Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ang tinig ng Diyos|Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas

sansinukob, mga anghel, Diyos, Israel, Kaharian

Kidlat ng Silanganan| Ang tinig ng Diyos|Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas


   
Hindi kailanman nahipo ng pag-uugali ng tao ang Aking puso, ni hindi Ko kailanman naisip bilang mahalaga. Sa mata ng tao, laging mahigpit ang pagtrato Ko sa kanya, at lagi Kong pinapatupad ang awtoridad sa kanya. Sa lahat ng mga gawain ng tao, babahagyang bagay lamang ang nagawa para sa Akin, halos walang anumang nakatayong matatag sa Aking harapan. Sa huli, guguho sa harapan Ko nang hindi nahahalata ng lahat ng mga bagay na nauukol sa tao, at magiging maliwanag lamang sa ganoong panahon ang Aking mga gawain, makikilala Ako ng lahat ng tao dahil sa sarili nilang kabiguan. Ang kalikasan ng tao ay nananatiling hindi nagbabago. Kung ano ang nasa kaibuturan ng kanilang puso ay hindi alinsunod sa kalooban Ko— hindi ito ang kinakailangan Ko. Ang pinakakinamumuhian Ko sa lahat ay ang kasuwailan ng tao at ang kanyang pagbabalik sa dati, ngunit ano kayang kapangyarihan ang nag-uudyok sa kanila para magpatuloy sa pagiging banyaga sa Akin, upang manatiling nasa malayo, para hindi makakilos ng alinsunod sa Aking kalooban sa harapan Ko at sa halip tutulan Ako sa Aking likuran? Ito ba ang kanilang katapatan? Ito ba ang pag-ibig nila para sa Akin? Bakit hindi sila magsisi at maisilang na muli? Bakit magpakailanmang ginugusto ng mga tao ang mabuhay sa ilat sa halip na sa isang lugar na walang putik? Maaari kayang trinato Ko sila ng masama? Maaari kayang ipinahamak Ko lamang sila? Maaari kayang inakay Ko sila sa impiyerno? Lahat ay nagnanais manirahan sa “impiyerno.” Kapag dumating ang liwanag, kaagad na nabubulag ang kanilang mga mata, dahil ang lahat ng bagay na naimbak nila doon ay nagmumula sa impiyerno. Gayunman, sila’y ignorante sa mga ito, at tinatamasa lamang nila ang mga “makademonyong kasiyahan.” Niyayakap pa nila ang mga ito bilang mga kayamanang malapit sa kanilang mga dibdib na may matinding takot na aagawin Ko ito mula sa kanila, iiwan silang walang mapagkukunan ng kabuhayan. Takot ang mga tao sa Akin, kaya nananatili silang malayo mula sa Akin at namumuhing lumapit sa Akin kapag Ako’y dumating sa lupa, sapagkat ayaw nilang “gumawa ng gulo para sa kanilang mga sarili,” ang nais nila sa halip ay mapanatili ang isang mapayapang buhay pamilya upang matamasa nila ang “kaligayahan sa lupa.” Subalit hindi Ko maaaring pahintulutan na matupad ang kanilang mga kagustuhan, sapagkat ang pagsira sa kanilang mga pamilya ang dahilan kung bakit Ako nandito. Mula sa sandali ng Aking pagdating mawawala ang kapayapaan sa kanilang mga tahanan. Guguluhin Ko ang lahat ng mga bansa, kasama na ang mga pamilya. Sino ang kailanman makaliligtas mula sa Aking pagkakahawak? Paanong yaong mga nakatanggap ng mga pagpapala ay maaaring makaligtas sa bisa ng kanilang hindi kagustuhan? Paano makukuha kailanman ng mga taong nagdurusa sa pagkastigo ang Aking pakikiramay sa bisa ng kanilang takot? Sa lahat ng Aking mga salita, nakita ng mga tao ang Aking kalooban at mga gawa, ngunit sino ang maaaring kailanman makakaligtas mula sa gusot ng sarili niyang mga saloobin? Sino ang maaaring kailanman makahanap ng isang paraan upang makaalis mula sa loob o labas ng Aking mga salita?


Ang mga tao ay nakaranas ng Aking kasiglahan, matapat silang nagsilbi sa Akin at taos-pusong sumunod sa Akin at ginagawa nila ang lahat para sa Akin sa Aking presensya. Ngunit hindi magawang maabot ng mga tao ngayon ang ganitong pamumuhay, at humahagulgol na lamang sila sa kanilang mga espiritu na parang ninakaw ng isang matakaw na lobo. Maaari na lamang silang tumingin sa Akin nang may balisang naghihintay na mga mata, at dagdag pa rito ay nananatili silang sumisigaw para sa Aking tulong. Ngunit mula sa simula hanggang sa huli, hindi nila maaaring maalis ang kanilang mga sarili mula sa gusot. Naaalala Ko kung paano mangako ang mga tao noon sa Aking presensya, nanunumpa sila sa langit at lupa sa Aking presensya, upang bayaran ang Aking kagandahang-loob ng kanilang pagmamahal. Umiiyak silang may kalungkutan sa Aking harapan, at ang tunog ng mga iyak nila ay nakakasakit ng damdamin at mahirap na tiisin. Madalas Ko silang tulungan dahil sa kanilang mabuting kalooban. Hindi mabilang ang pagdating ng mga tao sa Aking harapan upang sumunod sa Akin, at hindi malilimutan ang kaibig-ibig nilang mga kaugalian. Hindi mabilang ang pagdating nila upang ibigin Ako nang may matibay na pananampalataya, at kahanga-hanga ang kanilang taos-pusong damdamin. Sa hindi mabilang na mga pagkakataon, inilagay nila sa panganib ang kanilang buhay upang mahalin Ako, para ibigin Ako nang higit pa sa kanilang mga sarili, at tinanggap Ko ang kanilang pag-ibig dahil nakita Ko ang kanilang katapatan. Sa hindi mabilang na mga pagkakataon, inialay nila ang kanilang mga sarili sa Aking presensya, hindi sila nabahala sa harap ng kamatayan para sa Akin, at inalis Ko ang pag-aalala sa kanilang mga mukha, at maingat Kong inintindi ang kanilang mga kalagayan. Maraming mga pagkakataon na inibig Ko sila na tulad ng sarili Kong kayamanan, at marami ring mga pagkakataon na kinamuhian Ko sila bilang sarili Kong kalaban. Dahil sa katauhan Ko—hindi nila kailanman maaaring hulaan ang nasa Aking isipan. Kapag malungkot ang mga tao, dumarating Ako upang aliwin sila, at kapag mahina sila, dumarating Ako upang tulungan sila. Binibigyan Ko sila ng direksyon kapag nawawala sila. Kapag sila’y umiyak, pinupunasan Ko ang kanilang mga luha. Gayunman, kapag malungkot Ako, sino ang maaaring makaaliw sa Akin sa pamamagitan ng kanilang mga puso? Kapag nag-aalala Ako, sino ang magsasaalang-alang sa Aking mga damdamin? Kapag nalulungkot Ako, sino ang makakapawi sa sakit na nararamdaman Ko? Kapag kailangan Ko ang isang tao, sino ang mag-aalok upang makipagtulungan sa Akin? Paanong maaaring ang nakaraan nilang saloobin sa Akin ay ngayon nawala na at hindi na maibabalik kailanman? Bakit walang natira na kahit kaunti sa kanilang mga alaala? Paanong nakalimutan ng mga tao ang lahat ng mga ito? Hindi kaya dahil ang sangkatauhan ay sinira ng kanyang mga kaaway?

Kapag ang mga anghel ay tumutugtog ng musika at pagtambulin ng papuri sa Akin, hindi Ko mapipigilan ang Aking pagkaawa sa tao. Bigla Akong nakakaramdam nang malubhang kalungkutan sa Aking puso, at mahirap pawiin sa Aking sarili ang masakit na damdaming ito. Sa mga kasiyahan at kalungkutan ng mahiwalay at pagkatapos ay muling mapaglakip sa tao, hindi kami nakapagpapalitan ng mga sentimyento. Magkabukod sa kaitaasan ng langit at sa ibaba sa lupa, hindi namin magawang magtagpo nang madalas. Sino kailanman ang maaaring makalaya mula sa galimgim? Sino kailanman ang maaaring makapigil sa pag-alala sa nakaraan? Sino ang hindi nasasabik na umasam sa pagpapatuloy ng masayang damdamin ng nakaraan? Sino ang hindi umaasa sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nagnanais sa muli Kong pakikiisa sa tao? Malalim ang pagkabagabag ng Aking puso, at matindi ang pag-aalala ng kanilang mga espiritu. Bagamat pareho ang aming mga espiritu, hindi kami maaaring magkasama nang madalas, at hindi namin maaaring makita ang isa’t isa nang palagian. Sa gayong paraan malalim ang pagkaagrabyado at walang sigla ang buhay ng sangkatauhan, kaya lagi silang nananabik sa Akin. Para silang mga bagay na bumagsak mula sa langit, isinisigaw nila ang pangalan Ko mula sa mundo, tumitingala sila sa Akin mula sa lupa—ngunit paano sila makakatakas mula sa bibig ng gutom na gutom na lobo? Paano nila maaaring palayain ang kanilang mga sarili mula sa pagbabanta at tukso nito? Paanong hindi nila kayang isakripisyo ang kanilang mga sarili sa pamamagitan nang pagsunod sa mga ayos ng Aking plano? Kapag malakas ang kanilang pagmamakaawa, inilalayo Ko ang mukha Ko sa kanila, hindi Ko na kayang saksihan ito; gayunpaman, paanong hindi Ko maririnig ang tunog ng mga naturang pag-iyak ng mga tao? Gusto Kong itama ang mga kawalan ng hustisya sa mundo ng tao. Personal Kong gagawin ang Aking trabaho sa buong mundo, hindi Ko na hahayaan si Satanas na muling saktan ang Aking bayan, pagbabawalan Ko ang mga kaaway na gawin muli ang anumang gusto nila. Magiging Hari Ako sa lupa at ililipat Ko ang Aking trono doon, payuyukuin Ko ang lahat ng Aking mga kaaway sa lupa at ikukumpisal nila ang mga krimeng nagawa sa Aking harapan. Lilipulin Ko ang buong sandaigdigan dahil sa magkahalong lungkot at galit Ko, sisindakin Ko ang lahat ng Aking mga kaaway at wala Akong ititira ni isa. Gusto Kong sirain ang mundo, at pababagsakin ang mga kaaway Ko sa mga nasira, na mula ngayon ay hindi na nila mapapasama ang sangkatauhan. Natukoy na ang Aking plano, at walang sinuman, maging sino man sila, ang maaaring makapagpabago nito. Habang naglilibot Ako sa marilag na parada sa ibabaw ng sandaigdigan, magkakaroon ng panibagong pananaw ang lahat ng mga tao, at mapapasigla ang lahat ng mga bagay. Hindi na sila iiyak, at hindi na sila sisigaw sa Akin para tulungan. Sa gayon magagalak ang Aking puso, at babalik ang mga tao upang makipagdiwang sa Akin. Magbubunyi ang buong sandaigdigan, mula sa itaas hanggang sa ibaba, dahil sa kagalakan …

Tinutupad Ko na ngayon ang gawain na itinakda Kong magawa sa iba’t-ibang bansa. Naglilibot Ako sa lahat, ginagawa Ko ang lahat ng Aking trabaho ayon sa Aking plano, at hinahati ng lahat ng tao ang mga bansa ayon sa Aking kalooban. Habang papalapit ang araw at pinapatunog ng mga anghel ang kanilang mga trumpeta, nakatutok lamang ang mga tao sa lupa sa sarili nilang hantungan. Wala nang pagkaantala sa oras o araw, at magsisimula nang sumayaw sa kagalakan ang lahat ng mga bagay. Sino ang maaaring kailanman makapagpapalawig sa Aking araw sa kanilang kalooban? Maaari kayang isang taga-lupa? Maaari kaya silang mga bituin sa kalangitan o ang mga anghel? Kapag Ako ay gumawa ng isang pagbigkas at sinimulan Ko ang kaligtasan ng mga tao ng Israel, nalalapit na ang araw Ko sa buong sangkatauhan. Kinatatakutan ng bawat tao ang pagbabalik ng Israel. Kapag bumalik ito, yan na ang araw ng kaluwalhatian Ko, at ang araw na mapapalitan ang lahat ng bagay at magiging bago. Sa pagdating ng matuwid na paghatol sa buong sandaigdigan, panghihinaan ng loob ang lahat at matatakot, dahil hindi pa nababalita ang pagkamatuwid sa mundo ng tao. Kapag lumitaw ang araw ng pagkamatuwid, maiilawan ang Silangan, at pagkatapos nito ay paliliwanagin nito ang buong sandaigdigan, na aabot sa lahat. Kung talagang magagawa ng tao ang Aking pagkamakatwiran, ano ang dapat na katakutan? Hinihintay ng lahat ng mga tao Ko ang pagdating ng Aking araw, inaasam nila ang pagdating ng araw Ko. Hinihintay nila Ako upang gantimpalaan ang buong sangkatauhan at para tukuyin ang kanilang hantungan bilang ang araw ng pagkamatuwid. Nahuhubog ang Aking kaharian sa buong sansinukob, at sinasakop ng Aking trono ang mga puso ng daan-daang milyon na mga tao. Sa tulong ng mga anghel, malapit nang matagumpay na maging ganap ang dakila Kong gawain. Sabik na hinihintay ng lahat ng Aking mga anak at ng Aking bayan ang Aking pagbabalik, inaasam nila ang muli Kong pakikisama sa kanila, na hindi na kailanman maghihiwalay muli. Sa pakikisalamuha Ko sa kanila, paanong hindi magdiriwang ang lahat ng mga tao sa Aking kaharian? Wala kayang halaga ang muling pagtitipon na ito? Marangal Ako sa mga mata ng lahat ng tao, ipinahahayag Ako sa mga salita ng lahat. Sa Aking pagbabalik, mas lalo Kong lulupigin ang lahat ng mga puwersa ng kaaway. Ang oras ay dumating na! Ipagpapatuloy Ko ang Aking gawain, maghahari Akong pinakadakila sa kalagitnaan ng tao! Babalik Ako! Aalis Ako! Ito ang inaasam ng lahat, ang kanilang inaasahan. Ang nais Ko ay tulutan ang lahat na makita ang pagdating ng Aking araw at malugod na salubungin ang pagdating ng Aking araw!


                                   Abril 2, 1992

Ang tinig ng Diyos| Ang tinig ng DiyosAng Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas

sansinukob, Kaalaman, Diyos, Israel, Kaharian

Kidlat ng Silanganan | Ang tinig ng Diyos| Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas


 Sino ang nanirahan sa Aking bahay? Sino ang nanindigan para sa Aking kapakanan? Sino ang nagdusa sa Aking ngalan? Sino ang nangako ng kanyang salita sa Aking harapan? Sino ang sumunod sa Akin hanggang sa kasalukuyan at gayon ay hindi nawalan ng malasakit? Bakit lahat ng mga tao ay malamig at walang pakiramdam? Bakit Ako ay iniwan ng sangkatauhan? Bakit napagod sa Akin ang sangkatauhan? Bakit walang kasiyahan sa mundo ng tao? Habang nasa Zion, nalasap ko ang kasiyahang nasa langit, at habang nasa Zion Ako ay nagtamasa ng pagpapalang nasa langit. Muli, Ako’y namuhay sa gitna ng sangkatauhan, nalasap Ko ang kapaitan sa mundo ng tao, nakita Ko sa Aking sariling mga mata ang lahat ng mga iba’t ibang mga kalagayan na umiiral sa gitna ng mga tao. Walang kamalay-malay, ang tao ay nagbago kasabay ng Aking pagbabago, at sa ganitong paraan lamang siya ay dumating sa kasalukuyang panahon. Ako ay hindi humihiling na gawin ng tao ang anumang bagay para sa Akin, at hindi Ko rin kinakailangan ang kanyang pagpaparami sa Aking pangalan. Nais ko lamang sa kanya ay maayon sa Aking plano, na hindi sumusuway sa Akin o nagdudulot ng marka ng kahihiyan sa Akin, at upang madala ng umaalingawngaw na pagpapatotoo sa Akin. Sa mga tao, mayroong mga taong nagdala sa Akin ng mahusay na patotoo at niluwalhati Ang Aking pangalan, ngunit paano ang mga gawain ng tao, ang pag-uugali ng tao ay posibleng makapagpasaya sa Aking puso? Paano niya posibleng matugunan ang Aking pagnanais o matupad ang Aking kalooban? Sa mga bundok at tubig sa ibabaw ng lupa, at ang mga bulaklak, damo, at mga puno sa lupa, walang sinuman ang nagpapakita ng mga gawa ng Aking mga kamay, wala ni isang umiiral para sa Aking pangalan. Ngunit bakit hindi maabot ng tao ang mga pamantayan ng Aking hinihiling? Maaari bang dahil ito sa kanyang kasuklam-suklam na kababaan? Maaari bang dahil ito sa Aking pagpapa-angat sa kanya? Maaari bang masyado Akong malupit sa kanya? Bakit ang tao ay laging sobrang natatakot sa Aking mga hinihiling? Ngayon, bukod sa napakaraming tao sa kaharian, bakit ba kayo ay nakikinig lamang sa Aking tinig ngunit hindi nais na makita ang Aking mukha? Bakit tumitingin lamang kayo sa Aking mga salita na hindi sinusubukang itugma ang mga ito sa Aking Espiritu? Bakit patuloy niyo Akong pinaglalayo sa ibabaw ng langit at sa ibaba ng lupa? Maaari bang Ako, kapag Ako ay nasa lupa, ay hindi ang parehong Ako kapag ako ay nasa langit? Maaari bang Ako, kapag Ako ay nasa langit, ay hindi makababa sa lupa? Maaari bang Ako, kapag Ako ay nasa lupa, ay hindi karapat-dapat na dalhin sa langit? Tila bang Ako, kapag Ako ay nasa lupa, ay isang mababang-loob na nilalang, na parang Ako, kapag ako ay nasa langit, ay dinakilang nilalang, at para bang mayroong namamalagi sa pagitan ng langit at lupa na isang hindi matawirang bangin. Ngunit sa mundo ng mga tao tila sila ay walang nalalaman sa mga pinagmulan ng mga bagay na ito, ngunit ang lahat ay nagsama-sama upang sumalungat sa Akin, na tila ang Aking mga salita ay may tunog lamang at walang kahulugan. Ang lahat ng tao ay gumugol ng pagsisikap sa Aking mga salita, nagsasagawa ng pagsisiyasat sa kanilang sarili sa Aking panlabas na anyo, ngunit lahat sila ay humantong sa pagkabigo, nang walang anumang mga resulta na maipakita, ngunit sa halip ay pinabagsak ng Aking mga salita at hindi na maglakas-loob na muling tumayo.

Christian Family Film Festival: Chronicles of Religious Persecution in China – Silver Medal Winner



  Christian Family Film Festival: Chronicles of Religious Persecution in China – Silver Medal Winner


On October 1, 2017, the three-day Christian Family Film Festival in Ellington, New York came to a close. The full human rights documentary produced by The Church of Almighty God, Chronicles of Religious Persecution in China, stood out from the crowd among a number of the films shown, winning the silver medal. This documentary, a true account of the Chinese Communist government’s wanton violations of human rights and brutal murders of Christians, provides international society with a deeper understanding of the inside story of the Chinese government’s oppression of religious faith, offering detailed and powerful evidence. The film has received widespread attention and praise since its release.

Tagalog Christian Movie | "Ang Sandali ng Pagbabago" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven



Tagalog Christian Movie | "Ang Sandali ng Pagbabago" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven



Si Su Mingyue ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia sa mainland China. Sa paglipas ng mga taon, naging tapat na lingkod siya ng Panginoon na nagpipilit mangaral para sa Panginoon at magpasan ng pasanin ng gawain para sa iglesia. Sumusunod siya sa salita ni Pablo sa Biblia, dama na sapat na ang manalig sa Panginoon para matawag na matuwid at maligtas sa pamamagitan ng biyaya. Kahit patuloy pa ring nagkakasala ang tao, napatawad na ng Panginoon ang kanyang mga kasalanan, agad babaguhin ang kanyang imahe para maging banal at iaangat siya sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon. Gayunman, sa nagdaang mga taon, lubhang naging mapanglaw ang iglesia, naging negatibo at mahina ang lahat ng nananalig, nanlamig ang kanilang pananampalataya at pagmamahal. Ang ilang mga katrabaho ay sumusunod sa salita ng Panginoon: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.” Pinagdududahan nila ang paniwala na “Pagdating ng Panginoon, agad Niyang babaguhin ang imahe ng tao at iaangat siya sa kaharian ng langit.” Nadarama nila na dahil patuloy pa rin tayong nagkakasala, hindi pa rin natin natatamo ang kabanalan at sinusuway natin ang kalooban ng Diyos, tayo maiaangat sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon? Matapos makipag-usap at makipagtalo, nadarama ni Su Mingyue na, may ilang kontradiksyon sa pagitan ng salita ng Panginoon at ng ideya ni Pablo na agad babaguhin ang imahe ng tao pagdating ng Panginoon. Aling ideya ba naman ang tama? Problemado at nalilito ang puso ni Su Mingyue. Para makakita ng isang iglesia na may gawain ng Banal na Espiritu upang lutasin ang kanyang praktikal na pagkalito, para hindi siya pabayaan ng Panginoon, nagpasiya si Su Mingyue na pag-aralan ang Kidlat ng Silanganan. Sa pakikipagtalo at pakikipag-usap sa mga mangangaral ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, sa huli ay naunawaan ni Su Mingyue at ng iba ang tanging landas papasok sa kaharian ng langit …
Rekomendasyon:
Ang Ebanghelyo  ay lumalaganap!
Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong  Jesus

Ang Kalooban ng Diyos| Ang Ikadalawampu’t-lima na Pagbigkas

sansinukob, Kaalaman, Diyos, Kaharian,  buhay

Kidlat ng Silanganan| Ang Kalooban ng Diyos| Ang Ikadalawampu’t-lima na Pagbigkas



  Lumilipas ang oras, at sa isang kisap-mata ang araw na ito ay dumating. Sa ilalim ng paggabay ng Aking Espiritu, ang lahat ng tao ay namumuhay sa gitna ng Aking liwanag, at walang sinuman ang nag-iisip ng nakalipas o pag-iintindi sa kahapon. Sino ang hindi kailanman nabuhay sa kasalukuyan? Sino ang hindi gumugol ng mga kahanga-hangang araw at buwan sa kaharian? Sino ang hindi nabuhay sa ilalim ng araw? Bagaman ang kaharian ay bumaba sa sangkatauhan, walang sinuman ang totoong nakaranas ng kasiglahan nito; ang mga tao ay itinuturing ito mula sa labas lamang, di-nakauunawa ng substansya nito. Sa panahon nang mabuo ang Aking kaharian, sino ang hindi nagagalak dahil dito? Maaari ba na ang mga bansa sa daigdig ay makatakas? Talaga nga ba na ang malaking pulang dragon ay may kakayahang makatakas salamat sa kanyang katusuhan? Ang Aking mga kautusan ng pamamahala ay inihayag sa buong sansinukob, itinatatag nila ang Aking awtoridad sa lahat ng mga tao at gumagana sa buong kosmos; gayon pa man, ang tao ay hindi tunay na batid ito. Nang ang Aking mga kautusan ng pamamahala ay inihayag sa sansinukob ay gayun din kapag ang Aking gawa sa lupa ay malapit nang maging ganap. Kapag Ako ay namuno at humawak ng kapangyarihan sa lahat ng mga tao at kapag Ako ay kinilala bilang ang isang Diyos Mismo, ang Aking kaharian ay lubos nang mananaog sa lupa. Ngayon, lahat ng tao ay may bagong simula sa pamamagitan ng bagong landas. Sinimulan nila ang isang bagong buhay, gayon pa man walang sinuman ang tunay na nakaranas ng isang buhay sa lupa katulad ng sa langit. Kayo ba ay tunay na nabubuhay sa gitna ng Aking liwanag? Kayo ba ay tunay na nabubuhay sa gitna ng Aking mga salita? Sino ang hindi nagbigay paglingap sa kanilang mga sariling inaasam? Sino ang hindi namimighati sa kanilang sariling kapalaran? Sino ang hindi nagpupumiglas sa gitna ng dagat ng kadalamhatian? Sino ang hindi nais na palayain ang kanilang mga sarili? Ang mga pagpapala ng kaharian ba ang kapalit ng hirap sa trabaho ng mga tao sa lupa? Maaari nga ba na ang lahat ng mga hinahangad ng tao ay matupad ayon sa kanyang mga pagnanais? Minsan Ko nang iniharap ang magandang tanawin ng kaharian sa harap ng tao, gayon pa man siya lamang ay tinitigan ito nang may mga sakim na mata at walang sinuman ang naghangad na pasukin ito. Minsan Ko nang “iniulat” ang tunay na sitwasyon sa lupa para sa tao, ngunit siya ay nakinig lamang, at siya ay hindi hinarap nang may puso ang mga salitang nagmula sa Aking bibig; Minsan Ko nang sinabi sa sangkatauhan ang mga kalagayan sa langit, gayon pa man ang Aking mga salita ay itinuring niya bilang mga kahanga-hangang kwento, at hindi talagang tinanggap ang inilarawan ng Aking bibig. Ngayon, ang mga tagpo ng kaharian ay sumalimbay sa sangkatauhan, ngunit meron ba na “tumawid sa rurok at kapatagan” sa paghahanap nito? Kung wala ang Aking panghihimok, ang tao ay hindi pa rin magigising mula sa kanyang mga panaginip. Siya nga ba kaya ay tunay na nabighani sa kanyang buhay sa lupa? Wala nga bang mataas na pamantayan sa kanyang puso?

Awit ng Pagsamba| Diyos Lamang ang May Landas ng Buhay


Kidlat ng Silanganan| Awit ng Pagsamba| Diyos Lamang ang May Landas ng Buhay


 I
Ang landas ng buhay ay bagay na di-taglay ng sinuman;
bagay na di madaling kunin ng kahit na sino.
Dahil buhay ay sa Diyos lang nagmumula,
Diyos lang ang may diwa ng buhay,
Diyos lang ang may landas ng buhay.
Kaya Diyos lang pinagmumulan ng buhay,
at ang laging dumadaloy na bukal ng buhay na tubig ng buhay.
Mula sa paglikha ng mundo, maraming gawaing nagawa ang Diyos
na kasama ang sigla, na nagbibigay ng buhay sa tao;
Nagbayad Siya nang mahal upang tao’y makatamo ng buhay.
Dahil ang Diyos Mismo ang walang hanggang buhay;
Siya ang daan upang tao’y muling mabuhay.

Salita ng Diyos| Ang Ikadalawampu’t-apat na Pagbigkas

sansinukob, awa, Diyos,  pag-ibig, buhay

Kidlat ng Silanganan| Salita ng Diyos| Ang Ikadalawampu’t-apat na Pagbigkas

   
   Dumarating ang Aking pagkastigo sa lahat ng mga tao, gayon pa man ay nananatili rin itong malayo mula sa lahat ng mga tao. Ang buong  buhay ng bawat tao ay puno ng pag-ibig at pagkamuhi sa Akin, at wala kahit isa ang kailanma’y nakakilala sa Akin—kung kaya sala sa lamig at sala sa init ang saloobin ng tao sa Akin, at wala itong kakayahan sa pagiging-normal. Gayunman ay parati Kong inalagaan at iningatan ang tao, at mapurol lamang ang kanyang isipan kaya wala siyang kakayahang makita ang lahat ng Aking mga gawa at maunawaan ang masigasig Kong mga hangarin. Ako ang nangungunang Isa sa gitna ng lahat ng mga bansa, at ang pinakamataas sa gitna ng lahat ng mga tao; hindi lamang talaga Ako kilala ng tao. Sa maraming taon, nanirahan Ako sa kalagitnaan ng tao at naranasan ang buhay sa mundo ng tao, gayon pa man lagi niya Akong ipinagsawalang-bahala at itinuring Akong katulad ng isang nilalang na nagmula sa kalawakan. Bunga nito, itinuturing Ako ng mga tao na katulad ng isang banyaga sa daan dahil sa mga pagkakaiba sa disposisyon at wika. Ang damit Ko rin ay tila masyadong kakaiba, at bilang resulta, walang lakas ng loob ang tao para lapitan Ako. Diyan Ko lamang nararamdaman ang kalungkutan ng buhay sa kalagitnaan ng tao, at diyan Ko rin lamang nararamdaman ang kawalan-ng-hustisya sa mundo ng tao. Lumalakad Ako sa kalagitnaan ng mga dumadaan, pinagmamasdan ang lahat ng kanilang mga mukha. Ito ay parang nabubuhay sila sa kalagitnaan ng isang karamdaman, bagay na nagpupuno ng kalungkutan sa kanilang mga mukha, at sa gitna ng pagkastigo, na pumipigil sa kanilang paglaya. Iginagapos ng tao ang kanyang sarili, at ibinababa ang kanyang sarili. Sa harapan Ko, karamihan sa mga tao ay lumilikha ng maling palagay tungkol sa kanilang mga sarili sa gayon ay maaring mapuri Ko sila, sadyang nag-aanyong kahabag-habag sa harap Ko ang karamihan sa mga tao sa gayon ay maaring makakuha sila ng tulong mula sa Akin. Sa Aking likuran, nililinlang at sinusuway Ako ng lahat ng mga tao. Hindi ba tama Ako? Hindi ba ito ang diskarte ng tao para manatiling buhay? Sino na ang kahit kailan ay nabuhay ng mas matagal kaysa sa Akin? Sino na ang kahit kailan ay nagtaas sa Akin sa gitna ng iba? Sino na ang kahit kailan ay nagapos sa harapan ng Espiritu? Sino na ang kahit kailan ay naging matatag sa kanilang patotoo sa Akin sa harapan ni Satanas? Sino na ang kahit kailan ay nagdagdag ng pagiging-totoo sa “katapatan” nila sa Akin? Sino na ang kahit kailan ay inalis ng malaking pulang dragon dahil sa Akin? Sumapi na ang mga tao kay Satanas, mga bihasa sila sa pagsuway sa Akin, sila ang mga may-likha ng pagsalungat sa Akin, at sila ay mga nagsipagtapos sa pakikipagtawaran sa Akin. Para sa kapakanan ng sarili niyang tadhana, naghahanap ang tao dito at doon sa lupa; kapag kinakawayan Ko siya, nananatili siyang walang-pandama sa Aking pagiging-napakahalaga at patuloy siya sa pananampalataya sa kanyang pagsandig sa kanyang sarili, ayaw niyang maging isang pasanin sa iba. Mahalaga ang mga hangarin ng tao, gayunman walang kaninumang mga hangarin ang kailanman ay ganap na nakamit: Gumuguho silang lahat sa harapan Ko, bumabagsak nang tahimik.