Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos “Tungkol sa Biblia” (Unang bahagi)

Biblia, Jesus, Landas, Langit, panginoon






   1. Sa maraming taon, ang mga kinaugaliang paraan ng paniniwala ng mga tao (ng Kristiyanismo, ang isa sa tatlong pangunahing relihiyon ng mundo) ay ang basahin ang Biblia; ang paglihis mula sa Biblia ay hindi paniniwala sa Panginoon, ang paglihis mula sa Biblia ay isang masamang kulto, at hidwang paniniwala, at kahit na basahin pa ng mga tao ang ibang mga libro, ang pundasyon ng mga librong ito ay dapat ang pagpapaliwanag sa Bibilia. Na ang ibig sabihin, kung sinasabi mo na naniniwala ka sa Panginoon, dapat mong basahin ang Biblia, dapat mong kainin at inumin ang Biblia, at bukod sa Biblia hindi ka dapat sumamba ng anumang libro na walang kinalaman ang Biblia. Kung gagawin mo iyon, samakatwid pinagtataksilan mo ang Diyos. Mula nang panahong mayroon ng Biblia, ang paniniwala ng mga tao sa Panginoon ay ang paniniwala sa Biblia. Sa halip na sabihing ang mga tao ay naniniwala sa Panginoon, mas mabuting sabihin na sila ay naniniwala sa Biblia; sa halip na sabihing sila ay nagsisimula na sa pagbabasa ng Biblia, mas mabuting sabihin na nagsisimula na sila sa paniniwala sa Biblia; at sa halip na sabihing nanumbalik na sila sa Panginoon, mas mabuting sabihing sila'y nanumbalik na sa Biblia. Sa ganitong paraan, sinasamba ng mga tao ang Biblia na parang ito ay Diyos, na parang ito ay kanilang pinaka-buhay at ang mawalan nito'y tulad ng mawalan ng kanilang mga buhay. Tinitingnan ng mga tao ang Biblia bilang kasintaas ng Diyos, at may mga tao na tinitingnan ito na mas mataas pa kaysa sa Diyos. Kung ang mga tao ay hindi taglay ang gawa ng Banal na Espiritu, kung hindi nila nadarama ang Diyos, maaari silang magpatuloy mamuhay—ngunit sa sandaling mawala sa kanila ang Biblia, o mawala ang mga bantog na kabanata at kasabihan mula sa Biblia, sa gayon parang nawala na ang kanilang buhay. At kaya, sa sandaling maniwala ang tao sa Panginoon nag-uumpisa na nilang basahin ang Biblia, at kabisahin ang Biblia, at mas higit sa Biblia na kanilang makakabisa, mas napapatunayan nito ang kanilang pagmamahal sa Panginoon at may malaking pananampalataya. Ang mga taong nakapagbasa ng Biblia at nakapagsasalita nito sa iba ay lahat mabubuting kapatid na lalaki at babae. Sa buong panahong ito, ang pananampalataya ng mga tao at katapatan sa Panginoon ay sinusukat ayon sa lawak ng kanilang pag-unawa sa Biblia. Talagang hindi nauunawaan ng karamihan ng mga tao kung bakit sila kailangang maniwala sa Diyos, ni kung paano maniwala sa Diyos, at walang g gagawin kundi pikit-matang naghahanap ng mga pahiwatig upang maunawaan ang mga kabanata sa Biblia. Hindi nila kailanman hinanap ang direksiyon ng gawa ng Banal na Espiritu; mula’t sapul, wala silang ginawa kundi desperadong mag-aral at mag-imbestiga ng Biblia, at walang sinumang naghanap kahit minsan ng bagong gawa ng Banal na Espiritu sa labas ng Biblia, walang sinumang lumihis kahit minsan mula sa Biblia, o nangahas na lumihis mula sa Biblia. Sa lahat ng mga nakaraang taon pinag-aralan ng mga tao ang Biblia, nakabuo sila ng napakaraming paliwanag, at nag-ukol ng napakaraming gawa; marami rin silang nagkakaibang opinyon tungkol sa Biblia, na walang katapusan nilang pinagtatalunan, kaya nga halos dalawang libong magkakaibang denominasyon na ang nabuo ngayon. Silang lahat ay nagnanais makahanap ng ilang natatanging mga paliwanag, o mas malalalim na mga misteryo sa Biblia, nais nilang galugarin ito, at makita ito sa pinagmulan ng gawain ni Jehova sa Israel, o pinagmulan ng gawain ni Jesus sa Judea, o karagdagang mga misteryo na walang sinumang nakakaalam. Ang pag-aaral ng mga tao sa Biblia ay isang pagkahumaling at pananampalataya, at walang sinuman ang lubusang malinaw tungkol sa kuwentong napapaloob at diwa ng Biblia. Kaya, ang resulta sa ngayon ay, mayroon pa ring di-mailarawang pakiramdam ng pagka-mahika ang mga tao pagdating sa Biblia; higit pa riyan, nahuhumaling sila rito, at may pananampalataya rito. Ngayon, lahat ay nagnanais na mahanap ang mga propesiya ng mga gawa sa mga huling araw sa Biblia, nais nilang matuklasan kung anong gawain ang ginagawa ng Diyos sa mga huling araw, at kung anong mga tanda ang naroon sa mga huling araw. Sa ganitong paraang, ang kanilang pagsamba sa Biblia ay nagiging mas taimtim, at habang mas papalapit sa mga huling araw, mas higit na tiwala ang inilalaan nila sa mga propesiya ng Biblia, partikular na tungkol sa mga huling araw. Sa ganoong pikit-matang paniniwala sa Biblia, sa ganoong pagtitiwala sa Biblia, wala silang pagnanais na hanapin ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa mga pagkakaintindi ng mga tao, iniisip nila ang Biblia lamang ang magdadala ng gawa ng Banal na Espiritu; sa Biblia lamang nila makikita ang mga yapak ng Diyos; sa Biblia lamang nakatago ang mga hiwaga ng mga gawain ng Diyos; ang Biblia lamang—hindi ang ibang libro o mga tao—ang makakapaglinaw ng lahat tungkol sa Diyos at ang kabuuan ng Kanyang gawain; ang Biblia ang maaaring maghatid ng gawa ng langit sa lupa; at kapwa maaaring simulan at wakasan ng Biblia ang mga kapanahunan. Sa mga pagkakakaintinding ito, walang inklinasyon ang mga tao na hanapin ang gawa ng Banal na Espiritu. Kaya, gaano man kalaki ang naging tulong ng Biblia sa tao noong nakalipas, ito’y naging isang balakid sa pinakabagong gawa ng Diyos. Kung walang Biblia, maaaring hanapin ng mga tao ang mga yapak ng Diyos sa ibang dako, ngunit ngayon, ang Kanyang mga yapak ay nakapaglaman sa Biblia, at ang pagpapalawak ng Kanyang pinakabagong gawa ay naging dobleng hirap, at isang mahirap na pakikipagpunyagi. Ito lahat ay dahil sa kilalang mga kabanata at mga kasabihan mula sa Biblia, gayundin ang iba't-ibang mga propesiya ng Biblia. Ang Biblia ay naging isang diyus-diyusan sa isip ng mga tao, ito ay naging isang palaisipan sa kanilang mga utak, at talagang hindi na nila kayang maniwala na makakagawa ang Diyos nang hindi kasama ang Biblia, hindi nila kayang maniwala na ang mga tao ay maaaring makita ang Diyos sa labas ng Biblia, mas lalong hindi nila kayang maniwala na ang Diyos ay maaaring lumisan sa Biblia sa panahon ng huling gawa at magsimula ng panibago. Ito ay malayong mangyari para sa mga tao; sila ay hindi makapaniwala rito, at hindi rin nila inakala ito. Ang Biblia ay naging isang malaking balakid sa pagtanggap ng mga tao sa bagong gawain ng Diyos, at pinahirap nito na palawakin ang bagong gawaing ito.


