Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ang Layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos ay Upang Iligtas ang Sangkatauhan (Tagalog Song)


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos ay Upang Iligtas ang Sangkatauhan" (Tagalog Christian Song)
Hymn Videos, Salita ng Diyos, Diyos, katotohanan, awa,


Pag-ibig at awa ng Diyos
lumalaganap sa Kanyang gawaing pamamahala
mula sa una hanggang sa huling detalye.
I
Kung nararamdaman man ng tao ang kalooban Niya o hindi,
Siya ay walang humpay na nagpapatuloy sa gawain 
na kailangan Niyang gawin
Kung naiintindihan man ng tao ang pamamahala Niya o hindi,
Ang gawain ng Diyos ay nagdudulot ng tulong 
at tustos na maaaring madama ng lahat.
Pag-ibig at awa ng Diyos
lumalaganap sa Kanyang gawaing pamamahala
mula sa una hanggang sa huling detalye.
II
Marahil ay 'di mo nararamdaman ngayon ang pagmamahal
at ang buhay na ibinibigay ng Diyos,
ngunit hangga't hindi mo iniiwan ang Kanyang panig,
ni tinalikdan ang iyong kalooban 
upang humanap ng katotohanan,
isang araw, tiyak, makikita mo ang ngiti ng Diyos.
Dahil sa ang layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos 
ay upang agawin ang sangkatauhan mula sa sakop ni Satanas,
at huwag talikuran ang mga taong natiwali ni Satanas,
at tutulan ang Kanyang kalooban.
Pag-ibig at awa ng Diyos
lumalaganap sa Kanyang gawaing pamamahala
mula sa una hanggang sa huling detalye.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Tagalog Christian Music Video | "Lahat ng Bagay ay Nasa Kamay ng Diyos" (Tagalog song)


Tagalog Christian Music Video | "Lahat ng Bagay ay Nasa Kamay ng Diyos" (Tagalog song)
Diyos, Hymn Videos, Salita ng Diyos,


I
Minsan nasabi ng Diyos ang gayong mga salita:
Ang sinasabi ng Diyos ay maasahan, at ito ay mangyayari,
hindi mababago ng sinuman.
Hindi mahalaga kung itong mga salita ay nasabi na
o sasabihin pa lamang,
lahat ng ito'y matutupad, upang makita ng lahat:
Ito ang prinsipyo sa likod ng gawain ng mga salita ng Diyos.
Lahat sa sansinukob ay ipinapasya ng Diyos.
Ano ang wala sa mga kamay ng Diyos?
Anuman ang sinasabi ng Diyos ay mangyayari.
Sino ang maaaring magbago ng kalooban ng Diyos?
Maaaring ito ba ang tipan na ginawa ng Diyos sa lupa?
Walang maaaring makahadlang
sa plano ng Diyos sa pagpapatuloy.
Ang Diyos ay gumagawa sa lahat ng oras.
Lahat ng bagay ay nasa kamay ng Diyos.

II
Ang Diyos ay laging nagtatrabaho
sa mga plano sa Kanyang pamamahala.
Sino ang kayang gumambala?
Di ba't isinasaayos pa rin ng Diyos ang lahat?
Ang katayuan na napasok ng mga bagay ngayon
ay nasa loob pa rin ng plano at pangitain ng Diyos.
Lahat sa sansinukob ay ipinapasya ng Diyos.
Ano ang wala sa mga kamay ng Diyos?
Anuman ang sinasabi ng Diyos ay mangyayari.
Sino ang maaaring magbago ng kalooban ng Diyos?
Maaaring ito ba ang tipan na ginawa ng Diyos sa lupa?
Walang maaaring makahadlang
sa plano ng Diyos sa pagpapatuloy.
Ang Diyos ay gumagawa sa lahat ng oras.
Lahat ng bagay ay nasa kamay ng Diyos.

III
Ito ang Kanyang naitalaga.
Sino sa inyo ang kayang tarukin ang Kanyang plano
para sa hakbang na ito?
Dapat makinig ang mga tao ng Diyos sa Kanyang tinig.
Lahat ng mga tunay na nagmamahal sa Diyos
ay babalik sa harap ng trono kung saan Siya nakaupo!
Lahat sa sansinukob ay ipinapasya ng Diyos.
Ano ang wala sa mga kamay ng Diyos?
Anuman ang sinasabi ng Diyos ay mangyayari.
Sino ang maaaring magbago ng kalooban ng Diyos?
Maaaring ito ba ang tipan na ginawa ng Diyos sa lupa?
Walang maaaring makahadlang
sa plano ng Diyos sa pagpapatuloy.
Ang Diyos ay gumagawa sa lahat ng oras.
Lahat ng bagay ay nasa kamay ng Diyos.
Lahat ng bagay ay nasa kamay ng Diyos.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Tagalog Christian Gospel Video | "Pagpalain ng Diyos" | Being saved from disasters (Tagalog Dubbed)


Tagalog Christian Gospel Video | "Pagpalain ng Diyos" | Being saved from disasters (Tagalog Dubbed)
Mga Patotoo, Pagpalain ng Diyos, Diyos,


Madalas sabihin ng mga tao na "Ang mga bagyo ay namumuo nang walang babala at ang kasawian ay sumasapit sa mga tao sa magdamag." Sa panahon natin ngayon na mabilis na umuunlad ang siyensya, modernong transportasyon at materyal na yaman, dumarami ang mga sakunang nangyayari sa buong paligid natin bawat araw. Kapag binuklat natin ang pahayagan o binuksan ang TV, ang pangunahing nakikita natin ay: mga digmaan, lindol, tsunami, bagyo, sunog, baha, pagbagsak ng mga eroplano, sakuna sa minahan, kaguluhan sa lipunan, matitinding alitan, pag-atake ng mga terorista, atbp. Lahat ng nakikita natin ay mga likas na kalamidad at mga sakunang dulot ng tao. Ang mga sakunang ito ay madalas mangyari at mas tumitindi. Ang masidhing pagdami ng sakuna ay may kasamang pagdurusa, dugo, pagkabalda at kamatayan. Nangyayari ang mga kasawian sa ating paligid sa lahat ng oras, na nagbibigay-diin na maikli at marupok ang buhay. Wala tayong paraan para mahulaan kung anong klaseng mga sakuna ang mararanasan natin sa hinaharap. Bukod pa rito, hindi natin alam kung ano ang dapat nating gawin. Bilang bahagi ng sangkatauhan, ano ang dapat nating gawin upang makalaya sa mga sakunang ito? Sa programang ito, malalaman mo ang sagot. Malalaman mo ang tanging paraan para matanggap ang proteksyon ng Diyos upang makaligtas ka sa nakaambang mga sakuna.

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Kalungkutan ng Tiwaling Sangkatauhan"


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Kalungkutan ng Tiwaling Sangkatauhan" 


I
Ang tao'y naglakad kasama ang D'yos sa paglipas ng mga taon,
ngunit di alam ng tao na hawak ng
Diyos ang tadhana ng lahat ng bagay.
Lalong di alam papaano magsaayos ang Diyos,
mamahala sa lahat ng bagay.
Gayong bagay ang 'di alam ng tao noon hanggang ngayon
'di dahil mailap ang mga gawa ng Diyos,
o plano Niya'y di pa naisakatuparan,
nguni't dahil puso't espiritu ng tao, napakalayo sa D'yos.
Kahit tao'y sumusunod sa Diyos.
Walang malay siyang nagsisilbi kay Satanas.
Walang aktibong humahanap sa bakas ng D'yos.
Walang sinumang aktibong naghahanap sa pagpapakita ng D'yos,
at wala ring nais mabuhay sa pag-aruga't
pag-iingat ng D'yos.
Mas gusto nilang umasa sa kaagnasan ni Satanas
upang umangkop sa masasamang tuntunin ng buhay ng tao.
Di namalayan na sa proseso,
puso't espiritu N'ya'y isinakripisyo kay Satanas at ng kasamaan.
Bukod dito, puso't espiritu ng tao'y
nagiging tahanan ni Satanas at kanyang palaruan.

II
Sa paraang ito, di namamalayang 'di na maunawaan ng tao
ang mga prinsipyo ng pagiging tao,
at halaga at layunin ng pag-iral ng tao.
Mga batas mula sa D'yos at ang tipan N'ya sa tao
dahan-dahang kumupas sa puso ng tao
at di na n'ya hinahanap ni pakinggan man ang Diyos.
Sa paglipas ng panahon tao'y di na makaintindi
kung bakit s'ya'y nilikha ng D'yos,
di maintindihan mga salita ng Diyos
di matanto na lahat ay nanggagaling sa D'yos.
Nagsisimulang labanan ng tao
mga batas at kautusang itinakda ng D'yos;
puso't espiritu niya'y naging patay.
Nawala ng Diyos ang orihinal na tao.
Nawala ng tao ang kanyang pinagmulan.
Ito ay ang lungkot ng sangkatauhang ito.
Ito ay ang lumbay ng sangkatauhang ito.
Ito ay ang lungkot ng sangkatauhang ito.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Tagalog Crosstalk "Ang Hiwaga ng Pangalan ng Diyos" | Can the Lord Be Called Jesus When He Returns?


Sa loob ng dalawang libong taon, palaging nagdarasal at nananawagan ang mga Kristiyano sa pangalan ng Panginoong Jesus, nananalig na ang pangalan ng Diyos ay palaging magiging Jesus. Gayunman, ipinropesiya sa Aklat ng Pahayag, kapitulo 3, bersikulo 12, na magkakaroon ng bagong pangalan ang Panginoon pagbalik Niya. Kaya ngayong nagbalik na ang Panginoon sa mga huling araw, matatawag pa rin ba natin siyang Jesus? Anong mga hiwaga ang nasa likod ng pangalan ng Diyos? Ang pagtatanghal na salitaan na may pamagat na "Ang Hiwaga ng Pangalan ng Diyos," ay pinaghahalo ang mga estilo ng pag-awit at pagbigkas para gabayan tayo sa pag-unawa sa kahalagahan kung bakit iba-iba ang pangalan ng Diyos sa iba’t ibang panahon.

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Pagpapatuloy ng Unang Bahagi)


Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Pagpapatuloy ng Unang Bahagi)

Mga Pagbigkas ni Cristo, Diyos, Salita ng Diyos,

Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao." Ang nilalaman ng video na ito:
Ang Gawain ng Pamamahala ng Diyos at Pagliligtas ng Sangkatauhan ay Nagsisimula sa Pagsakripisyo ni Abraham kay Isaac
Walang Pakialam ang Diyos Kung Hangal man ang Tao—Hinihingi Lang Niyang Maging Totoo ang Tao
Nakamit ng Tao ang Pagpapala ng Diyos dahil sa Kanyang Pagkamatapat at Pagkamasunurin
Ang Pagkamit sa mga Nakakikilala sa Diyos at mga may Kakayahang Magpatotoo sa Kanya ay ang Di-magbabagong Hangarin ng Diyos

Tagalog Christian Movie | "Kumakatok sa Pintuan" God Knocks at the Door of My Heart (Tagalog Dubbed)


Tagalog Christian Movie | "Kumakatok sa Pintuan" God Knocks at the Door of My Heart (Tagalog Dubbed)
Jesus, Panginoon, katotohanan, Makapangyarihang Diyos, Diyos,


Dalawang libong taon na ang nakararaan, iprinoposiya ng Panginoong Jesus, "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). "Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko" (Pahayag 3:20). Sa loob ng huling dalawang libong taon, naging mapagmatyag ang mga nananampalataya sa Panginoon at hinihintay ang pagkatok Niya sa pintuan, kung ganon paano Siya tutuktok sa pintuan ng sangkatauhan sa Kanyang pagbabalik? Sa mga huling araw, pinatototohanan ng ilang tao na nagbalik na ang Panginoong Jesus — ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao — at gagawin Niya ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Ginimbal ng balitang ito ang buong mundo ng relihiyon. Si Yang Aiguang, ang bida ng pelikula, ay ilang dekada ng naniniwala sa Panginoon at matagal ng nakikiisa nang buong-puso sa gawain at pangangaral, naghihintay na salubungin ang pagbabalik ng Panginoon. Isang araw, may dumating na dalawang tao at kumatok sa pinto, sinabi nila kay Yang Aiguang at sa asawa nito na nagbalik na ang Panginoong Jesus at ibinahagi sa kanila ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Labis silang naantig sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, pero dahil natuklasan ni Yang Aiguang ang mga kasinungalingan, panlilinlang at paghihigpit ng mga  pastor at elder, pinalayas niya sa bahay nila ang mga saksi ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pagkatapos noon, ilang beses pang kumatok sa pintuan nila ang mga saksi at ibinahagi kay Yang Aiguang ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, pinatotohanan nila ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa mga sandaling ito, paulit-ulit na ginulo at pinigil ng pastor si Yang Aiguang, at hindi nawala ang kanyang pag-aalinlangan. Ganunpaman, sa pakikinig sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, tuluyang naintindihan ni Yang Aiguang ang katotohanan at naunawaan ang tungkol sa mga tsismis at kasinungalingang ikinalat ng mga pastor at elder. Naiintindihan na niya sa wakas kung paano kumakatok ang Panginoon sa pintuan ng mga tao sa Kanyang pagbabalik sa mga huling araw, at kung paano natin Siya dapat salubungin. Nung maglaho ang hamog, narinig na ni Yang Aiguang ang tinig ng Diyos at tinanggap na talagang ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!