Dumarating ang Aking pagkastigo sa lahat ng mga tao, gayon pa man ay nananatili rin itong malayo mula sa lahat ng mga tao. Ang buong buhay ng bawat tao ay puno ng pag-ibig at pagkamuhi sa Akin, at wala kahit isa ang kailanma’y nakakilala sa Akin—kung kaya sala sa lamig at sala sa init ang saloobin ng tao sa Akin, at wala itong kakayahan sa pagiging-normal. Gayunman ay parati Kong inalagaan at iningatan ang tao, at mapurol lamang ang kanyang isipan kaya wala siyang kakayahang makita ang lahat ng Aking mga gawa at maunawaan ang masigasig Kong mga hangarin. Ako ang nangungunang Isa sa gitna ng lahat ng mga bansa, at ang pinakamataas sa gitna ng lahat ng mga tao; hindi lamang talaga Ako kilala ng tao. Sa maraming taon, nanirahan Ako sa kalagitnaan ng tao at naranasan ang buhay sa mundo ng tao, gayon pa man lagi niya Akong ipinagsawalang-bahala at itinuring Akong katulad ng isang nilalang na nagmula sa kalawakan. Bunga nito, itinuturing Ako ng mga tao na katulad ng isang banyaga sa daan dahil sa mga pagkakaiba sa disposisyon at wika. Ang damit Ko rin ay tila masyadong kakaiba, at bilang resulta, walang lakas ng loob ang tao para lapitan Ako. Diyan Ko lamang nararamdaman ang kalungkutan ng sa kalagitnaan ng tao, at diyan Ko rin lamang nararamdaman ang kawalan-ng-hustisya sa mundo ng tao. Lumalakad Ako sa kalagitnaan ng mga dumadaan, pinagmamasdan ang lahat ng kanilang mga mukha. Ito ay parang nabubuhay sila sa kalagitnaan ng isang karamdaman, bagay na nagpupuno ng kalungkutan sa kanilang mga mukha, at sa gitna ng pagkastigo, na pumipigil sa kanilang paglaya. Iginagapos ng tao ang kanyang sarili, at ibinababa ang kanyang sarili. Sa harapan Ko, karamihan sa mga tao ay lumilikha ng maling palagay tungkol sa kanilang mga sarili sa gayon ay maaring mapuri Ko sila, sadyang nag-aanyong kahabag-habag sa harap Ko ang karamihan sa mga tao sa gayon ay maaring makakuha sila ng tulong mula sa Akin. Sa Aking likuran, nililinlang at sinusuway Ako ng lahat ng mga tao. Hindi ba tama Ako? Hindi ba ito ang diskarte ng tao para manatiling buhay? Sino na ang kahit kailan ay nabuhay ng mas matagal kaysa sa Akin? Sino na ang kahit kailan ay nagtaas sa Akin sa gitna ng iba? Sino na ang kahit kailan ay nagapos sa harapan ng Espiritu? Sino na ang kahit kailan ay naging matatag sa kanilang patotoo sa Akin sa harapan ni Satanas? Sino na ang kahit kailan ay nagdagdag ng pagiging-totoo sa “katapatan” nila sa Akin? Sino na ang kahit kailan ay inalis ng malaking pulang dragon dahil sa Akin? Sumapi na ang mga tao kay Satanas, mga bihasa sila sa pagsuway sa Akin, sila ang mga may-likha ng pagsalungat sa Akin, at sila ay mga nagsipagtapos sa pakikipagtawaran sa Akin. Para sa kapakanan ng sarili niyang tadhana, naghahanap ang tao dito at doon sa lupa; kapag kinakawayan Ko siya, nananatili siyang walang-pandama sa Aking pagiging-napakahalaga at patuloy siya sa pananampalataya sa kanyang pagsandig sa kanyang sarili, ayaw niyang maging isang pasanin sa iba. Mahalaga ang mga hangarin ng tao, gayunman walang kaninumang mga hangarin ang kailanman ay ganap na nakamit: Gumuguho silang lahat sa harapan Ko, bumabagsak nang tahimik.