mula sa “Tungkol sa Biblia (1)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

     2. Noong sinaunang panahon, nagbabasa na ang mga tao ng Biblia bago pa sa Kapanahunan ng Biyaya, ngunit Lumang Tipan lang ang mayroon sa panahong iyon; walang Bagong Tipan. Mula nang magkaroon ng Lumang Tipan ng Biblia, sinimulan ng tao ang pagbabasa ng banal na kasulatan. Matapos na ang paggabay ni Jehova sa kanya ay nagwakas, isinulat ni Moises ang Genesis, Exodo, at Deuteronomio.... Inalala niya ang gawain ni Jehova sa oras na iyon, at isinulat ito. Ang Biblia ay isang aklat ng kasaysayan. Siyempre, ito rin ay naglalaman ng ilan sa mga hula ng mga propeta, at siyempre, ang mga hulang ito ay hindi nangangahulugan na kasaysayan. Napapaloob sa Biblia ang ilang bahagi—hindi lamang panghuhula, o gawa lang ni Jehova, ni mayroon lamang mga sulat ni Pablo. Kailangan ninyong malaman kung gaano karaming mga bahagi ang napapaloob sa Biblia; ang Lumang Tipan ay naglalaman ng Genesis, Exodo..., at mayroon ding mga aklat ng hula na kanilang isinulat. Sa katapusan, ang Lumang Tipan ay nagtatapos sa Aklat ni Malakias. Itinatala nito ang gawa sa Kapanahunan ng Kautusan, na siyang pinamunuan ni Jehova; mula sa Genesis hanggang Aklat ni Malakias, ito ay komprehensibong tala ng lahat ng gawa ng Kapanahunan ng Kautusan. Na ibig sabihin ay, ang Lumang Tipan ay tala ng lahat ng karanasan ng tao na ginabayan ni Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan. Noong Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan, ang malaking bilang ng mga propeta na inalagaan ni Jehova ay nagsalita ng hula para sa Kanya, nagbigay sila ng mga panuto sa iba't-ibang mga tribo at bansa, at inihula ang gawa na gagawin ni Jehova. Ang mga taong ito na itinindig ay lahat nabigyan ng Espiritu ng propesiya ni Jehova: Kanilang nakita ang mga pangitain mula kay Jehova, at narinig ang Kanyang boses, at kaya sila'y nabigyan-inspirasyon Niya at nagsulat ng propesiya. Ang gawa na kanilang ginawa ay ang pahayag ng tinig ni Jehova, ito ang gawa ng propesiya na kanilang ginawa sa ngalan ni Jehova, at ang gawa ni Jehova noong panahong iyon ay basta lamang gabayan ang mga tao gamit ang Espiritu; hindi Siya naging katawang-tao, at walang nakita ang mga tao sa Kanyang mukha. Kaya, itinindig Niya ang maraming propeta upang magawa ang Kanyang gawain, at binigyan sila ng mga orakulo na kanilang ipinasa sa bawat tribo at lahi ng Israel. Ang kanilang gawain ay magsalita ng propesiya, at ang ilan sa kanila'y isinulat ang mga tagubilin ni Jehova sa kanila upang maipakita sa iba. Itinindig ni Jehova ang mga taong ito upang magsalita ng propesiya, upang hulaan ang gawa ng hinaharap o ang gawa na dapat pang matapos sa panahong iyon, upang makita ng mga tao ang pagka-nakakamangha at karunungan ni Jehova. Ang mga aklat na ito ng propesiya ay sadyang naiiba sa ibang mga aklat ng Biblia; ang mga ito ay mga salita na binigkas o isinulat ng mga nabigyan ng Espiritu ng propesiya—ng mga nagkamit ng mga pangitan o boses mula kay Jehova. Bukod sa mga aklat ng propesiya, ang lahat ng iba pa sa Lumang Tipan ay mga talaan na gawa ng mga tao matapos magawa ni Jehova ang Kanyang gawain. Ang mga librong ito ay hindi panghalili sa mga hulang sinabi ng mga propeta na itinindig ni Jehova, katulad ng Genesis at Exodo na hindi maikukumpara sa Aklat ni Isaias at sa Aklat ni Daniel. Ang mga propesiya ay sinabi bago naisagawa ang gawain; ang ibang aklat, samantala, ay isinulat pagkatapos nito, na siya namang kaya ng mga tao. ... Sa paraang ito, kung ano ang nakasulat sa Biblia ay pulos gawa sa Israel nang panahong iyon. Ang mga salitang winika ng mga propeta, ni Isaias, Daniel, Jeremias, at Ezekiel ... hinuhulaan ng kanilang mga salita ang Kanyang ibang gawa sa daigdig, hinuhulaan nila ang gawa ng Mismong Diyos na si Jehova. Ang lahat ng ito ay mula sa Diyos, ito ay ang gawa ng Banal na Espiritu, at bukod sa mga aklat na ito ng mga propeta, lahat ng iba ay tala ng mga karanasan ng mga tao sa gawain ni Jehova nang panahong iyon.

mula sa “Tungkol sa Biblia (1)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

   3. Ang gawain ng paglikha ay nangyari bago ang sangkatauhan, ngunit dumating lamang ang Aklat ng Genesis matapos magkaroon ng sangkatauhan; ito ay isang aklat na isinulat ni Moises noong Kapanahunan ng Kautusan. Ito ay tulad ng mga bagay na nangyayari sa inyo ngayon: Pagkatapos nilang mangyari, isinusulat ninyo ang mga ito para ipakita sa mga tao sa hinaharap, at para sa mga tao sa hinaharap, ang inyong mga naitala ay bagay na nangyari noong nakalipas na panahon—ito’y wala nang iba pa kundi isang kasaysayan. Ang mga bagay na naitala sa Lumang Tipan ay gawain ni Jehova sa Israel, at yaong nakatala sa Bagong Tipan ay gawain ni Jesus noong Kapanahunan ng Biyaya; itinala nila ang gawa na tinapos ng Diyos sa dalawang magkaibang kapanahunan. Ang Lumang Tipan ay nagtatala ng gawain ng Diyos noong Kapanahunan ng Kautusan, at kaya ang Lumang Tipan ay makasaysayang libro, habang ang Bagong Tipan ay bunga ng gawain sa Kapanahunan ng Biyaya. Nang simulan ang bagong gawa, ang mga librong ito ay naging makaluma—at kaya, ang Bagong Tipan ay isa ring pangkasaysayang libro.Siyempre, ang Bagong Tipan ay hindi kasing-sistematiko tulad ng Lumang Tipan, ni nagtatala ng kasing-daming mga bagay.

mula sa “Tungkol sa Biblia (1)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

     4. Anong uri ng libro ang Biblia? Ang Lumang Tipan ay ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang Lumang Tipan ng Biblia ay nagtatala ng lahat ng gawain ni Jehova noong Kapanahunan ng Kautusan at ang Kanyang gawain ng paglikha. Ang lahat ng ito ay nagtatala ng gawa na tinapos ni Jehova, at ito ay tinatapos sa bandang huli ang mga salaysay ng gawain ni Jehova sa Aklat ni Malakias. Ang Lumang Tipan ay nagtatala ng dalawang bahagi ng gawa na tinapos ng Diyos: Ang isa ay ang gawain ng paglikha, at ang isa ay pag-aatas ng mga kautusan. Ito ay parehong gawain na ginawa ni Jehova. Ang Kapanahunan ng Kautusan ay kumakatawan sa gawain ng Diyos sa ilalim ng pangalan ni Jehova; ito ay kabuuan ng mga gawa na pangunahing ipinatupad sa ilalim ng pangalan ni Jehova. Kaya, ang Lumang Tipan ay nagtatala ng gawain ni Jehova, at ang Bagong Tipan ay nagtatala ng gawain ni Jesus, gawa na pangunahing ipinatupad sa ilalim ng pangalan ni Jesus. Karamihan sa kabuluhan ng pangalan ni Jesus at gawain na Kanyang ginawa ay nakatala sa Bagong Tipan.

mula sa “Tungkol sa Biblia (1)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

     5. Kung nais mong makita ang gawa ng Kapanahunan ng Kautusan, at makita kung paano sumunod ang mga Israelita sa landas ni Jehova, kung gayon dapat mong basahin ang Lumang Tipan; kung nais mong maunawaan ang gawa ng Kapanahunan ng Biyaya, kung gayon dapat mong basahin ang Bagong Tipan. Ngunit paano mo makikita ang mga gawain sa huling mga araw? Kailangan ninyong tanggapin ang pamumuno ng Diyos sa kasalukuyan, at makilahok sa gawain sa kasalukuyan, dahil ito ang bagong gawa, at wala pang nakapagtatala nito sa Biblia. Ngayon, ang Diyos ay naging katawang-tao at pumili ng ibang mga hinirang sa Tsina. Ang Diyos ay gumagawa sa mga taong ito, nagpapatuloy Siya mula sa Kanyang gawain sa daigdig, nagpapatuloy mula sa gawa sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang gawain sa kasalukuyan ay isang landas na hindi pa kailanman nalakaran ng tao, at daan na walang sinuman ang nakakita. Ito ay gawa na hindi pa kailanpaman nagawa—ito ang pinakabagong gawa ng Diyos sa mundo. Kaya, ang gawa na hindi pa nagawa noon ay hindi kasaysayan, dahil ang ngayon ay ngayon, at hindi pa nagiging nakaraan. Hindi alam ng mga tao na ang Diyos ay nakagawa nang mas higit, mas bagong gawain sa mundo, at sa labas ng Israel, na lumampas ito sa saklaw ng Israel, at lampas sa panghuhula ng mga propeta, na bago at kahanga-hangang gawa ito na wala sa mga propesiya, at bagong gawa na lampas sa Israel, at gawa na hindi maaaring mahiwatigan o akalain ng mga tao. Paanong ang Biblia ay naglalaman ng malinaw na mga talaan ng nasabing gawa? Sino ang maaaring magtala ng bawat isang kapiraso ng gawa ngayon, nang walang makakaligtaan, sa patiuna? Sino ang maaaring magtala nitong mas makapangyarihan, mas matalinong gawa na humahamon sa kinaugalian na nasa lumang inaamag na libro? Ang gawa sa kasalukuyan ay hindi kasaysayan, at dahil dito, kung nais mong lumakad sa bagong landas ngayon, sa gayon kailangan mong lisanin ang Biblia, dapat mong higitan ang mga libro ng propesiya o kasaysayan na nasa Biblia. Saka ka lamang maaaring makalakad sa bagong landas nang maayos, at saka ka lamang makakapasok sa bagong kaharian at sa bagong gawain. Dapat mong maunawaan kung bakit, ngayon, hinihiling na huwag mong basahin ang Biblia, kung bakit mayroong ibang gawa na hiwalay sa Biblia, kung bakit ang Diyos ay hindi na naghanap nang mas bago, mas detalyadong pagsasagawa sa Biblia, kung bakit sa halip ay mayroong mas makapangyarihang gawa sa labas ng Biblia. Ito ang lahat ng dapat ninyong maunawaan. Kailangan mong malaman ang pagkakaiba sa pagitan ng luma at bagong gawa, at kahit na hindi mo binabasa ang Biblia, dapat kaya mo itong suriin; kung hindi, sasambahin mo pa rin ang Biblia, at magiging mahirap para sa iyo na makapasok sa bagong gawa at sumailalim sa mga bagong pagbabago.

mula sa “Tungkol sa Biblia (1)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

    6. Yamang mayroong mas mataas na paraan, bakit mag-aaral nang mas mababa, makalumang paraan? Yamang may bagong mga pagbigkas, at mas bagong gawa, bakit mamumuhay sa gitna ng lumang makasaysayang mga talaan? Ang mga bagong pagbigkas na maaaring makapaglaan sa inyo, na nagpapatunay na ito ang bagong gawa; ang mga lumang talaan ay hindi magagawang pagsawain ka, o tutugon sa iyong kasalukuyang pangangailangan, na nagpapatunay na kasaysayan ang mga ito, at hindi gawa ng dito at ngayon. Ang pinakamataas na paraan ay ang pinakabagong gawa, at sa bagong gawa, kahit gaano pa kataas ang daan ng nakaraan, ito pa rin ay kasaysayan ng mga pagninilay ng mga tao, at kahit gaano pa ang halaga nito bilang sanggunian, ito pa rin ay lumang landas. Kahit na ito ay naitala sa “banal na aklat,” ang lumang landas ay kasaysayan; kahit na walang nakatala nito sa “banal na aklat,” ang bagong landas ay ang dito at ngayon. Ang ganitong paraan ang maaaring magligtas sa iyo, at maaari kang mabago ng ganitong paraan, dahil ito ay gawa ng Banal na Espiritu.

mula sa “Tungkol sa Biblia (1)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

    7. Ang Biblia ay isang makasaysayang aklat, at kung nakain at nainom mo ang Lumang Tipan sa Kapanahunan ng Biyaya—kung naisagawa mo kung ano ang kinailangan sa oras ng Lumang Tipan noong Kapanahunan ng Biyaya—maaaring natanggihan ka ni Jesus, at nakondena ka; kung naipatupad mo ang Lumang Tipan sa gawa ni Jesus, naging isang Fariseo ka sana. Kung, ngayon, ipinag-isa ninyo ang Luma at Bagong Tipan upang kainin at inumin, at isagawa, kung gayon kokondenahin ka ng Diyos ng ngayon; kayo ay maiiwan sa gawa ng Banal na Espiritu ngayon! Kung kumain kayo ng Lumang Tipan, at kumain ng Bagong Tipan, sa gayon kayo ay nasa labas ng daloy ng Banal na Espiritu! Sa panahon ni Jesus, pinamunuan ni Jesus ang mga Judio at ang lahat ng sumunod sa Kanya ayon sa gawa ng Banal na Espiritu sa Kanya noong panahong iyon. Hindi Niya ginamit ang Biblia bilang basehan ng Kanyang ginawa, kundi nagsalita ayon sa Kanyang gawain; hindi Niya binigyang-pansin kung ano ang sinabi ng Biblia, ni naghanap Siya sa Biblia ng landas upang pamunuan ang Kanyang mga tagasunod. Mula sa kung saan Siya nagsimula ng gawa, ipinalaganap Niya ang daan ng pagsisisi—isang salita kung saan lubusang walang nabanggit sa mga propesiya sa Lumang Tipan. Hindi lamang Siya hindi kumilos ayon sa Biblia, kundi Siya ay namuno rin sa bagong daan, at gumawa ng bagong gawain. Kahit kailanman hindi Siya sumangguni sa Biblia kapag Siya ay nangangaral. Sa Kapanahunan ng Kautusan, walang sinuman ang nakagawa ng Kanyang mga himala ng pagpapagaling sa maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo. Ang Kanyang gawa, Kanyang mga turo, Kanyang awtoridad—walang gumawa nito noong Kapanahunan ng Kautusan. Basta lang ginawa ni Jesus ang Kanyang mas bagong gawain, at kahit na maraming tao ang kumondena sa Kanya gamit ang Biblia—at ginamit pa nga ang Lumang Tipan para ipako Siya sa krus—ang Kanyang gawain ay nahigitan ang Lumang Tipan; kung hindi, bakit ipinako Siya ng mga tao sa krus? Hindi ba ito dahil sa walang binanggit ang Lumang Tipan sa Kanyang turo, at ang Kanyang kakayahan na magpagaling ng may sakit at magpalayas ng mga demonyo? Ang Kanyang gawain ay para manguna sa bagong daan, hindi ito para sinadyang maghamon ng away laban sa Biblia, o para sinadyang iwaksi ang Lumang Tipan. Siya ay basta lang dumating upang gampanan ang Kanyang ministeryo, upang dalhin ang mga bagong gawa sa mga naghahangad at naghahanap sa Kanya. Hindi Siya dumating upang ipaliwanag ang Lumang Tipan o itaguyod ang gawa nito. Ang Kanyang gawa ay hindi para pahintulutan ang Kapanahunan ng Kautusan na magpatuloy sa pagyabong, dahil ang Kanyang gawa ay hindi nagsaalang-alang kung ang Biblia ba ang batayan nito; basta lang dumating si Jesus upang gawin ang gawa na dapat Niyang gawin. Kaya, hindi Niya ipinaliwanag ang mga propesiya ng Lumang Tipan, ni gumawa Siya ng ayon sa mga salita ng Kapanahunan ng Kautusan ng Lumang Tipan. Hindi Niya pinansin ang sinabi ng Lumang Tipan, hindi mahalaga sa Kanya kung ang Kanyang gawa ay sinang-ayunan nito o hindi, at hindi mahalaga kung ano ang alam ng iba sa Kanyang gawain, o kung paano nila kinondena ito. Basta lang ipinagpatuloy Niya ang gawa na dapat Niyang gawin, kahit na maraming tao ang gumamit ng mga hula ng mga propeta ng Lumang Tipan upang kondenahin Siya. Sa mga tao, lumitaw na parang ang Kanyang gawain ay walang batayan, at marami rito ang salungat sa mga talaan sa Lumang Tipan. Hindi ba ito kahangalan? Ang doktrina ba ay kailangang iangkop sa gawa ng Diyos? At ito ba ay dapat ayon sa mga hula ng mga propeta? Kung tutuusin, alin ang mas dakila: Ang Diyos o ang Biblia? Bakit kailangan ang gawain ng Diyos ay kaayon sa Biblia? Maaari kaya na ang Diyos ay walang karapatan na higitan ang Biblia? Hindi ba maaaaring lisanin ng Diyos ang Biblia at gumawa ng iba pang gawain? Bakit si Jesus at ang Kanyang mga alagad ay hindi nangilin sa Araw ng Pamamahinga? Kung pananatilihin Niyang banal ang Araw ng Pamamahinga at magsasagawa ayon sa mga utos ng Lumang Tipan, bakit hindi nangilin si Jesus sa Araw ng Pamamahinga matapos Niyang dumating, ngunit sa halip naghugas ng mga paa, nagtaklob ng ulo, hinati-hati ang tinapay, at uminom ng alak? Hindi ba itong lahat ay wala sa mga utos ng Lumang Tipan? Kung pinarangalan ni Jesus ang Lumang Tipan, bakit Niya sinalungat ang mga doktrinang ito? Dapat mong malaman kung alin ang nauna, ang Diyos o ang Biblia! Dahil Panginoon ng Araw ng Pamamahinga, Siya ba'y maaaring ding maging Panginoon ng Biblia?

mula sa “Tungkol sa Biblia (1)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao