Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Panginoon. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Panginoon. Ipakita ang lahat ng mga post

Ang Himno ng Salita ng Diyos | "Paano Pinamamahalaan ng Diyos ang Lahat ng mga Bagay"


Ang Himno ng Salita ng Diyos | "Paano Pinamamahalaan ng Diyos ang Lahat ng mga Bagay"

I
Mula sa iyong pagsilang at pag-iyak sa mundong ito,
inumpisahan mo'ng gawin ang iyong tungkulin.
Sa plano’t ordinasyon ng Diyos, tungkulin ay tinanggap mo,
at ang paglalakbay mo sa buhay ay sinimulan.
Anumang nakaraan o paglalakbay sa iyong hinaharap,
walang makakaalpas sa pagsasaayos ng kalangitan,
at walang may hawak ng kanilang tadhana, 
pagkat Diyos lamang ang namumuno sa lahat ng bagay.

Tagalog Christian Variety Show | "Nangangarap nang Gising" (Maikling Dula 2019)


Li Mingdao is a preacher at a house church. He has believed in the Lord for many years, and has always followed Paul's example, focusing on preaching, work, suffering, and paying a price. He believes that "as long as one labors and works, one can enter the kingdom of heaven, be rewarded, and gain a crown."

Tagalog Dubbed Movies | Clip 3 - Paano Itinuturing ng mga Pastor at Elder ang Pagbabalik ng Panginoon (Tagalog)


Tagalog Dubbed Movies |"Ang Sugo ng Ebanghelyo" Clip 3 - Paano Itinuturing ng mga Pastor at Elder ang Pagbabalik ng Panginoon

Nagbalik na ang Panginoon sa mga huling araw, bumibigkas ng maraming katotohanan at ginagawa ang gawain na paghatol. Makatwiran lang na dahil naglilingkod ang mga pastor at elder sa Panginoon, napakarunong tungkol sa Biblia, at madalas na binibigyang-kahulugan ito para sa iba, dapat nilang makilala ang pagdating ng Panginoon at magawang pamunuan ang mga mananampalataya sa pagsalubong sa Kanya.

Clip ng Pelikulang Sino ang Aking Panginoon - Ano ang Relasyon sa Pagitan ng Diyos at ng Biblia?


Clip ng Pelikulang Sino ang Aking Panginoon - Ano ang Relasyon sa Pagitan ng Diyos at ng Biblia? 


Sa dalawang libong taon, tayo ay naniwala sa Panginoon ayon sa Biblia, at napakarami sa atin ang naniniwalang "Ang Biblia ang kumakatawan sa Panginoon, ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa Biblia, ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Diyos." Tama ba ang mga ideyang ito? Ano ba talaga ang ibig sabihin ng paniniwala sa Diyos? Ano ang ibig sabihin ng maniwala sa Biblia? Ano ang relasyon sa pagitan ng Biblia at Diyos? Nangangahulugan ba na ang bulag na pananampalataya at pagsamba sa Biblia ay ang paniniwala at pagsamba ninyo sa Diyos? Ibubunyag sa inyo ng video na ito ang mga sagot!

Manood ng higit pa: Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Pag-alam sa Layunin at Kahalagahan ng Bawat Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos.

Panginoon, Tanong at Sagot ng Ebanghelyo,
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain na ginawa ni Jehova sa mga Israelita ay itinatag sa gitna ng sangkatauhan ang lugar na pinagmulan ng Diyos, na siya ring banal na lugar kung saan Siya naroon. Nilimitahan Niya ang Kanyang gawain sa bayan ng Israel. Noong una, hindi Siya gumawa sa labas ng Israel; sa halip, pinili Niya ang isang bayan na natagpuan Niyang angkop upang itakda ang sakop ng Kanyang gawain.

Bakit isinumpa ng Panginoon ang mga Fariseo? Ano ba talaga ang tunay na diwa ng mga Fariseo?

Panginoon, relihiyon, mga pariseo,
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:


“Bakit naman kayo'y nagsisilabag sa utos ng Dios dahil sa inyong sali't-saling sabi? Sapagka't sinabi ng Dios, Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: at, Ang manungayaw sa ama at sa ina, ay mamatay siyang walang pagsala. Datapuwa't sinasabi ninyo, Sinomang magsabi sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, Yaong mangyayaring pakinabangan mo sa akin ay hain ko na sa Dios: Ay hindi niya igagalang ang kaniyang ama. At niwalan ninyong kabuluhan ang salita ng Dios dahil sa inyong sali't-saling sabi.

Ano ang Pinakamahalagang Gawi para Masalubong ang Pagdating ng Panginoon?


Sabi ng Panginoong Jesus, "Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin"(Juan 10:27). Ilang beses ding iprinoposiya sa Pahayag na, "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia."

Tagalog Christian Crosstalk | "Paano ba Talaga Darating ang Panginoon" | Have You Welcomed the Lord?


Sa mga huling araw, lalong umiigting ang pakiramdam ng mga Kristiyanong naghihintay sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, ngunit paano nga ba talaga magbabalik ang Panginoon? Sinasabi ng ilan, "Darating ang Panginoong Jesus kasama ng mga ulap". Sinasabi naman ng iba, "Ang mga propesiyang humuhula sa Kaniyang pagbabalik ay sinasabi ring, "Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw" (Pahayag 16:15).  "Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay, at itakuwil ng lahing ito" (Lucas 17:25).

Tagalog Christian Movie | "Kumakatok sa Pintuan" God Knocks at the Door of My Heart (Tagalog Dubbed)


Tagalog Christian Movie | "Kumakatok sa Pintuan" God Knocks at the Door of My Heart (Tagalog Dubbed)
Jesus, Panginoon, katotohanan, Makapangyarihang Diyos, Diyos,


Dalawang libong taon na ang nakararaan, iprinoposiya ng Panginoong Jesus, "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). "Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko" (Pahayag 3:20). Sa loob ng huling dalawang libong taon, naging mapagmatyag ang mga nananampalataya sa Panginoon at hinihintay ang pagkatok Niya sa pintuan, kung ganon paano Siya tutuktok sa pintuan ng sangkatauhan sa Kanyang pagbabalik? Sa mga huling araw, pinatototohanan ng ilang tao na nagbalik na ang Panginoong Jesus — ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao — at gagawin Niya ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Ginimbal ng balitang ito ang buong mundo ng relihiyon. Si Yang Aiguang, ang bida ng pelikula, ay ilang dekada ng naniniwala sa Panginoon at matagal ng nakikiisa nang buong-puso sa gawain at pangangaral, naghihintay na salubungin ang pagbabalik ng Panginoon. Isang araw, may dumating na dalawang tao at kumatok sa pinto, sinabi nila kay Yang Aiguang at sa asawa nito na nagbalik na ang Panginoong Jesus at ibinahagi sa kanila ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Labis silang naantig sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, pero dahil natuklasan ni Yang Aiguang ang mga kasinungalingan, panlilinlang at paghihigpit ng mga  pastor at elder, pinalayas niya sa bahay nila ang mga saksi ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pagkatapos noon, ilang beses pang kumatok sa pintuan nila ang mga saksi at ibinahagi kay Yang Aiguang ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, pinatotohanan nila ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa mga sandaling ito, paulit-ulit na ginulo at pinigil ng pastor si Yang Aiguang, at hindi nawala ang kanyang pag-aalinlangan. Ganunpaman, sa pakikinig sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, tuluyang naintindihan ni Yang Aiguang ang katotohanan at naunawaan ang tungkol sa mga tsismis at kasinungalingang ikinalat ng mga pastor at elder. Naiintindihan na niya sa wakas kung paano kumakatok ang Panginoon sa pintuan ng mga tao sa Kanyang pagbabalik sa mga huling araw, at kung paano natin Siya dapat salubungin. Nung maglaho ang hamog, narinig na ni Yang Aiguang ang tinig ng Diyos at tinanggap na talagang ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Latest Tagalog Christian Movie | "Nakamamatay na Kamangmangan" (Buong pelikula)


Latest Tagalog Christian Movie | "Nakamamatay na Kamangmangan" (Buong pelikula)
Kidlat ng Silanganan - Mga Video, Panginoon, Cristo, Jesus,


Si Zheng Mu'en ay kapanalig sa isang simbahang Kristiyanong Chinese sa US, matagal na nanalig sa Panginoon, at marubdob na naglingkod at gumugol para sa Panginoon. Isang araw, nagpatotoo sa kanya ang kanyang tita na nagbalik na ang Panginoong Jesus para ipahayag ang katotohanan at hatulan at dalisayin ang tao sa mga huling araw, isang balitang labis niyang ikinatuwa. Matapos basahin ang salita ng Makapangyarihang Diyos at panoorin ang mga pelikula at video ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nadama ni Zheng Mu'en na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, at na maaari ngang ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, kaya sinimulan nilang siyasatin ng kanyang mga kapatid ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Pero nang matuklasan ito ni Pastor Ma, ang lider ng kanilang iglesia, paulit-ulit nitong pinakialaman at pinigilan si Zheng Mu'en.

Christian Movie | "Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train" | Welcome the Return of Lord Jesus




Tagalog Christian Movie 2018 | "Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train" | Welcome the Return of Lord Jesus
Tagalog Christian Movie, Panginoon, Jesus,

Si Chen Peng ay pastor sa isang bahay-iglesia. Noon pa man ay marubdob na siyang naglingkod sa Panginoon, at kadalasa’y nagsilbing pastor, sa pagtulong sa kanyang mga alagad, at binalikat ang malalaking pasanin para sa iglesia. Pero nitong nakaraang mga taon, mas lalong nawalan ng tao sa iglesia. Nanghina ang espiritu ng mga mananampalataya at hindi na nagsimba, at hindi na dumadalo sa mga miting. Kaya nga kahit si Pastor Chen ay nakadama ng kadiliman sa kanyang kaluluwa, na para bang natuyo na ang balon ng kanyang espiritu, at hindi na niya madama ang presensya ng Panginoon. Sa mga miting, nalaman niya na wala siyang maipangaral. … Ginawa niya ang lahat ng maaari niyang maisip para muling pasiglahin ang iglesia, pero nawalan ng saysay ang lahat ng pagsisikap niya. … Naging miserable si Chen Peng, nalito, at hindi maunawaan kung bakit nagiging mapanglaw ang kanyang iglesia, at bakit nawala sa kanila ang presensya ng Panginoon.

Tagalog Christian Movie | "Nakamamatay na Kamangmangan"


Tagalog Christian Movie | "Nakamamatay na Kamangmangan" (Official Trailer)


Si Zheng Mu'en ay kapanalig sa isang simbahang Kristiyanong Chinese sa US, matagal na nanalig sa Panginoon, at marubdob na naglingkod at gumugol para sa Panginoon. Isang araw, nagpatotoo sa kanya ang kanyang tita na nagbalik na ang Panginoong Jesus para ipahayag ang katotohanan at hatulan at dalisayin ang tao sa mga huling araw, isang balitang labis niyang ikinatuwa. Matapos basahin ang salita ng Makapangyarihang Diyos at panoorin ang mga pelikula at video ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nadama ni Zheng Mu'en na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, at na maaari ngang ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, kaya sinimulan nilang siyasatin ng kanyang mga kapatid ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Pero nang matuklasan ito ni Pastor Ma, ang lider ng kanilang iglesia, paulit-ulit nitong pinakialaman at pinigilan si Zheng Mu'en. Ipinakita niya kay Zheng Mu'en ang isang propaganda video ng gobyernong CCP na naninira at tumutuligsa sa Kidlat ng Silanganan sa pagtatangkang patigilin si Zheng Mu'en sa pagsisiyasat nito sa tunay na daan, at nalito siya nang husto sa videong ito: Malinaw na nakikita niya na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at tinig ng Diyos, kaya bakit tinutuligsa ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ang Makapangyarihang Diyos? Hindi lang nila ayaw maghanap o magsiyasat mismo, sinikap pa nilang patigilin ang iba na tanggapin ang tunay na daan. Bakit ganoon? … Nangamba si Zheng Mu'en na malinlang siya at mali ang tinatahak niyang landas, pero nangamba rin siyang mawalan ng pagkakataong ma-rapture. Sa gitna ng pagtatalo ng damdamin at pagkalito, nagpakita pa si Pastor Ma ng mas negatibong propaganda mula sa CCP at sa mga relihiyon, na nagbunga ng mas maraming pagdududa sa puso ni Zheng Mu'en. Ipinasiya niyang makinig kay Pastor Ma at tigilan ang pagsisiyasat sa tunay na daan. Kalaunan, matapos marinig ang patotoo at paliwanag ng mga saksi ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, naunawaan ni Zheng Mu'en na sa pagsisiyasat sa tunay na daan, ang pinaka-pangunahing prinsipyo ay alamin kung nasa daang iyon ang katotohanan at kung nagpapahayag ito ng tinig ng Diyos. Sinuman na makakayang magpahayag ng maraming katotohanan ay posibleng ang pagpapakita ni Cristo, dahil walang miyembro ng tiwaling sangkatauhan ang maaaring magpahayag ng katotohanan. Hindi maikakaila ang katotohanang ito. Kung hindi nagtutuon ang isang tao sa pakikinig sa tinig ng Diyos habang sinisiyasat nila ang tunay na daan, at sa halip ay hinihintay ang pagbaba ng Panginoong Jesus sakay ng mapuputing ulap batay sa kanilang mga imahinasyon, hinding-hindi nila matatanggap ang pagpapakita ng Diyos. Sa wakas ay naunawaan din ni Zheng Mu'en ang hiwaga ng matatalinong birhen na nakinig sa tinig ng Diyos na binanggit ng Panginoong Jesus, nagpasiyang hindi na maniniwala sa mga kasinungalingan at katawa-tawang mga teorya ng gobyernong CCP at ng mga pastor at elder ng mga relihiyon, at tumakas sa mga paghihigpit at pang-aalipin ng pastor ng kanyang relihiyon. Lubhang nahirapan si Zheng Mu'en sa pagsisiyasat sa tunay na daan. Kung hindi sa pagkaintindi o paghahangad sa katotohanan, walang paraan para marinig ang tinig ng Diyos o ma-rapture sa harap ng luklukan ng  Diyos. Sa halip, malilinlang at makokontrol at mamamatay lang ang isang tao sa bitag ni Satanas, na lubos na tumutupad sa mga salita sa Biblia na, "Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman" (Hos 4:6). "Ang mangmang ay namamatay sa kakulangan ng pagunawa" (Kaw. 10:21).

Tagalog Christian Movie | "Nanganganib na Pagdala" (Tagalog Dubbed)


Tagalog Christian Movie | "Nanganganib na Pagdala" (Tagalog Dubbed)





Panginoon, Iglesia,
Isang elder si Zhao Zhigan sa Lokal na Iglesia sa Tsina. Tulad ng maraming Kristiyano, ang kanyang pinakadakilang pag-asa bilang mananampalataya sa Panginoon ay ang madala nang buhay, masalubong ang Panginoon at mamahala kasama Siya. Noong 1999, matapos ilabas ng pinuno ng iglesia ang mensaheng, "Sa taong 2000 ang Panginoon ay darating muli, at madadala nang buhay ang Kanyang mga mananampalataya," lalo pa siyang nasabik at naging masigasig kaysa dati. Punung-puno ng pananampalataya at kumpiyansa, tiningnan niya ang hinaharap nang may pag-asa at pag-asam.... Gayunpaman, pagkatapos dumating at lumipas ng taong 2000, nabalewala ang lahat ng kanyang pag-asa. Dumating ang isang di-inaasahang krisis sa pananampalataya sa kanyang denominasyon, at hindi niya maiwasang mag-isip kung tama o mali ba ang landas na tinahak niya.

Tagalog Christian Movie Clips | "Kinakatawan Ba ng Pagiging Ligtas ang Ganap na Kaligtasan?"


Tagalog Christian Movie Clips | Pagkamulat | "Kinakatawan Ba ng Pagiging Ligtas ang Ganap na Kaligtasan?"

Madalas na ipinangangaral ng mga pastor at elder ng mundo ng relihiyon sa mga mananampalataya na mawawala ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng paniniwala sa Panginoong Jesus at ginawa silang karapat-dapat sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya, at kapag may isang naligtas, ligtas na rin sila habangbuhay.

Napakagandang Tinig "Paano Nagkakatotoo ang mga Propesiya tungkol sa Pagbalik ng Panginoong Jesus?"


Tagalog Christian Movie Clips | Napakagandang Tinig | "Paano Nagkakatotoo ang mga Propesiya tungkol sa Pagbalik ng Panginoong Jesus?"


Maraming tao sa mga relihiyon ang sumusunod sa propesiya na bababa ang Panginoon na nakasakay sa ulap at hinihintay nilang dumating Siya sa gayong paraan para dalhin sila sa kaharian ng langit, pero nakaligtaan nila ang mga propesiya ng Panginoon na paparito Siya nang lihim: "Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw" (Pahayag
16:15). "Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). Kaya paano natupad ang mga propesiyang ito tungkol sa pagbalik ng Panginoon? At paano tayo dapat maging matatalinong birhen na sumasalubong sa pagbalik ng Panginoon?

Tagalog Christian Movie 2018 | "Kaligtasan" | Have You Truly Been Saved? (Tagalog Dubbed)



Tagalog Christian Movie 2018 | "Kaligtasan" | Have You Truly Been Saved? (Tagalog Dubbed)


Ano ang kaligtasan? Iniisip ng mga nananalig sa Panginoong Jesus na kung taos-puso silang magdarasal sa Panginoon, magtatapat ng kanilang mga kasalanan, at magsisisi, mapapatawad ang kanilang mga kasalanan, at pagkakalooban sila ng kaligtasan, at pagdating ng Panginoon, diretso silang iaakyat sa kaharian ng langit. Pero gayon ba talaga kasimple ang kaligtasan?
Ang bida ng pelikula, si Xu Zhiqian, ay maraming taon nang nananalig sa Diyos, marubdob na naglilingkod sa Kanya, at tinalikuran ang lahat para gampanan ang kanyang mga tungkulin. Dahil dito, inaresto siya at pinahirapan ng Chinese Communist Party. Nang palabasin siya ng bilangguan, patuloy niyang ginampanan ang kanyang mga tungkulin, nagtamo ng kaunting praktikal na karanasan, at nilutas ng kanyang mga sermon at gawain ang ilang praktikal na problema para sa kanyang mga kapatid. Kalaunan, inaresto rin ang kanyang asawa, pero hindi siya nagreklamo, naging negatibo, o nanghina…. Dahil sa lahat ng ito binati at pinuri siya ng kanyang mga kapatid. Naniniwala si Xu Zhiqian na nasa kanya ang realidad ng katotohanan at na walang problema sa pagpasok sa kaharian ng langit. Pero di nagtagal, nagkaroon siya ng di-inaasahang pagsubok— ang asawa niya ay namatay sa pagpapahirap ng mga pulis ng CCP. Si Xu Zhiqian, na balisa, ay may mga paniwala, maling pagkaunawa, at reklamo tungkol sa Diyos, at naiisip ding magrebelde at magtaksil sa Diyos…. Kalaunan, nang matanto niya na nagtataksil siya sa Diyos, nagsimula siyang magnilay-nilay, at nag-isip kung ang mga taong nagdaraan sa mga pagsubok, na katulad niya, at pagkatapos ay nagrereklamo, nagkakamali ng pag-unawa sa Diyos, at nagtataksil sa Kanya ay talagang maliligtas. Talaga bang nararapat silang makapasok sa kaharian ng Diyos?

Tagalog Christian Movie | "Kaligtasan" (Tagalog Dubbed Movie Trailer)


Tagalog Christian Movie | "Kaligtasan" (Tagalog Dubbed Movie Trailer)


Ano ang kaligtasan? Iniisip ng mga nananalig sa Panginoong Jesus na kung taos-puso silang magdarasal sa Panginoon, magtatapat ng kanilang mga kasalanan, at magsisisi, mapapatawad ang kanilang mga kasalanan, at pagkakalooban sila ng kaligtasan, at pagdating ng Panginoon, diretso silang iaakyat sa kaharian ng langit. Pero gayon ba talaga kasimple ang kaligtasan?
Ang bida ng pelikula, si Xu Zhiqian, ay maraming taon nang nananalig sa Diyos, marubdob na naglilingkod sa Kanya, at tinalikuran ang lahat para gampanan ang kanyang mga tungkulin. Dahil dito, inaresto siya at pinahirapan ng Chinese Communist Party. Nang palabasin siya ng bilangguan, patuloy niyang ginampanan ang kanyang mga tungkulin, nagtamo ng kaunting praktikal na karanasan, at nilutas ng kanyang mga sermon at gawain ang ilang praktikal na problema para sa kanyang mga kapatid. Kalaunan, inaresto rin ang kanyang asawa, pero hindi siya nagreklamo, naging negatibo, o nanghina…. Dahil sa lahat ng ito binati at pinuri siya ng kanyang mga kapatid. Naniniwala si Xu Zhiqian na nasa kanya ang realidad ng katotohanan at na walang problema sa pagpasok sa kaharian ng langit. Pero di nagtagal, nagkaroon siya ng di-inaasahang pagsubok— ang asawa niya ay namatay sa pagpapahirap ng mga pulis ng CCP. Si Xu Zhiqian, na balisa, ay may mga paniwala, maling pagkaunawa, at reklamo tungkol sa Diyos, at naiisip ding magrebelde at magtaksil sa Diyos…. Kalaunan, nang matanto niya na nagtataksil siya sa Diyos, nagsimula siyang magnilay-nilay, at nag-isip kung ang mga taong nagdaraan sa mga pagsubok, na katulad niya, at pagkatapos ay nagrereklamo, nagkakamali ng pag-unawa sa Diyos, at nagtataksil sa Kanya ay talagang maliligtas. Talaga bang nararapat silang makapasok sa kaharian ng Diyos?

Tagalog Christian Movie "Napakagandang Tinig" The Word of the Holy Spirit to the Churches (Trailer)



  Isang mangangaral si Dong Jingxin sa isang bahay sambahan sa Tsina. Tatlumpung taon na siyang nananampalataya sa Panginoon, at minamahal ang katotohanan; madalas niyang binabasa ang mga salita ng Panginoon at hinihimok ng mga ito. Ipinagmamalaki niya ang kanyang sarili para sa Panginoon nang may sigasig. Dahil sa kanyang gawain ng pangangaral, inaresto siya ng pulisya ng gobyerno ng Komunistang Tsino at ipinadala sa bilangguan kung saan naranasan niya ang kalupitan at pagpapahirap. Ang mga salita ng Panginoon ang gumabay sa kanya at natiis ang pitong taong di-makataong buhay sa bilangguan. Matapos makalaya, pinuntahan siya ng kanyang katrabahong si Chenguang at binasa sa kanya ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, sumasaksi na ang Diyos ay nagpakita at gumagawa sa mga huling araw. Binigyan din siya nito ng kopya ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao Matapos basahin ang kaunting mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nadama ni Dong Jingxin na ang mga ito ay makapangyarihan at nanggaling sa Diyos. Nagkaroon siya ng pusong nananabik maghanap. Gutum na gutom sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos sina Dong Jingxin at ang kanyang asawa at natuklasang katotohanan ang lahat ng mga ito, tinig ng Diyos ang lahat ng mga ito. Natukoy nila na talagang pagbabalik ng Panginoong Jesus ang Makapangyarihang Diyos na ilang taon na nilang hinihintay! Habang ang dalawa ay nag-uumapaw sa tuwa ng pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon, pinuntahan sila ng hepe ng pulisya upang balaan na huwag dumalo sa anumang pagtitipon o gumawa ng anumang pangaral. Binalaan niya sila na kailangan nilang iulat ang sinumang nangangaral ng Kidlat ng Silanganan, na nagpabalisa kay Dong Jingxin. Pagkatapos noon, nang malaman ng kanilang pastor na pinamumunuan ni Dong Jingxin ang mga kapatid na tingnan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, humadlang din siya at hinarangan sila. Nahaharap sa pagkalito at pagkagambala mula sa mga puwersa ni Satanas, nagagawang makita nang malinaw ni Dong Jingxin ang tunay na mukha ng mga pastor at elder ng relihiyosong mundo sa pamamagitan ng pagdarasal, paghahanap at pagbabahagi. Hindi siya sumuko, at nagpatuloy na pamunuan ang mga kapatid upang imbestigahan ang tunay na landas, at inimbitahan niya ang mga tao mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos upang magbahagi at sumaksi sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa huli, kinilala ng lahat na ang mga salitang binigkas ng Makapangyarihang Diyos ay talagang tinig ng Diyos, at Siya ang pagpapakita ng Diyos. Naantig ang damdamin ng lahat: Napakaganda ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos!

Tagalog Christian Full Movie HD 2018 "Sino Siya na Nagbalik" Lord Jesus Has Come Again (Trailer)


Si Kim Yeongrok ay isang masipag na pastor sa relihiyosong komunidad ng Korea. Dahil uhaw sa katotohanan, buong kasabikan niyang inantabayanan ang pangalawang pagdating ng Panginoong Jesus. Isang araw noong 2013, nabasa niya ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa Chosun Ilbo. Ang mga salitang ito, na puno ng kapangyarihan, ay nagkaroon ng agarang epekto sa kanya, at talagang naantig siya. Upang makatiyak na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, ang Tagapagligtas na matagal niyang hinintay, sinimulan niyang hanapin at siyasatin ang gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos. … Habang isa-isa niyang nalulutas ang bawat pagdududa sa kanyang puso, talagang napakasaya ni Kim Yeongrok kaya sinimulan niyang magpatirapa: ang Makapangyarihang Diyos ang pangalawang pagdating ng Panginoong Jesus sa mga huling araw. Tahimik siyang dumating sa atin at matagal nang ginagawa ang paghatol simula sa bahay ng Diyos!  

Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! | "May Iba pa Bang mga Salita ang Diyos Maliban sa Nasa Biblia?"


Sinasabi sa Biblia, "At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak" (Pahayag 5:1). "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay bibigyan ko ng manang natatago" (Pahayag 2:17). Sang-ayon sa Biblia, sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw ay ilaladlad Niya ang scroll o balumbon, bubuksan ang pitong tatak at ipagkakaloob sa tao ang manang natatago. Ngunit karamihan ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ay naniniwala na lahat ng mga salita ng Diyos ay nakatala sa Biblia at walang mga salita ang Diyos maliban sa nasa Biblia. Ang ganitong uri ba ng pananaw ay naaayon sa katotohanan? Wala ba talagang mga salita ang Diyos maliban sa nasa Biblia? Aalamin ng maikling video na ito ang mga tanong na ito para sa iyo.