Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na gawa ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na gawa ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Ang Tunay na Pagpapamalas ng Awtoridad ng Manlilikha

Tagalog Christian Song | "Ang Awtoridad ng Diyos ay Natatangi"


I
Ang awtoridad ng Diyos ay natatangi;

ito'y espesyal Niyang pagpapahayag at diwa,

na walang ibang may'ron, nilalang man o hindi.

Ang Maylalang lang ang may gan'tong awtoridad,

Diyos na Natatangi ang may gan'tong diwa.

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” (Sipi II)



Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” (Sipi II)


Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Mga Pagbigkas ni Cristo | Tanging ang Pagsasagawa ng Katotohanan ang Pagkakaroon ng Realidad

Ang kakayahang maipaliwanang nang tahasan ang mga salita ng Diyos ay hindi nangangahulugan na taglay mo ang katotohanan—ang mga bagay ay hindi kasing-simple ng iyong iniisip. Taglay mo man ang katotohanan o hindi, hindi ito nakabatay sa kung ano ang iyong sasabihin, sa halip, ito ay nakabatay sa iyong isinasabuhay. Kapag naging buhay at likas na pagpapahayag mo ang mga salita ng Diyos, ito lamang ang naituturing na realidad, at ito lamang ang naituturing na pagkamit mo ng pagkaunawa at tunay na tayog. Kailangan mong makayanan ang pagsusuri sa mahabang panahon, at kailangan mong maisabuhay ang wangis na hinihingi sa iyo ng Diyos; hindi ito dapat na sa anyo lamang, ngunit kailangan itong likas na dumaloy palabas sa iyo. Sa gayon ka lamang tunay na magkakaroon ng realidad, at sa gayon mo lamang makakamit ang buhay.

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan

Ang pagkilala sa gawa ng Diyos sa mga panahong ito, sa pinakamalaking bahagi, ay ang pagkilala sa Diyos na nagkatawang-tao ng mga huling araw, kung ano ang Kanyang pangunahing ministeryo, at kung ano ang Kanyang pakay na gagawin sa daigdig. Akin nang nabanggit sa Aking mga sinabi na ang Diyos ay naparito sa lupa (sa mga huling araw) upang magbigay-halimbawa bago lumisan. Paano ipinakikita ng Diyos ang halimbawang ito? Sa pamamagitan ng pagsasalita, sa pamamagitan ng paggawa at pagsasalita sa buong lupain. Ito ang gawain ng Diyos sa mga huling araw; Siya ay nagsasalita lamang, nang sa gayon ang daigdig ay maging isang mundo ng mga salita, upang ang bawa’t tao ay mapaglaanan at maliwanagan ng Kanyang mga salita, at upang ang espiritu ng tao ay magising at siya ay malinawan tungkol sa mga pangitain. Sa mga huling araw, ang Diyos na nagkatawang-tao ay naparito sa lupa pangunahin na upang magbahagi ng Kanyang mga salita. Noong dumating si Jesus, pinalaganap Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit, at tinupad ang gawain ng pagtubos sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus.

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Paano Malaman ang Realidad


Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Paano Malaman ang Realidad


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung nais ng mga tao na makilala ang Diyos, dapat muna nilang malaman na ang Diyos ay ang tunay na Diyos, at dapat nilang malaman ang mga salita ng Diyos, ang tunay na hitsura ng Diyos sa laman, ang tunay na gawa ng Diyos. Tanging pagkatapos lamang na makilala na ang lahat ng gawa ng Diyos ay tunay maaaring aktuwal kang makikipagtulungan sa Diyos, at tanging sa pamamagitan lamang ng daang ito maaari mong matamo ang paglago sa iyong buhay. Lahat ng yaong mga walang kaalaman sa realidad ay walang kaparaanan upang maranasan ang mga salita ng Diyos, sila ay nabitag ng kanilang maling pag-iisip, nabubuhay sila sa kanilang guniguni, at sa gayon wala silang kaalaman sa mga salita ng Diyos.