Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“At sinabi ni Moises, Ipakita mo sa akin, idinadalangin ko sa iyo, ang iyong kaluwalhatian. At kaniyang sinabi, … Hindi mo makikita ang aking mukha: sapagka't hindi maaaring makita ako ng tao at mabuhay” (Exodo 33:18-20).
“At ang Panginoon ay bumaba sa ibabaw ng bundok ng Sinai, sa taluktok ng bundok; at tinawag ng Panginoon si Moises sa taluktok ng bundok; at si Moises ay sumampa. At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bumaba ka, pagbilinan mo ang bayan, baka sila'y lumagpas upang makita ang Panginoon, at mamatay ang karamihan sa kanila” (Exodo 19:20-21).
“At nakikita ng buong bayan ang mga kulog, at ang mga kidlat, at ang tunog ng pakakak at ang bundok na umuusok: at nang makita ng bayan, ay nanginig sila, at tumayo sa malayo. At sinabi nila kay Moises, Magsalita ka sa amin, at aming didinggin: datapuwa't huwag magsalita ang Dios sa amin, baka kami ay mamatay” (Exodo 20:18-19).
“Dumating nga ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Niluwalhati ko na, at muli kong luluwalhatiin. Ang karamihan ngang nangaroroon, at nangakarinig, ay nagsipagsabing kumulog: sinabi ng mga iba, Isang anghel ang nakipagusap sa kaniya” (Juan 12:28-29).
Ang pagliligtas ng Diyos sa tao ay hindi direktang ginawa sa pamamagitan ng paraan ng Espiritu o bilang Espiritu, sapagka’t ang Kanyang Espiritu ay hindi maaaring mahawakan o makita ng tao, at hindi maaaring malapitan ng tao. Kung sinubukan Niyang direktang iligtas ang tao sa paraan ng Espiritu, hindi makakaya ng tao na tanggapin ang Kanyang pagliligtas. At kung hindi dahil sa Diyos na nagsuot ng panlabas na anyo ng isang nilalang na tao, hindi nila makakayang tanggapin ang kaligtasang ito. Sapagka’t walang paraan ang tao upang makalapit sa Kanya, katulad ng walang maaaring makalapit sa ulap ni Jehova. Tanging sa pamamagitan ng pagiging isang tao ng paglikha, iyan ay, ang paglalagay ng Kanyang salita sa Kanyang magiging laman, at saka lamang Niya personal na magagawa ang salita tungo sa lahat ng sumusunod sa Kanya. Saka lamang maaaring marinig ng tao para sa kanya mismo ang Kanyang salita, makita ang Kanyang salita, at matanggap ang Kanyang salita, at sa gayon sa pamamagitan nito ay lubusang mailigtas. Kung ang Diyos ay hindi naging laman, walang makalamang tao ang makakatanggap ng gayong dakilang kaligtasan, at wala rin kahit isang tao ang maliligtas. Kung ang Espiritu ng Diyos ay gumawa nang direkta sa tao, ang tao ay masasaktan o ganap na mabibihag ni Satanas dahil hindi kaya ng tao na makisama sa Diyos
mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kung ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao, Siya ay nananatiling Espiritu na parehong hindi nakikita at hindi nahahawakan ng tao. Ang tao ay isang nilalang ng laman, at ang tao at ang Diyos ay nabibilang sa dalawang magkaibang mundo at magkaiba sa kalikasan. Ang Espiritu ng Diyos ay hindi tugma sa taong laman, at walang mga relasyong maaaring maitatag sa pag-itan nila; higit pa rito, ang tao ay hindi maaaring maging isang espiritu. Dahil dito, ang Espiritu ng Diyos ay dapat na maging isa sa mga nilalang at gumawa ng Kanyang orihinal na gawain. Ang Diyos ay maaaring parehong umakyat sa pinakamataas na lugar at ibaba ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng pagiging isang taong nilikha, gumagawa ng gawain at namumuhay na kasama ng tao, nguni't ang tao ay hindi maaaring umakyat sa pinakamataas na lugar at maging isang espiritu at lalong hindi siya makakababa sa pinakamababang lugar. Samakatuwid, ang Diyos ay dapat maging laman upang isakatuparan ang Kanyang gawain. Katulad na katulad ng unang pagkakatawang-tao, tanging ang laman ng Diyos na nagkatawang tao ang maaaring tumubos sa tao sa pamamagitan ng Kanyang pagpapapako sa krus, samantalang ito ay hindi posible para sa Espiritu ng Diyos na maipako sa krus bilang handog para sa kasalanan ng tao. Ang Diyos ay maaring direktang maging laman upang magsilbing handog para sa kasalanan ng tao, nguni't ang tao ay hindi maaring direktang umakyat sa langit upang tanggapin ang handog para sa kasalanan na inihanda ng Diyos para sa kanila. Dahil dito, ang Diyos ay dapat na maglakbay nang pabalik-balik sa pag-itan ng langit at lupa, sa halip na hayaan ang tao na umakyat sa langit upang kunin ang kaligtasang ito, sapagka't ang tao ay nahulog at hindi maaring umakyat sa langit, lalo na ang tanggapin ang handog para sa kasalanan. Samakatuwid, kinailangan na lumapit si Jesus sa gitna ng mga tao at personal na gawin ang gawain na hindi maaring maisakatuparan ng tao. Tuwing nagiging laman ang Diyos, lubos itong kinakailangang gawin. Kung alinman sa mga yugto ay maaring maisakatuparan nang direkta sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos, hindi na Niya sana tiniis ang mga kawalang-dangal ng pagkakatawang-tao.
mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kung ang gawaing ito ay ginawa ng Espiritu-kung ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao, at sa halip ang Espiritu ay nagsalita sa pamamagitan ng kulog para walang paraan ang tao na makipag-ugnayan sa Kanya, malalaman ba ng tao ang Kanyang disposisyon? Kung ang Espiritu lamang ang gumawa ng gawain, kung gayon ang tao ay hindi magkakaroon ng paraan na makilala ang Kanyang disposisyon. Maaari lamang makita ng mga tao ang disposisyon ng Diyos gamit ang kanilang sariling mga mata nang Siya ay nagkatawang- tao, nang ang Salita ay nagpakita sa katawang-tao, at ipinapahayag Niya ang Kanyang kabuuang disposisyon sa pamamagitan ng katawang-tao. Ang Diyos ay tunay na nabubuhay kasama ng tao. Siya ay nasasalat; tunay na maaaring makibahagi ang tao sa Kanyang disposisyon at sa kung anong mayroon at ano Siya; sa paraang ito lamang Siya tunay na makikilala ng tao.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kahit ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay nagsasangkot ng maraming hindi mailarawan na mga paghihirap, ang mga epekto na ganap nitong makakamit ay malayong lumampas sa mga gawaing natapos nang direkta sa pamamagitan ng Espiritu. Ang gawain ng katawang-tao ay kinasasangkutan ng maraming paghihirap, at ang katawang-tao ay hindi nagtataglay ng parehong dakilang pagkakakilanlan tulad ng Espiritu, hindi maaaring isagawa ang parehong kahima-himalang mga gawain tulad ng Espiritu, at higit na hindi siya maaaring magtaglay ng parehong awtoridad tulad ng Espiritu. Ngunit ang diwa ng gawaing natapos sa pamamagitan ng karaniwang katawang-tao na ito ay lubhang nakahihigit sa gawain na direktang ginawa sa pamamagitan ng Espiritu, at ang katawang-tao Niyang ito ang siyang kasagutan sa lahat ng mga pangangailagan ng tao.Para sa mga maililigtas, ang nagsisilbing halaga ng Espiritu ay higit na mas mababa kaysa sa katawang-tao: Ang gawain ng Espiritu ay magagawang masakop ang buong sansinukob, lahat ng mga bundok, mga ilog, mga lawa, at mga karagatan, ngunit ang gawa ng katawang-tao ay mas mabisang may kinalaman sa bawat tao na makakaugnayan Niya. Higit pa rito, ang katawang-tao ng Diyos na mayroong nasasalat na anyo ay maaaring mas mabisang maunawaan at pagkakatiwalaan ng tao, at higit pang mapalalim ang kaalaman ng tao sa Diyos, at maaaring mag-iwan sa tao ng mas malalim na impresyon ng mga aktwal na mga gawa ng Diyos. Ang gawain ng Espiritu ay nalalambungan ng misteryo, ito ay mahirap para sa mga may kamatayan na nilalang upang arukin ang lalim, at mas mahirap para sa kanila upang makita, at kaya maaari lamang silang umasa sa mga hungkag na pagpapalagay. Ang gawain ng katawang-tao, gayunpaman, ay karaniwan, at batay sa katotohanan, at nagmamay-ari ng mayamang karunungan, at ito ay isang katotohanan na maaaring makita sa pamamagitan ng pisikal na paningin ng tao; maaaring personal na maranasan ng tao ang karunungan ng mga gawa ng Diyos, at hindi kailangan upang gamitin ang kanyang masaganang imahinasyon. Ito ang katumpakan at tunay na halaga ng gawain ng Diyos sa katawang-tao. Ang Espiritu ay maaari lamang gumawa ng mga bagay na hindi nakikita ng tao at mahirap para sa kanyang isipin, halimbawa ang pagliliwanag ng Espiritu, ang paggalaw ng Espiritu, at ang patnubay ng Espiritu, ngunit para sa mga tao na may isip, ang mga ito ay hindi nagbibigay ng anumang malinaw na kahulugan. Sila ay nagbibigay lamang ng isang makabagbag-damdamin, o isang malawak na kahulugan, at hindi maaaring magbigay ng isang tagubilin sa mga salita. Ang gawain ng Diyos sa katawang-tao, gayunpaman, ay lubos na naiiba: Ito ay may tumpak na patnubay ng mga salita, may malinaw na kalooban, at may malinaw na kinakailangang mga layunin. At kaya ang tao ay hindi kailangan upang mag-apuhap sa paligid, o gamitin ang kanyang imahinasyon, lalo na ang gumawa ng mga panghuhula. Ito ang kalinawan ng gawain sa katawang-tao, at ang malaking pagkakaiba mula sa gawain ng Espiritu. Ang gawain ng Espiritu ay angkop lamang para sa isang limitadong saklaw, at hindi maaaring palitan ang gawain ng katawang-tao. Ang gawain ng katawang-tao ay nagbibigay sa tao ng mas tumpak at kinakailangang mga layunin na mas makatotohanan, mahalagang kaalaman kaysa sa gawa ng Espiritu. Ang pinakamalaking halaga na gawain sa tiwaling tao ay yaong nagbibigay ng tumpak na mga salita, malinaw na mga layunin upang itaguyod, at maaaring makita at mahawakan. Tanging ang makatotohanang gawain at napapanahong pagpatnubay ang angkop sa mga panlasa ng tao, at tanging tunay na gawa ang maaaring magligtas sa tao mula sa kanyang tiwali at mahalay na disposisyon. Ito ay maaari lamang makamit sa pamamagitan ng nagkatawang-taong Diyos; tanging ang nagkatawang-taong Diyos ang maaaring magligtas sa tao mula sa kanyang dating tiwali at mahalay na disposisyon. Kahit na ang Espiritu ang likas na diwa ng Diyos, ang gawaing tulad nito ay maaari lamang gawin sa pamamagitan ng Kanyang katawang-tao. Kung ang Espiritu ay gumawa nang nag-iisa, kung gayon ay hindi posible na maging epektibo ang Kanyang gawain-ito ay isang malinaw na katotohanan.
mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Para sa lahat na naghahangad ng katotohanan at nasasabik sa pagpapakita ng Diyos, ang gawain ng Espiritu ay ang pagbibigay lamang ng pagpupukaw ng damdamin o pagbubunyag, at isang pakiramdam ng pagkakamangha na hindi maipaliliwanag at hindi mailalarawan ng isip, at isang pakiramdam na ito ay dakila, walang kapantay, at kahanga-hanga, ngunit hindi rin maaaring makamit at matamo ng lahat. Ang tao at ang Espiritu ng Diyos ay maaari lamang tumingin sa bawat isa mula sa malayo, na parang may napakalayong distansya sa pagitan ng mga ito, at sila ay kailanman hindi maaaring maging magkapareho, na parang pinaghihiwalay ng isang hindi nakikitang pagitan. Sa katunayan, ito ay isang ilusyon na ibinigay ng Espiritu sa tao, dahil ang Espiritu at ang tao ay hindi pareho ng uri, at ang Espiritu at ang tao ay hindi kailanman magkakasamang umiral sa parehong mundo, at sapagka't ang Espiritu ay hindi nagtataglay ng pagkatao. Kaya ang tao ay hindi kinakailangan ang Espiritu, sapagka't ang Espiritu ay hindi direktang magagawa ang gawain na lubhang kinakailangan ng tao. Ang gawain ng katawang-tao ay nag-aalok sa tao ng tunay na layunin upang itaguyod, linawin ang mga salita, at isang katinuan na Siya ay tunay at normal, na Siya ay mapagpakumbaba at pangkaraniwan. Kahit maaaring matakot ang tao sa Kanya, para sa karamihan ng mga tao Siya ay madaling makaugnay: Maaaring masdan ng tao ang Kanyang mukha, at dinggin ang Kanyang tinig, at hindi Siya kailangang tingnan mula sa malayo. Pakiramdam ng tao na madaling lapitan ang katawang-taong ito, hindi malayo, o di-maarok, ngunit nakikita at mahihipo, dahil ang katawang-tao na ito ay nasa parehong mundo bilang tao.
mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Nang ang Diyos ay hindi pa naging tao, hindi masyadong naintindihan ng mga tao ang Kanyang sinabi sapagkat ito ay nanggaling sa ganap na pagka-Diyos. Ang pananaw at ang nilalaman ng Kanyang sinabi ay hindi nakikita at hindi maabot ng sangkatauhan; ito ay ipinahayag mula sa espirituwal na kaharian na hindi nakikita ng mga tao. Sapagkat ang mga tao na nabubuhay sa laman, hindi sila makadadaan sa espirituwal na kaharian. Ngunit pagkatapos naging tao ang Diyos, nagsalita Siya sa sangkatauhan mula sa pananaw ng pagiging tao, at Siya ay lumabas at dinaig ang saklaw ng espirituwal na kaharian. Maaari Niyang ipahayag ang Kanyang banal na disposisyon, kalooban, at saloobin, sa mga bagay na maiisip ng mga tao at mga bagay na kanilang nakita at nakasagupa sa kanilang mga buhay, at paggamit ng mga pamamaraan na matatanggap ng mga tao, sa isang wika na kanilang maiintindihan, at kaalaman na kanilang mauunawaan, upang tulutan ang mga tao na maintindihan at makilala ang Diyos, upang maintindihan ang Kanyang layunin at ang Kanyang mga kinakailangan na pamantayan sa loob ng saklaw ng kanilang kakayahan, sa antas na kanilang makakaya. Ito ang pamamaraan at panuntunan ng gawain ng Diyos sa pagkatao. Bagamat ang mga pamamaraan ng Diyos at ang Kanyang mga panuntunan sa paggawa sa katawang-tao ay nakakamit karamihan sa pamamagitan mismo ng pagkatao, ito ay totoong nakapagtamo ng mga resulta na hindi matatamo sa pamamagitan ng paggawa sa mismong pagka-Diyos.
mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ito ang kabutihan ng pagkakatawang-tao ng Diyos: Maaari Niyang samantalahin ang kalaman ng sangkatauhan at gamitin ang wika ng tao upang magsalita sa mga tao, upang ipahayag ang Kanyang kalooban. Ipinaliwanag Niya o "isinalin" sa tao ang Kanyang malalim, pagka-Diyos na wika na pinagsisikapang maintindihan ng mga tao sa wika ng tao, sa paraan ng isang tao. Nakatulong ito sa mga tao na maintindihan ang Kanyang kalooban at malaman kung ano ang gusto Niyang gawin. Maaari din Siyang makipag-usap sa mga tao mula sa pananaw ng isang tao, gamit ang wika ng tao, at makipagniig sa mga tao sa isang paraan na kanilang maiintindihan. Maaari pa Siyang magsalita at gumawa gamit ang wika ng tao at kaalaman nang upang maramdaman ng mga tao ang kabaitan at pagiging malapit ng Diyos, nang upang makita nila ang Kanyang puso.
mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang gawain na ginawa ng Espiritu ay ipinapahiwatig at hindi maarok, at ito ay kakila-kilabot at hindi malapitan ng tao; ang Espiritu ay hindi angkop sa direktang paggawa ng gawain ng pagliligtas, at hindi angkop sa direktang pagbibigay-buhay sa tao. Ang pinaka-angkop para sa tao ay ang pagbabagong-anyo ng gawain ng Espiritu sa isang paraan na malapit sa tao, na ang ibig sabihin, kung ano ang pinaka-angkop para sa tao ay ang Diyos na maging isang ordinaryo, karaniwang katauhan upang gawin ang Kanyang gawain. Kinakailangan nito na magkatawang-tao ang Diyos upang halinhan ang gawain ng Espiritu, at para sa tao, wala nang mas angkop na paraan para gumawa ang Diyos.
mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kung ang Espiritu ng Diyos ay direktang nagsalita sa tao, silang lahat ay magpapasakop sa tinig, babagsak paibaba na walang mga salita ng pagbubunyag, tulad ng kung paanong si Pablo ay nahulog sa lupa sa gitna ng liwanag habang siya ay naglalakbay sa Damasco. Kung ang Diyos ay nagpatuloy na gumawa sa ganitong paraan, hindi kailanman magagawa ng tao na kilalanin ang kanyang sariling katiwalian sa pamamagitan ng paghatol ng salita at makamit ang kaligtasan. Tanging sa pamamagitan ng pagiging laman magagawa Niyang personal na ihatid ang Kanyang mga salita sa mga pandinig ng lahat upang ang lahat ng may mga pandinig ay maaaring makarinig ng Kanyang mga salita at makatanggap ng Kanyang gawain ng paghatol sa pamamagitan ng salita. Gayon lamang ang resulta na nakamit sa pamamagitan ng Kanyang salita, sa halip na ang paglitaw ng Espiritu na tumatakot sa tao para magpasakop. Sa pamamagitan lamang ng gayong praktikal at hindi-pangkaraniwang gawain maaaring lubusang maibunyag ang lumang disposisyon ng tao, na malalim na naitago sa loob ng maraming taon, upang makilala ito ng tao at mabago ito. Ito ang praktikal na gawain ng Diyos na nagkatawang-tao; Siya ay nagsasalita at nagsasagawa ng paghatol sa isang praktikal na paraan upang makamit ang mga resulta ng paghatol sa tao sa pamamagitan ng salita. Ito ang awtoridad ng Diyos na nagkatawang-tao at ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. … Siya ay nagiging laman dahil ang laman ay maaari ding magtaglay ng awtoridad, at Siya ay may kakayahang magsakatuparan ng gawain sa gitna ng tao sa isang praktikal na paraan, na nakikita at nahahawakan ng tao. Ang gayong gawain ay mas makatotohanan kaysa anumang gawain na direktang ginawa sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos na nagtataglay ng lahat ng awtoridad, at ang mga resulta nito ay maliwanag din. Ito ay dahil sa ang Kanyang katawang-tao ay nakakapagsalita at nakakagawa ng gawain sa isang praktikal na paraan; ang panlabas na anyo ng Kanyang laman ay walang awtoridad at maaaring lapitan ng tao. Ang Kanyang sangkap ay nagtataglay ng awtoridad, nguni't walang nakakakita sa Kanyang awtoridad. Kapag Siya ay nagsasalita at gumagawa, hindi magawa ng tao na matalos ang pag-iral ng Kaniyang awtoridad; ito ay mas kanais-nais sa Kanyang aktwal na gawain. At lahat ng mga naturang gawain ay makakapagkamit ng mga resulta. Kahit na walang tao ang nakakatanto na Siya ay nagtataglay ng awtoridad o nakakakita na hindi Siya maaaring magalit o nakakakita sa Kanyang poot, sa pamamagitan ng Kanyang natatalukbungang awtoridad at poot at pampublikong pagsasalita, nakakamit Niya ang hinahangad na mga resulta ng Kanyang mga salita. Sa madaling salita, sa pamamagitan ng tono ng Kanyang boses, mahigpit na pagsasalita, at lahat ng karunungan ng Kanyang mga salita, ang tao ay lubusang nakukumbinsi. Sa ganitong paraan, ang tao ay nagpapasakop sa salita ng Diyos na nagkatawang-tao, na tila ba walang awtoridad, at dahil doon nakakamit ang Kanyang layunin ng kaligtasan para sa tao. Ito ang isa pang kabuluhan ng Kanyang pagkakatawang-tao: upang magsalita nang mas makatotohanan at hayaan ang katotohanan ng Kanyang mga salita na magkaroon ng epekto sa tao nang sa gayon ay masaksihan nila ang kapangyarihan ng salita ng Diyos. Kaya ang gawaing ito, kung hindi ginawa sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, ay hindi magkakamit ng pinakamaliit na mga resulta at hindi magagawang lubos na iligtas ang mga makasalanan.
mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Dahil ang tao ang siyang hahatulan, ang tao sa laman at naging tiwali, at hindi ang espiritu ni Satanas ang direktang hahatulan, ang gawain ng paghatol ay hindi tutuparin sa espirituwal na mundo. datapuwa't sa gitna ng tao. Walang sinuman ang mas angkop, at karapat-dapat, kaysa sa Diyos sa katawang-tao para sa gawain ng paghatol sa katiwalian ng laman ng tao. Kung ang paghatol ay isinasagawa nang direkta sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos, kung gayon ito ay para sa lahat. Bukod dito, ang gayong gawain ay magiging mahirap para sa tao na tanggapin, sapagka't ang Espiritu ay hindi kayang lumapit nang harap-harapan sa tao, at dahil dito, ang mga epekto ay hindi magiging agaran, lalong hindi makikita ng tao ang hindi nasasaktang disposisyon ng Diyos nang lalong malinaw. Lubos lamang na matatalo si Satanas kung hahatulan ng Diyos sa katawang-tao ang katiwalian ng sangkatauhan. … Kung ang gawain na ito ay ginawa sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos, kung gayon ito ay hindi magiging tagumpay laban kay Satanas. Ang Espiritu ay likas na higit na mabunyi kaysa may kamatayang mga nilalang, at ang Espiritu ng Diyos ay likas na banal, at matagumpay sa laman. Kung direktang ginawa ng Espiritu ang gawaing ito, hindi Niya magagawang hatulan ang lahat ng pagsuway ng tao, at hindi maaaring ibunyag ang lahat ng hindi pagkamatuwid ng tao. Sapagka't ang gawain ng paghatol ay natupad din sa pamamagitan ng mga pagkaintindi ng tao sa Diyos, at ang tao ay hindi kailanman nagkaroon ng anumang mga pagkaintindi sa Espiritu, at sa gayon ang Espiritu ay hindi kaya ang mas mainam na pagbunyag sa hindi pagkamatuwid ng tao, lalong hindi kayang ganap na pagsisiwalat ng hindi pagkamatuwid. Ang nagkatawang-taong Diyos ay kaaway ng lahat ng mga tao na hindi nakakakilala sa Kanya. Sa pamamagitan ng paghatol sa mga pagkaintindi ng tao at pagsalungat sa Kanya, isinisiwalat Niya ang lahat ng pagsuway ng sangkatauhan. Ang mga epekto ng Kanyang gawain sa katawang-tao ay mas kitang-kita kaysa sa mga gawain ng Espiritu. At kaya, ang paghatol ng lahat ng sangkatauhan ay hindi natupad nang direkta sa pamamagitan ng Espiritu, ngunit ito ay gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Ang Diyos sa katawang-tao ay makikita at mahihipo ng tao, at ang Diyos sa katawang-tao ay maaaring ganap na lupigin ang tao. Sa kanyang relasyon sa Diyos sa katawang-tao, ang tao ay umuusad mula sa pagsalungat patungo sa pagsunod, sa pag-uusig patungo sa pagtanggap, mula sa pagkaintindi patungo sa kaalaman, at mula sa pagtanggi patungo sa pag-ibig. Ito ang mga epekto ng gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Maliligtas lamang ang tao sa pamamagitan ng pagtanggap ng Kanyang paghatol, unti-unti lamang na makikilala Siya sa pamamagitan ng mga salita ng Kanyang bibig, nalulupig Niya sa panahon ng kanyang pagsalungat sa Kanya, at tumatanggap ng panustos ng buhay mula sa Kanya sa panahon ng pagtanggap ng Kanyang pagkastigo. Ang lahat ng gawaing ito ay ang gawain ng Diyos sa katawang-tao, at hindi ang gawain ng Diyos sa Kanyang pagkakakilanlan bilang Espiritu.
mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Gayon man ay isang katotohanan ang hindi mo alam: Ang tiwaling disposisyon at paghihimagsik at paglaban ng tao ay nailantad kapag nakikita niya si Cristo, at ang paghihimagsik at paglaban na nakalantad sa naturang okasyon ay mas ganap at kumpleto kaysa sa anuman. Ito ay dahil si Cristo ay ang Anak ng tao at nagtataglay ng normal na pagkatao kung saan hindi Siya pinaparangalan o nirerespeto ng tao. Ito ay dahil ang Diyos ay naninirahan sa katawang-tao upang ang paghihimagsik ng tao ay dinadala sa liwanag nang lubusan at buong-linaw. Kaya sinasabi ko na ang pagdating ni Cristo ay hinukay ang lahat ng paghihimagsik ng sangkatauhan at ang kalikasan ng sangkatauhan ay maliwanag na nakikita. Ito ay tinatawag na "akitin ang isang tigre pababa ng bundok" at "akitin ang isang lobo palabas ng kuweba."
mula sa “Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang mga pagkaintindi ng tao ay inihantad kapag opisyal na ginagawa ng nagkatawang-taong Diyos ang Kanyang gawain, dahil ang pagiging normal at pagkatotoo ng nagkatawang-taong Diyos ay ang katumbalikan ng malabo at hindi pangkaraniwang Diyos sa imahinasyon ng tao. Ang orihinal na pagkaintindi ng tao ay maaari lamang ibunyag sa pamamagitan ng kanilang kaibahan sa nagkatawang-taong Diyos. Kung wala ang paghahambing sa nagkatawang-taong Diyos, ang mga pagkaintindi ng tao ay hindi mabubunyag; sa ibang salita, kung walang kaibahan sa pagkatotoo ang malalabong mga bagay ay hindi mabubunyag. Walang may kakayahan na gumamit ng mga salita upang gawin ang gawaing ito, at walang sinuman ang may kakayahang magsalita nang maliwanag sa gawaing ito gamit ang mga salita. Tanging ang Diyos Mismo ang maaaring gumawa ng Kanyang sariling gawa, at walang sinuman ang maaaring gumawa ng gawaing ito na Kanyang kahalili. Hindi mahalaga kung gaano kayaman ang wika ng tao, hindi niya kaya na magsalita nang maliwanag ang katotohanan at pagiging karaniwan ng Diyos. Maaari lamang makilala ng tao ang Diyos sa mas kapaki-pakinabang na paraan, at maaari lamang Siyang makita nang mas malinaw, kung ang Diyos ay personal na gagawa sa gitna ng tao at ganap na itatanghal ang Kanyang larawan at ang Kanyang pagka-Diyos. Ang epektong ito ay hindi maaaring makamit sa pamamagitan ng anumang maka-lamang tao. Siyempre, ang Espiritu ng Diyos ay hindi rin kayang makamit ang epekto na ito. Maaaring iligtas ng Diyos ang tiwaling tao mula sa impluwensya ni Satanas, ngunit ang gawain na ito ay hindi maaaring direktang gawin sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos; sa halip, ito ay maaari lamang gawin sa pamamagitan ng katawang-tao na suot ng Espiritu ng Diyos, sa pamamagitan ng katawan ng Diyos nagkatawang-tao.
mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinakamainam na bagay tungkol sa Kanyang gawain sa katawang-tao ay maaari Siyang mag-iwan ng tumpak na mga salita at mga pangaral, at ang Kanyang tumpak na kalooban para sa sangkatauhan patungkol sa mga taong sumusunod sa Kanya, sa gayon pagkatapos nito ang Kanyang mga tagasunod ay maaaring mas tumpak at mas konkretong maipasa ang lahat ng Kanyang mga gawain sa katawang-tao at ang Kanyang kalooban para sa buong sangkatauhan na tumatanggap sa ganitong paraan. Tanging ang gawain ng Diyos sa katawang-tao sa gitna ng mga tao ang tunay na nagsasakatuparan sa katunayan ng pagiging Diyos at ang pamumuhay kasama ng mga tao. Tanging ang gawaing ito ang magsasakatuparan sa kagustuhan ng tao na mamasdan ang mukha ng Diyos, masaksihan ang gawain ng Diyos, at marinig ang personal na salita ng Diyos. Wawakasan na ng nagkatawang-taong Diyos ang kapanahunan nang ang likod lamang ni Jehovah ang nagpakita sa sangkatauhan, at tatapusin din ang kapanahunan ng paniniwala ng sangkatauhan sa isang malabong Diyos. Sa partikular, ang gawain ng huling nagkatawang-taong Diyos ay dinadala ang lahat ng sangkatauhan sa isang kapanahunan na mas makatotohanan, mas praktikal, at mas kaaya-aya. Hindi lang Niya tatapusin ang kapanahunan ng kautusan at doktrina; mas mahalaga, ibinubunyag Niya sa sangkatauhan ang isang tunay at pangkaraniwang Diyos, na matuwid at banal, na nagbubukas ng gawain ng plano sa pamamahala at nagpapakita ng mga misteryo at hantungan ng sangkatauhan, na lumikha sa sangkatauhan at dadalhin sa katapusan ang gawaing pamamahala, at nanatiling nakatago ng libo-libong taon. Dadalhin Niya ang kapanahunan ng kalabuan sa isang ganap na katapusan, tatapusin Niya ang kapanahunan kung saan ang buong sangkatauhan ay ninais na hanapin ang mukha ng Diyos ngunit hindi nagawa, wawakasan Niya ang kapanahunan na kung saan ang buong sangkatauhan ay naglingkod kay Satanas, at aakayin ang buong sangkatauhan hanggang sa dulo ng isang ganap na bagong panahon. Ang lahat ng ito ay ang kinalabasan ng gawain ng Diyos sa katawang-tao sa halip na Espiritu ng Diyos. Kapag ang Diyos ay gumagawa sa Kanyang katawang-tao, ang mga taong sumusunod sa Kanya ay hindi na humihingi at naghahanap sa mga malabo at hindi malinaw na mga bagay, at tumitigil sa paghula sa kalooban ng malabong Diyos. Kapag pinalalaganap ng Diyos ang Kanyang gawain sa katawang-tao, ang mga taong sumusunod sa Kanya ay dapat ipasa ang gawain na Kanyang ginawa sa katawang-tao sa lahat ng mga denominasyon at mga sekta, at dapat nilang ipakipagtalastasan ang lahat ng Kanyang mga salita sa mga pandinig ng buong sangkatauhan. Ang lahat na naririnig ng mga yaong tumanggap sa Kanyang ebanghelyo ay magiging mga katunayan ng Kanyang gawain, ay magiging mga bagay na personal na nakita at narinig ng tao, at magiging mga katunayan at hindi sabi-sabi. Ang mga katunayang ito ay ang katibayan na Kanyang pinalalaganap ang gawain, at ito rin ang mga kasangkapan na ginagamit Niya sa pagpapalaganap ng gawain. Kung wala ang pag-iral ng mga katunayan, ang Kanyang ebanghelyo ay hindi lalaganap sa buong mga bansa at sa lahat ng mga lugar; kapag walang katunayan ngunit sa mga guni-guni lamang ng tao, Hindi Niya kailanman magagawa ang gawaing panlulupig sa buong sansinukob. Ang Espiritu ay hindi masasalat ng tao, at di-nakikita ng mga tao, at ang gawain ng Espiritu ay hindi kayang mag-iwan ng anumang karagdagang katibayan o mga katunayan ng gawain ng Diyos para sa tao. Ang tao ay hindi kailanman makikita ang tunay na mukha ng Diyos, at palaging maniniwala sa malabong Diyos na hindi umiiral. Ang tao ay hindi kailanman makikita ang tunay na mukha ng Diyos, ni ang tao ay makarinig ng mga salita na personal na sinabi ng Diyos. Ang mga guni-guni ng tao ay, kung tutuusin, walang laman, at hindi mapapalitan ang tunay na mukha ng Diyos; ang likas na disposisyon ng Diyos, at ang gawain ng Diyos Mismo ay hindi mapapagpanggapan ng tao. Ang hindi-nakikitang Diyos sa langit at ang Kanyang mga gawain ay maaari lamang dalhin sa lupa sa pamamagitan ng Diyos na nagkatawang-tao na personal na gumagawa ng gawain Niya sa pagitan ng mga tao. Ito ang pinaka-mainam na paraan kung saan nagpapakita ang Diyos sa tao, kung saan ang tao ay nakikita ang Diyos at nalalaman ang tunay na mukha ng Diyos, at hindi ito maaaring matamo sa pamamagitan ng isang hindi nagkatawang-taong Diyos.
mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao