Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Maikling Dula - "Isang Babala Mula sa Kasaysayan" (Tagalog Christian Video)


Maikling Dula - "Isang Babala Mula sa Kasaysayan" (Tagalog Christian Video)


Dalawang libong taon na ang nakakaraan, noong nagpakita at gumawa ang Panginoong Jesus, pinanghawakan ng mga Fariseo ang mga kautusan at kinondena ang Kanyang gawain, sinasabing ang gawain Niya ay labas sa Banal na Kasulatan. Para maprotektahan ang kanilang katayuan at kabuhayan, ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para pigilan ang mga tao sa paghahanap sa gawain ng Panginoong Jesus, at nakipagsanib puwersa sa pamahalaang Romano para ipako Siya sa krus. Sa mga huling araw, sa muling pagpapakita ng Panginoon Jesus sa katawang-tao para isagawa ang Kanyang gawain, inuulit ng mga pinuno sa mundo ng  relihiyon ang makasaysayang trahedya ng paglaban ng mga Fariseo sa Panginoong Jesus. Paano nila nilalabanan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw? Sa pamamagitan ng pagganap ng isang pastor bilang Fariseo sa isang palabas, inihahayag ng dulang ito kung paano pinanghahawakan ng mga makabagong pastor at elder ang Biblia para labanan ang Diyos, at malinaw na ipinapakita na walang pinagkaiba ang landas na tinatahak nila sa landas ng mga Fariseo.

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI Ang Kabanalan ng Diyos (III) (Unang Bahagi)


Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI Ang Kabanalan ng Diyos (III) (Unang Bahagi)
Mga Pagsasalaysay, Mga Pagbigkas ni Cristo, Diyos, Cristo,


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kaya ginagamit ni Satanas ang katanyagan at pakinabang upang kontrolin ang mga iniisip ng tao hanggang ang lahat ng maaari nilang isipin ay katanyagan at pakinabang na lamang. Nagsusumikap sila para sa katanyagan at pakinabang, nagdurusa ng mga paghihirap para sa katanyagan at pakinabang, tinitiis ang kahihiyan para sa katanyagan at pakinabang, isinasakrispisyo ang lahat-lahat na mayroon sila para sa katanyagan at pakinabang, at sila’y gagawa ng anumang paghatol o disisyon upang kapwa panatilihin at makamit ang katanyagan at pakinabang. Sa ganitong paraan iginagapos ni Satanas ang tao ng di-nakikitang mga kadena. Ang kadenang ito ay nakapasan sa mga katawan ng tao, at wala silang lakas ni tapang na itapon ito. Kaya ang mga tao ay kailanman naglalakad pasulong nang may malaking paghihirap, walang kaalam-alam na dinadala ang kadenang ito. Para sa kapakanan ng katanyagan at pakinabang na ito, ang sangkatauhan ay nahiwalay sa Diyos at ipinagkanulo Siya. Sa pagdaan ng bawat henerasyon, ang sangkatauhan ay naging higit na mas masama, higit na mas madilim at kaya sa ganitong paraan ang isang henerasyon matapos ang isa ay winawasak sa katanyagan at pakinabang ni Satanas."

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Dadakilain Ang Ngalan ng Diyos sa mga Bansang Gentil"


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Dadakilain Ang Ngalan ng Diyos sa mga Bansang Gentil
Hymn Videos, Salita ng Diyos, Diyos, Isang Himno,


I
Layon ng paghatol ng Diyos himukin pagsunod ng tao;
layon ng pagkastigo ng Diyos hayaan pagbabago ng tao.
Bagama't gawain ng Diyos ay sa pamamahala N'ya,
lahat ay mabuti para sa tao.  
Nais ng Diyos na sumunod kahit ang mga di-Israelita,
upang gawin silang tunay na mga tao,
kaya inaabot ng Diyos lupaing labas ng Israel.
Pamamahala ito ng Diyos.
Gawain N'ya sa lupaing Gentil.
II
Gawa ng Diyos dapat paglago'y batid n'yo,
malayo't malawak kayo'y kakalat.
Tatamaan kayo ng Diyos, tatamaan kayo ng Diyos,
gaya nang ginawa ni Jehovah sa Israel,
para ebanghelyo'y kumalat sa mundo,
gawain ng Diyos sa mga lupang Gentil.
Sa bata't matanda ngalan ng Diyos lalawak,
sa bibig ng lahat ngalan ng Diyos pupurihin.
III
Sa huling kapanahunan,
mga bansang Gentil dadakilain ngalan ng Diyos.
Mga kilos ng Diyos tanaw ng mga Gentil,
tatawagin S'yang Makapangyarihan,
mga salita Niya'y magkakatotoo.
Sa tao'y ipapabatid ng Diyos
na S'ya'y di lang Diyos ng Israel,
S'ya'y Diyos din ng lahat ng Gentil,
at nang sinumpa N'ya.
Ipapakita N'ya sa tao na Siya'y Diyos ng sangnilikha.
Ito'y pinakalubos na gawain ng Diyos,
ang layon ng gawain N'ya sa huling mga araw,
at tanging gagawin N'ya sa huling mga araw.  

