Nakikita ng Makapangyarihan sa lahat ang pag-iyak at kawalanghiyaan ng mga nagdurusa't nasaktan, dama ang takot at hina ng taong nawalan ng kaligtasan. Tumatanggi sila sa kalinga Niya, sa sariling landas dumaraan, iniiwasan mga mata Niyang naghahanap. Mas gusto nilang danasin mga pasakit ng dagat, kasama ang kaaway. Ang paghihinagpis ng Makapangyarihan sa lahat ay di na maririnig ninuman. Mga kamay ng Makapangyarihan sa lahat ayaw nang abutin, ayaw na Niyang hipuin ang miserableng sangkatauhan.
Si Gu Shoucheng ay isang pastor sa isang bahay-sambahan sa China. Nanalig na siya sa Panginoon nang maraming taon, at hindi nagbabago sa pagsisikap na magbigay ng mga sermon, at marami na siyang napuntahan para ipangaral ang ebanghelyo. Naaresto na siya at nakulong dahil sa pangangaral ng ebanghelyo, at nakulong nang 12 taon. Nang makalabas na siya ng bilangguan, patuloy na naglingkod si Gu Shoucheng sa iglesia. Gayunman, nang dumating ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa iglesiang kinsasapian ni Gu Shoucheng, ni hindi niya ito hinahanap o sinisiyasat, kundi umaasa siya sa sarili niyang mga paniwala at pagkaintindi nang buong katigasan ng ulo na husgahan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at ginagawa niya ang lahat para magkalat ng mga paniwala at maling pagkaintindi upang putulin at pigilan ang pagtanggap ng mga nananalig sa tunay na daan. Matapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos noon natuklasan ni Gu Shoucheng na tunay ngang sila ay may awtoridad at kapangyarihan at na sinuman ang nakarinig sa mga ito ay makumbinsi, at natakot siya nang husto na sinuman sa iglesia ang makabasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay mananalig sa Kanya. Natakot siya na kung magkagayo'y hindi niya mapapanatili ang kanyang katayuan at pamumuhay. Kaya nga, tinalakay niya ito kay Elder Wang Sen at sa iba pa sa iglesia at ipinasiya niyang linlangin ang mga tao sa mga tsismis na ginamit ng pamahalaang Chinese Communist sa pag-atake at paghusga sa Makapangyarihang Diyos. Ginagawa nina Gu Shoucheng at Wang Sen ang lahat para isara angiglesia at pigilan ang mga tao sa pagtanggap sa tunay na daan, at tumutulong pa sila sa makademonyong rehimen ng CCP para arestuhin at usigin ang mga nagpapatotoo sa Makapangyarihang Diyos. Malaking kasalanan sa disposisyon ng Diyos ang kanilang ginagawa at sumasailalim sila sa Kanyang sumpa. Dahil aarestuhin na ni Wang Sen ang ilang taong nagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian, naaksidente siya at namatay doon mismo. Nabubuhay si Gu Shoucheng sa takot at kawalang-pag-asa at natataranta. Madalas niyang sinasabi sa sarili: "Ang paghatol ko ba sa Makapangyarihang Diyos ay ipinapakong muli ang Diyos sa krus?"
Ang pangalan niya ay Xiao Li. Naninwala siya sa Diyos nang mahigit sa isang dekada. Noong taglamig ng 2012, inaresto siya ng pulisya ng Komunistang Tsino sa isang kongregasyon. Sa panahon ng pagsisiyasat, paulit-ulit siyang hinikayat, binantaan, binugbog at pinahirapan ng pulisya sa kanilang pagtatangka na akitin siya na ipagkanulo ang Diyos sa pamamagitan ng pagbubunyag ng kinaroroonan ng mga lider at pera ng iglesia. Partikular sa isang nagyeyelong gabi nang ang temperatura ay mas mababa ng 20 degrees sa zero, pinuwersa siyang hubaran, ibinabad sa nagyeyelong tubig, sinindak ng kuryente sa kanyang maselang bahagi, at puwersahang pinainom ng mustasang tubig ng mga pulis….Nagdusa siya sa malupit na pagpapahirap at hindi maipaliwanag na pagkapahiya. Sa panahon ng pagsisiyasat, nasaktan at napahiya siya. Desperado siyang nanalangin sa Diyos nang paulit-ulit. Binigyan siya ng napapanahong pagliliwanag at patnubay ng salita ng Diyos. Sa pananampalataya at lakas na tinanggap niya mula sa salita ng Diyos, nalampasan niya ang mabagsik na pagpapahirap at malademonyong pinsala at nagbigay ng kahanga-hanga at tumataginting na pagsaksi. Tulad ng bulaklak ng sirwelas sa taglamig, nagpakita siya ng matatag na kalakasan sa pamamagitan ng pamumukadkad nang may buong kapurihan sa gitna ng matinding kahirapan, na pinagmumulan ng kalugud-lugod na katahimikan …
I Yaong ipinagkakaloob sa'yo ng Diyos ngayon lumalampas kay Moises at mas mahigit pa kaysa kay David, kaya naman hinihiling Niya na ang iyong patotoo ay malampasan ang kay Moises at ang iyong mga salita ay higit sa kay David. Binibigyan ka ng Diyos ng makasandaan, kaya naman hinihiling Niya sa'yo na tumbasan mo rin ito.
Ako ay minsang nagsagawa ng isang malaking gawain sa gitna ng mga tao, nguni’t hindi nila napansin, kaya’t kinailangan Kong gamitin ang Aking salita upang ibunyag ito sa kanila. At gayunman, hindi pa rin maunawaan ng tao ang Aking mga salita, at nanatiling walang-alam sa layunin ng Aking plano. Kaya’t dahil sa mga kakulangan at mga pagkukulang ng tao, gumawa sila ng mga bagay-bagay upang gambalain ang Aking pamamahala, at sinamantala ng mga maruruming espiritu ang pagkakataon upang mahayag, ginagawa ang sangkatauhan na kanilang mga biktima, hanggang sa sila ay pinahirapan ng mga maruruming espiritu at nadungisan ang kabuuan. Sa panahong ito Aking nakita ang hangarin at layunin ng tao. Naghinagpis Ako mula sa kalabuan: Bakit ang tao ay kailangang laging kumilos para sa kanyang sariling mga interes? Hindi ba ang Aking mga pagkastigo ay para gawin silang perpekto? Sinusubukan Ko bang papanghinain ang kanilang loob? Ang wika ng tao ay napakaganda, at malumanay, at gayunman ang mga pagkilos ng mga tao ay sukdulang napakasama. Bakit ganito na ang Aking mga kinakailangan sa tao ay palaging nauuwi sa wala? Ito ba ay mistulang hinihingi Ko sa isang aso na umakyat sa isang puno? Sinusubukan Ko bang lumikha ng gulo mula sa wala? Habang Aking isinasakatuparan ang Aking buong planong pamamahala, nakálíkhâ Ako ng sari-saring “mga planong pagsubok,” subali’t sanhi ng masamang kalupaan, at sanhi ng napakaraming mga taóng walang sikat-ng-araw, ang kalupaan ay patuloy na nagbabago, nagsasanhi rito na mabasag, kaya’t sa Aking alaala, Akin nang napapabayaan ang di-mabilang na mga ganitong uri ng mga plano. At ngayon pa rin, malaki sa kalupaan ay patuloy na nagbabago. Kung balang-araw ang lupa ay talagang nag-iibang uri, agaran Ko itong isasantabi—hindi ba iyan ang yugto na kinaroroonan Ko sa kasalukuyan sa Aking gawain? Nguni’t ang tao ay wala ni katiting mang pagdama rito. Sila ay kinakastigo lamang sa ilalim ng Aking paggabay. Bakit mag-aabala? Ako ba ay isang Diyos na dumating upang kastiguhin ang tao? Sa mga kalangitan, minsan Akong nagplano na sa sandaling Ako ay nasa gitna ng mga tao, Ako ay makikipag-isa sa kanila, upang lahat niyaong Aking minamahal ay magiging malápít sa Akin na walang anumang maghahati sa amin. Subali’t, sa kasalukuyan, sa mga kalagayan ngayon, hindi lamang kami hindi magkaugnay, ang higit pa, pinananatili nila ang kanilang agwat mula sa Akin dahil sa Aking pagkastigo. Hindi Ako tumatangis para sa kanilang pagliban. Ano ang maaaring magawa? Ang mga tao ay mga nagsisiganap lahat na sumasabay sa grupo. Maaari Kong hayaan ang mga tao na humulagpos mula sa Aking pagtangan, at higit pa upang Aking makaya na hayaan silang bumalik sa Aking pagawaan mula sa banyagang mga lupain. Sa sandaling ito, anong mga karaingan ang maaaring mayroon sila? Ano ang maaaring gawin ng tao sa Akin? Ang mga tao ba ay hindi madaling mahikayat? At gayunman, hindi Ko ginagawan nang masama ang tao dahil sa pagkukulang na ito, kundi sa halip binibigyan sila ng Aking sustansya. Sinong gumawa sa kanila na kumilos nang walang kapangyarihan? Sinong gumawa sa kanila na magkulang sa sustansya? Aking inaantig ang malamig na mga puso ng tao sa pamamagitan ng Aking mainit na yakap, sino pang iba ang maaaring gumawa ng gayong bagay? Bakit Ko napalawak ang gawaing ito sa gitna ng mga tao? Maaari bang tunay na maunawaan ng tao ang Aking puso?
Dumarating ang Aking pagkastigo sa lahat ng mga tao, gayon pa man ay nananatili rin itong malayo mula sa lahat ng mga tao. Ang buong buhay ng bawat tao ay puno ng pag-ibig at pagkamuhi sa Akin, at wala kahit isa ang kailanma’y nakakilala sa Akin—kung kaya sala sa lamig at sala sa init ang saloobin ng tao sa Akin, at wala itong kakayahan sa pagiging-normal. Gayunman ay parati Kong inalagaan at iningatan ang tao, at mapurol lamang ang kanyang isipan kaya wala siyang kakayahang makita ang lahat ng Aking mga gawa at maunawaan ang masigasig Kong mga hangarin. Ako ang nangungunang Isa sa gitna ng lahat ng mga bansa, at ang pinakamataas sa gitna ng lahat ng mga tao; hindi lamang talaga Ako kilala ng tao. Sa maraming taon, nanirahan Ako sa kalagitnaan ng tao at naranasan ang buhay sa mundo ng tao, gayon pa man lagi niya Akong ipinagsawalang-bahala at itinuring Akong katulad ng isang nilalang na nagmula sa kalawakan. Bunga nito, itinuturing Ako ng mga tao na katulad ng isang banyaga sa daan dahil sa mga pagkakaiba sa disposisyon at wika. Ang damit Ko rin ay tila masyadong kakaiba, at bilang resulta, walang lakas ng loob ang tao para lapitan Ako. Diyan Ko lamang nararamdaman ang kalungkutan ng sa kalagitnaan ng tao, at diyan Ko rin lamang nararamdaman ang kawalan-ng-hustisya sa mundo ng tao. Lumalakad Ako sa kalagitnaan ng mga dumadaan, pinagmamasdan ang lahat ng kanilang mga mukha. Ito ay parang nabubuhay sila sa kalagitnaan ng isang karamdaman, bagay na nagpupuno ng kalungkutan sa kanilang mga mukha, at sa gitna ng pagkastigo, na pumipigil sa kanilang paglaya. Iginagapos ng tao ang kanyang sarili, at ibinababa ang kanyang sarili. Sa harapan Ko, karamihan sa mga tao ay lumilikha ng maling palagay tungkol sa kanilang mga sarili sa gayon ay maaring mapuri Ko sila, sadyang nag-aanyong kahabag-habag sa harap Ko ang karamihan sa mga tao sa gayon ay maaring makakuha sila ng tulong mula sa Akin. Sa Aking likuran, nililinlang at sinusuway Ako ng lahat ng mga tao. Hindi ba tama Ako? Hindi ba ito ang diskarte ng tao para manatiling buhay? Sino na ang kahit kailan ay nabuhay ng mas matagal kaysa sa Akin? Sino na ang kahit kailan ay nagtaas sa Akin sa gitna ng iba? Sino na ang kahit kailan ay nagapos sa harapan ng Espiritu? Sino na ang kahit kailan ay naging matatag sa kanilang patotoo sa Akin sa harapan ni Satanas? Sino na ang kahit kailan ay nagdagdag ng pagiging-totoo sa “katapatan” nila sa Akin? Sino na ang kahit kailan ay inalis ng malaking pulang dragon dahil sa Akin? Sumapi na ang mga tao kay Satanas, mga bihasa sila sa pagsuway sa Akin, sila ang mga may-likha ng pagsalungat sa Akin, at sila ay mga nagsipagtapos sa pakikipagtawaran sa Akin. Para sa kapakanan ng sarili niyang tadhana, naghahanap ang tao dito at doon sa lupa; kapag kinakawayan Ko siya, nananatili siyang walang-pandama sa Aking pagiging-napakahalaga at patuloy siya sa pananampalataya sa kanyang pagsandig sa kanyang sarili, ayaw niyang maging isang pasanin sa iba. Mahalaga ang mga hangarin ng tao, gayunman walang kaninumang mga hangarin ang kailanman ay ganap na nakamit: Gumuguho silang lahat sa harapan Ko, bumabagsak nang tahimik.
I Ang sangkatauhan ng hinaharap, kahit nagmula kay Adan at Eba, di na mabubuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas, bagkus lahi ng nailigtas, ng nalinis. Ito'y sangkatauhan na kinastigo't hinatulan, sangkatauhan na pinabanal. Iba sila sa sinaunang lahi, sa sinaunang lahi nina Adan at Eba, ibang-iba na halos isang ganap na bagong lahi. Pinili mula sa mga tiniwali ni Satanas, nakatayo nang matatag sa huling paghatol, itong nalalabing grupo, kasama ng Diyos, ang makakapasok sa huling kapahingahan.