

Nakakapagpalaya ang Pagtapon sa Kapangyarihan ni Satanas

kaharian, salita ng Diyos, iglesia, buhay,  landas

Momo    Lungsod ng Hefei, Lalawigan ng Anhui

    Bago ako naniwala sa Diyos, anuman ang ginagawa ko, hindi ko ginustong mapag-iwanan. Handa akong tanggapin ang anumang paghihirap hangga't nangangahulugan ito na maaari akong umangat kaysa kaninuman. Matapos kong tanggapin ang Diyos, nanatiling pareho ang aking saloobin, dahil matibay akong naniwala sa kasabihang, "Walang paghihirap, walang makakamtam," at nakita ko ang aking saloobin bilang patunay ng aking adhikain. Nang ibunyag ng Diyos ang katotohanan sa akin, sa wakas ay nalaman ko na ako ay nabubuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, nabubuhay sa ilalim ng kaharian nito.

Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos “Tungkol sa Biblia” (Ikalawang bahagi)






    8. Ang Biblia ay tinatawag din na Lumang at Bagong Tipan. Alam ninyo ba kung ano ang tinutukoy ng “tipan?” Ang “tipan” sa “Lumang Tipan” ay mula sa kasunduan ni Jehova sa bayan ng Israel nang patayin Niya ang mga taga-Ehipto at iniligtas ang mga Israelita mula sa Faraon. Siyempre pa, ang patunay ng kasunduang ito ay ang dugo ng tupa na ipinahid sa mga biga, kung saan nagtatag ang Diyos ng kasunduan sa tao, isa na kung saan sinabi na ang lahat nang may dugo ng tupa sa itaas at mga gilid ng hamba ng pintuan ay mga Israelita, sila ang piniling bayan ng Diyos, at silang lahat ay maliligtas ni Jehova (sapagkat papatayin na ni Jehova noon ang lahat ng mga panganay na lalaki ng Ehipto at panganay na mga tupa at baka). Ang kasunduang ito ay may dalawang antas ng kahulugan. Wala sa mga tao o mga alagang hayop ng Ehipto ang maililigtas ni Jehovah; papatayin Niya ang lahat ng kanilang panganay na lalaki at panganay na mga tupa at baka. Kaya, sa maraming mga libro ng propesiya hinulaan na ang mga taga-Egipto ay matinding kakastiguhin bilang resulta ng kasunduan ni Jehova. Ito ang unang antas ng kahulugan. Pinatay ni Jehova ang mga panganay na lalaki ng Ehipto at ang lahat ng mga panganay na alagang hayop, at iniligtas Niya ang lahat ng mga Israelita, na nangangahulugang ang lahat ng mga tao sa lupain ng Israel ay itinangi ni Jehova, at ang lahat ay maliligtas; ninanais Niyang gumawa ng pang-matagalang gawain sa kanila, at itinatag ang kasunduan sa kanila gamit ang dugo ng tupa. Pasimula sa panahong iyon, hindi papatayin ni Jehova ang mga Israelita, at sinabi na sila ang Kanyang magpakailanman mga pinili. Sa gitna ng labing-dalawang angkan ng Israel, sisimulan Niya ang Kanyang gawain sa buong Kapanahunan ng Kautusan, bubuksan Niya ang lahat ng Kanyang mga batas sa mga Israelita, at pipili mula sa kanila ng mga propeta at mga hukom, at sila ang magiging sentro ng Kanyang gawain. Gumawa Siya ng isang kasunduan sa kanila: Malibang magbago ang kapanahunan, Siya ay gagawa lamang sa gitna ng mga pinili. Ang kasunduan ni Jehova ay hindi nababago, dahil ito ay isinakatuparan sa dugo, at itinatag sa pamamagitan ng Kanyang piniling bayan. Mas mahalaga, Siya ay pumili ng naaangkop na saklaw at target na dapat pagmulan ng Kanyang gawain para sa buong kapanahunan, at sa gayon nakita ng mga tao ang kasunduan bilang lalong mahalaga. Ito ang ikalawang antas ng kahulugan ng kasunduan. Maliban sa Genesis, na naroon na bago pa ang pagtatatag ng kasunduan, ang lahat ng iba pang mga libro sa Lumang Tipan ay nagtatala ng gawa sa gitna ng mga Israelita pagkatapos ng pagtatatag ng kasunduan. Siyempre, may mga paminsan-minsang salaysay ang mga Gentil, ngunit sa pangkalahatan, ang Lumang Tipan ay nagsasaad ng gawain ng Diyos sa Israel. Dahil sa kasunduan ni Jehova sa mga Israelita, ang mga aklat na isinulat sa Kapanahunan ng Kautusan ay tinawag na ang “Lumang Tipan.” Ang mga ito ay ipinangalan sa kasunduan ni Jehova sa mga Israelita.

Tagalog Christian Movie 2018 | Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo! (Trailer)



🍀 💞💞🌹💞💞🌹💞💞🌹💞💞 🍀

    Si Lee Chungmin ay elder sa isang iglesia sa Seoul, South Korea. Sa loob ng mahigit dalawampung taon, masigasig siyang naglingkod sa Panginoon, na lubos na nakatuon sa pag-aaral ng Biblia. Sa pagsunod sa halimbawa ng mga pinuno ng kanilang relihiyon, inakala niya na ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, at na ang pagsampalataya sa Biblia ay kaparehong-kapareho ng pagsampalataya sa Panginoon. Naniwala siya na basta’t sumunod siya sa Biblia, madadala siya sa kaharian ng langit. Ang mga ideyang ito ang pumigil sa kanya na gaya ng isang pares ng mga kadena, na pumipigil sa kanya na sundan ang mga yapak ng Diyos at manalig sa Kanya. Dahil dito, hindi naisip ni Lee Chungmin kailanman na siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw …

Best Christian Movie | "Masasakit na Alaala" The Repentance of a Christian (Trailer)



🌹🍃🍎🍃🍎🌹   
   Si Fan Guoyi ay isang elder ng isang bahay-iglesia sa China. Sa mahigit dalawampung taon ng paglilingkod, lagi niyang ginagaya si Pablo, at nagsumikap at nagpakahirap para sa Panginoon nang may malaking kasigasigan. Bukod dito, matibay ang paniniwala niya na sa patuloy na pagsampalataya sa ganitong paraan, isinasakatuparan niya ang kalooban ng Ama sa langit, at na kapag nagbalik ang Panginoon, siguradong mara-rapture siya sa kaharian ng langit. Gayunman, nang sumapit sa kanya ang pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, kumapit siya sa kanyang mga pagkaunawa. Paulit-ulit niyang tinanggihan, kinontra, at tinuligsa ang gawain ng Diyos sa mga huling araw…. Kalaunan, matapos makipagtalo nang ilang beses sa mga pastor ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nagising din sa katotohanan si Fan Guoyi, at tunay na naunawaan ang kahulugan ng isakatuparan ang kalooban ng Ama sa langit, gayundin kung paano patuloy na sumampalataya sa paraan na magtatamo siya ng kaligtasan at makakapasok sa kaharian ng langit ….