Jiayi Lungsod ng Fuyang, Lalawigan ng Anhui
Ang aking kalikasan ay talagang palalo; anuman ang aking ginagawa, gumagamit ako palagi ng pagkamalikhain at pagka-mapanlikha upang ipakita ang aking galing atkaya madalas na lumalabag ako sa kaayusan ng mga gawain para gawin ang mga bagay sa sarili kong paraan. Ako ay lalo nang palalo tungkol sa pagpili ng mga tao para sa isang partikular na posisyon. Naniniwala ako na ako ay may naiibang kakayahan at pananaw na palaging tumutulong sa aking pumili ang tamang tao. Dahil dito, kapag pumili ako ng isa, hindi ko na pinagsisikapang suriin ang lahat ng kalalagayan ng taong nais kong piliin. Hindi ko rin masusing tinitimbang ang mga taong gusto kong piliin ayon sa mahahalagang mga prinsipyo.
Ang kalalabasan nito ay humahantong ako sa pagpili sa ilang tuso at mapanlinlang na nagsasalita lamang ng mga liham at mga doktrina upang taglayin sa kanilang mga sarili ang mahahalagang pananagutan sa iglesia. Ang ganito ay lumikha ng malaking kawalan para sa gawain gayundin sa buhay ng aking mga kapatid. Sa wakas, dahil sa aking kawalan ng makabuluhang gawa sa paglilingkod sa Diyos, itinakwil ako ng Diyos. Nawala ko ang pagpapala ng Banal na Espiritu at inalis sa paglilingkod.
Ang kalalabasan nito ay humahantong ako sa pagpili sa ilang tuso at mapanlinlang na nagsasalita lamang ng mga liham at mga doktrina upang taglayin sa kanilang mga sarili ang mahahalagang pananagutan sa iglesia. Ang ganito ay lumikha ng malaking kawalan para sa gawain gayundin sa buhay ng aking mga kapatid. Sa wakas, dahil sa aking kawalan ng makabuluhang gawa sa paglilingkod sa Diyos, itinakwil ako ng Diyos. Nawala ko ang pagpapala ng Banal na Espiritu at inalis sa paglilingkod.
Nang makatanggap ako ng salita na ako ay papalitan, ako ay nagulumihanan. Napakahirap isipin na ang isang bagay na katulad ng ganito ay mangyayari sa akin. Pagkaraan noon, nagsimula akong di makaunawa sa Diyos at kuwestiyunin Siya: Pinalitan ako ng iglesia at hindi binigyan ng anumang tungkulin. Tila ba ang suliranin ko ay totoong mabigat. Malamang pa na ako’y matitiwalag. Hindiba’t itiniwalag si Zhenxin dahil sa basta na lamang siya gumawa at dinaya ang Diyos sa panahong iyon? At hindi ba naging anticristo si Quanxin dahil itinaas niya ang kanyang sarili, nagpatotoo sa sarili niya, at nakipagpaligsahan sa Diyos para sa mga hinirang? Hindi ba ako’y lalong dapat itiwalag sa kasalukuyan sapagka’t basta na lamang ako gumawa, dinaya ang Diyos, itinaas ang sarili ko at nagpatotoo ukol sa sarili ko kagaya ng ginawa nilang dalawa? Pagkakita sa sakuna na aking nalikha, nanginig ako sa takot na tila ba ang kamatayan ay papalapit. Sinabi ng puso ko nang walang patlang: Tapos na ako. Sa pagkakataong ito ay lubusan na akong nagwakas. Nilabanan ko at pinagkasalahan ang Diyos nang maraming ulit. Tiyak na hindi ako ililigtas ng Diyos. Bagamat sinabi ng Diyos na ginagawa Niya ang lahat ng Kanyang makakaya upang mailigtas ang sangkatauhan, iyon ay angkop lamang sa mga may kaunting katiwalian at yaong nakagawa ng maliliit na mga kasalanan. Ang isang arogante at mapagmataas na tao tulad ko na bulag sa Diyos at ginawa ang lahat ng kasamaan ay tiyak na magdurusa sa kaparusahan ng Diyos. Magsikap man akong magsimulang muli, hindi na ako patatawarin ng Diyos, dahil sa ang aking mga pagkilos ay nagdulot sa Diyos na mawalan ng pag-asa sa akin at pinamighati Siya nang lubos… Hindi ko napansin, lumubog na ako sa kapighatian at kawalang-pag-asa. Wala na ako ni gahiblang pag-asa para sa kaligtasan.
Sa aking labis na pighati, naisip ko ang tungkol sa pagpapakamatay o pagtakas. Subali’t ninais ko rin na bigyan ako ng iglesia ng isa pang pagkakataon na tuparin ang isang tungkulin. Nguni’t tuwing naiisip ko ang ideyang ito, ang mga katagang “mabigat na kasalanan” ay nagpapawalang-bisa at sumasakal sa anumang banaag ng pag-asa. Ang pighati, pagsisisi, pagsusumikap, at ang aking mga nais ay nagpahirap sa akin, nagbigay sa akin ng matinding kirot na ayaw ko nang mabuhay. Muntik na akong gumuho sa aking kawalang-pag-asa. Sa sandaling na ito, binasa ko ang salita ng Diyos na nagsasabing: “Ayaw ng Diyos ng mga duwag; gusto Niya ng mga taong may determinasyon. Kahit na nagpakita ka ng matinding kasamaan, kahit na marami ka nang tinahak na paliku-likong daan, o kahit na sa daan ay nagkaroon ka na ng maraming paglabag o kinalaban mo ang Diyos—o may ilang mga tao na nagtataglay sa kanilang mga puso ng kalapastanganan sa Diyos o sinisisi Siya, may di-pagkakasundo sa Kanya—hindi ito tinitingnan ng Diyos. Ang tinitingnan lang ng Diyos ay kung ang isang tao ay magbabago o hindi balang araw. … Ito ay dahil ang kalooban ng Diyos na iligtas ang mga tao ay wagas. Binibigyan Niya ang mga tao ng mga pagkakataon na magsisi at mga pagkakataon na magbago, at sa prosesong ito, nauunawaan Niya ang mga tao at alam Niya nang lubusan ang kanilang mga kahinaan at lawak ng kanilang kasamaan. Alam Niyang matitisod sila. … Nauunawaan Niya ang mga paghihirap ng bawat tao, mga kahinaan, maging ang mga pangangailangan nila. At saka, nauunawaan Niya kung aling mga paghihirap ang makakaharap sa pagsulong, ang proseso ng pagpasok sa pagbabago ng disposisyon, at anu-anong uri ng mga kahinaan at kabiguan ang darating. Ito ay isang bagay na nauunawaan ng Diyos nang lubos. Kaya sinabi na nakikita ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng mga tao. Gaano ka man kahina, hangga’t hindi mo tinatalikuran ang pangalan ng Diyos, hangga’t hindi mo iniiwan ang Diyos, o ang daang ito, lagi kang magkakaroon ng pagkakataon na makamit ang pagbabago ng disposisyon. At kung may pagkakataon tayo na makamit ang pagbabago ng disposisyon kung gayon may pag-asa para sa ating patuloy na pamumuhay. Kung may pag-asa tayo para sa patuloy na pamumuhay, may pag-asa tayo na mailigtas ng Diyos” (“Ano ang Pagbabago sa Disposisyon at ang Daan sa Pagbabago sa Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Nakinig din ako sa lalaking ginamit ng Banal na Espiritu na nagsasabing, “Ginagawa ng Diyos ang lahat ng Kanyang makakaya upang iligtas ang sangkatauhan, lalo na ang mga makasalanan. Iniisip ng mga tao na sila ay hindi na maliligtas, nguni’t ang Diyos ay hindi nakahandang ayawan sila at nagnanais pa ring sila ay iligtas. May ilang taong malala ang kasalanan. Sinabi ng Diyos sa kanila, ‘Kailangan lamang ninyong bumalik sa debosyon ninyo noon at bumalik sa Akin. Nais Ko pa ring kayo ay iligtas.’ Anuman ang inyong naging mga pagkakasala, habang nais ninyong hindi kailanman iwan ang Diyos at hangarin ang kaligtasan, hindi kayo aayawan ng Diyos.” (“Paano Makikilala na si Kristo ang Katotohanan, ang Daan at ang Buhay” sa Pagbabahagi at Pangangaral Tungkol sa Pagpasok sa Buhay II). Ang mga salitang ito ay nagmistulang matamis na hamog na tumighaw sa malaon nang pagkatigang ng aking puso. Napaluha ako at umiyak. Hindi ko natanto kung gaano kadalas na ang “imposible” ay naging mas mabuti nang hindi inaasahan. Sinabi ng Diyos na nais pa rin Niya akong iligtas kung hindi ako hihinto sa aking paghahanap, sikaping magtika, at hindi Siya iwan o talikuran anuman ang aking maging kalalagayan. Hindi ko mapigilang hindi magpatirapa sa harap ng Diyos: “O Diyos! Ako’y naging lubhang masamang tao, dapat na ako’y patayin at sumpain sa aking pag-uugali. Hindi ako dapat nagkaroon ng pagkakataong mabuhay, subali’t hindi lamang na hindi Mo ako pinarusahan sa aking mga pagkakasala, pinatawad Mo ako sa Iyong walang-hanggan at di-masukat na pagmamahal. Tinanggap Mo ako at binigyan ng isa pang pagkakataong magsisi at maligtas. O Diyos! Ang Iyong pag-ibig ay nagwakas sa aking mga di-pagkakaunawa at pag-aalinlangan sa Iyo. Ginawa nitong buhayin muli ang aking namamatay nang puso at umahon sa malubhang pagsalansang, sakit at kawalang-pag-asa. Muli nitong pinagningas ang kagustuhan kong mabuhay – at magsumikap mailigtas. O Diyos! Ang Iyong pagmamahal sa akin ay lubhang malalim, napakalawak! Dahil sa pag-ibig Mo sa akin, pinatawad Mo ang lahat ng aking mga pagsalangsang, pinatawad Mo ang lahat ng aking mga pagsalungat at mga pagtutol. Isinagawa Mo ang Iyong gawang pagliligtas para sa akin gamit ang Iyong dakilang tiyaga. O Diyos! Ikaw ay lubhang dakila, totoong mabuti! Hindi ako makapagsalita sa harap ng Iyong pagmamahal, nahihiya ako at hindi maipakita ang aking mukha. Nararamdaman kong lubha akong mahihiya na mabuhay sa iyong presensiya. Sa sandaling ito, maibibigay ko lamang sa Iyo ang marubdob kong pasasalamat at papuri mula sa kaibuturan ng aking puso. Maiaalay ko lamang sa Iyo ang awit ng aking puso: “Ang Iyong pagmamahal ang pumigil sa aking pumili ng kahit ano pa man. Hindi ko kailanman hahayaang mag-alala Ka sa akin. Ang mga makasalanang tao ay tunay na nasisiyahan sa Iyong pagmamahal. Ikaw lamang ang mahal sa aking puso, ang tanging sinasamba, tinitingala, at inaasahan. Kung wala ang pagmamahal Mo, ako ay maghihirap lamang at hindi na mabubuhay. Anong ligaya ang makilala Ka sa buong buhay ko. Maging anuman ang aking mga kalalagayan, susundan ko ang Iyong mga yapak at sasamahan Ka upang aliwin Ka. Sa matinding sakit, nais ko ring tumayo at magpatotoo at bigyang-kasiyahan Ka. Ang paghihirap at pagpipino ay naglalapit ng aking puso sa iyo. Habampanahon akong maligaya na nariyan Ka sa puso ko. (“Ako ay Maligaya Magpakailanmang Kasama Ka sa Aking Puso” sa Sundin ang Tupa at Umawit ng mga Bagong Awitin).”
Matapos kong iwaksi ang aking maling mga akala tungkol sa Diyos, ako ay nagsimulang matahimik at suriin ang aking naging gawi: Sa aking gawain, hindi ako kailanman umasa sa Diyos o tumingala sa Kanya. Hindi ko hinangad ang Kanyang kalooban at hindi rin gumawa ayon sa pagsasaayos ng mga gawain o mga kinakailangan ng iglesia. Lubos akong umasa sa sarili kong isip, kakayahan, at karanasan upang gawin ang mga bagay sa aking sariling pamamaraan. Hindi ko kailanman tiningnan o pinamahalaan ang mga bagay ayon sa salita ng Diyos, at hindi ko hinangad ang mga prinsipyo ng aking gawa. Umasa ako sa aking sariling mga damdamin at isip upang maghinuha at humatol. Hindi ako humingi ng payo mula sa iba at madalas na ginagawa ko ang mga bagay sa sarili kong kaparaanan. Kung ako ma’y humingi ng payo sa iba, ito ay upang magmukha lamang na ako’y may mababang-loob. Sa totoo, mayroon na akong balak sa aking isip at dahil dito, bihira kong isama ang mga opinyon ng iba. Hindi ko isinasagawa ang mga kaayusan ng gawain mula sa itaas nang mabuti kung hindi ito tumutugma sa aking mga iniisip at kung may magpilit makialam at pungusan ako, lalo nang hindi ko tinatanggap iyon. Talagang gusto kong maging bukod-tangi; kahit na anumang gawin ko gusto kong lampasan ang iba. Naniniwala akong nakahihigit ako sa lahat at walang gawa sa iglesia na hindi ko kayang gawin at lahat ng aking ginawa ay mahusay… Dahil pinamamahalaan ako ng likas na kapalaluan ng arkanghel, umasa ako sa kalikasan ni Satanas na nasa akin upang magwala sa aking gawain sa loob ng maraming taon. Hindi ako tunay na naghanap ng katotohanan at hindi binigyang-diing alamin ang aking sarili. Ako’y buong-pusong naghangad ng matataas na katungkulan, at ninais na maging isang dakilang lider. Ang kinahinatnan, lubos kong hindi naunawaan ang kalooban ng Diyos o ang diwa ng Diyos. Wala ako ni katiting na pitagan o takot sa Diyos. Kumilos ako nang walang pakundangan sa harap ng Diyos at hindi tumigil sa kahit ano. Nangangahas akong magsalita ng anuman o gumawa ng kahit ano. Hindi ko natanto na ako ay nagiging huwad na pastol; ginampanan ko ang papel ng anticristo; tinatahak ko ang daan ng paglilingkod sa Diyos habang lumalaban sa Kanya. Kahit na pinaalalahanan ako ng mga kapatid nang maraming ulit, hindi ko tinanggap ang kanilang mabuting pagtulong. Lubha akong palalo at nagpatuloy sa aking mga ginagawa. Dahil sa maraming ulit na lumaban ako sa Diyos at sumalansang sa Kanya, pinukaw ko ang Kanyang galit at sa bandang huli ay inalis sa paglilingkod, na nagdala sa akin sa pagninilay sa sarili.
Sa pagsusuri nito, unti-unti akong nagising sa aking pagkakatuliro. Sa lahat ng panahon, pinag-isipang mataman ng Diyos ang lahat ng mga bagay na nangyari sa akin sa layunin Niyang ako ay mailigtas. Hindi ko mapigilang muling magpatirapa sa harap ng Diyos: O Makapangyarihang Diyos, nagpapasalamat ako sa Iyo! Kahit na ang pagpalit sa akin sa pagkakataong ito ay parang pagkamatay at ang hapdi ay walang katulad, nagsilbi itong dahilan upang maranasan ko ang Iyong dakilang pagmamahal at pagliligtas sa akin. Kung hindi ako pinalitan sa pagkakataong ito, mabubuhay pa rin ako sa aking kaisipan at hinagap, magpapatuloy gumawa ng mga bagay-bagay sa maling paraan. Maniniwala pa rin akong ang pag-iwan sa aking sambahayan at trabaho para gumawa sa iglesia ay tapat na paglilingkod sa Iyo. Hindi ako sana naglimi tungkol sa aking inasal at hindi mauunawaang ang paglilingkod ko ay pagsalansang sa Iyo, at ito ay paggawa ng masama. Kung magpapatuloy ang mga bagay kagaya nito, lalo lamang akong magiging palalo at makasarili. Sa bandang huli sasalansang ako sa Iyo bilang anticristo; tuluyan na akong matatapos at itatapon. Sa kasalukuyan, ang Iyong napapanahong pagkastigo at paghuhukom ay ang nagpatigil sa akin mula sa pagtahak sa mga landas ng maasama. Ginawa Mo akong hindi na maging palasuway at magpatuloy gumawa ng masama. O Diyos, ang Iyong pagmamahal sa akin ay totoong dakila at tunay! Ang pagpalit sa ngayon ay tunay na paraan ng pagliligtas Mo sa akin. Ang iyong makastigong pagmamahal ay lumupig sa aking puso. Taos-puso akong nagpapasalamat sa Iyo sa pagliligtas sa akin at pagtatanggol sa akin. Higit na nagpapasalamat ako na sinadya Mong maranasan ko sa pamamaraan ng Iyong mga paglalahad na ang Iyong makatarungang diwa ay hindi tatanggap ng pagkakasala; nagpapasalamat ako na tinulutan Mo akong makita ang dakilang pagmamahal-ama sa walang-pusong paghagupit at masasakit na pagsubok sa tao. Kasabay nito, tinulutan Mo rin akong makilala ang aking sariling masamang diwa at makita na ako ay lubhang pinasama ni Satanas. Ang palalong diwa ng arkanghel ay nagkaugat na sa loob ko at lubos kong kailangan ang Iyong pagkastigo, paghukom, mga pagsubok, pagpipino at maging ang Iyong parusa at pagsumpa upang linisin at iligtas ako. Tanging sa ganitong paggawa lamang ako magsisimulang magbigay-pitagan sa Iyo at maipagtanggol at linisin. O Diyos, mula sa araw na ito, ako ay magsisikap na maghangad ng katotohanan at tunay na magpasakop sa Iyong gawain. Tatanggapin ko ang Inyong paghatol at pagkastigo. Paano Mo man ako ituring, ako ay talagang pasasakop sa Iyo at susunod sa Iyong mga kaayusan. Hindi ako magkakamali sa pang-unawa o dadaing. Ako ay magiging totoong tao at mabubuhay na may halaga at layunin.
Higit pang pansin: "Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan"