Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ang tinig ng Diyos| Ang Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas

sansinukob, Sangkatauhan, Diyos, Paghatol, awa

Kidlat ng Silanganan| Ang tinig ng Diyos| Ang Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas

  Kapag umabot na sa rurok ang panahon ng paghatol, hindi Ko mamadaliin ang pagtapos sa Aking gawain, ngunit isasama Ko rito ang katibayan ng panahon ng pagkastigo at hahayaan Kong makita ng lahat ng bayan Ko ang katibayan na ito; at magdudulot ito ng mas maraming bunga. Ang katibayan na ito ang gagamitin Ko sa pagkastigo sa malaking pulang dragon, at hahayaan Kong makita ito ng Aking bayan upang mas higit nilang malaman ang Aking disposisyon. Ang panahon na matatamasa Ako ng Aking bayan ay kapag nakastigo na ang malaking pulang dragon. Ang sanhi ng pagtindig at paghihimagsik ng mga tao ng malaking pulang dragon ay ang Aking plano, at ang paraan ng pagperpekto Ko sa Aking bayan, at ito ay napakahusay na pagkakataon para lumago sa buhay ang bayan Ko. Kapag lumitaw ang maliwanag na buwan, agad masisira ang tahimik na gabi. Kahit nasa pilas-pilas ang buwan, masaya ang tao, at matiwasay na nakaupo sa ilalim ng liwanag ng buwan, hinahangaan niya ang magandang tanawin sa ilalim ng liwanag. Hindi mailarawan ng tao ang kanyang mga damdamin; parang gusto niyang ibalik ang kanyang mga saloobin sa nakaraan, parang nais niyang tumingin sa kinabukasan, na parang tinatamasa niya ang kasalukuyan. Makikita sa kanyang mukha ang isang ngiti, at may mabangong simoy sa nakalulugod na hangin; sa pag-ihip ng magiliw na lawiswis, mahahalata ng tao ang mabangong halimuyak, at tila nilasing siya nito at hindi niya magising ang kanyang sarili. Ito ang pinaka-oras na personal Akong pumupunta sa mga tao, at mas tumindi ang mabangong simoy na naaamoy ng tao, at sa gayong paraan tumatahan ang lahat ng tao sa gitna ng samyong ito. May kapayapaan Ako sa tao, nabubuhay siya na may magandang pakikisama sa Akin, hindi na siya pasaway sa kanyang pakitungo sa Akin, hindi Ko na pinupungos ang mga kakulangan ng tao, wala na sa mukha ng tao ang itsurang parang nababalisa, at hindi na banta ang kamatayan sa buong ng sangkatauhan. Ngayon, pasulong na Ako kasama ang tao sa panahon ng pagkastigo, pasulong na kasama siya sa Aking tabi. Ginagawa Ko ang Aking gawain, ang ibig sabihin, ihinampas Ko ang Aking tungkod sa kalagitnaan ng tao at tumama ito sa bahaging suwail ang tao. Sa mga mata ng tao, tila may mga kakaibang kapangyarihan ang tungkod Ko: Tumatama ito sa lahat ng mga kaaway Ko at hindi sila madaling makatatakas dito; sa gitna ng lahat ng sumasalungat sa Akin, ginagampanan ng tungkod ang likas niyang gamit; ginagampanan ng lahat ng mga nasa Aking kamay ang kanilang tungkulin ayon sa orihinal Kong layunin, at hindi nila kailanman sinuway ang mga kagustuhan Ko o nagbago sa kanilang diwa. Bilang resulta, uungol ang mga tubig, guguho ang mga bundok, mabubuwag ang mga malalaking ilog, magbabago palagi ang tao, lalabo ang araw, magdidilim ang buwan, hindi na mabubuhay ang tao nang may kapayapaan, mawawala na ang katahimikan sa lupa, ang mga kalangitan ay hindi na muling magiging mahinahon, at tahimik, at hindi na kailanman muling magtatagal. Mababago ang lahat ng mga bagay at mababawi ang kanilang orihinal na anyo. Magkakawatak-watak ang lahat ng mga kabahayan sa lupa, at mahahati-hati ang lahat ng mga bansa sa mundo; mawawala na ang mga araw ng pagbabalikan ng mag-asawa, hindi na muling magkikita ang ina at anak na lalaki, hindi na kailanman magtatagpo ang ama at anak na babae. Dudurugin Ko ang lahat ng mga bagay na dating nasa lupa. Hindi Ko bibigyan ng pagkakataon ang mga tao upang mailabas nila ang kanilang mga damdamin, sapagkat wala Akong mga damdamin, at natutunan Kong kamuhian ang mga damdamin ng mga tao sa isang antas. Dahil sa mga damdamin sa pagitan ng mga tao kaya Ako naitaboy sa isang tabi, kaya Ako ay naging “iba” sa kanilang paningin; dahil sa mga damdamin sa pagitan ng mga tao kaya Ako nakalimutan; dahil sa mga damdamin ng tao kaya niya sinamantala ang pagkakataong kunin ang kanyang “konsensya”; dahil sa mga damdamin ng tao kaya siya laging nanlulupaypay sa Aking pagkastigo; dahil sa mga damdamin ng tao kaya niya Ako tinatawag na hindi patas at hindi makatarungan, at sinasabing hindi Ko iniintindi ang mga damdamin ng tao sa Aking paghawak ng mga bagay-bagay. May kamag-anak din ba Ako sa mundo? Sino na ang naging katulad Ko, na nagtatrabaho sa araw at gabi, na hindi isinasaalang-alang ang pagkain o pagtulog, para sa kapakanan ng buong plano sa pamamahala Ko? Paano maihahambing ang tao sa Diyos? Paano siya magiging kaayon ng Diyos? Paano na ang Diyos, na lumilikha, ay maging kaparehong uri ng tao, na nilikha? Bakit lagi Akong naninirahan at kumikilos kasama ng tao sa lupa? Sino ang nag-aalala para sa Aking puso? Ang mga panalangin ba ng tao? Sumang-ayon Ako minsan na samahan ang tao at lumakad kasabay niya—at oo, nabubuhay ang tao hanggang ngayon sa ilalim ng Aking pag-aalaga at pag-iingat, ngunit kailan ang araw na maaaring humiwalay ang tao mula sa Aking pag-aalaga? Kahit hindi kailanman iningatan ng tao ang Aking puso, sino ang maaaring manatiling nabubuhay sa isang lupain na walang liwanag? Dahil lamang sa mga pagpapala Ko na nabubuhay ang tao hanggang ngayon.

Abril 4, 1992

Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Rekomendasyon:

Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia 
ng Makapangyarihang Diyos

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ikatlong bahagi)


Kidlat ng SilangananAng Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ikatlong bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ano ang nakikita mo dito? Kapag ang Diyos ay gumagawa bilang isang tao, marami sa Kanyang mga pamamaraan, mga salita, at mga katotohanan ay ipinapahayag lahat sa paraan ng tao. Ngunit gayundin sa disposisyon ng Diyos, kung anong mayroon at kung ano Siya, at ang Kanyang kalooban ay ipinahahayag para malaman at maintindihan ng mga tao. Kung ano ang kanilang nalaman at naintindihan ay eksaktong ang Kanyang diwa at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, na kumakatawan sa likas na pagkakakilanlan at kalagayan ng Diyos Mismo. Na ang ibig sabihin, ang Anak ng tao sa laman ay ipinahayag sa likas na disposisyon at diwa ng Diyos Mismo sa pinakamalawak na paraan hangga’t maaari at bilang tumpak hangga’t maaari. Hindi lamang sa ang pagkatao ng Anak ng tao ay hindi isang balakid o isang hadlang sa pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan sa Diyos na nasa langit, ngunit ito lamang talaga ang paraan at ang tanging tulay para sa mga tao upang makipag-ugnayan sa Panginoon ng paglikha.”
Rekomendasyon:
Ang Ebanghelyo  ay lumalaganap!
Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

Ang tinig ng Diyos|Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas

sansinukob, mga anghel, Diyos, Israel, Kaharian

Kidlat ng Silanganan| Ang tinig ng Diyos|Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas


   
Hindi kailanman nahipo ng pag-uugali ng tao ang Aking puso, ni hindi Ko kailanman naisip bilang mahalaga. Sa mata ng tao, laging mahigpit ang pagtrato Ko sa kanya, at lagi Kong pinapatupad ang awtoridad sa kanya. Sa lahat ng mga gawain ng tao, babahagyang bagay lamang ang nagawa para sa Akin, halos walang anumang nakatayong matatag sa Aking harapan. Sa huli, guguho sa harapan Ko nang hindi nahahalata ng lahat ng mga bagay na nauukol sa tao, at magiging maliwanag lamang sa ganoong panahon ang Aking mga gawain, makikilala Ako ng lahat ng tao dahil sa sarili nilang kabiguan. Ang kalikasan ng tao ay nananatiling hindi nagbabago. Kung ano ang nasa kaibuturan ng kanilang puso ay hindi alinsunod sa kalooban Ko— hindi ito ang kinakailangan Ko. Ang pinakakinamumuhian Ko sa lahat ay ang kasuwailan ng tao at ang kanyang pagbabalik sa dati, ngunit ano kayang kapangyarihan ang nag-uudyok sa kanila para magpatuloy sa pagiging banyaga sa Akin, upang manatiling nasa malayo, para hindi makakilos ng alinsunod sa Aking kalooban sa harapan Ko at sa halip tutulan Ako sa Aking likuran? Ito ba ang kanilang katapatan? Ito ba ang pag-ibig nila para sa Akin? Bakit hindi sila magsisi at maisilang na muli? Bakit magpakailanmang ginugusto ng mga tao ang mabuhay sa ilat sa halip na sa isang lugar na walang putik? Maaari kayang trinato Ko sila ng masama? Maaari kayang ipinahamak Ko lamang sila? Maaari kayang inakay Ko sila sa impiyerno? Lahat ay nagnanais manirahan sa “impiyerno.” Kapag dumating ang liwanag, kaagad na nabubulag ang kanilang mga mata, dahil ang lahat ng bagay na naimbak nila doon ay nagmumula sa impiyerno. Gayunman, sila’y ignorante sa mga ito, at tinatamasa lamang nila ang mga “makademonyong kasiyahan.” Niyayakap pa nila ang mga ito bilang mga kayamanang malapit sa kanilang mga dibdib na may matinding takot na aagawin Ko ito mula sa kanila, iiwan silang walang mapagkukunan ng kabuhayan. Takot ang mga tao sa Akin, kaya nananatili silang malayo mula sa Akin at namumuhing lumapit sa Akin kapag Ako’y dumating sa lupa, sapagkat ayaw nilang “gumawa ng gulo para sa kanilang mga sarili,” ang nais nila sa halip ay mapanatili ang isang mapayapang buhay pamilya upang matamasa nila ang “kaligayahan sa lupa.” Subalit hindi Ko maaaring pahintulutan na matupad ang kanilang mga kagustuhan, sapagkat ang pagsira sa kanilang mga pamilya ang dahilan kung bakit Ako nandito. Mula sa sandali ng Aking pagdating mawawala ang kapayapaan sa kanilang mga tahanan. Guguluhin Ko ang lahat ng mga bansa, kasama na ang mga pamilya. Sino ang kailanman makaliligtas mula sa Aking pagkakahawak? Paanong yaong mga nakatanggap ng mga pagpapala ay maaaring makaligtas sa bisa ng kanilang hindi kagustuhan? Paano makukuha kailanman ng mga taong nagdurusa sa pagkastigo ang Aking pakikiramay sa bisa ng kanilang takot? Sa lahat ng Aking mga salita, nakita ng mga tao ang Aking kalooban at mga gawa, ngunit sino ang maaaring kailanman makakaligtas mula sa gusot ng sarili niyang mga saloobin? Sino ang maaaring kailanman makahanap ng isang paraan upang makaalis mula sa loob o labas ng Aking mga salita?


Ang mga tao ay nakaranas ng Aking kasiglahan, matapat silang nagsilbi sa Akin at taos-pusong sumunod sa Akin at ginagawa nila ang lahat para sa Akin sa Aking presensya. Ngunit hindi magawang maabot ng mga tao ngayon ang ganitong pamumuhay, at humahagulgol na lamang sila sa kanilang mga espiritu na parang ninakaw ng isang matakaw na lobo. Maaari na lamang silang tumingin sa Akin nang may balisang naghihintay na mga mata, at dagdag pa rito ay nananatili silang sumisigaw para sa Aking tulong. Ngunit mula sa simula hanggang sa huli, hindi nila maaaring maalis ang kanilang mga sarili mula sa gusot. Naaalala Ko kung paano mangako ang mga tao noon sa Aking presensya, nanunumpa sila sa langit at lupa sa Aking presensya, upang bayaran ang Aking kagandahang-loob ng kanilang pagmamahal. Umiiyak silang may kalungkutan sa Aking harapan, at ang tunog ng mga iyak nila ay nakakasakit ng damdamin at mahirap na tiisin. Madalas Ko silang tulungan dahil sa kanilang mabuting kalooban. Hindi mabilang ang pagdating ng mga tao sa Aking harapan upang sumunod sa Akin, at hindi malilimutan ang kaibig-ibig nilang mga kaugalian. Hindi mabilang ang pagdating nila upang ibigin Ako nang may matibay na pananampalataya, at kahanga-hanga ang kanilang taos-pusong damdamin. Sa hindi mabilang na mga pagkakataon, inilagay nila sa panganib ang kanilang buhay upang mahalin Ako, para ibigin Ako nang higit pa sa kanilang mga sarili, at tinanggap Ko ang kanilang pag-ibig dahil nakita Ko ang kanilang katapatan. Sa hindi mabilang na mga pagkakataon, inialay nila ang kanilang mga sarili sa Aking presensya, hindi sila nabahala sa harap ng kamatayan para sa Akin, at inalis Ko ang pag-aalala sa kanilang mga mukha, at maingat Kong inintindi ang kanilang mga kalagayan. Maraming mga pagkakataon na inibig Ko sila na tulad ng sarili Kong kayamanan, at marami ring mga pagkakataon na kinamuhian Ko sila bilang sarili Kong kalaban. Dahil sa katauhan Ko—hindi nila kailanman maaaring hulaan ang nasa Aking isipan. Kapag malungkot ang mga tao, dumarating Ako upang aliwin sila, at kapag mahina sila, dumarating Ako upang tulungan sila. Binibigyan Ko sila ng direksyon kapag nawawala sila. Kapag sila’y umiyak, pinupunasan Ko ang kanilang mga luha. Gayunman, kapag malungkot Ako, sino ang maaaring makaaliw sa Akin sa pamamagitan ng kanilang mga puso? Kapag nag-aalala Ako, sino ang magsasaalang-alang sa Aking mga damdamin? Kapag nalulungkot Ako, sino ang makakapawi sa sakit na nararamdaman Ko? Kapag kailangan Ko ang isang tao, sino ang mag-aalok upang makipagtulungan sa Akin? Paanong maaaring ang nakaraan nilang saloobin sa Akin ay ngayon nawala na at hindi na maibabalik kailanman? Bakit walang natira na kahit kaunti sa kanilang mga alaala? Paanong nakalimutan ng mga tao ang lahat ng mga ito? Hindi kaya dahil ang sangkatauhan ay sinira ng kanyang mga kaaway?

Kapag ang mga anghel ay tumutugtog ng musika at pagtambulin ng papuri sa Akin, hindi Ko mapipigilan ang Aking pagkaawa sa tao. Bigla Akong nakakaramdam nang malubhang kalungkutan sa Aking puso, at mahirap pawiin sa Aking sarili ang masakit na damdaming ito. Sa mga kasiyahan at kalungkutan ng mahiwalay at pagkatapos ay muling mapaglakip sa tao, hindi kami nakapagpapalitan ng mga sentimyento. Magkabukod sa kaitaasan ng langit at sa ibaba sa lupa, hindi namin magawang magtagpo nang madalas. Sino kailanman ang maaaring makalaya mula sa galimgim? Sino kailanman ang maaaring makapigil sa pag-alala sa nakaraan? Sino ang hindi nasasabik na umasam sa pagpapatuloy ng masayang damdamin ng nakaraan? Sino ang hindi umaasa sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nagnanais sa muli Kong pakikiisa sa tao? Malalim ang pagkabagabag ng Aking puso, at matindi ang pag-aalala ng kanilang mga espiritu. Bagamat pareho ang aming mga espiritu, hindi kami maaaring magkasama nang madalas, at hindi namin maaaring makita ang isa’t isa nang palagian. Sa gayong paraan malalim ang pagkaagrabyado at walang sigla ang buhay ng sangkatauhan, kaya lagi silang nananabik sa Akin. Para silang mga bagay na bumagsak mula sa langit, isinisigaw nila ang pangalan Ko mula sa mundo, tumitingala sila sa Akin mula sa lupa—ngunit paano sila makakatakas mula sa bibig ng gutom na gutom na lobo? Paano nila maaaring palayain ang kanilang mga sarili mula sa pagbabanta at tukso nito? Paanong hindi nila kayang isakripisyo ang kanilang mga sarili sa pamamagitan nang pagsunod sa mga ayos ng Aking plano? Kapag malakas ang kanilang pagmamakaawa, inilalayo Ko ang mukha Ko sa kanila, hindi Ko na kayang saksihan ito; gayunpaman, paanong hindi Ko maririnig ang tunog ng mga naturang pag-iyak ng mga tao? Gusto Kong itama ang mga kawalan ng hustisya sa mundo ng tao. Personal Kong gagawin ang Aking trabaho sa buong mundo, hindi Ko na hahayaan si Satanas na muling saktan ang Aking bayan, pagbabawalan Ko ang mga kaaway na gawin muli ang anumang gusto nila. Magiging Hari Ako sa lupa at ililipat Ko ang Aking trono doon, payuyukuin Ko ang lahat ng Aking mga kaaway sa lupa at ikukumpisal nila ang mga krimeng nagawa sa Aking harapan. Lilipulin Ko ang buong sandaigdigan dahil sa magkahalong lungkot at galit Ko, sisindakin Ko ang lahat ng Aking mga kaaway at wala Akong ititira ni isa. Gusto Kong sirain ang mundo, at pababagsakin ang mga kaaway Ko sa mga nasira, na mula ngayon ay hindi na nila mapapasama ang sangkatauhan. Natukoy na ang Aking plano, at walang sinuman, maging sino man sila, ang maaaring makapagpabago nito. Habang naglilibot Ako sa marilag na parada sa ibabaw ng sandaigdigan, magkakaroon ng panibagong pananaw ang lahat ng mga tao, at mapapasigla ang lahat ng mga bagay. Hindi na sila iiyak, at hindi na sila sisigaw sa Akin para tulungan. Sa gayon magagalak ang Aking puso, at babalik ang mga tao upang makipagdiwang sa Akin. Magbubunyi ang buong sandaigdigan, mula sa itaas hanggang sa ibaba, dahil sa kagalakan …

Tinutupad Ko na ngayon ang gawain na itinakda Kong magawa sa iba’t-ibang bansa. Naglilibot Ako sa lahat, ginagawa Ko ang lahat ng Aking trabaho ayon sa Aking plano, at hinahati ng lahat ng tao ang mga bansa ayon sa Aking kalooban. Habang papalapit ang araw at pinapatunog ng mga anghel ang kanilang mga trumpeta, nakatutok lamang ang mga tao sa lupa sa sarili nilang hantungan. Wala nang pagkaantala sa oras o araw, at magsisimula nang sumayaw sa kagalakan ang lahat ng mga bagay. Sino ang maaaring kailanman makapagpapalawig sa Aking araw sa kanilang kalooban? Maaari kayang isang taga-lupa? Maaari kaya silang mga bituin sa kalangitan o ang mga anghel? Kapag Ako ay gumawa ng isang pagbigkas at sinimulan Ko ang kaligtasan ng mga tao ng Israel, nalalapit na ang araw Ko sa buong sangkatauhan. Kinatatakutan ng bawat tao ang pagbabalik ng Israel. Kapag bumalik ito, yan na ang araw ng kaluwalhatian Ko, at ang araw na mapapalitan ang lahat ng bagay at magiging bago. Sa pagdating ng matuwid na paghatol sa buong sandaigdigan, panghihinaan ng loob ang lahat at matatakot, dahil hindi pa nababalita ang pagkamatuwid sa mundo ng tao. Kapag lumitaw ang araw ng pagkamatuwid, maiilawan ang Silangan, at pagkatapos nito ay paliliwanagin nito ang buong sandaigdigan, na aabot sa lahat. Kung talagang magagawa ng tao ang Aking pagkamakatwiran, ano ang dapat na katakutan? Hinihintay ng lahat ng mga tao Ko ang pagdating ng Aking araw, inaasam nila ang pagdating ng araw Ko. Hinihintay nila Ako upang gantimpalaan ang buong sangkatauhan at para tukuyin ang kanilang hantungan bilang ang araw ng pagkamatuwid. Nahuhubog ang Aking kaharian sa buong sansinukob, at sinasakop ng Aking trono ang mga puso ng daan-daang milyon na mga tao. Sa tulong ng mga anghel, malapit nang matagumpay na maging ganap ang dakila Kong gawain. Sabik na hinihintay ng lahat ng Aking mga anak at ng Aking bayan ang Aking pagbabalik, inaasam nila ang muli Kong pakikisama sa kanila, na hindi na kailanman maghihiwalay muli. Sa pakikisalamuha Ko sa kanila, paanong hindi magdiriwang ang lahat ng mga tao sa Aking kaharian? Wala kayang halaga ang muling pagtitipon na ito? Marangal Ako sa mga mata ng lahat ng tao, ipinahahayag Ako sa mga salita ng lahat. Sa Aking pagbabalik, mas lalo Kong lulupigin ang lahat ng mga puwersa ng kaaway. Ang oras ay dumating na! Ipagpapatuloy Ko ang Aking gawain, maghahari Akong pinakadakila sa kalagitnaan ng tao! Babalik Ako! Aalis Ako! Ito ang inaasam ng lahat, ang kanilang inaasahan. Ang nais Ko ay tulutan ang lahat na makita ang pagdating ng Aking araw at malugod na salubungin ang pagdating ng Aking araw!


                                   Abril 2, 1992

Ang tinig ng Diyos| Ang tinig ng DiyosAng Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas

sansinukob, Kaalaman, Diyos, Israel, Kaharian

Kidlat ng Silanganan | Ang tinig ng Diyos| Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas


 Sino ang nanirahan sa Aking bahay? Sino ang nanindigan para sa Aking kapakanan? Sino ang nagdusa sa Aking ngalan? Sino ang nangako ng kanyang salita sa Aking harapan? Sino ang sumunod sa Akin hanggang sa kasalukuyan at gayon ay hindi nawalan ng malasakit? Bakit lahat ng mga tao ay malamig at walang pakiramdam? Bakit Ako ay iniwan ng sangkatauhan? Bakit napagod sa Akin ang sangkatauhan? Bakit walang kasiyahan sa mundo ng tao? Habang nasa Zion, nalasap ko ang kasiyahang nasa langit, at habang nasa Zion Ako ay nagtamasa ng pagpapalang nasa langit. Muli, Ako’y namuhay sa gitna ng sangkatauhan, nalasap Ko ang kapaitan sa mundo ng tao, nakita Ko sa Aking sariling mga mata ang lahat ng mga iba’t ibang mga kalagayan na umiiral sa gitna ng mga tao. Walang kamalay-malay, ang tao ay nagbago kasabay ng Aking pagbabago, at sa ganitong paraan lamang siya ay dumating sa kasalukuyang panahon. Ako ay hindi humihiling na gawin ng tao ang anumang bagay para sa Akin, at hindi Ko rin kinakailangan ang kanyang pagpaparami sa Aking pangalan. Nais ko lamang sa kanya ay maayon sa Aking plano, na hindi sumusuway sa Akin o nagdudulot ng marka ng kahihiyan sa Akin, at upang madala ng umaalingawngaw na pagpapatotoo sa Akin. Sa mga tao, mayroong mga taong nagdala sa Akin ng mahusay na patotoo at niluwalhati Ang Aking pangalan, ngunit paano ang mga gawain ng tao, ang pag-uugali ng tao ay posibleng makapagpasaya sa Aking puso? Paano niya posibleng matugunan ang Aking pagnanais o matupad ang Aking kalooban? Sa mga bundok at tubig sa ibabaw ng lupa, at ang mga bulaklak, damo, at mga puno sa lupa, walang sinuman ang nagpapakita ng mga gawa ng Aking mga kamay, wala ni isang umiiral para sa Aking pangalan. Ngunit bakit hindi maabot ng tao ang mga pamantayan ng Aking hinihiling? Maaari bang dahil ito sa kanyang kasuklam-suklam na kababaan? Maaari bang dahil ito sa Aking pagpapa-angat sa kanya? Maaari bang masyado Akong malupit sa kanya? Bakit ang tao ay laging sobrang natatakot sa Aking mga hinihiling? Ngayon, bukod sa napakaraming tao sa kaharian, bakit ba kayo ay nakikinig lamang sa Aking tinig ngunit hindi nais na makita ang Aking mukha? Bakit tumitingin lamang kayo sa Aking mga salita na hindi sinusubukang itugma ang mga ito sa Aking Espiritu? Bakit patuloy niyo Akong pinaglalayo sa ibabaw ng langit at sa ibaba ng lupa? Maaari bang Ako, kapag Ako ay nasa lupa, ay hindi ang parehong Ako kapag ako ay nasa langit? Maaari bang Ako, kapag Ako ay nasa langit, ay hindi makababa sa lupa? Maaari bang Ako, kapag Ako ay nasa lupa, ay hindi karapat-dapat na dalhin sa langit? Tila bang Ako, kapag Ako ay nasa lupa, ay isang mababang-loob na nilalang, na parang Ako, kapag ako ay nasa langit, ay dinakilang nilalang, at para bang mayroong namamalagi sa pagitan ng langit at lupa na isang hindi matawirang bangin. Ngunit sa mundo ng mga tao tila sila ay walang nalalaman sa mga pinagmulan ng mga bagay na ito, ngunit ang lahat ay nagsama-sama upang sumalungat sa Akin, na tila ang Aking mga salita ay may tunog lamang at walang kahulugan. Ang lahat ng tao ay gumugol ng pagsisikap sa Aking mga salita, nagsasagawa ng pagsisiyasat sa kanilang sarili sa Aking panlabas na anyo, ngunit lahat sila ay humantong sa pagkabigo, nang walang anumang mga resulta na maipakita, ngunit sa halip ay pinabagsak ng Aking mga salita at hindi na maglakas-loob na muling tumayo.

Christian Family Film Festival: Chronicles of Religious Persecution in China – Silver Medal Winner



  Christian Family Film Festival: Chronicles of Religious Persecution in China – Silver Medal Winner


On October 1, 2017, the three-day Christian Family Film Festival in Ellington, New York came to a close. The full human rights documentary produced by The Church of Almighty God, Chronicles of Religious Persecution in China, stood out from the crowd among a number of the films shown, winning the silver medal. This documentary, a true account of the Chinese Communist government’s wanton violations of human rights and brutal murders of Christians, provides international society with a deeper understanding of the inside story of the Chinese government’s oppression of religious faith, offering detailed and powerful evidence. The film has received widespread attention and praise since its release.

Tagalog Christian Movie | "Ang Sandali ng Pagbabago" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven



Tagalog Christian Movie | "Ang Sandali ng Pagbabago" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven



Si Su Mingyue ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia sa mainland China. Sa paglipas ng mga taon, naging tapat na lingkod siya ng Panginoon na nagpipilit mangaral para sa Panginoon at magpasan ng pasanin ng gawain para sa iglesia. Sumusunod siya sa salita ni Pablo sa Biblia, dama na sapat na ang manalig sa Panginoon para matawag na matuwid at maligtas sa pamamagitan ng biyaya. Kahit patuloy pa ring nagkakasala ang tao, napatawad na ng Panginoon ang kanyang mga kasalanan, agad babaguhin ang kanyang imahe para maging banal at iaangat siya sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon. Gayunman, sa nagdaang mga taon, lubhang naging mapanglaw ang iglesia, naging negatibo at mahina ang lahat ng nananalig, nanlamig ang kanilang pananampalataya at pagmamahal. Ang ilang mga katrabaho ay sumusunod sa salita ng Panginoon: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.” Pinagdududahan nila ang paniwala na “Pagdating ng Panginoon, agad Niyang babaguhin ang imahe ng tao at iaangat siya sa kaharian ng langit.” Nadarama nila na dahil patuloy pa rin tayong nagkakasala, hindi pa rin natin natatamo ang kabanalan at sinusuway natin ang kalooban ng Diyos, tayo maiaangat sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon? Matapos makipag-usap at makipagtalo, nadarama ni Su Mingyue na, may ilang kontradiksyon sa pagitan ng salita ng Panginoon at ng ideya ni Pablo na agad babaguhin ang imahe ng tao pagdating ng Panginoon. Aling ideya ba naman ang tama? Problemado at nalilito ang puso ni Su Mingyue. Para makakita ng isang iglesia na may gawain ng Banal na Espiritu upang lutasin ang kanyang praktikal na pagkalito, para hindi siya pabayaan ng Panginoon, nagpasiya si Su Mingyue na pag-aralan ang Kidlat ng Silanganan. Sa pakikipagtalo at pakikipag-usap sa mga mangangaral ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, sa huli ay naunawaan ni Su Mingyue at ng iba ang tanging landas papasok sa kaharian ng langit …
Rekomendasyon:
Ang Ebanghelyo  ay lumalaganap!
Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong  Jesus

Ang Kalooban ng Diyos| Ang Ikadalawampu’t-lima na Pagbigkas

sansinukob, Kaalaman, Diyos, Kaharian,  buhay

Kidlat ng Silanganan| Ang Kalooban ng Diyos| Ang Ikadalawampu’t-lima na Pagbigkas



  Lumilipas ang oras, at sa isang kisap-mata ang araw na ito ay dumating. Sa ilalim ng paggabay ng Aking Espiritu, ang lahat ng tao ay namumuhay sa gitna ng Aking liwanag, at walang sinuman ang nag-iisip ng nakalipas o pag-iintindi sa kahapon. Sino ang hindi kailanman nabuhay sa kasalukuyan? Sino ang hindi gumugol ng mga kahanga-hangang araw at buwan sa kaharian? Sino ang hindi nabuhay sa ilalim ng araw? Bagaman ang kaharian ay bumaba sa sangkatauhan, walang sinuman ang totoong nakaranas ng kasiglahan nito; ang mga tao ay itinuturing ito mula sa labas lamang, di-nakauunawa ng substansya nito. Sa panahon nang mabuo ang Aking kaharian, sino ang hindi nagagalak dahil dito? Maaari ba na ang mga bansa sa daigdig ay makatakas? Talaga nga ba na ang malaking pulang dragon ay may kakayahang makatakas salamat sa kanyang katusuhan? Ang Aking mga kautusan ng pamamahala ay inihayag sa buong sansinukob, itinatatag nila ang Aking awtoridad sa lahat ng mga tao at gumagana sa buong kosmos; gayon pa man, ang tao ay hindi tunay na batid ito. Nang ang Aking mga kautusan ng pamamahala ay inihayag sa sansinukob ay gayun din kapag ang Aking gawa sa lupa ay malapit nang maging ganap. Kapag Ako ay namuno at humawak ng kapangyarihan sa lahat ng mga tao at kapag Ako ay kinilala bilang ang isang Diyos Mismo, ang Aking kaharian ay lubos nang mananaog sa lupa. Ngayon, lahat ng tao ay may bagong simula sa pamamagitan ng bagong landas. Sinimulan nila ang isang bagong buhay, gayon pa man walang sinuman ang tunay na nakaranas ng isang buhay sa lupa katulad ng sa langit. Kayo ba ay tunay na nabubuhay sa gitna ng Aking liwanag? Kayo ba ay tunay na nabubuhay sa gitna ng Aking mga salita? Sino ang hindi nagbigay paglingap sa kanilang mga sariling inaasam? Sino ang hindi namimighati sa kanilang sariling kapalaran? Sino ang hindi nagpupumiglas sa gitna ng dagat ng kadalamhatian? Sino ang hindi nais na palayain ang kanilang mga sarili? Ang mga pagpapala ng kaharian ba ang kapalit ng hirap sa trabaho ng mga tao sa lupa? Maaari nga ba na ang lahat ng mga hinahangad ng tao ay matupad ayon sa kanyang mga pagnanais? Minsan Ko nang iniharap ang magandang tanawin ng kaharian sa harap ng tao, gayon pa man siya lamang ay tinitigan ito nang may mga sakim na mata at walang sinuman ang naghangad na pasukin ito. Minsan Ko nang “iniulat” ang tunay na sitwasyon sa lupa para sa tao, ngunit siya ay nakinig lamang, at siya ay hindi hinarap nang may puso ang mga salitang nagmula sa Aking bibig; Minsan Ko nang sinabi sa sangkatauhan ang mga kalagayan sa langit, gayon pa man ang Aking mga salita ay itinuring niya bilang mga kahanga-hangang kwento, at hindi talagang tinanggap ang inilarawan ng Aking bibig. Ngayon, ang mga tagpo ng kaharian ay sumalimbay sa sangkatauhan, ngunit meron ba na “tumawid sa rurok at kapatagan” sa paghahanap nito? Kung wala ang Aking panghihimok, ang tao ay hindi pa rin magigising mula sa kanyang mga panaginip. Siya nga ba kaya ay tunay na nabighani sa kanyang buhay sa lupa? Wala nga bang mataas na pamantayan sa kanyang puso?