Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kaluwalhatian. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kaluwalhatian. Ipakita ang lahat ng mga post

The Seven Thunders Peal—Prophesying That the Kingdom Gospel Shall Spread Throughout the Universe


Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nanghuhula Na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nguni’t ito ay mula sa Israel na Aking nilisan at mula roon na Ako ay dumating sa Silangan. Kung kailan lamang na ang liwanag ng Silangan ay marahang nagiging kulay puti saka ang kadiliman sa buong daigdig ay magsisimulang maging liwanag, at doon lamang matutuklasan ng tao na matagal na akong lumisan sa Israel at muling bumabangon sa Silangan.

Kung tatanggapin natin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, paano tayo maghahanap para matanggap ang daan ng walang hanggang buhay?

Sagot: Ipinahahayag ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang kabuuan ng katotohanan na ganap na makadadalisay at makapagliligtas sa sangkatauhan, ipinahahayag ang mga katotohanang ito ayon sa masamang diwa at kakulangan natin, ibig sabihin, ito ang mga realidad ng katotohanan na dapat taglay nating mga tao. Gusto ng Diyos na matanggap natin ang mga katotohanang ito bilang walang hanggang buhay natin.

Ang Banal na Kagandahang-asal na Dapat Taglayin ng mga Mananampalataya sa Diyos.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Bago siya pinasama ni Satanas, ang tao ay likas na tumatalima sa Diyos at sinusunod ang Kanyang mga salita. Siya ay likas na may maayos na katinuan at konsensya, at normal na pagkatao. Matapos pasamain ni Satanas, ang kanyang dating katinuan, konsensya, at pagkatao ay pumurol at pinapanghina ni Satanas. Kaya, naiwala niya ang kanyang pagkamasunurin at pag-ibig sa Diyos.

Dumako sa Sion na may pagpupuri


Tagalog Christian Song | "Dumako sa Sion na may pagpupuri"
I
Dumako sa Sion na may pagpupuri.
Nagpakita na ang tahanan ng Diyos.
Dumako sa Sion na may pagpupuri.
Inaawitan ng lahat banal Niyang pangalan; ito'y lumalaganap.
Hari ng Sansinukob, Huling Cristo,
aming maliwanag at nagniningning na Araw, 
sumikat mula
sa pinaka-marilag na Bundok ng Sion sa sansinukob. 
Makapangyarihang Diyos!

Ano ang tunay na madala sa langit?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6).

“Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko” (Pahayag 3:20).

“Isulat mo, Mapapalad ang mga inanyayahan sa paghapon sa kasalan ng Cordero.” (Pahayag 19:9).

Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan (Tagalog Dubbed)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang Aking awa ay nahahayag sa mga nagmamahal sa Akin at nagtatakwil ng kanilang mga sarili. At ang kaparusahang sumapit sa masama ay tiyak na patunay ng Aking matuwid na disposisyon at, higit pa, patotoo sa Aking poot. Kapag dumarating ang sakuna, taggutom at salot ang sasapitin ng lahat niyaong sumasalungat sa Akin at sila ay tatangis.

Salita ng Buhay | "Siya na May Kapangyarihan sa Lahat" (Mga Sipi, Entabladong Bersiyon)




Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Hindi alam ng sangkatauhan kung sino ang Kataas-taasan sa lahat ng mga bagay sa sansinukob, mas lalong hindi niya alam ang simula at hinaharap ng sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay namumuhay lamang, nang sapilitan, sa gitna ng batas na ito. Walang maaaring makatakas dito at walang maaaring makapagbago rito, sapagka’t sa gitna ng lahat ng bagay at sa mga kalangitan ay mayroon lamang Isa na mula sa kawalang-hanggan tungo sa kawalang-hanggan na siyang nagtataglay ng paghahari sa lahat ng mga bagay.

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Makahulugang Ibig Sabihin ng Poot ng Diyos"


Tagalog Worship Songs
Ang Makahulugang Ibig Sabihin ng Poot ng Diyos


I
Paghahayag ng Diyos ng poot N'ya'y nangangahulugan
na titigil sa pag-iral lahat ng masasamang puwersa;
nangangahulugan 'to
na lahat na kumakalabang puwersa'y mawawasak.

Tagalog Christian Music Video | "Tungkulin ng Tao ang Sumaksi para sa Diyos" | The Christian Mission


Yaong ipinagkakaloob sa inyo ng Diyos ngayon
lumalampas kay Moises
at mas mahigit pa kaysa kay David,
kaya naman hinihiling Niya na 
ang inyong patotoo ay malampasan ang kay Moises 
at ang inyong mga salita ay higit sa kay David.
Binibigyan kayo ng Diyos ng makasandaan,
kaya naman hinihiling Niya sa inyo na tumbasan ninyo rin ito. 

Ang Koro ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Makapangyarihang Diyos   ay Nakaupo sa



 Ang Koro ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Makapangyarihang Diyos   ay Nakaupo sa


Ang matagumpay na Hari
ay nakaupo sa Kanyang maluwalhating trono.
Natapos na Niya ang pagtubos at napangunahan na
ang lahat ng Kanyang bayan upang magpakita sa kaluwalhatian.
Tangan niya ang sansinukob sa Kanyang mga kamay
at sa pamamagitan ng Kanyang dibinong karunungan at kapangyarihan
ay itinayo Niya at pinatatag ang Sion.
Sa Kanyang kamahalan
hinahatulan Niya ang masamang sanlibutan;
hinahatulan Niya ang lahat ng mga bansa
at lahat ng mga tao, ang lupa at mga dagat
at ang lahat ng nabubuhay na mga bagay na nasa kanila,
gayon din sila na lasing sa alak ng kalaswaan.
Tiyak na hahatulan sila ng Diyos,
at tiyak na magagalit Siya sa kanila
at sa ganito ay mahahayag ang kamahalan ng Diyos.
Ang ganitong paghatol ay magiging mabilis
at ipatutupad nang walang pag-antala.
Susunugin silang lahat ng nagliliyab na galit ng Diyos
dahil sa kanilang karumal-dumal na mga krimen
at sasapitin nila ang malaking kalamidad anumang oras;
wala silang malalalamang daan na matatakasan
at walang dakong mapagtataguan,
sila ay tatangis at magngangalit ang kanilang mga ngipin
dahil sa kapahamakan
na kanilang dinala sa kanilang mga sarili.
wala silang malalalamang daan na matatakasan
at walang dakong mapagtataguan,
sila ay tatangis at magngangalit ang kanilang mga ngipin
dahil sa kapahamakan na kanilang dinala sa kanilang mga sarili.
Ang mananagumpay na minamahal na mga anak ng Diyos
ay tiyak na lalagi sa Sion,
at hindi na lilisanin ito kailanman,
at hindi na lilisanin ito kailanman.
Nagpakita na ang nag-iisang tunay na Diyos!
Ang pagwawakas ng sanlibutan
ay nagaganap sa ating harapan
Ang paghatol sa mga huling araw ay nagsimula na.
Ang sangkaramihan ay masusing makikinig sa tinig ng Diyos,
maingat nilang bibigyang-pansin ang mga pagkilos ng Diyos,
at ang kanilang mga tinig ng pagpupuri sa Kanya
ay hindi na kailanman mapaparam.
Ang sangkaramihan ay masusing makikinig sa tinig ng Diyos,
maingat nilang bibigyang-pansin ang mga pagkilos ng Diyos,
at ang kanilang mga tinig ng pagpupuri sa Kanya
ay hindi na kailanman mapaparam.
Ang kanilang mga tinig ng pagpupuri sa Kanya
ay hindi na kailanman mapaparam.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:

Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!

Pagsaliksik sa 
Kidlat ng Silanganan

 Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos| Ang Landas… (6)

Landas, kaluwalhatian, Diyos, pag-ibig, buhay

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos| Ang Landas… (6)


  Dahil sa  gawain ng Diyos kaya tayo ay nadala tungo sa kasalukuyan. Kaya, lahat tayo ay mga nanatiling buháy sa planong pamamahala ng Diyos, at na tayo ay maaaring mapanatili hanggang sa kasalukuyan ay isang dakilang pagtataas mula sa Diyos. Ayon sa plano ng Diyos, ang bansa ng malaking pulang dragon ay dapat na wasakin, nguni’t Aking iniisip na marahil ay nakapagtatag Siya ng isa pang plano, o nais Niyang isakatuparan ang isa pang bahagi ng Kanyang gawain. Kaya hanggang sa ngayon ay hindi Ko pa rin naipaliliwanag ito nang malinaw—para bang ito ay isang di-maipaliwanag na palaisipan. Nguni’t sa pangkalahatan, ang grupo nating ito ay naitalaga ng Diyos, at Ako ay patuloy na naniniwala na ang Diyos ay may ibang gawain sa atin. Nawa tayong lahat ay magsumamo sa Langit na: “Nawa ang Iyong kalooban ay matupad at nawa Ikaw ay minsan pang magpakita sa amin at huwag takpan ang Iyong Sarili upang makita namin ang Iyong kaluwalhatian at ang Iyong mukha nang mas malinaw.” Lagi Kong nadarama na ang landas kung saan ginagabayan tayo ng Diyos ay hindi tumatakbo nang tuwid, kundi ito ay isang paliku-likong daan na punô ng mga lubák, at sinasabi ng Diyos na habang mas mabátó ang landas mas maibubunyag nito ang ating puso ng pag-ibig, nguni’t walang isa man sa atin ang makapagbubukas ng ganitong uri ng landas. Sa Aking karanasan, Ako ay nakalakad sa maraming mabátó at mapanganib na mga landas at Ako ay nakapagtiis ng matinding pagdurusa; may mga sandali na Ako ay lubos na nagdalamhati hanggang sa punto na parang gusto kong umiyak nang malakas, nguni’t nakalakad Ako sa landas na ito hanggang sa araw na ito. Ako ay naniniwala na ito ang landas na pinangungunahan ng Diyos, kaya Aking tinitiis ang paghihirap sa lahat ng pagdurusa at nagpapatuloy na sumulong dahil ito ang naitalaga ng Diyos, kaya sinong makatatakas dito? Hindi Ko hinihingi na makatanggap ng anumang mga pagpapala; ang hinihingi Ko lamang ay makaya Kong lumakad sa landas na dapat Kong lakaran ayon sa kalooban ng Diyos. Hindi Ako naghahanap na gayahin ang iba o lumakad sa landas na kanilang nilalakaran—ang hinahanap Ko lamang ay matupad Ko ang Aking panata na lumakad sa Aking itinakdang landas hanggang sa katapusan. Hindi Ko hinihingi ang tulong ng iba; sa prangkahan, hindi Ko rin matutulungan ang sinuman. Ako ay tila labis na napakaselan sa bagay na ito. Hindi Ko alam kung ano ang iniisip ng ibang tao. Ito ay dahil lagi Akong naniniwala na gaano man ang dapat ipagdusa ng isang indibidwal at gaano man kalayo ang dapat nilang lakarin sa kanilang landas ay itinakda ng Diyos at walang sinuman ang tunay na makatutulong sa kaninuman. Marahil ang ilan sa ating maiinit na mga kapatirang lalaki at babae ay magsasabi na Ako ay walang pag-ibig. Nguni’t ito lamang ang Aking paniniwala. Ang mga tao ay lumalakad sa kanilang mga landas na nananalig sa paggabay ng Diyos, at Ako ay naniniwala na karamihan sa Aking mga kapatirang lalaki at babae ay mauunawaan ang Aking puso. Umaasa rin Ako na pinagkakalooban tayo ng Diyos ng napakatinding pagliliwanag sa aspetong ito upang ang ating pag-ibig ay magiging mas dalisay at ang ating pagkakaibigan ay magiging mas mahalaga. Nawa ay hindi tayo malító sa paksang ito, kundi maging mas malinaw upang ang mga pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao ay maitatag batay sa pangunguna ng Diyos.

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos| Ang Landas… (1)

buhay, pamilyang, marriage, Landas, pagsamba

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos| Ang Landas… (1)


  Sa buong buhay nila, walang tao ang nakaaalam kung anong uri ng mga kabiguan ang kanilang makakatagpo, ni nalalaman nila kung sa anong uri ng pagpipino sila mapapasailalim. Para sa ilan ito ay sa kanilang gawain, para sa ilan ito ay sa kanilang mga pagkakataon sa hinaharap, para sa ilan ito ay sa kanilang pamilyang pinagmulan, at para sa ilan ito ay sa kanilang pag-aasawa. Nguni’t ang kaibahan mula sa kanila ay na ngayon tayo, ang grupong ito ng mga tao, ay nagdurusa para sa salita ng Diyos. Iyan ay, bilang isang naglilingkod sa Diyos, sila ay nagdusa ng mga kabiguan sa landas ng paniniwala sa Kanya, at ito ang landas na dinaraanan ng lahat ng mga mananampalataya at ito ang daan na tinatapakan ng lahat ng ating mga paa. Mula sa puntong ito ay opisyal nating sinisimulan ang ating landasin ng paniniwala sa Diyos, itinataas ang kurtina sa ating mga buhay bilang mga tao, at pumapasok tungo sa tamang landas ng buhay. Iyan ay, ito ang kung kailan pumapasok tayo tungo sa tamang landas na ang Diyos ay namumuhay kaagapay ng tao, na dinaraanan ng normal na mga tao. Bilang isa na tumatayo sa harap ng Diyos at naglilingkod sa Kanya, bilang isa na nagsusuot ng mga balabal ng isang saserdote sa templo, na may dibinong dignidad at awtoridad at kamahalan ng Diyos, Aking ginagawa ang sumusunod na pahayag sa lahat ng mga tao. Upang ipahayag ito nang mas malinaw: Ang maluwalhating mukha ng Diyos ang Aking kaluwalhatian, ang Kanyang plano ng pamamahala ang Aking sentro. Ako ay hindi naghahanap na magtamo ng makaisandaang ulit na mas marami sa mundong darating, nguni’t upang isakatuparan lamang ang kalooban ng Diyos sa mundong ito upang maaari Niyang matamasa ang isang maliit na bahagdan ng Kanyang kaluwalhatian sa lupa sanhi ng maliliit na mga pagsisikap na Aking ginagawa sa katawang-tao. Ito lamang ang Aking nasà. Sa Aking palagay, ito lamang ang Aking espirituwal na pagtutustos; Ako ay naniniwala na ang mga ito ang dapat na maging huling mga pananalita ng isa na namumuhay sa katawang-tao at siyang punô ng emosyon. Ito ang landas na tinatapakan ng Aking mga paa ngayon. Ako ay naniniwala na ang pananaw Kong ito ay ang Aking huling mga pananalita sa katawang-tao, at Ako ay umaasa na ang mga tao ay walang ibang mga paniwala o kaisipan tungkol sa Akin. Bagaman naibigay Ko na rito ang Aking lahat-lahat, hindi Ko pa rin nabigyang-kasiyahan ang kalooban ng Diyos sa langit. Ako ay labis-labis na nalulungkot—bakit ito ang nilalaman ng katawang-tao? Kaya, dahil sa mga bagay-bagay na Aking nagawa sa nakaraan gayundin ang gawain ng paglupig na naisakatuparan ng Diyos sa Akin, ngayon lamang Ako nakatamo ng mas malalim na pagkaunawa hinggil sa nilalaman ng sangkatauhan. Simula lamang doon Ako nakapagtakda ng pinakapangunahing pamantayan para sa Aking Sarili: ang hanapin lamang na maisakatuparan ang kalooban ng Diyos, ang ibigay rito ang Aking lahat-lahat, at mawalan ng anumang pabigat sa Aking konsensya. Hindi mahalaga sa Akin kung ano ang mga kinakailangan na itinalaga sa kanilang mga sarili ng iba na naglilingkod sa Diyos. Sa madaling salita, itinalaga Ko ang Aking puso sa pagsasakatuparan ng Kanyang kalooban. Ito ang Aking pagkukumpisal bilang isa sa Kanyang nilikha na naglilingkod sa harap Niya—isa na nailigtas at minamahal ng Diyos, at nakapagdusa ng Kanyang mga pagpalò. Ito ang pagkukumpisal ng isa na nababantayan, naiingatan, minamahal, at mabisang ginagamit ng Diyos. Mula ngayon, magpapatuloy Ako sa landas na ito hanggang maganap Ko ang mahalagang gawain na ipinagkatiwala sa Akin ng Diyos. Nguni’t sa Aking palagay, ang katapusan ng daan ay nakikita na dahil ang Kanyang gawain ay naganap na, at hanggang sa ngayon nagawa ng mga tao ang lahat ng kaya nilang gawin.

Walang Sinumang Nabubuhay sa Laman ang Makatatakas sa Araw ng Poot

Makatatakas, Biyaya, kaluwalhatian, buhay, Jehovah

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos| Walang Sinumang Nabubuhay sa Laman ang Makatatakas sa Araw ng Poot

       Ngayon, pinagsasabihan Ko kayo para sa kapakanan ng inyong kaligtasan, upang ang Aking gawain ay magpatuloy nang maayos, at upang ang Aking inagurasyon gawain sa buong sansinukuban ay maisakatuparan nang higit na angkop at maingat, pagbunyag ng Aking mga salita, awtoridad, kamahalan, at paghatol sa mga tao ng lahat ng lupain at mga bayan. Ang Aking gawain na kasama ninyo ay ang umpisa ng Aking gawain sa buong sansinukob. Bagaman ngayon na ang mga huling araw, alamin ninyo na ang “mga huling araw” ay isa lamang pangalan ng isang panahon: Gaya ng Kapanahunan ng Kautusan at ang Kapanahunan ng Biyaya, ito ay tumutukoy sa isang panahon, at tanda ng kabuuan ng isang panahon, sa halip na sa mga huling mga taon o buwan. Ngunit ang mga huling araw ay pawang hindi kagaya ng Kapanahunan ng Biyaya at ng Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawain para sa mga huling araw ay hindi gagawin sa Israel, kundi sa mga Gentil; ito ay ang paglupig ng mga tao mula sa lahat ng bayan at mga tribu sa labas ng Israel sa harap ng Aking luklukan, upang ang Aking luwalhati sa buong sansinukuban ay kayang punuin ang buong kalangitan. Ito ay upang makamtan Ko ang mas dakilang kaluwalhatian, upang ang lahat ng nilikha sa lupa ay maipasa ang Aking kaluwalhatian sa bawat bayan, sa lahat ng salinlahi magpakailanman, at ang lahat ng nilikha sa langit at lupa ay makita ang lahat ng kaluwalhatian na Aking natamo sa lupa. Ang gawain sa mga huling araw ay ang gawain ng panlulupig. Hindi ito ang pagpatnubay sa lahat ng mga tao sa lupa, kundi ang konklusyon ng walang pagkasira at libong-taong buhay ng pagdurusa ng sangkatauhan sa lupa. Ang kahihinatnan, ang gawain ng mga huling araw ay hindi maihahambing sa ilang libong taon na gawain sa Israel, hindi rin maitulad sa isang dekadang gawain sa Hudea na nagpatuloy nang ilang libong taon hanggang sa pangalawang pagkakatawang-tao ng Diyos. Dinaranas lamang ng mga tao sa mga huling araw ang muling pagpapakita ng Manunubos sa katawang-tao, at tinatanggap nila ang personal na gawain at mga salita ng Diyos. Hindi ito aabot ng dalawang libong taon bago dumating ang mga huling araw ng katapusan; ang mga ito ay maikli, kagaya nang tinapos ni Jesus  ang mga gawain noong Kapanahunan ng Biyaya sa Hudea. Ito ay dahil sa ang mga huling araw ay ang konklusyon ng buong kapanahunan. Sila ay ang kabuuan at ang katapusan ng anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ng Diyos, at sila ang tumatapos sa habang-buhay na pagdurusa ng sangkatauhan. Hindi nila tinatanggap ang kabuuan ng sangkatauhan sa bagong panahon o payagan ang buhay ng sangkatauhan na magpatuloy. Iyan ay walang kabuluhan para sa Aking plano sa pamamahala o sa pag-iral ng tao. Kung ang sangkatauhan ay magpatuloy nang ganito, kung gayon pagkaraan ng ilang panahon sila ay lalamunin nang buo ng diyablo, at ang mga kaluluwa na nauukol sa Akin ay lubusang kakamkamin ng mga kamay nito. Ang Aking gawain ay tatagal ng anim na libong taon, at Ako ay nangako na ang paghawak ng diyablo sa buong sangkatauhan ay hindi din tatagal ng higit sa anim na libong taon. At gayon, napapanahon na. Hindi ko na ipagpapatuloy o ipagpapaliban pa: Sa mga huling araw Aking susupilin si Satanas, babawiin Ko ang lahat ng Aking kaluwalhatian, at babawiin Ko ang lahat ng mga kaluluwa sa lupa na nauukol sa Akin upang itong mga kaluluwang naghihinagpis ay makawala sa dagat ng pagdurusa, at gayon matatapos na ang kabuuan ng Aking gawain sa lupa. Simula sa araw na ito, hindi na ako kailanman magkakatawang-tao sa lupa, at hindi Ko na kailanman pakikilusin ang Aking makapangyarihang Espiritu sa lupa. Ako ay gagawa lamang ng isang bagay sa lupa: Babaguhin Ko ang sangkatauhan, ang sangkatauhan na banal, at ang Aking tapat na lungsod sa lupa. Ngunit alamin ninyo na hindi Ko lilipulin ang buong mundo, hindi Ko rin lilipulin ang buong sangkatauhan. Iingatan Ko ang natitirang ikatlong bahagi—ang ikatlong mga nagmamahal sa Akin at lubusang nagpasakop sa Akin, at sila ay Aking gagawing mabunga at mapagparami sa lupa kagaya ng ginawa ng mga Israelita sa ilalim ng kautusan, binubusog sila ng masaganang mga tupa at baka at lahat ng mga sagana ng lupa. Ang sangkatauhang ito ay mananatili sa Akin magpakailanman, ngunit hindi ito ang karumaldumal na maruming sangkatauhan sa ngayon, kundi ang sangkatauhan na naipon mula sa Aking mga nalikom. Ang sangkatauhang iyon ay hindi masisira, maaabala, o maikukulong ni Satanas, at sila ang tanging mga sangkatauhan na mananatili sa mundo pagkatapos Kong magtagumpay laban kay Satanas. Ang sangkatauhan na mayroon ngayon ay ang Aking nasakop at nakatamo ng Aking pangako. At gayon, ang sangkatauhan na nasakop sa mga huling araw ang siya ring sangkatauhan na maliligtas at magkakamit ng Aking mga walang hanggang biyaya. Ito ang tanging magiging patunay ng Aking tagumpay laban kay Satanas, at ang tanging nasamsam sa Aking pakikipaglaban kay Satanas. Ang mga nasamsam sa digmaan ay Aking naipon mula sa sakop ni Satanas, at ang tanging kaganapan at bunga ng Aking anim-na-libong-taong plano sa pamamahala. Sila ay nagmula sa bawat bayan at denominasyon, at bawat lugar at bansa, sa buong sansinukuban. Sila ay galing sa iba’t-ibang lahi, iba’t-ibang wika, kaugalian at mga kulay ng balat, at sila ay nakakalat sa lahat ng mga bayan at denominasyon sa buong mundo, at sa bawat sulok ng mundo. Sa bandang huli, sila ay magsasama-sama upang buuin ang ganap na sangkatauhan, ang pulong ng sangkatauhan na hindi kayang abutin ng mga puwersa ni Satanas. Silang mga nasa sangkatauhan na hindi naligtas at nasakop Ko ay lulubog nang matahimik sa kailaliman ng dagat, at masusunog ng Aking tumutupok na apoy nang walang hanggan. Lilipulin Ko itong luma, nananaig na kadungisan ng sangkatauhan, kagaya ng paglipol Ko sa mga panganay na lalaking anak at mga baka sa Ehipto, iniwan lamang ang mga Israelita, na kumain ng karne ng tupa, uminom ng dugo ng tupa, at nagtatak ng dugo ng tupa sa itaas ng kanilang mga pinto. Ang mga tao na Aking sinakop at Aking naging pamilya, hindi rin ba sila ang mga tao na kumain sa Aking laman ang Kordero at uminom ng Aking dugo ang Kordero, at nailigtas dahil sa Akin at Ako ay sambahin? Hindi ba sila ang mga uri ng tao na laging sinasamahan ng Aking kaluwalhatian? Hindi ba silang walang katawan Ko, ang Kordero, ay tahimik nang lumubog sa kailaliman ng dagat? Ngayon sumasalungat sila sa Akin, at ngayon ang Aking mga salita ay tulad lamang ng mga sinambit ni Jehovah sa mga lalaking anak at mga lalaking apo ng Israel. Ngunit ang katigasan sa kaibuturan ng inyong mga puso ay nag-iimbak ng Aking poot, nagdudulot ng mas matinding pagdurusa sa inyong mga laman, mas matinding paghatol sa inyong mga kasalanan, mas matinding poot sa inyong kalikuan. Sino ang maliligtas sa Aking araw ng poot, kung ganito ang turing ninyo sa Akin sa ngayon? Kaninong kalikuan ang kayang makatakas sa Aking mga mata ng pagkastigo? Kaninong mga kasalanan ang makakaiwas sa mga kamay Ko, ang Makapangyarihan sa lahat? Kaninong mga paglabag ang makakatanggap ng Aking paghatol, ang Makapangyarihan sa lahat? Ako, ang Jehovah, ay nagsasalita sa inyo, mga angkan ng mga pamilyang Gentil, at ang mga salitang binibigkas ko sa inyo ay higit sa lahat ng mga binigkas sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya, ngunit kayo ay mas matigas pa sa lahat ng mga tao sa Ehipto. Hindi ba ninyo iniipon ang Aking poot habang ihinahanda ko ang Aking kapahingahan? Paano kayo makakatakas nang walang galos simula sa araw Ko, ang Makapangyarihan sa lahat?
       Ako ay nagsagawa at nagsalita sa ganitong paraan kasama ninyo, Ako ay umubos ng napakaraming lakas at pagsisikap, ngunit kailan ba kayo nakinig sa mga malinaw Kong sinasabi? Saan kayo yumukod sa Akin, ang Makapangyarihan sa lahat? Bakit ninyo Ako tinatrato nang ganito? Bakit lahat ng inyong ginagawa ay humahamon sa Aking galit? Bakit napakatigas ng inyong mga puso? Hinampas Ko ba kayo kahit minsan? Bakit wala kayong ginagawa bagkus pinalulungkot at binabalisa ninyo Ako? Hinihintay ba ninyo ang araw ng poot Ko, ang Jehovah, na dumating sa inyo? Hinihintay ba ninyo na ipadala Ko ang galit na hinamon ng inyong pagsuway? Hindi ba ang lahat ng Aking ginagawa ay para sa inyo? Ngunit laging ang turing ninyo sa Akin, ang Jehovah, ay ganito: ninanakaw ang Aking mga alay, kinukuha ang mga handog sa Aking altar pauwi upang pakainin ang mga anak at apo sa loob ng tirahan ng lobo; lumalaban sa isa’t isa ang mga tao, humaharap sa isa’t-isa na may galit sa mga mata at mga tabak at sibat, tinatapon ang Aking, ang Makapangyarihan sa lahat, mga salita sa palikuran upang maging kasing dumi ng pusali. Nasaan ang inyong katapatang-loob? Ang inyong pagkatao ay naging kahayupan! Ang inyong mga puso ay matagal nang naging bato. Hindi ba ninyo alam na kung dumating ang araw ng Aking galit ay kung kailan Ko hahatulan ang mga masasamang ginawa ninyo sa Akin, ang Makapangyarihan sa lahat, ngayon? Akala ba ninyo na sa pamamagitan ng panlilinlang ninyo sa Akin sa ganitong paraan, sa pagtapon ng Aking mga salita sa putikan at hindi pagdinig sa mga ito—naiisip ba ninyo na sa pamamagitan ng pagkilos nang ganito sa Aking likuran kayo ay makatatakas sa Aking nagngangalit na tingin? Hindi ba ninyo alam na kayo ay nakita na ng Aking mga mata, ang Jehovah, nang ninakaw ninyo ang Aking mga alay at pinagnasaan ang Aking mga pag-aari? Hindi ba ninyo alam na noong ninakaw ninyo ang Aking mga alay, ito ay sa harapan ng altar kung saan ang mga alay ay inihandog? Paano ninyo mapaniniwalaan ang inyong mga sarili na kayo ay talagang matalino sa panloloko sa Akin sa ganitong paraan? Paano ba malalayo ang Aking nagngangalit na poot sa inyong mga karumal-dumal na kasalanan? Paano ba lalampas ang Aking ngitngit sa inyong mga masasamang gawain? Ang kasamaan na inyong ginagawa ngayon ay hindi magbibigay ng labasan para sa inyo, bagkus ito ay mag-iipon ng pagkastigo para sa inyo sa kinabukasan; ito ay hahamon ng pagkastigo mula sa Akin, ang Makapangyarihan sa lahat, patungo sa inyo. Paano ba na ang inyong mga masasamang gawain at masasamang salita ay makatakas sa Aking pagkastigo? Paano makararating ang inyong mga panalangin sa Aking mga tainga? Paano ako magbubukas ng labasan para sa inyong kalikuan? Paano ko pakakawalan ang inyong masasamang gawain na pakikipaglaban sa Akin? Paano Ko hindi puputulin ang inyong mga dila kasing-bagsik na nakalalason kagaya nang sa ahas? Hindi ninyo Ako tinatawagan para sa kapakanan ng inyong pagkamatuwid, bagkus naipon ang Aking galit dahil sa inyong kasamaan. Paano Ko kayo mapapatawad? Sa mga mata Ko, ang Makapangyarihan sa lahat, ang inyong mga salita at kilos ay marumi. Ang mga mata Ko, ang Makapangyarihan sa lahat, ay nakikita ang inyong karumihan bilang walang tigil na pagkastigo. Paano maaalis ang Aking matuwid na pagkastigo at paghatol sa inyo? Dahil ginagawa ninyo ito sa Akin, pinalulungkot at ginagalit ninyo Ako, paano Ko papayagang makawala kayo sa Aking mga kamay at maiaalis sa araw na Ako, ang Jehovah, ay kastiguhin at isumpa kayo? Hindi ba ninyo alam na ang lahat ng mga masasama ninyong salita at binigkas ay nakarating na sa Aking mga tainga? Hindi ba ninyo alam na ang inyong kasamaan ay dinungisan na ang Aking damit ng pagkamatuwid? Hindi ba ninyo alam na ang inyong pagsuway ay humamon na sa Aking nag-iinit na galit? Hindi ba ninyo alam na noon pa ninyo Ako iniwang nagngingitngit, at noon pa ninyo sinusubukan ang Aking pagtitiyaga? Hindi ba ninyo alam na nasira na ninyo ang Aking katawan hanggang maging mga basahan ito? Nagtiis Ako hanggang ngayon, sa gayon na inilabas Ko ang Aking galit, hindi na magiging mapagparaya sa inyo kailanman. Hindi ba ninyo alam na ang inyong mga masasamang gawain ay nakarating na sa Aking mga mata, at ang Aking mga hinagpis ay narinig na ng Aking Ama? Paano Niya papayagang gawin ninyo ito sa Akin? Hindi ba ang Aking mga ginawa ay para sa inyong kapakanan? Ngunit sino sa inyo ang naging mapagmahal sa gawain Ko, ang Jehovah? Ako ba ay magtataksil sa kalooban ng Aking Ama dahil Ako ay marupok, at dahil sa pighating pinagdusahan? Hindi ba ninyo nauunawaan ang Aking puso? Kinakausap Ko kayo gaya ng Jehovah; hindi ba Ako nagbigay nang lubos para sa inyo? Kahit na Ako ay pumapayag na pasanin ang lahat ng mga pagdurusang ito para sa kapakanan ng gawain ng Aking Ama, paano kayo makaliligtas sa pagkastigo na Aking ipapataw sa inyo dahil sa Aking pagdurusa? Hindi ba kayo nakakuha ng kagalakan sa Akin? Ngayon, Ako ay ipinagkaloob sa inyo ng Aking Ama; hindi ba ninyo alam na mas marami kayong natamasa kaysa sa Aking mga mapagbiyayang mga salita? Hindi ba ninyo alam na ang Aking buhay ay ipinagpalit sa inyong buhay at sa mga bagay na inyong kinalulugdan? Hindi ba ninyo alam na ginamit ang buhay Ko ng Aking Ama upang labanan si Satanas, at nang inalay Niya ang Aking buhay sa inyo, upang matanggap ninyo ito nang makasandaang beses, at pinayagang makaiwas kayo sa napakaraming mga tukso? Hindi ba ninyo alam na sa pamamagitan lamang ng Aking gawain kayo ay nakalaya sa maraming tukso, at sa maraming nagliliyab na kaparusahan? Hindi ba ninyo alam na dahil lamang sa Akin na pinayagan kayo ng Aking Ama na magsaya hanggang sa ngayon? Paano nananatiling matigas ang inyong mga puso ngayon, na parang naging manhid na? Sa paanong paraan ang inyong mga masamang ginawa ngayon ay makatatakas sa araw ng galit na susunod sa Aking pag-alis sa lupa? Paano ko papayagan silang mga matitigas ang puso na makaligtas sa galit ng Jehovah?
       Isipin ninyo ang nakaraan: Kailan naging galit ang Aking pagtingin, at ang boses naging malupit, sa inyo? Kailan ako nakipagtalo sa inyo? Kailan Ko ba kayo pinangaralan nang wala sa katuwiran? Kailan Ko ba kayo pinangaralan nang harap-harapan? Hindi ba ito para sa kapakanan ng Aking gawain na Ako ay nanawagan sa Aking Ama upang ingatan kayo sa tukso? Bakit ninyo Ako tinatrato nang ganito? Ginamit Ko ba ang Aking awtoridad upang hampasin ang inyong mga laman? Bakit ninyo Ako sinuklian nang ganito? Matapos ninyo Akong bugahan ng mainit at malamig, kayo ay hindi mainit o malamig, sa ganoon kayo ay mapanlinlang sa Akin at nagtatago ng mga bagay sa Akin, at ang inyong mga bibig ay puno ng lura ng mga liko. Sa tingin ba ninyo ay madadaya ng inyong mga dila ang Aking Espiritu? Sa tingin ba ninyo ay matatakasan ng inyong mga dila ang Aking poot? Sa tingin ba ninyo ay makakapagbigay ng paghatol ang inyong mga dila sa mga gawain Ko, ang Jehovah, sa paraang gugustuhin nila? Ako ba ang Diyos na pagbibigay ng paghatol sa tao? Mapapayagan Ko ba na ang isang uod ay lumapastangan sa Akin? Sa paanong paraan Ko ilalagay ang mga anak ng pagsuway sa gitna ng Aking mga walang hanggang biyaya? Ang inyong mga salita at gawa ay matagal nang nailantad at humatol sa inyo. Nang Aking inunat ang kalangitan at nilikha ang lahat, hindi Ko pinayagan ang kahit anong nilalang na lumahok ayon sa kanilang kagustuhan, lalong hindi Ko pinayagan ang kahit na anong bagay na gambalain ang Aking gawain at Aking pamamahala ayon sa kagustuhan nito. Wala akong pinayagang tao o bagay; paano Ko ililigtas silang mga malupit at hindi makatao sa Akin? Paano Ko mapapatawad silang nag-alsa laban sa Aking mga salita? Paano ko ililigtas silang mga sumuway sa Akin? Ang kapalaran ba ng tao ay wala sa Akin, ang Makapangyarihan sa lahat? Paano Ko isasaalang-alang ang iyong pagkaliko at pagsuway sa banal? Paano dinudumihan ng iyong mga kasalanan ang Aking kabanalan? Ako ay hindi madudungisan ng dumi ng inyong kalikuan, ni hindi Ko ikatutuwa ang mga alay ng mga liko. Kung ikaw ay tapat sa Akin, ang Jehovah, kukunin mo ba ang mga alay sa Aking altar? Gagamitin mo ba ang iyong dilang may lason upang lapastanganin ang Aking banal na pangalan? Ikaw ba ay mag-aalsa laban sa Aking mga salita sa ganitong paraan? Ituturing mo ba ang Aking kaluwalhatian at banal na pangalan bilang isang kasangkapan upang maglingkod kay Satanas, ang siyang masama? Ang Aking buhay ay inalay para sa kaligayahan ng mga banal. Paano Ko ikaw papayagang paglaruan ang Aking buhay ayon sa iyong kagustuhan, at gamitin ito bilang kasangkapan sa pakikipagtalo sa iba? Paano mo nagagawang maging napaka-walang puso, at gayon ay kulang sa paggawa ng kabutihan, kung paano kayo sa Akin? Hindi ba ninyo alam na itinala Ko na ang inyong mga masasamang mga gawain sa mga salita ng buhay? Paano ninyo matatakasan ang araw ng poot kapag kinastigo Ko ang Ehipto? Paano ba ninyo Ako malalabanan at madudungisan sa ganitong paraan, nang paulit ulit? Sinasabi Ko sa inyo nang malinaw, pagdating ng araw, ang inyong pagkastigo ay mas hihigit pa sa hindi makakayanang pagdurusa kaysa sa naranasan ng Ehipto! Paano ninyo matatakasan ang Aking araw ng poot? Sinasabi Ko sa inyo nang buong katotohanan: Ang Aking kalakasan ay inihanda para sa inyong mga masasamang gawain, at ito ay umiiral para sa inyong pagkastigo sa araw na iyon. Hindi ba kayo ang mga magdurusa sa galit ng paghatol kapag naabot Ko ang katapusan ng Aking pagtitiis? Hindi ba ang lahat ng bagay ay nasa mga kamay Ko, ang Makapangyarihan sa lahat? Paano Ko papayagang suwayin ninyo Ako nang ganito, sa ilalim ng kalangitan? Ang inyong mga buhay ay magiging napakahirap dahil nakatagpo ninyo ang Mesiyas, na nasabing Siyang darating, ngunit hindi nakarating. Hindi ba kayo ang Kanyang mga kaaway? Si Jesus ay nakipagkaibigan sa inyo, ngunit kayo ay mga kaaway ng Mesias. Hindi ba ninyo alam na bagama’t kayo ay kaibigan ni Jesus, ang inyong mga masasamang gawain ay pumuno ng mga sisidlan ng mga karumaldumal? Kahit na kayo ay napakamalapit kay Jehovah, hindi ba ninyo alam na ang inyong mga masasamang mga salita ay nakarating sa mga tainga ni Jehovah at naudyok ng Kanyang poot? Paano Siya magiging malapit sa iyong, at paano Niya hindi susunugin ang iyo mga sisidlan, na puno ng mga masasamang gawain? Paanong hindi ka Niya naging kaaway?
Mula sa  Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Rekomendasyon :
Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Ang pinagmulan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Kidlat ng Silanganan| Ang Kahulugan ng Tunay na Tao

Kidlat ng Silanganan| Ang Kahulugan ng Tunay na Tao

Kidlat ng Silanganan| Ang Kahulugan ng Tunay na Tao


  Ang pamamahala sa tao ay Aking tungkulin, at ang pagsakop Ko sa kanya ay mas lalo pang nakatalaga mula noong Aking nilikha ang mundo. Hindi alam ng mga tao na sila ay lubusan Kong lulupigin sa mga huling araw, hindi rin nila alam na ang katibayan sa aking pagdaig kay Satanas ay ang paglupig sa mga suwail na kaanib ng sangkatauhan. Ngunit naiparating Ko na sa Aking katunggali nang ito ay nakipagbuno sa Akin na Ako ang magiging manlulupig ng mga taong kinuha ni Satanas at matagal nang naging kanyang mga anak, at ang kanyang mga tapat na mga lingkod na nagbabantay sa kanyang tahanan. Ang orihinal kahulugan ng lupigin ay paggapi, manghiya. Ayon sa mga tao ng Israel, ito ay ang ganap na pagtalo, pagwasak, at pagkawala ng kakayahan pang lumaban sa Akin. Ngunit ngayon gaya ng gamit ninyong mga tao, ang kahulugan nito ay ang manlupig. Dapat ninyong malaman na ang Aking layunin ay ang ganap na mabura at mapulbos ang masama sa sangkatauhan, upang ito ay hindi na maaaring maghimagsik laban sa Akin, o magkaroon pa ng hininga para antalain o abalahin ang Aking gawain. Sa gayon, kung ang mga tao ang tatanungin, ang ibig sabihin nito ay panlulupig. Anuman ang maging kahulugan ng salitang ito, ang Aking tungkulin ay ang talunin ang sangkatauhan. Tunay ngang ang sangkatauhan ay karugtong ng Aking pamamahala, ngunit upang mas maging tumpak, ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang Aking kaaway. Ang sangkatauhan ay ang masama na lumalaban at sumusuway sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang mga supling ng masama na Aking isinumpa. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang mga inapo ng arkanghel na nagkanulo sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang mga nagmana sa diablo na Akin nang kinamuhian at tinanggihan at kumalaban sa Akin. Ang kalangitan sa ibabaw ng buong sangkatauhan ay madilim at mapanglaw, wala ni isang kislap ng kaliwanagan. Ang mundo ng mga tao ay nasa matinding karimlan, at kapag nanirahan sa loob nito ang sinuman ay hindi man lang niya makikita ang kanyang sariling kamay kapag ito ay iniunat niya sa kanyang harapan at hindi niya makikita ang araw sa kanyang pagtingala. Ang daan sa ilalim ng kanyang mga paa ay maputik at puno ng mga butas, at ito ay paliku-liko at paikot-ikot; ang buong lupain ay nakakalatan ng mga bangkay. Ang mga sulok sa dilim ay puno ng mga labi ng mga patay. Ang mga malalamig at madidilim na mga sulok ay puno ng mga kawan ng mga demonyo na doon ay naninirahan. Sa buong sangkatauhan ang mga kawan ng mga demonyo ang dumarating at umaalis. Ang supling ng napakaraming halimaw na natatakpan ng dumi ay sama-samang nakikipaglaban sa isang marahas na pakikipagbuno, ang tunog nito ay nakapagpapakilabot sa puso. Sa gayong mga pagkakataon, sa ganoong mundo, at sa gayong “makamundong paraiso”, saan makahahanap ang sinuman ng kaligayahan sa buhay? Saan pupunta ang sinuman upang mahanap ang kanyang hantungan sa buhay? Ang sangkatauhan, na noon pa man ay nayurakan na sa ilalim ng mga paa ni Satanas, ay kumikilos nang naaayon sa anyo ni Satanas—naging mismong larawan pa nito. Sila ang katibayan ng pagiging “malakas at malinaw na saksi,” ni Satanas. Ang gayong sangkatauhan, ang gayong mga latak, o ang gayong mga supling nitong tiwaling pamilya ng tao, paano sila makapagpapatotoo sa Diyos? Saan manggagaling ang Aking kaluwalhatian? Nasaan ang Aking saksi? Ang kaaway na naninindigan laban sa Akin at ginagawang tiwali ang sanagkatauhan ay naparumi na ang sangkatauhan, ang Aking likha, nag-uumapaw sa Aking kaluwalhatian at Aking pagsasabuhay. Ninakaw nito ang Aking kaluwalhatian, at ang ipinuno nito sa tao ay walang iba kundi lason na nahahaluang maigi ng kapangitan ni Satanas at ang katas mula sa bunga ng puno ng pagkaalam ng mabuti at masama. Sa simula, Aking nilkha ang sangkatauhan, samakatuwid, Aking nilikha ang ninuno ng sangkatauhan, si Adan. Siya ay tunay at may hugis, puno ng buhay, puno ng sigla, at higit sa lahat, taglay ang pakikisama ng Aking kaluwalhatian. Iyon ay ang maluwalhating araw nang Aking lalangin ang tao. Sumunod doon, si Eba ay ginawa mula sa katawan ni Adan, ninuno din ng tao, kaya ang mga tao na Aking nilikha ay napuno ng Aking hininga at puspos ng Aking kaluwalhatian. Si Adan ay orihinal na gawa ng Aking kamay at siyang kumakatawan sa Aking kaanyuan. Kaya ang orihinal na kahulugan ng “Adan” ay ang Aking nilikha na puspos ng Aking sigla, puspos ng Aking kaluwalhatian, tunay at nasa mabuting anyo, mayroong kaluluwa at hininga. Siya ang tanging nilikha na pinagkalooban ng espiritu na maaaring kumatawan sa Akin, magtaglay ng Aking anyo, at tumanggap ng Aking hininga. Sa simula, si Eba ay ang pangalawang tao na pinakalooban ng hininga na aking ipinasiyang likhain, kaya ang orihinal na kahulugan ng “Eba” ay maging nilikha na magpapatuloy ng Aking kaluwalhatian, puno ng Aking sigla, at higit sa lahat ay mapagkalooban ng Aking kaluwalhatian. Si Eba ay nagmula kay Adan, kaya siya rin ay Aking kalarawan, dahil siya ang pangalawang tao na nilikha mula sa Aking sariling anyo. Ang orihinal na kahulugan ng “Eba” ay maging isang buhay na tao, nabigyan ng espiritu, nabubuhay na laman at buto, bilang Aking ikalawang patotoo at bilang Aking ikalawang anyo sa sangkatauhan. Sila ay mga ninuno ng sangkatauhan, ang kanyang dalisay at pinakamamahal na kayamanan, at orihinal na buhay na nilalang na may espiritu. Gayunman tinapakan at dinambong ng masama ang supling ng mga ninuno ng sangkatauhan, ikinulong ang mundo ng mga tao sa lubos na kadiliman, upang ang mga supling na ito ay hindi na naniniwala sa Aking pag-iral. At ang mas kasuklam-suklam ay sa parehong pagkakataon nang ginagawang tiwali at tinatapakan ng masama ang mga tao, malupit nitong kinukuha ang Aking kaluwalhatian, ang Aking patotoo, ang sigla na aking ipinagkaloob sa mga tao, ang hininga at buhay na hinipan Ko sa kanila, lahat ng Aking kaluwalhatian sa mundo ng mga tao, at lahat ng napakaingat na pagsisikap na Aking ipinuhunan sa sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay wala na sa liwanag, at iniwala ang lahat ng Aking ipinagkaloob sa kanila, itinapon ang kaluwalhatian na Aking ipinagkaloob. Paano pa nila ihahayag na Ako ang Panginoon ng mga nilikha? Paano sila maniniwala sa Aking pag iral sa langit? Paano nila matutuklasan ang pagpapakita ng Aking kaluwalhatian sa lupa? Paano tatanggapin ng mga apong lalaki at mga apong babae ang Diyos na itinuring na Panginoon ng mga nilikha ng kanilang sariling mga ninuno? Ang kaawa-awang mga apong lalaki at apong babae ay bukas-palad na ibinigay sa masama ang kaluwalhatian, ang anyo, at ang patotoo na Aking ipinagkaloob kina Adan at Eba, at ang buhay na ipinagkaloob sa sangkatauhan na kanilang inaasahan, na hindi iniisip kahit kaunti ang presensiya ng masama, at ibinigay ang lahat ng Aking kaluwalhatian dito. Hindi ba’t ito ang pinagmulan ng titulong “latak”? Paanong nangyari na ang gayong sangkatauhan, ang gayong mga demonyo, ang gayong mga naglalakad na bangkay, ang gayong mga anyo ni Satanas, ang gayong Aking mga kaaway ay magtataglay ng Aking kaluwalhatian? Babawiin Ko ang Aking kaluwalhatian, babawiin ang Aking patotoo sa mga tao at ang lahat na dati Kong pag aari, na Aking ibinigay sa sangkatauhan matagal na panahon na ang nakalilipas—lubusang lulupigin ang sangkatauhan. Ngunit dapat mong malaman, ang mga taong Aking nilikha ay mga banal na tao kasama ng Aking sariling anyo at Aking kaluwalhatian. Sila ay hindi dating kay Satanas, o sumailalim sa kanyang pang-aapak, ngunit lubos na ang Aking pagpapahayag, wala ni katiting na bakas ng lason. Kaya, hahayaan Kong malaman ng lahat na ang nais Ko lamang ay iyong nilikha ng Aking kamay, Aking minamahal na mga walang bahid na hindi kailanman kabilang sa kahit na anumang nilikha. Gayundin, Ako ay masisiyahan sa kanila at titingnan sila bilang Aking kaluwalhatian. Ngunit, ang Aking nais ay hindi ang sangkatauhan na pinasama ni Satanas, pag-aari ni Satanas ngayon, na hindi Ko na orihinal na nilikha. Dahil nais Kong bawiin ang Aking kaluwalhatian sa mundo ng mga tao, Aking lubos na lulupigin ang natitirang mga nakaligtas na sangkatauhan, bilang patunay ng Aking kaluwalhatian sa Aking tagumpay laban kay Satanas. Ginagamit Ko lamang ang Aking patotoo bilang kalinawan, bilang layunin ng Aking kagalakan. Ang gayon ay ang Aking layunin.

Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa”

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos|Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa”

  1. Ang sangkatauhan, labis nang sinira ni Satanas, ay hindi alam na mayroong Diyos at huminto na sa pagsamba sa Diyos. Sa simula, nang si Adan at Eba ay nilikha, ang kaluwalhatian ni Jehovah at ang patotoo ni Jehovah ay laging naririto. Ngunit matapos silang masira, ang tao ay nawalan ng kaluwalhatian at patotoo sapagkat ang lahat ay naghimagsik laban sa Diyos at sabay-sabay na huminto sa paggalang sa Kanya. Ang mapanlupig na gawa ngayon ay upang maibalik ang lahat ng patotoo at kaluwalhatian, at ang lahat ng tao ay pasambahin sa Diyos, upang mayroong patotoo sa mga nilalang. Ito ang dapat na matapos sa hakbang na ito ng gawain. Paano ba talagang malulupig ang sangkatauhan? Ito ay magagawa sa pamamagitan ng mga ginawang salita upang lubos na mahikayat ang tao; sa pamamagitan ng paghahayag, paghatol, pagparusa, at ang walang-awang sumpa upang siya ay lubos na masupil; at sa pamamagitan ng paghayag ng pagkamapaghimagsik ng tao at paghatol sa kanyang paglaban upang malaman niya ang kasamaan at karumihan ng sangkatauhan, na gagamitin upang mabigyang-diin ang matuwid na katangian ng Diyos. Higit sa lahat, itong mga paggamit ng mga salitang ito ang lumulupig sa tao at lubos na humihikayat sa kanya. Ang mga salita ay ang mga paraan sa kahuli-hulihang paglupig sa sangkatauhan, at silang lahat na tatanggap ng paglupig ay dapat tanggapin ang pananakit at paghatol ng mga salita. Ang kasalukuyang paraan ng pagsasalita ay ang paraan ng paglupig. Paano ba talaga dapat makipagtulungan ang mga tao? Sa pamamagitan ng mabisang pagkain at pag inom ng mga salitang ito at pag-unawa sa mga ito. Hindi maaaring malupig ang mga tao ng kanilang mga sarili lamang. Dapat, sa pagkain at pag-inom ng mga salitang ito, ay makilala nila ang kanilang kasamaan at karumihan, ang kanilang pagkamapaghimagsik at kalikuan, at magpatirapa sa harap ng Diyos. Kung kaya mong unawain ang kalooban ng Diyos at gayon isabuhay ito at, bukod pa rito, magkaroon ng pananaw, at kung kaya mong lubos na sundin ang mga salitang ito at hindi tutuparin ang kahit na alin sa iyong mga sariling napili, gayon ka masasabing nalupig na. At itong mga salitang ito ang nakapaglupig sa iyo. Bakit nawala ng sangkatauhan ang patotoo? Dahil wala na kahit isa ang may pananampalataya sa Diyos o tangan man lang ang Diyos sa kanyang puso. Ang paglupig sa sangkatauhan ay nangangahulugang ang tao ay ibabalik ang pananampalatayang ito. Ang mga tao ay laging nakatingin tungo sa kamunduhan, nagtataglay ng masyadong maraming inaasahan, naghahangad nang labis-labis para sa kanilang kinabukasan, at masyadong maraming marangyang pangangailangan. Lagi nilang iniisip ang patungkol sa at pagplano para sa kanilang laman at hindi kailanman hinangad ang paghanap ng daan sa paniniwala sa Diyos. Ang kanilang mga puso ay sinakop na ni Satanas, nawala na nila ang kanilang paggalang sa Diyos, at itinatalaga nila ang kanilang puso kay Satanas. Ngunit ang tao ay nilikha ng Diyos. Gayon, naiwala ng tao ang kanyang patotoo, ibig sabihin ay nawala na niya ang kaluwalhatian ng Diyos. Ang mungkahi ng paglupig sa tao ay upang kamkamin muli ang kaluwalhatian ng paggalang ng tao sa Diyos.
mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (1)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao