Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Kidlat ng Silanganan| Pelikulang Kristiano| App



Kidlat ng Silanganan| Pelikulang Kristiano| App



To fulfill the strong desire of people from various backgrounds to study God’s work in the last days, The Church of Almighty God has released its first mobile app. This app contains e-books, music, and videos. This includes millions of words expressed by Christ of the last days—Almighty God, original songs recorded by The Church of Almighty God and many other movies and videos about the gospel. We welcome all those who investigate the true way to use this app.
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
Rekomendasyon:
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

Pelikulang Kristiano| Ang Landas bang Binabatikos ng CCP at ng Relihiyosong Samahan ay Hindi ang Tunay na Daan?



Kidlat ng Silanganan| Pelikulang Kristiano| Ang Landas bang Binabatikos ng CCP at ng Relihiyosong Samahan ay Hindi ang Tunay na Daan?


Maraming tao ang naghahanap at nagsisiyasat sa tunay na daan nang hindi binabatay ang mga pagkilos na ito sa mga salita at gawain ng Diyos. Sa halip, sinusunod nila ang mga takbo ng relihiyosong mundo at naniniwala sila na ang binabatikos ng Komunistang gobyerno ng Tsina at ng relihiyosong mundo ay hindi ang tunay na daan—ito ba ang tamang daan para tahakin? Sinasabi ng Biblia, “ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama” (1 Juan 5: 19). “Ang lahing ito’y isang masamang lahi” (Lucas 11: 29). Kung kaya, makikita na ang mga ateistang politikal na rehimen at ang relihiyosong mundo ay tiyak na itatakwil at babatikusin ang tunay na daan. Noong ginawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain noong Kapanahunan ng Biyaya, gigil na gigil Siyang sinalungat at hinatulan ng mga Judio at ng gobyerno ng Roma, at sa huli, ipinako sa krus ang Panginoong Jesus. Hindi ba ito ang tunay na sitwasyon? Kapag dumating ang Makapangyarihang Diyos para gawin ang Kanyang gawain sa mga huling araw, magdudusa Siya sa mabagsik na pagsuway at pambabatikos ng gobyerno ng Tsina at ng relihiyosong mundo. Ano ang ipinapakita nito? Hindi ba karapat-dapat na pagnilayan natin ito?
Rekomendasyon:
Ang Ebanghelyo  ay lumalaganap!
 Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal

Ang tinig ng Diyos| Pakahulugan ng Ang Ika-tatlumpu’t tatlong Pagbigkas

 Diyos, Pagbigkas, Kaalaman, Propesiya, gawai

Kidlat ng Silanganan| Ang tinig ng Diyos| Pakahulugan ng Ang Ika-tatlumpu’t tatlong Pagbigkas


  Sa katotohanan, batay sa ginawa ng Diyos sa mga tao, at ibinigay sa kanila, pati na rin ang siyang pagmamay-ari ng mga tao, maaaring sabihin na hindi labis ang Kanyang mga hinihiling sa mga tao, na hindi Siya humihingi ng sobra sa kanila. Paano, kung gayon, nila maaaring hindi subukang pasiyahin ang Diyos? Nagbibigay ang Diyos ng isandaang porsyento sa tao, ngunit hinihiling lamang Niya ang isang maliit na bahagi ng mga tao—paghingi ba ito nang sobra-sobra? Gumagawa ba ang Diyos ng gulo mula sa wala? Kadalasan, hindi kilala ng mga tao ang kanilang mga sarili, hindi nila sinusuri ang kanilang mga sarili sa harap ng Diyos, at kaya mayroong mga kadalasang pagkakataon na sila ay nasisilo—paano kaya ito maituturing na pakikipagtulungan sa Diyos? Kung mayroon mang oras na hindi nagpataw ang Diyos ng mabigat na pasanin sa mga tao, guguho sila na parang putik, at hindi nila aakuhin sa kanilang mga sarili na maghanap ng mga maaaring gawin. Ganyan ang mga tao, alinman sa walang pasubali o negatibo, kailanma’y walang kakayahan na aktibong makiisa sa Diyos, palaging naghahanap ng negatibong dahilan upang magpatalo sa kanilang mga sarili. Tunay ka bang isang tao na gumagawa ng lahat hindi para sa kanilang mga sarili, ngunit upang pasiyahin ang Diyos? Tunay ka bang isang tao na hindi tumutupad sa mga pangangailangan ng gawain ng Diyos bilang resulta ng kanilang mga sariling emosyon o mga kagustuhan? “Bakit nila palaging sinusubukang makipagtawaran sa Akin? Punong tagapamahala ba Ako ng isang sentro ng kalakalan? Bakit Ko kaya isinasakatuparan nang buong puso ang hinihingi ng mga tao sa Akin, habang nauuwi lang sa wala ang hinihingi Ko mula sa tao?” Bakit hinihingi ng Diyos ang mga bagay na iyon nang maraming beses nang sunud-sunod? Kung gayon bakit Siya umiiyak sa sama ng loob? Walang napala ang Diyos sa mga tao, ang lahat lamang ng nakikita Niya ay ang gawa na kanilang kinukuha at pinipili. Bakit sinasabi ng Diyos, “habang nauuwi lang sa wala ang hinihingi Ko mula sa tao”? Tanungin ninyo ang inyong mga sarili: Mula simula hanggang huli, sino ang kayang gumawa ng gawain ng kanilang tungkulin nang walang anumang pagpipilian? Sino ang hindi kikilos nang ayon sa “mga damdamin sa kanilang mga puso”? Nagbibigay ang mga tao ng kalayaan sa kanilang mga karakter, nangingisda sa loob ng tatlong araw at iniiwan ang mga lambat upang matuyo sa loob ng dalawang araw. Umiinit at lumalamig ang mga ito nang salitan: Kapag mainit ang mga ito, kaya ng mga ito na sirain ang lahat ng bagay sa mundo, at kapag malamig ang mga ito, kaya ng mga ito na pagyeluhin ang lahat ng mga tubig sa daigdig. Hindi ito ang “silbi” ng tao, ngunit ito ang pinakaangkop na pagkakatulad sa estado ng tao. Hindi ba ito totoo? Marahil mayroon Akong “mga pagkaintindi” sa tao, marahil sinisiraan Ko sila ng puri—ngunit gayunman, “Kung may katotohanan lalakaran mo ang buong mundo; kung wala ang katotohanan, wala kang mararating.” Kahit na isa itong talinghaga ng tao, sa tingin Ko nararapat itong gamitin dito. Hindi Ko sinasadyang pahintuin ang mga tao at itanggi ang kanilang mga ginagawa. Hayaan ninyong konsultahin Ko kayo ukol sa ilang mga tanong: Sino ang nakakakita sa gawa ng Diyos bilang ang gawa ng kanilang sariling tungkulin? Sino ang makapagsasabi, “Hangga’t kaya kong pasiyahin ang Diyos, ibibigay ko ang aking lahat”? Sino ang makapagsasabi, “Hindi alintana ang iba, gagawin ko ang lahat ng kinakailangan ng Diyos, at kahit pa gaano kahaba o kaikli ang gawain ng Diyos, marapat kong tuparin ang aking tungkulin; trabaho ng Diyos ang pagdadala ng Kanyang gawain sa katapusan, hindi ito isang bagay na iniisip ko”? Sino ang may kakayahan sa ganoong kaalaman? Hindi mahalaga ang inyong palagay—marahil mayroon kang mas mataas na mga kabatiran, kung saan Aking tinatanggap, inaamin Ko ang pagkatalo—ngunit dapat Kong sabihin sa inyo na isang tapat na puso na dalisay at marubdob ang nais ng Diyos, hindi ang puso ng isang lobo na walang utang na loob. Ano ang alam ninyo sa “pagtatawarang” ito? Mula simula hanggang huli, “nilalakbay na ninyo ang mundo.” Sa isang sandali kayo ay nasa “Kunming,” sa walang hanggan nitong batis, at sa isang kisapmata makararating na kayo sa malupit na lamig at nababalot ng niyebeng “Polong Timog.” Sino ang hindi na nakabalik pa sa kanilang mga sarili? Isang espiritu na “Walang pahinga hanggang kamatayan” ang hinihingi ng Diyos, ang nais Niya ay isa na siyang “hindi tatalikuran ng mga tao hanggang marating nila ang pader ng timog.” Natural, ang intensyon ng Diyos ay hindi para piliin ng mga tao ang maling daan, ngunit upang kupkupin ang ganoong espiritu. Kagaya ng sinasabi ng Diyos, “Kapag inihahambing Ko ang mga “regalo” na ibinigay nila sa Aking mga bagay, agad napapansin ng mga tao ang Aking kahalagahan, at saka lamang nila nakikita ang Aking kalakihan.” Paano maipaliliwanag ang mga salitang ito? Marahil, binibigyan ka ng kaunting kaalaman ng pagbabasa ng mga unang nabanggit na salita, dahil tinatanggal ng Diyos ang buong puso ng tao para sa paghihimay, sa anong oras na malaman ng mga tao ang mga salitang ito. Ngunit dahil sa malalim na kahulugan sa loob ng mga salita ng Diyos, nananatili ang mga taong hindi nalilinawan tungkol sa “lumang katawan,” dahil hindi sila nag-aral sa isang medikal na unibersidad, ni hindi sila mga arkeologo, at kaya nararamdaman nila na hindi kayang unawain ang bagong terminong ito—at doon lamang sila nagpadadaig nang bahagya. Dahil ang mga tao ay walang kapangyarihan sa harap ng lumang katawan; kahit na hindi ito tulad ng isang mabangis na halimaw, ni hindi nito kayang lipulin ang sangkatauhan gaya ng isang bombang atomiko, hindi nila alam kung ano ang gagawin dito, na para bang wala silang kapangyarihan. Ngunit sa Akin, mayroong mga paraan ng pakikitungo sa lumang katawan. Hindi kailanman gumagawa ng pagsisikap ang tao na mag-isip ng isang pangontra na siyang naghatid sa iba’t ibang uri ng kaibahan ng tao na madalas na nagpapakita sa Aking mga mata; kagaya ng sinabi ng Diyos: “Kapag ipinapakita Ko sa kanila ang Aking kabuuan, tinitingnan nila Ako nang may dilat na mga mata, nakatayo sa harapan Ko nang hindi gumagalaw, kagaya ng isang haliging asin. At kapag pinagmamasdan Ko ang kanilang kaibahan, nahihirapan Akong pigilan ang Aking sarili sa pagtawa. Dahil nagpaparamdam sila upang humingi ng mga bagay mula sa Akin, binibigyan Ko sila ng mga bagay na nasa Aking kamay, at hinahawakan nila ito sa kanilang dibdib, iniingatan ang mga ito kagaya ng isang bagong-silang na sanggol, isang gawi na kanilang ginagawa lang sa ilang sandali.” Hindi ba mga gawa ito ng lumang katawan? Dahil, ngayon, naiintindihan ng mga tao, bakit hindi sila tumatalikod, at bagkus ay nagpapatuloy pa? Sa katunayan, hindi kayang matamo ng tao ang isang bahagi ng mga kinakailangan ng Diyos, ngunit hindi pinakikinggan ng mga tao ang mga ito, dahil “hindi Ko kinakastigo nang magaan ang tao. Sa kadahilanang ito na palaging nabibigyan ang mga tao ng kalayaan na pamahalaan ang kanilang katawan. Hindi nila sinusunod ang Aking kalooban, ngunit hindi kailanman Ako nilinlang sa Aking hukuman” Hindi ba ito ang katayuan ng tao? Hindi sa sinasadya ng Diyos na maghanap ng mali, ngunit isa itong katotohanan—dapat bang ipaliwanag ito ng Diyos? Kagaya ng sinasabi ng Diyos, “Ito ay dahil ang pananampalataya ng mga tao ay labis na dakila na sila ay “kahanga-hanga.” Sa kadahilanang ito, sinusunod Ko ang mga pagsasaayos ng Diyos, at kaya hindi Ako masyadong nagsasabi ng patungkol dito; dahil sa pananampalaya ng mga tao, susunggaban Ko ito, ginagamit ang kanilang pananampalataya upang dulutan sila na isagawa ang kanilang tungkulin nang wala Ako na nagpapaalala sa kanila. Mali bang gawin ito? Hindi ba ito ang tiyak na kailangan ng Diyos? Marahil, sa sandaling marinig ang ganoong mga salita, maaaring makaramdam ng pagkasuya ang ilang mga tao—kaya magsasalita Ako tungkol sa ibang bagay, upang bigyan sila ng kaunting kalayaan. Kapag sumailalim na sa pagkastigo ang lahat ng mga napiling tao ng Diyos sa sansinukob, at kapag naituwid ang estado sa kaibuturan ng tao, palihim na magbubunyi ang mga tao sa kanilang mga puso, na para bang nakatakas sila sa kapighatian. Sa sandaling ito, hindi na mamimili ang mga tao para sa kanilang mga sarili, dahil ito mismo ang epekto na natamo sa panahon ng huling gawain ng Diyos. Sa Kanyang mga hakbang na nagpatuloy hanggang sa ngayon, sumailalim lahat ang mga anak ng Diyos at ang mga tao sa pagkastigo, at hindi rin makaliligtas ang mga Israelita sa yugtong ito, dahil nabahiran ang mga tao ng karumihan sa loob, at kaya dinadala ng Diyos ang lahat ng tao na pumasok sa dakilang tunawang hurno para sa pagpipino, na isang kinakailangan na daan. Sa sandaling lumampas ito, muling mabubuhay mula sa kamatayan ang mga tao, na siyang tiyak na naunang sinabi ng Diyos sa “Nagsasalita ang Pitong Espiritu.” Hindi na Ako magsalita pa ng tungkol dito, upang hindi na makagalit ng mga tao. Dahil ang gawain ng Diyos ay nakamamangha, dapat sa wakas ay matamo ang mga propesiya na winika ng bibig ng Diyos; kapag hinihiling ng Diyos na magsasalita na naman ang mga tao ukol sa kanilang mga pagkaintindi, labis silang namamangha, at kaya walang sinuman ang dapat na mag-alala o mabalisa. Kagaya ng sinabi Ko, “Sa lahat ng Aking gawain, kailanman ba’y mayroong isang hakbang na isinagawa ng mga kamay ng tao?” Nauunawaan mo ba ang diwa ng mga salitang ito?
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:
Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!
Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal

The Chinese Communist Party Uses “Cult” as a Pretext to Persecute Religious Beliefs | What’s a Cult?




The Chinese Communist Party Uses “Cult” as a Pretext to Persecute Religious Beliefs | What’s a Cult?


Since the Chinese Communist Party took power, it has been frantically suppressing religious beliefs. The Chinese Communist Party’s religious policy and China’s human rights conditions have been roundly denounced by democratic countries and international human rights organizations. China’s definition of “cult” and its use of cult as a pretext to attack religious beliefs have particularly drawn serious doubts and criticisms of the international community. The guests in this episode are Professor Massimo Introvigne, founder and director of the Center for Studies on New Religions in Italy and Professor Holly Folk from the University of Western Washington of the United States. They have an in-depth discussion and exchange of views on the CCP’s definition of “cult” and on the issue of the CCP’s condemnation of The Church of Almighty God under the pretext of cult. So, how do the professors look at the CCP’s use of cult as a pretext to suppress and persecute religious beliefs? Please have a look!
Recommendation:
Gospel Is Being Spread!
The Eastern Lightning—The Light of Salvation
The Church of Almighty God was founded by the returned Lord Jesus personally in the last days

Kristianong video| Ang Pagsunod ba sa Yaong nasa Kapangyarihan ay Talagang Pareho sa Pagsunod sa Diyos?



Kidlat ng Silanganan|  Kristianong video|  Ang Pagsunod ba sa Yaong nasa Kapangyarihan ay Talagang Pareho sa Pagsunod sa Diyos?

Sa Biblia, sabi ni Pablo, “Ang bawa’t kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagka’t walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao’y hinirang ng Dios. Kaya nga’t ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Dios sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili. (Roma 13: 1-2). Paano ang pagtrato nating mga mananampalataya sa yaong nasa kapangyarihan? Ang pagsunod ba sa yaong nasa kapangyarihan ay talagang pareho sa pagsunod sa Diyos?
Rekomendasyon:
Ang Ebanghelyo  ay lumalaganap!
Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos
 Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Ang tinig ng Diyos| Interpretasyon sa Ikatatlumpu’t dalawang Pagbigkas

sansinukob, Job, salita ng Diyos, Pedro, Pablo

Kidlat ng Silanganan| Ang tinig ng Diyos| Interpretasyon sa Ikatatlumpu’t dalawang Pagbigkas


  Iniiwan ng mga salita ng Diyos ang mga tao na nagkakamot ng kanilang mga ulo; ito ay para bang, kapag Siya ay nagsasalita, iniiwasan ng Diyos ang tao at nagsasalita sa hangin, na parang wala Siyang kahit anong iniisip na pag-ukulan ng anumang pansin ang mga gawa ng tao, at ganap na walang pakialam sa tayog ng mga tao, na para bang ang mga salitang Kanyang sinasalita ay hindi nakatuon sa mga pagkaintindi ng mga tao, kundi umiiwas sa tao, gaya ng orihinal na hangarin ng Diyos. Sa maraming kadahilanan, ang mga salita ng Diyos ay di-matarok at di-mapasok ng tao. Hindi ito nakakagulat. Ang orihinal na layunin ng lahat ng mga salita ng Diyos ay hindi para magkamit ang mga tao ng kaalaman tungkol sa mga pamamaraan o tanging kasanayan mula sa mga iyon; sa halip, ang mga iyon ay isa sa mga pamamaraan kung saan sa pamamagitan nito ay nakagawa ang Diyos mula sa simula hanggang sa ngayon. Sabihin pa, mula sa mga salita ng Diyos ang mga tao ay nakatamo ng mga bagay-bagay kaugnay sa mga hiwaga, o mga bagay-bagay hinggil kay Pedro, Pablo, at Job—nguni’t ito ang dapat nilang makamtan, at kung ano ang kaya nilang makamtan, at, gaya ng akma sa kanilang tayog, narating na nito ang taluktok nito. Bakit ganoon na ang resulta na hinihingi ng Diyos na makamit ay hindi mataas, gayunman ay nakapagsalita Siya ng napakaraming mga salita? Ito ay kaugnay sa pagkastigo na Kanyang sinasalita, at likas lamang, ito ay nakakamit lahat nang hindi natatanto ng mga tao. Ngayon, ang mga tao ay nagtitiis ng higit na pagdurusa sa ilalim ng mga pagsalakay ng mga salita ng Diyos. Sa ibabaw, walang sinuman sa kanila ang tila napakitunguhan, ang mga tao ay nagsimulang mapalaya sa paggawa ng kanilang gawain, at ang mga taga-serbisyo ay naitaas bilang mga tao ng Diyos—at dito, nakikita sa mga tao na sila ay nakapasok sa pagtatamasa. Sa katunayan, ang realidad ay, mula pagpipino, sila ay nakapasok tungo sa mas mahigpit na pagkastigo. Gaya ng sinasabi ng Diyos, “Ang mga yugto ng Aking gawain ay malápít na nakaugnay ang isa sa kasunod, bawa’t isa ay higit na mas mataas.” Iniahon ng Diyos ang mga taga-serbisyo mula sa walang-hanggang kalaliman at ibinulid sila tungo sa lawa ng apoy at asupre, kung saan ang pagkastigo ay higit na nakakapighatî. Sa gayon, sila ay nagdurusa ng mas matinding paghihirap, kung saan mula rito ay bahagya na silang makatatakas. Hindi ba’t ang gayong pagkastigo ay mas nakakapighatî? Yamang nakapasok sa isang mas mataas na kinasasaklawan, bakit ganito na ang mga tao ay nakadarama ng kalungkutan sa halip na anumang kasayahan? Bakit sinasabi na yamang napalaya mula sa mga kamay ni Satanas, sila ay ibinigay sa malaking pulang dragon? Natatandaan mo ba nang sinabi ng Diyos, “Ang huling bahagi ng gawain ay natapos sa tahanan ng malaking pulang dragon”? Naaalaala mo ba nang sinabi ng Diyos, “Ang huling paghihirap ay nagpapatotoo nang malakas at umaalingawngaw para sa Diyos sa harap ng malaking pulang dragon”? Kung ang mga tao ay hindi naibigay sa malaking pulang dragon, paano sila magpapatotoo sa harap nito? Sino ang kahit kailan ay nakabigkas ng mga salitang gaya ng “Natalo ko ang dyablo” matapos silang magpakamatay? Ang magpakamatay pagkatapos na ituring ang kanilang laman bilang ang kaaway—nasaan ang tunay na kahalagahan nito? Bakit nagsalita ang Diyos nang ganoon? “Hindi Ako tumitingin sa mga peklat ng mga tao, kundi sa bahagi nila na walang peklat, at mula rito Ako ay nasisiyahan.” Kung inaasam ng Diyos na yaong mga walang peklat ay maging Kanyang pagpapahayag, bakit Siya matiyaga at masigasig na nagsalita ng napakaraming salita mula sa pananaw ng tao upang labanan ang mga pagkaintindi ng mga tao? Bakit Siya mag-aabala para doon? Bakit Siya magpapakahirap na gawin ang gayong bagay? Kaya ito ay nagpapakita na may tunay na kahalagahan sa pagsasakatawang-tao ng Diyos, na hindi Niya “babalewalain” ang laman matapos maging nagkatawang-taong laman at tapusin ang Kanyang gawain. Bakit sinasabi na “ang ginto ay hindi magiging dalisay at ang tao ay hindi magiging perpekto”? Paano maipaliliwanag ang mga salitang ito? Ano ang kahulugan kapag ang Diyos ay nagsasalita tungkol sa esensya ng tao? Sa mga mata ng mga tao, ang laman ay nagpapakitang walang kakayahang gawin ang anumang bagay, o kaya ay masyadong kulang. Sa mga mata ng Diyos, ito ay hindi kailanman mahalaga—nguni’t sa tao, ito ay malaking usápín. Para bang sila ay lubos na walang kakayahang lutasin ito at ito ay dapat na personal na hawakan ng isang katawang makalangit—hindi ba ito pagkaintindi ng mga tao? “Sa mga mata ng mga tao, Ako ay isang ‘maliit na bituin’ na bumaba mula sa kalangitan, isang maliit na bituin sa langit, at ang Aking pagdating sa lupa ngayon ay pagsusugo ng Diyos. Bilang resulta, ang mga tao ay nakabuo ng marami pang mga pakahulugan sa mga salitang ‘Ako’ at ‘Diyos’.” Yamang ang mga tao ay walang kabuluhan, bakit ibinubunyag ng Diyos ang kanilang mga pagkaintindi mula sa iba’t ibang mga pananaw? Maaari kayang ito rin ay karunungan ng Diyos? Hindi ba katawa-tawa ang gayong mga salita? Gaya ng sinasabi ng Diyos, “Bagaman mayroong pagkakalagyan na naitatag Ko sa mga puso ng mga tao, hindi nila kinakailangan na manahan Ako roon. Sa halip, sila ay naghihintay para sa “Banal na Isa” sa kanilang mga puso na biglang darating. Sapagka’t ang Aking pagkakakilanlan ay masyadong mababa, hindi Ako nakakatapat sa mga hinihingi ng mga tao at sa gayon ay inaalis nila.” Dahil ang tantiya ng mga tao sa Diyos ay “napakataas,” maraming mga bagay ang “hindi-kayang-makamit” para sa Diyos, na naglalagay sa Kanya sa “mahirap na kalagayan.” Bahagya lamang nababatid ng mga tao na ang hinihingi nila sa Diyos na makayang gawin ay kanilang mga pagkaintindi. At hindi ba’t ito ang tunay na kahulugan ng “Ang isang matalas na tao ay maaaring maging biktima ng kanyang sariling katalinuhan”? Ito ay tunay na isang halimbawa ng “matalas sa pangkalahatan, nguni’t sa sandaling ito isang hangal”! Sa inyong pangangaral, inyong hinihingi na bitawan ng mga tao ang Diyos ng kanilang mga pagkaintindi, at ang Diyos ba ng inyong mga pagkaintindi ay nakaalis na? Paano mabibigyang pakahulugan ang mga salita ng Diyos na “Hindi Ako humihingi ng malaki sa tao”? Ang mga iyon ay hindi upang gawing negatibo at walang-galang ang mga tao, kundi para bigyan sila ng dalisay na pagkaunawa sa mga salita ng Diyos—nauunawaan ba ninyo? Ang Diyos ba na nagkatawang-tao ay tunay na ang “‘Ako’ na mataas at makapangyarihan” na naguguni-guni ng mga tao?

Kristianong Awitin| Tunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos

Pananampalataya, Diyos, Kahulugan, Job, ebanghelyo


Kidlat ng Silanganan | Kristianong Awitin| Tunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos



I
Maraming tao’ng naniniwala,
ngunit kaunti lang ang nakakaunawa sa pananampalataya sa Diyos,
paano ba sasabayan ang pintig ng Kanyang puso.
Maraming may alam sa mga salitang “Diyos” at “gawain ng Diyos,”
ngunit di Siya kilala at ang mga gawain Niya.
Kaya pananalig nila’y bulag.
Sila’y di seryoso dito dahil ito’y kakaiba.
Kaya kapos sila sa mga hinihingi ng Diyos.
Kung di mo kilala ang Diyos at gawain N’ya,
angkop ka bang gamitin N’ya?
Matutupad mo ba ang hangad ng Diyos?