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Tagalog Christian Music Video | "Mga Prinsipyo sa Paghahanap ng Tunay na Daan" (Tagalog Song)


Tagalog Christian Music Video | "Mga Prinsipyo sa Paghahanap ng Tunay na Daan" (Tagalog Song)
Hymn Videos, paniniwala, Diyos, karanasan, katotohanan,


I
Tunay na daan ay ipinapakita ng anong mga pangunahing prinsipyo? Tingnan kung Espiritu'y gumagawa, kung katotohana'y inihahayag; tingnan kung sinong pinatotohana't anong dulot nito sa'yo. Paniniwala sa Diyos ay sa Espiritu din. Pananalig sa naging-taong Diyos ay pananalig na Siyang kumakatawan sa Espiritu ng Diyos, Siyang Espiritu ng Diyos na kumukuha sa anyo ng katawang-tao, Siya ang Salita na ngayo'y naging katawang-tao na.
II
Dapat ding tingnan mo kung katotohana'y nasa daang ito. Katotohanan, na normal na disposisyon ng buhay ng tao, normal na katinuan, kabatiran, karunungan at pangunahing kaalaman ng pagiging tao. Katotohanan, na inilaan ng Diyos para sa tao mula pa sa paglikha. Ang daan ba ay tungo sa normal na buhay? Katotohanan ba nito'y hiling sa tao na ipamuhay ang normal na pagkatao? Praktikal ba at napapanahon? Kung may katotohanan sa daang ito, magiging tunay ang karanasan ng tao, pagkatao't katinuan nila'y magiging ganap, espirituwal at pisikal na buhay nila ay magiging mas maayos, mga emosyon nila'y mas normal.
III
May isa pang tuntunin para matukoy ang daang tunay. Napalago ba ng daang ito ang kaalaman ng tao sa Diyos? Dapat pukawin ng katotohanan ang pag-ibig sa Diyos sa puso ng tao at mas ilapit ang tao sa presensya N'ya. Reyalidad ang dulot ng katotohanan, nagbibigay ng mga panustos ng buhay. Hanapin ang mga prinsipyong ito at hanapin ang daang tunay, ang daang tunay.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos ay Upang Iligtas ang Sangkatauhan (Tagalog Song)


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos ay Upang Iligtas ang Sangkatauhan" (Tagalog Christian Song)
Hymn Videos, Salita ng Diyos, Diyos, katotohanan, awa,


Pag-ibig at awa ng Diyos
lumalaganap sa Kanyang gawaing pamamahala
mula sa una hanggang sa huling detalye.
I
Kung nararamdaman man ng tao ang kalooban Niya o hindi,
Siya ay walang humpay na nagpapatuloy sa gawain 
na kailangan Niyang gawin
Kung naiintindihan man ng tao ang pamamahala Niya o hindi,
Ang gawain ng Diyos ay nagdudulot ng tulong 
at tustos na maaaring madama ng lahat.
Pag-ibig at awa ng Diyos
lumalaganap sa Kanyang gawaing pamamahala
mula sa una hanggang sa huling detalye.
II
Marahil ay 'di mo nararamdaman ngayon ang pagmamahal
at ang buhay na ibinibigay ng Diyos,
ngunit hangga't hindi mo iniiwan ang Kanyang panig,
ni tinalikdan ang iyong kalooban 
upang humanap ng katotohanan,
isang araw, tiyak, makikita mo ang ngiti ng Diyos.
Dahil sa ang layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos 
ay upang agawin ang sangkatauhan mula sa sakop ni Satanas,
at huwag talikuran ang mga taong natiwali ni Satanas,
at tutulan ang Kanyang kalooban.
Pag-ibig at awa ng Diyos
lumalaganap sa Kanyang gawaing pamamahala
mula sa una hanggang sa huling detalye.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Tagalog Christian Music Video | "Lahat ng Bagay ay Nasa Kamay ng Diyos" (Tagalog song)


Tagalog Christian Music Video | "Lahat ng Bagay ay Nasa Kamay ng Diyos" (Tagalog song)
Diyos, Hymn Videos, Salita ng Diyos,


I
Minsan nasabi ng Diyos ang gayong mga salita:
Ang sinasabi ng Diyos ay maasahan, at ito ay mangyayari,
hindi mababago ng sinuman.
Hindi mahalaga kung itong mga salita ay nasabi na
o sasabihin pa lamang,
lahat ng ito'y matutupad, upang makita ng lahat:
Ito ang prinsipyo sa likod ng gawain ng mga salita ng Diyos.
Lahat sa sansinukob ay ipinapasya ng Diyos.
Ano ang wala sa mga kamay ng Diyos?
Anuman ang sinasabi ng Diyos ay mangyayari.
Sino ang maaaring magbago ng kalooban ng Diyos?
Maaaring ito ba ang tipan na ginawa ng Diyos sa lupa?
Walang maaaring makahadlang
sa plano ng Diyos sa pagpapatuloy.
Ang Diyos ay gumagawa sa lahat ng oras.
Lahat ng bagay ay nasa kamay ng Diyos.

II
Ang Diyos ay laging nagtatrabaho
sa mga plano sa Kanyang pamamahala.
Sino ang kayang gumambala?
Di ba't isinasaayos pa rin ng Diyos ang lahat?
Ang katayuan na napasok ng mga bagay ngayon
ay nasa loob pa rin ng plano at pangitain ng Diyos.
Lahat sa sansinukob ay ipinapasya ng Diyos.
Ano ang wala sa mga kamay ng Diyos?
Anuman ang sinasabi ng Diyos ay mangyayari.
Sino ang maaaring magbago ng kalooban ng Diyos?
Maaaring ito ba ang tipan na ginawa ng Diyos sa lupa?
Walang maaaring makahadlang
sa plano ng Diyos sa pagpapatuloy.
Ang Diyos ay gumagawa sa lahat ng oras.
Lahat ng bagay ay nasa kamay ng Diyos.

III
Ito ang Kanyang naitalaga.
Sino sa inyo ang kayang tarukin ang Kanyang plano
para sa hakbang na ito?
Dapat makinig ang mga tao ng Diyos sa Kanyang tinig.
Lahat ng mga tunay na nagmamahal sa Diyos
ay babalik sa harap ng trono kung saan Siya nakaupo!
Lahat sa sansinukob ay ipinapasya ng Diyos.
Ano ang wala sa mga kamay ng Diyos?
Anuman ang sinasabi ng Diyos ay mangyayari.
Sino ang maaaring magbago ng kalooban ng Diyos?
Maaaring ito ba ang tipan na ginawa ng Diyos sa lupa?
Walang maaaring makahadlang
sa plano ng Diyos sa pagpapatuloy.
Ang Diyos ay gumagawa sa lahat ng oras.
Lahat ng bagay ay nasa kamay ng Diyos.
Lahat ng bagay ay nasa kamay ng Diyos.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Tagalog Christian Gospel Video | "Pagpalain ng Diyos" | Being saved from disasters (Tagalog Dubbed)


Tagalog Christian Gospel Video | "Pagpalain ng Diyos" | Being saved from disasters (Tagalog Dubbed)
Mga Patotoo, Pagpalain ng Diyos, Diyos,


Madalas sabihin ng mga tao na "Ang mga bagyo ay namumuo nang walang babala at ang kasawian ay sumasapit sa mga tao sa magdamag." Sa panahon natin ngayon na mabilis na umuunlad ang siyensya, modernong transportasyon at materyal na yaman, dumarami ang mga sakunang nangyayari sa buong paligid natin bawat araw. Kapag binuklat natin ang pahayagan o binuksan ang TV, ang pangunahing nakikita natin ay: mga digmaan, lindol, tsunami, bagyo, sunog, baha, pagbagsak ng mga eroplano, sakuna sa minahan, kaguluhan sa lipunan, matitinding alitan, pag-atake ng mga terorista, atbp. Lahat ng nakikita natin ay mga likas na kalamidad at mga sakunang dulot ng tao. Ang mga sakunang ito ay madalas mangyari at mas tumitindi. Ang masidhing pagdami ng sakuna ay may kasamang pagdurusa, dugo, pagkabalda at kamatayan. Nangyayari ang mga kasawian sa ating paligid sa lahat ng oras, na nagbibigay-diin na maikli at marupok ang buhay. Wala tayong paraan para mahulaan kung anong klaseng mga sakuna ang mararanasan natin sa hinaharap. Bukod pa rito, hindi natin alam kung ano ang dapat nating gawin. Bilang bahagi ng sangkatauhan, ano ang dapat nating gawin upang makalaya sa mga sakunang ito? Sa programang ito, malalaman mo ang sagot. Malalaman mo ang tanging paraan para matanggap ang proteksyon ng Diyos upang makaligtas ka sa nakaambang mga sakuna.