I
Ang D'yos naging katawang-tao,
nanatiling nakatago sa tao
upang gawin ang bagong gawain,
iligtas tayo sa kasamaan.
'Di Siya nagbibigay ng paliwanag.
Sa mga planong nagawa N'ya,
ginagawa Kanyang gawain paisa-isang hakbang.
Mga salita N'ya'y nadaragdagan araw-araw,
umaaliw, nagpapaalala, sumasaway, at nagbababala.
Mula sa mahinahon at mabait sa mabangis at makahari,
mga salita N'ya'y ikinikintal kahabaga't takot.
Lahat ng sinasabi N'ya'y inihahayag malalalim nating lihim.
Mga salita Niya'y tagos sa'tin at napapahiya tayo.
Mayroong walang katapusang tustos
At salamat sa Kanya,
namumuhay tayong kasama ang D'yos nang harapan.
Ang D'yos naging katawang-tao,
nanatiling nakatago sa tao
upang gawin ang bagong gawain,
iligtas tayo sa kasamaan.
'Di Siya nagbibigay ng paliwanag.
Sa mga planong nagawa N'ya,
ginagawa Kanyang gawain paisa-isang hakbang.
II
Kanyang mga salita'y may kapangyarihan ng buhay,
at ipinapakita daang lalakaran,
Naakit sa salita N'ya, nakinig sa himig
at tinig ng puso ng pangkaraniwang tao.
Ginagawa N'ya lahat
at ibinubuhos ang dugo ng Kanyang puso.
Para sa'tin Siya'y naghihinagpis at umiiyak sa sakit,
tinitiis ang kahihiyan para sa'ting kapalaran at kaligtasan.
Puso N'ya'y dumurugo't umiiyak dahil sa'ting paghihimagsik.
Walang makaaabot sa gayong pagiging at pag-aari.
Walang makapapantay sa pagpaparaya N'ya.
Walang nilikhang kailanma'y magkakaroon ng pag-ibig
at pasensiya N'ya.
Ang D'yos naging katawang-tao,
nanatiling nakatago sa tao
upang gawin ang bagong gawain,
iligtas tayo sa kasamaan.
'Di Siya nagbibigay ng paliwanag.
Sa mga planong nagawa N'ya,
ginagawa Kanyang gawain,
ginagawa Kanyang gawain.
Oo, ginagawa Kanyang gawain paisa-isang hakbang.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:
Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan