Wuxin Lungsod ng Taiyuan, Lalawigan ng Shanxi
Ang isang bagay na palagi nating tinatalakay noon sa mga nakaraang pagbabahaginan ay ang mga landas na nilakaran nina Pedro at Pablo. Sinasabing si Pedro ay nagtuon ng pansin sa pagkilala sa kanyang sarili at sa Diyos, at isang taong kinasihan ng Diyos, samantalang si Pablo ay nagtuon lamang ng pansin sa kanyang gawain, reputasyon at katayuan, at isang taong kinasuklaman ng Diyos. Palagi akong natatakot na tahakin ang landas ni Pablo, na dahilan kung bakit karaniwan ay madalas kong binabasa ang mga salita ng Diyos tungkol sa mga karanasan ni Pedro para makita kung paano niya nakilala ang Diyos. Pagkatapos pansamantalang mamuhay nang ganito, nadama kong naging mas masunurin ako kaysa dati, ang hangarin ko para sa reputasyon at katayuan ay naging malamlam, at bahagya ko pang nakilala ang sarili ko. Sa panahong ito, naniwala ako na kahit hindi ako lubusang nasa landas ni Pedro, masasabi na naabot ko ang gilid nito, at kahit paano ibig sabihin nito hindi ako papunta sa landas ni Pablo. Gayunman, mapapahiya ako ng mga pagbubunyag ng salita ng Diyos.
Isang umaga, habang nagsasagawa ako ng mga espirituwal na debosyon, nakita ko ang sumusunod na mga salita ng Diyos: “Ang gawa ni Pedro ay ang pagganap sa tungkulin ng nilalang ng Diyos. Hindi siya gumawa sa tungkulin ng isang apostol, ngunit sa panahon ng kanyang paghahangad sa isang pagmamahal sa Diyos. Ang daan ng gawa ni Pablo ay naglalaman din ng kanyang personal na gawa…. Walang personal na mga karanasan sa kanyang gawa—itong lahat ay para lang sa kanyang sariling kapakanan, at hindi naisagawa sa gitna ng pagsusulong ng pagbabago. Ang lahat sa kanyang gawa ay isang pakikipag-unawaan, ito ay hindi naglalaman ng tungkulin o pagpapasakop ng nilalang sa Diyos. Noong panahon ng kanyang gawa, walang nangyaring pagbabago sa dating disposisyon ni Pablo. Ang kanyang gawa ay para lamang sa paglilingkod sa iba, at hindi kayang magdulot ng mga pagbabago sa kanyang disposisyon. … Si Pedro ay iba: Siya ay isang tao na naranasan ang pagpupungos, at naranasan na ang pakikitungo at pagpipino. Ang layon at udyok ng gawain ni Pedro ay talagang naiiba sa gawain ni Pablo. Kahit na hindi gumawa si Pedro ng malakihang gawain, ang kanyang disposition ay sumailalim sa maraming pagbabago, at ang kanyang hinanap ay yaong katotohanan, at totoong pagbabago. Ang kanyang gawain ay hindi isinagawa lamang para sa kapakanan ng mismong gawaing ito” (“Ang Tagumpay o Pagkabigo ay Depende sa Daan na Tinatahak ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Naantig ng mga salita ng Diyos ang aking kaluluwa at nanahimik ako: Si Pedro ay isang taong tumupad ng kanyang tungkulin bilang isang nilalang na nilikha. Ginawa niya ang kanyang proseso ng paghahanap ng pag-ibig sa Diyos na kabaligtaran ng kanyang papel bilang isang apostol. Ngunit ako ba ay isang taong tumutupad sa kanyang tungkulin bilang isang nilalang na nilikha o basta ginagawa lang ang aking trabaho bilang isang manggagawa? Sa panahong ito, inisip ko ang iba’t ibang sitwasyon ng nakaraan: Noong napakaraming gawain ng iglesia na kailangang asikasuhin, sinasabi ng ibang mga kapatid: Kayo ay tunay na napabibigatan ng gawain ng Diyos. At napapabulalas ako: Kaming mga pinuno ay walang magagawa kundi ang harapin ito. Kung minsan, sa mga pamilyang kumukupkop o sa harapan ng mga kasamang manggagawa, gusto kong pagbigyan ang aking katawang pisikal at magpahinga, ngunit pagkatapos ay naiisip ko: Hindi, isa akong pinuno, kailangan kong mamuhay ng normal na pagkatao at hindi mamuhay sa kahalayan. Kapag parang ayaw kong kainin at inumin ang mga salita ng Diyos, iniisip ko rin na: Bilang isang pinuno, kung hindi ko kakainin at iinumin ang mga salita ng Diyos, paano ko malulutas ang mga problema ng ibang tao? Kung minsan sumasama ako sa isang kasamang manggagawa papunta sa pamilyang kumukupkop sa kanya, at kapag nakita kong ang paraan ng pakikitungo sa akin ng babaeng kumukupkop sa aking kasamahan ay hindi kasing-sigla ng pakikitungo sa kanya, nagagalit ako: Maaaring hindi mo alam kung sino ako, pero ako ang kanyang pinuno. Kung minsan, sa anumang kadahilanan, parang ayaw kong makipag-usap sa mga kapatid na kumukupkop, pero gayunman ay iniisip kong: Bilang isang pinuno, paano ang magiging tingin sa akin ng mga tao kung nagpupunta ako pero hindi ako nakikipag-usap sa kanila? Dahil isa akong pinuno dapat akong makipag-usap sa mga pamilyang kumukupkop. … Sa iba’t ibang pag-uugaling ito ay nakita kong: Nagtatrabaho ako dahil sa katayuan. Ito man ay sa pakikipag-usap sa mga tao, pagdalo sa mga pulong, o pag-aasikaso sa mga pangkalahatang gawain, lahat ng ito ay dahil lamang sa ako ay isang pinuno at dama kong obligasyon kong tuparin nang kaunti ang aking tungkulin at magtrabaho nang kaunti. Hindi ko tinutupad ang tungkulin ko bilang isang nilalang na nilikha, at higit pa rito hindi ako nagtatrabaho sa pamamagitan ng aking proseso ng pagmamahal sa Diyos tulad noon ni Pedro. Kung magpapatuloy ang mga bagay tulad ng dati, kapag dumating ang araw na aalisin at papalitan na ako, marahil hindi ko patuloy na tutuparin ang aking tungkulin gaya ng ginagawa ko ngayon. Noon ko lamang nakita na hindi ako isang taong nagsasagawa ng katotohanan o nagsasaalang-alang sa kalooban ng Diyos. Sa halip, ako ay isang kasuklam-suklam na kontrabida na nagtrabaho lamang para sa reputasyon at katayuan. Imposibleng magkaroon ng katapatan sa Diyos sa pagtatrabaho sa paraang ginawa ko dahil iyon ay sa kawalang-interes. Hindi ko kusang isinasagawa ang katotohanan at binigyang konsiderasyon ang kalooban ng Diyos, dahil “it was all for its own sake, and not carried out amid the pursuit of change.” Paano posibleng mabibigyang-kasiyahan ng gayong serbisyo ang kalooban ng Diyos? Si Pablo noon ay kumikilos sa kanyang posisyon bilang isang apostol; ang kanyang gawain ay puno ng mga transaksyon. Ako ay gumagawa at gumugugol noon sa aking posisyon bilang isang pinuno. Paano naging kaiba kay Pablo ang gayong mga intensyon at layunin sa paniniwala sa Diyos?
Sa puntong ito, lumuhod ako sa harapan ng Diyos: O Diyos! Salamat sa Iyo sa napapanahong kaligtasan, na nagbangon sa akin mula sa aking pagkatuliro, nagbukas ng aking isip sa tunay kong kalagayan, at nagpakita na tinatahak ko pa rin noon ang landas ni Pablo na Fariseo.
Ang aking gawain at pagtupad sa aking tungkulin ay katulad na katulad sa mga Fariseo, na marahil ay ikinainis Mo. O, Makapangyarihang Diyos! Handa akong baguhin ang aking mga maling intensiyon at mga pagkaintindi sa ilalim ng patnubay ng Iyong salita. Handa akong tuparin ang aking tungkulin bilang isang nilalang na nilikha at sundan ang halimbawa ni Pedro sa paggawa ng nararapat kong gawin sa pamamagitan ng proseso ng pagmamahal sa Diyos, hindi na kumikilos sa aking posisyon bilang isang pinuno, at gawin ang lahat ng aking makakaya upang hanapin at lumakad pasulong tungo sa landas ni Pedro!
Mula sa Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni Cristo
Ang pinagmulan:Natatanto na Tinatahak Ko ang Landas ng mga Fariseo
Rekomendasyon:
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw