Qingxin….Lungsod ng Zhengzhou, Lalawigan ng Henan
Dati akong may tila nakakatawang pagkakaunawa tungkol sa aspeto ng katotohanan na ang “Diyos ay matuwid”. Akala ko na hangga’t may naibubunyag na katiwalian ang isang tao sa kanilang trabaho o nagkakasala na nakakasira sa gawain ng iglesia, ang taong iyon ay haharap sa paghihiganti, o mawawalan ng tungkulin, o mapapasailalim sa kaparusahan. Iyon ang pagkamatuwid ng Diyos. Dahil dito sa aking maling pagkakaunawa, dinagdagan pa ng takot na mawalan ng tungkulin dahil sa mga nagagawang pagkakamali sa aking trabaho, may naisip akong “matalinong” paraan: Sa tuwing gagawa ako ng isang bagay na mali, sinisikap kong huwag munang ipaalam sa mga pinuno, at agad na sinusubukang bumawi sa sarili ko at gawin ang lubos ng aking makakaya upang itama ito. Hindi ba makakatulong iyon kung gayon na mapanatili ko ang aking tungkulin? Kaya, tuwing magbibigay ako ng mga ulat tungkol sa aking trabaho, napapaliit ko ang malalaking isyu at ang maliliit na isyu ay napapawalang saysay. Kung nagsasawalang-bahala ako minsan, ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya upang mapagtakpan ito sa harap ng aking mga pinuno at magpanggap na tila lubos na aktibo at positibo, natatakot na iisipin ng mga pinuno na ako ay walang kakayahan at huminto sila na pagkatiwalaan ako. Kaya ganon na lang, nag-iingat ako nang husto sa mga pinuno sa lahat ng aking ginagawa.
Gayunman, sinisiyasat ng Diyos ang puso ng mga tao, at ang aking “napakagaling na pandaraya” ay hinding-hindi makakatakas sa mata ng Diyos. Natuklasan ko na habang sinusubukan kong pagtakpan ang mga bagay-bagay, mas nilalantad ako ng Diyos sa liwanag. Halimbawa: Tuwing ipinagmamalaki ko ang aking “talento” sa harap ng mga pinuno, parati akong nagkakamali at pinagmumukhang tanga ang sarili ko; tuwing sinusubukan kong pagtakpan ang sitwasyon ko kung saan ako'y walang pakialam, parating may lulutang na “maiitim na ulap” sa aking mukha na di sinasadya at malalaman ng aking mga kapatid; tuwing sinusubukan kong pagtakpan ang walang-malasakit na paraan ko ng pagharap sa aking trabaho, ang resulta ay parang isang salamin na nagbubunyag ng lahat. ... Paulit-ulit na kahihiyan at pagdurusa ng aking konsensya mula sa pagiging hindi tapat ang nagpabagsak sa akin, subalit hindi ko naunawaan sa mga ito ang mga intensyon at layunin kung bakit ganito ang pagkilos ng Diyos, ni hindi ko rin naunawaan kung paano inililigtas ng Diyos ang mga tao. Basta na lang ako naghintay sa pagdating ng “matuwid na paghatol ng Diyos” - na aaksyunan ng iglesia.
Ngunit ang katotohanan ay hindi nagpatuloy tulad ng aking inaasahan: Sa aking trabaho, kahit na ako ay pinungusan at hinarap dahil sa hindi paggawa ng aking tungkulin nang maayos, ako ay nakatanggap ng maalalahaning pamamatnubay ng aking mga kapatid, na nagpapaalam sa akin kung ano ang pagtupad sa tungkulin nang tapat at kung ano ang paggawa lamang nang walang-malasakit. Naunawaan ko na maaari lamang matupad ng isang tao ang kanyang tungkulin nang maayos sa pamamagitan ng pagkilos nang alinsunod sa mga kahilingan ng Diyos. Tungkol naman sa pagpasok sa buhay, maraming beses na ako ay nasadlak sa masasamang pag-iisip na hindi ko mapuksa, na nagdulot ng matinding paghihirap sa aking puso. Gusto kong buksan ang aking puso at magkaroon ng komunikasyon, ngunit masyado akong nahihiya upang magsalita. Sa huli, ako ay nahulog sa kadiliman at nawala ang ginawa ng Banal na Espiritu. Ngunit pagkatapos kong ibigay ang lahat at magsalita, nakita ko na hindi lang ako hindi tinawanan o minata ng aking mga kapatid dahil doon, sa halip, tinulungan at pinangaralan nila ako, na nakatulong sa aking mabuhay sa liwanag at nakapabigay sa akin ng landas para tahakin at kapangyarihang talunin ang kasalanan. Nang naglaon, nakita ko na kapag ang mga kapatid na nasa paligid ko ay nakagawa ng pagkakamali o may ibinunyag na katiwalian, hindi sila pinauwi ng iglesia dahil dito. Sa halip, ginawa ng iglesia ang lubos nitong makakaya na makipag-usap at suportahan sila, binibigyan sila ng paulit-ulit na pagkakataon. Kahit na ang isang partikular na tao ay pinauwi sa huli, ito ay dahil lamang na paulit-ulit nilang sinaktan ang disposisyon ng Diyos at tumanggi pa ring magsisi kahit na matapos pungusan, harapin, at kausapin nang maraming beses. Ngunit para sa mga naturang tao, ang iglesia ay hinihintay pa rin silang magsisi at magising. Kung talagang magnilay-nilay sila at magbago pagkatapos ng ilang panahon, bibigyan pa rin sila ng iglesia ng mga pagkakataong magsagawa at maghanda ng mga mabubuting gawa. Ang mga katotohanang ito ang nakapagpakita sa akin ng ang ugali ng Diyos ay katulad ng kung paano tinatrato ng mga magulang ang pagbabalik ng kanilang alibughang anak - nang may di matutumbasang pag-ibig. Naipakita rin nila sa akin na ang ginagawa ng Diyos ay ang pagliligtas sa mga tao, pagbabago ng mga tao, at pagpeperpekto ng mga tao. Noon ko lang nalaman na ang aking ideya ng “pagkamatuwid ng Diyos” ay isang malaking kahibangan at masyadong malayo sa katotohanan. Bagaman ang kalooban ng Diyos ay matuwid, ang karamihang ipinapahayag niya sa mga taong sumusunod sa Kanya ay ang sukdulang pasensya, pagpaparaya, at awa - at ito ay walang hangganan at hindi masusukat. Masasabing ang pag-ibig na ipinapahayag ng Diyos ay mas higit pa sa Kanyang pagkamatuwid.
Sa sandaling iyon, hindi ko mapigilang isipin ang isang sipi sa salita ng Diyos. Kaya binuksan ko ang Mga Tala ng mga Pag-uusap ni Cristo sa mga Pinuno at Manggagawa ng Iglesia at nakita ko ang sumusunod na sipi. Sinabi ng Diyos: “Ano ang diwa ni Cristo? Ang diwa ni Cristo ay pag-ibig para sa mga tao; sa mga sumusunod sa Kanya, ito ay walang limitasyong pag-ibig. Kung wala Siyang pag-ibig o habag, ang mga tao ay hindi makakasunod sa Kanya sa kasalukuyang panahon. Ang sabi ng ilang tao: ‘Kung gayon hindi ba matuwid pa rin ang Diyos?’ Oo! Tama na Siya ay matuwid pa rin, ngunit mula sa pananaw ng Kanyang disposisyon, ang Kanyang pagkamatuwid ay pagkamuhi sa kasamaan at kabuktutan ng mga tao. Paano kung mayroon lamang Siyang pagkamatuwid nang wala namang pag-ibig? Paano kung hindi magtagumpay ang pag-ibig sa pagkamatuwid? Kung gayon masasabing tapos na ang mga tao. Kaya, kinakausap ko kayo nang deretsahan, na, sa gawaing ginawa ng Diyos para sa mga tao habang panahon ng Kanyang pagkakatawang-tao, ang Kanyang pinakamaliwanag at kitang-kitang diwa ay pag-ibig; ito ay walang limitasyong pagpaparaya. Kung hindi pag-ibig bagkus ay pagwasak ng Diyos sa mga tao gaya ng inyong iniisip; sa pamamagitan ng pagsasabi na mawasak, ang mga tao ay nawasak, at sa pagsasabi ng pagkapoot sa mga tao, ang mga tao ay naparusahan, nasumpa, nahatulan, at nakastigo, kung gayon magiging lubhang napakalala naman niyan! Kung Siya ay galit sa mga tao, ang mga tao ay matatakot at manginginig at hindi makakatayo sa paningin ng Diyos.... Isa lang itong paraan ng pagpapahayag ng disposisyon ng Diyos, at sa huli, ang layunin pa rin Niya ay pagliligtas. Ang pag-ibig Niya ay makikita sa lahat ng mga kapahayagan ng Kanyang disposisyon. Pakaisipin ito, habang may gawain sa panahon ng pagkakatawang-tao, ang bagay na pinakanaihayag sa mga tao ay pag-ibig. Ano ang pagtitiis? Ang pagtitiis ay pagkakaroon ng awa dahil may nakapaloob na pag-ibig, at ang layunin nito ay iligtas pa rin ang mga tao. Kayang kaawaan ng Diyos ang mga tao dahil may pag-ibig Siya. Gaya ng kung may tunay na pag-ibig sa pagitan ng asawang lalaki at asawang babae, hindi nila tinitingnan ang mga pagkukulang at mga pagkakamali ng isa’t isa. Kapag napukaw ang kanilang galit, makakapagtiis pa rin sila. Ang lahat ng bagay ay natatatag sa pundasyon ng pag-ibig. Paano kung puno Siya ng poot? Kung gayon ang saloobin Niya ay hindi magiging ganoon, ang mga ekspresyon Niya ay hindi magiging ganoon, at ang kalalabasan ay hindi magiging ganoon. Kung ang Diyos ay nagkaroon lamang ng pagkapoot at galit, at mayroon lamang paghatol at pagkastigo, at walang pag-ibig, ang sitwasyon ay hindi magiging kung ano ang nakikita ninyo ngayon at kayong mga tao ay hindi malalagay sa mabubuting kalagayan. Pagkakalooban ba Niya kayo ng katotohanan?” (“Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos para sa Mga Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Nung nakita ko ang sipi na ito noong nakaraan, kahit na sinasabi ko na tinatanggap ko ito, hindi ko talaga naunawaan ito at puno pa rin ako ng kawalan ng tiwala at pagiging maingat sa Diyos. Ngayon lang ako nagkaroon ng kaunting tunay na pag-unawa sa mga salitang ito at kakayahang pahalagahan na sila ay may napakaraming nilalaman. Ang mga puwang sa pagitan ng mga linya ay puno ng matinding pagmamahal ng Diyos para sa sangkatauhan at ang Kanyang magandang intensyon na pagtutustos, pagbibigay suporta at pagtuturo sa kanila.
Sa puntong ito, hindi ko mapigilang magkaroon ng matinding pakiramdam ng pagkakonsensya sa Diyos sa aking puso: O Diyos! Sa lahat ng oras na ako'y sumunod sa Iyo, kahit na naniniwala ako sa Iyo, hindi Kita kilala. Hindi lang ako nagkaroon ng bulag at maling pagkakaunawa ng Iyong pusong tulad ng isang ina, nakapagdulot din ako sa Iyo ng matinding sakit. Ako ay talagang hindi karapat-dapat na humarap sa Iyo, at lalong hindi karapat-dapat sa Iyong kaligtasan. Ako ay karapat-dapat lamang sa Iyong sumpa! Ngunit ang paraan kung paano mo ako ituring ay hindi batay sa aking kasuwailan. Sa halip, matindi mo akong pinupuri, kinaaawaan at pinagpaparaya, binibigyan ako ng pagkakataon na makamit ang muling pagsilang, pinatatamasa sa akin ang Iyong pagmamahal at biyaya, at makita ang Iyong kagandahan at kabutihan, at maranasan ang pagiging praktikal ng Iyong salita - ang Diyos ay matuwid at higit pa rito, Siya ay pag-ibig! Mula ngayon, nais ko pang makilala ang Iyong pagiging kaibig-ibig sa pamamagitan ng Iyong salita at sa pamamagitan ng totoong buhay, at magsikap na maging isang taong matapat, na nagmamahal sa Iyo, at tapat na tumutupad sa aking tungkulin na suklian ang Iyong dakilang pag-ibig.
Mula sa Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni Cristo