Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos | Ang Masama ay Dapat Parusahan

 Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos | Ang Masama ay Dapat Parusahan

Ang pagsisiyasat kung iyong isinasagawa ang pagkamatuwid sa lahat ng iyong ginagawa, at kung minamasdan ng Diyos lahat ng pagkilos mo, ay mga prinsipyo sa pag-uugali ng mga naniniwala sa Diyos. Tatawagin kayong matuwid dahil napalulugod ninyo ang Diyos, at dahil tinatanggap ninyo ang Kanyang pag-aalaga at proteksyon. Sa paningin ng Diyos, lahat ng tumatanggap ng Kanyang pag-aalaga, proteksyon, at pagka-perpekto at mga nakakamit Niya, ay mga matuwid at tinitingnan nang may pagtatangi ng Diyos. Mas tinatanggap ninyo ang mga salita ng Diyos dito at ngayon, mas nagagawa ninyong matanggap at maunawaan ang Kanyang kalooban, at kaya mas maisasabuhay ninyo ang mga salita ng Diyos at masusunod ninyo ang Kanyang mga pamantayan.

Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos

Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman ang mga tao ay alam na alam ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na lahat niyaong mga hindi nakakakilala sa Diyos ay nagtataglay ng isang magulong paniniwala. Ang mga tao ay hindi seryoso sa kanilang paniniwala sa Diyos sapagka’t ang paniniwala sa Diyos ay masyadong di-kilala, masyadong kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga hinihingi ng Diyos. Sa ibang salita, kung hindi kilala ng tao ang Diyos, hindi alam ang Kanyang gawa, kung gayon hindi sila angkop para sa paggamit ng Diyos, lalong hindi nila maaaring tuparin ang ninanasa ng Diyos. Ang “paniniwala sa Diyos” ay nangangahulugang paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng pagkakaintindi sa pananampalataya sa Diyos. Bukod pa rito, ang paniniwalang mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na pananalig sa Diyos; kundi, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may malakas na pangrelihiyong mga kahulugan. Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong masamang disposisyon, makakatupad sa ninanasa ng Diyos at makakakilala sa Diyos. Tanging sa pamamagitan ng ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos. Datapwa’t ang mga tao ay madalas makita ang paniniwala sa Diyos bilang isang bagay na napakasimple at walang gaanong kabuluhan. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay walang kabuluhan at hindi kailanman makakatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, pagka’t sila’y tumatahak sa maling landas. Ngayon, mayroon pa ring mga naniniwala sa Diyos sa pamamagitan ng mga titik, sa mga doktrinang walang laman.

Bakit kailangang hatulan at kastiguhin ng Diyos ang mga tao?

Bakit kailangang hatulan at kastiguhin ng Diyos ang mga tao?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtutubos sa buong sangkatauhan at naging pinakahandog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na napasama ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay nakabalik sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na kinasasaklawan. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang dominyon ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malaking mga pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

mula sa “Punong Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya. Pagkatapos ng libu-libong taon ng katiwalian ni Satanas, ang tao ay mayroon na sa kanyang kalooban ng kalikasang lumalaban sa Diyos. Samakatuwid, nang ang tao ay natubos, walang iba ito kundi pagtubos, kung saan ang tao ay binili sa isang mataas na halaga, nguni’t ang nakakalasong kalikasan sa loob ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang nadungisan ay dapat na sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling sangkap na nasa loob niya, at makakaya niyang ganap na magbago at maging malinis. Tanging sa ganitong paraan maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng trono ng Diyos.

mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang alam mo lang ay bababa si Jesus sa huling mga araw, ngunit paano Siya bababa? Ang makasalanang tulad mo, na natubos pa lang, at hindi nabago, at hindi ginawang perpekto ng Diyos, susundin mo ba kung ano ang nais ng Diyos? Para sa iyo, ikaw na siyang nananahan pa rin sa iyong dating sarili, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa kaligtasan ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka nagiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, ikaw ay puno ng karumihan, kasakiman at kasamaan, ngunit ninanais mo pa rin na bumaba kasama ni Jesus—napakapalad mo naman! Nagmintis ka sa isang hakbang sa iyong paniniwala sa Diyos: Ikaw ay natubos lang, ngunit hindi nabago. Upang ikaw ay makasunod sa ninanais ng Diyos, ang Diyos ang personal na gagawa ng pagbabago at paglilinis sa’yo; kung ikaw ay tinubos lang, hindi ka magkakaroon ng kakayahang magtamo ng kabanalan. Sa paraang ito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa mga biyaya ng Diyos, dahil nakalimutan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pag-perpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang tinubos, ay walang kakayahang direktang matamo ang pamana ng Diyos.

mula sa “Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Walang aktibong naghahanap ng mga yapak o wangis ng Diyos, at walang nagnanais na mamuhay sa pangangalaga at pag-iingat ng Diyos. Sa halip, sila ay handang umasa sa kaagnasan ni Satanas at kasamaan upang iangkop sa mundong ito at sa mga patakaran ng buhay na sinusunod ng makasalanang sangkatauhan. Sa puntong ito, ang puso at espiritu ng tao ay isinakripisyo kay Satanas at siyang bumubuhay dito. Higit pa rito, ang puso at espiritu ng tao ay naging lugar kung saan si Satanas ay maaaring manirahan at naging akmang palaruan ito. Sa paraang ito, ang tao ay walang kamalay-malay na nawawala sa kanya ang pag-unawa ng mga prinsipyo ng pagiging tao, at ang halaga at layunin ng pag-iral ng tao. Ang mga batas mula sa Diyos at ang tipan sa pagitan ng Diyos at ng tao ay unti-unting naglalaho sa puso ng tao at hindi na naghahanap ang tao o nagbibigay pansin sa Diyos. Sa paglipas ng panahon, ang tao ay hindi na nauunawaan kung bakit nilikha ng Diyos ang tao, ni hindi niya maintindihan ang mga salitang nagmula sa bibig ng Diyos o mapagtanto ang lahat ng galing sa Diyos. Nagsimula ang tao na labanan ang mga batas at kautusan mula sa Diyos; ang puso at espiritu ng tao ay naging mapurol.... Nawawala na sa Diyos ang taong Kanyang orihinal na nilikha, at nawawala na sa tao ang ugat ng kanyang pinanggalingan. Ito ang pighati ng sangkatauhang ito.

mula sa “Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang sangkatauhan ay napaunlad sa loob ng libo-libong taon upang makarating sa kinalalagyan nila ngayon. Subali’t, ang sangkatauhan ng orihinal Kong paglikha ay matagal nang nabaon tungo sa pagkahamak. Sila'y tumigil na sa pagiging siyang nais Ko, at sa gayon ang sangkatauhan, sa Aking paningin, ay hindi na karapat-dapat sa pangalang sangkatauhan. Bagkus sila ay ang linab ng sangkatauhan na binihag ni Satanas, ang bulok na naglalakad na mga bangkay na tinitirhan ni Satanas at nakasuot nito. Kahit kaunti ay hindi naniniwala ang mga tao sa Aking pag-iral, ni nagagalak sila sa Aking pagdating. Napipilitan lamang ang sangkatauhang tumugon sa Aking mga kahilingan, pansamantalang sumasang-ayon sa mga iyon, at hindi taos-pusong nakikibahagi sa Akin sa mga kagalakan at kalungkutan ng buhay. Dahil ang tingin sa Akin ng mga tao ay hindi kayang mapasok, napipilitan silang magkunwaring nakangiti sa Akin, nagpapakita ng ugaling nasisiyahan sa isang nasa kapangyarihan. Ito ay dahil walang kaalaman ang mga tao tungkol sa Aking gawain, lalo na ang tungkol sa Aking kalooban sa kasalukuyan.

mula sa “Ano ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Naiwala ng tao ang kanyang pusong takot sa Diyos matapos na gawing masama ni Satanas at naiwala ang tungkulin na dapat mataglay ng isa sa mga nilalang ng Diyos, at naging isang kaaway na suwail sa Diyos. Namuhay ang tao sa ilalim ng sakop ni Satanas at sumunod sa mga utos ni Satanas; kaya, walang paraan ang Diyos na kumilos sa gitna ng Kanyang mga nilikha, at lalo pang hindi nagawang makamit ang takot mula sa Kanyang mga nilikha. Ang tao ay nilalang ng Diyos, at kinakailangang sumamba sa Diyos, nguni’t ang tao ay tunay na tumalikod sa Diyos at sumamba kay Satanas. Naging idolo si Satanas sa puso ng tao. Kaya naiwala ng Diyos ang Kanyang katayuan sa puso ng tao, na ibig sabihin ay naiwala Niya ang kahulugan ng Kanyang paglikha sa tao, kaya’t upang ibalik ang kahulugan ng Kanyang paglikha sa tao ay dapat Niyang ibalik ang tao sa orihinal nitong wangis at alisin sa tao ang kanyang masamang disposisyon. Upang mabawi ang tao mula kay Satanas, kailangan Niyang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging sa ganitong paraan maaari Niyang unti-unting ibalik ang orihinal na wangis ng tao at ibalik ang orihinal na tungkulin ng tao, at sa katapusan ay mapanumbalik ang Kanyang kaharian. Ang kahuli-hulihang pagkawasak niyaong mga anak ng pagsuway ay isasakatuparan din upang tulutan ang tao na sambahin ang Diyos nang mas mabuti at mamuhay sa mundo nang mas maayos. Yamang nilalang ng Diyos ang tao, gagawin Niyang sambahin Siya ng tao; dahil ibig Niyang ibalik ang orihinal na tungkulin ng tao, panunumbalikin Niya itong lubos, at nang walang anumang halo. Ang kahulugan ng pagpapanumbalik ng Kanyang awtoridad ay ang gawin ang tao na sambahin Siya at gawin ang tao na sumunod sa Kanya; ang ibig sabihin nito ay gagawin Niya na ang tao ay nabubuhay dahil sa Kanya at gagawin na mamatay ang Kanyang mga kaaway dahil sa Kanyang awtoridad; ito ay nangangahulugan na gagawin Niya ang bawa’t huling bahagi Niya na manatili sa gitna ng sangkatauhan at nang walang anumang pagtutol ng tao. Ang kaharian na ninanais Niyang maitatag ay ang Kanyang sariling kaharian. Ang sangkatauhan na inaasam Niya ay isa na sumasamba sa Kanya, isa na ganap na sumusunod sa Kanya at mayroong Kanyang kaluwalhatian. Kung hindi Niya ililigtas ang masamang sangkatauhan, ang kahulugan ng Kanyang paglikha sa tao ay mauuwi sa wala; mawawalan Siya ng awtoridad sa tao, at ang Kanyang kaharian ay hindi na magagawang umiral sa lupa. Kung hindi Niya wawasakin ang mga kaaway na iyon na suwail sa Kanya, hindi Niya makukuha ang Kanyang ganap na kaluwalhatian, at hindi rin Niya maaaring itatag ang Kanyang kaharian sa lupa. Ito ang mga simbolo ng pagtatapos ng Kanyang gawain at ang mga simbolo ng pagtatapos ng Kanyang dakilang pagsasakatuparan: upang lubos na wasakin yaong mga nasa gitna ng sangkatauhan na hindi sumusunod sa Kanya, at upang dalhin yaong mga nagáwáng ganap tungo sa kapahingahan.

mula sa “Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Pagbabahagi ng Tao:

Bakit dapat hatulan at kastiguhin ng Diyos ang tiwaling sangkatauhan, at ano ang ibig sabihin ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa tiwaling sangkatauhan? Pangunahing mahalaga ang katotohanang ito, dahil kasama dito ang katotohanan tungkol sa mga pananaw sa gawain ng Diyos. Kung ang pananalig ng tao sa Diyos ay nagkukulang sa pananaw, kung gayon hindi niya alam kung paano maniniwala sa Diyos; kahit pa naniniwala ang tao sa Diyos, hindi niya mapipili ang tamang daan. Ano ang ibig sabihin ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa tiwaling sangkatauhan, ang sangkatauhang ito na tumututol sa Kanya at naghihimagsik laban sa Kanya? Dapat muna nating maunawaan nang malinaw na ang Diyos ay ang Lumikha. Dahil Siya ang Lumikha, may awtoridad Siya para pamahalaan, hatulan, at kastiguhin ang nilikha. Gayundin, ang disposisyon ng Diyos ay matuwid at banal, at batay sa disposisyon ng Diyos, hindi pinapayagan ng Diyos ang mga taong yaon na tumututol at naghihimagsik laban sa kanya na mamuhay sa Kanyang presensiya. Hindi pinahihintulutan ng Diyos ang marumi at tiwaling mga bagay na umiral sa Kanyang presensiya. Samakatuwid, ang paghatol at pagkastigo ng Diyos sa tiwaling sangkatauhan ay lubos na makatuwiran at matuwid, at ito ay pinagpapasyahan sa pamamagitan ng disposisyon ng Diyos. Alam nating lahat na matuwid ang Diyos, at na ang Diyos ay ang katotohanan. Mula sa disposisyon na ibinunyag ng Diyos nakita na natin na ang Diyos ang katotohanan. Ang mga salita ng Diyos ay mga katotohanang lahat. Nilikha ng Diyos ang langit at lupa at lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Nagagawang likhain ng mga salita ng Diyos ang lahat ng mga bagay, at ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan na kayang hatulan ang lahat ng mga bagay. Sa mga huling araw, isinasagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo sa tiwaling sangkatauhan. Maaaring itinatanong ng ilan: “Ginawa na ba ng Diyos noong una ang gawain ng paghatol? Ginawa na ba ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo sa ibang mga kapanahunan, mga kapanahunan bago sa ating panahon?” Talagang nagsagawa ang Diyos ng maraming gawain ng paghatol at pagkastigo, hindi lamang ito nasaksihan ng mga tao. Bago pa magkaroon ng mga tao, tumutol at naghimagsik si Satanas laban sa Diyos, at paano hinatulan ng Diyos si Satanas? Itinapon ng Diyos si Satanas sa lupa, at lahat niyaong mga anghel na sumunod kay Satanas ay itinapon din ng Diyos sa lupa, kasama ni Satanas. Pinatalsik sila ng Diyos sa langit papunta sa lupa, at hindi ba ito isang paghatol laban kay Satanas? Ito ay paghatol laban kay Satanas, isang ring pagkastigo dito. Samakatuwid, bago pa magkaroon ng mga tao, hinatulan at kinastigo na ng Diyos si Satanas. Mayroon tayong mga nakasulat na impormasyon patungkol sa bagay na ito. Bago pa magkaroon nitong sangkatauhan, mayroon bang iba pang mga tao o ibang mga nilikha? Talagang mayroon na. At yaong ibang mga tao ba ay tumanggap ng paghatol at pagkastigo ng Diyos? Masasabi natin nang may katiyakan na, ang lahat niyaong winasak na ng Diyos ay mga taong tumutol at naghimagsik laban sa Diyos, na lahat sila ay tumanggap ng paghatol at pagkastigo ng Diyos. Hindi ito maitatanggi. Samakatuwid, simula pa noong likhain ng Diyos ang langit at lupa at ang lahat ng mga bagay, umiiral na noon pa man ang paghatol at pagkastigo ng Diyos. Ito ay isang aspeto ng gawain ng Diyos sa pamahahala sa lahat ng mga bagay, dahil mananatiling pareho ang disposisyon ng Diyos at hindi kailanman magbabago. Sa kasalukuyan, sinimulan na ng Diyos ang paghatol at pagkastigo sa tiwaling sangkatauhan na ito. Noong una, ang lahat ng iba pang mga tao na naghimagsik laban sa Diyos at tumutol sa Diyos ay nakatanggap ng paghatol at pagkastigo lahat mula sa Diyos. Nakita na natin ang gayon simula pa noong magkaroon ng mga tao, at naghimagsik sila laban sa Diyos at sinunod si Satanas, lahat sila ay namuhay sa gitna ng sumpa ng Diyos. Napakarami nang namatay mula sa pagkastigo ng Diyos dahil sa kanilang masamang gawain, at ang ilan ay pinuksa pa. Napakaraming naniwala sa Diyos subalit tinutulan ang Diyos, at lahat sila ay namatay sa bandang huli. Ang ilan ay pinarusahan sa espirituwal na kaharian, habang ang ilan ay tumanggap ng paghatol at pagkastigo noong sila’y nabubuhay pa. Samakatuwid, ang sangkatauhan ay dumating sa isang katapusan: “Ang kabutihan ay gagantimpalaan ng kabutihan, at ang kasamaan ng kasamaan.” Hindi ba ito ang paghatol at pagkastigo ng Diyos? Ang lahat ng ito ay paghatol at pagkastigo ng Diyos. Sa araw na ito, sinimulan ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo sa tahanan ng Diyos para iligtas ang tiwaling sangkatauhan. Sa pagtanggap sa gawain ng Diyos, tinatanggap din natin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos. Kapag naghihimagsik ang mga tao laban sa Diyos at tinututulan ang Diyos sa pagdanas sa gawain ng Diyos, hindi ba nila nakukuha ang paghatol at pagkastigo ng Diyos? Tinatanggap ng lahat ng lahat ng mga ang paghatol at pagkastigo ng Diyos. Kadalasan tinatanggap ng mga tao ang paghatol at pagkastigo mula sa mga salita ng Diyos, at tinatanggap din minsan ang aghatol at pagkastigo ng mga tunay na mga pangyayari, tinatanggap din naman ang mga kaparusahan ng Diyos. Nakita na natin ang lahat ng mga bagay na ito. Sinasabi ng ilan, “Hindi kailanman tinanggap ng mga hindi mananampalataya ang gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, makatatakas ba sila sa paghatol at pagkastigo ng Diyos?” Hindi, tatanggapin din nila ang paghatol at pagkastigo ng Diyos. Hindi alintana tanggapin man o hindi ng mga tao ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, dapat pa rin nilang matanggap lahat ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, dahil walang sinuman ang makatatakas sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, at ito ay katunayan. Ngayon, yaong mga kilalang mga relihiyosong tao ay hindi pa rin tinatanggap ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, makakatakas ba sila sa paghatol at pagkastigo ng Diyos? Hindi. Walang sinuman ang makatatakas sa pagkastigo na itinakda ng Diyos para sa tao. Oras na lang ang hinihintay, at ang bawat isa ay may kani-kanyang katapusan. Ang katapusang ito ay itinakda din ng Diyos, at walang sinuman ang makatatakas dito. Mula sa katapusan ng sangkatauhan, makikita natin ang paghatol at pagkastigo na natatanggap ng bawat isa. Tinatanggap ng ilan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, natatamo ang kaligtasan mula sa Diyos, lubos na bumabalik sa Diyos, at ang katapusan sa kanila ay isang magandang hantungan—pagpasok sa kaharian, pagkakamit ng buhay na walang hanggan, at sila’y maliligtas. Yaong mga hindi tinatanggap ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, iyon ay, yaong mga hindi tinatanggap ang gawain ng Diyos sa kalaunan ay magdaranas ng kapahamakan ng kaluluwa at pagkawasak. Ito ang kanilang paghatol at pagkastigo na itinakda ng Diyos, at ang huling kalalabasan para sa kanila ay itinakda din ng paghatol at pagkastigo ng Diyos. Napakaraming mga lider mula sa relihiyosong komunidad ang tumututol sa Diyos, at ano ang huling kalalabasan nila? Kung hindi sila magsisisi, sa bandang huli tiyak na lulubog sila sa pagkawasak at kapahamakan ng kaluluwa, dahil walang sinuman ang makatatakas sa paghatol at pagkastigo ng Diyos. Ito’y tiyak. Tinanggap natin sa kasalukuyan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, nanganghulugan iyon na ating tinanggap ang gawain ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan. Iyon ay, ating tinatanggap at nararanasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos sa isang positibong paraan, at sa bandang huli ay ang pagkakamit ng tunay na pagsisisi, na sa kalaunan ay makararating sa pagkakilala sa Diyos at makakamit ang pagbabago sa ating disposisyon sa buhay. Ang gayong paghatol at pagkastigo ay ating kaligtasan. Para sa yaong mga tumatanggi na matanggap ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, ano ang kanilang katapusan? Ito ay kaparusahan, sa bandang huli’y makararanas sila ng kapahamakan ng kaluluwa at pagkawasak. Ang gayon ay ang kanilang tadhana sa pagtakas mula sa paghatol at pagkastigo ng Diyos.

mula sa “Napakalaki ng Kahulugan ng Pagganap ng Diyos sa Gawain sa Iba’t Ibang Paraan para Iligtas ang sangkatauhan” sa Mga Sermon at Paliwanag tungkol sa Pagpasok sa Buhay (III)

“Bakit gusto ng Diyos na hatulan at kastiguhin tayo? Bakit natin kailangang tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos?” Kailangang pag-isipan ito. Pagkatapos mo itong pag-isipang mabuti, baka makakaya mong maunawaan ang mga layunin ng Diyos. Basahin natin ang ilang mga salita ng Diyos: “Ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo upang makilala Siya ng tao, at para sa kapakanan ng Kanyang patotoo. Kung wala ang Kanyang paghatol sa tiwaling disposisyon ng tao, hindi malalaman ng tao ang Kanyang matuwid na disposisyon na hindi nagpapahintulot ng kasalanan, at hindi maaaring ilipat ang kanyang mga lumang kaalaman ng Diyos patungo sa panibago” (“Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Mula sa mga salitang ito, maaari mong maunawaan ang mga layunin ng Diyos. Ang paghatol at pagkastigo na gawain ng Diyos ay nilalayong pahintulutan ang mga tao na makilala ang Diyos, kaya mayroong malalim na kahulugan sa gawaing ito. Kaya, paano natin makakamit ang kaligtasan? Makakamit natin ang resultang ito sa pamamagitan ng pagkilala sa disposisyon ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagdaranas sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, mababatid natin ang pagkamatuwid, kadakilaan, galit at kabanalan ng disposisyon ng Diyos. Matutunghayan natin ang hindi makayanang sarili nating karumihan; makikita natin na tayo ay tiwali at suwail at tayo ay madalas tumututol sa Diyos, makikita natin na tayo ay sumusunod kay Satanas at nagtataksil sa Diyos, at na ang diwa natin ay malasatanas. Sa ganitong paraan, magsisimula nating maramdaman ang tunay na pagsisisi at magagawa nating tumalikod kay Satanas at bumalik sa Diyos. Ang lahat ng ito ang resulta ng pag-alam sa disposisyon ng Diyos. Kung walang paghatol at pagkastigo mula sa Diyos, hindi natin magagawang makilala ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Kung hindi natin malalaman ang matuwid na disposisyon ng Diyos, magagawa kaya nating tunay na magbago? Magagawa kaya nating igalang ang Diyos sa ating mga puso? Magagawa kaya nating alamin ang diwa ng ating katiwalian? Magagawa kaya nating kamuhian si Satanas? Magagawa kaya nating itakwil si Satanas, bumalik sa Diyos at sumuko sa Diyos? Ang lahat ng ito ay hindi natin maaabot, kaya ang gawain ng Diyos na paghatol at pagkastigo ay may malaking kabuluhan.

mula sa “Ang Kahalagahan ng Pagkilala sa Diyos at ang Paraan para Makilala ang Diyos” sa Mga Sermon at Paliwanag tungkol sa Pagpasok sa Buhay (I)

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII (II) Ang Diyos Ang Pinagmumulan ng Buhay Para sa Lahat ng Bagay


Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII (II) Ang Diyos Ang Pinagmumulan ng Buhay Para sa Lahat ng Bagay (Ikalawang Bahagi)

lahat ng bagay, Manlilikha, Pinamamahalaan,


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:
Partikular na mga Pagpapamalas ni Job ng Pagkatakot sa Diyos at Paglayo sa Kasamaan sa Kanyang Araw-araw na Buhay
Pinahihintulutan ng Diyos si Satanas na Tuksuhin si Job upang Gawing Perpekto ang Pananampalataya ni Job

Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos



Salita ng Buhay | "Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos"
 Ang mga Fariseo, Paniwala, Biblia


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Yaong mga sinasabi Ko na mga sumasalungat sa Diyos ay yaong mga hindi kilala ang Diyos, yaong mga tumatanggap sa Diyos sa pamamagitan ng mga walang kabuluhang salita ngunit hindi Siya kilala, yaong mga sumusunod sa Diyos pero hindi Siya dinidinig, at yaong mga nagsasaya sa biyaya ng Diyos ngunit hindi magagawang maging saksi sa Kanya.

Ang Kalungkutan ng mga Iglesia

Sa ngayon, laganap ang mapapanglaw na simbahan sa lahat ng relihiyon, pero hindi pa namin lubos na nauunawaan ang pangunahing dahilan. Kaya nga masigasig naming binabasa ang Lumang Tipan at pinagtutuunan namin kung paano humantong sa kapanglawang iyon sa relihiyon ang mga ikinilos ng mga punong saserdote, eskriba at Fariseong Judio noong mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan. Bagama’t may natuklasan na ang ilang problema, hindi naging malinaw ang kabuuan nito. Nagpunta na rin kami sa mga simbahan sa maraming iba’t ibang lugar at mula sa iba’t ibang sekta, pero hindi pa namin nakikita ang gawain ng Banal na Espiritu. Hindi gaanong malinaw sa amin kung bakit napakapanglaw ng lahat ng relihiyon. Ano ang tunay na dahilan nito?

Ang mga Fariseo, iglesia, relihiyon, Tanong at Sagot ng Ebanghelyo,

Sagot: Ngayon, laganap ang kapanglawan sa lahat ng relihiyon, wala roon ang gawain ng Banal na Espiritu, at nanlamig na ang pananampalataya at pagmamahal ng maraming tao—tanggap na ang katotohanang ito. Anuman ang eksaktong pangunahing dahilan ng kapanglawan ng lahat ng relihiyon ay isang tanong na kailangang maunawaan nating lahat nang lubusan. Gunitain muna natin sandali kung bakit naging mapanglaw ang templo sa mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan, at saka natin mauunawaan nang lubusan ang dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon sa mga huling araw. Sa mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan, hindi sinunod ng mga pinunong Judio ang mga utos ng Diyos, tinahak nila ang sarili nilang landas at kinalaban ang Diyos; ito ang pangunahing dahilan na tuwirang nagresulta sa kapanglawan ng templo. Inilantad at kinagalitan ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo, na nagsasabing: “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa’t sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal. Gayon din naman kayo, sa labas ay nangagaanyong matuwid sa mga tao, datapuwa’t sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan” (Mateo 23:27-28).

“Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t itinatayo ninyo ang mga libingan ng mga propeta, at inyong ginayakan ang mga libingan ng mga matuwid, At sinasabi ninyo, Kung kami sana ang nangabubuhay nang mga kaarawan ng aming mga magulang disi’y hindi kami nangakaramay nila sa dugo ng mga propeta.

Salita ng Buhay | "Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan"


Salita ng Buhay | "Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan"

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang nagkatawang-taong Diyos ay tinatawag na Cristo, at si Cristo ay ang katawang-tao na isinuot ng Espiritu ng Diyos. Ang laman na ito ay hindi katulad ng kahit sinong taong galing sa laman. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo kundi Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay may kapwa normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi taglay ng kahit sinong tao. Ang Kanyang normal na pagkatao ang Siyang umaalalay sa lahat ng Kanyang karaniwang mga gawain sa katawang-tao, habang ang Kanyang pagka-Diyos ang nagsasakatuparan ng gawain ng Diyos Mismo.