Sa bawa’t araw ako ay nagsasalita, at bawa’t araw gumagawa rin Ako ng mga bagong bagay. Kung hindi ibubuhos ng tao ang buo niyang lakas, mahihirapan siyang marinig ang Aking tinig, at mahihirapan siyang makita ang Aking mukha. Maaaring mabuti ang minamahal, at mahinahon ang Kanyang pananalita, nguni’t walang kakayahan ang tao na madaling makita ang Kanyang maluwalhating mukha at mapakinggan ang Kanyang tinig. Sa kabuuan ng mga kapanahunan, wala kailanman ang basta-bastang nakakita sa Aking mukha. Minsan Akong nagsalita kay Pedro at nagpakita kay Pablo, at wala nang ibang tao—maliban sa mga Israelita—ang kahit kailan ay totoong nakakita sa Aking mukha. Ngayon, personal Akong pumunta sa gitna ng tao upang manahan nang kasama siya. Hindi ba bihira at mahalaga ang pakiramdam na ito sa inyo? Ayaw ninyo bang gamitin ang oras ninyo sa pinakamahusay na paraan? Gusto ninyo bang lalampasan na lamang kayo nito sa ganitong paraan? Pwede kayang ang mga kamay ng orasan sa mga isipan ng mga tao ay bigla na lamang tumitigil? O maaari kayang umandar ang oras nang paatras? O maaari kayang maging bata muli ang tao? Puwede kayang bumalik muli ang pinagpalang buhay ng kasalukuyan? Hindi Ako nagbibigay sa tao ng isang naaangkop na “gantimpala” para sa kanyang “basura.” Pilit lamang Akong nagpapatuloy sa paggawa ng Aking gawain, nakahiwalay sa lahat ng iba pa, at hindi itinitigil ang daloy ng panahon dahil abala ang tao, o dahil sa tunog ng kanyang mga pag-iyak. Sa loob ng ilang libong taon, walang sinumang nakahati sa Aking lakas, at walang sinumang nakapagpataob sa orihinal Kong plano. Lalampasan Ko ang kalawakan, at sasaklawin Ko ang mga kapanahunan, at sisimulan Ko ang buod ng buo Kong plano kapwa sa ibabaw at sa gitna ng lahat ng mga bagay. Walang sinuman ang nakatanggap ng espesyal na pagtrato mula sa Akin, walang sinuman ang nakakuha ng “gantimpala” sa Aking mga kamay. At kahit nabuksan na ng mga tao ang kanilang mga bibig at nanalangin sa Akin, kahit na, walang pagsasaalang-alang sa lahat ng iba pa, iniuunat nila ang kanilang mga kamay upang humingi sa Akin, wala sa mga ito ang nakaapekto kailanman sa Akin, at napaurong silang lahat ng Aking “malupit” na tinig. Karamihan sa mga tao ay naniniwala pa rin na “masyadong bata” pa sila at kaya hinihintay Ako na magpakita ng masaganang awa, na maging mahabagin sa kanila para sa pangalawang pagkakataon, at hinihiling nila na payagan Ko silang gamitin ang likurang pinto. Gayunman ay paano Ko panghihimasukan ang Aking plano nang ganun na lang? Maititigil Ko ba ang pag-ikot ng mundo para sa kapakanan ng kabataan ng tao, para mabuhay pa siya ng ilang taon sa lupa? Napakahirap unawain ang utak ng tao, gayunma’y tila may mga bagay pa rin na kulang nito. Dahil dito, madalas may mga lumilitaw na mga “kahanga-hangang paraan” sa isip ng tao na sadyang nakagagambala sa Aking gawain.
Kahit napakarami ang mga panahon na napatawad Ko ang tao sa kanyang mga kasalanan, at ipinakita Ko sa kanya ang espesyal na pabor dahil sa kanyang kahinaan, maraming panahon din ang inilaan Ko sa nararapat na pakikitungo sa kanya dahil sa kanyang kamangmangan. Sadyang hindi lamang nalaman ng tao kahit kailan kung paano niya pahahalagahan ang Aking kagandahang-loob, kaya siya nalugmok sa kasalukuyan niyang kalagayan: balot ng alikabok, punit-punit ang mga suot, napakakapal ang kanyang buhok na parang lumagong mga damo na tumatakip sa kanyang ulo, napakadumi ng kanyang mukha, ang mga paa niya’y may panyapak na ginawa niya lamang, ang mga kamay niya ay katulad ng mga kuko ng isang patay na agila, mahinang-mahina na nakalaylay sa kanyang tabi. Kapag binuksan Ko ang Aking mga mata at tumingin, parang bagong ahon lamang ang tao mula sa walang-hanggang kalaliman. Wala Akong nagawa kundi magalit: Parati Akong nagpaparaya sa tao, gayunman paano Ko mahahayaan ang diyablo na pumasok at umalis mula sa banal Kong kaharian kung kailan niya gusto? Paano Ko papayagan ang isang pulubi na kumain nang libre sa Aking sambahayan? Paano Ko matitiis ang pagkakaroon ng isang karumaldumal na espiritu bilang isang panauhin sa Aking sambahayan? Ang tao ay naging palaging “mahigpit sa kanyang sarili” at “maawain sa iba,” gayunma’y hindi siya kailanman naging magalang kahit kaunti sa Akin, sapagka’t Ako ang Diyos sa langit, at sa gayon ay iba ang pagtrato niya sa Akin, at kailanman ay hindi nagkaroon ng