Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang mga Fariseo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang mga Fariseo. Ipakita ang lahat ng mga post

Bakit Ba Ako Lumakad sa Landas ng mga Fariseo?

Suxing    Lalawigan ng Shanxi

Ako ay taong arogante at masyadong bilib sa sarili at ang katungkulan ay ang aking kahinaan. Sa loob ng maraming taon, nakatali ako sa reputasyon at katungkulan at hindi ko nagawang makalaya mula dito. Paulit-ulit akong naitaas at napalitan; nagkaroon ako ng maraming kabiguan sa aking katungkulan at mga problema sa pagdaan ng panahon. Pagkatapos ng maraming taon na ako ay pinakitunguhan at nagawang pino, naramdaman ko na hindi ko sineseryoso ang aking katungkulan. Ayaw kong maging kaparis ng aking nakaraan na inisip na hangga't ako ay isang pinuno, maaari akong gawing perpekto ng Diyos at kung hindi ako pinuno, wala akong pag-asa. Naunawaan ko na kahit ano pa ang tungkulin na aking tinutupad, kinakailangan ko lamang hanapin ang katotohanan at ako ay gagawing perpekto ng Diyos; ang paghahangad sa reputasyon at katungkulan ay paraan ng anticristo. Ngayon, pakiramdamn ko'y kahit ano pang tungkulin ang aking tinutupad, matatanggap ko ang hindi magkaroon ng katungkulan. Batas ng langit at lupa na ang nilikha ay tumutupad sa kanyang papel. Kahit saan ka pa nailagay, dapat mong tanggapin ang mga kaayusang ginawa ng Diyos.

Clip ng Pelikulang Kumawala sa Bitag (1) | "Paano Malalaman ang Diwa ng mga Relihiyosong Fariseo"



Ang mga pastor at elder ng mga relihiyon ay pawang mga tao na naglilingkod sa Diyos sa mga simbahan. Madalas silang magbasa ng Biblia at mangaral sa mga nananalig, ipinagdarasal nila ang mga ito at nagpapakita sila ng habag sa kanila, pero bakit sabi natin, mga ipokritong Fariseo sila?

Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos | Ang Masama ay Dapat Parusahan

 Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos | Ang Masama ay Dapat Parusahan

Ang pagsisiyasat kung iyong isinasagawa ang pagkamatuwid sa lahat ng iyong ginagawa, at kung minamasdan ng Diyos lahat ng pagkilos mo, ay mga prinsipyo sa pag-uugali ng mga naniniwala sa Diyos. Tatawagin kayong matuwid dahil napalulugod ninyo ang Diyos, at dahil tinatanggap ninyo ang Kanyang pag-aalaga at proteksyon. Sa paningin ng Diyos, lahat ng tumatanggap ng Kanyang pag-aalaga, proteksyon, at pagka-perpekto at mga nakakamit Niya, ay mga matuwid at tinitingnan nang may pagtatangi ng Diyos. Mas tinatanggap ninyo ang mga salita ng Diyos dito at ngayon, mas nagagawa ninyong matanggap at maunawaan ang Kanyang kalooban, at kaya mas maisasabuhay ninyo ang mga salita ng Diyos at masusunod ninyo ang Kanyang mga pamantayan.

Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos



Salita ng Buhay | "Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos"
 Ang mga Fariseo, Paniwala, Biblia


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Yaong mga sinasabi Ko na mga sumasalungat sa Diyos ay yaong mga hindi kilala ang Diyos, yaong mga tumatanggap sa Diyos sa pamamagitan ng mga walang kabuluhang salita ngunit hindi Siya kilala, yaong mga sumusunod sa Diyos pero hindi Siya dinidinig, at yaong mga nagsasaya sa biyaya ng Diyos ngunit hindi magagawang maging saksi sa Kanya.

Ang Kalungkutan ng mga Iglesia

Sa ngayon, laganap ang mapapanglaw na simbahan sa lahat ng relihiyon, pero hindi pa namin lubos na nauunawaan ang pangunahing dahilan. Kaya nga masigasig naming binabasa ang Lumang Tipan at pinagtutuunan namin kung paano humantong sa kapanglawang iyon sa relihiyon ang mga ikinilos ng mga punong saserdote, eskriba at Fariseong Judio noong mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan. Bagama’t may natuklasan na ang ilang problema, hindi naging malinaw ang kabuuan nito. Nagpunta na rin kami sa mga simbahan sa maraming iba’t ibang lugar at mula sa iba’t ibang sekta, pero hindi pa namin nakikita ang gawain ng Banal na Espiritu. Hindi gaanong malinaw sa amin kung bakit napakapanglaw ng lahat ng relihiyon. Ano ang tunay na dahilan nito?

Ang mga Fariseo, iglesia, relihiyon, Tanong at Sagot ng Ebanghelyo,

Sagot: Ngayon, laganap ang kapanglawan sa lahat ng relihiyon, wala roon ang gawain ng Banal na Espiritu, at nanlamig na ang pananampalataya at pagmamahal ng maraming tao—tanggap na ang katotohanang ito. Anuman ang eksaktong pangunahing dahilan ng kapanglawan ng lahat ng relihiyon ay isang tanong na kailangang maunawaan nating lahat nang lubusan. Gunitain muna natin sandali kung bakit naging mapanglaw ang templo sa mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan, at saka natin mauunawaan nang lubusan ang dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon sa mga huling araw. Sa mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan, hindi sinunod ng mga pinunong Judio ang mga utos ng Diyos, tinahak nila ang sarili nilang landas at kinalaban ang Diyos; ito ang pangunahing dahilan na tuwirang nagresulta sa kapanglawan ng templo. Inilantad at kinagalitan ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo, na nagsasabing: “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa’t sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal. Gayon din naman kayo, sa labas ay nangagaanyong matuwid sa mga tao, datapuwa’t sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan” (Mateo 23:27-28).

“Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t itinatayo ninyo ang mga libingan ng mga propeta, at inyong ginayakan ang mga libingan ng mga matuwid, At sinasabi ninyo, Kung kami sana ang nangabubuhay nang mga kaarawan ng aming mga magulang disi’y hindi kami nangakaramay nila sa dugo ng mga propeta.