Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Pelikula Tungkol sa Ebanghelyo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Pelikula Tungkol sa Ebanghelyo. Ipakita ang lahat ng mga post

"Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" - Paano Lutasin ang Panloloko at Maging Tapat na Tao na Naghahatid ng Kagalakan sa Diyos (Clips 2/2)


Mga Pelikula Tungkol sa Ebanghelyo | "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" - Paano Lutasin ang Panloloko at Maging Tapat na Tao na Naghahatid ng Kagalakan sa Diyos (Clips 2/2)


Sabi ng Panginoong Jesus, "Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang kayo'y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit" (Mateo 18:3).
Si Cheng Nuo, isang Kristiyano, ay hindi tumitigil kailanman sa paghahangad na maging isang tapat na tao. Pagkaraan ng ilang taon ng pagpapailalim sa gawain ng Diyos, dumalang na ang kanyang pagsisinungaling at nagtrabaho siya para sa simbahan mula madaling araw hanggang hatinggabi, nahihirapan at ginugugol ang sarili. Itinuturing niya na isa siyang tapat na tao na umaayon sa kalooban ng Diyos. Ngunit nang masaktan nang malubha ang kanyang asawa sa isang aksidente, nagsimulang mabuo sa kanyang puso ang mga maling pagkaunawa at reklamo sa Diyos at nawalan siya ng hangaring gampanan ang kanyang tungkulin. Sa pamamagitan ng pagsubok at paglalantad sa kanya ng Diyos, binasa ni Cheng Nuo ang mga salita ng Diyos at nagnilay-nilay. Nalaman niya na kahit madalang na siyang magsinungaling mula nang manalig siya, nasa puso pa rin niya ang pagiging tuso at mapanlinlang, at ang paggugol niya para sa Diyos ay para makipagtawaran sa Diyos, na naghahanap ng mga pagpapala at gantimpala; ang pagkakaroon niya ng sakim at mapanlinlang na masamang disposisyon ay malalim pa ring nakabaon sa kanya, at hindi siya isang tapat na tao na naghahatid ng kagalakan sa Diyos. Kalaunan ay naunawaan niya ang kanyang likas na panlilinlang sa paghahanap ng katotohanan at nakasumpong ng landas tungo sa pagiging isang tapat na tao at isang taong nararapat sa kaharian ng Diyos …

Manood ng higit pa:ebanghelyo

Kristianong video | "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" (Clips 1/2) Isang Kristiyano ang Kumilos nang Matapat at Pinagpala ng Diyos



Kristianong video | "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" (Clips 1/2) Isang Kristiyano ang Kumilos nang Matapat at Pinagpala ng Diyos


Sabi ng Panginoong Jesus, "Truly I say to you, Except you be converted, and become as little children, you shall not enter into the kingdom of heaven" (Matthew 18:3). Ang Kristiyanog si Cheng Nuo ay isang doktor. Sa buhay niya, nagpunyagi siyang maging matapat na tao ayon sa mga salita ng Panginoon. Minsan, sa isang pagtatalo tungkol sa paggamot sa isang pasyente, ipinagtapat niya sa mga kapamilya ng isang pumanaw na pasyente ang mga pagkakamali ng ospital. Nakaapekto naman ito sa reputasyon ng ospital, at pinaalis siya ng ospital dahil sa hindi pagsunod sa mga pamantayan ng medisina.

Best Tagalog Christian Movie | "Masasakit na Alaala" The Repentance of a Christian (Tagalog Dubbed)


   Si Fan Guoyi ay isang elder ng isang bahay-iglesia sa China. Sa mahigit dalawampung taon ng paglilingkod, lagi niyang ginagaya si Pablo, at nagsumikap at nagpakahirap para sa Panginoon nang may malaking kasigasigan. Bukod dito, matibay ang paniniwala niya na sa patuloy na pagsampalataya sa ganitong paraan, isinasakatuparan niya ang kalooban ng Ama sa langit, at na kapag nagbalik ang Panginoon, siguradong mara-rapture siya sa kaharian ng langit. Gayunman, nang sumapit sa kanya ang pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, kumapit siya sa kanyang mga pagkaunawa. Paulit-ulit niyang tinanggihan, kinontra, at tinuligsa ang gawain ng Diyos sa mga huling araw…. Kalaunan, matapos makipagtalo nang ilang beses sa mga pastor ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nagising din sa katotohanan si Fan Guoyi, at tunay na naunawaan ang kahulugan ng isakatuparan ang kalooban ng Ama sa langit, gayundin kung paano patuloy na sumampalataya sa paraan na magtatamo siya ng kaligtasan at makakapasok sa kaharian ng langit …. 

Christian Full Movie 2018 | "Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo!" (Tagalog dubbed)


    
•*¨*•.¸¸ღ🌹 .•*¨*•.¸¸ 🌹.•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸ღ🌹.•*¨*•.¸¸ღ🌹.•*¨*•.¸¸
   
    Si Lee Chungmin ay elder sa isang iglesia sa Seoul, South Korea. Sa loob ng mahigit dalawampung taon, masigasig siyang naglingkod sa Panginoon, na lubos na nakatuon sa pag-aaral ng Biblia. Sa pagsunod sa halimbawa ng mga pinuno ng kanilang relihiyon, inakala niya na ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, at na ang pagsampalataya sa Biblia ay kaparehong-kapareho ng pagsampalataya sa Panginoon. Naniwala siya na basta’t sumunod siya sa Biblia, madadala siya sa kaharian ng langit. Ang mga ideyang ito ang pumigil sa kanya na gaya ng isang pares ng mga kadena, na pumipigil sa kanya na sundan ang mga yapak ng Diyos at manalig sa Kanya. Dahil dito, hindi naisip ni Lee Chungmin kailanman na siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw …

Tagalog Christian Gospel Videos | "Suwerte at Kasawian" Christian Testimony



 ════ ♡♡♡♡♡ ════ ♡♡♡♡♡════♡♡♡♡♡ ════

    Dahil siya ay nagmula sa dukhang pamilya, mula pa sa pagkabata determinado na si Du Juan na yumaman at magkaroon ng mas magandang buhay. Para magkatotoo ang mithiing ito, tumigil siya sa pag-aaral para magtrabaho, anuman ang kaya niyang gawin para magkapera. Hindi siya nagreklamo kapag mahirap at nakakapagod ang trabaho. Gayunman, hindi niya nakuha ang hangad niyang resulta. Gaano man siya nagpakasipag, hindi niya natamo ang buhay na gusto niya para sa kanyang sarili. Noong 2008, kimkim ang pangarap na yumaman, nagpunta sila ng kanyang asawa sa Japan para magtrabaho. Pagkaraan ng ilang taon, hinimatay siya sa pagod dahil sa dami ng mabibigat na gawain at sobrang haba ng pagtatrabaho. Nalungkot siya nang husto dahil sa mga resulta ng mga imbestigasyon sa ospital, ngunit para makamit ang kanyang mga pangarap, hindi sumuko si Du Juan. Patuloy siyang nagtrabaho, sa kabila ng kanyang karamdaman, na determinadong magsikap. Kalaunan, napilitan siyang tumigil sa pagpapayaman dahil sa labis na paghihirap sa kanyang kalagayan. Sa gitna ng kanyang sakit, nagsimula siyang magnilay-nilay: Sa kabila ng lahat, bakit nabubuhay ang tao? Nararapat bang isapalaran ang buhay ng tao alang-alang sa pera? Masaya ba ang maging mayaman? Patuloy na naglaro sa kanyang isipan ang mga pagdududang ito. Di nagtagal, dumating sa kanya ang pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nalaman niya ang pinagmumulan ng pasakit sa buhay ng tao, at naunawaan din niya kung bakit nabubuhay ang tao, at paano mabuhay bago maging makabuluhan ang kanyang buhay …. Tuwing iisipin niya ang karanasang ito, napapabuntong-hininga si Du Juan: Ang karamdamang ito ay talagang nagbigay sa kanya ng pagpapala mula sa kapighatian!

Tagalog Christian Movie 2018 | "Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong " Lord Jesus Has Come Again


    Sa mga huling araw, ang Diyos ay nagkatawang-tao para gumawa upang iligtas ang tao. Ngunit dahil hindi natin nauunawaan ang katotohanan ng pagkakatawang-tao, itinuturing natin ang Diyos na nagkatawang-tao tulad sa isang karaniwang tao, hindi natin makilala ang tinig ng Diyos at mas kaunti ang alam natin kung paano sasalubungin ang Panginoon—sa punto na nagagawa nating sundin ang relihiyosong daigdig at nangingibabaw na mga kapangyarihan upang kalabanin at ikondena ang Diyos—ang sitwasyon ay hindi naiba noong nagkatawang-tao ang diyos bilang ang Panginoon Jesus para gawin ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya. Kung gayon, lumilitaw na ang pag-unawa sa katotohanan ng pagkakatawang-tao ay mahalaga sa ating pagkakilala sa Diyos. Kaya ano nga ba talaga ang pagkakatawang-tao? Ano ang diwa ng pagkakatawang-tao?

Full Tagalog Christian Movie 2018 | “Huwag Kang Makialam” God With Us (Tagalog Dubbed)



    Si Li Qingxin ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia sa China na naging tapat sa Panginoon nang maraming taon. Palagi niyang masiglang ginagawa ang gawain ng Panginoon na ipangaral ang ebanghelyo, maingat niyang hinihintay ang pagdating ng Panginoon para dalhin siya sa kaharian sa langit. Nitong huling mga taon, nakita ni Li Qingxin na naging mas mapanglaw ang iba't ibang sekta at iglesia. Gayunman, ang Kidlat ng Silanganan ay naging mas masigla, sa kabila ng galit na galit na pagtuligsa at pagpapahirap ng gobyernong Chinese Communist government at iba't ibang relihiyon. Parami nang parami ang mabubuting tupa at namumunong tupa ng iba't ibang denominasyon at sekta na tumanggap na sa Kidlat ng Silanganan. Dahil dito, nag-isip-isip si Li Qingxin. Lalo na, nakita niya na hindi nag-aatubili ang mga pastor at elder ng iba't ibang relihiyon na mag-imbento ng mga tsismis at walang-kabuluhang mga bagay para tuligsain at sirain ang pangalan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nakikipag-ugnayan pa sila sa gobyernong Chinese Communist para arestuhin ang mga mangangaral ng Kidlat ng Silanganan. Dama niya na ang mga gawa at kilos ng pastor at elder ay lihis sa paraan ng Panginoon, at alam niya na mabangis na kinakalaban at tinutuligsa ng Chinese Communist Party at iba't ibang relihiyon ay maaaring ang tunay na daan, at ang pagpapakita at gawain ng Panginoon. Noon din ay nagpasiya sila ng ilang katrabaho niya na hanapin at siyasatin ang Kidlat ng Silanganan, pero naharap sila sa lahat ng uwi ng sagabal at problema mula sa pastor at elder. Sa pamamagitan ng pagbasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pakikinig sa patotoo ng mga mangangaral ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nahiwatigan ni Li Qingxin at ng iba pa ang mga tsismis at kamalian ng pastor at elder. Dahil dito ay naunawaan nila ang napakasamang layunin at lalang sa kanilang mga alagad na humahadlang sa pagsusuri sa tunay na daan, at malinaw nilang nakita ang talagang mapagpaimbabaw ang pastor at elder. Malakas na sinabi ni Li Qingxin at ng iba sa pastor at elder ng relihiyon, "Wala n'yo kaming pakialaman!" Sa huli ay lubos silang nakaalis sa pambibitag at pang-aalipin ng pastor at elder, at nagbalik sa harapan ng luklukan ng Diyos.

Tagalog Christian Movie 2018 | "Red Re-Education sa Bahay" | God Is My Strength and Power


    Si Zheng Yi ay isang Kristiyano. Nang marinig niya ang tungkol sa malupit na pang-uusig ng pamahalaang CCP sa Kidlat ng Silanganan at ang pag-aresto sa mga Kristiyano noong nagtatrabaho siya sa Estados Unidos, nag-isip-isip siya, "Ang CCP ay isang partidong ateista, isang makademonyong rehimen na pinakamatinding kalaban ng Diyos. Sa kabila ng sumisiklab na pang-uusig at panunupil ng CCP, lalo pa ring naging maunlad ang Kidlat ng Silanganan. Malamang ay ito ang tunay na daan." Kaya sinuri niya ang Kidlat ng Silanganan sa website ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Natuklasan niya na ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at tinig ng Diyos. Naipasiya niya na ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Kaya agad niyang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Makalipas ang apat na taon, bumalik si Zheng Yi sa China at ipinasa ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa kanyang kapatid na si Zheng Rui, isang mamamahayag ng balita. 

Full Tagalog Christian Movie 2018 | Sino ang Muling Nagpapako sa Diyos sa Krus?


   Si Gu Shoucheng ay isang pastor sa isang bahay-sambahan sa China. Nanalig na siya sa Panginoon nang maraming taon, at hindi nagbabago sa pagsisikap na magbigay ng mga sermon, at marami na siyang napuntahan para ipangaral ang ebanghelyo. Naaresto na siya at nakulong dahil sa pangangaral ng ebanghelyo, at nakulong nang 12 taon. Nang makalabas na siya ng bilangguan, patuloy na naglingkod si Gu Shoucheng sa iglesia. Gayunman, nang dumating ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa iglesiang kinsasapian ni Gu Shoucheng, ni hindi niya ito hinahanap o sinisiyasat, kundi umaasa siya sa sarili niyang mga paniwala at pagkaintindi nang buong katigasan ng ulo na husgahan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at ginagawa niya ang lahat para magkalat ng mga paniwala at maling pagkaintindi upang putulin at pigilan ang pagtanggap ng mga nananalig sa tunay na daan. Matapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos noon natuklasan ni Gu Shoucheng na tunay ngang sila ay may awtoridad at kapangyarihan at na sinuman ang nakarinig sa mga ito ay makumbinsi, at natakot siya nang husto na sinuman sa iglesia ang makabasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay mananalig sa Kanya. Natakot siya na kung magkagayo'y hindi niya mapapanatili ang kanyang katayuan at pamumuhay. Kaya nga, tinalakay niya ito kay Elder Wang Sen at sa iba pa sa iglesia at ipinasiya niyang linlangin ang mga tao sa mga tsismis na ginamit ng pamahalaang Chinese Communist sa pag-atake at paghusga sa Makapangyarihang Diyos. Ginagawa nina Gu Shoucheng at Wang Sen ang lahat para isara ang iglesia at pigilan ang mga tao sa pagtanggap sa tunay na daan, at tumutulong pa sila sa makademonyong rehimen ng CCP para arestuhin at usigin ang mga nagpapatotoo sa Makapangyarihang Diyos. Malaking kasalanan sa disposisyon ng Diyos ang kanilang ginagawa at sumasailalim sila sa Kanyang sumpa. Dahil aarestuhin na ni Wang Sen ang ilang taong nagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian, naaksidente siya at namatay doon mismo. Nabubuhay si Gu Shoucheng sa takot at kawalang-pag-asa at natataranta. Madalas niyang sinasabi sa sarili: "Ang paghatol ko ba sa Makapangyarihang Diyos ay ipinapakong muli ang Diyos sa krus?"

Tagalog Christian Movie 2018 | "Anak, Umuwi Ka Na!" | Amazing Grace of God




     Isang mag-aaral ng senior high school si Li Xinguang. Isa siyang makatwiran at matinong bata simula pa noong maliit siya. Paborito siya ng kanyang mga magulang at guro. Nang tumuntong na siya sa middle school, nahumaling siya sa mga internet computer game. Madalas siyang lumiliban sa klase upang makapunta sa internet cafe. Ginawa ng kanyang mga magulang ang lahat upang makalaya siya sa adiksyon ng internet. Sa kasamaang palad, lumala nang lumala ang adiksyon ni Li Xinguang. Nawalan siya ng gana at dahan-dahang naging delinkwente. ... Nang malapit nang mawalan ng pag-asa ang mga magulang ni Li Xinguang, nalaman nilang kayang iligtas ng Diyos ang mga tao, kayang tulungang makalaya sa kanilang adiksyon sa internet at makawala sa paninira ni Satanas. Dahil dito, nagpasya silang maniwala sa Diyos at hinangad na maliligtas ng Diyos ang kanilang anak. Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan nila ang pinagmumulan ng kasiraan at kabuktutan ng sangkatauhan. Nakita nila ang katotohanan sa likod ng kasamaan at kadiliman ng tao at naunawaan na tanging Diyos lang ang makapagliligtas sa tao at makapagpapalaya mula sa paninira at pagpapahirap ni Satanas. Kailangan lamang maniwala ni Xinguang sa Diyos at maunawaan ang katotohanan, at magagawa niyang lumaya sa kanyang adiksyon sa internet. Dahil dito, ipinalaganap nila ang ebanghelyo kay Xinguang at ginabayan si Xinguang basahin ang mga salita ng Diyos. Nagdasal sila sa Diyos at hiningi sa Kanyang iligtas ang kanilang anak at tulungan siyang makalaya sa kanyang adiksyon sa internet. ... Pagkatapos ng isang laban, nagsimulang magdasal at magtiwala sa Diyos si Xinguang. Sa ilalim ng gabay ng mga salita ng Diyos, nagawa niyang makawala sa wakas sa kanyang adiksyon sa internet at pinalaya ang sarili mula sa paninira at pagpapahirap ni Satanas. Ang anak na dating wala nang pag-asa dahil sa mga internet game at internet cafe ay umuwi na sa wakas! 

Tagalog na Cristianong Ebanghelyong Pelikula | "Basagin Ang Sumpa"




Tagalog na Cristianong Ebanghelyong Pelikula | "Basagin Ang Sumpa" | Kidlat ng Silanganan


Isang elder si Fu Jinhua sa isang iglesia sa Tsina. Tulad ng maraming iba pang mga Tsino, masigasig niyang inilaan ang kanyang sarili sa Panginoon, nagpakapagod nang lubos para sa Kanya. Partikular siyang may tiwala sa kanyang sarili, at tinuruan ang kanyang sarili na maging isang taong tunay na nagmahal sa Panginoon. Sinunod niya ang Panginoon nang maraming taon, buong puso siyang naniwala na ang Biblia ay pinukaw ng Diyos, at ang mga salita sa Biblia ay salita lahat ng Diyos. Kung kaya, sa kanyang isipan, inihalintulad niya ang paniniwala sa Panginoon bilang paniniwala sa Biblia. Inisip niya na ang mga taong humiwalay mula sa Biblia ay hindi matatawag na mga tagasunod ng Panginoon. Naniwala rin siya na kailangan lamang umayon ng mga tao sa Biblia upang madala sa kaharian ng langit kapag bumaba ang Panginoon na nasa mga alapaap. Kaya kapag nagsimulang magpatotoo ang isang lupon ng mga tao sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, naniwala si Fu Jinhua sa mga maling paniwala ng mga relihiyosong pastor at elder, at hindi na hinangad ang mag-imbestiga pa sa mga bagay-bagay. Isang araw, binisita ni Fu Jinhua si Kapatid na He, kapwa miyembro ng iglesia. Binanggit ni Kapatid na He ang tungkol sa kanyang sariling pagkalito: "Ang mga propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon ay talagang nagkatotoo lahat, at dapat nang nakabalik ang Panginoon. Kaya bakit hindi pa natin nakita ang pagbaba ng Panginoon na nasa mga alapaap? Nabanggit din ng kanyang katrabahong si Fang Jianjie, "Lumitaw ang apat na kulay dugong buwan, na nangangahulugang sasapitin natin ang mga malalaking sakuna. Ayon sa mga propesiya mula sa mga libro ng mga propeta at sa Libro ng Pahayag, dadalhin sa langit ang Iglesia ng Philadelphia bago ang mga malalaking sakuna, at tutustusan ng Diyos ang Kanyang mga tagapaglingkod at utusan gamit ang Kanyang Espiritu upang gawing kumpleto ang isang grupo ng mga mananagumpay. Kung ang isang tao ay hindi nadala bago ang mga sakuna, malamang na mamamatay sila sa kalagitnaan ng mga malalaking sakunang ito. Ngunit ngayon, nagpatotoo ang Kidlat ng Silanganan na nagbalik na ang Panginoong Jesus, inihayag ang katotohanan , at ginawang kumpleto ang isang grupo ng mga mananagumpay. Tinutupad ba nito ang mga propesiya mula sa Biblia? Ang Kidlat ng Silanganan ay pagpapamalas ba ng Panginoon at ng Kanyang gawain?” Matapos makinig sa kanyang mga katrabaho, sumailalim sa matinding pagbubulay-bulay si Fu Jinhua at sinimulang tasahin ang mga bagay na ito ...

Rekomendasyon:
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos   ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal