Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

May Kinalaman sa Isang Normal na Buhay Espirituwal

Ang isang sumasampalataya ay dapat mayroong isang normal na buhay espirituwal-ito ang saligan para sa pagpapakaranas ng mga salita ng Diyos at pagpasok sa katotohanan. Sa kasalukuyan, maaari ba na ang lahat ng mga panalangin, ang mapalapit sa Diyos, ang pag-awit, pagpupuri, pagbubulay-bulay, at ang pagsisiskap na alamin ang mga salita ng Diyos na inyong isinasagawa ay nakaaabot sa mga pamantayan ng isang normal na buhay espirituwal. Walang sinuman sa inyo ang masyadong malinaw tungkol dito. Ang isang normal na buhay espirituwal ay hindi limitado sa panalangin, awit, buhay iglesia, pagkain at pag-inom ng mga salita ng diyos, at iba pang gayong mga pagsasagawa, ngunit ito ay nangangahulugan na isabuhay ang isang buhay espirituwal na sariwa at masigla. Ito ay hindi tungkol sa pamamaraan, bagkus sa resulta. Iniisip ng karamihan sa mga tao na upang magkaroon ng isang normal na buhay espirituwal ang isa ay dapat manalangin, umawit, kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, o subukang unawain ang mga salita ng Diyos. Hindi alintana magkaroon man ng anumang resulta, o magkaroon man ng isang tunay na pagkaunawa, ang mga taong ito ay basta na lamang nagpopokus sa pakikiayon sa nasa labas- at hindi nagpopokus sa resulta-sila ang mga tao na nabubuhay sa loob ng mga ritwal ng relihiyon, at hindi mga taong nabubuhay sa loob ng iglesia, at lalong hindi sila mga tao ng kaharian. Ang ganitong uri ng mga panalangin ng tao, mga awit, at pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos ay pagsunod lahat sa mga patakaran, sila ay inuudyukan na gawin ang mga ito, at ang mga ito ay ginagawa upang makisabay sa uso, hindi sila ginagawa nang kusa o ginagawa mula sa puso. Hindi alintana gaano man ang idalangin o awitin ng mga taong ito, hindi magkakaroon ng anumang resulta, sapagkat lahat ng kanilang isinasagawa ay mga relihiyosong patakaran at mga ritwal, at hindi nila isinasagawa ang salita ng Diyos. Sa pagpopokus lamang sa pamamaraan, at pagdadala sa mga salita ng Diyos bilang mga patakaran na susundin, ang ganitong uri ng tao ay hindi isinasagawa ang salita ng Diyos, ngunit pinalulugod ang laman, at gumagawa ng mga bagay upang purihin ng iba. Ang ganitong uri ng relihiyosong ritwal at patakaran ay nagmumula sa tao, hindi mula sa Diyos. Ang Diyos ay hindi nagpapanatili ng mga patakaran, hindi sumusunod sa anumang mga kautusan; gumagawa Siya ng mga bagong bagay araw-araw at gumagawa Siya ng praktikal na gawain. Kagaya ng mga tao sa Tatlong-Sariling Iglesia na limitado lamang sa pang-araw-araw na panalangin sa umaga, mga panggabing panalangin, mga pagpapasalamat bago ang pagkain, pagpapahayag ng pasasalamat sa lahat, at iba pang gayong mga pagsasagawa, gaano man karami ang gawin ng mga taong ito, o gaano man katagal nilang isagawa, hindi nila matataglay ang gawain ng Banal na Espiritu. Kung ang mga tao ay nabubuhay sa loob ng mga patakaran, na ang kanilang mga puso ay buhos sa pagsasagsawa, kung gayon ang Banal na Espiritu ay walang pag-asang gumawa ng gawain, sapagkat ang puso ng mga tao ay abala sa mga patakaran, abala sa mga pagkaintindi ng mga tao; kung gayon ang Diyos ay walang paraan upang gumawa ng gawain; ang mga tao ay palagi na lamang mabubuhay sa ilalim ng pagkontrol ng kautusan, at ang ganitong uri ng tao ay hindi kailanman matatanggap ang papuri ng Diyos.

Ang isang normal na buhay espirituwal ay upang isabuhay ang isang buhay sa harap ng Diyos. Kapag nananalangin maaaring mapatahimik ng isang tao ang puso ng isang tao sa harap ng Diyos, at sa pananalangin maaaring hangarin ng isang tao ang pagliliwanag ng Banal na Espiritu, maunawaan ang mga salita ng Diyos, at maaaring maunawaan ang kalooban ng Diyos. Kapag kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos maaaring mas maging maliwanag at mas malinaw ang isang tao sa kung ano ang gusto ng Diyos na gawin sa ngayon, at ang isang tao ay maaaring magkaroon ng isang bagong landas ng pagsasagawa at huwag maging konserbatibo, para lahat ng pagsasagawa ng isang tao ay para sa layunin ng pagtatamo ng kaunlaran sa buhay. Halimbawa, ang panalangin ng isa ay hindi para sa layunin ng pagsasabi ng ilang magagandang mga salita, o upang humiyaw sa harap ng Diyos upang ipahayag ang pagkakautang ng isang tao, ngunit sa halip upang magsagawa ng pagsasanay sa espiritu ng isang tao, upang mapatahimik ang puso ng isang tao sa harap ng Diyos, upang isagawa ang paghahanap para sa paggabay sa lahat ng mga bagay, upang gawin ang puso ng isang tao na isang puso na inilalapit tungo sa bagong liwanag araw-araw, nang upang huwag maging walang kibo o tamad, at upang pumasok sa tamang landas ng pagsasagawa sa mga salita ng Diyos. Sa kasalukuyan karamihan sa mga tao ay nakapokus sa mga pamamaraan, at hindi sila nagtatangkang hangarin ang katotohanan nang upang magtamo ng kaunlaran sa buhay; ito ay kung saan ang mga tao ay lumilihis. Mayroon ding ilang mga tao na, bagamat nagagawa nilang makatanggap ng bagong liwanag, ang kanilang mga pamamaraan ay hindi nagbabago; inihahalo nila ang mga relihiyosong paniwala ng nakaraan upang makatanggap ng salita ng Diyos sa araw na ito, at ang kanilang tinatanggap ay ang doktrina pa rin na dinadala ang mga relihiyosong paniwalang kasama nito, at hindi nila tinatanggap nang ganap ang liwanag sa kasalukuyan. Kung gayon, ang kanilang mga pagsasagawa ay hindi dalisay-ginagawa nila ang parehong bagay sa isang bagong pangalan, at gaano man kagaling ang kanilang pagsasagawa, ito ay paimbabaw pa rin. Ginagabayan ng Diyos ang mga tao upang gumawa ng mga bagong bagay sa araw-araw, at kinakailangan sa mga tao na magkaroon ng bagong mga pananaw at bagong pagkaunawa sa araw-araw, at huwag maging makaluma o nakasasawa. Kung ikaw ay naniwala sa Diyos sa maraming mga taon, ngunit ang iyong mga pamamaraan ay hindi pa rin nagbabago, kung ikaw ay maningas pa rin at abala sa panlabas, at hindi lumalapit sa harap ng Diyos upang tamasahin ang Kanyang mga salita nang may isang tahimik na puso, kung gayon hindi ka makapagtatamo ng anuman. Kapag tinatanggap ang bagong gawain ng Diyos, kung hindi ka bubuo ng isang bagong plano, kung hindi ka magsasagawa sa isang bagong paraan, kung hindi ka naghahangad ng bagong pangunawa, ngunit sa halip ay mananangan sa mga makalumang bagay mula sa nakaraan at tinanggap lamang ang limitadong sukat ng bagong liwanag na hindi nagbabago ang paraan nang iyong pagsasagawa, kung gayon kahit na ang uri ng taong ito ay maituturing na napapaloob sa ganitong daloy, sa realidad sila ay ang relihiyosong Fariseo sa labas ng daloy ng Banal na Espiritu.

Kung gusto mong mamuhay ng isang normal na buhay espirituwal, kailangan mong tumanggap ng bagong liwanag sa araw-araw, hangarin ang tunay na pagkaunawa sa mga salita ng Diyos, at magtamo ng kaliwanagan tungo sa katotohanan. Kailangan mong magkaroon ng isang landas upang isagawa ang lahat ng bagay, at sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos sa araw-araw makasusumpong ka ng bagong mga katanungan at madidiskubre ang iyong sariling mga pagkukulang. Ito ay magreresulta sa paglalabas ng isang puso na nauuhaw at naghahanap, na magtatakda sa iyong buong pagkatao sa paggalaw, at magagawa mong maging tahimik sa harap ng Diyos sa anumang oras, at magkakaroon ng masidhing takot na mapag-iwanan. Kung ang isang tao ay magkakaroon nitong nauuhaw na puso, at nakahanda rin na pumasok nang tuloy-tuloy, kung gayon ay nasa tamang landas sila para sa isang espirituwal na buhay. Lahat silang mga maaaring tumanggap ng pagkilos ng Banal na Espiritu, na nagnanais na makagawa ng pag-unlad, na nakahandang maghangad na gawing perpekto ng Diyos, yaong mga nananabik para sa mas malalim na pagkaunawa sa mga salita ng Diyos, na hindi naghahangad ng higit sa karaniwan ngunit nagbabayad ng isang praktikal na halaga, nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa kalooban ng Diyos, na sadyang nakapasok, ginagawa ang kanilang karanasan nang mas tunay at higit na makatotohanan, na hindi naghahangad sa hungkag na mga salita ng doktrina, at na hindi rin naghahangad ng isang damdamin na higit sa karaniwan, at ni hindi sumasamba sa dakilang tao-ang ganitong uri ng tao ay nakapasok sa isang normal na buhay espirituwal, at ang lahat ng kanilang ginagawa ay para sa layunin ng pagtatamo ng higit na kaunlaran sa buhay, upang mapanatiling sariwa ang kanilang espiritu at hindi yaong hindi gumagalaw, at upang palaging nagagawang pumasok sa positibong paraan. Halimbawa, kapag sila ay nananalangin bago ang mga pagkain, hindi sila inuudyukan na gawin iyon, ngunit sa halip pinatatahimik nila ang kanilang mga puso sa harap ng Diyos, nakahandang mabuhay para sa Diyos, na ilagay ang kanilang panahon sa mga kamay ng Diyos, at nakahandang makipagtulungan sa Diyos at gumugol para sa Diyos. Kung ang kanilang puso ay hindi tatahimik sa harap ng Diyos, hindi na lang sila kakain bagkus ay magpapatuloy sa pagsasagawa; kung gayon ito ay hindi pagsunod sa mga patakaran, sa halip ay pagsasagawa sa salita ng Diyos. Ang ilang mga tao, kapag nananalangin bago kumain, ay sinasadyang gumawa ng ilang mga pagtindig upang magsagawa ng pag-arte, na sa wari ay masyadong banal, subalit ang kanilang isip ay nagtataka: “Bakit kailangan kong isagawa sa ganitong paraan? Hindi ba maayos lamang ang mga bagay nang walang pananalangin? Pareho pa rin ang mga bagay pagkatapos manalangin, kaya bakit mag-aabala?” Ang ganitong uri ng tao ay sumusunod sa mga patakaran, at bagamat sinasabi ng kanilang mga salita na sila ay nakahandang na mapalugod ang Diyos, ang kanilang mga puso ay hindi pa nakarating sa harap ng Diyos. Hindi sila nananalangin kagaya nito upang maisagawang patahimikin ang kanilang puso sa harap ng Diyos, ngunit sa halip ginagawa nila ito upang lokohin ang ibang mga tao at para makita ng ibang mga tao. Ang ganitong uri ng tao ay lubos na taong mapagpaimbabaw, gaya ng isang relihiyosong pastor na maaaring mamagitan para sa iba ngunit hindi makapasok sa kanyang ganang sarili niya, ang ganitong uri ng tao ay isang relihiyosong opisyal, nang lubos na lubos. Araw-araw ang Diyos at nagsasabi ng mga bagong bagay, gumagawa ng mga bagong bagay, ngunit ikaw ay sumusunod sa mga panuntunan araw-araw, sinusubukang lokohin ang Diyos, nakikitungo sa Diyos nang wala sa puso, kaya hindi ba ikaw yaong taong sumusuway sa Diyos? Makatatanggap ka ba ng mga pagpapala habang sumusunod sa mga patakaran at sumusuway sa Diyos? Hindi ka ba kakastiguhin ng Diyos?

Ang gawain ng Diyos ay mabilis na sumusulong, pinalalayas ang iba’t-ibang mga pangkatin ng relihiyonista at “mga sikat” na pinagmamasdan ang serbisyo sa iglesia sa malayo, malayong malayo, at ikinakalat din sa apat na hangin yaong mga “eksperto” sa gitna ninyo na talagang iniibig ang pagsunod sa mga patakaran, Ang gawain ng Diyos ay hindi maghihintay, hindi ito umaaasa sa anumang bagay at hindi ito nagpapatumpik-tumpik. Hindi nito hinihila o kinakaladkad ang sinuman; kung hindi ka makasasabay kung gayon ikaw ay iiwanan, hindi alintana kung gaano karaming mga taon ka nang sumunod. Hindi alintana gaano ka man kakwalipikadong beterano, kung ikaw ay sumusunod sa mga patakaran kung gayon ay dapat kang alisin. Pinapayuhan ko ang ganitong uri ng tao na magkaroon ng ilang pansarling kaalaman, na hayaan muna ang iba, at huwag mangunyapit sa kung ano ang dati pa; pinagagawa sa iba ang salita ng Diyos alinsunod sa iyong mga panuntunan ng pagkilos-hindi ba ito pagtatangka na hikayatin ang mga tao? Ang iyong pagsasagawa ay pagsunod sa mga patakaran, tinuturuan ang mga tao na magmasid sa serbisyo ng iglesia, at palaging pinagagawa sa mga tao ang mga bagay alinsunod sa iyong mga kahilingan, hindi ba ito pagtatatag ng pagkakabaha-bahagi? Hindi ba ito paghihiwa-hiwalay ng iglesia? Kung gayon paano ka nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin na ikaw ay mapagbigay sa kalooban ng Diyos? Ano ang karapatan mo para sabihin na ito ay upang gawing perpekto ang ibang mga tao? Kapag nagpatuloy ka sa pangunguna sa ganitong paraan, hindi ba ito paghihikayat sa mga tao patungo sa relihiyosong ritwal? Kung ang isang tao ay mayroong isang normal na buhay espirituwal, kung sila ay nakapagtamo ng paglaya at kalayaan sa kanilang espiritu sa araw-araw, kung gayon ay maaari nilang isagawa ang mga salita ng Diyos nang may kalayaan upang mapalugod Siya, at maging kapag sila ay nananalangin, hindi lamang sila basta dumadaan sa mga pormalidad o sumusunod sa isang proseso, at nakapananatili sila sa bagong liwanag araw-araw. Kapag isinasagawa nila ang pagiging tahimik ng kanilang mga puso sa harap ng Diyos, kaya nilang gawin ang kanilang puso na tunay na tahimik sa harap ng Diyos, at walang makagagambala sa kanila, at walang sinuman at anuman ang makapipigil sa kanilang normal na buhay espirituwal. Ang ganitong pagsasagawa ay para sa layunin ng pagkakamit ng isang resulta, hindi basta lamang upang bigyan ang mga tao ng ilang mga panuntunan upang sundin. Ang ganitong uri ng pagsasagawa ay hindi pagsunod sa mga panuntunan, ngunit para gawing mas maaga ang pagsulong sa buhay ng mga tao. Kung ikaw ay tagapag-ingat lamang ng mga panuntunan, kung gayon ay hindi kailanman magbabago ang iyong buhay, bagamat ang iba ay maaring magsagawa sa ganitong paraan, gaya ng iyong ginagawa, sa katapusan, ang iba ay makaaagapay sa bilis ng gawain ng Banal na Espiritu, samantalang ikaw ay aalisin mula sa daloy ng Banal na Espiritu. Kaya hindi mo ba niloloko ang iyong sarili? Ang layunin ng mga salitang ito ay para tulutan ang mga tao na patahimikin ang kanilang mga puso sa harap ng Diyos at bumaling sa Diyos, upang tulutan ang gawain ng Diyos na ipatupad sa mga tao nang tuluy-tuloy, at para ito magtamo ng mga resulta.
Manood ng higit pa:pananampalataya sa Diyos