Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Hindi alam ng sangkatauhan kung sino ang Kataas-taasan sa lahat ng mga bagay sa sansinukob, mas lalong hindi niya alam ang simula at hinaharap ng sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay namumuhay lamang, nang sapilitan, sa gitna ng batas na ito. Walang maaaring makatakas dito at walang maaaring makapagbago rito, sapagka’t sa gitna ng lahat ng bagay at sa mga kalangitan ay mayroon lamang Isa na mula sa kawalang-hanggan tungo sa kawalang-hanggan na siyang nagtataglay ng paghahari sa lahat ng mga bagay.
Siya ang Isa na hindi kailanman nakita ng tao, ang Isa na hindi kailanman nakilala ng sangkatauhan, na sa kanyang pag-iral ay hindi kailanman naniwala ang sangkatauhan, gayunma’y Siya ang Isa na huminga ng hininga tungo sa mga ninuno ng sangkatauhan at nagbigay ng buhay sa sangkatauhan. Siya ang Isa na nagtutustos at nagpapalusog sa sangkatauhan para sa kanyang pag-iral, at gumagabay sa sangkatauhan hanggang sa kasalukuyang panahon. Higit pa rito, Siya at Siya lamang ang inaasahan ng sangkatauhan para sa pananatiling buháy nito. Tinataglay Niya ang paghahari sa lahat ng mga bagay at namamahala sa lahat ng nilalang na may buhay sa ilalim ng sansinukob. Siya ang nag-uutos sa apat na panahon, at Siya ang tumatawag sa hangin, hamog na nagyelo, niyebe, at ulan. Siya ang nagbibigay ng sikat ng araw sa sangkatauhan at nagpapasapit ng gabi. Siya ang naglatag ng mga kalangitan at lupa, nagkakaloob sa tao ng mga kabundukan, mga lawa at mga ilog at ng lahat ng mga nabubuhay na bagay sa loob nila. Ang Kanyang gawa ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang kapangyarihan ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang karunungan ay nasa lahat ng dako, at ang Kanyang awtoridad ay nasa lahat ng dako. Ang bawa’t isa sa mga batas at patakarang ito ang pagsasakatawan ng Kanyang gawain, at ang bawa’t isa sa mga ito ay nagbubunyag ng Kanyang karunungan at awtoridad. Sino ang makakapagpalaya ng kanilang mga sarili sa Kanyang paghahari? At sino ang makapag-aalis ng kanilang sarili mula sa Kanyang mga disenyo? Ang lahat ng mga bagay ay umiiral sa ilalim ng Kanyang titig, at higit pa rito, ang lahat ng mga bagay ay namumuhay sa ilalim ng Kanyang paghahari. Ang Kanyang gawa at ang Kanyang kapangyarihan ay pumipilit sa sangkatauhan na kilalanin ang katunayan na Siya ay talagang umiiral at Siyang nagtataglay sa paghahari sa ibabaw ng lahat ng mga bagay."
Manood ng higit pa: Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan