Bawa’t isa sa inyo ay dapat magsuring muli ng inyong buhay-pananampalataya sa Diyos para makita kung, sa paghahabol sa Diyos, ay tunay na naunawaan mo, tunay na naintindihan, at tunay na nakilala mo ang Diyos, kung tunay na alam mo kung anong saloobin ang tinitiis ng Diyos sa iba’t ibang uri ng tao, at kung tunay na nauunawaan mo kung ano ang ginagawa ng Diyos sa iyo at ano ang pakahulugan ng Diyos sa bawa’t kilos mo. Ang Diyos na ito, na nasa tabi mo, gumagabay sa direksyon ng pag-unlad mo, nagtatakda ng tadhana mo, at nagtutustos ng mga pangangailangan mo—sa katapus-tapusan, gaano ang nauunawaan mo at gaano ang totoong pagkakakilala mo tungkol sa Kanya? Alam mo ba kung ano ang ginagawa Niya sa iyo sa bawa’t araw? Alam mo ba ang mga prinsipyo at mga layunin na pinagbabatayan Niya ng bawa’t kilos Niya? Alam mo ba kung paano ka Niya ginagabayan? Alam mo ba ang paraan kung paano ka Niya tinutustusan? Alam mo ba ang mga pamamaraan ng Kanyang pag-aakay sa iyo? Alam mo ba kung ano ang nais Niyang makuha mula sa iyo at ano ang nais Niyang makamit sa iyo? Alam mo ba ang nagiging saloobin Niya pagdating sa iba’t ibang asal mo? Alam mo ba kung ikaw ay isang taong minamahal Niya? Alam mo ba ang pinanggagalingan ng Kanyang kagalakan, galit, kalungkutan, at tuwa, ang mga kaisipan at ideya sa likod ng mga iyon, at ang Kanyang kakanyahan? Alam mo ba, sa kahuli-hulihan, kung anong uring Diyos ang Diyos na ito na pinaniniwalaan mo? Ang mga ito ba at ang iba pang mga tanong na gaya niyan ay ang mga bagay na hindi mo pa kailanman naunawaan o napag-isipan? Sa iyong patuloy na paniniwala sa Diyos, ikaw ba, sa pamamagitan ng tunay na pagpapahalaga at pagdaranas ng mga salita ng Diyos, ay nalinawan na sa iyong maling mga pagkaunawa tungkol sa Kanya? Ikaw ba, matapos tanggapin ang disiplina at pagtutuwid ng Diyos, ay tunay na nagpapasakop at nagmamalasakit? Ikaw ba, sa gitna ng pagkastigo at paghatol ng Diyos, ay nakaalam ng pagiging mapaghimagsik at maka-satanas na kalikasan ng tao at nagkamit ng kaunting kaunawaan tungkol sa kabanalan ng Diyos? Ikaw ba, sa ilalim ng paggabay at pagliliwanag ng salita ng Diyos, ay nagsimulang magkaroon ng bagong pananaw tungkol sa buhay? Ikaw ba, sa gitna ng pagsubok na ipinadala ng Diyos, ay nakaramdam ng Kanyang hindi pagpayag sa mga pagkakasala ng tao at maging kung ano ang Kanyang hinihingi sa iyo at paano ka Niya inililigtas? Kung hindi mo alam kung paano ang magkamali ng pagkaunawa sa Diyos, o kung paano lilinawin ang maling pagkaunawang ito, kung gayon masasabing hindi ka pa talaga nakapasok sa tunay na pakikipag-isa sa Diyos at hindi pa kailanman naintindihan ang Diyos, o kahit papaano masasabing hindi mo kailanman ninais na maintindihan Siya. Kung hindi mo alam kung ano ang disiplina at pagtutuwid ng Diyos, kung gayon tiyak na hindi mo alam kung ano ang pagpapasakop at pagmamalasakit, o kahit papaano hindi ka pa kailanman talagang nagpasakop o nagmalasakit sa Diyos. Kung hindi mo pa kailanman naranasan ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, kung gayon hindi mo talaga malalaman kung ano ang Kanyang kabanalan, at lalong hindi magiging malinaw sa iyo kung ano ang paghihimagsik ng tao. Kung hindi ka pa talaga kailanman nagkaroon ng tamang pananaw sa buhay, o tamang layunin sa buhay, kundi nalilito pa at hindi makapagdesisyon tungkol sa iyong magiging landas ng buhay sa hinaharap, maging hanggang sa puntong nag-aalangan kang magpatuloy, kung gayon tiyak na hindi mo pa kailanman tunay na natanggap ang pagliliwanag at paggabay ng Diyos, at masasabi ring hindi ka pa kailanman tunay na natustusan o napunuan ng mga salita ng Diyos. Kung hindi ka pa napasailalim sa pagsubok ng Diyos, malinaw na hindi mo talaga malalaman ang hindi pagpapaubaya ng Diyos sa mga kasalanan ng tao, o hindi mo maiintindihan ang sa kahuli-hulihan ay hinihingi ng Diyos sa iyo, at lalo na, kung ano ang gawain Niya ng pamamahala at pagliligtas sa tao. Gaano man karaming taon na naniwala ang isang tao sa Diyos, kung hindi pa niya kailanman naranasan o nadama ang anuman sa mga salita ng Diyos, kung gayon tiyak na hindi pa niya nilalakaran ang daan tungo sa kaligtasan, ang pananampalataya niya sa Diyos ay tiyak na walang tunay na laman, ang pagkakilala niya rin sa Diyos ay tiyak na wala, at malinaw na wala siyang kamuwang-muwang kung paano magpitagan sa Diyos.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pananalig. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pananalig. Ipakita ang lahat ng mga post
Trailer ng Dokumentaryong "Siya na May Kapangyarihan sa Lahat" | Pagsisiyasat sa Sansinukob
Sa malawak na himpapawid sa kalawakan na puno ng mga bituin, nagbabanggaan ang mga planeta, at isang sunurang masalimuot na mga pamamaraan ang nagsisilang ng bagong mga planeta.... Ang di-mabilang na katawang selestyal sa kalawakan ay gumagawang lahat nang magkakaayon—sinong nagpapatakbo sa mga iyon? Malapit nang ihayag ng Kristiyanong dokumentaryong musikal—Ang Isang Naghahari sa Lahat—ang mga tunay na pangyayari!
Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas
Ito ay marapat na pinagkakaabalahan ng sangkatauhan na kunin ang mga salita Ko bilang ang batayan ng kanyang pananatiling buhay. Dapat itatag ng tao ang indibidwal niyang kabahagi sa bawat isang bahagi ng mga salita Ko; ang hindi paggawa nito ay paghingi ng suliranin, paghahanap ng sarili niyang pagkawasak. Hindi Ako kilala ng sangkatauhan, at dahil dito, sa halip na dalhin niya ang kanyang buhay sa Akin upang ihandog bilang kapalit, ang tanging ginagawa niya ay pumarada sa harapan Ko na mayroong basura sa kanyang mga kamay, sinusubukang sa pamamagitan niyaon ay bigyan Ako ng kasiyahan. Ngunit, malayo sa pagkakaroon ng kasiyahan sa mga bagay na tulad ng mga ito, patuloy Ako sa paghingi sa sangkatauhan. Gusto Ko ang handog ng tao, nguni’t kinapopootan Ko ang kaniyang mga panghuhuthot. Ang puso ng lahat ng mga tao ay puno ng kasakiman; parang inalipin ng diyablo ang puso ng tao, at hindi makalaya ang tao at maihandog ang kanyang puso sa Akin. Kapag nagsasalita Ako, nakikinig ang tao sa Aking tinig nang may pamimitagan; nguni’t kapag tumigil Ako sa pagsasalita, nagsisimula siyang muli sa sarili niyang “pakikipagsapalaran” at ganap na humihinto sa pag-intindi sa mga salita Ko, na parang pandagdag lamang ang mga salita Ko sa kanyang “pakikipagsapalaran.” Kailanman hindi ako naging maluwag sa sangkatauhan, at gayunman naging lubhang-matiisin din ako at may magandang kalooban sa sangkatauhan. At sa gayon, dahil sa Aking pagiging mapagpahinuhod, naging napakahambog ang mga tao, walang kakayahang kilalanin ang sarili at magmuni-muni, at sinasamantala nila ang Aking pagkamatiisin upang linlangin Ako. Walang kahit isa sa kanila ang taos-pusong nagmamalasakit sa Akin, at wala ni isa man ang tunay na nagpapahalaga sa Akin bilang isang bagay na sinisinta ng kanyang puso; ibinibigay lamang nila sa Akin ang pilit nilang pagpansin tuwing wala silang ginagawa. Ang pagsisikap na ginugol Ko sa tao ay wala nang kapantay. Ginawa Ko na sa tao ang kauna-unahang uri ng gawain, at bukod dito, ibinigay Ko sa kanya ang isang karagdagang pasanin, upang sa ganoon, mula sa kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako, maaaring matuto ang tao at magbago. Ginagawa Ko ito upang hindi maging isang tagagamit lamang ang tao, nguni’t gawin siyang tagagawa na may kakayahang talunin si Satanas. Kahit na maaaring wala akong hinihinging kahit ano sa tao, gayunman may mga pamantayan Ako para sa mga kahilingan Ko, sapagka’t may layunin Ako sa ginagawa Ko, at may mga prinsipyong alinsunod sa hakbang Ko: Hindi Ako, gaya ng naguguni-guni ng mga tao, padaskul-daskol na naglalaro, at hindi Ko rin, sa sinasadyang pagbabagu-bago, nilikha ang mga kalangitan at lupa at ang napakaraming mga bagay na nilikha. Sa Aking paggawa, dapat may bagay na makikita ang tao, bagay na matatamo. Hindi niya dapat aksayahin ang tagsibol na kapanahunan ng kanyang “kabataan,” o tratuhin ang sarili niyang buhay na parang kasuotang basta hinayaang mapuno ng alikabok; sa halip, dapat bantayan niya nang mahigpit ang kanyang sarili, kumukuha mula sa Aking pagpapala upang matustusan ang sarili niyang kasiyahan, hanggang, para sa Aking kapakanan, hindi na siya makababalik tungo kay Satanas, at para sa Aking kapakanan maglulunsad siya ng isang pag-atake laban kay Satanas. Hindi ba napakadaling gaya nito ang hinihiling Ko sa tao?
Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Punong Salita
Pag-bigkas ng Diyos | Punong Salita
Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman ang mga tao ay alam na alam ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, sa gayon, na lahat ng mga taong hindi nakakaalam sa Diyos ay nagtataglay ng isang nakakalitong paniniwala. Ang mga tao ay hindi seryoso sa kanilang paniniwala sa Diyos sapagkat ang paniniwala sa Diyos ay masyadong di-kilala, masyadong kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga hinihingi ng Diyos. Sa ibang salita, kung hindi kilala ng tao ang Diyos, hindi alam ang Kanyang gawa, sa gayon hindi sila angkop para sa paggamit ng Diyos, lalong hindi nila maaaring tuparin ang hangarin ng Diyos. Ang “paniniwala sa Diyos” ay nangangahulugang paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng pagkakaintindi sa pananampalataya sa Diyos. Bukod pa rito, ang paniniwalang mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na pananalig sa Diyos; kundi, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may malakas na pangrelihiyong mga kahulugan. Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong tiwaling disposisyon makakatupad sa hangarin ng Diyos at makakikilala sa Diyos. Tanging sa ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos. Datapwat ang mga tao ay madalas makita ang paniniwala sa Diyos bilang isang bagay na napakasimple at walang gaanong kabuluhan. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay walang kabuluhan at hindi kailanman makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, pagkat sila’y tumatahak sa maling landas. Ngayon, mayroon pa ring mga naniniwala sa Diyos sa pamamagitan ng mga titik, sa guwang na mga doktrinang walang laman. Wala silang malay na ang kanilang paniniwala sa Diyos ay walang sustansya at na hindi sila makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, at nananalangin pa rin sila para sa kapayapaan at sapat na biyaya mula sa Diyos. Dapat tayong huminto at tanungin ang ating mga sarili: Maaari bang ang paniniwala sa Diyos ang tunay na pinakamadaling bagay sa lupa? Ang paniniwala ba sa Diyos ay nangangahulugang wala nang higit pa sa pagtanggap sa maraming biyaya mula sa Diyos? Maaari bang ang mga tao na naniniwala sa Diyos ngunit hindi Siya nakikilala, at naniniwala sa Kanya nguni’t tinututulan Siya, tunay na makakatupad sa hangarin ng Diyos?
Kristianong Awitin| Tunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos
Kidlat ng Silanganan | Kristianong Awitin| Tunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos
I
Maraming tao’ng naniniwala,
ngunit kaunti lang ang nakakaunawa sa pananampalataya sa Diyos,
paano ba sasabayan ang pintig ng Kanyang puso.
Maraming may alam sa mga salitang “Diyos” at “gawain ng Diyos,”
ngunit di Siya kilala at ang mga gawain Niya.
Kaya pananalig nila’y bulag.
Sila’y di seryoso dito dahil ito’y kakaiba.
Kaya kapos sila sa mga hinihingi ng Diyos.
Kung di mo kilala ang Diyos at gawain N’ya,
angkop ka bang gamitin N’ya?
Matutupad mo ba ang hangad ng Diyos?
Kidlat ng Silanganan| Kristiyanong Pelikula “Pananalig sa Diyos”
Kidlat ng Silanganan| Kristiyanong Pelikula “Pananalig sa Diyos”
Si Yu Congguang ay nangangaral ng ebanghelyo para sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Habang nangangaral ng ebanghelyo, tinugis siya ng Komunistang gobyerno ng Tsina. Tumakas siya sa mga kabundukan, kung saan nakatanggap siya ng tulong mula kay Zheng Xun, isang katrabaho sa lokal na bahay iglesia. Nang una silang nagkita, pakiramdam nila ay matagal na nilang kilala ang bawat isa. Dinala ni Zheng Xun si Yu Congguang sa kubo kung saan siya at ng kanyang mga katrabaho ay nagtipon. Doon, nangyari ang isang debate kila Zheng Xun at ng kanyang mga katrabaho kung ang isang mananampalataya sa Diyos ay dapat bang sundin o hindi yaong mga nasa kapangyarihan. Si Yu Congguang ay nagbahagi kaugnay sa isyung ito at iwinaksi ang kanilang pagkakalito. Lubos na nakatulong sa kanila ang pagbabahagi ni Yu Congguang, at nagsimula silang lahat na hanapin at pag-aralan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Gayun pa man, nang malaman ni Elder Sun mula sa lokal na iglesia na si Yu Congguang ay isang saksi mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ginawa niya ang lahat ng bagay na maaari niyang gawin para saraduhan ang iglesia at pigilan ang mga tagasunod mula sa paghahanap ng tunay na landas. Nagbahay-bahay si Sun na naghahanap kay Yu Congguang, at inutusan pa ang mga tagasunod na iulat si Yu sa mga pulis at arestuhin siya …
Rekomendasyon:
Bakit si Pedro lamang ang nakakilala kay Jesus bilang Kristo ?
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)