Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Kidlat ng Silanganan | Awit ng Papuri | Ang Nagkatawang-taong Diyos Inaakay ang Tao sa Isang Bagong Kapanahunan

I
Winak'san ng nagkatawang-taong D'yos ang panahon
nang "ang likod lang ni Jehova ang nagpakita sa tao,"
at tinatapos ang kapanahunan ng paniniwala
sa malabong D'yos.
Gawain ng huling nagkatawang-taong D'yos
dalhin lahat ng sangkatauhan,
Dalhin ang tao sa mas totoo,
mas praktikal, at mas mabuting panahon.

Kidlat ng Silanganan | Kanta ng Papuri Tagalog | Paghahandog ng Tapat na Puso sa Diyo


Hoy, mga kapatid, tayo’y umawit at sumayaw upang purihin ang Diyos!
Okey!
I
Mga kapatid, kumilos at sumayaw;
Huwag maalangan o mahiya.
Di alintana ng Diyos kung kilos mo’y di maganda,
tanging pagpupuring totoo ang nakasisiya sa Kanya.
Kung ibig mong purihin Siya nang buo mong puso,
isaisantabi ang ‘yong hiya at kumilos sa pagsayaw.
Di alintana ng Diyos kung ga’no tayo katanda, o ga’no karaming taong nakatayo.
Taos na pagpupuri’y nagpapalaya sa espiritu natin. Ibigay ang lahat ng kaluwalhatian sa Diyos.
Ang ating taos pusong pagpuri sa Diyos ay nagbibigay kasiyahan,
Ang biyaya ng Diyos ay tiyak na ipinagkaloob sa atin.

Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos


Ang tao ay nabubuhay sa ilalim ng pagkabalot sa impluwensya ng kadiliman, nakagapos sa impluwensya ni Satanas nang walang matatakasan. At ang disposisyon ng tao, pagkatapos itong sumailalim sa proseso ni Satanas, ay nagiging mas tiwali. Masasabi ng isang tao ay patuloy na nabubuhay sa kanyang tiwali at mala-demonyong disposisyon, walang kakayahang umibig ng tunay sa Diyos. Dahil dito, kung nais ng tao na ibigin ang Diyos, kailangan niyang alisin ang kanyang sariling-katuwiran, sariling-kahalagahan, pagmamataas, pagmamalaki, at mga kauri nito, na nanggagaling lahat sa disposisyon ni Satanas. Kung hindi, ang pag-ibig ng tao ay isang maruming pag-ibig, pag-ibig ni Satanas, at isang bagay na siguradong hindi makakatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos. Kung hindi direktang magawang perpekto, pakitunguhan, masira, pungusin, madisiplina, maparusahan, o gawing dalisay ng Banal na Espiritu, walang tunay na makakaibig sa Diyos. Kung sasabihin mo na ang isang bahagi ng iyong disposisyon ay kumakatawan sa Diyos at dahil dito ay kaya mong ibigin ng tunay ang Diyos, sa gayon ay isa kang tao na nagsasambit ng mga salita ng kayabangan at isang taong salungat sa katuwiran. At ang mga taong katulad nito ay ang arkanghel! Ang sadyang kalikasan ng tao ay hindi maaaring direktang kumatawan sa Diyos. Kailangang alisin ng tao ang sadyang kalikasan niya sa pamamagitan ng pagperpekto ng Diyos, at pagkatapos, sa pamamagitan lamang ng pagsaalang-alang sa kalooban ng Diyos, pagtupad sa kalooban ng Diyos at higit pang pagsailalim sa gawain ng Banal na Espiritu, na aaprubahan ng Diyos ang kanyang pagsasabuhay. Walang sinuman na nabubuhay sa laman ang maaaring direktang kumatawan sa Diyos, maliban kung siya ay isang tao na ginamit ng Banal na Espiritu. Gayunman, kahit sa taong katulad nito, ang kanyang disposisyon at kung ano ang kanyang isinasabuhay ay hindi maaaring sabihin na ganap na kumakatawan sa Diyos; maaari lamang sabihin ng isang tao na ang kanyang isinasabuhay ay ginabayan ng Banal na Espiritu. Ang disposisyon ng gayong tao ay hindi maaaring kumatawan sa Diyos.

Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi?


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang kasaysayan ay umuunlad pasulong, pati na ang gawain ng Diyos, at ang kalooban ng Diyos ay patuloy na nagbabago. Hindi magiging praktikal para sa Diyos na magpanatili ng isang yugto ng gawain sa anim na libong taon, sapagkat alam ng lahat ng tao na Siya ay laging bago at hindi kailanman luma. Hindi Niya maaaring ipagpatuloy na katigan ang gawaing kahalintulad ng pagpapako sa krus, ng isa, dalawa, tatlong beses … na mapako sa krus. Ito ang pagkaunawa ng isang kakatwang tao. Hindi itinataguyod ng Diyos ang parehong gawain, at ang Kanyang gawain ay pabago-bago at laging bago, tulad sa kung paano Ako araw-araw na nakikipag-usap sa inyo sa mga bagong salita at gumagawa ng mga bagong gawain. Ito ang gawain na Aking ginagawa, ang susi nito ay nakatuon sa mga salitang “bago” at “kamangha-mangha.” “Ang Diyos ay hindi nagbabago, at ang Diyos ay palaging magiging Diyos”; ang kasabihang ito ay talagang totoo. Ang kakanyahan ng Diyos ay hindi nagbabago, ang Diyos ay laging Diyos, at Siya ay hindi kailanman magiging si Satanas, ngunit hindi ito nagpapatunay na ang Kanyang gawain ay palagian at walang-pagbabago tulad ng Kanyang kakanyahan. Ipinahahayag mo na ang Diyos ay ganito, ngunit paano mo samakatwid maipapaliwanag na ang Diyos ay laging bago at hindi kailanman luma? Ang gawain ng Diyos ay patuloy na lumalaganap at palagiang nagbabago, at ang kalooban ng Diyos ay patuloy na naipapakita at ipinapaalam sa mga tao.”

Rekomendasyon:

Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng
 Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal 

Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?



Tagalog Christian Song | "Saan ang aking tahanan" | God Is My Soul Harbor


Saan ang aking tahanan

Pinupulot ko'ng maliit kong brush 
at nagpinta ng maliit na bahay,
Nasa loob si Inay, pati na rin si Itay.
Ako at ang aking babaeng kapatid ay naglalaro sa araw, 
naaarawan kami at punong-puno kami ng init.
Nakangiti si Inay na at pati rin si Itay,
ako at ang aking babaeng kapatid ay nakangiti rin.
Ito ang aking pamilya, nasa aking papel
ito'y nasa aking panaginip, sa'king panaginip.

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Mapagpanggap na Diwa Bago sa Isang Pagkabuwal

Baixue Shenyang City
       Dahil sa isang pangangailangan sa trabaho, inilipat ako sa ibang lugar ng trabaho. Nang panahong iyon, labis akong nagpasalamat sa Diyos. Pakiramdam ko’y marami pang kulang sa akin, gayunman sa pamamagitan ng banal na pagsusulong ng Diyos, nabigyan ako ng pagkakataon upang tuparin ang aking tungkulin sa isang kahanga-hangang lugar ng trabaho. Gumawa ako ng panata sa Diyos sa aking puso: Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang makabayad sa Diyos.

Kidlat ng Silanganan | Cristianong Musikang | Dalanging Tunay

I

Ang dalanging tunay ay mula sa puso.
Ito ay batay sa kalooban at salita ng Diyos.
Pakiramdam mo’y napakalapit mo sa Kanya,
at tila Siya ay kaharap mo.
Ibig sabihin nito’y marami kang masasabi sa Diyos,
puso mo’y umaalab na parang araw,
ika’y napupukaw ng kariktan ng Diyos,
ang mga nakakarinig ay naluluguran.
Ang dalanging tunay ay magdadala ng kapayapaa’t kagalakan,
ang pagmamahal sa Diyos ay palakas ng palakas,
ang halaga ng pag-ibig na iyon ay madarama;
at lahat ito’y magiging patunay na dalangin mo’y tunay.

II
Ang dalanging tunay ay walang pormalidad
at di lang pagbibigkas.
Ito ay hindi panggagaya ng iba.
Sambitin mo ang nasa iyong puso at nang pukawin ka ng Diyos.
Upang maging mabisa ang mga dalangin mo,
salita ng Diyos ay dapat mong basahin.
Makikita lamang ang kaliwanagan
kung salita Niya’y batayan ng dalangin.