Mula pa sa simula ng Kanyang gawain sa buong sansinukob, ang Diyos ay nagtalaga na ng maraming tao upang paglingkuran Siya, kabilang ang mga tao mula sa iba’t ibang uri ng pamumuhay. Ang Kanyang layunin ay tuparin ang Kanyang sariling kalooban at tiyaking ang Kanyang gawain sa daigdig ay nadadala sa maayos na kaganapan. Ito ang layunin ng Diyos sa pagpili ng mga tao na maglilingkod sa Kanya. Ang bawat tao na naglilingkod sa Diyos ay dapat nauunawaan ang kaloobang ito ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang gawaing ito, mas mahusay na nakikita ng mga tao ang karunungan ng Diyos at pagka-makapangyarihan ng Diyos, at nakikita ang mga prinsipyo ng Kanyang gawain sa daigdig. Ang Diyos ay tunay na dumarating sa daigdig upang gawin ang Kanyang gawain, nakikipag-ugnayan sa mga tao, upang mas malinaw nilang malaman ang Kanyang mga gawa. Ngayon, itong grupo ninyo ay mapalad na naglilingkod sa praktikal na Diyos. Ito ay hindi mabilang na pagpapala para sa inyo. Sa katotohanan, ang Diyos ang nagtataas sa inyo. Sa pagpili ng isang tao na maglilingkod sa Kanya, ang Diyos ay laging may sariling mga prinsipyo. Ang paglilingkod sa Diyos, gaya ng iniisip ng mga tao, ay tunay na hindi lamang isang simpleng bagay ng labis na kagustuhan. Ngayon nakikita ninyo kung paano ang sinumang naglilingkod sa Diyos sa Kanyang presensiya ay ginagawa ito sa patnubay ng Diyos at gawa ng Banal na Espiritu; sila ang naghahanap ng katotohanan. Ang mga ito ang pinakamababang kinakailangan na dapat taglayin ng lahat ng naglilingkod sa Diyos.
Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Yaong mga nananatiling hindi nagbabago ang masamang disposisyon ay hindi kailanman maaaring maglingkod sa Diyos. Kung ang iyong disposisyon ay hindi nahatulan at nakastigo ng salita ng Diyos, sa gayon ang iyong disposisyon ay kumakatawan pa rin kay Satanas. Ito ay sapat para patunayan na ang iyong paglilingkod sa Diyos ay nagmumula sa iyong sariling mabuting hangarin. Ito ay paglilingkod batay sa iyong makademonyong kalikasan. Ikaw ay naglilingkod sa Diyos gamit ang iyong likas na karakter, at ayon sa iyong personal na mga kagustuhan; ano pa nga ba, patuloy mong iniisip na nalulugod ang Diyos sa anumang nais mong gawin, at napopoot sa anumang hindi mo nais gawin, at lubusan kang ginagabayan ng iyong sariling mga kagustuhan sa iyong gawain. Maaari bang matawag itong paglilingkod sa Diyos? Sa huli, ang iyong disposisyon sa buhay ay hindi magbabago ng katiting; sa halip, ikaw ay lalong magiging mas matigas ang ulo sapagkat napaglilingkuran mo ang Diyos, at gagawin nito ang iyong masamang disposisyon na nakatanim nang malalim. Sa paraang ito, bubuo ka sa iyong loob ng mga alituntunin tungkol sa paglilingkod sa Diyos na pangunahing batay sa iyong sariling karakter, at sa karanasang nakuha mula sa iyong paglilingkod ayon sa iyong sariling disposisyon. Ito ang aral mula sa karanasan ng tao. Ito ang pilosopiya ng tao sa buhay. Ang mga taong katulad nito ay nabibilang sa mga Fariseo at mga relihiyosong namumuno. Kung hindi sila kailanman magising at magsisi, sa kahuli-hulihan sila ay magiging mga huwad na Cristo na lilitaw sa mga huling araw, at magiging mga manlilinlang ng mga tao. Ang sinabi noon na mga huwad na Cristo at manlilinlang ay magmumula sa ganitong uri ng tao. Kung yaong mga naglilingkod sa Diyos ay sumusunod sa kanilang sariling karakter at kumikilos ayon sa kanilang sariling kalooban, kung gayon sila ay nasa panganib na mapalayas anumang oras. Yaong mga gumagamit ng kanilang maraming taon ng karanasan sa paglilingkod sa Diyos upang makuha ang pagmamahal ng ibang tao, mangaral sa kanila at pagharian sila, at magmalaki—at hindi kailanman nagsisisi, hindi kailanman nangungumpisal ng kanilang mga kasalanan, hindi kailanman nagtatatwa sa mga benepisyo ng posisyon—ang mga taong ito ay mahuhulog sa harapan ng Diyos. Sila ang mga uri ng tao na katulad ni Pablo, ipinangangahas ang kanilang pagiging nauna sa panunungkulan at ipinagmamagaling ang kanilang mga kuwalipikasyon. Hindi dadalhin ng Diyos ang mga taong tulad nito sa pagka-perpekto. Ang ganitong uri ng paglilingkod ay humahadlang sa gawain ng Diyos. Ang mga tao ay mahilig kumapit sa luma. Sila ay kumakapit sa mga paniwala ng nakaraan, sa mga bagay mula sa nakaraan. Ito ay isang malaking sagabal sa kanilang paglilingkod. Kung hindi mo kayang itakwil ang mga iyon, magiging hadlang ang mga bagay na ito ng buong buhay mo. Hindi ka pupurihin ng Diyos, kahit katiting, kahit pa mabali mo ang iyong mga binti sa pagtakbo o ang iyong likod sa paggawa, kahit pa mapatay ka sa iyong paglilingkod sa Diyos. Sa kabaligtaran: sasabihin Niya na ikaw ay isang gumagawa ng masama.
Sa ngayon, pormal na gagawing perpekto ng Diyos yaong mga walang relihiyosong paniwala, na handang isantabi ang kanilang dating mga sarili, at sumusunod sa Diyos sa matapat na paraan, at Kanyang gagawing perpekto yaong mga nananabik sa salita ng Diyos. Ang mga taong ito ay dapat manindigan at maglingkod sa Diyos. Sa Diyos ay naroroon ang walang-katapusang kasaganaan at walang-hangganang karunungan. Ang Kanyang kahanga-hangang gawa at mahahalagang salita ay naghihintay sa lalo pang mas maraming bilang ng mga tao upang masiyahan sa mga iyon. Sa ganitong kalagayan, yaong may mga relihiyosong paniwala, yaong humahawak ng pagiging nauna sa panunungkulan, at yaong hindi maisantabi ang kanilang mga sarili ay nahihirapang tanggapin ang mga bagong bagay na ito. Walang pagkakataon para sa Banal na Espiritu na gawing perpekto ang mga taong ito. Kung ang isang tao ay hindi nagpasya na sumunod, at hindi nauuhaw sa salita ng Diyos, kung gayon hindi nila makakayang tanggapin ang mga bagong bagay na ito. Sila lamang ay magiging mas lalong mapanghimagsik, mas lalong tuso, at hahantong sa maling daan. Sa paggawa ng Kanyang gawain ngayon, itataas ng Diyos ang mas maraming tao na tunay na nagmamahal sa Kanya at nakakatanggap ng bagong liwanag. At lubos Niyang puputulin ang mga relihiyosong namumuno na ipinangangahas ang kanilang pagiging nauna sa panunungkulan. Yaong matitigas ang ulo na lumalaban sa pagbabago: hindi Niya nais ang isa man sa kanila. Nais mo bang maging isa sa mga taong ito? Ginagampanan mo ba ang iyong paglilingkod ayon sa iyong sariling mga kagustuhan, o ginagawa mo ba kung ano ang kinakailangan ng Diyos? Ito ay isang bagay na dapat mong malaman para sa iyong sarili. Isa ka ba sa mga relihiyosong namumuno, o ikaw ba ay isang bagong-silang na sanggol na ginagawang perpekto ng Diyos? Gaano karami sa iyong paglilingkod ang pinupuri ng Banal na Espiritu? Gaano karami rito ang hindi man lamang aalalahanin ng Diyos? Pagkaraan ng maraming taon ng paglilingkod, gaano kalaki ang nagbago sa iyong buhay? Malinaw ka ba tungkol sa lahat ng ito? Kung ikaw ay may tunay na pananampalataya, kung gayon ay itatakwil mo ang iyong mga lumang relihiyosong paniwala mula noong una, at paglingkuran ang Diyos nang mas mabuti sa isang bagong paraan. Hindi pa huli para manindigan ngayon. Sasakalin ng mga lumang relihiyosong paniwala ang buhay ng isang tao. Ang karanasang tinatamo ng isang tao ay maglalayo sa kanila mula sa Diyos, upang gawin ang mga bagay-bagay sa kanilang sariling paraan. Kung hindi mo bibitawan ang mga bagay na ito, magiging sagabal ang mga ito sa iyong paglago sa buhay. Palaging nagagawang perpekto ng Diyos yaong mga naglilingkod sa Kanya. Hindi Niya sila pinalalayas nang pagayon-gayon lamang. Kung tunay na tinatanggap mo ang paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos, kung maisasantabi mo ang iyong mga lumang relihiyosong pagsasagawa at alituntunin, at hihinto sa paggamit ng mga lumang relihiyosong paniwala bilang panukat ng salita ng Diyos ngayon, sa gayon lamang magkakaroon ng hinaharap para sa iyo. Ngunit kung kumakapit ka sa mga lumang bagay, kung itinuturing mo pa rin bilang kayamanan ang mga iyon, sa gayon walang paraan na maliligtas ka. Hindi pinapansin ng Diyos ang mga taong tulad niyan. Kung talagang nais mong magawang perpekto, kung gayon dapat kang magpasya na talikuran nang ganap ang lahat ng bagay mula noong una. Kahit na tama ang ginawa noon, kahit na ito ay gawa ng Diyos, dapat mo pa ring makayang isantabi ito at ihinto ang pagkapit dito. Kahit na malinaw na gawa ito ng Banal na Espiritu, tuwirang ginawa ng Banal na Espiritu, ngayon dapat mong isantabi ito. Hindi mo dapat panghawakan ito. Ito ang kinakailangan ng Diyos. Ang lahat ng bagay ay dapat mapanibago. Sa gawain ng Diyos at salita ng Diyos, hindi Siya tumutukoy sa mga lumang bagay na naganap noon, at hindi Siya humuhukay sa lumang kasaysayan. Ang Diyos ay isang Diyos na palaging bago at hindi kailanman luma. Hindi Siya kumakapit kahit sa Kanyang sariling mga salita mula sa nakaraan, kung saan malinaw na ang Diyos ay hindi sumusunod sa anumang mga alituntunin. Sa ganitong kaso, bilang isang tao, kung palagi kang kumakapit sa mga bagay ng nakaraan, tumatangging pakawalan ang mga iyon, at mahigpit na ginagamit ang mga iyon sa nakapormulang paraan, samantalang ang Diyos ay hindi na gumagawa sa mga paraang ginawa Niya noon, kung gayon hindi ba nakakaantala lamang ang iyong mga salita at kilos? Hindi ka ba nagiging kaaway ng Diyos? Hahayaan mo ba ang iyong buong buhay na lubos na mawasak at masira dahil sa mga lumang bagay na ito? Gagawin ka ng mga lumang bagay na ito na isang tao na humahadlang sa gawain ng Diyos. Nais mo bang maging ganitong uri ng tao? Kung talagang hindi mo nais iyan, kung gayon ay itigil mo agad ang iyong ginagawa at mag-iba ng landas; magsimulang muli. Hindi tinatandaan ng Diyos ang iyong nakaraang paglilingkod.
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Rekomendasyon:
Ang pinagmulan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan