Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na karanasan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na karanasan. Ipakita ang lahat ng mga post

Ang Pagdanas sa Natatanging Pagmamahal ng Diyos

pagmamahal sa Diyos, karanasan, Kaligtasan,
Ang Pagdanas sa Natatanging Pagmamahal ng Diyos

Jiayi Lungsod ng Fuyang, Lalawigan ng Anhui

Ang aking kalikasan ay talagang palalo; anuman ang aking ginagawa, gumagamit ako palagi ng pagkamalikhain at pagka-mapanlikha upang ipakita ang aking galing atkaya madalas na lumalabag ako sa kaayusan ng mga gawain para gawin ang mga bagay sa sarili kong paraan. Ako ay lalo nang palalo tungkol sa pagpili ng mga tao para sa isang partikular na posisyon. Naniniwala ako na ako ay may naiibang kakayahan at pananaw na palaging tumutulong sa aking pumili ang tamang tao. Dahil dito, kapag pumili ako ng isa, hindi ko na pinagsisikapang suriin ang lahat ng kalalagayan ng taong nais kong piliin. Hindi ko rin masusing tinitimbang ang mga taong gusto kong piliin ayon sa mahahalagang mga prinsipyo.

Isaisip ang Kalooban ng Diyos Upang Makamit ang Pagka-perpekto

Habang higit mong isinasaisip ang kalooban ng Diyos, mas bibigat ang iyong pasanin; mas mabigat ang iyong pasanin, mas mayaman ang iyong magiging karanasan. Kapag iyong isinasaisip ang kalooban ng Diyos, ibibigay ng Diyos ang pasaning ito sa iyo, at ikaw ay liliwanagan ng Diyos sa mga bagay na ipinagkatiwala Niya sa iyo. Pagkatapos na maibigay ng Diyos sa iyo ang pasaning ito, ikaw ay magsisimulang magbigay ng pansin sa mga katotohanang may kaugnayan sa iyong pasanin kapag kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos. Kung ang pasaning ito ay may kaugnayan sa mga kondisyon ng buhay ng mga kapatid na lalaki at babae—ito ay isang pasanin na ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos, kung gayon ang iyong mga panalangin sa araw-araw ay laging magdadala ng pasaning ito. Kung ano ang ginagawa ng Diyos ay ipinagkatiwala ngayon sa iyo, ikaw ay nagnanais na isakatuparan yaong kailangang gawin ng Diyos, at ito ang ibig sabihin ng balikatin ang pasanin ng Diyos na parang sa iyo. Sa puntong ito, ang iyong pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos ay matutuon sa mga usápín sa mga aspetong ito, at iyong iisipin, paano ko ba malulutas ang mga usápíng ito?

Bakit sa pamamagitan lamang ng pagdanas at pagsunod sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao makikilala ng isang tao ang Diyos?

Pag-ibig ng Diyos, kaligtasan,Diyos,Kaalaman,
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).

Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos

Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman ang mga tao ay alam na alam ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na lahat niyaong mga hindi nakakakilala sa Diyos ay nagtataglay ng isang magulong paniniwala. Ang mga tao ay hindi seryoso sa kanilang paniniwala sa Diyos sapagka’t ang paniniwala sa Diyos ay masyadong di-kilala, masyadong kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga hinihingi ng Diyos. Sa ibang salita, kung hindi kilala ng tao ang Diyos, hindi alam ang Kanyang gawa, kung gayon hindi sila angkop para sa paggamit ng Diyos, lalong hindi nila maaaring tuparin ang ninanasa ng Diyos. Ang “paniniwala sa Diyos” ay nangangahulugang paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng pagkakaintindi sa pananampalataya sa Diyos. Bukod pa rito, ang paniniwalang mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na pananalig sa Diyos; kundi, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may malakas na pangrelihiyong mga kahulugan. Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong masamang disposisyon, makakatupad sa ninanasa ng Diyos at makakakilala sa Diyos. Tanging sa pamamagitan ng ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos. Datapwa’t ang mga tao ay madalas makita ang paniniwala sa Diyos bilang isang bagay na napakasimple at walang gaanong kabuluhan. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay walang kabuluhan at hindi kailanman makakatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, pagka’t sila’y tumatahak sa maling landas. Ngayon, mayroon pa ring mga naniniwala sa Diyos sa pamamagitan ng mga titik, sa mga doktrinang walang laman.

Tagalog Christian Music Video | "Mga Prinsipyo sa Paghahanap ng Tunay na Daan" (Tagalog Song)


Tagalog Christian Music Video | "Mga Prinsipyo sa Paghahanap ng Tunay na Daan" (Tagalog Song)
Hymn Videos, paniniwala, Diyos, karanasan, katotohanan,


I
Tunay na daan ay ipinapakita ng anong mga pangunahing prinsipyo? Tingnan kung Espiritu'y gumagawa, kung katotohana'y inihahayag; tingnan kung sinong pinatotohana't anong dulot nito sa'yo. Paniniwala sa Diyos ay sa Espiritu din. Pananalig sa naging-taong Diyos ay pananalig na Siyang kumakatawan sa Espiritu ng Diyos, Siyang Espiritu ng Diyos na kumukuha sa anyo ng katawang-tao, Siya ang Salita na ngayo'y naging katawang-tao na.
II
Dapat ding tingnan mo kung katotohana'y nasa daang ito. Katotohanan, na normal na disposisyon ng buhay ng tao, normal na katinuan, kabatiran, karunungan at pangunahing kaalaman ng pagiging tao. Katotohanan, na inilaan ng Diyos para sa tao mula pa sa paglikha. Ang daan ba ay tungo sa normal na buhay? Katotohanan ba nito'y hiling sa tao na ipamuhay ang normal na pagkatao? Praktikal ba at napapanahon? Kung may katotohanan sa daang ito, magiging tunay ang karanasan ng tao, pagkatao't katinuan nila'y magiging ganap, espirituwal at pisikal na buhay nila ay magiging mas maayos, mga emosyon nila'y mas normal.
III
May isa pang tuntunin para matukoy ang daang tunay. Napalago ba ng daang ito ang kaalaman ng tao sa Diyos? Dapat pukawin ng katotohanan ang pag-ibig sa Diyos sa puso ng tao at mas ilapit ang tao sa presensya N'ya. Reyalidad ang dulot ng katotohanan, nagbibigay ng mga panustos ng buhay. Hanapin ang mga prinsipyong ito at hanapin ang daang tunay, ang daang tunay.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at ang Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos


 Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at ang Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos"

Cristo, karanasan, katotohanan, Mga Pagbigkas ni Cristo, paniniwala,

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang paniniwala sa Diyos at pagsisikap na makilala ang Diyos ay hindi isang madaling bagay. Hindi ito makakamit sa basta pagsasama-sama at pakikinig sa pangangaral, at hindi ka maaaring magawang perpekto ng damdamin lamang. Dapat mong maranasan, at alamin, at dapat may alituntunin sa iyong mga pagkilos, at makamit mo ang gawain ng Banal na Espiritu. Kapag nakaranas ka na ng iba’t-ibang karanasan, makikilala mo na ang iba’t-ibang bagay—malalaman mo kung ano ang tama at mali, ang pagkamatuwid at katampalasanan, kung ano ang laman at dugo at kung ano ang nasa katotohanan. Dapat makilala mo ang lahat ng mga ito, at sa paggawa nito, kahit anuman ang mangyari, hindi ka malilito. Ito lamang ang tunay na matayog mong kalagayan. Ang pag-alam sa gawain ng Diyos ay hindi isang simpleng bagay: Dapat mayroon kang pamantayan at layunin sa iyong pagsisikap, dapat alam mo kung paano hanapin ang tunay na daan, at kung paano sukatin kung ito ba ay tunay na daan o hindi, at kung ito ba ay gawain ng Diyos o hindi. Ano ang pinaka-pangunahing alituntunin sa paghahanap sa tunay na daan?"

Mga Pagbigkas ni Cristo|Ang Ika-tatlumpu’t-limang Pagbigkas

Ang Ika-tatlumpu’t-limang Pagbigkas

Pitong kulog ang lumalabas mula sa trono, nililiglig ang sansinukob, ibinabaligtad ang langit at lupa, at umaalingawngaw sa buong himpapawid! Lubhang tumatagos ang tunog kaya’t ang mga tao ay hindi makatakas ni makatago mula rito. Ang mga guhit ng kidlat at mga dagundong ng kulog ay ipinadadala, dinadala sa katapusan ang langit at lupa sa isang saglit, at ang mga tao ay nasa bingit ng kamatayan. Pagkatapos, isang marahas na bagyong ulan ang humahagupit sa buong kalawakan na singbilis ng kidlat, bumabagsak mula sa himpapawid! Sa pinakamalalayong sulok ng lupa, tulad sa isang pagbuhos na umaagos tungo sa bawa’t kasuluk-sulukan at piták-piták, walang naiiwan kahit isang mantsa, at habang hinuhugasan nito ang lahat mula ulo hanggang daliri ng paa, walang anumang natatago mula rito ni matatakpan ang sinumang tao mula rito. Ang mga dagundong ng kulog, gaya ng nakakapanindig-balahibong liwanag ng mga guhit ng kidlat, ay nagpapanginig sa mga tao sa takot! Ang matalas at magkabila’y-talim na sibat ay nagpapabagsak sa mga anak ng pagsuway, at ang kaaway ay nakaharap sa sakúnâ nang walang anumang masisilungan, ang kanilang mga ulo’y umiikot sa karahasan ng bagyo, at, nahagupit na walang-malay, sila ay kaagad na bumabagsak na patay tungo sa umaagos na mga tubig upang maanod paláyô. Basta na lamang sila namamatay nang walang anumang paraang magliligtas sa kanilang mga buhay. Ang pitong kulog ay nagmumula sa Akin at dinadala nila ang Aking hangarin, na ang pabagsakin ang pinakamatatandang mga anak-na-lalaki ng Egipto, upang parusahan ang masama at linisin ang Aking mga iglesia, upang ang lahat ay nakakapit nang malápít sa isa’t isa, sila ay nag-iisip at kumikilos nang magkakapareho, at sila ay kaisang-puso Ko, at upang ang lahat ng mga iglesia sa buong sansinukob ay maitayo bilang isa. Ito ang Aking layunin.
Kapag ang kulog ay dumadagundong, ang mga pagtangis ay nagsisimulang umalon. Ang ilan ay nagigising mula sa kanilang pagkakatulog, at, matinding nababahala, nagsasaliksik silang malalim sa kanilang mga kaluluwa at nagmamadaling bumabalik sa harap ng trono. Tumitigil sila sa panlilinlang at pandaraya at paggawa ng mga krimen, at hindi pa gaanong huli para sa gayong mga tao na magising. Nagmamasid Ako mula sa trono. Tinitingnan Ko nang malalim ang mga puso ng mga tao. Inililigtas Ko yaong masigasig at mainit na nagnanasà sa Akin, at kinaaawaan Ko sila. Aking ililigtas tungo sa kawalang-hanggan yaong mga nagmamahal sa Akin sa kanilang mga puso nang higit kaysa lahat ng iba pa, yaong nakakaunawa sa Aking kalooban, at siyang sumusunod sa Akin hanggang sa katapusan ng daan. Hahawakan silang ligtas ng Aking kamay upang hindi nila harapin ang tagpong ito at hindi sumapit sa kapahamakan. Ang ilan, kapag nakita nila ang tanawing ito ng gumuguhit na kidlat, ay naghihirap sa kanilang mga puso na hindi nila maibubulalas, at ang kanilang mga panghihinayang ay masyadong huli na. Kung magpipilit silang kumilos nang papaganito, lubhang huli na para sa kanila. O, ang lahat, ang lahat! Lahat nang ito ay magaganap. Ito ay isa sa Aking mga paraan ng pagliligtas. Inililigtas Ko yaong mga nagmamahal sa Akin at pinababagsak ang masama. Upang ang Aking kaharian ay maging matibay at matatag sa lupa at upang malaman ng lahat ng mga tao sa bawa’t bansa sa buong sansinukob na Ako ay hari, Ako ay nagngangalit na apoy, Ako ay Diyos na nagsasaliksik sa kaloob-loobang puso ng bawa’t tao. Mula sa sandaling ito, ang paghatol ng malaking puting trono ay hayagang ibinubunyag sa karamihan at ibinabalita sa lahat ng mga tao na ang paghatol ay nagsimula na! Walang alinlangan na lahat ng hindi nagsasalita kung ano ang nasa kanilang mga puso, yaong mga nakakadama ng pag-aalinlangan at hindi nangangahas na maging tiyak, lahat ng nagsasayang ng panahon, na nakakaunawa sa Aking mga inaasam nguni’t hindi handang isagawa ang mga iyon, sila ay dapat mahatulan. Dapat ninyong maingat na siyasatin ang inyong sariling mga intensiyon at mga motibo, at lumagay sa inyong dapat kalagyan, isagawa nang lubusan yaong Aking sinasabi, bigyang halaga ang inyong mga karanasan sa buhay, huwag kumilos nang masigasig sa panlabas, kundi palaguin ang inyong mga buhay, magulang, matatag at makaranasan, at saka lamang kayo magiging gaya ng Aking puso.
Tanggihan ang mga sunud-sunuran kay Satanas at ang mga masasamang espiritu na gumagambala at sumisira doon sa Aking mga itinatayong mga pagkakataon para samantalahin ang mga bagay-bagay para sa kanilang kalamangan. Dapat silang mahigpit na malimitahan at mapigilan at mapapakitunguhan lamang sila sa pamamagitan ng paggamit ng matatalas na mga sibat. Yaong mga pinakamasasama ay dapat na agarang mabunot upang hindi na sila maging banta sa hinaharap. At ang iglesia ay magagawang perpekto, hindi magkakaroon ng anumang kapansanan, at ito ay magiging malusog, puno ng sigla at lakas. Kasunod ng gumuguhit na kidlat, umaalingawngaw ang dagundong ng mga kulog. Hindi kayo dapat magpabaya, at hindi kayo dapat sumuko kundi gawin ang inyong sukdulang kakayahan para makahabol, at tiyak na inyong makikita kung ano ang ginagawa ng Aking kamay, kung ano ang Aking kinakamit, kung ano ang Aking itinatapon, kung ano ang Aking pineperpekto, kung ano ang Aking binubunot, kung ano ang Aking pinababagsak. Ang lahat ng ito ay mahahayag sa harap ng inyong mga paningin upang inyong makita nang malinaw ang Aking pagka-makapangyarihan-sa-lahat.
Mula sa trono hanggang sa mga kadulu-duluhan ng buong sansinukob, ang pitong kulog ay umaalingawngaw. Isang malaking pangkat ng mga tao ang maliligtas at magpapasakop sa harap ng Aking trono. Kasunod nitong liwanag ng buhay, naghahanap ang mga tao ng paraan upang makaligtas at hindi nila nakakayang tulungan ang kanilang mga sarili kundi lumalapit sa Akin, upang lumuhod sa pagsamba, ang kanilang mga bibig ay tumatawag sa pangalan ng makapangyarihang totoong Diyos, at ipinahahayag ang kanilang mga kahilingan. Nguni’t para sa kanilang lumalaban sa Akin, mga taong pinatitigas ang kanilang mga puso, ang kulog ay umaalingawngaw sa kanilang mga tainga at walang dudang sila ay dapat mapahamak. Ito lamang ang huling kalalabasan para sa kanila. Ang Aking minamahal na mga anak-na-lalaki na mga matagumpay ay mananatili sa Sion at makikita ng lahat ng mga tao kung ano ang kanilang makukuha, at matinding luwalhati ang makikita sa harap ninyo. Ito ay talagang isang malaking pagpapala na ang katamisan ay mahirap isalita.
Kapag ang lagapak ng pitong kulog ay lumabas, naroon ang kaligtasan niyaong mga nagmamahal sa Akin, niyaong nagnanasa sa Akin nang may tapat na mga puso. Yaong nabibilang sa Akin at siyang Aking naitalaga at napili ay makakayang lahat na sumailalim sa Aking pangalan. Naririnig nila ang Aking tinig, na siyang pagtawag ng Diyos. Hayaan yaong mga nasa kadulu-duluhan ng lupa na makitang Ako ay matuwid, Ako ay tapat, Ako ay pag-ibig, Ako ay kahabagan, Ako ay hari, Ako ay nagngangalit na apoy, at sa kahuli-hulihan Ako ay walang-awang paghatol.
Hayaan ang lahat sa mundo na makitang Ako ay ang tunay at ganap na Diyos Mismo. Lahat ng mga tao ay taos na napapaniwala at walang sinumang nangangahas na muling lumaban sa Akin, na hatulan Ako o siraan Akong muli. Kung hindi, sila ay agad na susumpain at babagsak sa kanila ang sakúnâ. Tatangis lamang sila at pagngangalitin ang kanilang mga ngipin at pasasapitin nila ang kanilang sariling pagkawasak.
Hayaang malaman ng lahat ng mga tao, at ipaalam sa mga kadulu-duluhan ng sansinukob, upang malaman ng bawa’t tao. Ang Makapangyarihang Diyos ang nag-iisang totoong Diyos, ang lahat ay isa-isang luluhod para sumamba sa Kanya at kahit ang mga batang kaaalam lamang magsalita ay tatawag ng “Makapangyarihang Diyos”! Makikita niyaong mga nanunungkulang may-kapangyarihan ng kanilang sariling mga mata ang totoong Diyos na nagpapakita sa harapan nila at sila rin ay magpapatirapa sa pagsamba, nagsusumamo para sa habag at kapatawaran, nguni’t ito ay lubhang huli na dahil ang sandali ng kanilang pagpanaw ay nakarating na; dapat itong magawa para sa kanila: pinapatawan sila ng hatol na mapunta sa walang-hanggang hukay. Dadalhin Ko ang buong kapanahunan sa katapusan, at lalo pang palalakasin ang Aking kaharian. Lahat ng mga bansa at mga bayan ay magpapasakop sa Aking harapan hanggang sa kawalang-hanggan!

Christian Variety Show | "Bibisita ang Pulis sa Bagong Taon" (Tagalog Skit 2018)

Christian Variety Show | "Bibisita ang Pulis sa Bagong Taon" (Tagalog Skit 2018)


Si Zheng Xinming na may edad nang halos pitumpo, ay isang matapat na Kristiyano. Dahil sa kanyang pananampalataya sa Panginoon, nadetine at nabilanggo siya, at nahatulan ng walong taon. Sa kanyang paglaya, inilista pa rin siya ng pulis na Komunistang Tsino bilang target ng nakatuon na pagmamanman. Partikular, matapos tanggapin ng matanda ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, halow araw-araw na dumarating ang mga pulis para takutin at istorbohin siya. Walang paraan para mabasa ni Zheng Xinming ang salita ng Diyos nang normal sa bahay, at maging ang mga kapamilya niya'y nababalisa rin. Ngayon bisperas ng Bagong Taon at nasa bahay ang matandang nagbabasa ng salita ng Diyos, hindi alam kung ano ang maaaring mangyari …


Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | "Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao" (Ikatlong bahagi)


Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | "Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao" (Ikatlong bahagi)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung ano ang ipinahahayag ng tao ay kung ano ang kanyang nakikita, nararanasan, at kayang maguni-guni. Kahit na ito ay mga turo o mga paniwala, lahat ng mga ito ay kayang abutin ng pag-iisip ng tao. Gaano man kalaki ang gawain ng tao, hindi ito lalampas sa sakop ng karanasan ng tao, kung ano ang nakikita ng tao, o kung ano ang maaaring maguni-guni o maisip ng tao. Kung ano ang ipinahahayag ng Diyos ay kung ano ang Diyos Mismo, at ito ay hindi kayang abutin ng tao, ibig sabihin, lampas sa pag-iisip ng tao."

Sinong Nakakaalam ng Puso ng Diyos na Tulad ng Isang Ina?

Pag-ibig ng Diyos, kabutihan, karanasan, katotohanan, Buhay

Qingxin….Lungsod ng Zhengzhou, Lalawigan ng Henan

    Dati akong may tila nakakatawang pagkakaunawa tungkol sa aspeto ng katotohanan na ang “Diyos ay matuwid”. Akala ko na hangga’t may naibubunyag na katiwalian ang isang tao sa kanilang trabaho o nagkakasala na nakakasira sa gawain ng iglesia, ang taong iyon ay haharap sa paghihiganti, o mawawalan ng tungkulin, o mapapasailalim sa kaparusahan. Iyon ang pagkamatuwid ng Diyos. Dahil dito sa aking maling pagkakaunawa, dinagdagan pa ng takot na mawalan ng tungkulin dahil sa mga nagagawang pagkakamali sa aking trabaho, may naisip akong “matalinong” paraan: Sa tuwing gagawa ako ng isang bagay na mali, sinisikap kong huwag munang ipaalam sa mga pinuno, at agad na sinusubukang bumawi sa sarili ko at gawin ang lubos ng aking makakaya upang itama ito. Hindi ba makakatulong iyon kung gayon na mapanatili ko ang aking tungkulin? Kaya, tuwing magbibigay ako ng mga ulat tungkol sa aking trabaho, napapaliit ko ang malalaking isyu at ang maliliit na isyu ay napapawalang saysay. Kung nagsasawalang-bahala ako minsan, ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya upang mapagtakpan ito sa harap ng aking mga pinuno at magpanggap na tila lubos na aktibo at positibo, natatakot na iisipin ng mga pinuno na ako ay walang kakayahan at huminto sila na pagkatiwalaan ako. Kaya ganon na lang, nag-iingat ako nang husto sa mga pinuno sa lahat ng aking ginagawa.

Ang Nasa Likod ng mga Kasinungalingan

katotohanan, Karanasan, Diyos, Cristo, Salita ng Diyos


Lungsod ng Xiaojing Heze, Lalawigan ng Shandong

     Sa bawat pagkakataong nakita ko ang mga salita ng Diyos na tumatawag sa atin upang maging matatapat na tao at magsalita nang tumpak, naisip ko, "Wala akong problema sa tumpak na pagsasalita. Hindi ba't ito ay pagtawag lamang sa isang ispada na ispada at pagsasabi sa mga bagay bilang sa kung ano ang mga ito? Hindi ba’t madali iyan? Ang laging pinaka-nagpagalit sa akin sa mundong ito ay ang mga taong mapagpaganda kapag nagsalita sila." Dahil dito, nadama ko ang sobrang kumpiyansa, na nag-iisip na wala akong problema sa bagay na ito. Ngunit sa pamamagitan lamang ng pagbubunyag ng Diyos na natuklasan ko na, ang isa ay hindi maaaring magsalita ng tumpak nang hindi pumapasok sa katotohanan o nagbabago ng disposisyon.

Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan (Unang bahagi)


Jesus, karanasan, katapatan,Salita ng Diyos, Espiritu





    Kung nais mong maging karapat-dapat na magamit ng Diyos, dapat mong malaman ang gawain ng Diyos; dapat mong malaman ang gawain na Kanyang isinagawa noon (sa Bago at Lumang Tipan), at, higit sa lahat, dapat mong malaman ang Kanyang gawain ngayon. Ang ibig sabihin, dapat mong malaman ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos sa loob ng 6,000 na taon. Kung ikaw ay inatasang magpalaganap ng ebanghelyo, hindi mo ito magagawa nang hindi nalalaman ang gawain ng Diyos. Magtatanong sa iyo ang mga tao tungkol sa Biblia, at ang Lumang Tipan, at kung ano ang sinabi at ginawa ni Jesus sa panahong iyon. Sasabihin nila, “Hindi ba kayo sinabihan ng Diyos ninyo tungkol dito? Kung hindi Niya (ang Diyos) masabi sa inyo kung ano talaga ang nagaganap sa Biblia, Siya ay hindi Diyos; kung kaya Niya, kami ay makukumbinsi.” Sa simula, nangusap si Jesus tungkol sa Lumang Tipan sa Kanyang mga disipulo. Ang lahat ng kanilang nabasa ay mula sa Lumang Tipan; ang Bagong Tipan ay nasulat lamang ilang dekada pagkatapos ng pagkakapako sa krus ni Jesus. Upang mapalaganap ang ebanghelyo, dapat ninyong maunawaan una sa lahat ang katotohanang panloob ng Biblia, at ang gawain ng Diyos sa Israel, na ang ibig sabihin ay ang gawaing isinagawa ni Jehova. At dapat din ninyong maintindihan ang gawaing isinagawa ni Jesus. Ito ang mga isyung pinaka-aalala ng lahat ng tao, at sila ay hindi nagtataglay ng pang-unawa[a] sa dalawang yugto ng gawain na ito. Sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, isantabi muna ang usapan tungkol sa gawain ng Banal na Espiritu ngayon. Ang yugto ng gawaing ito ay hindi abot ng kanilang kakayanan, dahil ang inyong hinahanap ay ang pinakamatayog sa lahat: ang kaalaman sa Diyos at ang kaalaman sa gawain ng Banal na Espiritu, at walang higit na itinataas maliban sa dalawang ito. Kung una mong sasabihin kung ano ang matayog, ito ay magiging labis para sa kanila, dahil walang sinuman sa kanila ang nakaranas sa ganoong gawain ng Banal na Espiritu; wala itong pamamarisan, at hindi madali para sa tao na ito ay tanggapin. Ang kanilang mga karanasan ay mga lumang bagay mula sa nakaraan, na mayroong mga paminsan-minsang gawain ng Banal na Espiritu. Ang naranasan nila ay hindi ang gawain ng Banal na Espiritu ngayon, o ang kalooban ng Diyos ngayon. Sila ay kumikilos pa rin ayon sa mga lumang pamamaraan, na walang bagong liwanag, o bagong mga bagay.

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | "Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?" (Tagalog Dubbed)


   Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "sinasabi Ko na ang tao ay may pananampalataya sa Akin sapagkat Ako’y nagbibigay ng masyadong maraming biyaya, at masyadong maraming pakinabang. Ang mga Judio ay naniwala sa Akin dahil sa Aking biyaya, at sumunod sa Akin saan man Ako nagtungo. Ang mga ignoranteng tao na ito na may limitadong kaalaman at karanasan ay hinanap lamang ang mga tanda at himala na ipinamalas Ko. Itinuring nila Ako bilang pinuno ng tahanan ng mga Hudyo na kayang gumawa ng mga pinaka-dakilang milagro. Samakatuwid, kapag pinalayas Ko ang mga demonyo mula sa mga tao, naguusap-usap sila na may malaking kalituhan, sinasabing Ako si Elias, Ako si Moises, na Ako ang pinaka-sinauna sa lahat ng mga propeta, na Ako ang pinakamagaling sa lahat ng mga manggagamot. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing Ako ang buhay, ang daan at ang katotohanan, walang sinuman ang makaaalam ng Aking katauhan o ng Aking pagkakakilanlan. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing ang langit ang lugar kung saan naninirahan ang Aking Ama, walang nakaalam na Ako ang Anak ng Diyos, at Diyos Mismo. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing dadalhin Ko sa kaligtasan ang lahat ng sangkatauhan at tutubusin ang sangkatauhan, walang nakaalam na Ako ang Tagapagligtas ng sangkatauhan; kilala lang Ako ng tao bilang isang mabait at maawaing tao. At bukod sa Aking sarili na nagagawang ipaliwanag ang lahat ng tungkol sa Akin, walang nakakilala sa Akin, at walang naniwala na Ako ang Anak ng buhay na Diyos. Ang tao lang ang may ganitong paraan ng pananampalataya sa Akin, at nililinlang Ako sa ganitong paraan. Paanong magagawa ng tao na maging saksi sa Akin kapag taglay niya ang ganitong pananaw tungkol sa Akin?"

Ang Maranasan ang Maingat na Pag-aalaga ng Diyos para sa Kaligtasan ng Tao sa Sakuna

Kaharian, Karanasan, salita ng Diyos, ebanghelyo, kaligtasan,

🌹..:*🍀ᵕ̈*⑅୨୧🌹🍃..:*🍀ᵕ̈*⑅୨୧🌹🍃..:*ᵕ̈🍀*⑅୨୧🌹

Muling, Beijing

Agosto 16, 2012

   Noong Hulyo 21, 2012, nakita ng Beijing ang pinakamabigat na pagbagsak ng ulan sa loob ng animnapung taon. Sa malakas na buhos ng ulan na iyon nakita ko ang mga gawa ng Diyos at nakita ko kung paano Niya inililigtas ang tao.

Ang Pagkilala sa Diyos ang Daan sa Pagkatakot sa Diyos at Pag-iwas sa Masama


Espiritu, Cristo, kapalaran, Karanasan, pananalig

   Bawa’t isa sa inyo ay dapat magsuring muli ng inyong buhay-pananampalataya sa Diyos para makita kung, sa paghahabol sa Diyos, ay tunay na naunawaan mo, tunay na naintindihan, at tunay na nakilala mo ang Diyos, kung tunay na alam mo kung anong saloobin ang tinitiis ng Diyos sa iba’t ibang uri ng tao, at kung tunay na nauunawaan mo kung ano ang ginagawa ng Diyos sa iyo at ano ang pakahulugan ng Diyos sa bawa’t kilos mo. Ang Diyos na ito, na nasa tabi mo, gumagabay sa direksyon ng pag-unlad mo, nagtatakda ng tadhana mo, at nagtutustos ng mga pangangailangan mo—sa katapus-tapusan, gaano ang nauunawaan mo at gaano ang totoong pagkakakilala mo tungkol sa Kanya? Alam mo ba kung ano ang ginagawa Niya sa iyo sa bawa’t araw? Alam mo ba ang mga prinsipyo at mga layunin na pinagbabatayan Niya ng bawa’t kilos Niya? Alam mo ba kung paano ka Niya ginagabayan? Alam mo ba ang paraan kung paano ka Niya tinutustusan? Alam mo ba ang mga pamamaraan ng Kanyang pag-aakay sa iyo? Alam mo ba kung ano ang nais Niyang makuha mula sa iyo at ano ang nais Niyang makamit sa iyo? Alam mo ba ang nagiging saloobin Niya pagdating sa iba’t ibang asal mo? Alam mo ba kung ikaw ay isang taong minamahal Niya? Alam mo ba ang pinanggagalingan ng Kanyang kagalakan, galit, kalungkutan, at tuwa, ang mga kaisipan at ideya sa likod ng mga iyon, at ang Kanyang kakanyahan? Alam mo ba, sa kahuli-hulihan, kung anong uring Diyos ang Diyos na ito na pinaniniwalaan mo? Ang mga ito ba at ang iba pang mga tanong na gaya niyan ay ang mga bagay na hindi mo pa kailanman naunawaan o napag-isipan? Sa iyong patuloy na paniniwala sa Diyos, ikaw ba, sa pamamagitan ng tunay na pagpapahalaga at pagdaranas ng mga salita ng Diyos, ay nalinawan na sa iyong maling mga pagkaunawa tungkol sa Kanya? Ikaw ba, matapos tanggapin ang disiplina at pagtutuwid ng Diyos, ay tunay na nagpapasakop at nagmamalasakit? Ikaw ba, sa gitna ng pagkastigo at paghatol ng Diyos, ay nakaalam ng pagiging mapaghimagsik at maka-satanas na kalikasan ng tao at nagkamit ng kaunting kaunawaan tungkol sa kabanalan ng Diyos? Ikaw ba, sa ilalim ng paggabay at pagliliwanag ng salita ng Diyos, ay nagsimulang magkaroon ng bagong pananaw tungkol sa buhay? Ikaw ba, sa gitna ng pagsubok na ipinadala ng Diyos, ay nakaramdam ng Kanyang hindi pagpayag sa mga pagkakasala ng tao at maging kung ano ang Kanyang hinihingi sa iyo at paano ka Niya inililigtas? Kung hindi mo alam kung paano ang magkamali ng pagkaunawa sa Diyos, o kung paano lilinawin ang maling pagkaunawang ito, kung gayon masasabing hindi ka pa talaga nakapasok sa tunay na pakikipag-isa sa Diyos at hindi pa kailanman naintindihan ang Diyos, o kahit papaano masasabing hindi mo kailanman ninais na maintindihan Siya. Kung hindi mo alam kung ano ang disiplina at pagtutuwid ng Diyos, kung gayon tiyak na hindi mo alam kung ano ang pagpapasakop at pagmamalasakit, o kahit papaano hindi ka pa kailanman talagang nagpasakop o nagmalasakit sa Diyos. Kung hindi mo pa kailanman naranasan ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, kung gayon hindi mo talaga malalaman kung ano ang Kanyang kabanalan, at lalong hindi magiging malinaw sa iyo kung ano ang paghihimagsik ng tao. Kung hindi ka pa talaga kailanman nagkaroon ng tamang pananaw sa buhay, o tamang layunin sa buhay, kundi nalilito pa at hindi makapagdesisyon tungkol sa iyong magiging landas ng buhay sa hinaharap, maging hanggang sa puntong nag-aalangan kang magpatuloy, kung gayon tiyak na hindi mo pa kailanman tunay na natanggap ang pagliliwanag at paggabay ng Diyos, at masasabi ring hindi ka pa kailanman tunay na natustusan o napunuan ng mga salita ng Diyos. Kung hindi ka pa napasailalim sa pagsubok ng Diyos, malinaw na hindi mo talaga malalaman ang hindi pagpapaubaya ng Diyos sa mga kasalanan ng tao, o hindi mo maiintindihan ang sa kahuli-hulihan ay hinihingi ng Diyos sa iyo, at lalo na, kung ano ang gawain Niya ng pamamahala at pagliligtas sa tao. Gaano man karaming taon na naniwala ang isang tao sa Diyos, kung hindi pa niya kailanman naranasan o nadama ang anuman sa mga salita ng Diyos, kung gayon tiyak na hindi pa niya nilalakaran ang daan tungo sa kaligtasan, ang pananampalataya niya sa Diyos ay tiyak na walang tunay na laman, ang pagkakilala niya rin sa Diyos ay tiyak na wala, at malinaw na wala siyang kamuwang-muwang kung paano magpitagan sa Diyos.

Ang Kahalagahan ng Koordinasyon sa Serbisyo

 🍇¸.•*♡*•☆•.¸¸🍇¸.•*♡*•☆•.¸¸🍇¸.•*♡*•☆•.¸¸🍇¸.•*♡*•☆•.¸¸🍇¸.•*♡*•☆•.¸🍇

Mei Jie    Lungsod ng Jinan, Lalawigan ng Shandong

   Pagkatapos na baguhin ang administrasyon ng iglesia pabalik sa orihinal na anyo nito, itinatag ang pakikipagtambalan para sa bawat antas ng pinuno sa sambahayan ng Diyos. Sa panahong iyon ay inakala ko na ito ay isang magandang pagsasaayos. Mababa lang ang kalibre ko at napakarami ng aking gawain; Kailangan ko talaga ng kasama upang tulungan akong makumpleto ang lahat ng uri ng gawain sa aking rehiyon.

Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan (Unang Bahagi)



   Kakaunti lamang ang nauunawaan ng tao sa gawain sa kasalukuyan at sa gawain sa hinaharap, ngunit hindi niya nauunawaan ang hantungan kung saan ang sangkatauhan ay papasok. Bilang isang nilalang, kailangang gampanan ng tao ang kanyang tungkulin bilang isang nilikha: Kailangang sundin ng tao ang Diyos sa anumang Kanyang ginagawa, at kailangang magpatuloy kayo sa kahit anumang paraan na sasabihin Ko sa inyo. Ikaw ay walang paraan upang gumawa ng mga kaayusan para sa iyong sarili, at ikaw ay walang kakayahan na kontrolin ang iyong sarili; ang lahat ay dapat ipaubaya sa habag ng Diyos, at ang lahat ay nasa pamamahala ng Kanyang mga kamay. Kung ang gawain ng Diyos ay naglaan sa tao ng isang katapusan, isang kamangha-manghang hantungan, nang mas maaga, at kung ginagamit ito ng Diyos upang hikayatin ang tao at magawang pasunurin ang tao sa Kanya—kung gumawa Siya ng kasunduan sa tao—kung gayon hindi ito magiging paglupig, ni hindi ito para trabahuin ang buhay ng tao. Kung gagamitin ng Diyos ang katapusan upang kontrolin ang tao at matamo ang kanyang puso, kung gayon sa ganito ay hindi Niya magagawang sakdal ang tao, at ni hindi Niya magagawang matamo ang tao, ngunit sa halip gagamitin ang hantungan upang kontrolin siya. Walang inaalala ang tao nang higit pa sa hinaharap na katapusan, ang huling hantungan, at kung mayroon man o walang inaasahang mabuti. Kung ang tao ay nabigyan ng magandang pag-asa sa panahon ng gawain ng panlulupig, at kung, bago pa ang paglupig sa tao, siya ay nabigyan ng isang angkop na hantungan upang hangarin, kung gayon hindi lamang sa hindi matatamo ang epekto ng gawain ng panlulupig sa tao, ngunit ang epekto ng gawain ng panlulupig ay maiimpluwensyahan din. Iyon ay upang sabihin, natatamo ang epekto ng gawain ng panlulupig sa pamamagitan ng pag-aalis sa kapalaran at mga inaasam ng tao at paghatol at pagpaparusa sa mapaghimagsik na disposisyon ng tao. Hindi ito matatamo sa paggawa ng isang kasunduan sa tao, iyon ay, sa pamamagitan ng pagbibigay sa tao ng mga biyaya at mga pagpapala, ngunit sa pamamagitan ng pagbunyag sa katapatan ng tao sa pamamagitan ng pagtanggal sa kanyang kalayaan at pagpuksa sa kanyang mga inaasam. Ito ang diwa ng gawain ng panlulupig. Kung ang tao ay nabigyan na ng magandang pag-asa sa simula pa lamang, at ang gawaing pagkastigo at paghatol ay ginawa pagkatapos, kung gayon ay tatanggapin ng tao ang ganitong pagkastigo at paghatol sa batayang nagkaroon siya ng mga inaasam, at sa katapusan, ang walang pasubaling pagsunod at pagsamba sa Lumikha ng Kanyang mga nilikha ay hindi makakamit; magkakaroon lang ng bulag, walang malay na pagsunod, kung hindi ay magkakaroon ng bulag na mga kahilingan ang tao sa Diyos, kung kaya magiging imposible na ganap na lupigin ang puso ng tao. Dahil dito, hindi makakaya ng gayong gawaing panlulupig na matamo ang tao, ni hindi, higit pa rito, maglalahad ng patotoo sa Diyos. Ang gayong mga nilalang ay hindi na makatutupad ng kanilang tungkulin, at makikipagtawaran na lamang sa Diyos; hindi ito magiging paglupig, ngunit habag at biyaya. Ang pinakamalaking suliranin ng tao ay ang wala siyang iniisip kundi ang kanyang kapalaran at mga inaasam, na sinasamba niya ang mga ito. Hinahanap ng tao ang Diyos para sa kanyang kapalaran at mga inaasam; hindi niya sinasamba ang Diyos dahil sa kanyang pag-ibig sa Kanya. Kung kaya, sa paglupig sa tao, ang pagiging makasarili ng tao, kasakiman at ang mga bagay na pinakahadlang sa kanyang pagsamba sa Diyos ay dapat maalis. Sa paggawa nito, ang mga epekto ng paglupig sa tao ay matatamo. Bilang resulta, sa mga pinakaunang paglupig sa tao, mahalaga na linisin muna ang mga ligaw na ambisyon at ang pinakamalalang mga kahinaan ng tao, at, sa pamamagitan nito, upang ibunyag ang pag-ibig ng tao sa Diyos, at mapalitan ang kanyang kaalaman sa buhay ng tao, kanyang pagtingin sa Diyos, at ang kahulugan ng kanyang pag-iral. Sa ganitong paraan, ang pag-ibig ng tao sa Diyos ay malilinis, na ang ibig sabihin, ang puso ng tao ay nalupig. Ngunit sa Kanyang saloobin sa lahat ng mga nilalang, hindi lumulupig ang Diyos para lamang sa kapakanan ng panlulupig; sa halip, Siya ay lumulupig upang matamo ang tao, para sa kapakanan ng Kanyang sariling kaluwalhatian, at upang mabawi ang pinakauna at orihinal na wangis ng tao. Kung Siya ay lulupig para lamang sa kapakanan ng paglupig, kung gayon ang kabuluhan ng gawain ng panlulupig ay mawawala. Ito ay upang masabi na kung, pagkatapos ang panlulupig sa tao, kung pababayaan na lang ng Diyos ang tao, at hindi na makikialam sa kanyang buhay at kamatayan, hindi na ito magiging pamamahala sa sangkatauhan, ni ang paglupig sa tao ay magiging para sa kapakanan ng kanyang kaligtasan. Ang pagtatamo lamang sa tao pagkatapos ng kanyang paglupig at ang kanyang posibleng pagdating sa isang kamangha-manghang hantungan ay nasa puso ng lahat ng gawain ng pagliligtas, at ito lamang ang makapagtatamo ng layunin sa kaligtasan ng tao. Sa madaling sabi, ang pagdating lamang ng tao sa magandang hantungan at ang kanyang pagpasok sa pamamahinga ay ang mga inaasam na dapat taglay ng lahat ng mga nilalang, at ang gawain na dapat isagawa ng Lumikha. Kung gagawin ng tao ang ganitong gawain, kung gayon ito ay magiging masyadong limitado: Maaaring dalhin nito ang tao sa isang tukoy na punto, ngunit hindi nito maaaring madala ang tao sa walang hanggang hantungan. Hindi kayang pagpasyahan ng tao ang kanyang tadhana, ni, higit pa rito, hindi niya kayang matiyak ang mga inaasam ng tao at hinaharap na hantungan. Ang gawain na ginawa ng Diyos, gayunman, ay naiiba. Yayamang nilikha Niya ang tao, pinangungunahan Niya ito; yayamang inililigtas Niya ang tao, ililigtas Niya siya nang lubos, at ganap na tatamuhin siya; yayamang pinangungunahan Niya ang tao, dadalhin Niya siya sa angkop na hantungan; at yayamang nilikha Niya at pinamamahalaan ang tao, kailangang akuin Niya ang kapalaran at mga inaasam ng tao. Ito nga ay ang gawaing isinagawa ng Lumikha. Bagamat ang gawaing panlulupig ay natatamo sa paglilinis sa mga inaasam ng tao, ang tao sa huli ay dapat madala sa angkop na hantungan na inilalaan para sa kanya ng Diyos. Ito ay tiyak na sapagkat tinatrabaho ng Diyos ang tao, na ang tao ay may hantungan at ang kanyang kapalaran ay tiyak na. Dito, ang akmang hantungan na nabanggit ay hindi ang mga pag-asa at mga inaasam ng tao sa mga lumipas na panahon; ang dalawa ay magkaiba. Yaong mga inaasam ng tao at sinisikap na matamo ay ang mga paghahangad sa kanyang paghahanap ng labis na mga pagnanasa ng laman, sa halip na ang hantungan na marapat sa tao. Ang inilaan ng Diyos sa tao, samantala, ay ang mga pagpapala at mga pangako na marapat sa tao sa oras na siya ay nagawang dalisayin, na inihanda ng Diyos sa tao matapos likhain ang mundo, na hindi nabahiran ng pagpili, mga pananaw, imahinasyon o laman ng tao. Ang hantungan na ito ay hindi inihanda para sa isang partikular na tao, kundi ang dako ng kapahingaan ng buong sangkatauhan. At kaya, ang hantungang ito ay ang pinakaangkop na hantungan para sa sangkatauhan.

Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod




Mula pa sa simula ng Kanyang gawain sa buong sansinukob, ang Diyos ay nagtalaga na ng maraming tao upang paglingkuran Siya, kabilang ang mga tao mula sa iba’t ibang uri ng pamumuhay. Ang Kanyang layunin ay tuparin ang Kanyang sariling kalooban at tiyaking ang Kanyang gawain sa daigdig ay nadadala sa maayos na kaganapan. Ito ang layunin ng Diyos sa pagpili ng mga tao na maglilingkod sa Kanya. Ang bawat tao na naglilingkod sa Diyos ay dapat nauunawaan ang kaloobang ito ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang gawaing ito, mas mahusay na nakikita ng mga tao ang karunungan ng Diyos at pagka-makapangyarihan ng Diyos, at nakikita ang mga prinsipyo ng Kanyang gawain sa daigdig. Ang Diyos ay tunay na dumarating sa daigdig upang gawin ang Kanyang gawain, nakikipag-ugnayan sa mga tao, upang mas malinaw nilang malaman ang Kanyang mga gawa. Ngayon, itong grupo ninyo ay mapalad na naglilingkod sa praktikal na Diyos. Ito ay hindi mabilang na pagpapala para sa inyo. Sa katotohanan, ang Diyos ang nagtataas sa inyo. Sa pagpili ng isang tao na maglilingkod sa Kanya, ang Diyos ay laging may sariling mga prinsipyo. Ang paglilingkod sa Diyos, gaya ng iniisip ng mga tao, ay tunay na hindi lamang isang simpleng bagay ng labis na kagustuhan. Ngayon nakikita ninyo kung paano ang sinumang naglilingkod sa Diyos sa Kanyang presensiya ay ginagawa ito sa patnubay ng Diyos at gawa ng Banal na Espiritu; sila ang naghahanap ng katotohanan. Ang mga ito ang pinakamababang kinakailangan na dapat taglayin ng lahat ng naglilingkod sa Diyos.

Ang Araw na Iyon Kung Saan ang Himpapawid ay Lalong Malinaw at Maaraw (Ikatlong Bahagi)

  Pagkatapos makabalik sa bahay, patuloy akong nag-iisip tungkol sa pagbabahagi na ginawa ng kapatid na babae, at naisip ko sa aking sarili: Ang maliit na kapatid na babae ngayong araw ay napakamapagmahal, siya ay hindi talaga tulad ng sinabi ng pastor na kung sino siya. Gayundin, ang kaniyang sinasabi ay talagang totoo, lahat ng iyon ay nasa Biblia. Ito ay talagang walang batayan sa akin noon nang naniwala ako na “ang maligtas minsan ay maligtas magpakailanman.” Nagbalik-tanaw ako sa lahat ng taon na naniwala ako sa Diyos at napagtanto na ako ay patuloy na namumuhay sa mga kinahihinatnan kung saan ako ay magkakasala at umaamin ng kasalanan para sa kanila ngunit sa lahat ng oras hindi ko ito malutas, at personal akong dumaan sa matinding paghihirap. Hindi talaga ito ang paraan upang matamo ang papuri ng Diyos. Ito ay tila kung nais kong matamo ang kaligtasan at pumasok sa kaharian ng langit, kung gayon ay kailangan ko talagang matanggap lahat ng gawain na isinagawa sa pagbabalik ng Panginoong Jesus na humahatol at naglilinis sa tao. Kung kaya, ano ba talaga ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw? Paano nakakapaglinis at nakakapagpabago ng tao ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos? ... Habang iniisip ko ang mga bagay na ito binubuklat ko ang Biblia hanggang nakita ko ang talata kung saan sinasabi ng Panginoong Jesus na: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili’ kundi ang anomang nagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipapahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13). Nakita ko rin na sinabi ng Biblia: “Sapagkat dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1Pedro 4:17). “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:29). Nang mabasa ko ito naramdaman ko sa wakas na para akong nagising mula sa isang panaginip: Lumalabas na matagal na palang ihinula ng Panginoong Jesus na sa mga huling araw ang Diyos ay magpapahayag ng mas marami tungkol sa katotohanan at magsasagawa ng bagong yugto ng gawain. Hindi ba ito ang Makapangyarihang Diyos na dumadating upang magsagawa ng gawain ng paghahatol at paglilinis sa tao? Aba! Kung ang pastor ay hindi dumating at inabala ako ngayong araw makakapakinig ako nang mas mabuti tungkol sa paraan ng Makapangyarihang Diyos. Noon nakapakinig ako palagi ng mga salita ng mga pastor at nakatatanda, ngunit hindi ako nagkaroon ng puso upang hanapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nakinig lamang ako sa anumang pinag-usapan ng mga pastor at mga nakatatanda. Ngayong araw lang nangyari na nabatid ko na ito ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa ko sa aking pananampalataya sa Panginoon! Tayo na naniniwala sa Panginoon ay kailangan na aktibong hanapin ang mga yapak ng Diyos, sa ganitong paraan lang tayo aayon sa kalooban ng Diyos. Ngayong araw nakita ko na ang mga kilos ng pastor ay karaniwang hindi naaayon sa kalooban ng Diyos. Hindi ko na kaya na takip-matang makinig sa kung ano ang sasabihin nila, kailangan kong hanapin at usisain ang paraan ng Makapangyarihang Diyos.

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ikapitong Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pagpapakita ng Panginoong Jesus ay pinatotohanan ang Kanyang matinding pagmamalasakit sa Kanyang mga tagasunod sa pagiging tao at ipinasa sa Kanyang espirituwal na katawan, o maaari ninyong sabihing Kanyang pagka-Diyos. Ang Kanyang pagpapakita ay nagpahintulot sa mga tao na magkaroon ng isa pang karanasan at pagdama sa malasakit at pangangalaga ng Diyos samantalang pinatutunayan nang may kapangyarihan na ang Diyos ay ang Isa na nagpapasimula ng isang kapanahunan, na nagpapaunlad sa isang kapanahunan, at Siya ang Isa na nagtatapos sa isang kapanahunan. Sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita pinatatag Niya ang pananampalataya ng mga tao, at sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita pinatunayan Niya sa mundo ang katotohanan na Siya ang Diyos Mismo. Naibigay nito sa Kanyang mga tagasunod ang walang hanggang pagpapatibay, at sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita nakapagsimula din Siya ng isang yugto ng Kanyang gawain sa bagong kapanahunan."