Sa simula, ang Diyos ay nagpapahinga. Walang mga tao o anumang bagay sa lupa nang panahon na iyon, at wala pang nagagawa ang Diyos kahit anong gawain pa man. Sinimulan lang ng Diyos ang Kanyang gawaing pamamahala noong umiral ang sangkatauhan at noong ang sangkatauhan ay nagawang masama. Mula sa puntong ito, ang Diyos ay hindi na nagpahinga ngunit sa halip ay nagsimulang gawing abala ang Kanyang sarili sa gitna ng sangkatauhan. Ang Diyos ay naalis mula sa Kanyang kapahingahan dahil sa kasamaan ng sangkatauhan, at dahil din sa paghihimagsik ng arkanghel kaya naalis ang Diyos mula sa Kanyang kapahingahan.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Biyaya. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Biyaya. Ipakita ang lahat ng mga post
Tanging ang Pagsasagawa ng Katotohanan ang Pagkakaroon ng Realidad
Ang kakayahang maipaliwanang nang tahasan ang mga salita ng Diyos ay hindi nangangahulugan na taglay mo ang katotohanan—ang mga bagay ay hindi kasing-simple ng iyong iniisip. Taglay mo man ang katotohanan o hindi, hindi ito nakabatay sa kung ano ang iyong sasabihin, sa halip, ito ay nakabatay sa iyong isinasabuhay. Kapag naging buhay at likas na pagpapahayag mo ang mga salita ng Diyos, ito lamang ang naituturing na realidad, at ito lamang ang naituturing na pagkamit mo ng pagkaunawa at tunay na tayog.
Tagalog Dubbed Movies | Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! | "Ang Kahalagahan ng Pangalan ng Diyos"
Tagalog Dubbed Movies | Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! | "Ang Kahalagahan ng Pangalan ng Diyos"
"Jehovah" at "Jesus" ang mga pangalan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya, at nakapropesiya sa Pahayag na ang Diyos ay magkakaroon ng bagong pangalan sa mga huling araw. Bakit iba-iba ang mga pangalan ng Diyos sa magkakaibang kapanahunan? Ano ang kahalagahan ng dalawang pangalan, ang "Jehovah" at "Jesus"? Tutulong ang maikling video na ito na ibunyag ang hiwagang ito para sa inyo.
Rekomendasyon:
Tagalog Christian Movie | Revealing the Mystery of God's Name | "Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?!"
https://youtu.be/LUn3RmkvlGM
Rekomendasyon:
Tagalog Christian Movie | Revealing the Mystery of God's Name | "Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?!"
https://youtu.be/LUn3RmkvlGM
Tagalog Gospel Movie "Ang Sugo ng Ebanghelyo" (Clips 1/3)
Tagalog Gospel Movie "Ang Sugo ng Ebanghelyo" (Clips 1/3) Anong Ibig Sabihin ng Panginoong Hesus Nang Sabihin Niyang “Tapos na” sa Krus?
Maraming tao sa relihiyosong mundo ang nag-iisip: “Ang pagsasabi ng Panginoong Jesus sa krus na 'Naganap na' ay nagpapatunay na tapos na ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan. Sa paniniwala lamang sa Panginoon, napatawad ang ating kasalanan, inaaring ganap sa pananampalataya, at iniligtas ng biyaya. Kapag darating ang Panginoon, dadalhin Niya tayo sa kaharian ng langit.
Tagalog Gospel Songs | "Sundan Bagong Gawain ng Banal na Espiritu Para Papuri ng Diyos Matamo"
Tagalog Gospel Songs | "Sundan Bagong Gawain ng Banal na Espiritu Para Papuri ng Diyos Matamo"
I
Wow ... wow … wow …
Pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu'y
ibig sabihi'y nauunawaan kalooban ng Diyos sa kasalukuyan,
kumikilos ayon sa utos Niya, sinusunod ang Diyos ng ngayon,
sinusunod ang kasalukuyan Niyang atas at tumutuloy
sa pamamagitan ng pinakabago Niyang pagbigkas.
Ang mga taong ganito'y sumusunod sa gawa ng Espiritu.
Sila'y nasa daloy ng Banal na Espiritu,
kita nila'ng Diyos at natatanggap Kanyang papuri.
Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Ikalawang bahagi)
7. Ang gawain ng Espiritu ng Diyos sa katawang-tao ay may sariling mga prinsipyo rin. Maaari lamang Siyang magsagawa ng gawain at tungkulin ng Ama sa batayan na nagtataglay Siya ng karaniwang pagkatao. Pagkatapos lamang noon maaari Niyang simulan ang Kanyang gawain. Sa Kanyang pagkabata, hindi masyadong naiintindihan ni Jesus ang lahat ng naganap sa sinaunang panahon, at sa pamamagitan lamang ng pagtatanong sa mga guro Niya naunawaan. Kung nagsimula Siya sa Kanyang gawain sa unang pagkakataon na natuto Siyang magsalita, paanong posibleng hindi ito makagawa ng anumang mga pagkakamali? Paano makakagawa ang Diyos ng mga maling hakbang? Samakatuwid, pagkatapos lamang nito na Siya ay nagsimula sa Kanyang gawain; hindi Siya nagsagawa ng anumang gawain hanggang ganap Siyang handa sa pagsasagawa ng mga nasabi. Sa edad na 29, naging ganap na si Jesus at sapat na ang Kanyang pagkatao upang magsagawa ng gawain na gagawin Niya. Pagkatapos lamang noon na ang Banal na Espiritu, na nanatiling nakatago ng tatlumpung taon, ay nagsimulang magpahayag ng Kanyang sarili, at opisyal nang nagsimulang gumawa sa Kanya ang Espiritu ng Diyos. Nang panahong iyon, naghanda si Juan ng pitong taon sa paghahanda ng daan para sa Kanya, at sa pagtatapos ng kanyang gawain, itinapon si Juan sa bilangguan. Pagkatapos ay ganap na napunta ang pasanin kay Jesus. Kung isinagawa Niya ang gawaing ito sa edad na 21 o 22, noong marami Siyang kakulangan sa pagkatao at kapapasok pa lamang sa pagkabinata, kulang pa rin sa pang-unawa sa maraming mga bagay, hindi pa Niya kakayaning panghawakan ang pamumuno. Noong panahong iyon, natupad na ni Juan ang kanyang gawain ng ilang panahon bago simulan ni Jesus ang Kanyang gawain sa Kanyang pagkabinata. Sa edad na iyon, sapat na ang Kanyang karaniwang pagkatao upang magsagawa ng gawain na dapat Niyang gawin.
Sa Kapanahunan ng Kaharian, Ginaganap ng Salita ang Lahat ng Bagay
.•*¨*•.¸¸♪ .•*¨*•.¸¸♬ .•*¨*•.¸¸♪💯🎻💖💓💯🎻.•*¨*•.¸¸♬.•*¨*•.¸¸♪.•*¨*•.¸¸
I
Sa Kapanahunan ng Kaharian,
naghahatid ang Diyos sa isang bagong kapanahunan ng salita.
Binabago Niya ang paraan ng Kanyang gawain,
ginagawa ang gawain ng buong kapanahunan gamit ang salita.
Ito'y panuntunan ng paggawa ng Diyos
sa Kapanahunan ng Salita.
Siya'y nagkat'wang-tao
upang magsalita mula sa iba't-ibang posisyon,
upang tunay na makita ng tao ang Diyos,
ang Salitang nagpapakita sa katawang-tao,
makita Kanyang himala't makita Kanyang karunungan.
Ang gayong gawai'y upang mas makamit mga layunin
ng paglupig sa tao, pagperpekto sa tao, pag-alis sa tao.
Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit ng salita
upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita,
sa Kapanahunan ng Salita.
Kidlat ng Silanganan | Kanta ng Papuri Tagalog | Paghahandog ng Tapat na Puso sa Diyo
Hoy, mga kapatid, tayo’y umawit at sumayaw upang purihin ang Diyos!
Okey!
I
Mga kapatid, kumilos at sumayaw;
Huwag maalangan o mahiya.
Di alintana ng Diyos kung kilos mo’y di maganda,
tanging pagpupuring totoo ang nakasisiya sa Kanya.
Kung ibig mong purihin Siya nang buo mong puso,
isaisantabi ang ‘yong hiya at kumilos sa pagsayaw.
Di alintana ng Diyos kung ga’no tayo katanda, o ga’no karaming taong nakatayo.
Taos na pagpupuri’y nagpapalaya sa espiritu natin. Ibigay ang lahat ng kaluwalhatian sa Diyos.
Ang ating taos pusong pagpuri sa Diyos ay nagbibigay kasiyahan,
Ang biyaya ng Diyos ay tiyak na ipinagkaloob sa atin.
Okey!
I
Mga kapatid, kumilos at sumayaw;
Huwag maalangan o mahiya.
Di alintana ng Diyos kung kilos mo’y di maganda,
tanging pagpupuring totoo ang nakasisiya sa Kanya.
Kung ibig mong purihin Siya nang buo mong puso,
isaisantabi ang ‘yong hiya at kumilos sa pagsayaw.
Di alintana ng Diyos kung ga’no tayo katanda, o ga’no karaming taong nakatayo.
Taos na pagpupuri’y nagpapalaya sa espiritu natin. Ibigay ang lahat ng kaluwalhatian sa Diyos.
Ang ating taos pusong pagpuri sa Diyos ay nagbibigay kasiyahan,
Ang biyaya ng Diyos ay tiyak na ipinagkaloob sa atin.
Clip ng Pelikulang Ang Misteryo ng Kabanalan (3) | "Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao ng Diyos"
Clip ng Pelikulang Ang Misteryo ng Kabanalan (3) | "Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao ng Diyos"
Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos ay nagkatawang-tao at naging ang Panginoong Jesus na pumarito upang tubusin ang sangkatauhan, at sinabi ng mga Judiong Fariseo na ang Panginoong Jesus ay isang tao lamang. Sa mga huling araw, ang Diyos ay nagkatawang-tao at naging Makapangyarihang Diyos na naparito para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol, at ang mga pastor at mga elder ng daigdig ng relihiyon ay nagsasabi rin na ang Makapangyarihang Diyos ay isang tao lamang, kaya ano ang problema rito? Mula sa labas, ang Diyos na nagkatawang-tao ay mukhang isang karaniwang, normal na tao. Ngunit sa Kanyang kalooban ay doon nakatahan ang Espiritu ng Diyos; kaya Niyang ipahayag ang katotohanan, ipahayag ang tinig ng Diyos at gawin ang gawain ng Diyos, kung gayon ang Diyos ba na nagkatawang-tao ay isang tao, o Diyos?
Rekomendasyon:
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal
Ang tinig ng Diyos| Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I
Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I
Awtoridad ng Diyos (I)
Ang ilan sa huli kong tinalakay sa mga pagsasamahan ay tungkol sa gawain ng Diyos, disposisyon ng Diyos, at Diyos Mismo. Pagkatapos mapakinggan ang mga pagtalakay sa mga pagsasamahan na ito, naramdaman ba ninyo na nagkaroon kayo ng kaunawaan at kaalaman tungkol sa disposisyon ng Diyos? Gaano katinding kaunawaan at kaalaman? Maaari niyo ba itong lagyan ng numero? Nagbigay ba sa inyo ang mga pagsasamahang ito ng mas malalim na kaunawaan sa Diyos? Maaari bang sabihing ang kaunawaang ito ay isang tunay na kaalaman sa Diyos? Maaari bang sabihin na itong kaalaman at kaunawaan sa Diyos ay isang kaalaman sa kabuuang diwa ng Diyos, at ang lahat ng mayroon at kung ano Siya? Hindi, malinaw na hindi! Ito’y dahil nagbigay lamang ang mga pagsasamahang ito ng kaunawaan sa bahagi ng disposisyon ng Diyos, at kung ano ang mayroon at kung ano Siya—hindi ang lahat ng ito, o ang kabuuan nito. Ang mga pagsasamahan ay nagpaunawa sa inyo ng bahagi sa gawaing minsa’y ginawa ng Diyos, kung saan nakita ninyo ang disposisyon ng Diyos, at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, pati na rin ang pamamaraan at pag-iisip sa likod ng lahat ng Kanyang ginawa. Ngunit isa lamang itong literal, sinabing kaunawaan sa Diyos, at, sa inyong puso, nananatili kayong hindi sigurado kung gaano karami rito ang totoo. Ano ang mga pangunahing tumutukoy sa kung mayroon bang anumang katotohanan sa kaunawaan ng mga tao sa mga naturang bagay? Natutukoy ito sa pamamagitan ng kung gaano katindi ang mga salita ng Diyos at disposisyon na tunay nilang naranasan sa panahon ng kanilang aktwal na mga karanasan, at kung gaano karami ang nakita at nalaman nila sa panahon nitong aktwal na mga karanasan. “Ang ilang mga huling pagsasamahan ay nagpaunawa sa atin ng mga bagay na ginawa ng Diyos, ang mga pag-iisip ng Diyos, at bukod diyan, ang saloobin ng Diyos tungo sa sangkatauhan at ang mga basehan ng Kanyang mga pagkilos, pati na rin ang mga prinsipyo ng Kanyang mga pagkilos. At kaya natin nauunawaan ang disposisyon ng Diyos, at nalaman ang kabuuan ng Diyos.” May nagsabi ba ng mga naturang salita? Tama ba na sabihin ito? Ito’y malinaw na hindi. At bakit ko sinabi na ito’y hindi? Ang disposisyon ng Diyos, at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ay naipahayag sa mga bagay na Kanyang ginawa at ang mga salitang Kanyang sinabi. Maaaring makita ng tao kung anong mayroon at kung ano ang Diyos sa pamamagitan ng gawain na Kanyang ginawa at ang mga salitang Kanyang sinabi, ngunit ito lang ay para sabihin na ang gawain at mga salita ay nagpapaunawa sa tao ng bahagi ng disposisyon ng Diyos, at bahagi ng kung ano ang mayroon at kung ano Siya. Kung naisin ng tao na magkaroon pa ng mas marami at malalim na kaunawaan sa Diyos, kung gayon dapat ay mas maranasan ng tao ang mga salita at gawain ng Diyos. Bagama’t ang tao ay nagkakaroon lamang ng bahagyang kaunawaan sa Diyos kapag nakararanas ng bahagi ng mga salita o gawain ng Diyos, ito bang bahagyang kaunawaang ito ay kumakatawan sa tunay na disposisyon ng Diyos? Kumakatawan ba ito sa diwa ng Diyos? Syempre ito’y kumakatawan sa tunay na disposisyon ng Diyos, at sa diwa ng Diyos, walang duda diyan. Anumang oras o lugar, o sa kung anumang paraan gawin ng Diyos ang Kanyang gawain, o sa kung anumang anyo Siya magpakita sa tao, o sa kung anong paraan Niya ipahayag ang Kanyang kalooban, ang lahat na Kanyang ibinubunyag at ipinapahayag ay kumakatawan sa Diyos Mismo, sa diwa ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya. Ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa pamamagitan ng kung ano ang mayroon at kung ano Siya, maging sa Kanyang totoong pagkakakilanlan; ito ay talagang tunay. Ngunit, ngayon, ang mga tao ay may bahagya lang na pag-unawa sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, at sa pamamagitan ng kung ano ang naririnig nila sa katuruan, at kaya sa partikular na lawak, ang kaunawaang ito ay maaaring sabihing panteoryang kaalaman lamang. Sa pagtingin sa iyong aktwal na kalagayan, maaari mo lang beripikahin ang kaunawaan o kaalaman sa Diyos na iyong narinig, nakita, o nalaman at naintindihan sa iyong puso ngayon kung ang bawat isa sa inyo ay mapagdaanan ito sa iyong mga aktwal na mga karanasan, at malaman ito nang paunti-unti. Kung hindi ko tatalakayin sa pagsasamahan ang mga salitang ito sa inyo, makukuha niyo ba ang tunay na kaalaman sa Diyos sa pamamagitan lamang ng inyong mga karanasan? Para gawin iyon, sa tingin ko, ay magiging napakahirap. Iyon ay dahil kinakailangan ng mga tao na taglayin muna ang mga salita ng Diyos para malaman kung paano makaranas. Gayun pa man, marami sa mga salita ng Diyos na kinakain ng tao, ganyan ang bilang ng maaari nilang aktwal na maranasan. Nangunguna ang salita ng Diyos sa daanan, at gagabayan ang tao sa kanyang karanasan. Sa madaling salita, para sa mga nagkaroon ng ilang tunay na karanasan, ang huling ilang mga pagsasamahan ang tutulong sa kanilang makamit ang mas malalim na pag-unawa sa katotohanan, at mas makatotohanang kaalaman sa Diyos. Ngunit para sa mga wala pang anumang tunay na karanasan, o sa mga nagsisimula pa lamang sa kanilang karanasan, o nagsisimula pa lamang na mapunta sa realidad, ito ay isang malaking pagsubok.
Ang tinig ng Diyos| Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I
Kidlat ng Silanganan| Ang tinig ng Diyos| Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I
Sa araw na ito tayo ay magpapahayag ng isang mahalagang paksa. Ito ay isang paksa na tinalakay na mula pa noong simula ng gawain ng Diyos maging hanggang ngayon, at ito ay may napakahalagang kabuluhan para sa bawat tao. Sa madaling salita, ito ay isang suliranin na haharapin ng lahat sa buong proseso ng kanilang pananampalataya sa Diyos at isang suliranin na dapat ay bigyang-pansin. Ito ay isang napakahalaga, at di-maiiwasang suliranin kung saan hindi magagawa ng sangkatauhang ihiwalay ang kanyang sarili mula rito. Kung pag-uusapan ang kahalagahan, ano ang pinakamahalagang bagay para sa bawat mananampalataya ng Diyos? Ang palagay ng ilan, ang pinakamahalagang bagay ay ang maunawaan ang kalooban ng Diyos; sa paniniwala ng ilan ang pinakamahalaga ay ang makakain at makainom ng mas marami pang mga salita ng Diyos; sa pakiramdam naman ng iba ang pinakamahalagang bagay ay ang makilala ang kanilang mga sarili; sa iba naman ay ang opiniyon na ang pinakamahalagang bagay ay ang malaman kung paano mahahanap ang kaligtasan sa pamamagitan ng Diyos, paano ang susunod sa Diyos, at paano matutupad ang kalooban ng Diyos. Isasantabi nating lahat ang mga suliraning ito para sa araw na ito. Kaya ano ang tatalakayin natin kung ganoon? Ang tatalakayin natin ay isang paksa tungkol sa Diyos. Ito ba ang pinakamahalagang paksa para sa bawat tao? Ano ang nilalaman ng isang paksa na tungkol sa Diyos? Siyempre, tiyak na hindi maihihiwalay ang paksang ito sa disposisyon ng Diyos, sa diwa ng Diyos, at sa gawain ng Diyos. Kaya sa araw na ito, tatalakayin natin “Ang Gawain ng Diyos, Ang Disposisyon ng Diyos, at Ang Diyos Mismo.”
Ang tinig ng Diyos| Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas
Kristianong Awitin|Ang tinig ng Diyos | Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas
Sa mga nagdaang kapanahunan, wala pang taong nakapasok sa kaharian at sa gayon ay wala pang nakapagtamasa ng biyaya ng Kapanahunan ng Kaharian, wala pang nakakita sa Hari ng kaharian. Bagama't sa ilalim ng pagpapalinaw ng Aking Espiritu, maraming tao ang nagpropesiya ng kagandahan ng kaharian, panlabas lamang ang alam nila, hindi ang panloob na kahalagahan nito. Ngayong araw, sa pagdating ng kaharian tungo sa pormal na pag-iral sa lupa, karamihan sa sangkatauhan ay alam pa rin hindi lamang kung ano ang dapat na maisakatuparan, kung anong kinasasaklawan ang pagdadalhan sa tao sa kasukdulan, sa Kapanahunan ng Kaharian. Tungkol dito, ikinatatakot Ko na ang lahat ng mga tao ay nasa isang estado ng pagkalito. Dahil ang araw ng ganap na pagsasakatuparan ng kaharian ay hindi pa lubusang dumarating, lahat ng tao ay nalilito, hindi ito makita nang malinaw. Ang aking gawa sa pagka-Diyos ay nagsisimula nang pormal sa Kapanahunan ng Kaharian. Ito ay sa pamamagitan ng pormal na pagsisimula ng Kapanahunan ng Kaharian na ang Aking disposisyon ay nagsisimula na progresibong ihayag ang kanyang sarili sa tao. Kaya sa sandaling ito ang banal na trumpeta ay pormal na nagsisimulang tumunog at magpahayag sa lahat. Kapag pormal Ko nang nakuha ang Aking kapangyarihan at paghahari bilang Hari sa kaharian, ang lahat ng Aking mga tao ay gagawin Kong ganap sa pagdaan ng panahon. Kapag ang lahat ng mga bansa ng daigdig ay nagkagulo, iyon ang tiyak na oras na ang Aking kaharian ay itatatag at huhugisan at kung kailan din Ako ay magbabagong-anyo at babalik sa buong sansinukob. Sa oras na iyon, ang lahat ng mga tao ay makikita ang Aking maluwalhating mukha, makikita ang Aking totoong itsura. Mula sa paglikha ng mundo hanggang sa kasalukuyan, ang sangkatauhan ay natiwali ni Satanas na hanggang sa ngayon ay umiiral ito. Sa katiwalian ng tao, ako ay naging higit at higit pang nalilingid mula sa mga tao at lalong hindi-maarok sa kanila. Hindi pa kailanman nakita ng tao ang Aking tunay na mukha, hindi kailanman direktang nakipag-ugnayan sa Akin. Tanging sa sabi-sabi at mitolohiya lamang nagkaroon ng isang “Ako” sa likhang-isip ng tao. Ako samakatuwid ay naaayon sa likhang-isip ng tao, iyon ay, sa mga pantaong pagkaintindi, upang mapakitunguhan ang “Ako” sa isipan ng mga tao, na maaari Kong mabago ang estado ng “Ako” na natanim sa kanilang isip sa napakaraming taon. Ito ang prinsipyo ng Aking gawa. Wala kahit isang tao ang nakaalam nito nang lubos na lubos. Kahit ang mga tao ay nangagpatirapa sa Akin at humarap sa Akin upang sumamba sa Akin, hindi ako nasisiyahan sa naturang mga kilos ng mga tao dahil sa kanilang mga puso hindi nila hawak ang Aking imahe, kundi isang imaheng panlabas sa Akin. Samakatuwid, ang kanilang isip ay kulang ng Aking disposisyon, wala silang alam sa totoong mukha Ko. Samakatuwid, kapag sa tingin nila ay lumaban sila sa Akin o sinuway ang Aking mga kautusan sa pangangasiwa, isasawalang bahala ko muna ito. At samakatuwid, sa kanilang mga alaala, Ako ay isang Diyos na nagpapakita ng awa sa mga tao sa halip na kinakastigo sila, o Ako ang Diyos Mismo na hindi ginagawa ang sinasabi Niya. Lahat ng mga ito ay mga likhang-isip na naibunga sa pag-iisip ng tao at hindi naaayon sa mga pangyayari.
Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw
Ang kabuuang gawain sa loob ng 6,000 taon ay unti-unting nagbago kasabay ng panahon. Ang mga pagbabago sa gawaing ito ay naganap ayon sa kalagayan ng buong mundo. Ang gawaing pamamahala ng Diyos ay nagbago lang nang unti-unti ayon sa pagsulong ng sangkatauhan sa kabuuan; hindi pa ito binalak sa simula ng paglikha. Bago nilikha ang mundo, o matapos itong likhain, hindi pa binalak ni Jehovah ang unang yugto ng gawain, sa kautusan; ang pangalawang yugto ng gawain, sa biyaya; o ang pangatlong yugto ng gawain, ang panlulupig, na kung saan Siya muna ang gagawa kasama ang isang grupo ng tao—ang ilan ay mga inapo ng Moab, at mula rito lulupigin Niya ang buong sansinukob. Hindi Niya sinabi ang mga salitang ito matapos likhain ang mundo; hindi Niya sinabi ang mga salitang ito pagkatapos ng Moab, lalo’t higit bago si Lot. Ang lahat ng Kanyang mga gawain ay napatupad nang kusang-loob. Mismong ganito kung papaano sumulong ang Kanyang buong anim na libong taon ng gawaing pamamahala; hindi Siya sumulat ng plano na katulad ng Paglalagom na Talaguhitan para sa Pagsulong ng Sangkatauhan bago likhain ang mundo. Sa gawain ng Diyos, tuwiran Niyang ipinahahayag kung ano Siya; hindi Niya pinahihirapan ang Kanyang isipan upang gumawa ng plano. Mangyari pa, maraming mga propeta ang nagpahayag ng kanilang mga hula, ngunit hindi pa rin masasabi na ang gawain ng Diyos ay laging tiyak sa paggawa ng plano; ang mga hula ay ginawa ayon sa aktwal na gawain ng Diyos. Ang lahat ng Kanyang gawain ay ang pinaka-aktwal na gawain. Isinasagawa Niya ang Kanyang gawain ayon sa pagsulong ng panahon, at isinasagawa Niya ang karamihan sa Kanyang pinaka-aktwal na gawain ayon sa mga pagbabago ng mga bagay. Para sa Kanya, ang pagsasagawa ng gawain ay tulad ng pangangasiwa ng gamot sa isang sakit; Siya’y nagmamasid habang ginagawa ang Kanyang gawain; Siya ay gumagawa ayon sa mga nasubaybayan Niya. Sa bawat yugto ng Kanyang gawain, Siya ay may kakayahang magpahayag ng Kanyang sapat na karunungan at magpahayag ng Kanyang sapat na kasanayan; ibinubunyag Niya ang Kanyang sapat na karunungan at sapat na awtoridad ayon sa gawain ng bukod-tanging kapanahunan na iyon at hinahayaan ang alinman sa mga tao na Kanyang ibinalik sa mga kapanahunang iyon na makita ang Kanyang buong disposisyon. Tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao at isinasagawa ang gawain na kailangan Niyang gawin ayon sa mga kailangang isagawa sa bawat kapanahunan; tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao ayon sa antas kung saan sila ay ginawang tiwali ni Satanas. Ganito ang paraan nang unang nilikha ni Jehovah si Adan at Eba nang sa gayon maihayag nila ang Diyos sa lupa at upang magkaroon ng mga saksi sa Diyos sa mga likha, ngunit nagkasala si Eba matapos tuksuhin ng ahas; gayundin ang ginawa ni Adan, at magkasama sa hardin nilang kinain ang bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama. Kaya, mayroong idinagdag na gawain si Jehovah para sa kanila. Nakita Niya ang kahubaran nila at binalot ang kanilang katawan ng damit na gawa sa katad ng hayop. Matapos ito, sinabi Niya kay Adan, “Sapagka’t iyong dininig ang tinig ng iyong asawa, at kumain ka ng bunga ng punong kahoy na aking iniutos sa iyo na sinabi, Huwag kang kakain niyaon; sumpain ang lupa dahil sa iyo … hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa; sapagka’t diyan ka kinuha: sapagka’t ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi.” Sa babae ay sinabi Niyang, “Pararamihin kong lubha ang iyong kalumbayan at ang iyong paglilihi; manganganak kang may kahirapan; at sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban, at siya’y papapanginoon sa iyo.” Mula noon ay pinalayas Niya sila mula sa Hardin ng Eden at sila’y hinayaang mamuhay sa labas ng hardin, katulad ng ginagawa ngayon ng mga makabagong tao sa lupa. Nang nilikha ng Diyos ang tao sa simula, hindi Niya binalak na hayaang matukso ng ahas ang tao matapos niyang likhain at isinumpa ang tao at ang ahas. Wala talaga Siyang ganitong plano; ito ay ang pagsulong lamang ng mga bagay na nagbigay sa Kanya ng bagong gawain sa mga nilikha. Matapos maisagawa ni Jehovah ang gawain kina Adan at Eba sa lupa, ang sangkatauhan ay patuloy na sumulong sa loob ng ilang libong taon, hanggang “At nakita ni Jehova na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati. At nagsisi si Jehova na kaniyang nilalang ang tao sa lupa, at nalumbay sa kaniyang puso. … Datapuwa’t si Noe ay nakasumpong ng biyaya sa mga mata ni Jehova.” Sa oras na iyon si Jehovah ay nagkaroon ng mas maraming bagong gawain, dahil ang sangkatauhan na Kanyang nilikha ay naging sobrang makasalanan matapos tuksuhin ng ahas. Sa kalagayang ito, pinili ni Jehovah ang pamilya ni Noe mula sa mga taong ito at kinahabagan sila, at isinagawa ang Kanyang gawain na wasakin ang mundo sa pamamagitan ng baha. Ang sangkatauhan ay nagpatuloy sa pagsulong sa ganitong paraan hanggang sa araw na ito, naging labis na tiwali, at nang ang pagsulong ng sangkatauhan ay umabot sa tuktok, ito rin ay ang magiging katapusan ng sangkatauhan. Mula sa simula hanggang sa katapusan ng mundo, ang katotohanan ng Kanyang gawain ay nanatili sa ganitong paraan. Ito ay katulad kung paano mauuri ang tao ayon sa kanilang klase; malayo sa bawat isang tao na itinalaga sa kalagayang kanilang kinabibilangan sa pinakasimula, ang mga tao ay unti-unting nabibilang sa mga kalagayan matapos sumailalim sa pamamaraan ng pagsulong. Sa katapusan, kung sinuman ang hindi maililigtas ay ibabalik sa kani-kanilang mga ninuno. Wala sa mga gawa ng Diyos sa sangkatauhan ang nakahanda na nang likhain ang mundo; sa halip, ang pagsulong ng mga bagay ang nagpahintulot sa Diyos na makatotohanan at praktikal na isagawa ang bawat hakbang ng Kanyang gawain sa sangkatauhan. Ito ay tulad nang kung paanong hindi nilikha ng Diyos na Jehovah ang ahas upang tuksuhin ang babae. Hindi ito ang Kanyang tiyak na plano, o isang bagay na sinadya Niya; ang isa ay makapagsasabi na ito ay hindi inaasahan. Ito ang dahilan kung bakit pinalayas ni Jehovah si Adan at Eba mula sa Hardin ng Eden at nangako na hindi na muling lilikha ng tao. Ngunit ang karunungan ng Diyos ay natuklasan lamang ng mga tao dahil sa pagkasimulang ito, katulad ng punto na aking sinabi kanina: “Ang Aking karunungan ay ginagamit ayon sa mga balangkas ni Satanas.” Kahit gaano naging tiwali ang sangkatauhan o kung paano sila tinukso ng ahas, mayroon pa ring karunungan si Jehovah; kaya, naggugol Siya sa bagong gawain mula nang nilkha Niya ang mundo, at wala sa mga hakbang ng gawaing ito ang naulit kailanman. Patuloy na nagsagawa ng mga balangkas si Satanas; patuloy na ginagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, at patuloy na isinagawa ng Diyos na si Jehovah ang Kanyang madunong na gawain. Hindi Siya kailanman nabigo, at hindi Niya itinigil ang Kanyang gawain mula sa paglikha ng mundo hanggang ngayon. Matapos itiwali ni Satanas ang sangkatauhan, patuloy Siyang gumawa sa mga tao upang talunin ang Kanyang mga kaaway na itinitiwali ang sangkatauhan. Magpapatuloy ang labanang ito mula sa simula hanggang sa katapusan ng mundo. Sa paggawa ng lahat na mga gawaing ito, hindi lamang Niya pinahintulutan ang sangkatauhan, na ginawang tiwali ni Satanas, upang matanggap ang Kanyang dakilang kaligtasan, ngunit pinahintulutan din Niya ang sangkatauhan na makita ang Kanyang karunungan, pagka-makapangyarihan at awtoridad, at sa katapusan hahayaan Niyang makita ng sangkatauhan ang Kanyang matuwid na disposisyon—pinarurusahan ang masama at ginagantimpalaan ang mabuti. Nilalabanan Niya si Satanas hanggang sa araw na ito at hindi kailanman natalo, dahil Siya ay isang marunong na Diyos, at ang Kanyang karunungan ay nagagamit ayon sa mga balangkas ni Satanas. Kaya hindi Niya lamang napasusunod ang lahat sa langit sa Kanyang awtoridad; nagagawa rin Niyang panatilihin ang lahat sa Kanyang paanan, at hindi huli sa lahat, napababagsak sa Kanyang pagkastigo ang mga gumagawa ng masama na nanghihimasok at nanggugulo sa sangkatauhan. Ang lahat ng mga bunga ng Kanyang gawain ay dulot ng Kanyang karunungan. Hindi Niya kailanman ibinunyag ang Kanyang karunungan sa harap ng pag-iral ng sangkatauhan, dahil wala Siyang kaaway sa langit, sa lupa, o sa buong daigdig, at walang mga puwersa ng kadiliman na sumakop sa anuman sa kalikasan. Matapos Siyang ipagkanulo ng arkanghel, nilikha Niya ang sangkatauhan sa lupa, at dahil sa sangkatauhan ay pormal Niyang sinimulan ang isang libong taong digmaan nila ni Satanas, ang arkanghel, isang digmaan na lalong umiigting sa bawat magkakasunod na yugto. Ang Kanyang pagka-makapangyarihan at karunungan ay naroon sa bawat yugto. Tanging sa oras na ito ay makikita ng lahat ng nasa langit at lupa ang karunungan ng Diyos, pagka-makapangyarihan, at ang katotohanan ng Diyos. Isinasagawa pa rin Niya ang gawain sa paraang makatotohanan na tulad ng dati; bilang karagdagan, habang isinasagawa Niya ang Kanyang gawain, ibinubunyag din Niya ang Kanyang karunungan at pagka-makapangyarihan; pinahihintulutan Niya kayong makita ang katotohanan sa loob ng bawat yugto ng gawain, upang makita kung paano nga ba maipaliliwanag ang pagka-makapangyarihan ng Diyos, at higit sa lahat kung paano maipaliliwanag ang katotohanan ng Diyos.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)