I Kaharian ng D'yos dumating sa lupa; persona ng D'yos puno't mayaman. Sinong titigil at 'di magsasaya? Sinong tatayo at 'di sasayaw? O Zion, itaas ang bandila ng tagumpay upang magdiwang para sa D'yos. Awitin ang iyong awit ng tagumpay upang ipalaganap ang Kanyang ngalang banal sa buong mundo. 'Di mabilang na tao pumupuri sa D'yos at tinataas ngalan N'ya. Tinitingnan nila mga gawa N'ya. Ngayon kaharian N'ya'y dumating sa lupa.
Abo sa Abo, Alabok sa Alabok Walang hindi magkakasakit at mamamatay. Walang makakapagbago sa mga batas ng pagtanda at pagkakasakit. "Bakit tayo nabubuhay? At bakit kailangan nating mamatay? Sino ang namamahala sa mundong ito?"
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang Diyos ng mga huling araw ay pangunahing gumagamit ng salita upang gawing perpekto ang tao. Hindi Siya gumagamit ng mga tanda at mga kababalaghan upang apihin ang tao, o kumbinsihin ang tao; hindi nito maaaring gawing payak ang kapangyarihan ng Diyos. Kung nagpakita lamang ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, samakatwid magiging imposible na gawing payak ang realidad ng Diyos, at sa gayon imposibleng gawing perpekto ang tao. Hindi ginagawang perpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan, subalit gumagamit ng salita upang diligin at pastulan ang tao, at pagkatapos nito ay makakamit ang ganap na pagkamasunurin ng tao at ang kaalaman ng tao sa Diyos. Ito ang layon ng gawaing ginagawa Niya at ang mga salitang winiwika Niya. Hindi ginagamit ng Diyos ang paraan ng pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan upang gawing perpekto ang tao—gumagamit Siya ng mga salita, at gumagamit nang maraming iba-ibang mga paraan ng gawain upang gawing perpekto ang tao. Maging ito man ay ang kapinuhan, pakikitungo, pagpupungos, o pagbibigay ng mga salita, ang Diyos ay nagwiwika mula sa maraming iba-ibang perspektibo upang gawing perpekto ang tao, at upang bigyan ang tao ng mas malaking kaalaman sa gawain, karunungan at pagka-kamangha-mangha ng Diyos. Kapag ang tao ay naging kumpleto na sa panahon na tinatapos ng Diyos ang kapanahunan sa mga huling araw, magiging kwalipikado siya na tumingin sa mga tanda at mga kababalaghan."
Nakikita ng Makapangyarihan sa lahat ang pag-iyak at kawalanghiyaan ng mga nagdurusa't nasaktan, dama ang takot at hina ng taong nawalan ng kaligtasan. Tumatanggi sila sa kalinga Niya, sa sariling landas dumaraan, iniiwasan mga mata Niyang naghahanap. Mas gusto nilang danasin mga pasakit ng dagat, kasama ang kaaway. Ang paghihinagpis ng Makapangyarihan sa lahat ay di na maririnig ninuman. Mga kamay ng Makapangyarihan sa lahat ayaw nang abutin, ayaw na Niyang hipuin ang miserableng sangkatauhan.
Si Gu Shoucheng ay isang pastor sa isang bahay-sambahan sa China. Nanalig na siya sa Panginoon nang maraming taon, at hindi nagbabago sa pagsisikap na magbigay ng mga sermon, at marami na siyang napuntahan para ipangaral ang ebanghelyo. Naaresto na siya at nakulong dahil sa pangangaral ng ebanghelyo, at nakulong nang 12 taon. Nang makalabas na siya ng bilangguan, patuloy na naglingkod si Gu Shoucheng sa iglesia. Gayunman, nang dumating ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa iglesiang kinsasapian ni Gu Shoucheng, ni hindi niya ito hinahanap o sinisiyasat, kundi umaasa siya sa sarili niyang mga paniwala at pagkaintindi nang buong katigasan ng ulo na husgahan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at ginagawa niya ang lahat para magkalat ng mga paniwala at maling pagkaintindi upang putulin at pigilan ang pagtanggap ng mga nananalig sa tunay na daan. Matapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos noon natuklasan ni Gu Shoucheng na tunay ngang sila ay may awtoridad at kapangyarihan at na sinuman ang nakarinig sa mga ito ay makumbinsi, at natakot siya nang husto na sinuman sa iglesia ang makabasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay mananalig sa Kanya. Natakot siya na kung magkagayo'y hindi niya mapapanatili ang kanyang katayuan at pamumuhay. Kaya nga, tinalakay niya ito kay Elder Wang Sen at sa iba pa sa iglesia at ipinasiya niyang linlangin ang mga tao sa mga tsismis na ginamit ng pamahalaang Chinese Communist sa pag-atake at paghusga sa Makapangyarihang Diyos. Ginagawa nina Gu Shoucheng at Wang Sen ang lahat para isara angiglesia at pigilan ang mga tao sa pagtanggap sa tunay na daan, at tumutulong pa sila sa makademonyong rehimen ng CCP para arestuhin at usigin ang mga nagpapatotoo sa Makapangyarihang Diyos. Malaking kasalanan sa disposisyon ng Diyos ang kanilang ginagawa at sumasailalim sila sa Kanyang sumpa. Dahil aarestuhin na ni Wang Sen ang ilang taong nagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian, naaksidente siya at namatay doon mismo. Nabubuhay si Gu Shoucheng sa takot at kawalang-pag-asa at natataranta. Madalas niyang sinasabi sa sarili: "Ang paghatol ko ba sa Makapangyarihang Diyos ay ipinapakong muli ang Diyos sa krus?"
Ang pangalan niya ay Xiao Li. Naninwala siya sa Diyos nang mahigit sa isang dekada. Noong taglamig ng 2012, inaresto siya ng pulisya ng Komunistang Tsino sa isang kongregasyon. Sa panahon ng pagsisiyasat, paulit-ulit siyang hinikayat, binantaan, binugbog at pinahirapan ng pulisya sa kanilang pagtatangka na akitin siya na ipagkanulo ang Diyos sa pamamagitan ng pagbubunyag ng kinaroroonan ng mga lider at pera ng iglesia. Partikular sa isang nagyeyelong gabi nang ang temperatura ay mas mababa ng 20 degrees sa zero, pinuwersa siyang hubaran, ibinabad sa nagyeyelong tubig, sinindak ng kuryente sa kanyang maselang bahagi, at puwersahang pinainom ng mustasang tubig ng mga pulis….Nagdusa siya sa malupit na pagpapahirap at hindi maipaliwanag na pagkapahiya. Sa panahon ng pagsisiyasat, nasaktan at napahiya siya. Desperado siyang nanalangin sa Diyos nang paulit-ulit. Binigyan siya ng napapanahong pagliliwanag at patnubay ng salita ng Diyos. Sa pananampalataya at lakas na tinanggap niya mula sa salita ng Diyos, nalampasan niya ang mabagsik na pagpapahirap at malademonyong pinsala at nagbigay ng kahanga-hanga at tumataginting na pagsaksi. Tulad ng bulaklak ng sirwelas sa taglamig, nagpakita siya ng matatag na kalakasan sa pamamagitan ng pamumukadkad nang may buong kapurihan sa gitna ng matinding kahirapan, na pinagmumulan ng kalugud-lugod na katahimikan …
I Yaong ipinagkakaloob sa'yo ng Diyos ngayon lumalampas kay Moises at mas mahigit pa kaysa kay David, kaya naman hinihiling Niya na ang iyong patotoo ay malampasan ang kay Moises at ang iyong mga salita ay higit sa kay David. Binibigyan ka ng Diyos ng makasandaan, kaya naman hinihiling Niya sa'yo na tumbasan mo rin ito.