kahit kaunting pagmamahal para sa Akin. Parang sadyang matalas ang mga mata ng tao: Sa sandaling makatagpo niya Ako, nagbabago agad ang itsura ng kanyang mukha at dinaragdagan pa niya ng kaunting pagpapahayag ang kanyang malamig, manhid na pagmumukha. Hindi Ako naglalapat ng nararapat na mga paghihigpit sa tao dahil sa kanyang saloobin sa Akin, nguni’t tumitingin lamang sa mga kalangitan mula sa ibabaw ng mga sansinukob at mula doon ay isinasakatuparan ang Aking gawain sa lupa. Sa alaala ng tao, hindi Ako kailanman nagpakita ng kagandahang-loob sa kaninuman, nguni’t hindi rin ako nang-abuso sa sinuman. Sapagka’t hindi naglalaan ang tao para sa Akin ng isang “bakanteng upuan” sa kanyang puso, kapag hindi Ako naglakas-loob at nanahan sa kanyang kalooban, itataboy niya Ako nang biglaan, at gagamit ng magagandang salita at pambobola para makapagdahilan lang, na nagsasabing napakalaki ang kanyang kakulangan at walang kakayahang maglaan sa sarili niya para sa Aking kasiyahan. Sa pagsasalita niya, madalas natatabunan ang kanyang mukha ng mga “madilim na ulap,” na parang may parating na kalamidad sa gitna ng tao anumang oras. Gayun pa man ipinagtatabuyan niya pa rin Ako, nang walang anumang pagsasaalang-alang sa mga panganib na kasangkot. Kahit nagbibigay Ako sa tao ng Aking mga salita at ng init ng Aking yakap, tila wala siyang tainga, kung kaya hindi niya pinapansin kahit bahagya ang Aking tinig, sa halip ay hinahawakan ang kanyang ulo habang papaalis. Lumilisan Ako sa tao na nakakaramdam ng kaunting pagkabigo, at kaunti ring pagkapoot. Samantala, agad na naglalaho ang tao sa gitna ng pagbugso ng malalakas na unos at malalaking alon. Sa hindi katagalan, umiiyak siya sa Akin, nguni’t paano niya mapipigil ang galaw ng mga hangin at alon? Unti-unti, nawala ang lahat ng bakas ng tao, hanggang sa tuluyan na siyang naglaho.
Bago ang mga kapanahunan, tumingin Ako sa lahat ng lupain mula sa itaas ng mga sansinukob. Binalak Ko ang isang malaking gawain sa lupa: ang paglikha ng isang sangkatauhan na ayon sa Aking puso, at ang paglikha ng isang kaharian sa lupa na katulad ng isa na nasa langit, magdudulot sa aking kapangyarihan na punuin ang mga kalangitan at sa Aking karunungan na mailatag sa buong sansinukob. Kung kaya ngayon, pagkaraan ng libu-libong taon, nagpapatuloy Ako sa Aking plano, gayunma’y walang nakaaalam sa Aking plano o pamamahala sa lupa, lalong higit na hindi nila nakikita ang kaharian Ko sa lupa. Samakatuwid, walang napapala ang tao, at lumalapit sa harap Ko upang subukan Akong lokohin, gustong magbayad ng isang “suhol” para sa mga biyaya Ko sa langit. Dahil dito, pinukaw niya ang Aking poot at Ako ay nagdala ng paghatol sa kanya, nguni’t hindi pa rin siya nagigising. Para bang siya ay nagtatrabaho sa ilalim ng lupa, ganap na ignorante sa kung ano ang nasa ibabaw habang patuloy niyang hinahabol ang kanyang sariling mga balakin at wala nang iba. Sa lahat ng mga tao, wala kailanman Akong nakita na nabubuhay sa ilalim ng Aking nagniningning na liwanag. Nabubuhay sila sa isang mundo ng kadiliman, at tila nasanay na sa pamumuhay sa gitna ng lagim. Kapag dumarating ang liwanag sila ay nananatili sa malayo, at para bang nakagagambala ang liwanag sa kanilang gawain; bilang resulta, parang bahagyang naiinis sila, na para bang nabasag ng liwanag ang kanilang kapayapaan at iniwan silang hindi makatulog nang mahimbing. Dahil dito, ibinubuhos ng tao ang lahat ng kanyang lakas upang itaboy ang liwanag. Tila kulang din sa kamalayan ang liwanag, kung kaya ginigising niya ang tao mula sa kanyang pagkakatulog, at kapag nagising ang tao, ipinipikit niya ang kanyang mga mata, nadaig ng galit. Parang hindi siya nalulugod sa Akin, gayunma’y alam Ko ang totoo sa Aking puso. Hinay-hinay Kong pinatitindi ang liwanag, sinasanhi upang mabuhay ang lahat ng mga tao sa gitna ng Aking liwanag, anupa’t hindi nagtagal nasanay sila sa pananatili sa liwanag, at, higit pa rito, pinahahalagahan ng lahat ang liwanag. Sa panahong ito, dumating ang kaharian Ko sa kalagitnaan ng tao, ang lahat ng mga tao ay sumasayaw na may kagalakan at pagdiriwang, biglang napuno ng kasayahan ang lupa, at binasag ng pagdating ng liwanag ang libu-libong taon ng katahimikan …
Marso 26, 1992
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Rekomendasyon:
Ang pinagmulan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan