Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Relasyon sa Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Relasyon sa Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Tagalog Christian Skit | "Talaga Bang Nagsisi Ka Na?


Tagalog Christian Skit | "Talaga Bang Nagsisi Ka Na?"


Minsan, si Zhang Ming'en ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia. Maraming taon siyang naniwala sa Panginoon, at sa buong panahong iyon, siya ay nangaral, nagtrabaho, nagdusa, at gumugol para sa Panginoon. Kaya naniwala siya na tunay na siyang nagsisi at nagbago. Ngunit, sa isang halalan sa simbahan, nanood si Zhang Ming'en nang piliin ang iba pang mga kapatid na lalaki’t babae bilang mga pinuno ng simbahan at diyakono, samantalang binigyan siya ng tungkuling maging punong-abala sa mga pulong. Kahit sa tingin ay mukhang tinanggap at sinunod niya ito, ikinalungkot niyang masyado iyon. Nang sabihin ng asawa niya na hindi pa siya taos-pusong nagsisi at nagbago, hindi kumbinsido si Zhang Ming'en, at isang matalinong pagtatalo ang sumunod…. Ano ba talaga ang tunay na pagsisisi at pagbabago? Panoorin ang dula-dulaang Tunay Ka na bang Nagsisi? Para malaman ang mga sagot.

Manood ng higit pa:Buhay Kristiyano

Sa Pananampalataya sa Diyos, Dapat Mong Maitatag ang Normal na Kaugnayan sa Diyos.

Relasyon sa Diyos, Dasal, Pananampalataya sa Diyos, maghanap, totoo,
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Sa paniniwala sa Diyos, kahit paano dapat mong lutasin ang usapin tungkol sa pagkakaroon ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Kung wala ang isang normal na kaugnayan sa Diyos, kung gayon ang kabuluhan sa paniniwala sa Diyos ay nawawala. Ang pagtatatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos ay lubos na natatamo sa pamamagitan ng pagpapatahimik sa iyong puso sa presensiya ng Diyos. Ang isang normal na kaugnayan sa Diyos ay nangangahulugan na nagagawang hindi pagdudahan o itanggi ang anuman sa gawain ng Diyos at pasakop dito, at saka ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng tamang mga layunin sa presensiya ng Diyos, hindi pag-iisip sa sarili mo, palaging pagkakaroon ng mga interes ukol sa sambahayan ng Diyos bilang siyang pinakamahalagang bagay maging anuman ang iyong ginagawa, pagtanggap sa pagmamasid ng Diyos, at pagpapasakop sa pagsasaaayos ng Diyos.

Ang Pagtatatag ng Isang Wastong Kaugnayan sa Diyos ay Napakahalaga

Ang mga tao ay naniniwala sa Diyos, iniibig ang Diyos, at napalulugod ang Diyos sa pamamagitan ng pag-antig sa Espiritu ng Diyos gamit ang kanilang mga puso, sa gayon ay nakakamtan ang Kanyang kaluguran; kapag nakikibahagi sa mga salita ng Diyos sa kanilang puso, sila sa gayon ay kinikilusan ng Espiritu ng Diyos. Kung nais mong matamo ang isang angkop na espirituwal na buhay at makapagtatag ng isang angkop na kaugnayan sa Diyos, dapat mo munang ibigay ang iyong puso sa Kanya, at ipanatag ang iyong puso sa harap Niya. Kapag naibuhos mo ang iyong puso sa Diyos saka mo lamang mapauunlad nang unti-unti ang isang espirituwal na buhay.