Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kalooban ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kalooban ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Kidlat ng Silanganan | 4. Ano ang ibig sabihin ng tunay na manalangin?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


Ano ang ibig sabihin ng manalangin nang tunay? Nangangahulugan ito ng pagsasabi ng mga salita sa loob ng iyong puso sa Diyos, at pakikipagniig sa Diyos na mayroong pagkaunawa sa Kanyang kalooban at batay sa Kanyang mga salita; nangangahulugan ito ng pakiramdam na talagang malapit sa Diyos, pakiramdam na Siya ay nasa harap mo, at na mayroon kang isang bagay na gustong sabihin sa Kanya; at nangangahulugan ito ng pagiging talagang masigla sa loob ng iyong puso, at damdamin na ang Diyos ay sadyang kaibig-ibig. Madarama na ikaw ay sadyang pinukaw, at pagkatapos marinig ang iyong mga salita ang iyong mga kapatid ay malulugod, madadama nila na ang mga salita na iyong sinabi ay ang mga salita sa loob ng kanilang mga puso, mga salitang gusto nilang sabihin, at kinakatawan ng iyong sinasabi kung ano ang gusto nilang sabihin.

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya


Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Sa mga panahong nakaraan, maraming nagpatuloy sa ambisyon at mga paniwala ng tao at alang-alang sa mga pag-asa ng tao. Ang mga bagay na ito ay hindi tatalakayin ngayon.

Tagalog church songs |Nawa'y Mabatid Natin ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos


Nawa'y Mabatid Natin ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos

I
Namumuhay sa lupaing ito ng karumihan,
tayo'y malabis na inuusig ng malaking pulang dragon.
At nakabuo tayo ng pagkapoot para dito.
Hinahadlangan nito ang pag-ibig natin sa Diyos
at hinihikayat ang ating kasakiman
para sa 'ting mga pagkakataon sa hinaharap.
Tinutukso tayo nito na maging negatibo, para labanan ang Diyos.

Pagpapanatili sa Mga Utos at Pagsasagawa sa Katotohanan

Sa pagsasagawa, ang mga utos ay dapat nakaugnay sa pagsasagawa sa katotohanan. Habang pinananatili ang mga utos, dapat isagawa ng isang tao ang katotohanan. Kapag isinasagawa ang katotohanan, hindi dapat labagin ng isang tao ang mga panuntunan ng mga utos o sumalangsang sa mga utos. Habang lalo mong isinasagawa ang katotohanan, mas lalo kang nananatili sa diwa ng mga utos.

Isaisip ang Kalooban ng Diyos Upang Makamit ang Pagka-perpekto

Habang higit mong isinasaisip ang kalooban ng Diyos, mas bibigat ang iyong pasanin; mas mabigat ang iyong pasanin, mas mayaman ang iyong magiging karanasan. Kapag iyong isinasaisip ang kalooban ng Diyos, ibibigay ng Diyos ang pasaning ito sa iyo, at ikaw ay liliwanagan ng Diyos sa mga bagay na ipinagkatiwala Niya sa iyo. Pagkatapos na maibigay ng Diyos sa iyo ang pasaning ito, ikaw ay magsisimulang magbigay ng pansin sa mga katotohanang may kaugnayan sa iyong pasanin kapag kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos. Kung ang pasaning ito ay may kaugnayan sa mga kondisyon ng buhay ng mga kapatid na lalaki at babae—ito ay isang pasanin na ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos, kung gayon ang iyong mga panalangin sa araw-araw ay laging magdadala ng pasaning ito. Kung ano ang ginagawa ng Diyos ay ipinagkatiwala ngayon sa iyo, ikaw ay nagnanais na isakatuparan yaong kailangang gawin ng Diyos, at ito ang ibig sabihin ng balikatin ang pasanin ng Diyos na parang sa iyo. Sa puntong ito, ang iyong pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos ay matutuon sa mga usápín sa mga aspetong ito, at iyong iisipin, paano ko ba malulutas ang mga usápíng ito?

Ang tinig ng Diyos| Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I

Gawain, Disposisyon, Diyos Mismo, kalooban ng Diyos, Kaligtasan

Kidlat ng SilangananAng tinig ng Diyos| Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I


  Sa araw na ito tayo ay magpapahayag ng isang mahalagang paksa. Ito ay isang paksa na tinalakay na mula pa noong simula ng gawain ng Diyos maging hanggang ngayon, at ito ay may napakahalagang kabuluhan para sa bawat tao. Sa madaling salita, ito ay isang suliranin na haharapin ng lahat sa buong proseso ng kanilang pananampalataya sa Diyos at isang suliranin na dapat ay bigyang-pansin. Ito ay isang napakahalaga, at di-maiiwasang suliranin kung saan hindi magagawa ng sangkatauhang ihiwalay ang kanyang sarili mula rito. Kung pag-uusapan ang kahalagahan, ano ang pinakamahalagang bagay para sa bawat mananampalataya ng Diyos? Ang palagay ng ilan, ang pinakamahalagang bagay ay ang maunawaan ang kalooban ng Diyos; sa paniniwala ng ilan ang pinakamahalaga ay ang makakain at makainom ng mas marami pang mga salita ng Diyos; sa pakiramdam naman ng iba ang pinakamahalagang bagay ay ang makilala ang kanilang mga sarili; sa iba naman ay ang opiniyon na ang pinakamahalagang bagay ay ang malaman kung paano mahahanap ang kaligtasan sa pamamagitan ng Diyos, paano ang susunod sa Diyos, at paano matutupad ang kalooban ng Diyos. Isasantabi nating lahat ang mga suliraning ito para sa araw na ito. Kaya ano ang tatalakayin natin kung ganoon? Ang tatalakayin natin ay isang paksa tungkol sa Diyos. Ito ba ang pinakamahalagang paksa para sa bawat tao? Ano ang nilalaman ng isang paksa na tungkol sa Diyos? Siyempre, tiyak na hindi maihihiwalay ang paksang ito sa disposisyon ng Diyos, sa diwa ng Diyos, at sa gawain ng Diyos. Kaya sa araw na ito, tatalakayin natin “Ang Gawain ng Diyos, Ang Disposisyon ng Diyos, at Ang Diyos Mismo.”