Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao
Mula ng sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinimulan mo nang gawin ang iyong tungkulin. Ginagampanan mo ang iyong papel ayon sa plano ng Diyos at sa pagtatalaga ng Diyos. Sinimulan mo ang paglalakbay ng buhay. Anuman ang iyong kinagisnan at anumang paglalakbay ang nasa iyong hinaharap, walang maaaring makaligtas sa pagsasaayos at pagkakaayos na inilaan ng Langit, at walang sinuman ang may kontrol ng kanilang kapalaran, sapagkat Siya lamang na namumuno sa lahat ng bagay ang may kakayahan ng naturang gawain. Mula ng araw na dumating ang pag-iral ng tao, ang Diyos ay naging matatag sa Kanyang gawain, namamahala sa sansinukob at nangangasiwa sa pagbabago at paggalaw ng lahat ng mga bagay. Tulad ng lahat ng mga bagay, tahimik at hindi alintanang tinatanggap ng tao ang sustansya ng katamisan at ng ulan at hamog mula sa Diyos. Tulad ng lahat ng mga bagay, hindi alam ng tao na siya’y namumuhay sa ilalim ng pagsasaayos ng kamay ng Diyos. Ang puso at espiritu ng tao ay tangan ng kamay ng Diyos, at lahat ng buhay ng tao ay nakikita ng mga mata ng Diyos. Ikaw man ay naniniwala rito o hindi, anuman at lahat ng mga bagay, buhay o patay, ay magpapalipat-lipat, magbabago, manunumbalik, at maglalaho ayon sa mga saloobin ng Diyos. Ganito mamahala sa lahat ng bagay ang Diyos.
Sa pagkagat ng dilim, ang tao ay nananatiling walang malay, sapagkat ang puso ng tao ay hindi nakakaunawa kung paano lumalapit ang dilim o kung saan ito nanggaling. Habang tahimik na tumatakas ang gabi, sinasalubong ng tao ang liwanag ng umaga, ngunit ang puso ng tao ay lubhang mas malabo o hindi batid kung saan nanggaling ang liwanag at paano nito naitaboy ang kadiliman ng gabi. Ang paulit-ulit na salitan ng araw at gabi ang nagdadala sa tao sa isang panahon patungo sa isa pa, sumasabay sa galaw ng panahon, habang tinitiyak na ang gawain ng Diyos at ang Kanyang plano ay maisakatuparan sa bawat panahon at sa lahat ng oras. Ang tao ay naglakad ng mahabang panahon kasama ang Diyos, ngunit hindi alam ng tao na ang Diyos ang namumuno sa kapalaran ng lahat ng bagay at mga buhay na nilalang o kung paano isinasaayos o pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng bagay. Ito ay isang bagay na naging mailap sa tao mula pa sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyang araw. Sa kung anong dahilan kung bakit, ito ay hindi dahil sa ang paraan ng Diyos ay masyadong mailap, o dahil ang plano ng Diyos ay dapat pang mapagtantuhan, kundi dahil ang puso at espiritu ng tao ay masyadong malayo sa Diyos. Kung kaya’t, kahit ang tao ay sumusunod sa Diyos, siya ay walang kamalay-malay na nananatili sa paglilingkod kay Satanas. Walang aktibong naghahanap ng mga yapak o wangis ng Diyos, at walang nagnanais na mamuhay sa pangangalaga at pag-iingat ng Diyos. Sa halip, sila ay handang umasa sa kaagnasan ni Satanas at kasamaan upang iangkop sa mundong ito at sa mga patakaran ng buhay na sinusunod ng makasalanang sangkatauhan. Sa puntong ito, ang puso at espiritu ng tao ay isinakripisyo kay Satanas at siyang bumubuhay dito. Higit pa rito, ang puso at espiritu ng tao ay naging lugar kung saan si Satanas ay maaaring manirahan at naging akmang palaruan ito. Sa paraang ito, ang tao ay walang kamalay-malay na nawawala sa kanya ang pag-unawa ng mga prinsipyo ng pagiging tao, at ang halaga at layunin ng pag-iral ng tao. Ang mga batas mula sa Diyos at ang tipan sa pagitan ng Diyos at ng tao ay unti-unting naglalaho sa puso ng tao at hindi na naghahanap ang tao o nagbibigay pansin sa Diyos. Sa paglipas ng panahon, ang tao ay hindi na nauunawaan kung bakit nilikha ng Diyos ang tao, ni hindi niya maintindihan ang mga salitang nagmula sa bibig ng Diyos o mapagtanto ang lahat ng galing sa Diyos. Nagsimula ang tao na labanan ang mga batas at kautusan mula sa Diyos; ang puso at espiritu ng tao ay naging mapurol.... Nawawala na sa Diyos ang taong Kanyang orihinal na nilikha, at nawawala na sa tao ang ugat ng kanyang pinanggalingan. Ito ang pighati ng sangkatauhang ito. Sa katunayan, magmula sa simula hanggang ngayon, ang Diyos ay nagtanghal ng trahedya para sa sangkatauhan kung saan ang tao ay kapwa bida at biktima, at walang kayang sumagot kung sino ang direktor ng trahedyang ito.
Sa napakalawak na mundo, hindi mabilang na mga pagbabago na ang nangyari, nang paulit-ulit. Walang may kakayahang manguna at gumabay sa sangkatauhang ito maliban sa Kanya na namumuno sa lahat ng mga bagay sa sansinukob. Walang makapangyarihan na maaaring magtrabaho o gumawa ng mga preparasyon para sa sangkatuhang ito, lalo na ang isang tao na may kakayahang mamuno sa sangkatuhang ito tungo sa hantungan ng liwanag at ng liberasyon mula sa makamundong kawalan ng mga katarungan. Ang Diyos ay dumaraing para sa kinabukasan ng sangkatauhan, at nagdadalamhati sa pagbagsak ng sangkatauhan. Siya ay nakakaramdam ng kalungkutan sa dahan-dahang pagmartsa ng sangkatauhan paibaba at sa landas na walang balikan. Winasak ng sangkatauhan ang puso ng Diyos at tinalikuran Siya para hanapin ang kasamaan. Walang sinuman ang nakapag-isip tungo sa direksyon kung saan ang sangkatauhang tulad nito ay gagalaw. Dahil mismo sa kadahilanang ito kaya walang nakadarama ng galit ng Diyos. Walang naghanap ng paraan para pasayahin ang Diyos o subukin na maging malapit sa Diyos. Higit pa rito, walang naghangad na unawain ang kalungkutan at pasakit ng Diyos. Kahit pagkatapos marinig ang tinig ng Diyos, nagpapatuloy ang tao sa kanyang landas palayo sa Diyos, umiiwas sa biyaya at kalinga ng Diyos, lumalayo sa katotohanan ng Diyos, at sa halip ay mas nanaising ibenta ang kanyang sarili kay Satanas, ang kaaway ng Diyos. At sino rito ang nag-isip kung paano makikitungo ang Diyos sa taong walang pagsisising nagpaalis sa Kanya? Walang nakakaalam na ang paulit-ulit na paalala at mga pangaral ng Diyos ay dahil sa hawak Niya sa Kanyang mga kamay ang walang kahalintulad na sakuna na Kanyang inihanda, yaong hindi kakayanin ng laman at kaluluwa ng tao. Ang sakunang ito ay hindi isang simpleng kaparusahan ng laman kundi pati ng kaluluwa. Kailangan mong malaman ito: Kapag ang plano ng Diyos ay nawalan ng bisa at kapag ang Kanyang mga paalala at mga pangaral ay hindi tinugunan anong galit ang Kanyang ipapamalas? Ito ay walang magiging katulad kumpara sa dinanas dati o narinig ng sinumang nilalang. Kaya’t ito ang masasabi ko, ang sakunang ito ay walang katulad at hindi kailanman mauulit. Ito ay sa kadahilanang isang paglikha lamang at isang kaligtasan ang nakapaloob sa plano ng Diyos. Ito ang una at huling pagkakataon. Samakatuwid, walang maaaring makaunawa sa mabuting intensyon at taimtim na pag-asa ng Diyos para sa kaligtasan ng sangkatauhan.
Nilikha ng Diyos ang mundong ito at dinala ang tao, isang buhay na nilalang na pinagkalooban Niya ng buhay. Kaya naman, nagkaroon ang tao ng mga magulang at mga kamag-anak at hindi na nag-isa. Magmula nang unang makita ng mga mata ng tao ang materyal na mundo, siya ay itinadhanang mamuhay sa loob ng pagtatalalaga ng Diyos. Ito ang hininga ng buhay mula sa Diyos na siyang sumusuporta sa bawat buhay na nilalang mula sa kanyang paglaki hanggang sa pagtanda. Sa prosesong ito, walang naniwala na ang tao ay nabubuhay at lumalaki sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos. Sa halip, pinanghahawakan nila na ang tao ay lumalaki sa ilalim ng pagmamahal at pangangalaga ng kanyang mga magulang, at ang kanyang paglaki ay saklaw ng batas ng buhay. Ito ay dahil hindi alam ng tao kung sino ang nagkaloob ng buhay o kung saan ito nanggaling, lalo nang hindi kung paanong ang likas ng buhay ay lumilikha ng himala. Ang alam lamang ng tao ay ang pagkain ang basehan ng pagpapatuloy ng buhay, na ang tiyaga ay ang pinagmulan ng pag-iral ng buhay, at ang paniniwala sa kanyang utak ang siyang kayamanan sa kanyang kaligtasan sa buhay. Hindi nararamdaman ng tao ang grasya at panustos mula sa Diyos. Kung kaya’t aaksayahin ng tao ang buhay na ipinagkaloob sa kanya ng Diyos.… Wala ni isang tao na araw at gabing minamasdan ng Diyos ang kusang loob na sambahin Siya. Ipinagpapatuloy ng Diyos ang gawain ayon sa Kanyang mga plano sa tao nang wala Siyang kahit anong inaasahan. Ginagawa Niya iyon sa pag-asang balang araw, magigising ang tao mula sa kanyang panaginip at biglang maunawaan ang halaga at layunin ng buhay, maunawaan ang halaga kung saan binigay ng Diyos ang lahat sa tao, at malaman kung gaano nananabik ang Diyos na manumbalik ang tao sa Kanya. Wala pang nagsaalang-alang sa mga lihim na pinagmulan at pagpapatuloy ng buhay ng tao. Gayunpaman, tanging ang Diyos na siyang nakakaintindi ng lahat ng ito, ang tahimik na umiinda ng pasakit at mga dagok mula sa tao na tumanggap ng lahat mula sa Diyos ngunit walang pagpapasalamat. Binabalewala ng tao ang lahat ng pinakikinabangan niya sa buhay, at “sa ganitong paraan,” ang Diyos ay pinagtaksilan, kinalimutan, at kinikilan ng tao. Tunay bang ganoon kahalaga ang plano ng Diyos? Ang tao ba, ang nabubuhay na nilalang na nagmula sa kamay ng Diyos, ay tunay nga bang mahalaga? Ang plano ng Diyos ay lubos na mahalaga; gayunman, ang buhay na nilalang na nilikha sa pamamagitan ng kamay ng Diyos ay nabubuhay para sa Kanyang plano. Samakatuwid, hindi kaya ng Diyos na sayangin ang Kanyang plano ng dahil lamang sa galit sa sangkatauhang ito. Ito ay para sa kapakanan ng Kanyang plano at hiningang Kanyang inilabas kaya tinitiis ng Diyos ang lahat ng paghihirap, hindi para sa laman ng tao kundi para sa buhay ng tao. Nais Niya na mabawi hindi ang laman ng tao kundi ang buhay na Kanyang inihinga palabas. Ito ang Kanyang plano.
Lahat ng dumating sa mundong ito ay dapat makaranas ng buhay at kamatayan, at marami ang nakaranas ng pagpapaulit-ulit na kamatayan at muling pagsilang. Iyong mga nabubuhay ay mamamatay kalaunan at ang mga nangamatay ay muling magbabalik. Ang lahat ng ito ay ang pagdaan ng buhay na isinaayos ng Diyos para sa bawat nabubuhay na nilalang. Gayunman, ang landasin at siklo na ito ay ang katotohanang nais ng Diyos na makita ng tao, na ang buhay na ipinagkaloob ng Diyos sa tao ay walang hanggan at hindi maaaring pigilan ng laman, panahon o kalawakan. Ito ang misteryo ng buhay na ipinagkaloob sa tao sa pamamagitan ng Diyos at patunay na ang buhay ay nanggaling sa Kanya. Bagaman marami ang maaaring hindi maniwala na ang buhay ay nanggaling sa Diyos, hindi maiwasan ng tao na masiyahan sa lahat ng galing sa Diyos, naniniwala man sila o itinatanggi nila ang Kanyang presensya. Kung pagdating ng araw ang Diyos ay nagkaroon ng biglaang pagbabago ng puso at naising bawiin muli ang lahat ng nabubuhay sa mundo at kunin muli ang buhay na Kanyang ibinigay, mawawala na ang lahat kung gayon. Ginagamit ng Diyos ang Kanyang buhay para matustusan ang lahat ng bagay maging buhay man o walang buhay, dinadala lahat sa mabuting kaayusan sa bisa ng Kanyang kapangyarihan at awtoridad. Ito ay katotohanan na hindi kayang isipin o madaling unawain ng sinuman, at ang mga hindi maunawaang katotohanan ang siyang tunay na nagpapahayag ng at katibayan ng puwersa ng buhay ng Diyos. Ngayon, hayaan mong sabihin Ko ang isang lihim: Ang kadakilaan at kapangyarihan ng buhay ng Diyos ay hindi maaaring maunawaan ng kahit sinong nilalang. Ito ay ganito ngayon, ganito noon at magiging ganito pagdating ng panahon. Ang pangalawang lihim na aking ibibigay ay ito: Ang pinagmulan ng buhay ay nanggaling sa Diyos, para sa lahat ng nilikha, anuman ang pagkakaiba sa anyo o kayarian. Anumang klase ng buhay na nilalang ka, hindi mo magagawang salungatin ang landas ng buhay na itinakda ng Diyos. Sa anumang pagkakataon, ang aking tanging hiling para sa tao ay kanyang maintindihan na kung walang pangangalaga, pag-iingat, at pagtustos ng Diyos, hindi matatanggap ng tao ang lahat ng dapat niyang matanggap, kahit gaano pa katindi ang pagsisikap o pagpupunyagi. Kung walang pagtutustos ng buhay mula sa Diyos, nawawala sa tao ang diwa ng pagpapahalaga sa buhay at nawawala ang diwa ng layunin sa buhay. Papaano pinahintulutan ng Diyos na sayangin ng tao ang kabuluhan ng Kanyang buhay nang walang inaalala? At muli, huwag kalimutan na ang Diyos ang pinagmulan ng iyong buhay. Kapag nabigo ang tao na mahalin ang lahat ng ipinagkaloob ng Diyos, hindi lamang babawiin ng Diyos ang lahat ng naibigay, ngunit higit pa diyan, ang tao ay dapat magbayad nang doble bilang bayad-pinsala para sa lahat ng ginugol ng Diyos.
Mayo 26, 2003
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao