Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos
| Umiiral ba ang Trinidad? (Ikalawang bahagi)
Maaari itong maging paalala para sa karamihan ng mga tao ang mga salita ng Diyos mula sa Genesis: “Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis”. Ipagpalagay na sinasabi ng Diyos na lalangin “natin” ang tao sa “ating” larawan, kung gayon ang “natin” ay nagpapakita ng dalawa o higit pa; yamang sinabi Niyang “natin,” kung gayon hindi lang iisa ang Diyos. Sa ganitong paraan, ang tao ay nagsimulang mag-isip nang pangkalahatan ukol sa magkakaibang mga persona, at mula sa mga salitang ito nagkaroon ng ideya ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu. Ano kung gayon ang hitsura ng Ama? Ano ang hitsura ng Anak? At ano ang hitsura ng Banal na Espiritu? Maaari kaya na ang tao sa kasalukuyan ay ginawa sa larawan ng isa na pinagsama-sama mula sa tatlo? Kung gayon ang larawan ba ng tao ay kagaya ng sa Ama, ng Anak, o ng Banal na Espiritu? Alin sa mga persona ng Diyos ang kalarawan ng tao? Ang ideyang ito ng tao ay totoong mali at walang kabuluhan! Mapaghihiwalay lang nito ang isang Diyos sa ilang mga Diyos. Sa panahong sinulat ni Moises ang Genesis, ito ay pagkatapos malikha ang sangkatauhan kasunod ng paglikha sa mundo. Noong pasimula, nang mag-umpisa ang mundo, si Moises ay wala pa. At nagtagal pa bago sulatin ni Moises ang Biblia, kaya paano niya posibleng nalaman kung ano ang sinabi ng Diyos sa langit? Siya ay walang malay sa kung paano nilikha ng Diyos ang mundo. Sa Lumang Tipan ng Biblia, walang banggit tungkol sa Ama, sa Anak, at sa Banal na Espiritu, tanging tunay na Diyos lamang, si Jehovah, ang nagpapatupad ng Kanyang gawain sa Israel. Siya ay tinatawag sa iba’t-ibang pangalan sa pagbabago ng panahon, ngunit hindi nito mapatutunayan na ang bawat pangalan ay tumutukoy sa iba’t-ibang persona. Samakatuwid, kung gayon hindi ba magkakaroon ng di-mabilang na mga persona ng Diyos? Ang nakasulat sa Lumang Tipan ay ang gawain ni Jehovah, isang yugto ng gawain ng Diyos Mismo para sa pagsisimula sa Kapanahunan ng Kautusan. Ito ay gawain ng Diyos, kung saan ayon sa Kanyang sinalita, ito’y nangyari, at ayon sa Kanyang iniutos, ito’y nanatili. Walang pagkakataon na sinabi ni Jehovah na Siya ang Ama na darating upang ipatupad ang gawain, o hinulaan man lang Niya ang pagdating ng Anak upang tubusin ang sangkatauhan. Pagdating sa panahon ni Jesus, nabanggit lamang na ang Diyos ay naging tao upang tubusin ang lahat ng sangkatauhan, hindi sa ang Anak ang dumating. Sapagkat ang mga panahon ay hindi magkakatulad at ang gawain na isinasagawa ng Diyos Mismo ay naiiba rin, kailangan Niyang ipatupad ang Kanyang gawain sa loob ng iba’t-ibang mga kaharian. Sa ganitong paraan, ang pagkakakilanlan na Kanyang kinakatawan ay naiiba rin. Naniniwala ang tao na si Jehovah ang Ama ni Jesus, ngunit ito ay hindi totoong kinilala ni Jesus, na sinabing: “Hindi kami kailanman kinilala bilang Ama at Anak; Ako at ang Ama sa langit ay iisa. Ang Ama ay nasa Akin at Ako ay nasa Ama; kapag nakikita ng tao ang Anak, nakikita nila ang Ama na nasa langit.” Kapag ang lahat ay nasabi na, maging ito man ang Ama o ang Anak, Sila ay isang Espiritu, hindi nahahati sa magkahiwalay na persona. Sa oras na magtangka ang tao na magpaliwanag, ang mga usapin ay kumplikado sa ideya ukol sa magkakaibang mga persona, gayundin ang relasyon sa pagitan ng Ama, Anak, at Espiritu. Kapag ang tao ay nagsasalita tungkol sa magkakahiwalay na mga persona, di ba nito pinapakita ang Diyos? Inaantasan pa ng tao ang mga persona bilang una, ikalawa, at ikatlo; lahat ng ito ay mga pagkaintindi lamang ng tao, hindi karapat-dapat na sangguniin, at lubos na hindi makatotohanan! Kung tatanungin mo siya: “Ilan ba ang Diyos?” sasabihin niya na ang Diyos ay ang Trinidad ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu: ang isang tunay na Diyos. Kung tatanungin mo siya: “Sino ang Ama?” sasabihin niya: “Ang Ama ay ang Espiritu ng Diyos sa langit; Siya ang namumuno sa lahat, at Siya ang Panginoon ng langit.” “Kung gayon si Jehovah ba ang Espiritu?” Sasabihin niya: “Oo!” Kung tatanungin mo pa siya pagkatapos, “Sino ang Anak?” sasabihin niyang si Jesus ay ang Anak, mangyari pa. “Kung gayon ano ang kuwento ni Jesus? Mula kanino Siya nanggaling?” Sasabihin niya: “Si Jesus ay ipinanganak ni Maria sa pamamagitan ng paglilim ng Banal na Espiritu.” “Kung gayon ang Kanya bang sangkap ay hindi Espiritu rin naman? Ang Kanya bang gawain ay kumakatawan din sa Banal na Espiritu? Si Jehovah ay ang Espiritu, at sangkap din naman ni Jesus. Ngayon sa mga huling araw, hindi na kailangang sabihin na ang Espiritu pa rin ang gumagawa;[a] paano nangyaring magkaiba Sila ng mga persona? Hindi ba ipinatutupad lamang ng Espiritu ng Diyos ang gawain ng Espiritu mula sa magkakaibang mga pananaw?” Dahil dito, walang pagkakaiba sa pagitan ng mga persona. Si Jesus ay ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, at walang alinlangan, ang Kanyang gawain ay tiyak na kagaya ng sa Banal na Espiritu. Sa unang yugto ng gawain na isinagawa ni Jehovah, hindi Siya naging tao o nagpakita man lang sa tao. Kaya hindi kailanman nakita ng tao ang Kanyang kaanyuan. Gaano man Siya kadakila at kataas noon, Siya pa rin ang Espiritu, ang Diyos Mismo na unang nilikha ang tao. Iyon ay, Siya ang Espiritu ng Diyos. Nang Siya ay makipag-usap sa tao mula sa gitna ng mga ulap, Siya ay isang Espiritu lamang. Walang nakasaksi sa Kanyang kaanyuan; sa Kapanahunan ng Biyaya nang ang Espiritu ng Diyos ay dumating na katawang-tao at nagkatawang-tao sa Judea saka lamang nakita ng tao sa unang pagkakataon ang larawan ng pagkakatawang-tao bilang isang Hudyo. Ang damdamin ni Jehovah ay hindi maaaring madama. Gayunman, Siya ay ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, iyon ay, ipinaglihi sa pamamagitan ng Espiritu ni Jehovah Mismo, at si Jesus ay ipinanganak pa rin bilang mismong larawan ng Espiritu ng Diyos. Ang unang nakita ng tao ay ang Banal na Espiritu na bumababa gaya ng isang kalapati sa pamamagitan ni Jesus; hindi ito ang Espiritung tanging kay Kristo, ngunit sa halip ang Banal na Espiritu. Kung gayon maaari bang ihiwalay ang Espiritu ni Jesus mula sa Banal na Espiritu? Kung si Jesus ay si Jesus, ang Anak, at ang Banal na Espiritu ay ang Banal na Espiritu, kung gayon paano Sila naging isa? Ang gawain ay hindi maipatutupad kung sakali. Ang Espiritu sa loob ni Jesus, ang Espiritu sa langit, at ang Espiritu ni Jehovah ay iisang lahat. Maaari itong tawaging Banal na Espiritu, ang Espiritu ng Diyos, ang makapitong pinatinding Espiritu, at ang sumasa-lahat na Espiritu. Ang Espiritu ng Diyos ay kayang mag-isang isagawa ang maraming gawain. Kaya Niyang likhain ang mundo at wasakin ito sa pamamagitan ng pagpapabaha sa lupa; kaya Niyang tubusin ang buong sangkatauhan, at higit pa rito, makakayang lupigin at wasakin ang buong sangkatauhan. Ang gawaing ito ay ipinatupad lahat ng Diyos Mismo at hindi makakayang gawin ng sinuman sa iba pang mga persona ng Diyos sa Kanyang lugar. Ang Kanyang Espiritu ay maaaring tawagin sa pangalang Jehovah at Jesus, maging sa pangalang Makapangyarihan. Siya ang Panginoon, at Kristo. Maaari din Siyang maging ang Anak ng tao. Siya ay nasa kalangitan at nasa lupa din; Siya ay nasa kaitaasan ng mga daigdig at nasa gitna ng karamihan. Siya ang tanging Panginoon ng langit at ng lupa! Mula sa panahon ng paglikha hanggang sa ngayon, ang gawaing ito ay ipinatutupad ng Diyos Mismo. Maging ito man ay gawain sa langit o sa laman, lahat ay ipinatutupad ng Kanyang sariling Espiritu. Lahat ng mga nilalang, maging sa langit o sa lupa, ay nasa pamamahala ng Kanyang makapangyarihang kamay; lahat ng ito ay gawain ng Diyos Mismo at hindi maaaring gawin ninuman sa Kanyang lugar. Sa mga kalangitan, Siya ang Espiritu subalit ang Diyos Mismo din; sa gitna ng mga tao, Siya ay katawang-tao ngunit nananatiling Diyos Mismo. Bagamat maaari Siyang tawagin sa daan-daang libong mga pangalan, Siya pa rin ay Siya Mismo, at ang lahat ng gawain[b] ay ang tuwirang pagpapahayag ng Kanyang Espiritu. Ang pagtubos sa lahat ng sangkatauhan sa pamamagitan ng pagkakapako Niya sa krus ay ang tuwirang gawain ng Kanyang Espiritu, at maging ang pagpapahayag sa lahat ng mga bansa at lahat ng mga bayan sa panahon ng mga huling araw. Sa lahat ng panahon, ang Diyos ay maaari lamang tawaging makapangyarihan at isang tunay na Diyos, ang sumasa-lahat na Diyos Mismo. Ang nagkakaibang mga persona ay hindi umiiral, lalong hindi ang ideya ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu! Mayroon lamang isang Diyos sa langit at sa lupa!