Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na tumalima. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na tumalima. Ipakita ang lahat ng mga post

"Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" - Paano Lutasin ang Panloloko at Maging Tapat na Tao na Naghahatid ng Kagalakan sa Diyos (Clips 2/2)


Mga Pelikula Tungkol sa Ebanghelyo | "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" - Paano Lutasin ang Panloloko at Maging Tapat na Tao na Naghahatid ng Kagalakan sa Diyos (Clips 2/2)


Sabi ng Panginoong Jesus, "Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang kayo'y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit" (Mateo 18:3).
Si Cheng Nuo, isang Kristiyano, ay hindi tumitigil kailanman sa paghahangad na maging isang tapat na tao. Pagkaraan ng ilang taon ng pagpapailalim sa gawain ng Diyos, dumalang na ang kanyang pagsisinungaling at nagtrabaho siya para sa simbahan mula madaling araw hanggang hatinggabi, nahihirapan at ginugugol ang sarili. Itinuturing niya na isa siyang tapat na tao na umaayon sa kalooban ng Diyos. Ngunit nang masaktan nang malubha ang kanyang asawa sa isang aksidente, nagsimulang mabuo sa kanyang puso ang mga maling pagkaunawa at reklamo sa Diyos at nawalan siya ng hangaring gampanan ang kanyang tungkulin. Sa pamamagitan ng pagsubok at paglalantad sa kanya ng Diyos, binasa ni Cheng Nuo ang mga salita ng Diyos at nagnilay-nilay. Nalaman niya na kahit madalang na siyang magsinungaling mula nang manalig siya, nasa puso pa rin niya ang pagiging tuso at mapanlinlang, at ang paggugol niya para sa Diyos ay para makipagtawaran sa Diyos, na naghahanap ng mga pagpapala at gantimpala; ang pagkakaroon niya ng sakim at mapanlinlang na masamang disposisyon ay malalim pa ring nakabaon sa kanya, at hindi siya isang tapat na tao na naghahatid ng kagalakan sa Diyos. Kalaunan ay naunawaan niya ang kanyang likas na panlilinlang sa paghahanap ng katotohanan at nakasumpong ng landas tungo sa pagiging isang tapat na tao at isang taong nararapat sa kaharian ng Diyos …

Manood ng higit pa:ebanghelyo

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos| Makinig Nang Mabuti sa Salita ng Diyos



Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Makinig Nang Mabuti sa Salita ng Diyos


I
Huwag mag-alinlangan,
nguni't buong-pusong sumandal sa Kanya,
at Sya ay tiyak na magpapakita sa inyo,
pagkat Sya ang inyong Diyos.
Ang mga mapag-alinlangan,

Tagalog Worship Songs | Sa Pagsunod Lamang sa Gawain ng Banal na Espiritu Makasusunod Hanggang Wakas


Tagalog Worship Songs | "Sa Pagsunod Lamang sa Gawain ng Banal na Espiritu Makasusunod Hanggang Wakas"
I
Ang gawain ng Banal na Espiritu'y araw-araw nagbabago,
mas mataas sa bawat hakbang 
nang may mas maraming pagbubunyag.
Ganito gumagawa ang Diyos 
upang maperpekto ang sangkatauhan.
Kung di makasasabay ang tao, maaaring maiwan siya.
Kung walang pusong handang sumunod,
di siya makasusunod hanggang sa wakas.
II
Lipas na ang dating panahon, at bagong kapanahunan na ito.
Kapag dumarating ang bagong panahon, 
bagong gawain ay dapat magawa.
At sa huling panahon kapag pineperpekto ng Diyos ang tao,
ang Diyos ay gagawa nang napakabilis, 
ginagawa ang bagong gawain.
At kaya kung walang masunuring puso,
napakahirap sundan ang mga yapak ng Diyos!
Ang mga likas na sumusuway, 
kusang kinakalaban gawa ng Diyos,
mapag-iiwanan sila, mabilis ang pagsulong ng gawain ng Diyos.
Tanging ang mga sumusunod, 
masayang nagpapakumbaba ng sarili
ang makasusulong hanggang sa wakas, sa dulo ng landas.
III
Ang gawain ng Diyos ay hindi di-nagbabago 
ni saklaw ng mga patakaran,
kundi ito'y laging mas bago, ito'y laging mas mataas.
Ang Kanyang gawa ay nagiging mas praktikal sa bawat hakbang,
mas lalong nakaayon sa aktuwal 
na mga pangangailangan ng sangkatauhan.
Tanging kapag dumaan ang tao sa ganitong uri ng gawain,
maaaring magbago sa wakas ang kanyang disposisyon.
IV
Lumalago ang kaalaman ng tao tungkol sa buhay,
kung kaya't iniaangat ng Diyos Kanyang gawain.
Ganyang pineperpekto ng Diyos ang tao 
at ginagawa siyang akma para magamit ng Diyos.
Kinakalaban, itinatama ng Kanyang gawa 
ang mga pagkaunawa ng tao,
inaakay sila sa mas mataas, mas tunay na kalagayan,
ang pinakamataas na antas ng pananalig sa Diyos, 
upang kalooban Niya'y matutupad.
Ang mga likas na sumusuway, 
kusang kinakalaban gawa ng Diyos,
mapag-iiwanan sila, mabilis ang pagsulong ng gawain ng Diyos.
Tanging ang mga sumusunod, 
masayang nagpapakumbaba ng sarili
ang makasusulong hanggang sa wakas, sa dulo ng landas.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Manood ng higit pa: Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Ikaw ba ay Totoong Mananampalataya sa Diyos?

Marahil ang iyong paglalakbay ng pananampalataya sa Diyos ay mahigit isa o dalawang taon na, at marahil sa iyong buhay sa paglipas ng mga taong ito, marami kang napagdaanang kahirapan; o marahil hindi ka napasailalim sa kahirapan at sa halip nakatanggap na ng labis na biyaya.

Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos

Diyos, paniniwala, tumalima,
Bakit ka ba naniniwala sa Diyos? Karamihan sa mga tao ay nalilito sa tanong na ito. Sila ay palaging may dalawang lubos na magkaibang pananaw tungkol sa praktikal na Diyos at sa Diyos na nasa langit, nagpapakita na sila ay naniniwala sa Diyos hindi para tumalima, nguni’t para makatanggap ng ilang mga pakinabang, o para makatakas sa paghihirap ng kapahamakan. Saka lamang sila medyo tumatalima, subali’t ang kanilang pagtalima ay may kundisyon, ito ay para sa kapakanan ng kanilang mga sariling adhikain, at ipinilit sa kanila.