Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Kidlat ng Silanganan| Ang Ikaanim na Pagbigkas

sandaigdig, sangkatauhan, Espiritu,  Kaalaman, pag-ibig

Kidlat ng Silanganan | Ang Ikaanim na Pagbigkas


     Sa mga bagay na napapaloob sa espiritu, kailangan kang maging mas sensitibo; sa Aking mga salita, dapat kang maging mas mapagmatyag. Dapat mong hangarin ang kalagayang makita ang Aking Espiritu at ang Aking sarili sa katawang-tao, ang Aking mga salita at ang Aking sarili sa katawang-tao, bilang isang di-mapaghihiwalay na kabuuan, upang mabigyan Ako ng kasiyahan ng buong sangkatauhan sa Aking presensiya. Niyapakan ng Aking mga paa ang sansinukob, inaabot-tanaw ng Aking sulyap ang buong kalawakan nito, at nakalakad na Ako sa gitna ng buong sangkatauhan, natikman na ang lasa ng tamis, asim, pait, at anghang ng karanasan ng tao, ngunit hindi Ako kailanman totoong nakilala ng tao, ni napansin niya Ako sa paglalakad Ko nang malawakan. Dahil tahimik Ako at walang ginagawang di-pangkaraniwan, dahil dito'y walang tunay na nakakita sa Akin. Hindi na katulad ng dati ang mga bagay ngayon: Gagawa Ako ng mga bagay na, hindi pa kailanman nakita ng mundo mula sa pasimula ng paglikha, magsasalita Ako ng mga salitang hindi pa naririnig ng mga tao sa nagdaang mga kapanahunan, dahil hinihingi Ko na makilala Ako ng buong sangkatauhan sa katawang-tao. Ito ang mga hakbang ng Aking pamamahala, na ang sangkatauhan ay wala kahit katiting na pakiwari. Kahit na magsalita Ako tungkol sa kanila nang lantaran, magulo pa rin ang kanyang isipan at imposibleng maipaliwanag ang mga ito sa kanya nang detalyado. Narito ang miserableng kababaan ng tao, hindi ba? Ito mismo ang nais kong bigyan ng lunas sa kanya, hindi ba? Sa mga nakaraang taon, wala Akong ginawang anuman sa tao; kahit na silang tuwirang nakasama Ko sa Aking nagkatawang-taong katawan ay wala kailanmang narinig na tinig na nagmumula sa Aking pagka-Diyos. Kaya hindi maiiwasan na magkulang ang mga tao sa kanilang kaalaman tungkol sa Akin, ngunit ang isang bagay na ito ay hindi nakaapekto sa pagmamahal ng sangkatauhan sa Akin sa paglipas ng mga kapanahunan. Gayunman, ngayon, marami na Akong nagawa sa inyo na mahimala at di-maarok, at gayon din nangusap sa inyo ng maraming salita. Gayunpaman, kahit ganito, marami pa ring mga tao ang kumakalaban sa Akin nang harapan. Hayaan ninyong bigyan Ko kayo ng ilang halimbawa:

