Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Kidlat ng Silanganan| Ang Ikasiyam na Pagbigkas

sansinukob, Kaalaman, Diyos, pag-ibig, Espiritu

Kidlat ng Silanganan| Ang Ikasiyam na Pagbigkas


     Dahil ikaw ay isa sa pamilya ng Aking sambahayan, at dahil ikaw ay tapat sa Aking kaharian, marapat lamang na lahat ng iyong gagawin ay umayon sa mga pamantayan na Aking inaatas. Hindi Ko hinihingi sa’yo na maging isang lumilipad na ulap lamang, bagkus ikaw ay maging makislap na niyebe, at nag-aangkin ng sangkap nito at lalo pa ng halaga nito. Dahil Ako ay nagmula sa banal na lupain, hindi gaya ng isang lotus, na mayroon lamang pangalan at walang diwa dahil ito ay nanggaling mula sa putikan at hindi sa banal na lupain. Ang panahon na ang isang bagong kalangitan ay pumapanaog sa daigdig at ang isang bagong daigdig ay lumalaganap sa ibabaw ng mga kalangitan ay mismong panahon din na Ako ay pormal na gumagawa kasama ng mga tao. Sino sa sangkatauhan ang nakakakilala sa Akin? Sino ang namasdan ang sandali ng Aking pagdating? Sino ang nakakita na Ako ay hindi lamang mayroong isang pangalan, ngunit, bukod pa rito, Ako rin ay nagtataglay ng pag-aari? Hinawi Ko ang mga puting ulap gamit ang Aking kamay at pinagmasdan nang mabuti ang kalangitan; sa kalawakan, walang bagay ang hindi isinaayos ng Aking kamay, at sa ilalim ng kalawakan, walang sinuman ang hindi nag-aambag ng kanyang munting pagsisikap para sa katuparan ng Aking makapangyarihang panukala. Hindi Ako humihingi ng mabibigat na kahilingan sa mga tao sa mundo, dahil Ako ay palaging ang praktikal na Diyos, at sapagkat Ako ang Makapangyarihan-sa-lahat na lumikha ng tao at nakakikilala nang lubos sa tao. Lahat ng tao ay haharap sa mga mata ng Makapangyarihan-sa-lahat. Paanong makakaiwas maging ang mga naroon sa pinakamalalayong sulok ng mundo sa pagsisiyasat ng Aking Espiritu? Kahit na ang tao ay nakakikilala sa Aking Espiritu, siya rin ay nagkakasala laban dito. Ang Aking mga salita’y inilalantad ang pangit na larawan ng lahat ng tao, at inilalantad ang pinaka-malalalalim na saloobin ng sangkatauhan, at nagdudulot sa buong mundo na maging payak dala ng Aking liwanag at sumubsob sa Aking pagsisiyasat. Ngunit kahit ang tao ay sumubsob, ang kanyang puso ay hindi nangangahas na lumayo sa Akin. Sa mga nilalang, sino ang hindi iibig sa Akin dahil sa Aking mga gawain? Sino ang hindi naghahangad sa Akin bunga ng Aking mga salita? Kanino hindi isinilang ang mga damdamin ng katapatan dahil sa Aking pag-ibig? Dahil sa kasamaan ni Satanas kaya ang tao ay hindi kayang makaabot sa kaharian ayon sa inaatas Ko. Kahit na ang pinaka-mababababang pamantayang inaatas Ko ay nagdudulot ng mga pag-aalinlangan sa kanya, huwag nang banggitin ang ngayon, ang panahon kung saan si Satanas ay dumadaluhong at mapaniil na parang baliw, o ang panahong ang tao ay masyadong nayuyurakan ni Satanas na ang kanyang buong katawan ay natatakpan ng karumihan. Kailan ba na ang pagkabigo ng tao na magbalik-loob sa Akin bunga ng kanyang kabuktutan ay hindi nagdulot sa Akin ng kalungkutan? Maaari Ko bang kaawaan si Satanas? Maaari bang nagkakamali lang Ako sa Aking pag-ibig? Kapag ang tao ay hindi sumusunod sa Akin, ang Aking puso ay lihim na tumatangis; kapag ang tao ay sumasalungat sa Akin, siya ay Aking kinakastigo; kapag ang tao ay Aking inililigtas at binubuhay-muli mula sa mga patay, siya ay pinakakain Ko nang lubos na pangangalaga; kapag ang tao ay sumusunod sa Akin, ang Aking puso ay payapa at agad Akong nakakaramdam ng malalaking pagbabago sa lahat ng bagay sa langit at lupa; kapag pinupuri Ako ng tao, paanong hindi Ko iyon magugustuhan? Kapag ang tao ay sinasaksihan Ako at nakakamtan Ko, paano Ako hindi maluluwalhati? Maaari ba na ang sangkatauhan ay hindi Ko napapamahalaan at natutustusan? Kapag Ako ay hindi nagbigay ng tamang direksyon, ang mga tao ay tamad at walang kibo, at, sa Aking likuran, sila ay nakikibahagi sa mga “kapuri-puring” mapandayang transaksyon. Sa tingin mo ba ang katawang-tao, na siyang Aking isinuot sa Sarili Ko, ay walang alam sa iyong mga gawa, iyong ugali, at iyong mga salita? Tiniis Ko nang maraming taon ang hangin at ulan, at naranasan Ko rin ang kapaitan ng mundo ng mga tao, ngunit sa pamamagitan ng masusing pagninilay, gaano mang pagdurusa ang danasin hindi magagawang mawalan ng pag-asa sa Akin ang taong nasa katawan, lalong hindi maaaring magdulot ang anumang katamisan sa taong nasa katawan na maging malamig, nanlulumo, o mapag-bale-wala tungo sa Akin. Ang pag-ibig ba ng tao para sa Akin ay limitado lamang sa alinman sa walang pasakit o walang katamisan?

Kidlat ng Silanganan| Ang Diwa ng Personal na Paghihiganti

balangkasin, Kapatid, pamilyang, katotohanan, Diyos

Kidlat ng Silanganan| Ang Diwa ng Personal na Paghihiganti

Zhou Li    Xintai City, Shandong Province
  Ilang panahong nakalipas, kinailangan naming balangkasin ang mga distrito sa loob ng aming lugar, at batay sa aming mga prinsipyo para sa pagpili ng mga pinuno, may isang kapatid na lalaki ang medyo nababagay na kandidato. Pinaghandaan kong i-angat siya bilang pinuno ng distrito. Isang araw habang kausap ko ang kapatid na ito, nabanggit niya na pakiramdam niya’y dominante ako sa aking trabaho, masyadong malakas, at ang isang pagtitipon na kasama ako ay hindi gaanong masaya…. Nang marinig ko ito, pakiramdam ko’y minaliit ako. Labis na sumama ang loob ko; nakabuo kaagad ako ng isang partikular na opinyon sa kapatid na ito, at hindi na binalak pang i-angat siya bilang pinuno ng distrito.

Kidlat ng Silanganan| Ang Ikawalong Pagbigkas

sansinukob,  Kaalaman, buhay,  iglesia, Diyos

Kidlat ng Silanganan | Ang Ikawalong Pagbigkas


    Kapag nasa rurok na ang Aking kapahayagan at ang Aking paghatol ay malapit na sa katapusan, ito na ang magiging oras kung saan ang lahat ng Aking mga tao ay malalantad at magiging ganap. Ang Aking mga yabag ay lumilibot sa lahat ng sulok ng mundo ng sansinukob dahil sa walang katapusang paghahanap sa mga naghahangad ng Aking sariling puso at naaayon sa Aking paggamit. Sino ang maaaring tumayo at makikipagtulungan sa Akin? Ang  pag-ibig ng tao sa Akin ay napakakulang at ang pananampalataya niya sa Akin ay hamak na maliit. Kung ang sidhi ng Aking mga salita ay hindi nakatuon sa mga kahinaan ng tao, siya ay magyayabang at magsasalita nang labis, mag-aastang relihiyosong lider, at lilikha ng matatayog na kuro-kuro, na para bang alam niya ang lahat at marunong sa lahat ng bagay sa mundo. Sino pa ang maglalakas-loob na magyabang sa gitna ng mga tapat sa Akin noon, at sa ngayon ay naninindigan sa Aking harapan? Sino ang hindi lantarang nagagalak sa kanilang sariling hinaharap? Nang hindi Ko tuwirang inilantad, ang tao ay walang lugar na napagtaguan, at nagdusa sa kahihiyan. Gaano kalala pa ito kung magsasalita Ako sa ibang paraan? Ang mga tao ay lalong makararamdam ng pagkakautang, sila ay maniniwala na walang makagagamot sa kanila, at ang lahat ay lalong magagapos ng kanilang pagsasawalang-kibo. Kapag ang tao ay nawalan ng pag-asa, ang pagpugay sa kaharian ay pormal ng umalingawngaw, kaya ito ay “ang oras kung kailan ang pitong beses na pinaigting na Espiritu ay nagsisimulang kumilos,” tulad ng sinabi ng tao; sa madaling salita, ang buhay ng kaharian ay opisyal na nagsimula sa daigdig, at iyon ay, nang ang Aking pagka-Diyos ay lumabas upang kumilos nang tuluyan (nang hindi kailangang iproseso ng utak). Ang lahat ng tao ay naging abala na maihahalintulad sa mga bubuyog; para bang muli silang nabuhay, na parang nagising sila mula sa isang panaginip, at pagkagising na pagkagising nila ay namangha sila nang makita ang kanilang sarili sa ganoong kalagayan. Noong nakaraan, marami Akong sinabi tungkol sa pagtatayo ng iglesia, inilahad Ko ang maraming hiwaga, at nang nasa rurok na ang pagtatayo ng iglesia, ito ay biglang nagwakas. Ang pagtatayo ng kaharian, gayon man, ay iba. Tanging kapag ang digmaan sa kahariang espirituwal ay nasa huling yugto, saka Ko sisimulang muli ang daigdig. Ito ay para sabihin na, tanging kapag malapit nang tumalikod and tao saka Ko lang pormal na sisimulan ang pagbangon ng Aking bagong gawain. Ang kaibahan sa pagtatayo ng kaharian at pagtatayo ng iglesia ay ganito, sa pagtatayo ng iglesia, Ako ay gumawa sa sangkatauhang pinamamahalaan ng pagka-Diyos. Tuwiran Kong pinakitunguhan ang lumang kalikasan ng tao, tuwirang inilantad ang pansariling kapangitan ng tao, at inihayag ang kakanyahan ng tao. Ang resulta, natutunan ng tao ang sarili niya sa ganitong paraan, at kaya ay napaniwala sa puso sa pamamagitan ng salita. Sa pagtatayo ng kaharian, Ako ay kumilos nang tuwiran sa Aking pagka-Diyos, at pinapahintulutan ang lahat ng tao na malaman kung anong mayroon Ako at sino Ako batay sa kaalaman ng Aking mga salita, at sa huli, pinapahintulutan silang makamit ang kaalaman tungkol sa Akin na nasa katawang-tao. Kaya ito ay magbibigay ng wakas sa paghahangad ng sangkatauhan sa isang malabong Diyos, at ito ay nagbibigay-katapusan sa lugar ng “Diyos ng langit” sa puso ng tao, na ibig sabihin ay, ito ay nagpapahintulot sa tao na malaman ang Aking mga gawa sa Aking katawang-tao, at winawakasan nito ang Aking panahon sa daigdig.

Kristiyanong Pelikula | "Babagsak ang Lungsod" | Ang Babala ng Diyos sa mga Huling Araw



Kristiyanong Pelikula | "Babagsak ang Lungsod" | Ang Babala ng Diyos sa mga Huling Araw



Ang Kristiyanong si Cheng Huize ay isang kapanalig sa isang bahay-iglesia sa China. Nakita niya na nagbukas ng isang pabrika ang kanyang iglesia at hinikayat ng pastor ang mga nananalig na sumapi sa Three-Self Church para sumuko sa gobyernong CCP. Nagpakahirap nang hayagan at patago ang pastor at elder ng iglesia para mapanatili ang kanilang personal na kalagayan at pangalan, nagkainggitan, at nahati ang iglesia. Nakisanib din sila sa gobyernong CCP para labanan ang Kidlat ng Silanganan at hadlangan ang pagsisiyasat ng mga nananalig dito.

Kidlat ng Silanganan| Ang Ikapitong Pagbigkas

 sangkatauhan, Kaligtasan, pag-ibig, Biblia, Pablo

Kidlat ng Silanganan | Ang Ikapitong Pagbigkas


     Ang lahat ng mga sangay sa kanluran ay dapat makinig sa Aking tinig:

     Sa nakaraan, naging tapat ba kayo sa Akin? Sinunod ba ninyo ang Aking napakahusay na mga salita ng payo? May mga pag-asa ba kayong makatotohanan at hindi malabo at walang katiyakan? Ang katapatan, pag-ibig, at pananampalataya ng tao—walang iba maliban sa nagmumula sa Akin, maliban sa mga ipinagkaloob Ko. Bayan Ko, kapag nakikinig kayo sa Aking mga salita, nauunawaan ba ninyo ang Aking kalooban? Nakikita ba ninyo ang puso Ko? Sa nakaraan, habang naglalakbay kayo sa daan ng paglilingkod, naranasan ninyo ang mga tagumpay at kabiguan, ang mga pagsulong at mga kabiguan, at may mga panahong nanganib kayong bumagsak at maging sa puntong Ako ay inyong pagtaksilan; ngunit alam ba ninyong sa bawat sandali, nakahanda Akong laging iligtas kayo? Na sa bawat sandali, lagi Kong binibigkas ang Aking tinig upang tawagin at iligtas kayo? Ilang beses na kayong nahulog sa bitag ni Satanas? Ilang beses na kayong nahuli sa mga patibong ng tao? At muli, gaano kayo kadalas mapasama sa walang katapusang pakikipagtalo sa isa’t isa, dahil nabigo kayong palayain ang inyong sarili? Gaano kadalas pumunta ang inyong mga katawan sa Aking tahanan ngunit ang inyong puso, walang nakakaalam kung nasaan? Gayon pa man, ilang beses Kong iniabot ang Aking mapagligtas na kamay upang itayo kayo; ilang beses Kong isinaboy sa inyo ang mga butil ng kaawaan; ilang beses na hindi Ko matiis na makita ang kaawa-awang kalagayan ng inyong paghihirap? Ilang beses … alam ba ninyo?

Kidlat ng Silanganan| Kristiyanong Pelikula “Pananalig sa Diyos”



Kidlat ng Silanganan| Kristiyanong Pelikula “Pananalig sa Diyos”



Si Yu Congguang ay nangangaral ng ebanghelyo para sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Habang nangangaral ng ebanghelyo, tinugis siya ng Komunistang gobyerno ng Tsina. Tumakas siya sa mga kabundukan, kung saan nakatanggap siya ng tulong mula kay Zheng Xun, isang katrabaho sa lokal na bahay iglesia. Nang una silang nagkita, pakiramdam nila ay matagal na nilang kilala ang bawat isa. Dinala ni Zheng Xun si Yu Congguang sa kubo kung saan siya at ng kanyang mga katrabaho ay nagtipon. Doon, nangyari ang isang debate kila Zheng Xun at ng kanyang mga katrabaho kung ang isang mananampalataya sa Diyos ay dapat bang sundin o hindi yaong mga nasa kapangyarihan. Si Yu Congguang ay nagbahagi kaugnay sa isyung ito at iwinaksi ang kanilang pagkakalito. Lubos na nakatulong sa kanila ang pagbabahagi ni Yu Congguang, at nagsimula silang lahat na hanapin at pag-aralan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Gayun pa man, nang malaman ni Elder Sun mula sa lokal na iglesia na si Yu Congguang ay isang saksi mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ginawa niya ang lahat ng bagay na maaari niyang gawin para saraduhan ang iglesia at pigilan ang mga tagasunod mula sa paghahanap ng tunay na landas. Nagbahay-bahay si Sun na naghahanap kay Yu Congguang, at inutusan pa ang mga tagasunod na iulat si Yu sa mga pulis at arestuhin siya …
Rekomendasyon:
Bakit si Pedro lamang ang nakakilala kay Jesus bilang Kristo ?
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal

Kidlat ng Silanganan| Ang Ikaanim na Pagbigkas

sandaigdig, sangkatauhan, Espiritu,  Kaalaman, pag-ibig

Kidlat ng Silanganan | Ang Ikaanim na Pagbigkas


     Sa mga bagay na napapaloob sa espiritu, kailangan kang maging mas sensitibo; sa Aking mga salita, dapat kang maging mas mapagmatyag. Dapat mong hangarin ang kalagayang makita ang Aking Espiritu at ang Aking sarili sa katawang-tao, ang Aking mga salita at ang Aking sarili sa katawang-tao, bilang isang di-mapaghihiwalay na kabuuan, upang mabigyan Ako ng kasiyahan ng buong sangkatauhan sa Aking presensiya. Niyapakan ng Aking mga paa ang sansinukob, inaabot-tanaw ng Aking sulyap ang buong kalawakan nito, at nakalakad na Ako sa gitna ng buong sangkatauhan, natikman na ang lasa ng tamis, asim, pait, at anghang ng karanasan ng tao, ngunit hindi Ako kailanman totoong nakilala ng tao, ni napansin niya Ako sa paglalakad Ko nang malawakan. Dahil tahimik Ako at walang ginagawang di-pangkaraniwan, dahil dito'y walang tunay na nakakita sa Akin. Hindi na katulad ng dati ang mga bagay ngayon: Gagawa Ako ng mga bagay na, hindi pa kailanman nakita ng mundo mula sa pasimula ng paglikha, magsasalita Ako ng mga salitang hindi pa naririnig ng mga tao sa nagdaang mga kapanahunan, dahil hinihingi Ko na makilala Ako ng buong sangkatauhan sa katawang-tao. Ito ang mga hakbang ng Aking pamamahala, na ang sangkatauhan ay wala kahit katiting na pakiwari. Kahit na magsalita Ako tungkol sa kanila nang lantaran, magulo pa rin ang kanyang isipan at imposibleng maipaliwanag ang mga ito sa kanya nang detalyado. Narito ang miserableng kababaan ng tao, hindi ba? Ito mismo ang nais kong bigyan ng lunas sa kanya, hindi ba? Sa mga nakaraang taon, wala Akong ginawang anuman sa tao; kahit na silang tuwirang nakasama Ko sa Aking nagkatawang-taong katawan ay wala kailanmang narinig na tinig na nagmumula sa Aking pagka-Diyos. Kaya hindi maiiwasan na magkulang ang mga tao sa kanilang kaalaman tungkol sa Akin, ngunit ang isang bagay na ito ay hindi nakaapekto sa pagmamahal ng sangkatauhan sa Akin sa paglipas ng mga kapanahunan. Gayunman, ngayon, marami na Akong nagawa sa inyo na mahimala at di-maarok, at gayon din nangusap sa inyo ng maraming salita. Gayunpaman, kahit ganito, marami pa ring mga tao ang kumakalaban sa Akin nang harapan. Hayaan ninyong bigyan Ko kayo ng ilang halimbawa: