Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (Unang bahagi))

Ebanghelyo, Jesus, krus, Langit, Buhay




    1. Sinimulan ni Juan ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ng langit pitong taon bago ang bautismo ni Jesus. Para sa mga tao, ang isinagawa niyang gawain ay tila higit sa mga sumunod na gawain ni Jesus, ngunit siya ay, gayunpaman, isa pa rin lamang propeta. Hindi siya nangusap at gumawa sa loob ng templo, kundi sa mga bayan at nayon sa labas nito. Ito ay ginawa niya, syempre, sa bayan ng mga Hudyo, lalo na sa mahihirap. Bihirang nakisalamuha si Juan sa mga taong mula sa mataas na antas ng lipunan, ipinalalaganap lang ang ebanghelyo sa mga karaniwang tao sa Judea upang maihanda ang mga karapat-dapat na mga tao para sa Panginoong Jesus, at maihanda ang mga naaangkop na lugar kung saan Siya gagawa. Dahil mayroong propetang katulad ni Juan upang maghanda ng daan, nakapagsimula agad ang Panginoong Jesus sa Kanyang daan ng krus sa sandaling pagdating Niya. Nang nagkatawang-tao ang Diyos upang isagawa ang Kanyang gawain, hindi Niya kinailangang isagawa ang pamimili ng mga tao, at hindi Niya kinailangang personal na maghanap ng mga tao o ng lugar kung saan Siya gagawa. Hindi Siya nagsagawa ng ganoong gawain nang Siya ay dumating; inihanda na ng isang karapat-dapat na tao ang lahat bago pa Siya dumating. ... Gumawa si Juan sa loob ng pitong taon, na ibig sabihin ay ipinalaganap niya ang ebanghelyo sa loob ng pitong taon. Sa panahon ng kanyang gawain, hindi nagsagawa si Juan ng maraming himala, dahil ang kanyang gawain ay ang ihanda ang daan, ito ang gawain ng paghahanda. Ang lahat ng ibang mga gawain, ang gawaing isasagawa ni Jesus, ay walang kaugnayan sa kanya; hiniling lang niya sa tao na ipagtapat ang kanyang mga kasalanan at magsisi, at bautismuhan ang mga tao, upang sila ay maligtas. Kahit na nagsagawa siya ng bagong gawain, at nagbukas ng daan na hindi pa kailanman nilakaran ng tao, inihanda rin lamang niya ang daan para kay Jesus. Siya ay propeta na nagsagawa lang ng gawain ng paghahanda, at walang kakayahan upang isagawa ang gawain ni Jesus. Hindi man si Jesus ang unang nangaral ng ebanghelyo ng kaharian ng langit, at kahit ipinagpatuloy Niya ang landas na sinimulan ni Juan, wala pa ring makagagawa ng Kanyang gawain, at ito’y higit sa gawain ni Juan. Hindi kayang ihanda ni Jesus ang sarili Niyang daan; ang Kanyang gawain ay direktang naisagawa sa ngalan ng Diyos. Kaya, gaano man kadaming taong gumawa si Juan, siya ay isa pa ring propeta at isa ring naghanda sa daan ni Jesus. Ang tatlong taong gawain ni Jesus ay hinigitan ang pitong taon na gawain ni Juan, dahil ang sangkap ng kanilang mga gawain ay hindi pareho.

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | "Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?" (Tagalog Dubbed)


   Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "sinasabi Ko na ang tao ay may pananampalataya sa Akin sapagkat Ako’y nagbibigay ng masyadong maraming biyaya, at masyadong maraming pakinabang. Ang mga Judio ay naniwala sa Akin dahil sa Aking biyaya, at sumunod sa Akin saan man Ako nagtungo. Ang mga ignoranteng tao na ito na may limitadong kaalaman at karanasan ay hinanap lamang ang mga tanda at himala na ipinamalas Ko. Itinuring nila Ako bilang pinuno ng tahanan ng mga Hudyo na kayang gumawa ng mga pinaka-dakilang milagro. Samakatuwid, kapag pinalayas Ko ang mga demonyo mula sa mga tao, naguusap-usap sila na may malaking kalituhan, sinasabing Ako si Elias, Ako si Moises, na Ako ang pinaka-sinauna sa lahat ng mga propeta, na Ako ang pinakamagaling sa lahat ng mga manggagamot. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing Ako ang buhay, ang daan at ang katotohanan, walang sinuman ang makaaalam ng Aking katauhan o ng Aking pagkakakilanlan. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing ang langit ang lugar kung saan naninirahan ang Aking Ama, walang nakaalam na Ako ang Anak ng Diyos, at Diyos Mismo. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing dadalhin Ko sa kaligtasan ang lahat ng sangkatauhan at tutubusin ang sangkatauhan, walang nakaalam na Ako ang Tagapagligtas ng sangkatauhan; kilala lang Ako ng tao bilang isang mabait at maawaing tao. At bukod sa Aking sarili na nagagawang ipaliwanag ang lahat ng tungkol sa Akin, walang nakakilala sa Akin, at walang naniwala na Ako ang Anak ng buhay na Diyos. Ang tao lang ang may ganitong paraan ng pananampalataya sa Akin, at nililinlang Ako sa ganitong paraan. Paanong magagawa ng tao na maging saksi sa Akin kapag taglay niya ang ganitong pananaw tungkol sa Akin?"

Tagalog Christian Movie 2018 | "Pananabik" (Trailer)



Dalawang libong taon na ang nakararaan, ipinangako ng Panginoong Jesus sa Kanyang mga alagad: "Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon" (Juan 14:2-3). Dahil dito, patuloy na lubhang inasam at ipinagdasal ng mga henerasyon ng mga nananalig ang katuparan ng pangako ng Panginoon, at inasam at ipinagdasal na madala sila sa kalangitan para salubungin ang Panginoon at pumasok sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon. Inilalarawan din nito ang bida sa pelikula na si Chen Xiangguang. Masigasig siyang naghahanap, nangangaral ng ebanghelyo, at nagpapatotoo sa Panginoon para makasalubong sa pagdating ng Panginoon. Kahit natanggal sa trabaho sa paaralan at hindi siya naunawaan ng kanyang mga kapamilya, hindi siya nawawalan ng pag-asa sa kanyang puso kailanman. Isang araw habang nasa isang pagtitipon, inaresto si Chen Xiangguang at ibinilanggo ng gobyernong Chinese Communist. Sa ilalim ng nakamamanghang pamamahala ng Diyos at pakikipag-ayos, nakilala niya si Zhao Zhiming, isang Kristiyano mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nagpatotoo sa kanya si Zhao Zhiming tungkol sa pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw, na nakalutas sa maraming taon niyang paniwala at imahinasyon sa pag-asam at pagdarasal para sa pagbalik ng Panginoon. Nang makalaya sa bilangguan, hinikayat ni Chen Xiangguang ang kanyang mga kapatid na pag-aralan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa wakas ay naunawaan ng lahat kung ano ang madala sa kaharian ng langit, kung nasa lupa ba o sa langit ang kaharian, at kung paano dapat salubungin ng mga tao ang pagbalik ng Panginoon ...

Paano Natin Tatratuhin ang Kidlat ng Silanganan sa Paraang Naaayon sa Kalooban ng Panginoon?


Kapag nagpapatotoo ang mga tao na ang Kidlat ng Silanganan ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, nadarama ng maraming nananalig na ang Kidlat ng Silanganan ang tunay na daan, at na dapat nila itong hanapin at siyasatin nang husto para marinig ang tinig ng Panginoon. Gayunman, mali ang interpretasyon ng mga pastor at elder ng relihiyon sa Biblia kaya kinakalaban at tinutuligsa nila ang Kidlat ng Silanganan. Sa kagustuhang "protektahan ang daan ng Panginoon, panatilihing ligtas ang kawan, at maging responsable sa buhay ng mga nananalig," hinahadlangan nila ang mga nananalig sa lahat ng paraan na siyasatin ang tunay na daan. Ang Kidlat ng Silanganan kaya ang pagbalik ng Panginoon, na nagiging malinaw at gumagawa ng gawain? Paano natin dapat tratuhin ang Kidlat ng Silanganan, para makaayon tayo sa kalooban ng Panginoon?

Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos “Tungkol sa Biblia” (Ikalawang bahagi)






    8. Ang Biblia ay tinatawag din na Lumang at Bagong Tipan. Alam ninyo ba kung ano ang tinutukoy ng “tipan?” Ang “tipan” sa “Lumang Tipan” ay mula sa kasunduan ni Jehova sa bayan ng Israel nang patayin Niya ang mga taga-Ehipto at iniligtas ang mga Israelita mula sa Faraon. Siyempre pa, ang patunay ng kasunduang ito ay ang dugo ng tupa na ipinahid sa mga biga, kung saan nagtatag ang Diyos ng kasunduan sa tao, isa na kung saan sinabi na ang lahat nang may dugo ng tupa sa itaas at mga gilid ng hamba ng pintuan ay mga Israelita, sila ang piniling bayan ng Diyos, at silang lahat ay maliligtas ni Jehova (sapagkat papatayin na ni Jehova noon ang lahat ng mga panganay na lalaki ng Ehipto at panganay na mga tupa at baka). Ang kasunduang ito ay may dalawang antas ng kahulugan. Wala sa mga tao o mga alagang hayop ng Ehipto ang maililigtas ni Jehovah; papatayin Niya ang lahat ng kanilang panganay na lalaki at panganay na mga tupa at baka. Kaya, sa maraming mga libro ng propesiya hinulaan na ang mga taga-Egipto ay matinding kakastiguhin bilang resulta ng kasunduan ni Jehova. Ito ang unang antas ng kahulugan. Pinatay ni Jehova ang mga panganay na lalaki ng Ehipto at ang lahat ng mga panganay na alagang hayop, at iniligtas Niya ang lahat ng mga Israelita, na nangangahulugang ang lahat ng mga tao sa lupain ng Israel ay itinangi ni Jehova, at ang lahat ay maliligtas; ninanais Niyang gumawa ng pang-matagalang gawain sa kanila, at itinatag ang kasunduan sa kanila gamit ang dugo ng tupa. Pasimula sa panahong iyon, hindi papatayin ni Jehova ang mga Israelita, at sinabi na sila ang Kanyang magpakailanman mga pinili. Sa gitna ng labing-dalawang angkan ng Israel, sisimulan Niya ang Kanyang gawain sa buong Kapanahunan ng Kautusan, bubuksan Niya ang lahat ng Kanyang mga batas sa mga Israelita, at pipili mula sa kanila ng mga propeta at mga hukom, at sila ang magiging sentro ng Kanyang gawain. Gumawa Siya ng isang kasunduan sa kanila: Malibang magbago ang kapanahunan, Siya ay gagawa lamang sa gitna ng mga pinili. Ang kasunduan ni Jehova ay hindi nababago, dahil ito ay isinakatuparan sa dugo, at itinatag sa pamamagitan ng Kanyang piniling bayan. Mas mahalaga, Siya ay pumili ng naaangkop na saklaw at target na dapat pagmulan ng Kanyang gawain para sa buong kapanahunan, at sa gayon nakita ng mga tao ang kasunduan bilang lalong mahalaga. Ito ang ikalawang antas ng kahulugan ng kasunduan. Maliban sa Genesis, na naroon na bago pa ang pagtatatag ng kasunduan, ang lahat ng iba pang mga libro sa Lumang Tipan ay nagtatala ng gawa sa gitna ng mga Israelita pagkatapos ng pagtatatag ng kasunduan. Siyempre, may mga paminsan-minsang salaysay ang mga Gentil, ngunit sa pangkalahatan, ang Lumang Tipan ay nagsasaad ng gawain ng Diyos sa Israel. Dahil sa kasunduan ni Jehova sa mga Israelita, ang mga aklat na isinulat sa Kapanahunan ng Kautusan ay tinawag na ang “Lumang Tipan.” Ang mga ito ay ipinangalan sa kasunduan ni Jehova sa mga Israelita.

Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos “Tungkol sa Biblia” (Unang bahagi)

Biblia, Jesus, Landas, Langit, panginoon






   1. Sa maraming taon, ang mga kinaugaliang paraan ng paniniwala ng mga tao (ng Kristiyanismo, ang isa sa tatlong pangunahing relihiyon ng mundo) ay ang basahin ang Biblia; ang paglihis mula sa Biblia ay hindi paniniwala sa Panginoon, ang paglihis mula sa Biblia ay isang masamang kulto, at hidwang paniniwala, at kahit na basahin pa ng mga tao ang ibang mga libro, ang pundasyon ng mga librong ito ay dapat ang pagpapaliwanag sa Bibilia. Na ang ibig sabihin, kung sinasabi mo na naniniwala ka sa Panginoon, dapat mong basahin ang Biblia, dapat mong kainin at inumin ang Biblia, at bukod sa Biblia hindi ka dapat sumamba ng anumang libro na walang kinalaman ang Biblia. Kung gagawin mo iyon, samakatwid pinagtataksilan mo ang Diyos. Mula nang panahong mayroon ng Biblia, ang paniniwala ng mga tao sa Panginoon ay ang paniniwala sa Biblia. Sa halip na sabihing ang mga tao ay naniniwala sa Panginoon, mas mabuting sabihin na sila ay naniniwala sa Biblia; sa halip na sabihing sila ay nagsisimula na sa pagbabasa ng Biblia, mas mabuting sabihin na nagsisimula na sila sa paniniwala sa Biblia; at sa halip na sabihing nanumbalik na sila sa Panginoon, mas mabuting sabihing sila'y nanumbalik na sa Biblia. Sa ganitong paraan, sinasamba ng mga tao ang Biblia na parang ito ay Diyos, na parang ito ay kanilang pinaka-buhay at ang mawalan nito'y tulad ng mawalan ng kanilang mga buhay. Tinitingnan ng mga tao ang Biblia bilang kasintaas ng Diyos, at may mga tao na tinitingnan ito na mas mataas pa kaysa sa Diyos. Kung ang mga tao ay hindi taglay ang gawa ng Banal na Espiritu, kung hindi nila nadarama ang Diyos, maaari silang magpatuloy mamuhay—ngunit sa sandaling mawala sa kanila ang Biblia, o mawala ang mga bantog na kabanata at kasabihan mula sa Biblia, sa gayon parang nawala na ang kanilang buhay. At kaya, sa sandaling maniwala ang tao sa Panginoon nag-uumpisa na nilang basahin ang Biblia, at kabisahin ang Biblia, at mas higit sa Biblia na kanilang makakabisa, mas napapatunayan nito ang kanilang pagmamahal sa Panginoon at may malaking pananampalataya. Ang mga taong nakapagbasa ng Biblia at nakapagsasalita nito sa iba ay lahat mabubuting kapatid na lalaki at babae. Sa buong panahong ito, ang pananampalataya ng mga tao at katapatan sa Panginoon ay sinusukat ayon sa lawak ng kanilang pag-unawa sa Biblia. Talagang hindi nauunawaan ng karamihan ng mga tao kung bakit sila kailangang maniwala sa Diyos, ni kung paano maniwala sa Diyos, at walang g gagawin kundi pikit-matang naghahanap ng mga pahiwatig upang maunawaan ang mga kabanata sa Biblia. Hindi nila kailanman hinanap ang direksiyon ng gawa ng Banal na Espiritu; mula’t sapul, wala silang ginawa kundi desperadong mag-aral at mag-imbestiga ng Biblia, at walang sinumang naghanap kahit minsan ng bagong gawa ng Banal na Espiritu sa labas ng Biblia, walang sinumang lumihis kahit minsan mula sa Biblia, o nangahas na lumihis mula sa Biblia. Sa lahat ng mga nakaraang taon pinag-aralan ng mga tao ang Biblia, nakabuo sila ng napakaraming paliwanag, at nag-ukol ng napakaraming gawa; marami rin silang nagkakaibang opinyon tungkol sa Biblia, na walang katapusan nilang pinagtatalunan, kaya nga halos dalawang libong magkakaibang denominasyon na ang nabuo ngayon. Silang lahat ay nagnanais makahanap ng ilang natatanging mga paliwanag, o mas malalalim na mga misteryo sa Biblia, nais nilang galugarin ito, at makita ito sa pinagmulan ng gawain ni Jehova sa Israel, o pinagmulan ng gawain ni Jesus sa Judea, o karagdagang mga misteryo na walang sinumang nakakaalam. Ang pag-aaral ng mga tao sa Biblia ay isang pagkahumaling at pananampalataya, at walang sinuman ang lubusang malinaw tungkol sa kuwentong napapaloob at diwa ng Biblia. Kaya, ang resulta sa ngayon ay, mayroon pa ring di-mailarawang pakiramdam ng pagka-mahika ang mga tao pagdating sa Biblia; higit pa riyan, nahuhumaling sila rito, at may pananampalataya rito. Ngayon, lahat ay nagnanais na mahanap ang mga propesiya ng mga gawa sa mga huling araw sa Biblia, nais nilang matuklasan kung anong gawain ang ginagawa ng Diyos sa mga huling araw, at kung anong mga tanda ang naroon sa mga huling araw. Sa ganitong paraang, ang kanilang pagsamba sa Biblia ay nagiging mas taimtim, at habang mas papalapit sa mga huling araw, mas higit na tiwala ang inilalaan nila sa mga propesiya ng Biblia, partikular na tungkol sa mga huling araw. Sa ganoong pikit-matang paniniwala sa Biblia, sa ganoong pagtitiwala sa Biblia, wala silang pagnanais na hanapin ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa mga pagkakaintindi ng mga tao, iniisip nila ang Biblia lamang ang magdadala ng gawa ng Banal na Espiritu; sa Biblia lamang nila makikita ang mga yapak ng Diyos; sa Biblia lamang nakatago ang mga hiwaga ng mga gawain ng Diyos; ang Biblia lamang—hindi ang ibang libro o mga tao—ang makakapaglinaw ng lahat tungkol sa Diyos at ang kabuuan ng Kanyang gawain; ang Biblia ang maaaring maghatid ng gawa ng langit sa lupa; at kapwa maaaring simulan at wakasan ng Biblia ang mga kapanahunan. Sa mga pagkakakaintinding ito, walang inklinasyon ang mga tao na hanapin ang gawa ng Banal na Espiritu. Kaya, gaano man kalaki ang naging tulong ng Biblia sa tao noong nakalipas, ito’y naging isang balakid sa pinakabagong gawa ng Diyos. Kung walang Biblia, maaaring hanapin ng mga tao ang mga yapak ng Diyos sa ibang dako, ngunit ngayon, ang Kanyang mga yapak ay nakapaglaman sa Biblia, at ang pagpapalawak ng Kanyang pinakabagong gawa ay naging dobleng hirap, at isang mahirap na pakikipagpunyagi. Ito lahat ay dahil sa kilalang mga kabanata at mga kasabihan mula sa Biblia, gayundin ang iba't-ibang mga propesiya ng Biblia. Ang Biblia ay naging isang diyus-diyusan sa isip ng mga tao, ito ay naging isang palaisipan sa kanilang mga utak, at talagang hindi na nila kayang maniwala na makakagawa ang Diyos nang hindi kasama ang Biblia, hindi nila kayang maniwala na ang mga tao ay maaaring makita ang Diyos sa labas ng Biblia, mas lalong hindi nila kayang maniwala na ang Diyos ay maaaring lumisan sa Biblia sa panahon ng huling gawa at magsimula ng panibago. Ito ay malayong mangyari para sa mga tao; sila ay hindi makapaniwala rito, at hindi rin nila inakala ito. Ang Biblia ay naging isang malaking balakid sa pagtanggap ng mga tao sa bagong gawain ng Diyos, at pinahirap nito na palawakin ang bagong gawaing ito.

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Hinahanap Ng Diyos ang Iyong Puso at Iyong Espiritu

♪.•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸♪💯🎻💖💓💯🎻 ♪.•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸♪



I
Taong nilisan tustos-buhay mula sa Makapangyarihan
di alam ba't umiiral, nguni't takot sa kamatayan.
Walang suporta at tulong,
ngunit nag-aatubili pa ring ipikit kanilang mga mata,
sinusuong ang lahat,
inilalantad walang dangal na buhay sa mundo
sa katawang kaluluwa ay walang malay.
Buhay nang walang pag-asa't layunin.
Ang Tanging Banal lamang ang nasa alamat,
ang Tanging Banal lamang ang nasa alamat
na magliligtas sa nagdurusa
at naghahangad ng Kanyang pagdating.
Sa taong walang-malay,
paniwalang ito'y di pa matatanto hanggang ngayon.
Gayunman, tao'y hangad pa rin ito, hangad ito.