Kidlat ng Silanganan| Ang Ikalimang Pagbigkas

pagkamatuwid, Paghatol, Kaligtasan,  Kaalaman, karunungan

Kidlat ng Silanganan  |  Ang Ikalimang Pagbigkas


    Dapat magbalik-tanaw sa nakaraan ang lahat ng Aking mga tao na naglilingkod sa Aking harapan: Nadungisan ba ng karumihan ang inyong pag-ibig para sa Akin? Dalisay ba at taos-puso ang inyong katapatan sa Akin? Tunay ba ang inyong kaalaman tungkol sa Akin? Gaano ba kalaki ang lugar na Aking hawak sa loob ng inyong mga puso? Napunan Ko ba ang kanilang kabuuan? Gaano ba ang natupad ng Aking mga salita sa loob ninyo? Huwag mo Akong ituring na isang mangmang! Ganap na malinaw sa Akin ang mga bagay na ito! Ngayon, yamang binigkas ang tinig ng Aking pagliligtas, mayroon bang nadagdag sa inyong pag-ibig para sa Akin? Mayroon bang bahagi ng inyong katapatan para sa Akin ang naging dalisay? Lumalim ba ang inyong kaalaman tungkol sa Akin? Naglatag ba ang nakaraang papuri ng isang matatag na pundasyon para sa inyong kaalaman ngayon? Gaano kalaki ang okupado ng Aking Espiritu sa loob ninyo? Gaano kalaki ang lugar na hawak ng Aking imahe sa loob ninyo? Tumama ba ang Aking mga pagbigkas sa inyong Achilles’ heel? Tunay bang nararamdaman ninyo na kayo ay walang mapagtataguan ng inyong kahihiyan? Tunay bang naniniwala kayo na hindi kayo karapat-dapat na maging Aking mga tao? Kung ikaw ay ganap na walang kamalayan sa mga katanungan sa itaas, sa gayon nagpapakita ito na ikaw ay nangingisda sa madilim na tubig, na nandoon ka lamang upang mapadami ang bilang, at sa panahong iyon ay Aking naunang itinalaga, sa pangalawang pagkakataon, ikaw ay tiyak na maaalis at itatapon sa napakalalim na hukay. Ito ang Aking mga salitang pangbabala, at ang sinumang magwalang-bahala sa mga ito ay tatamaan ng Aking paghatol, at, sa takdang panahon, ay sasalakayin ng kalamidad. Hindi nga ba ganito? Kailangan Ko pa bang magbigay ng mga halimbawa upang ilarawan ito? Kailangan Ko bang magsalita nang mas malinaw upang magbigay ng halimbawa sa inyo? Mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, maraming mga tao ang sumuway sa Aking mga salita at sa gayon ay ihinagis at inalis mula sa Aking daloy ng pagpapanumbalik; sa huli, namatay ang kanilang mga katawan at itinapon ang kanilang mga espiritu sa Hades, at kahit ngayon sakop pa rin sila ng mabigat na kaparusahan. Maraming mga tao ang sumunod sa Aking mga salita, ngunit nawala sila sa Aking pagliliwanag at pagpapalinaw at sa gayon ay tinaboy Ko sa isang tabi, nahulog sa ilalim ng sakop ni Satanas at nagiging yaong mga tutol sa Akin. (Ngayon lahat yaong mga direktang tumututol sa Akin ay sumusunod lamang sa kababawan ng Aking mga salita, at sumusuway sa diwa ng Aking mga salita.) Mayroong marami, rin, ang nakinig lamang sa mga salitang Aking sinabi kahapon, na tangan ang basura ng nakaraan at hindi pinahalagahan ang bunga ng kasalukuyan. Hindi lamang naging bihag ni Satanas ang mga taong ito, ngunit naging walang hanggang mga makasalanan at naging Aking mga kaaway, at direkta silang tumututol sa Akin. Ang ganitong mga tao ay ang mga layon ng Aking paghatol sa Aking pinakamatinding poot, at ngayon bulag pa rin sila, nasa loob pa rin ng mga madilim na piitan (na ang ibig sabihin, ang mga taong tulad nito ay bulok, manhid na mga bangkay na kontrolado ni Satanas: sapagka’t ang kanilang mga mata ay Aking tinakpan ng tabing, Aking masasabi na sila ay mga bulag). Makabubuting magbigay ng isang halimbawa para sa inyong pagtukoy, upang may matutunan kayo mula rito:

Kidlat ng Silanganan| Ang Ikaapat na Pagbigkas

pag-ibig,  Kaalaman, Papuri, buhay, Paghatol

Kidlat ng Silanganan | Ang Ikaapat na Pagbigkas


    Dapat magbalik-tanaw sa nakaraan ang lahat ng Aking mga tao na naglilingkod sa Aking harapan: Nadungisan ba ng karumihan ang inyong pag-ibig para sa Akin? Dalisay ba at taos-puso ang inyong katapatan sa Akin? Tunay ba ang inyong kaalaman tungkol sa Akin? Gaano ba kalaki ang lugar na Aking hawak sa loob ng inyong mga puso? Napunan Ko ba ang kanilang kabuuan? Gaano ba ang natupad ng Aking mga salita sa loob ninyo? Huwag mo Akong ituring na isang mangmang! Ganap na malinaw sa Akin ang mga bagay na ito! Ngayon, yamang binigkas ang tinig ng Aking pagliligtas, mayroon bang nadagdag sa inyong pag-ibig para sa Akin? Mayroon bang bahagi ng inyong katapatan para sa Akin ang naging dalisay? Lumalim ba ang inyong kaalaman tungkol sa Akin? Naglatag ba ang nakaraang papuri ng isang matatag na pundasyon para sa inyong kaalaman ngayon? Gaano kalaki ang okupado ng Aking Espiritu sa loob ninyo? Gaano kalaki ang lugar na hawak ng Aking imahe sa loob ninyo? Tumama ba ang Aking mga pagbigkas sa inyong Achilles’ heel? Tunay bang nararamdaman ninyo na kayo ay walang mapagtataguan ng inyong kahihiyan? Tunay bang naniniwala kayo na hindi kayo karapat-dapat na maging Aking mga tao? Kung ikaw ay ganap na walang kamalayan sa mga katanungan sa itaas, sa gayon nagpapakita ito na ikaw ay nangingisda sa madilim na tubig, na nandoon ka lamang upang mapadami ang bilang, at sa panahong iyon ay Aking naunang itinalaga, sa pangalawang pagkakataon, ikaw ay tiyak na maaalis at itatapon sa napakalalim na hukay. Ito ang Aking mga salitang pangbabala, at ang sinumang magwalang-bahala sa mga ito ay tatamaan ng Aking paghatol, at, sa takdang panahon, ay sasalakayin ng kalamidad. Hindi nga ba ganito? Kailangan Ko pa bang magbigay ng mga halimbawa upang ilarawan ito? Kailangan Ko bang magsalita nang mas malinaw upang magbigay ng halimbawa sa inyo? Mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, maraming mga tao ang sumuway sa Aking mga salita at sa gayon ay ihinagis at inalis mula sa Aking daloy ng pagpapanumbalik; sa huli, namatay ang kanilang mga katawan at itinapon ang kanilang mga espiritu sa Hades, at kahit ngayon sakop pa rin sila ng mabigat na kaparusahan. Maraming mga tao ang sumunod sa Aking mga salita, ngunit nawala sila sa Aking pagliliwanag at pagpapalinaw at sa gayon ay tinaboy Ko sa isang tabi, nahulog sa ilalim ng sakop ni Satanas at nagiging yaong mga tutol sa Akin. (Ngayon lahat yaong mga direktang tumututol sa Akin ay sumusunod lamang sa kababawan ng Aking mga salita, at sumusuway sa diwa ng Aking mga salita.) Mayroong marami, rin, ang nakinig lamang sa mga salitang Aking sinabi kahapon, na tangan ang basura ng nakaraan at hindi pinahalagahan ang bunga ng kasalukuyan. Hindi lamang naging bihag ni Satanas ang mga taong ito, ngunit naging walang hanggang mga makasalanan at naging Aking mga kaaway, at direkta silang tumututol sa Akin. Ang ganitong mga tao ay ang mga layon ng Aking paghatol sa Aking pinakamatinding poot, at ngayon bulag pa rin sila, nasa loob pa rin ng mga madilim na piitan (na ang ibig sabihin, ang mga taong tulad nito ay bulok, manhid na mga bangkay na kontrolado ni Satanas: sapagka’t ang kanilang mga mata ay Aking tinakpan ng tabing, Aking masasabi na sila ay mga bulag). Makabubuting magbigay ng isang halimbawa para sa inyong pagtukoy, upang may matutunan kayo mula rito:

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos|Ang Landas… (8)

Landas, Diyos, pag-ibig, Jehovah, buhay

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos|Ang Landas… (8)

  Kapag ang Diyos ay dumarating sa lupa upang makihalo sa sangkatauhan, mamuhay kasama nila, ito ay hindi lamang sa loob ng isa o dalawang araw. Marahil sa buong panahong ito ay nakilala na humigit-kumulang ng mga tao ang Diyos, at marahil ay nakatamo sila ng mahahalagang mga kabatiran hinggil sa paglilingkod sa Diyos, at sanay na sanay na sa kanilang paniniwala sa Diyos. Anuman ang kalagayan, nauunawaan ng mga tao ang disposisyon ng Diyos, at ang mga pagpapahayag ng lahat ng uri ng pantaong mga disposisyon ay totoong iba-iba. Sa tingin Ko rito, ang sari-saring pagpapahayag ng mga tao ay sapat para magamit ng Diyos bilang mga halimbawa, at ang kanilang mga gawaing pang-isipan ay sapat para sa Kanya upang sanggunian. Marahil ito ay isang aspeto kung saan ang sangkatauhan ay nakikipagtulungan sa Diyos, ito ay di-nalalamang pakikipagtulungan ng sangkatauhan sa Diyos, kaya’t ang pagganap na ito na idinirekta ng Diyos ay makulay at parang buhay, napakalinaw. Sinasabi Ko ang mga bagay na ito sa Aking mga kapatirang lalaki at babae bilang ang pangkalahatang direktor ng palabas na ito—maaaring magsalita ang bawa’t isa sa atin sa ating mga iniisip at nararamdaman pagkatapos isagawa ito, at pag-usapan ang tungkol sa kung paano dinaranas ng bawa’t isa sa atin ang ating mga buhay sa loob ng palabas na ito. Maaari din tayong magkaroon ng isang lubos na bagong uri ng talakayan upang buksan ang ating mga puso at magsalita tungkol sa ating sining ng pagganap, tingnan kung paano ginagabayan ng Diyos ang bawa’t indibidwal upang sa susunod na pagganap kaya nating ihayag ang isang mas mataas na antas ng ating sining at bawa’t isa ay gagampanan ang ating sariling papel sa pinakamagaling nating kakayahan, hindi binibigo ang Diyos. Ako ay umaasa na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay makakayang seryosohin ito—walang hindi makakapansin dito dahil ang pagganap nang mabuti sa isang papel ay hindi isang bagay na makakamit sa loob ng isa o dalawang araw. Kinakailangan nito na maranasan natin ang buhay at lumalim sa ating mga tunay na buhay sa mas matagal na panahon, at magkaroon ng praktikal na karanasan sa sari-saring uri ng mga pamumuhay. Doon lamang tayo maaaring umakyat sa tanghalan. Ako ay puno ng pag-asa para sa Aking mga kapatirang lalaki at babae, at Ako ay naniniwala na kayo ay hindi pinanghihinaan ng loob o nawawalan ng pag-asa, at anuman ang gawin ng Diyos, kayo ay tulad ng isang palayok ng apoy—kayo ay hindi kailanman malahininga at kaya ninyong manatili hanggang sa katapusan, hanggang sa ang gawain ng Diyos ay lubos na mabunyag, at hanggang ang palabas na nais ng Diyos na patnugutan ay dumating sa huling konklusyon nito. Wala Akong iba pang mga kinakailangan sa inyo. Ang inaasahan Ko lamang ay makakaya ninyong ipagpatuloy na humawak, na hindi kayo nababahala sa mga kalalabasan, na kayo ay makikipagtulungan sa Akin upang ang gawain na dapat Kong gawin ay magawa nang mabuti, at walang sinumang lumilikha ng mga pag-antala o mga paggambala. Kapag ang bahaging ito ng gawain ay natapos, ibubunyag ng Diyos ang lahat sa inyo. Pagkaraan na ang Aking gawain ay matapos, ihaharap Ko ang inyong bahaging ginampanan sa harap ng Diyos upang magsulit sa Kanya. Hindi ba’t mas mabuti iyan? Tayo ay maaaring magtulungan sa isa’t isa na makamit ang ating sariling mga layunin. Hindi ba’t ito ay isang perpektong solusyon para sa bawa’t isa? Ito ay isang mahirap na panahon na nangangailangan sa inyo na magbayad ng halaga. Sapagka’t Ako ang kasalukuyang direktor, umaasa Ako na wala sa inyo ang naiinis. Ito ang gawain na Aking ginagawa. Marahil ay magkakaroon ng isang araw kung kailan lilipat Ako sa isang mas akmang “sangay ng gawain” at hindi Ko na pinahihirap ang mga bagay-bagay para sa inyo. Ipakikita Ko sa inyo kung anuman ang handa kayong makita, at bibigyan Ko rin kayo ng katuparan kung anuman ang nahahanda kayong marinig. Subali’t hindi ngayon—ito ang gawain para sa ngayon at hindi Ko maaaring malayang rendahan ang inyong mga papel na ginagampanan at hayaan kayong gawin kung anuman ang nais ninyo. Sa paraang iyan, ang Aking gawain ay hindi magiging madaling gawin. Sa totoo lang, iyan ay hindi magbubunga ng anuman at hindi ito magiging kapaki-pakinabang para sa inyo. Kaya ngayon kailangan ninyong “makaranas ng mga kahirapan”, at kapag ang araw ay dumating na ang yugtong ito ng Aking gawain ay natapos na Ako ay magiging malaya. Hindi na Ako magdadala ng gayong kabigat na pasanin, at sasang-ayon Ako sa anumang hingin ninyo mula sa Akin; hangga’t kapaki-pakinabang ito para sa inyong mga buhay tutuparin Ko ang inyong mga kahilingan. Nakuha Ko na ngayon ang isang mabigat na pananagutan. Hindi Ko maaaring salungatin ang mga utos ng Diyos Ama, at hindi Ko maaaring sirain ang mga plano para sa Aking gawain. Hindi Ko maaaring pamahalaan ang Aking pansariling mga alalahanin sa pamamagitan ng Aking pangnegosyong mga alalahanin. Ako ay umaasa na Ako ay nauunawaan ninyong lahat at patatawarin Ako sapagka’t ang lahat ng Aking ginagawa ay ayon sa hangarin ng Diyos Ama. Aking ginagawa anuman ang ipinagagawa Niya sa Akin anuman ang nais Niya, at Ako ay hindi handang pukawin ang Kanyang galit o Kanyang poot. Ginagawa Ko lamang ang dapat Kong gawin. Kaya sa ngalan ng Diyos Ama, ipinapayo Ko sa inyo na magtiis ng kaunti pang panahon. Walang sinuman ang kailangang mag-alala. Pagkaraang matapos Ko ang kailangan Kong gawin, maaari ninyong gawin anuman ang inyong nais at makita anuman ang nais ninyo, nguni’t kailangan Kong tapusin ang gawaing kailangan Ko.

Kidlat ng Silanganan| May Dakilang Kaligayahan sa Katapatan

Ang Banal na Espiritu, Dakilang, Diyos, Kaligayahan, katapatan

Kidlat ng Silanganan| May Dakilang Kaligayahan sa Katapatan



Gan'en    Lungsod ng Hefei, Lalawigan ng Anhui

  Sa buhay ko, palagi akong namuhay sa pariralang, “Hindi dapat magkaroon ang isang tao ng pusong mapaminsala sa iba, ngunit dapat maging mapagbantay upang hindi mapinsala" sa pakikipag-ugnayan sa lipunan. Hindi ako kailanman nagbibigay ng tiwala sa iba nang basta-basta. Palagi kong nadama na sa mga sitwasyon kung saan hindi mo alam ang tunay na mga intensyon ng isang tao, hindi mo dapat ipakita ang iyong intensyon ng masyadong maaga. Kaya, sapat nang panatilihin ang mapayapang pag-uugali—sa ganitong paraan ay napoprotektahan mo ang iyong sarili at iisipin ka ng iyong mga katulad bilang isang "mabuting tao."

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos|Ang Landas… (7)

Landas, sundin, Diyos, Biblia, JesuCristo

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos|Ang Landas… (7)


  Maaari nating lahat makita sa ating praktikal na mga karanasan na maraming beses na personal nang binuksan ng Diyos ang isang landas para sa atin upang ang lalakaran nating landas ay mas matatag, mas makatotohanan. Ito ay dahil sa ang landas na ito ay yaong binuksan ng Diyos para sa atin mula pa sa simula ng panahonat ipinasa sa ating salinlahi pagkatapos ng sampu-sampung libong taon. Kaya tayo ang hahalili sa ating mga sinundan na hindi nilakaran ang landas hanggang sa katapusan nito; tayo yaong mga pinili ng Diyos para lumakad sa huling bahagi ng daang ito. Kaya, ito ay inihanda lalo na para sa atin, at kaya makatanggap man tayo ng mga pagpapala o magdanas ng kasawian, wala ng iba pa ang makalalakad sa landas na ito. Idadagdag Ko ang Aking kabatiran dito: Huwag gumawa ng anumang mga plano upang tumakas sa anumang ibang dako o naghahanap ng ibang daanan, nananabik para sa katayuan, o ang pagtatatag ng iyong sariling kaharian; ang lahat ng mga ito ay ilusyon. Kung mayroon kang ilang pagkiling tungo sa mga salitang ito, pinapayuhan kita na huwag malito. Pinakamainam na iyong pag-isipan ito, huwag mong subuking masyadong maging matalino o mabibigong makilala ang tama at mali. Kapag ang plano ng Diyos ay naisakatuparan, pagsisisihan mo iyon. Na ang ibig sabihin, kapag ang kaharian ng Diyos ay dumating dudurugin Niya ang mga bansa sa lupa, at sa panahong iyon makikita mo na ang iyong sariling mga plano ay nawawasak din at yaong mga kinastigo ay yaong mga dinurog. At sa panahong iyong ay ganap nang mabubunyag ng Diyos ang Kanyang disposisyon. Iniisip Ko na dapat Kong sabihin sa iyo ang tungkol dito yamang alam Kong mabuti ang ukol sa bagay na ito upang sa hinaharap ay hindi ka magrereklamo tungkol sa Akin. Na nagagawa nating lakaran ang landas na ito hanggang sa kasalukuyan ay itinalaga ng Diyos, kaya huwag mong iisipin na ikaw ay katangi-tangi o na ikaw ay hindi mapalad—walang sinuman ang maaring gumawa ng mga paggiit na may kinalaman sa kasalukuyang gawain ng Diyos upang hindi magkadurog-durog. Ang liwanag ay dumating sa Akin sa pamamagitan ng gawain ng Diyos, at maging anuman, gagawing ganap ng Diyos ang grupo ng mga taong ito at ang Kanyang gawain ay hindi kailanman mababago—dadalhin Niya ang mga taong ito hanggang sa dulo ng daan at tatapusin ang Kanyang gawain sa lupa. Ito ay isang bagay na dapat nating maunawaang lahat. Ang karamihan sa mga tao ay madalas nakatingin sa hinaharap at walang kabusugan; lahat sila ay walang pagkaunawa ukol sa kasalukuyang nababalisang layunin ng Diyos, kaya lahat sila ay mayroong mga saloobin ng pagtakas. Palagi nilang gustong lumabas sa ilang upang maglibot na parang isang kabayong ligaw na itinapon ang mga renda nito, ngunit madalang na magkaroon ng mga tao na gustong manahan sa mainam na lupain ng Canaan upang hanapin ang paraan ng pamumuhay ng tao—nang sila ay makapasok sa lupa na sagana sa gatas at sa pulut-pukyutan, hindi ba sila mag-iisip lamang ng pagtatamasa nito? Sa totoo lang, sa labas ng mainam na lupain ng Canaan saanmang dako ay ilang. Kahit na ang mga tao ay pumasok sa dako ng kapahingahan hindi pa rin nila makayang mapanindigan ang kanilang tungkulin; hindi lamang ba sila mga masasamang babae? Kung nawala mo ang pagkakataon para gawin kang perpekto ng Diyos sa gayong kapaligiran, ito ay isang bagay na pagsisisihan mo sa nalalabi mong mga araw; madarama mo ang hindi masukat na pagsisisi. Magtatapos ka tulad ni Moises na tumingin lamang sa lupain ng Canaan ngunit hindi niya ito nagawang tamasahin, nagtitikom ng walang laman na kamao at namamatay na puno ng pagsisisi—hindi mo ba naiisip na yaon ay isang bagay na kahiya-hiya? Hindi mo ba naiisip na ang hamakin ng iba ay isang nakakahiyang bagay? Nakahanda ka bang hiyain ng iba? Hindi mo ba taglay ang puso na nagsisikap gumawa nang mabuti para sa iyong sarili? Hindi ka ba nakahanda na maging isang kapita-pitagan at kagalang-galang na tao na ginagawang perpekto ng Diyos? Ikaw ba talaga ay isang tao na kulang sa anumang resolusyon? Hindi ka nakahandang tahakin ang ibang mga landas ngunit hindi ka rin nakahandang tahakin ang landas na itinalaga ng Diyos para sa iyo? Nangangahas ka bang salungatin ang kalooban ng Langit? Kahit gaano man kadakila ang iyong kakayahan, makakaya mo ba talagang magkasala sa Langit? Ako ay naniniwala na pinakamainam sa atin na kilalaning mabuti ang ating mga sarili—isang maliit na piraso lamang ng salita ng Diyos ay makapagbabago ng langit at lupa, kaya ano ang isang maliit na payatot na tao sa mga mata ng Diyos?

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos| Ang Landas… (6)

Landas, kaluwalhatian, Diyos, pag-ibig, buhay

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos| Ang Landas… (6)


  Dahil sa  gawain ng Diyos kaya tayo ay nadala tungo sa kasalukuyan. Kaya, lahat tayo ay mga nanatiling buháy sa planong pamamahala ng Diyos, at na tayo ay maaaring mapanatili hanggang sa kasalukuyan ay isang dakilang pagtataas mula sa Diyos. Ayon sa plano ng Diyos, ang bansa ng malaking pulang dragon ay dapat na wasakin, nguni’t Aking iniisip na marahil ay nakapagtatag Siya ng isa pang plano, o nais Niyang isakatuparan ang isa pang bahagi ng Kanyang gawain. Kaya hanggang sa ngayon ay hindi Ko pa rin naipaliliwanag ito nang malinaw—para bang ito ay isang di-maipaliwanag na palaisipan. Nguni’t sa pangkalahatan, ang grupo nating ito ay naitalaga ng Diyos, at Ako ay patuloy na naniniwala na ang Diyos ay may ibang gawain sa atin. Nawa tayong lahat ay magsumamo sa Langit na: “Nawa ang Iyong kalooban ay matupad at nawa Ikaw ay minsan pang magpakita sa amin at huwag takpan ang Iyong Sarili upang makita namin ang Iyong kaluwalhatian at ang Iyong mukha nang mas malinaw.” Lagi Kong nadarama na ang landas kung saan ginagabayan tayo ng Diyos ay hindi tumatakbo nang tuwid, kundi ito ay isang paliku-likong daan na punô ng mga lubák, at sinasabi ng Diyos na habang mas mabátó ang landas mas maibubunyag nito ang ating puso ng pag-ibig, nguni’t walang isa man sa atin ang makapagbubukas ng ganitong uri ng landas. Sa Aking karanasan, Ako ay nakalakad sa maraming mabátó at mapanganib na mga landas at Ako ay nakapagtiis ng matinding pagdurusa; may mga sandali na Ako ay lubos na nagdalamhati hanggang sa punto na parang gusto kong umiyak nang malakas, nguni’t nakalakad Ako sa landas na ito hanggang sa araw na ito. Ako ay naniniwala na ito ang landas na pinangungunahan ng Diyos, kaya Aking tinitiis ang paghihirap sa lahat ng pagdurusa at nagpapatuloy na sumulong dahil ito ang naitalaga ng Diyos, kaya sinong makatatakas dito? Hindi Ko hinihingi na makatanggap ng anumang mga pagpapala; ang hinihingi Ko lamang ay makaya Kong lumakad sa landas na dapat Kong lakaran ayon sa kalooban ng Diyos. Hindi Ako naghahanap na gayahin ang iba o lumakad sa landas na kanilang nilalakaran—ang hinahanap Ko lamang ay matupad Ko ang Aking panata na lumakad sa Aking itinakdang landas hanggang sa katapusan. Hindi Ko hinihingi ang tulong ng iba; sa prangkahan, hindi Ko rin matutulungan ang sinuman. Ako ay tila labis na napakaselan sa bagay na ito. Hindi Ko alam kung ano ang iniisip ng ibang tao. Ito ay dahil lagi Akong naniniwala na gaano man ang dapat ipagdusa ng isang indibidwal at gaano man kalayo ang dapat nilang lakarin sa kanilang landas ay itinakda ng Diyos at walang sinuman ang tunay na makatutulong sa kaninuman. Marahil ang ilan sa ating maiinit na mga kapatirang lalaki at babae ay magsasabi na Ako ay walang pag-ibig. Nguni’t ito lamang ang Aking paniniwala. Ang mga tao ay lumalakad sa kanilang mga landas na nananalig sa paggabay ng Diyos, at Ako ay naniniwala na karamihan sa Aking mga kapatirang lalaki at babae ay mauunawaan ang Aking puso. Umaasa rin Ako na pinagkakalooban tayo ng Diyos ng napakatinding pagliliwanag sa aspetong ito upang ang ating pag-ibig ay magiging mas dalisay at ang ating pagkakaibigan ay magiging mas mahalaga. Nawa ay hindi tayo malító sa paksang ito, kundi maging mas malinaw upang ang mga pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao ay maitatag batay sa pangunguna ng Diyos.