Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Landas. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Landas. Ipakita ang lahat ng mga post

Ang Pag-ibig ng Diyos ay 'Di Taglay ng Anumang Nilalang


I
Ang mga salita ng Diyos ay puno ng buhay,
nag-aalok sa atin ng landas na dapat nating tahakin,
ang pag-unawa sa kung ano ang katotohanan.
Nagsisimula tayo na maakit sa Kanyang mga salita;
nagsisimula tayong tumuon sa tono
at paraan ng Kanyang pagsasalita,
at maging kusa na pakinggan
ang panloob na tinig ng ordinaryong taong ito.

Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos “Tungkol sa Biblia” (Unang bahagi)

Biblia, Jesus, Landas, Langit, panginoon






   1. Sa maraming taon, ang mga kinaugaliang paraan ng paniniwala ng mga tao (ng Kristiyanismo, ang isa sa tatlong pangunahing relihiyon ng mundo) ay ang basahin ang Biblia; ang paglihis mula sa Biblia ay hindi paniniwala sa Panginoon, ang paglihis mula sa Biblia ay isang masamang kulto, at hidwang paniniwala, at kahit na basahin pa ng mga tao ang ibang mga libro, ang pundasyon ng mga librong ito ay dapat ang pagpapaliwanag sa Bibilia. Na ang ibig sabihin, kung sinasabi mo na naniniwala ka sa Panginoon, dapat mong basahin ang Biblia, dapat mong kainin at inumin ang Biblia, at bukod sa Biblia hindi ka dapat sumamba ng anumang libro na walang kinalaman ang Biblia. Kung gagawin mo iyon, samakatwid pinagtataksilan mo ang Diyos. Mula nang panahong mayroon ng Biblia, ang paniniwala ng mga tao sa Panginoon ay ang paniniwala sa Biblia. Sa halip na sabihing ang mga tao ay naniniwala sa Panginoon, mas mabuting sabihin na sila ay naniniwala sa Biblia; sa halip na sabihing sila ay nagsisimula na sa pagbabasa ng Biblia, mas mabuting sabihin na nagsisimula na sila sa paniniwala sa Biblia; at sa halip na sabihing nanumbalik na sila sa Panginoon, mas mabuting sabihing sila'y nanumbalik na sa Biblia. Sa ganitong paraan, sinasamba ng mga tao ang Biblia na parang ito ay Diyos, na parang ito ay kanilang pinaka-buhay at ang mawalan nito'y tulad ng mawalan ng kanilang mga buhay. Tinitingnan ng mga tao ang Biblia bilang kasintaas ng Diyos, at may mga tao na tinitingnan ito na mas mataas pa kaysa sa Diyos. Kung ang mga tao ay hindi taglay ang gawa ng Banal na Espiritu, kung hindi nila nadarama ang Diyos, maaari silang magpatuloy mamuhay—ngunit sa sandaling mawala sa kanila ang Biblia, o mawala ang mga bantog na kabanata at kasabihan mula sa Biblia, sa gayon parang nawala na ang kanilang buhay. At kaya, sa sandaling maniwala ang tao sa Panginoon nag-uumpisa na nilang basahin ang Biblia, at kabisahin ang Biblia, at mas higit sa Biblia na kanilang makakabisa, mas napapatunayan nito ang kanilang pagmamahal sa Panginoon at may malaking pananampalataya. Ang mga taong nakapagbasa ng Biblia at nakapagsasalita nito sa iba ay lahat mabubuting kapatid na lalaki at babae. Sa buong panahong ito, ang pananampalataya ng mga tao at katapatan sa Panginoon ay sinusukat ayon sa lawak ng kanilang pag-unawa sa Biblia. Talagang hindi nauunawaan ng karamihan ng mga tao kung bakit sila kailangang maniwala sa Diyos, ni kung paano maniwala sa Diyos, at walang g gagawin kundi pikit-matang naghahanap ng mga pahiwatig upang maunawaan ang mga kabanata sa Biblia. Hindi nila kailanman hinanap ang direksiyon ng gawa ng Banal na Espiritu; mula’t sapul, wala silang ginawa kundi desperadong mag-aral at mag-imbestiga ng Biblia, at walang sinumang naghanap kahit minsan ng bagong gawa ng Banal na Espiritu sa labas ng Biblia, walang sinumang lumihis kahit minsan mula sa Biblia, o nangahas na lumihis mula sa Biblia. Sa lahat ng mga nakaraang taon pinag-aralan ng mga tao ang Biblia, nakabuo sila ng napakaraming paliwanag, at nag-ukol ng napakaraming gawa; marami rin silang nagkakaibang opinyon tungkol sa Biblia, na walang katapusan nilang pinagtatalunan, kaya nga halos dalawang libong magkakaibang denominasyon na ang nabuo ngayon. Silang lahat ay nagnanais makahanap ng ilang natatanging mga paliwanag, o mas malalalim na mga misteryo sa Biblia, nais nilang galugarin ito, at makita ito sa pinagmulan ng gawain ni Jehova sa Israel, o pinagmulan ng gawain ni Jesus sa Judea, o karagdagang mga misteryo na walang sinumang nakakaalam. Ang pag-aaral ng mga tao sa Biblia ay isang pagkahumaling at pananampalataya, at walang sinuman ang lubusang malinaw tungkol sa kuwentong napapaloob at diwa ng Biblia. Kaya, ang resulta sa ngayon ay, mayroon pa ring di-mailarawang pakiramdam ng pagka-mahika ang mga tao pagdating sa Biblia; higit pa riyan, nahuhumaling sila rito, at may pananampalataya rito. Ngayon, lahat ay nagnanais na mahanap ang mga propesiya ng mga gawa sa mga huling araw sa Biblia, nais nilang matuklasan kung anong gawain ang ginagawa ng Diyos sa mga huling araw, at kung anong mga tanda ang naroon sa mga huling araw. Sa ganitong paraang, ang kanilang pagsamba sa Biblia ay nagiging mas taimtim, at habang mas papalapit sa mga huling araw, mas higit na tiwala ang inilalaan nila sa mga propesiya ng Biblia, partikular na tungkol sa mga huling araw. Sa ganoong pikit-matang paniniwala sa Biblia, sa ganoong pagtitiwala sa Biblia, wala silang pagnanais na hanapin ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa mga pagkakaintindi ng mga tao, iniisip nila ang Biblia lamang ang magdadala ng gawa ng Banal na Espiritu; sa Biblia lamang nila makikita ang mga yapak ng Diyos; sa Biblia lamang nakatago ang mga hiwaga ng mga gawain ng Diyos; ang Biblia lamang—hindi ang ibang libro o mga tao—ang makakapaglinaw ng lahat tungkol sa Diyos at ang kabuuan ng Kanyang gawain; ang Biblia ang maaaring maghatid ng gawa ng langit sa lupa; at kapwa maaaring simulan at wakasan ng Biblia ang mga kapanahunan. Sa mga pagkakakaintinding ito, walang inklinasyon ang mga tao na hanapin ang gawa ng Banal na Espiritu. Kaya, gaano man kalaki ang naging tulong ng Biblia sa tao noong nakalipas, ito’y naging isang balakid sa pinakabagong gawa ng Diyos. Kung walang Biblia, maaaring hanapin ng mga tao ang mga yapak ng Diyos sa ibang dako, ngunit ngayon, ang Kanyang mga yapak ay nakapaglaman sa Biblia, at ang pagpapalawak ng Kanyang pinakabagong gawa ay naging dobleng hirap, at isang mahirap na pakikipagpunyagi. Ito lahat ay dahil sa kilalang mga kabanata at mga kasabihan mula sa Biblia, gayundin ang iba't-ibang mga propesiya ng Biblia. Ang Biblia ay naging isang diyus-diyusan sa isip ng mga tao, ito ay naging isang palaisipan sa kanilang mga utak, at talagang hindi na nila kayang maniwala na makakagawa ang Diyos nang hindi kasama ang Biblia, hindi nila kayang maniwala na ang mga tao ay maaaring makita ang Diyos sa labas ng Biblia, mas lalong hindi nila kayang maniwala na ang Diyos ay maaaring lumisan sa Biblia sa panahon ng huling gawa at magsimula ng panibago. Ito ay malayong mangyari para sa mga tao; sila ay hindi makapaniwala rito, at hindi rin nila inakala ito. Ang Biblia ay naging isang malaking balakid sa pagtanggap ng mga tao sa bagong gawain ng Diyos, at pinahirap nito na palawakin ang bagong gawaing ito.

Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Ikatlong bahagi)

landas, kaligtasan, Biblia, salita ng Diyos,  Buhay



    
🍀¸.•**•🍀¸¸.•**•🍀¸.•**•🍀¸.•**•🍀¸.•**🍀
   
   15. Ang gawain ng nagkatawang-tao na Diyos ay hindi tulad ng mga ginamit ng Banal na Espiritu. Kapag ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa lupa, ang isinasaalang-alang Niya lamang ay ang katuparan ng Kanyang ministeryo. Patungkol naman sa lahat ng iba pang mga bagay na walang kinalaman sa Kanyang ministeryo, sadyang hindi Siya nakikibahagi, maging hanggang sa puntong nagwawalang-bahala Siya. Isinasagawa lamang Niya ang gawaing dapat Niyang gawin, at pinakahuli sa Kanyang isinasaalang-alang ay ang tungkol sa gawaing dapat gawin ng tao. Ang gawain na ginagawa Niya ay kaugnay lamang sa kapanahunang kinapapalooban Niya at ang ministeryo na dapat Niyang tuparin, na para bagang ang iba pang bagay ay hindi Niya tungkulin. Hindi Niya binibigyan ang Kanyang sarili ng mas maraming payak na kaalaman sa pamumuhay bilang tao, at hindi Niya inaaral ang ibang kasanayang pakikipagkapwa o ano man na naiintindihan ng tao. Hindi Siya nagpapakita ng pag-aalala sa lahat ng dapat ibigay sa tao at ang tanging ginagawa ay ang gawain na Kanyang tungkulin. At kaya, sa paningin ng tao, ang nagkatawang-tao na Diyos ay lubhang kulang, na maging hanggang sa puntong pinagwawalang-bahala Niya ang maraming bagay na dapat mayroon ang tao, at wala Siyang pang-unawa sa mga ganitong bagay. Ang mga bagay tulad ng pangkalahatang kaalaman sa buhay, pati na rin ang mga prinsipyo ng pag-uugali at pakikipag-ugnayan sa iba ay nagmumukhang hindi mahalaga para sa Kanya. Sa kabila nito, hindi mo mararamdaman mula sa nagkatawang-tao na Diyos ang kahit na kaunting di normal na pag-uugali. Ibig sabihin, pinananatili lamang ng Kanyang pagkatao ang Kanyang buhay bilang isang karaniwang tao na may karaniwang pangangatwiran ng Kanyang pag-iisip, na nagbibigay sa Kanya ng kakayahang kumilala ng kaibahan ng tama at mali. Gayunman, hindi Siya binigyan ng anumang bagay, na para sa tao (mga nilikhang tao) lamang. Ang Diyos ay naging tao lamang upang matupad ang Kanyang ministeryo. Ang Kanyang gawain ay nakadirekta para sa isang buong kapanahunan at hindi sa anumang partikular na tao o lugar. Ang Kanyang gawain ay nakadirekta sa buong sansinukob. Ito ang direksyon ng Kanyang gawain at sa prinsipyo kung saan Siya ay gumagawa. Walang makakapagpabago nito, at hindi maaaring makibahagi ang tao.

Latest Tagalog Christian Movie Trailer 2018 | "Ang Sandali ng Pagbabago"



 🍇¸.•**••.¸¸🍇¸.•**••.¸¸🍇¸.•**••.¸¸🍇¸.•**••.¸¸🍇¸.•**••.¸¸🍇
   
   Naniniwala ang ilang tao, dahil nakayang likhain ng Diyos ang kalangitan at ang lupa at lahat ng bagay sa isang salita, nakayang ibangon ang patay sa isang salita, makakaya ring baguhin kaagad ng Diyos ang ating imahe, gawin tayong banal, iangat tayo sa ere para salubungin ang Panginoon pagbalik Niya sa mga huling araw. Ganyan nga ba talaga para maiangat sa kaharian ng langit? Ang gawain ba ng pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw ay kasing-simple ng ating inaakala? Sabi ng Diyos, "You must realize it, and should not oversimplify matters. The work of God is unlike any ordinary work. Its marvel cannot be conceived by the mind of man, and its wisdom cannot be attained by such. God is not creating all things, and He is not destroying them. Rather, He is changing all of His creation and purifying all things that have been defiled by Satan. Therefore, God shall commence work of great magnitude, and this is the total significance of the work of God. After reading these words, do you believe that the work of God is so simple?" (The Word Appears in the Flesh). Walang sinumang makakaarok sa gawain ng Diyos at karunungan ng Diyos. Tanging ang Diyos Mismo ang makapaglalantad ng hiwaga ng kung paano madadala sa langit ang mga nananalig sa mga huling araw, kung paano gagawin ng Diyos ang gawain ng paghatol para linisin ang mga tao …. Ang maikling video na ito ay ipapakita sa iyo ang kaalaman tungkol sa tanging landas para maiangat sa kaharian ng langit pagbalik ng Panginoon!

Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod




Mula pa sa simula ng Kanyang gawain sa buong sansinukob, ang Diyos ay nagtalaga na ng maraming tao upang paglingkuran Siya, kabilang ang mga tao mula sa iba’t ibang uri ng pamumuhay. Ang Kanyang layunin ay tuparin ang Kanyang sariling kalooban at tiyaking ang Kanyang gawain sa daigdig ay nadadala sa maayos na kaganapan. Ito ang layunin ng Diyos sa pagpili ng mga tao na maglilingkod sa Kanya. Ang bawat tao na naglilingkod sa Diyos ay dapat nauunawaan ang kaloobang ito ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang gawaing ito, mas mahusay na nakikita ng mga tao ang karunungan ng Diyos at pagka-makapangyarihan ng Diyos, at nakikita ang mga prinsipyo ng Kanyang gawain sa daigdig. Ang Diyos ay tunay na dumarating sa daigdig upang gawin ang Kanyang gawain, nakikipag-ugnayan sa mga tao, upang mas malinaw nilang malaman ang Kanyang mga gawa. Ngayon, itong grupo ninyo ay mapalad na naglilingkod sa praktikal na Diyos. Ito ay hindi mabilang na pagpapala para sa inyo. Sa katotohanan, ang Diyos ang nagtataas sa inyo. Sa pagpili ng isang tao na maglilingkod sa Kanya, ang Diyos ay laging may sariling mga prinsipyo. Ang paglilingkod sa Diyos, gaya ng iniisip ng mga tao, ay tunay na hindi lamang isang simpleng bagay ng labis na kagustuhan. Ngayon nakikita ninyo kung paano ang sinumang naglilingkod sa Diyos sa Kanyang presensiya ay ginagawa ito sa patnubay ng Diyos at gawa ng Banal na Espiritu; sila ang naghahanap ng katotohanan. Ang mga ito ang pinakamababang kinakailangan na dapat taglayin ng lahat ng naglilingkod sa Diyos.

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ikawalong bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Bagamat ang Panginoong Jesus ay muling nabuhay, ang Kanyang puso at ang Kanyang gawain ay hindi iniwanan ang sangkatauhan. Sinabi Niya sa mga tao sa Kanyang pagpapakita na sa anumang anyo Siya umiiral, sasamahan Niya ang mga tao, lalakad kasama nila, at sasakanila sa lahat ng oras at sa lahat ng dako. At sa lahat ng oras at sa lahat ng dako, magkakaloob Siya sa sangkatauhan at papastulin sila, tutulutan silang makita at mahipo Siya, at titiyakin na hindi na nila kailanman mararamdaman ang kawalan ng pag-asa. Gusto din ng Panginoong Jesus na malaman ng mga tao ito: Ang kanilang mga buhay sa mundong ito ay hindi nag-iisa. Ang sangkatauhan ay may pagmamalasakit ng Diyos, kasama nila ang Diyos; ang mga tao ay palaging makaaasa sa Diyos; Siya ang pamilya ng bawat isa sa Kanyang mga tagasunod. Kasama ang Diyos para sandigan, ang sangkatauhan ay hindi na magiging malungkot at mawawalan ng pag-asa, at yaong tumanggap sa Kanya bilang handog sa pagkakasala ay hindi na matatali sa kasalanan. Sa mga mata ng tao, ang mga bahaging ito ng Kanyang gawain na pinatupad ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay masyadong malilit na mga bagay, ngunit sa tingin Ko, ang bawat isang bagay ay totoong makahulugan, totoong mahalaga, at lahat sila ay totoong mahalaga at mabibigat."

Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-apat na Pagbigkas

buhay, Landas, Espiritu, iglesia, Kaharian


    Dumarating ang Aking pagkastigo sa lahat ng mga tao, gayon pa man ay nananatili rin itong malayo mula sa lahat ng mga tao. Ang buong buhay ng bawat tao ay puno ng pag-ibig at pagkamuhi sa Akin, at wala kahit isa ang kailanma’y nakakilala sa Akin—kung kaya sala sa lamig at sala sa init ang saloobin ng tao sa Akin, at wala itong kakayahan sa pagiging-normal. Gayunman ay parati Kong inalagaan at iningatan ang tao, at mapurol lamang ang kanyang isipan kaya wala siyang kakayahang makita ang lahat ng Aking mga gawa at maunawaan ang masigasig Kong mga hangarin. Ako ang nangungunang Isa sa gitna ng lahat ng mga bansa, at ang pinakamataas sa gitna ng lahat ng mga tao; hindi lamang talaga Ako kilala ng tao. Sa maraming taon, nanirahan Ako sa kalagitnaan ng tao at naranasan ang buhay sa mundo ng tao, gayon pa man lagi niya Akong ipinagsawalang-bahala at itinuring Akong katulad ng isang nilalang na nagmula sa kalawakan. Bunga nito, itinuturing Ako ng mga tao na katulad ng isang banyaga sa daan dahil sa mga pagkakaiba sa disposisyon at wika. Ang damit Ko rin ay tila masyadong kakaiba, at bilang resulta, walang lakas ng loob ang tao para lapitan Ako. Diyan Ko lamang nararamdaman ang kalungkutan ng  sa kalagitnaan ng tao, at diyan Ko rin lamang nararamdaman ang kawalan-ng-hustisya sa mundo ng tao. Lumalakad Ako sa kalagitnaan ng mga dumadaan, pinagmamasdan ang lahat ng kanilang mga mukha. Ito ay parang nabubuhay sila sa kalagitnaan ng isang karamdaman, bagay na nagpupuno ng kalungkutan sa kanilang mga mukha, at sa gitna ng pagkastigo, na pumipigil sa kanilang paglaya. Iginagapos ng tao ang kanyang sarili, at ibinababa ang kanyang sarili. Sa harapan Ko, karamihan sa mga tao ay lumilikha ng maling palagay tungkol sa kanilang mga sarili sa gayon ay maaring mapuri Ko sila, sadyang nag-aanyong kahabag-habag sa harap Ko ang karamihan sa mga tao sa gayon ay maaring makakuha sila ng tulong mula sa Akin. Sa Aking likuran, nililinlang at sinusuway Ako ng lahat ng mga tao. Hindi ba tama Ako? Hindi ba ito ang diskarte ng tao para manatiling buhay? Sino na ang kahit kailan ay nabuhay ng mas matagal kaysa sa Akin? Sino na ang kahit kailan ay nagtaas sa Akin sa gitna ng iba? Sino na ang kahit kailan ay nagapos sa harapan ng Espiritu? Sino na ang kahit kailan ay naging matatag sa kanilang patotoo sa Akin sa harapan ni Satanas? Sino na ang kahit kailan ay nagdagdag ng pagiging-totoo sa “katapatan” nila sa Akin? Sino na ang kahit kailan ay inalis ng malaking pulang dragon dahil sa Akin? Sumapi na ang mga tao kay Satanas, mga bihasa sila sa pagsuway sa Akin, sila ang mga may-likha ng pagsalungat sa Akin, at sila ay mga nagsipagtapos sa pakikipagtawaran sa Akin. Para sa kapakanan ng sarili niyang tadhana, naghahanap ang tao dito at doon sa lupa; kapag kinakawayan Ko siya, nananatili siyang walang-pandama sa Aking pagiging-napakahalaga at patuloy siya sa pananampalataya sa kanyang pagsandig sa kanyang sarili, ayaw niyang maging isang pasanin sa iba. Mahalaga ang mga hangarin ng tao, gayunman walang kaninumang mga hangarin ang kailanman ay ganap na nakamit: Gumuguho silang lahat sa harapan Ko, bumabagsak nang tahimik.

Tagalog Christian Movie 2018 | Babagsak ang Lungsod (Trailer)



Ang Kristiyanong si Cheng Huize ay isang kapanalig sa isang bahay-iglesia sa China. Nakita niya na nagbukas ng isang pabrika ang kanyang iglesia at hinikayat ng pastor ang mga nananalig na sumapi sa Three-Self Church para sumuko sa gobyernong CCP.

Salita ng Diyos | Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)

Espiritu, krus, Jesus, Landas, Buhay, katotohanan

Ang unang pagkakataon na naging tao ang Diyos ay sa pamamagitan ng paglilihi ng Banal na Espiritu, at ito ay may kaugnayan sa gawain na nilayon Niyang gawin. Ang pangalan ni Jesus ang nagtanda ng pagsisimula ng Kapanahunan ng Biyaya. Nang nagsimula si Jesus na gampanan ang Kanyang ministeryo, ang Banal na Espiritu ay nagsimulang magpatotoo sa pangalan ni Jesus, at ang pangalan ni Jehova ay hindi na pinag-uusapan, at sa halip ay paunang sinimulan ng Banal na Espiritu ang bagong gawain sa ilalim ng pangalan ni Jesus. Ang patotoo ng mga naniniwala sa Kanya ay inilahad para kay Hesu-Cristo, at ang gawain na kanilang isinagawa ay para rin kay Hesu-Cristo. Ang konklusyon ng Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan ay nangangahulugan na ang gawain na paunang isinagawa sa ilalim ng pangalan ni Jehova ay matatapos na rin. Pagkatapos nito, ang pangalan ng Diyos ay hindi na Jehova; sa halip Siya ay tinawag na Jesus, at mula rito ay sinimulan ng Banal na Espiritu ang gawain una sa lahat sa ilalim ng pangalan ni Jesus. Kaya sa kasalukuyan, kinakain at iniinom pa rin ng mga tao ang mga salita ni Jehova, at ikinakapit pa rin ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan—hindi mo ba sinusunod ang patakaran? Hindi ka ba naiipit sa nakaraan? Sa kasalukuyan, nababatid mo na ang mga huling araw ay dumating na. Kapag si Jesus ay dumating, tatawagin pa rin ba Siyang Jesus? Sinabi ni Jehova sa mga tao ng Israel na ang isang Mesias ay darating, ngunit nang Siya ay dumating, hindi Siya tinawag na Mesias kundi Jesus. Sinabi ni Jesus na Siya ay muling darating, at na Siya ay darating kagaya nang sa Siya ay umalis. Ang mga ito ay mga salita ni Jesus, ngunit nasaksihan mo bang umalis si Jesus? Kaya si Jesus ay umalis sa isang puting ulap ngunit personal ba Siyang babalik sa gitna ng tao sa isang putting ulap? Kung magkagayon, hindi ba Siya tatawagin pa ring Jesus? Kapag muling dumating si Jesus, ay nagbago na rin ang kapanahunan, gayon maaari pa rin ba Siyang tawagin na Jesus? Kilala lamang ba ang Diyos sa pangalan ni Jesus? Hindi ba Siya maaaring tawagin ng bagong pangalan sa isang bagong kapanahunan? Maaaring bang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan ang anyo ng isang tao at ang isang tanging pangalan? Sa bawat kapanahunan, gumagawa ang Diyos ng mga bagong gawain at Siya ay tinatawag sa bagong pangalan; paano Niya naisasagawa ang parehong gawain sa magkaibang kapanahunan? Paano Siya nananatili sa luma? Ang pangalan ni Jesus ay ginamit para sa gawain ng pagtubos, kaya matatawag pa rin ba Siya sa parehong pangalan kapag Siya ay bumalik sa mga huling araw? Isasagawa pa rin ba Niya ang gawain ng pagtubos? Bakit iisa lang si Jehova at si Jesus, ngunit Sila ay tinatawag sa magkaibang pangalan sa magkaibang kapanahunan? Hindi ba dahil magkaiba ang mga kapanahunan ng Kanilang gawain? Maaari bang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuoan ang iisang pangalan lamang? Sa paraang ito, nararapat na tawagin ang Diyos sa ibang pangalan sa ibang kapanahunan, nararapat gamitin ang pangalan upang baguhin ang kapanahunan at kumatawan sa kapanahunan, dahil walang anumang pangalan ang ganap na kakatawan sa Diyos Mismo. At ang bawat pangalan ay maaari lang kumatawan sa disposisyon ng Diyos sa isang tiyak na kapanahunan at kailangan lang upang kumatawan sa Kanyang gawain. Samakatuwid, maaaring mamili ang Diyos ng anumang pangalan na angkop sa Kanyang disposisyon upang kumatawan sa buong kapanahunan. Hindi alintana kung ito man ay kapanahunan ni Jehova, o ang kapanahunan ni Jesus, ang bawat kapanahunan ay kinakatawan ng isang pangalan. Pagkatapos ng Kapanahunan ng Biyaya, ang huling kapanahunan ay dumating na at pumarito na si Jesus. Paanong Siya pa rin ay tinatawag na Jesus? Paano Niya nakakaya pang magkatawan sa anyo ni Jesus sa gitna ng tao? Nakalimutan mo na ba si Jesus ay isa lang imahe ng Nazareno? Nakalimutan mo na ba si Jesus ay ang Tagapagtubos lamang ng sangkatauhan? Paano Niya maisasagawa ang gawain ng panlulupig at gawing perpekto ang tao sa mga huling araw? Si Jesus ay umalis sa isang puting ulap, ito ay katotohanan, ngunit paano Siya makababalik sa isang puting ulap sa gitna ng tao at tatatawagin pa ring Jesus? Kung Siya ay talagang dumating sa isang ulap, hindi ba Siya makikilala ng tao? Hindi ba Siya makikilala ng mga tao sa buong mundo? Kung magkagayon, hindi ba magiging Diyos si Jesus nang mag-isa? Kung magkagayon, ang larawan ng Diyos ay magiging ang kaanyuan ng isang Judio, at mananatiling gayon magpakailanman. Sinabi ni Jesus na Siya ay darating kung paanong Siya ay umalis, ngunit nalalaman mo ba ang tunay na kahulugan ng Kanyang mga salita? Nasabi ba Niya talaga sa iyo? Nalalaman mo lamang na Siya ay darating kung paanong Siya ay umalis sa isang ulap ngunit nalalaman mo ba talaga kung paano ginagawa ng Diyos Mismo ang Kanyang gawain? Kung talagang nakikita mo, kung gayon paano maipaliliwanag ang mga salita ni Jesus? Sinabi Niya, “Kapag ang Anak ng tao ay dumating sa mga huling araw, hindi Niya malalaman sa ganang Kanyang Sarili, hindi malalaman ng mga anghel, hindi malalaman ng mga sugo sa langit, at hindi malalaman ng lahat ng mga tao. Tanging ang Ama ang makakaalam, iyon ay, ang Espiritu lamang ang makakaalam.” Kung may kakayahan kang makaalam at makakita, kung gayon hindi ba mga salitang hungkag ang mga ito? Hindi nalalaman maging ng Anak ng tao sa ganang Kanyang Sarili, ngunit nagagawa mong makita at malaman? Kung nakita mo gamit ang iyong sariling mga mata, ang mga salita bang iyon ay hindi sinabi nang walang kabuluhan? At ano ang sinabi ni Jesus ng panahong iyon? “Ngunit tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang. At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. … Mangagpuyat nga kayo: sapagkat hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon.” Kapag dumating ang araw na yaon, hindi ‘yon malalaman ng Anak ng tao Mismo. Ang Anak ng tao ay tumutukoy sa nagkatawang-taong laman ng Diyos, na magiging isang normal at karaniwang tao. Maging Siya Mismo ay hindi alam, kayo paano mo nalaman? Sinabi ni Jesus na Siya ay darating kung paanong Siya ay umalis. Kapag Siya ay dumating, maging Siya sa Kanyang Sarili ay hindi nakakaalam, kaya maaari ba Niyang ipaalam sa iyo nang mas maaga? Nakikita mo ba ang Kanyang pagdating? Hindi ba iyon isang biro? Sa tuwing darating ang Diyos sa lupa, babaguhin Niya ang Kanyang pangalan, ang Kanyang kasarian, ang kanyang anyo, at ang Kanyang gawain; hindi Niya inuulit ang Kanyang gawain, at lagi Siyang bago at hindi kailanman luma. Sa Kanyang pagdating noon, tinawag Siyang Jesus; maaari pa rin ba Siyang tawaging Jesus kapag bumalik Siya sa pagkakataong ito? Nang dumating Siya noon, Siya ay isang lalaki; maaari pa rin ba Siyang maging lalaki sa pagkakataong ito? Ang Kanyang gawain nang Siya ay pumarito noong Kapanahunan ng Biyaya ay maipako sa krus; kung Siya’y muling dumating, muli ba Niyang tutubusin ang sangkatauhan sa kasalanan? Ipapako pa rin ba Siya sa krus? Hindi ba’t iyon ay pag-uulit lamang ng Kanyang gawain? Hindi mo ba alam na ang Diyos ay bago at hindi kailanman luma? Mayroong mga nagsasabi na ang Diyos ay di-mababago. Tama iyon, ngunit ito ay tumutukoy sa di-nababagong sangkap at disposisyon ng Diyos. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na ang Kanyang sangkap ay nagbago; sa madaling sabi, ang Diyos ay mananatiling Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Kung sinasabi mo na hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, matatapos ba Niya ang Kanyang anim na libong taong plano sa pamamahala? Ang alam mo lamang ay hindi magpakailanman nagbabago ang Diyos, ngunit alam mo ba na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Kung hindi kailanman nagbago ang gawain ng Diyos, gayon madadala ba Niya ang sangkatauhan sa kasalukuyan? Kung hindi nagbabago ang Diyos, bakit Niya naisagawa ang gawain sa dalawang kapanahunan? Ang Kanyang gawain ay palaging umuunlad pasulong, ang Kanyang disposisyon ay unti-unting naibubunyag sa tao, at ang naibubunyag ay ang Kanyang likas na disposisyon. Sa simula, ang disposisyon ng Diyos ay nakatago mula sa mga tao, hindi Niya kailanman tuwirang ibinunyag ang Kanyang disposisyon sa tao, at walang kaalaman ang tao tungkol sa Kanya, kaya ginamit Niya ang Kanyang gawain upang unti-unting ibunyag ang Kanyang disposisyon sa tao, ngunit hindi ito nangangahulugan na ang Kanyang disposisyon ay nagbabago sa bawat kapanahunan. Hindi ito tungkol sa ang disposisyon ng Diyos ay patuloy sa pagbabago dahil ang Kanyang kalooban ay palaging nagbabago. Sa halip, dahil ang mga kapanahunan ng Kanyang gawain ay magkaiba, ang Kanyang likas na disposisyon sa kabuuan nito ay unti-unting naibunyag sa tao, nang sa gayon ay makilala Siya ng mga tao. Ngunit hindi ito patunay na sa simula ay walang tiyak na disposisyon ang Diyos at ang disposisyon Niya ay unti-unting nagbago sa paglipas ng mga kapanahunan—ang ganoong pagkaunawa ay mali. Ibinubunyag ng Diyos sa tao ang Kanyang likas, particular na disposisyon, kung ano Siya, ayon sa paglipas ng mga kapanahunan. Ang gawain sa nag-iisang kapanahunan ay hindi makapagpapaliwanag sa buong disposisyon ng Diyos. At kaya, ang mga salitang “Ang Diyos ay palaging bago at kailanman ay hindi luma” ay tumutukoy sa Kanyang gawain, at ang mga salitang “Ang Diyos ay hindi magbabago” ay tungkol sa likas na kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos. Gayunpaman, hindi mo maaaring maipaliwanag ang anim na libong taong gawain sa isang punto, o mailarawan ito sa pamamagitan ng mga di-nagbabagong mga salita lamang. Gayon ay ang kahangalan ng tao. Ang Diyos ay hindi payak katulad ng ipinapalagay ng mga tao, at ang Kanyang gawain ay hindi magtatapos sa isang kapanahunan lamang. Si Jehova, halimbawa, ay hindi laging kakatawan sa pangalan ng Diyos; isinasagawa rin ng Diyos ang Kanyang gawain sa ilalim ng pangalan na Jesus, na isang simbolo ng kung paanong patuloy ang pag-unlad nang pasulong ng gawain ng Diyos.

Ang Diyos ay mananatiling Diyos, at hindi kailanman magiging si Satanas; si Satanas ay mananatiling si Satanas, at hindi kailanman magiging Diyos. Ang karunungan ng Diyos, ang Kanyang pagiging kamangha-mangha, ang Kanyang katuwiran at Kanyang kadakilaan ay hindi kailanman magbabago. Ang Kanyang sangkap at kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay hindi kailanman magbabago. Subalit, ang Kanyang gawain, ay palaging umuunlad pasulong, laging lumalalim, dahil ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma. Sa bawat kapanahunan nagkakaroon ng bagong pangalan ang Diyos, sa bawat kapanahunan Siya’y nagsasagawa ng mga bagong gawain, at sa bawat kapanahunan ay hinahayaan Niyang makita ng bawat nilalang ang bago Niyang kalooban at bago Niyang disposisyon. Kung hindi makikita ng mga tao ang paghahayag ng bagong disposisyon ng Diyos sa bagong kapanahunan, hindi ba nila ipapako Siya magpakailanman sa krus? At sa paggawa nito, hindi ba’t binibigyang kahulugan nila ang Diyos? Kung Siya ay nagkatawang-tao lamang bilang isang lalaki, ituturing Siya ng mga tao bilang isang lalaki, bilang Diyos ng mga lalaki, at hindi Siya kailanman paniniwalaan bilang Diyos ng mga babae. Kung gayon, paniniwalaan ng mga lalaki na ang Diyos ay mayroong kaparehong kasarian gaya ng mga lalaki, na ang Diyos ay ang pinuno ng mga lalaki—at paano naman ang sa mga babae? Ito ay hindi makatarungan; hindi ba ito pagtratong may pagtatangi? Kung magkagayunman, kung gayon lahat silang iniligtas ng Diyos ay magiging mga lalaki kagaya Niya, at walang magiging kaligtasan para sa mga babae. Nang nilalang ng Diyos ang sangkatauhan, nilikha Niya si Adan at nilikha Niya si Eba. Hindi lamang Niya nilikha si Adan, ngunit kapwa ginawa ang lalaki at babae sa Kanyang larawan. Ang Diyos ay hindi lamang Diyos ng mga lalaki—Siya ay Diyos din ng mga babae. Ang Diyos ay gumagawa ng bagong gawain sa mga huling araw. Ibubunyag Niya ang mas marami sa Kanyang disposisyon, at hindi ito magiging habag at pag-ibig sa panahon ni Jesus. Yamang mayroon Siyang bagong gawain, ang bagong gawaing ito ay sasabayan ng isang bagong disposisyon. Kung ang gawaing ito ay ginawa ng Espiritu—kung ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao, at sa halip ang Espiritu ay nagsalita sa pamamagitan ng kulog para walang paraan ang tao na makipag-ugnayan sa Kanya, malalaman ba ng tao ang Kanyang disposisyon? Kung ang Espiritu lamang ang gumawa ng gawain, kung gayon ang tao ay hindi magkakaroon ng paraan na makilala ang Kanyang disposisyon. Maaari lamang makita ng mga tao ang disposisyon ng Diyos gamit ang kanilang sariling mga mata nang Siya ay nagkatawang- tao, nang ang Salita ay nagpakita sa katawang-tao, at ipinapahayag Niya ang Kanyang kabuuang disposisyon sa pamamagitan ng katawang-tao. Ang Diyos ay tunay na nabubuhay kasama ng tao. Siya ay nasasalat; tunay na maaaring makibahagi ang tao sa Kanyang disposisyon at sa kung anong mayroon at ano Siya; sa paraang ito lamang Siya tunay na makikilala ng tao. Kasabay nito, nakumpleto na rin ng Diyos ang gawain ng Diyos bilang Diyos ng kapwa mga lalaki at mga babae, at natamo na ang kabuuan ng Kanyang gawain sa laman. Hindi inuulit ng Diyos ang Kanyang gawain sa bawat bagong kapanahunan. Simula nang dumating na ang mga huling araw, isasagawa Niya ang mga gawain ng mga huling araw, at ibubunyag ang Kanyang buong disposisyon sa mga huling araw. Ang mga huling araw ay nakahiwalay na kapanahunan, iyon ay kung saan sinabi ni Jesus na nararapat kayong magdusa sa mga sakuna, at sumailalim sa mga lindol, taggutom, at mga salot, na magpapakita na ito ay bagong kapanahunan at hindi na ang lumang Kapanahunan ng Biyaya. Kung, katulad ng sinasabi ng mga tao na ang Diyos ay hindi kailanman nagbabago, ang Kanyang disposisyon ay mahabagin at mapagmahal, at mahal Niya ang mga tao gaya ng Kanyang sarili, at naghahandog Siya ng kaligtasan sa bawat tao at hindi sila kailanman kinasusuklaman, gayon magagawa ba Niyang maisakatuparan ang Kanyang gawain? Nang dumating si Jesus, ipinako Siya sa krus, at inialay Niya ang Kanyang sarili para sa lahat ng makasalanan sa pamamagitan ng pag-alay ng Kanyang sarili sa harap ng altar. Naisakatuparan na Niya ang gawain ng pagtubos at naihatid na ang Kapanahunan ng Biyaya sa katapusan nito, kaya ano ang magiging layunin ng pag-uulit sa mga gawain ng kapanahunang iyon sa mga huling araw? Hindi ba’t ang paggawa ng parehong bagay ay isang uri ng pagtanggi sa gawain ni Jesus? Kung hindi isinagawa ni Jesus ang gawain ng pagpapapako sa krus kapag Siya ay nakarating sa yugtong ito, ngunit Siya ay nanatiling mahabagin at mapagmahal, makakaya ba Niyang dalhin ang kapanahunang ito sa katapusan? Makakaya bang wakasan ng mahabagin at mapagmahal na Diyos ang kapanahunan? Sa pangwakas Niyang gawain sa pagwawakas ng kapanahunan, ang disposisyon ng Diyos ay ang pagkastigo at paghatol, na ibinubunyag ang lahat ng di-matuwid, at hayagang hinahatulan ang lahat ng tao, at ginagawang perpekto ang mga tunay na nagmamahal sa Kanya. Ang ganitong disposisyon lang ang makapaghahatid sa kapanahunang ito sa isang katapusan. Dumating na ang mga huling araw. Ang lahat ng bagay ay isasaayos ayon sa uri, at hahatiin sa iba’t ibang klase ayon sa kanilang kalikasan. Ito ang oras kung kailan ibubunyag ng Diyos ang katapusan at ang hantungan ng tao. Kapag hindi sumailalim sa pagkastigo at paghatol ang tao, gayon walang paraan upang ibunyag ang pagsuway at di-pagkamatuwid ng tao. Tanging sa pamamagitan lang ng pagkastigo at paghatol maibubunyag ang katapusan ng lahat. Ipinapakita lang ng tao ang kanilang tunay na kulay kapag sila ay nakakastigo at hinahatulan. Ang kasamaan ay ibabalik sa kasamaan, ang kabutihan ay ibabalik sa kabutihan, at ang tao ay isasaayos ayon sa uri. Sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol, ang katapusan ng lahat ng bagay ay maibubunyag, nang sa gayon ay maparusahan ang mga masasama at magantimpalaan ang mga mabubuti, at ang lahat ng tao ay nasa ilalim ng dominyon ng Diyos. Ang lahat ng gawain ay nangangailangan ng matuwid na pagkastigo at paghatol upang ito ay makamit. Dahil ang katiwalian ng tao ay naabot na ang rurok at ang kanyang pagsuway ay naging masyadong malala, tanging ang matuwid na disposisyon lang ng Diyos, na pangunahin ay isang pagkastigo at paghatol, at ibinunyag sa mga huling araw, ay maaaring baguhin at gawing ganap ang tao. Tanging ang disposisyong ito ang makapaglalantad ng kasamaan at gayon ay malubhang maparusahan ang lahat ng mga hindi matuwid. Samakatuwid, ang disposisyong ito ay nagtataglay ng kahalagahan ng kapanahunan, at ang pagbubunyag at pagpapakita ng Kanyang disposisyon ay para sa kapakanan ng gawain sa bawat bagong kapanahunan. Hindi ibinubunyag ng Diyos ang Kanyang disposisyon nang gayon-gayon lang at nang walang kabuluhan. Kung ang katapusan ng tao ay naibunyag sa mga huling araw, naghahandog pa rin ang Diyos sa tao ng walang hanggang awa at pagmamahal, at kapag Siya ay mapagmahal pa rin sa mga tao, at hindi Niya hinahayaang sumailalim ang tao sa makatuwirang paghatol, kundi Siya’y nagpapamalas ng pagpaparaya, pagtitiis at pagpapatawad, kapag patuloy pa rin Siyang nagpapatawad sa tao anuman ang matinding kasalanang nagagawa niya, na walang makatuwirang paghatol, magwawakas ba ang lahat ng pamamahala ng Diyos? Kailan magagawang mapangunahan ng ganitong disposisyon ang sangkatauhan patungo sa tamang hantungan? Ipagpalagay, halimbawa, ang isang hukom na mapagmahal, mabuti at magiliw. Mahal niya ang mga tao sa kabila ng kanilang mga nagawang kasalanan, at siya ay mapagmahal at mapagparaya sa sinumang tao. Kailan niya makakayang abutin ang makatuwirang pasiya? Sa mga huling araw, tanging ang makatuwirang paghatol lang ang makapag-uuri sa tao at makapagdadala sa kanila sa bagong mundo. Sa paraang ito, ang buong kapanahunan ay maihahatid sa isang katapusan sa pamamagitan ng makatuwirang disposisyon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos.

Ang gawain ng Diyos sa kabuuan ng Kanyang pamamahala ay lubos na malinaw: Ang Kapanahunan ng Biyaya ay ang Kapanahunan ng Biyaya, at ang mga huling araw ay ang mga huling araw. Mayroong mga malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng bawat kapanahunan, dahil sa bawat kapanahunan ay nagsasagawa ang Diyos ng gawain na kumakatawan sa kapanahunang iyon. Para magawa ang gawain sa mga huling araw, dapat ay may pagsunog, paghatol, pagkastigo, poot, at pagkawasak upang matapos na ang kapanahunan. Ang mga huling araw ay tumutukoy sa pangwakas na kapanahunan. Sa pangwakas na kapanahunan, hindi ba tatapusin ng Diyos ang kapanahunan? Upang mawakasan ang kapanahunan, dapat dalhin ng Diyos ang pagkastigo at paghatol. Tanging sa ganitong paraan na mawawakasan Niya ang kapanahunan. Ang layunin ni Jesus ay upang magpatuloy ang tao sa pag-iral, pamumuhay, at ang umiral sa mas maayos na paraan. Iniligtas Niya ang tao mula sa kasalanan nang sa gayon ay tumigil ang tao sa paglusong sa kasamaan at hindi na mamuhay pa sa Hades at impyerno, at sa pagligtas sa tao mula sa Hades at impyerno, hinayaan Niyang magpatuloy na mabuhay ang tao. Ngayon, ang mga huling araw ay dumating na. Lilipulin Niya ang tao at wawasakin nang lubusan ang sangkatauhan, na nangangahulugang babaguhin Niya ang pagkamasuwayin ng sangkatauhan. Sa gayon, magiging imposible, sa mahabagin at mapagmahal na disposisyon sa nakaraan, na wakasan ng Diyos ang kapanahunan o maisakatuparan ang anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos. Ang bawat kapanahunan ay nagtatampok ng natatanging pagkatawan sa disposisyon ng Diyos, at ang bawat kapanahunan ay naglalaman ng mga gawain na nararapat isagawa ng Diyos. Kaya, ang gawaing ginawa ng Diyos Mismo sa bawat kapanahunan ay naglalaman ng pagpapahayag ng Kanyang tunay na disposisyon, at ang Kanyang pangalan at ang isinasagawa Niyang gawain ay parehong nagbabago kasabay ng kapanahunan; ang lahat ng ito ay bago. Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang gawain ng paggabay sa sangkatauhan ay isinagawa sa ilalim ng pangalan ni Jehova, at ang unang yugto ng gawain ay isinagawa sa lupa. Ang gawain sa yugtong ito ay upang magtatag ng mga templo at dambana, at upang gamitin ang kautusan upang gabayan ang mga tao sa Israel at gumawa sa kalagitnaan nila. Sa pamamagitan ng paggabay sa mga tao sa Israel, Siya ay nagtatag ng himpilan para sa Kanyang gawain sa lupa. Sa himpilang ito, pinalawak Niya ang Kanyang gawain lampas ng Israel, samakatuwid, mula sa Israel, pinalawak Niya ang Kanyang gawain palabas, nang sa gayon ang mga susunod na salinlahi ay unti-unting malaman na si Jehova ay ang Diyos, at na nilikha ni Jehova ang langit at ang lupa at ang lahat ng bagay, nilikha ang lahat ng nilalang. Ipinalaganap Niya ang Kanyang gawain sa mga tao sa Israel. Ang lupain ng Israel ang pinakaunang banal na lugar ng mga gawain ni Jehova sa lupa, at ang mga unang gawain ng Diyos sa lupa ay sa lahat ng dako ng lupain ng Israel. Iyon ang mga gawain sa Kapanahunan ng Kautusan. Sa gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, si Jesus ang Diyos na nagligtas sa tao. Kung ano Siya at kung ano ang Kanyang taglay ay biyaya, pag-ibig, awa, pagtitiis, tiyaga, kababaang-loob, pag-aalaga, at pagpaparaya, at marami sa mga gawaing Kanyang isinagawa ay ang pagtubos sa tao. At para sa Kanyang disposisyon, ito ay isang may awa at pagmamahal, dahil Siya ay maawain at mapagmahal, kinailangan Niyang maipako sa krus para sa tao, nang sa gayon ay maipakita Niya na mahal ng Diyos ang tao gaya ng Kanyang sarili, sa lawak na inialay Niya ang Kanyang sarili sa Kanyang kabuuan. Sinabi ni Satanas, “Yamang iniibig Mo ang tao, dapat Mo siyang ibigin hanggang sa pinakasukdulan: dapat Kang maipako sa krus, upang iligtas ang tao mula sa krus, mula sa kasalanan, at ihahandog Mo ang Iyong Sarili kapalit ng buong sangkatauhan.” Ginawa ni Satanas ang sumusunod na pusta: “Yamang Ikaw ay isang maibigin at mahabaging Diyos, dapat Mong ibigin ang tao hanggang sa pinakasukdulan: dapat Mong ihandog ang Iyong Sarili sa krus.” Sinabi ni Jesus, “Hangga’t ito ay para sa sangkatauhan, kung gayon Ako ay nakahanda na isuko ang lahat sa Akin.” Pagkatapos nito, Siya ay umakyat sa krus nang walang pag-aatubili at tinubos ang buong sangkatauhan. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang pangalan ng Diyos ay Jesus, na nangangahulugan na ang Diyos ay ang Diyos na nagligtas sa tao, at Siya ay isang maawain at mapagmahal na Diyos. Kasama ng tao ang Diyos. Ang Kanyang pagmamahal, ang Kanyang awa, at ang Kanyang kaligtasan ay naging kapiling ng bawat tao. Ang tao ay maaari lang magkamit ng kapayapaan at kagalakan, makatanggap ng Kanyang pagpapala, makatanggap ng Kanyang marami at malawak na biyaya, at matanggap ang Kanyang kaligtasan kung tinanggap ng tao ang Kanyang pangalan at tinanggap ang Kanyang presensiya. Sa pamamagitan ng pagkakapako ni Jesus sa krus, ang siyang mga sumunod sa Kanya ay nakatanggap ng kaligtasan at pinatawad sa kanilang mga kasalanan. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang pangalan ng Diyos ay Jesus. Sa madaling salita, ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya ay isinagawa una sa lahat sa ilalim ng pangalan ni Jesus. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos ay tinawag na Jesus. Gumawa Siya ng gawain na higit pa sa Lumang Tipan, at ang Kanyang gawain ay natapos sa pagpapapako sa krus, at iyon ang kabuuan ng Kanyang gawain. Samakatuwid, sa Kapanahunan ng Kautusan, Jehova ang pangalan ng Diyos, at sa Kapanahunan ng Biyaya, ang pangalan ni Jesus ay kumatawan sa Diyos. Sa mga huling araw, ang Kanyang pangalan ay Makapangyarihang Diyos—ang Makapangyarihan sa lahat, na gumagamit sa Kanyang kapangyarihan upang gabayan ang tao, lupigin ang tao at makamit ang tao, at sa huli, wakasan ang kapanahunan. Sa bawat kapanahunan, sa bawat yugto ng Kanyang gawain, ang disposisyon ng Diyos ay kapansin-pansin.

Sa pasimula, ang paggabay sa tao sa Kapanahunan ng Kautusan ng Lumang Tipan ay kagaya ng paggabay sa buhay ng isang bata. Ang pinakaunang sangkatauhan ay bagong silang kay Jehova, na siyang mga Israelita. Hindi nila naunawaan kung paano igalang ang Diyos o mabuhay sa lupa. Iyon ay upang sabihin, nilikha ni Jehova ang sangkatauhan, iyon ay, nilikha Niya si Adan at Eba, ngunit hindi Niya sila binigyanng mga kaisipan upang maunawaan kung paano igalang si Jehova o kung paano sundin ang mga batas ni Jehova sa lupa. Kung wala ang tuwirang paggabay ni Jehova, walang sinuman ang makaaalam nito nang tuwiran, sapagkat sa pasimula hindi tinaglay ng tao ang gayong mga kaisipan. Alam lamang ng mga tao na si Jehova ay Diyos, at hindi nagkaroon ng ideya kung paano Siya igalang, kung ano ang gagawin upang Siya ay igalang, sa kung anong kaisipan Siya igagalang, at kung ano ang ihahandog sa paggalang sa Kanya. Alam lamang ng mga tao kung paano tamasahin yaong maaaring tamasahin sa gitna ng lahat ng mga bagay na nilikha ni Jehova. Walang kamalayan ang tao sa kung anong uri ng buhay sa lupa ang naaangkop sa isang nilalang ng Diyos. Kung walang mga tagubilin, walang sinuman na gagabay sa kanila nang personal, ang gayong sangkatauhan ay hindi kailanman maaaring humantong sa isang tamang buhay, at mabibihag lamang nang palihim ni Satanas. Nilikha ni Jehova ang sangkatauhan, iyon ay upang sabihin na nilikha Niya ang mga ninuno ng sangkatauhan: Si Eba at Adan. Ngunit hindi Niya ipinagkaloob sa kanila ang karagdagang talino at karunungan. Bagamat sila ay naninirahan na sa lupa, halos wala silang anumang nauunawaan. At kaya, ang gawain ni Jehova sa paglikha sa sangkatauhanay nangalahati lamang. Hindi ito tapos sa anumang paraan. Hinubog lamang Niya ang isang modelo ng tao mula sa putik at binigyan Niya ito ng hininga, ngunit hindi ipinagkaloob sa tao ang sapat na kahandaan upang igalang Siya. Sa pasimula, ang tao ay walang balak na igalang Siya, o matakot sa Kanya.Ang alam lamang ng tao ay ang makinig sa Kanyang mga salita ngunit mangmang sa pangunahing kaalaman para sa buhay sa lupa at sa mga wastong patakaran sa buhay. At kaya, bagamat nilikha ni Jehova ang lalaki at babae at tinapos ang pitong araw ng proyekto, hindi Niya ganap na nabuo ang tao, sapagkat ang tao ay isa lamang ipa, at hindi tunay na isang tao. Ang alam lamang ng tao ay si Jehova ang lumikha sa sangkatauhan, ngunit walang kamalayan ang tao kung paano sumunod sa mga salita at mga batas ni Jehova. At kaya, pagkatapos ng paglikha sa sangkatauhan, ang gawain ni Jehova ay matagal pa bago magtapos. Kinailangan din Niyang gabayan ang sangkatauhan sa harap Niya kaya nagawang mamuhay ng sangkatauhan nang magkakasama sa lupa at igalang Siya, at upang ang sangkatauhan ay makapasok sa tamang landas ng isang wastong buhay ng tao sa lupa pagkatapos na ginabayan Niya. Sa gayon lamang ganap na nabuo ang gawain na pangunahing isinagawa sa ilalim ng pangalan ni Jehova; iyon ay, sa gayon lamang ganap na natapos ang gawain ni Jehova sa paglikha sa mundo. At kaya, yamang nilikha Niya ang sangkatauhan, kinailangan Niyang gabayan ang buhay ng sangkatauhan sa lupa sa loob ng ilang libong taon, upang magawang sumunod ng sangkatauhan sa Kanyang mga kautusan at mga batas, at makibahagi sa lahat ng mga gawain ng isang wastong buhay ng tao sa lupa. Sa gayon lamang ganap na natapos ang gawain ni Jehova. Sinimulan Niya ang gawaing ito matapos Niyang likhain ang sangkatauhan, at ang kanyang gawain ay nagpatuloy hanggang sa panahon ni Jacob, nang ang labindalawang anak na lalaki ni Jacob ay naging labindalawang lipi ng Israel. Mula sa panahong iyon pasulong, ang bawat isa sa Israel ay naging mga taona pinangunahan Niya nang opisyal sa lupa, at ang Israel ang naging partikular na lugar sa lupa kung saan Niya ginawa ang Kanyang gawain. Ginawa ni Jehova ang mga taong ito na unang grupo ng mga tao kung kanino Niya ginawa ang kanyang opisyal na gawain sa lupa, at ginawang panimulang punto ang kabuuang bayan ng Israel para sa Kanyang gawain. Ginamit Niya sila bilang panimula ng lalong higit na dakilang gawain, upang malaman ng lahat ng mga taong isinilang mula sa Kanya sa lupakung paano Siya igalang ay mabuhay sa lupa. At kaya, ang mga gawa ng mga Israelita ay naging isang halimbawa para sundan ng mga Gentil, at kung ano ang sinabi sa kalipunan ng mga tao sa Israel ay naging mga salita na diringgin ng mga Gentil. Sapagkat sila ang unang nakatanggapsa mga batas at mga utosni Jehova, at sila din ang unang nakaalam kung paano igalang ang mga pamamaraan ni Jehova. Sila ang mga ninunong tao na nakaalam sa mga pamamaraan ni Jehova, at mga kinatawan ng sangkatauhan na pinili ni Jehova. Nang ang Kapanahunan ng Biyaya ay dumating, hindi na ginabayan ni Jehova ang tao sa ganitong paraan. Ang tao ay nagkasala at iniwan ang sarili niya sa kasalanan, at Kaya sinimulan Niyang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Sa ganitong paraan, sinisi Niya ang tao hanggang sa ang tao ay ganap nang maligtas mula sa kasalanan. Sa kasalukuyan, ang tao ay lumubog sa gayong kasamaan na ang gawain sa yugtong ito ay maipatutupad lamang sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo. Sa ganitong paraan lamang maisasakatuparan ang gawain. Ito ang naging gawain sa ilang mga kapanahunan. Kaakibat ng gayong gawain ang paggamit sa pangalan ng Diyos, ang gawain ng Diyos, at ang iba’t-ibang mga larawan ng Diyos, upang hatiin at ilipat ang mga kapanahunan. Kinakatawan ng pangalan ng Diyos at ng Kanyang gawain ang Kanyang kapanahunan at kinakatawan ang Kanyang gawain sa bawat kapanahunan. Kung sakaling palaging pareho ang gawain ng Diyos sa bawat kapanahunan, at Siya ay palaging tinatawag sa parehong pangalan, paano Siya makikilala ng tao? Ang Diyos ay nararapat na tawaging Jehova, at maliban sa Diyos na tinatawag na Jehova, ang isang tinatawag sa anumang ibang pangalan ay hindi Diyos. Kung hindi, ang Diyos ay maaari lang tawaging Jesus, at ang Diyos ay hindi maaaring tawagin sa ibang mga pangalan maliban sa Jesus; maliban kay Jesus, hindi Diyos si Jehova, at ang Makapangyarihang Diyos ay hindi rin Diyos. Naniniwala ang tao na ang Diyos ay tunay na makapangyarihan, ngunit ang Diyos ay isang Diyos na kapiling ang tao, nararapat Siyang tawaging Jesus, dahil ang Diyos ay kapiling ang tao. Ang gawin ito ay pagsunod sa doktrina at pagkulong sa Diyos sa isang saklaw. Kaya, ang gawain na isinasagawa ng Diyos sa bawat kapanahunan, ang pangalan kung saan Siya ay tinatawag, at ang anyong Kanyang kinukuha—ang gawain na Kanyang ginagawa sa bawat yugto hanggang ngayon—ang mga ito ay hindi sumusunod sa iisang alituntunin, at hindi sumasailalim sa anumang paghihigpit. Siya ay si Jehova, ngunit Siya rin ay si Jesus, gayundin ang Mesiyas, at ang Makapangyarihang Diyos. Ang Kanyang gawain ay maaaring sumailalim sa unti-unting pagbabago, nang may mga katumbas na pagbabago sa Kanyang pangalan. Walang iisang pangalan ang maaaring kumatawan nang ganap sa Kanya, ngunit ang lahat ng pangalan kung saan Siya ay tinatawag ay maaaring kumatawan sa Kanya, at ang gawain na Kanyang isinasagawa sa bawat kapanahunan ay kumakatawan sa Kanyang disposisyon. Sabihing, kapag dumating ang mga huling araw, ang Diyos na iyong pinagmamasdan ay si Jesus pa rin, Siya ay nakasakay pa sa isang puting ulap, at Siya pa rin ay nagtataglay ng anyo ni Jesus, at ang mga salitang Kanyang binibitawan ay ang mga salita pa rin ni Jesus: “Ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili, ikaw ay mag-ayuno at manalangin, ibigin mo ang iyong mga kaaway katulad ng iyong pagmamahal sa iyong sariling buhay, magtiis ka sa iyong kapwa, at maging mapagpaumanhin at mapagpakumbaba. Kailangan ninyong gawin ang lahat nito. Kung magkagayo’y tunay nga kayong mga alagad Ko.” At kapag ginawa mo ang lahat ng ito, maaari kang pumasok sa Aking kaharian, hindi ba’t ito ay nabibilang sa gawain ng Kapanahunan ng Biyaya? Hindi ba’t ang Kanyang sinasabi ay ang daan ng Kapanahunan ng Biyaya? Ano ang iyong mararamdaman kapag maririnig mo ang mga salitang ito? Hindi mo ba mararamdaman na ito ay gawain pa rin ni Jesus? Ito ba’y hindi pag-uulit sa Kanyang gawain? Makakahanap ba ng kasiyahan ang tao dito? Maaari ninyong maramdaman na ang gawain ng Diyos ay maaaring manatili lamang na katulad nang sa ngayon at hindi na higit na uunlad pa. Mayroon lang Siyang napakadakilang kapangyarihan, at wala nang bagong gawain na isasagawa, at narating na Niya ang hangganan ng Kanyang kapangyarihan. Dalawang libong taon na ang nakalipas bago ngayon ay ang Kapanahunan ng Biyaya, at matapos ang dalawang libong taon, ipinapangaral pa rin Niya ang paraan ng Kapanahunan ng Biyaya, at pinagsisisi pa rin ang mga tao. Ang mga tao ay magsasabi, “Dakila lamang ang Iyong kapangyarihan, O Diyos. Naniwala ako na Ikaw ay matalino, at gayunman ang alam Mo lamang ay magtimpi at inaalala lamang ang pagpapakumbaba, ang alam Mo lang ay ang magmahal sa Iyong kaaway at wala nang iba.” Sa isip ng tao, mananatili ang Diyos magpakailanman na katulad nang sa Kapanahunan ng Biyaya, at ang tao ay patuloy na maniniwalang ang Diyos ay mahabagin at mapagmahal. Sa tingin ba ninyo ang gawain ng Diyos ay mananatiling laging naglalakad sa parehas na lumang lupain? Kaya, sa yugtong ito ng Kanyang gawain, hindi Siya dapat ipako sa krus, at ang lahat ng inyong nakikita at nahahawakan ay hindi magiging katulad ng alinman sa inyong mga naisip o narinig. Sa kasalukuyan, ang Diyos ay hindi nakikibahagi sa mga Fariseo, pinananatili ang mundo sa kamangmangan, at kayo lamang mga tagasunod ang nakakikilala sa Kanya, sapagkat hindi na Siya muling ipapako sa krus. Sa Kapanahunan ng Biyaya, hayagang nangaral si Jesus sa buong bayan para sa kapakanan ng Kanyang ebanghelyong gawain. Nakibahagi Siya sa mga Fariseo para sa kapakanan ng pagkakapako sa krus; kung hindi Siya nakibahagi sa mga Fariseo at yaong mga nasa kapangyarihan ay hindi kailanman nakaalam ukol sa Kanya, paano nangyari na Siya ay hinatulan, at sa gayon ay ipinagkanulo at ipinako sa krus? At kaya, nakibahagi Siya sa mga Fariseo para sa kapakanan ng pagkakapako sa krus. Sa kasalukuyan, ginagawa Niya ang Kanyang gawain nang palihim para maiwasan ang tukso. Ang gawain, kabuluhan, at pagtatakda ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay magkaiba sa lahat, kaya paanong ganap na magkakapareho ang gawain na Kanyang ginawa?

Ang pangalang Jesus ba, “Diyos kasama natin,” ay maaaring kumatawan sa buong disposisyon ng Diyos? Maaari ba nitong malinaw na maipaliwanag ang Diyos? Kung ang tao ay nagsasabi na ang Diyos ay maaari lang tawaging Jesus, at hindi maaaring magkaroon ng iba pang pangalan dahil hindi maaaring baguhin ng Diyos ang Kanyang disposisyon, ang mga salitang iyon ay kalapastanganan sa Diyos! Naniniwala ka bang ang pangalang Jesus, Diyos kasama natin, ay maaaring kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan? Maaaring tawagin sa iba’t ibang pangalan ang Diyos, ngunit sa mga pangalang ito, walang kahit isa ang makakayang lumagom sa lahat ng mayroon ang Diyos, walang kahit isa na maaaring lubos na kumatawan sa Diyos. At kaya maraming pangalan ang Diyos, ngunit ang mga pangalang ito ay hindi maaaring ganap na maihayag ang disposisyon ng Diyos, dahil ang disposisyon ng Diyos ay napakamasagana at lumalampas sa karunungan ng tao. Ang wika ng tao ay walang kakayahan na ganap namabuod ang Diyos. Ang tao ay mayroong limitadong talasalitaankung saan aymaibubuod ang lahat ng kanyang nalalaman ukol sa disposisyon ng Diyos: dakila, kagalang-galang, mahiwaga, hindi maarok, pinakamataas, banal, matuwid, matalino, at marami pang iba. Masyadong maraming mga salita! Ang gayong kalimitadong talasalitaan ay walang kakayahan na mailarawan kung ano kaliit nasaksihan ng tao ukol sa disposisyon ng Diyos. Kinalaunan, maraming mga tao ang nagdagdag ng mga salita upang mas mahusay na mailarawan ang sigasig sa kanilang mga puso: Ang Diyos ay napakadakila! Ang Diyos ay napakabanal! Ang Diyos ay totoong kaibig-ibig! Sa kasalukuyan, ang mga kasabihang kagaya ng mga ito ay nakaabot sa kanilang sukdulan, ngunit ang tao ay wala pa ring kakayahan na malinaw na maipahayag ang Diyos. At kaya, para sa tao, ang Diyos ay mayroong maraming mga pangalan, ngunit wala Siyang isang pangalan, at iyon ay sapagkat ang pagiging Diyos ay masyadong masagana, at ang wika ng tao ay masyadong hindi sapat. Ang isang tukoy na salita o pangalan ay walang kapangyarihan upang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan. Kaya maaari bang gumamit ng iisang permanenteng pangalan? Ang Diyos ay napakadakila at banal, kaya bakit hindi mo Siya hinahayaang magpalit ng Kanyang pangalan sa bawat bagong panahon? Sa bawat panahon na personal na isinasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, gumagamit Siya ng pangalan na naaangkop sa panahon upang lagumin ang gawain na Kanyang isinasagawa. Ginagamit Niya ang tukoy na pangalang ito, ang isang nagtataglay ng kahalagahan sa panahon, upang kumatawan sa Kanyang disposisyon sa panahong iyon. Ginagamit ng Diyos ang wika ng tao upang maipahayag ang Kanyang sariling disposisyon. Gayunpaman, maraming tao na nagkaroon ng mga karanasang espirituwal at personal na nakita ang Diyos ay nakakaramdam pa rin na ang isang partikular na pangalan ay walang kakayanang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan—at napakalungkot niyan! Kaya hindi tinatawag ng tao ang Diyos sa anumang pangalan, at basta lamang tinatawag Siya na “Diyos.” Ang puso ng tao ay parang puno ng pag-ibig, nguni’t mukhang naliligid din ito ng mga pagkakasalungatan, dahil hindi alam ng tao kung paanong ipaliwanag ang Diyos. Kung ano ang Diyos ay napakasagana, talagang walang paraan ng paglalarawan dito. Walang nag-iisang pangalan na kayang ibuod ang disposisyon ng Diyos, at walang nag-iisang pangalan na kayang maglarawan ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos. Kung may magtatanong sa Akin, “Ano ba talaga ang pangalang ginagamit Mo?” Sasabihin Ko sa kanila, “ang Diyos ay Diyos!” Hindi ba iyan ang pinakamainam na pangalan para sa Diyos? Hindi ba iyan ang pinakamainam na paglagom sa disposisyon ng Diyos? Kaya bakit gugugol ng napakatinding pagsisikap sa paghahanap sa pangalan ng Diyos? Bakit nag-iisip nang napakatindi, hindi kumakain at natutulog, para lamang sa isang pangalan? Darating ang araw na ang Diyos ay hindi na tatawaging Jehova, Jesus, o ang Tagapagligtas—Siya ay tatawagin lamang na Manlilikha. Sa oras na iyon, ang lahat ng mga pangalan na Kanyang ginamit sa lupa ay magtatapos, dahil ang Kanyang gawain sa lupa ay matatapos na rin, pagtapos nito, hindi na Siya magkakaroon ng pangalan. Kapag ang lahat ng tao ay sumailalim sa dominyon ng Manlilikha, bakit Siya tatawagin sa labis na naaangkop ngunit hindi ganap na pangalan? Hinahanap mo pa rin ba ang pangalan ng Diyos ngayon? Tinatangka mo pa rin bang sabihin na ang Diyos ay tinatawag lang na Jehova? Tinatangka mo pa rin bang sabihin na ang Diyos ay tinatawag lang na Jesus? Makakaya mo bang matiis ang kasalanan ng kalapastanganan sa Diyos? Nararapat mong malaman na ang Diyos sa simula ay walang pangalan. Gumamit lang Siya ng isa o dalawa, o maraming pangalan dahil mayroon Siyang gawaing kailangang isagawa at pamahalaan ang sangkatauhan. Kahit anuman ang tawag sa Kanya, hindi ba’t ito ay Kanyang pinili nang malaya? Kailangan ka ba Niya, isang nilalang, upang pagpasyahan ito? Ang pangalan kung saan tinatawag ang Diyos ay ayon sa kung ano ang nauunawaan ng tao at ang wika ng tao, ngunit ang pangalang ito ay di kayang lagumin ng tao. Maaari mo lang sabihin na mayroong Diyos sa langit, at Siya ay tinatawag na Diyos, at Siya ang Diyos Mismo na makapangyarihan, labis na matalino, labis na mataas, labis na kamangha-mangha, labis na mahiwaga, labis na makapangyarihan, at wala ka nang masasabi pang iba; iyon lang ang inyong nalalaman. Sa paraang ito, maaari bang kumatawan ang pangalan ni Jesus sa Diyos Mismo? Kapag dumating na ang mga huling araw, kahit na ang Diyos pa rin ang nagsasagawa ng Kanyang gawain, kailangang magbago ang Kanyang pangalan, dahil ito ay panibagong panahon na.

Ang Diyos ang pinakadakila sa buong sansinukob, kaya lubos ba Niyang maipaliliwanag ang Kanyang Sarili gamit ang imahe ng isang laman? Ang Diyos ay nagkatawang-tao para gawin ang isang yugto ng Kanyang gawain. Walang kabuluhan sa imahe ng laman, at wala itong kaugnayan sa paglipas ng mga kapanahunan, at walang anumang kinalaman sa disposisyon ng Diyos. Bakit hindi pinahintulutan ni Jesus na manatili ang Kanyang imahe? Bakit hindi Niya hinayaan ang tao na iguhit ang Kanyang imahe para ito ay maipasa sa susunod na mga salinlahi? Bakit hindi Niya pinahintulutan ang mga tao na kilalanin na ang Kanyang larawan ay ang larawan ng Diyos? Bagamat ang imahe ng tao ay nilikha sa larawan ng Diyos, paanong kinakatawan ng anyo ng tao ang marangal na larawan ng Diyos? Nang ang Diyos ay nagkatawang-tao, basta na lamang Siya bumaba mula sa langit sa isang partikular na katawang-tao. Ang Kanyang Espiritu ay bumaba sa isang katawang-tao, sa pamamagitan nito Niya ginagawa ang gawain ng Espiritu. Ang Espiritu ay ipinahahayag sa katawang-tao, at ginagawa ng Espiritu ang Kanyang gawain sa katawang-tao. Lubos na kinakatawan ng gawaing ginawa sa katawang-tao ang Espiritu, at ang katawang-tao ay para sa kapakanan ng gawain, ngunit hindi niyon magagawang ipalit sa larawan ng katawang-tao para sa tunay na larawan ng Diyos Mismo; hindi ito ang layunin at kabuluhan ng Diyos na nagkatawang-tao. Siya ay naging katawang-tao lamang upang magkaroon ang Espiritu ng isang angkop na matitirhan kapag ginagawa ang Kanyang gawain, para maaari Niyang matamo ang Kanyang gawain sa katawang-tao—upang makita ng mga tao ang Kanyang gawain, makipag-ugnayan sa Kanyang disposisyon, pakinggan ang Kanyang mga salita, at malaman ang himala ng Kanyang gawain. Kinakatawan ng Kanyang pangalan ang Kanyang disposisyon, kinakatawan ng Kanyang gawain ang Kanyang pagkakakilanlan, ngunit hindi Niya kailanman sinabi na kinakatawan ng Kanyang anyo sa katawang-tao ang Kanyang larawan; yaon ay isa lamang paniwala ng tao. At kaya, ang pinakamahalagang mga punto ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay Kanyang pangalan, ang Kanyang gawain, ang Kanyang disposisyon, at ang Kanyang kasarian. Ginagamit Niya ang mga ito upang kumatawan sa Kanyang pamamahala sa kapanahunang ito. Ang Kanyang anyo sa katawang-tao ay walang kinalaman sa Kanyang pamamahala, at para sa kapakanan lamang ng Kanyang gawain sa panahong yaon. Ngunit imposible para sa Diyos na nagkatawang-tao na hindi magkaroon ng partikular na anyo, at kaya pinipili Niya ang angkop na sambahayan upang pagpasyahan ang Kanyang anyo. Kung ang anyo ng Diyos ay mayroong kinatawang kabuluhan, kung gayon ang lahat ng mga iyon na nagtataglay ng kaparehong mga katangiang pangmukha sa Kanya ay kumakatawan din sa Diyos. Hindi ba iyon isang napakalaking pagkakamali? Ang larawan ni Jesus ay iginuhit ng tao upang ang tao ay maaaring sumamba sa Kanya. Sa panahong iyon, walang natatanging mga tagubilin na inilaan ang Banal na Espiritu, at kaya ipinasa ng tao ang larawan hanggang sa kasalukuyan. Sa katunayan, alinsunod sa layunin ng Diyos, hindi ito dapat ginawa ng tao. Tanging ang sigasig ng tao ang naging sanhi na manatili ang larawan ni Jesus hanggang sa kasalukuyan. Ang Diyos ay Espiritu, at hindi kailanman makakaya ng tao na mabuo nang eksakto kung ano ang Kanyang larawan. Ang Kanyang larawan ay maaari lamang katawanin ng Kanyang disposisyon. Hindi mo magagawang buuin ang anyo ng Kanyang ilong, ng Kanyang bibig, ng Kanyang mga mata, at ng Kanyang buhok. Nang dumating ang pagbubunyag kay Juan, nakita niya ang larawan ng Anak ng tao: Mula sa Kanyang bibig ay isang matalas na espada na mayroong magkabilang talim, ang Kanyang mga mata ay kagaya ng ningas ng apoy, ang Kanyang ulo at buhok ay puting kagaya ng lana, ang Kanyang mga paa ay parang pinakintab na tanso, at mayroong isang ginintuang laso sa palibot ng Kanyang dibdib. Bagamat ang Kanyang mga salita ay napakatingkad, ang larawan ng Diyos na Kanyang inilarawan ay hindi ang larawan ng isang nilalang. Ang kanyang nakita ay isang pangitain lamang, at hindi ang larawan ng isang tao mula sa materyal na mundo. Si Juan ay nakakita ng isang pangitain, ngunit hindi niya nasaksihan ang tunay na anyo ng Diyos. Ang larawan ng Diyos na nagkatawang-tao ay ang larawan ng isang paglikha, at may kakayahan ito na kumatawan sa disposisyon ng Diyos sa kabuuan nito. Nang nilikha ni Jehova ang sangkatauhan, Kanyang sinabi na Kanyang ginawa ito sa Kanyang larawan at nilikha ang lalaki at babae. Sa panahong iyon, Kanyang sinabi na Kanyang ginawa ang lalaki at babae sa larawan ng Diyos. Bagamat ang larawan ng tao ay nakakahawig ng larawan ng Diyos, hindi nangangahulugan na ang anyo ng tao ay ang larawan ng Diyos. Hindi mo maaaring gamitin ang wika ng tao upang ganap na gawing ehemplo ang larawan ng Diyos, sapagkat ang Diyos ay napakarangal, napakadakila, napakahiwaga at hindi maaarok!

Nang dumating si Jesus upang isagawa ang Kanyang gawain, ito ay sa ilalim ng gabay ng Banal na Espiritu; ginawa Niya ang kagustuhan ng Banal na Espiritu, at ito ay hindi ayon sa Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan o ayon sa gawain ni Jehova. Bagama’t ang gawain na isinagawa ni Jesus ay hindi para sa pagsunod sa mga batas ni Jehova o sa mga kautusan Niya, ang Kanilang pinagmulan ay iisa at pareho lang. Ang gawain na isinagawa ni Jesus ay kumatawan sa pangalan ni Jesus, at kumatawan ito sa Kapanahunan ng Biyaya; para sa gawain na isinagawa ni Jehova, ito ay kumatawan kay Jehova, at kumatawan sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang Kanilang gawain ay gawain ng isang Espiritu sa dalawang magkaibang kapanahunan. Ang gawain na isinagawa ni Jesus ay maaari lang kumatawan sa Kapanahunan ng Biyaya, at ang gawain na isinagawa ni Jehova ay maaari lang kumatawan sa Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan. Ginabayan lang ni Jehova ang mga tao sa Israel at Ehipto, at lahat ng mga bansa sa labas ng Israel. Ang gawain ni Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya sa Bagong Tipan ay gawain ng Diyos sa ilalim ng pangalan ni Jesus habang Kanyang ginagabayan ang panahon. Kung sinasabi mo na ang gawain ni Jesus ay batay sa gawain ni Jehova, na hindi Siya nagsagawa ng anumang bagong gawain, at ang lahat ng Kanyang ginawa ay ayon lang sa mga salita ni Jehova, ayon sa gawain ni Jehova at mga hula ni Isaias, kung gayon si Jesus ay hindi ang Diyos na naging tao. Kung isinagawa Niya ang Kanyang gawain sa paraang ito, isa Siya sanang apostol o isang manggagawa ng Kapanahunan ng Kautusan. Kung katulad ito ng iyong sinasabi, hindi sana nagbukas ng isang kapanahunan si Jesus, ni hindi Siya sana nakapagsagawa ng kahit anong ibang gawain. Sa parehong paraan, ang Banal na Espiritu ay kailangan paunang isagawa ang Kanyang gawain sa pamamagitan ni Jehova, at maliban sa pamamagitan ni Jehova ang Banal na Espiritu ay hindi sana nagsagawa ng anumang bagong gawain. Mali para sa tao na unawain ang gawain ni Jesus sa ganitong paraan. Kung naniniwala ang tao na ang gawaing isinagawa ni Jesus ay ayon sa mga salita ni Jehova at mga hula ni Isaias, kung gayon, si Jesus ba ang Diyos na nagkatawang-tao, o isa ba Siya sa mga propeta? Ayon sa pananaw na ito, wala ang Kapanahunan ng Biyaya, at hindi si Jesus ang pagkakatawang-tao ng Diyos, dahil ang gawain na Kanyang isinagawa ay hindi maaaring kumatawan sa Kapanahunan ng Biyaya at maaaring kumatawan lang sa Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan. Nagkaroon lamang ng bagong kapanahunan noong pumarito si Jesus upang gumawa ng bagong gawain, upang maglunsad ng isang bagong kapanahunan, upang isulong ang gawain na isinagawa noon sa Israel, at upang isagawa ang Kanyang gawain hindi ayon sa gawaing isinagawa ni Jehova sa Israel, o sa luma Niyang mga tuntunin, o sa pagsunod sa anumang mga tuntunin, kundi upang isagawa ang bagong gawain na dapat Niyang gawin. Ang Diyos Mismo ay pumaparito upang buksan ang isang bagong kapanahunan, at pumaparito ang Diyos Mismo upang wakasan ang kapanahunan. Walang kakayahan ang tao na isagawa ang gawain ng pagsisimula ng isang kapanahunan at pagwawakas ng isang kapanahunan. Kung hindi tinapos ni Jesus ang gawain ni Jehova, ito ay magpapatunay na Siya ay tao lamang, at walang kakayanang kumatawan sa Diyos. Tiyak na dahil pumarito si Jesus at winakasan ang gawain ni Jehova, ipinagpatuloy ang gawain ni Jehova sa pamamagitan ng pagsisimula ng Kanyang sariling gawain, bagong gawain, ito ay nagpapatunay na isa itong bagong kapanahunan, at na si Jesus ay Diyos Mismo. Sila ay nagsagawa ng dalawang magkaibang yugto ng gawain. Ang isang yugto ay isinagawa sa templo, at ang isa ay isinagawa sa labas ng templo. Ang isang yugto ay upang pangunahan ang buhay ng tao ayon sa kautusan, at ang isa ay upang maghandog ng alay para sa mga kasalanan. Ang dalawang yugto ng gawain na ito ay hindi maipagkakaila na magkaiba; ito ang humahati sa bagong kapanahunan mula sa luma, at walang mali sa pagsasabi na ang mga ito ay dalawang magkaibang panahon! Ang lokasyon ng Kanilang mga gawain ay magkaiba, ang nilalaman ng Kanilang gawain ay magkaiba, at ang layunin ng Kanilang gawain ay magkaiba. Sa gayon, maaaring hatiin ang mga ito sa dalawang kapanahunan: ang Bago at Lumang Tipan, na ibig sabihin, ang bago at ang lumang mga kapanahunan. Nang si Jesus ay dumating hindi Siya nagpunta sa templo, na nagpapatunay na ang kapanahunan ni Jehova ay nagwakas. Hindi Siya pumasok sa templo sapagkat ang gawain ni Jehova sa templo ay tapos na, at hindi na kailangang gawing muli, at kaya para gawin itong muli ay uulitin ito. Sa pag-alis lamang sa templo, sa pagsisimula ng isang bagong gawain at sa pagbubukas ng isang landas sa labas ng templo, nagawa Niyang dalhin ang gawain ng Diyos sa kasukdulan nito. Kung hindi Siya lumabas ng templo upang gawin ang Kanyang gawain, ang gawain ng Diyos ay hindi makauusad nang lampas sa templo, at walang magiging anumang mga pagbabago kailanman. At kaya, nang dumating si Jesus Siya ay hindi pumasok sa templo, at hindi Niya ginawa ang Kanyang gawain sa templo. Ginawa Niya ang Kanyang gawain sa labas ng templo, at nagpatuloy sa Kanyang gawain nang may kalayaan kasama ng mga disipulo. Ang pag-alis ng Diyos mula sa templo para gawin ang Kanyang gawain ay nangangahulugan na ang Diyos ay mayroon isang bagong plano. Ang Kanyang gawain ay isasagawa sa labas ng templo, at ito ay magiging bagong gawain na hindi limitado sa paraan ng pagsasagawa. Ang pagdating ni Jesus ay nagdala sa gawain ni Jehova sa kapanahunan ng Lumang Tipan sa isang wakas. Kahit na Sila ay tinatawag sa dalawang magkaibang pangalan, ang parehong yugto ng gawain ay isinagawa ng iisang Espiritu, at ang gawain na isinagawa ay tuluy-tuloy. Dahil magkaiba ang pangalan, at ang nilalaman ng gawain ay magkaiba, ang kapanahunan ay magkaiba rin. Nang dumating si Jehova, iyon ang kapanahunan ni Jehova, at nang dumating si Jesus, iyon ang kapanahunan ni Jesus. At kaya, sa bawat pagkakataon na dumarating ang Diyos, Siya ay tinatawag sa iisang pangalan, kinakatawan Niya ang isang kapanahunan, at Siya ay nagbubukas ng bagong daan; at sa bawat bagong daan, Siya ay gumagamit ng bagong pangalan, na nagpapakita na ang Diyos ay laging bago at di-kailanman luma, at ang Kanyang gawain ay patuloy na umuunlad pasulong. Ang kasaysayan ay patuloy na sumusulong, at ang gawain ng Diyos ay patuloy na sumusulong. Upang marating ang katapusan ng Kanyang anim na libong taong plano sa pamamahala, nararapat itong patuloy na umunlad pasulong. Kailangan Niyang magsagawa ng bagong gawain sa bawat araw, kailangan Niyang magsagawa ng bagong gawain sa bawat taon; kailangan Niyang magbukas ng mga bagong daan, mga bagong kapanahunan, magsimula ng bago at higit na malaking mga gawain, at magdala ng mga bagong pangalan at gawain. Ang Espiritu ng Diyos ay palaging gumagawa ng bagong gawain, at hindi kailanman kumakapit sa mga dating pamamaraan at mga patakaran. Ang Kanyang gawain ay hindi rin kailanman tumitigil, at nangyayari sa lahat ng panahon. Kung sinasabi mo na ang gawain ng Banal na Espiritu ay hindi nagbabago, kung gayon bakit pinahintulutan ni Jehova ang mga pari na paglingkuran Siya sa templo, ngunit hindi pinasok ni Jesus ang templo—bagamat nang Siya ay dumating, sinabi din ng mga tao na Siya ang mataas na pari, at na Siya ay mula sa bahay ni David at ang mataas na pari din, at ang dakilang Hari? At bakit hindi Siya nag-alay ng mga sakripisyo? Papasok man sa templo o hindi—hindi ba ito ang kabuuang gawain ng Diyos Mismo? Kung, katulad ng ipinapalagay ng tao, si Jesus ay muling darating at, tinatawag pa ring Jesus sa mga huling araw, at darating pa rin na nakasakay sa puting ulap, bumababa sa mga tao sa anyo ni Jesus: hindi ba ito isang pag-uulit ng Kanyang gawain? Mananatili ba ang Banal na Espiritu sa luma? Ang lahat ng pinaniniwalaan ng tao ay mga pagkaintindi, at ang lahat ng nauunawaan ng tao ay ayon sa literal nilang kahulugan, at ayon rin sa kanyang likhang-isip; ang mga ito ay wala sa mga prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu, at hindi umaayon sa mga layunin ng Diyos. Hindi gagawa ang Diyos sa ganoong paraan; hindi hunghang at hangal ang Diyos, at ang Kanyang gawain ay hindi payak katulad ng iyong iniisip. Ayon sa lahat ng ginagawa at ipinagpapalagay ng tao, darating si Jesus sa isang ulap at bababa sa kalagitnaan ninyo. Nararapat ninyo Siyang pagmasdan, at, habang Siya ay nakasakay sa puting ulap, sasabihin Niya sa inyo na Siya si Jesus. Nararapat ninyo ring pagmasdan ang mga marka ng pako sa Kanyang mga kamay, at inyong malalaman na Siya si Jesus. At kayo ay muli Niyang ililigtas, at Siya ang inyong magiging makapangyarihang Diyos. Kayo ay Kanyang ililigtas, at bibigyan ng bagong pangalan, at ang bawat isa sa inyo ay bibigyan Niya ng isang puting bato, pagkatapos nito, kayo ay pahihintulutan na makapasok sa kaharian ng langit at matanggap sa paraiso. Hindi ba’t ang mga paniniwalang ito ay mga pagkaintindi ng tao? Gumagawa ba ang Diyos ayon sa mga pagkaintindi ng tao o Siya’y gumagawa nang salungat sa mga pagkaintindi ng tao? Hindi ba’t ang lahat ng mga pagkaintindi ng tao ay nagmumula kay Satanas? Hindi ba’t ginawang masama ni Satanas ang lahat ng tao? Kung gumawa ang Diyos ayon sa mga pagkaintindi ng tao, hindi ba’t Siya ay magiging si Satanas? Hindi ba’t magiging kapareho lang Niya ang mga nilalang Niya? Dahil ang mga nilalang Niya ngayon ay nagawang napakasama na ni Satanas, na ang tao ay naging mismong larawan ni Satanas, kung gumawa ang Diyos ayon sa mga bagay ni Satanas, hindi ba’t magiging kakampi Siya kay Satanas? Paano mauunawaan ng tao ang gawain ng Diyos? Kaya, hindi gagawa kailanman ang Diyos ayon sa mga pagkaintindi ng tao, at hindi Siya kailanman gagawa sa mga paraan na iyong ipinapalagay. Mayroong mga nagsasabi na sinabi ng Diyos Mismo na Siya ay darating na nasa ulap. Totoo na sinabi ng Diyos Mismo, ngunit hindi mo ba alam walang tao ang makaaarok sa mga hiwaga ng Diyos? Hindi mo ba alam na walang tao ang makakapagpaliwanag sa mga salita ng Diyos? Ikaw ba ay nakatitiyak nang walang bahid ng pagdududa na napaliwanagan at naliwanagan ka ng Banal na Espiritu? Pinakita ba sa iyo ng Banal na Espiritu sa gayong tuwirang paraan? Ang Banal na Espiritu ba ang nagturo, o ang mga pagkaintindi mo ang nagdulot sa iyo na isipin ang ganito? Sinabi mo, “Sinabi ito ng Diyos Mismo.” Ngunit hindi natin maaaring gamitin ang ating mga sariling pagkaintindi at pag-iisip upang sukatin ang mga salita ng Diyos. Para sa mga salita ni Isaias, kaya mo bang ipaliwanag nang may buong katiyakan ang kanyang mga salita? Pinangangahasan mo bang ipaliwanag ang kanyang mga salita? Dahil hindi ka nagkalakas-loob na ipaliwanag ang mga salita ni Isaias, bakit ka nangangahas na ipaliwanag ang mga salita ni Jesus? Sino ang mas itinataas, si Jesus o si Isaias? Dahil ang sagot ay si Jesus, bakit mo ipinaliliwanag ang mga salita ni Jesus? Sasabihin ba ng Diyos sa iyo ang Kanyang gawain nang pauna? Walang nilalang ang maaaring makaalam, kahit na ang mga sugo ng langit, ni ang Anak ng tao, kaya paano mo malalaman? Malaki ang kakulangan ng tao. Ang mahalaga sa inyo ngayon ay ang malaman ang tatlong yugto ng gawain. Mula sa gawain ni Jehova hanggang sa iyong gawain ni Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa iyong kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ay gawain ng isang Espiritu. Mula sa paglikha Niya sa mundo, pinamamahalaan na ng Diyos ang sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Katapusan, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang magpapasimula ng gawain at Siyang maghahatid sa kapanahunan sa katapusan nito. Ang tatlong yugto ng gawain, sa magkakaibang kapanahunan at lugar, ay tiyak na isinagawa ng isang Espiritu. Ang lahat ng mga naghihiwalay sa tatlong yugtong ito ay sumasalungat sa Diyos. Ngayon, nararapat mong maunawaan na ang lahat ng gawain mula sa unang yugto hanggang sa ngayon ay ang gawain ng nag-iisang Diyos, gawain ng isang Espiritu, at ito ay hindi maipagkakaila.

Mga patotoo’t karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Natatanto na Tinatahak Ko ang Landas ng mga Fariseo

Wuxin    Lungsod ng Taiyuan, Lalawigan ng Shanxi
         Ang isang bagay na palagi nating tinatalakay noon sa mga nakaraang pagbabahaginan ay ang mga landas na nilakaran nina Pedro at Pablo. Sinasabing si Pedro ay nagtuon ng pansin sa pagkilala sa kanyang sarili at sa Diyos, at isang taong kinasihan ng Diyos, samantalang si Pablo ay nagtuon lamang ng pansin sa kanyang gawain, reputasyon at katayuan, at isang taong kinasuklaman ng Diyos. Palagi akong natatakot na tahakin ang landas ni Pablo, na dahilan kung bakit karaniwan ay madalas kong binabasa ang mga salita ng Diyos tungkol sa mga karanasan ni Pedro para makita kung paano niya nakilala ang Diyos. Pagkatapos pansamantalang mamuhay nang ganito, nadama kong naging mas masunurin ako kaysa dati, ang hangarin ko para sa reputasyon at katayuan ay naging malamlam, at bahagya ko pang nakilala ang sarili ko. Sa panahong ito, naniwala ako na kahit hindi ako lubusang nasa landas ni Pedro, masasabi na naabot ko ang gilid nito, at kahit paano ibig sabihin nito hindi ako papunta sa landas ni Pablo. Gayunman, mapapahiya ako ng mga pagbubunyag ng salita ng Diyos.

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Tanging Yaong Mga Nagtutuon ng Pansin sa Pagsasagawa Ang Maaaring Gawing Perpekto

 buhay, katotohanan, Landas, Panalangin, Iglesia

 

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Tanging Yaong Mga Nagtutuon ng Pansin sa Pagsasagawa Ang Maaaring Gawing Perpekto


  Sa mga huling araw, ang Diyos ay naging tao upang gawin ang gawain na kailangan Niyang gawin at upang gampanan ang Kanyang ministeryo ng mga salita. Siya ay dumating sa anyong tao upang gumawa sa kalagitnaan ng mga tao sa layuning gawing perpekto yaong mga tao na sumusunod sa Kanyang puso. Mula sa paglikha hanggang sa kasalukuyan ginagawa lamang Niya ang gawain sa panahon ng mga huling araw. Sa panahon lamang ng mga huling araw nagkatawang-tao ang Diyos upang gawin ang gayong kalaking gawain. Bagamat nagtititiis Siya ng mga kahirapan na mahihirapang tiisin ng mga tao, bagamat Siya bilang isang dakilang Diyos ay mayroong kababaang-loob na maging isang karaniwang tao, walang aspeto ng Kanyang gawain ang naantala, at ang Kanyang plano ay hindi itinapon na sa kalituhan kahit kaunti. Ginagawa Niya ang gawain alinsunod sa Kanyang orihinal na plano. Ang isa sa mga layunin ng pagkakatawang-taong ito ay para lupigin ang mga tao. Ang isa pa ay para gawing perpekto ang mga taong Kanyang iniibig. Hinahangad Niya na makita ng Kanyang sariling mga mata ang mga tao na Kanyang ginagawang perpekto, at nais Niyang makita sa Sarili Niya Mismo kung paanong sumaksi para sa Kanya ang mga tao na Kanyang ginagawang perpekto. Hindi iisang tao ang ginawang perpekto, at hindi dalawa. Ito gayunpaman ay, isang grupo ng kakaunting mga tao. Ang grupo ng mga taong ito ay mula sa iba’t-ibang mga bansa sa mundo, at mula sa iba’t-ibang nasyonalidad sa mundo. Ang layunin sa paggawa ng ganito karaming gawain ay para makamit ang grupong ito ng mga tao, upang makamit ang pagiging saksi ng grupo ng mga taong ito para sa Kanya, at para makamit ang kaluwalhatian na nakukuha Niya sa pamamagitan ng grupo ng mga taong ito. Hindi Siya gumagawa ng gawain na walang kabuluhan, ni hindi Siya gumagawa ng gawain na walang halaga. Maaaring sabihin na, sa paggawa ng napakaraming gawain, ang layunin ng Diyos ay upang gawing perpekto ang lahat ng mga iyong hinahangad Niyang gawing perpekto. Sa anumang bakanteng oras na mayroon Siya sa labas nito, aalisin Niya yaong mga masasama. Alamin na hindi Niya ginagawa ang dakilang gawaing ito dahil sa kanilang mga masasama; sa kabaligtaran, ibinibigay Niya ang lahat ng Kanya dahil sa maliit na bilang na mga taong Kanyang gagawing perpekto. Ang gawain na Kanyang ginagawa, ang mga salita na Kanyang sinasabi, ang mga misteryo na Kanyang ibinubunyag, at ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay lahat para sa kapakanan ng maliit na bilang ng mga taong iyon. Hindi Siya naging tao dahil sa mga iyon na masasama, lalong hindi sila nag-uudyok ng malaking pagkapoot sa Kanya. Sinasabi Niya ang katotohanan, at nagsasalita ukol sa pagpasok, dahil sa mga iyon na gagawing perpekto, Siya ay naging tao dahil sa kanila, at dahil sa kanila kaya Niya ipinagkakaloob ang Kanyang mga pangako at mga pagpapala. Ang katotohanan, pagpasok, at buhay sa pagkatao na Kanyang sinasabi ay hindi para sa kapakanan nilang mga masasama. Nais Niyang umiwas makipag-usap sa mga iyon na masasama, at hinahangad na ipagkaloob ang lahat ng mga katotohanan sa mga iyon na gagawing perpekto. Subalit kinakailangan ng Kanyang gawain na, pansamantala, yaong masasama ay tutulutang matamasa ang ilan sa Kanyang mga kayamanan. Yaong mga hindi ipinatutupad ang katotohanan, na hindi napalulugod ang Diyos, at gumagambala sa Kanyang gawain ay masasamang lahat. Hindi sila maaaring gawing perpekto, at kinasusuklaman at itinatakwil ng Diyos. Sa kabilang banda, ang mga tao na isinasagawa ang katotohanan at kayang mapalugod ang Diyos at ginugugol ang kanilang buong mga sarili sa gawain ng Diyos ay ang mga tao na gagawing perpekto ng Diyos. Yaong mga hinahangad ng Diyos na maging ganap ay walang iba kung hindi ang grupong ito ng mga tao, at ang gawain na ginagawa ng Diyos ay para sa kapakanan ng mga taong ito. Ang katotohanan na Kanyang sinasabi ay nakatuon tungo sa mga tao na nakahanda sa pagsasagawa. Hindi Siya nakikipag-usap sa mga tao na hindi isinasagawa ang katotohanan. Ang pagdaragdag ng kabatiran at paglago ng pagkakilala na Kanyang sinasabi ay nakatuon sa mga tao na kayang ipatupad ang katotohanan. Kapag Siya ay nagsasalita tungkol sa mga iyon na gagawing perpekto Siya ay nagsasalita tungkol sa mga taong ito. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nakatuon tungo sa mga tao na makapagsasagawa sa katotohanan. Ang mga bagay kagaya ng pagmamay-ari ng karunungan at pagkakaroon ng pagkatao ay nakatuon tungo sa mga tao na nakahandang isagawa ang katotohanan. Yaong mga hindi ipatutupad ang katotohanan ay maaaring makarinig ng maraming mga katotohanan at maaaring makaunawa ng maraming mga katotohanan, ngunit dahil sila ay nabibilang sa masasamang tao, ang katotohanan na kanilang nauunawaan ay nagiging mga doktrina at mga salita lamang, at walang kahalagahan para sa pagbabago ng kanilang disposisyon o para sa kanilang mga buhay. Walang sinuman sa kanila ang tapat sa Diyos; silang lahat ay mga taong nakikita ang Diyos ngunit hindi nila Siya maaaring makamit, at lahat ay hinatulan ng Diyos.

Kidlat ng Silanganan | Ebangheliyong pelikula | Ang Sandali ng Pagbabago (2) | Ang Tanging Landas para Maiangat sa Kaharian ng Langit 

Kidlat ng Silanganan | Ebangheliyong pelikula | Ang Sandali ng Pagbabago (2) | Ang Tanging Landas para Maiangat sa Kaharian ng Langit 

Naniniwala ang ilang tao, dahil nakayang likhain ng Diyos ang kalangitan at ang lupa at lahat ng bagay sa isang salita, nakayang ibangon ang patay sa isang salita, makakaya ring baguhin kaagad ng Diyos ang ating imahe, gawin tayong banal, iangat tayo sa ere para salubungin ang Panginoon pagbalik Niya sa mga huling araw. Ganyan nga ba talaga para maiangat sa kaharian ng langit? Ang gawain ba ng pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw ay kasing-simple ng ating inaakala? Sabi ng Diyos, “Nararapat ninyong maintindihan, hindi ninyo dapat gawing payak ang mga ito. Ang gawain ng Diyos ay hindi katulad ng ibang karaniwang gawain. Ang himala nito ay hindi maiisip ng utak ng tao, at ang karunungan nito ay hindi basta lamang makakamit. Hindi nililikha ng Diyos ang lahat ng bagay, at hindi rin Niya winawasak ang mga ito. Sa halip, binabago Niya ang lahat ng Kanyang mga nilikha at dinadalisay ang lahat ng mga bagay na nadungisan ni Satanas. Kaya, nararapat na simulan ng Diyos ang mga malalaking gawain, at ito ang buong kahalagahan ng gawain ng Diyos. Matapos mabasa ang mga salitang ito, naniniwala ka ba na ang gawain ng Diyos ay payak?” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao) Walang sinumang makakaarok sa gawain ng Diyos at karunungan ng Diyos. Tanging ang Diyos Mismo ang makapaglalantad ng hiwaga ng kung paano madadala sa langit ang mga nananalig sa mga huling araw, kung paano gagawin ng Diyos ang gawain ng paghatol para linisin ang mga tao …. Ang maikling video na ito ay ipapakita sa iyo ang kaalaman tungkol sa tanging landas para maiangat sa kaharian ng langit pagbalik ng Panginoon!

Rekomendasyon:

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal