Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo"


Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo"
Cristo, katotohanan, Pagiging Kaayon,
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sinisikap lamang ninyong maging kaayon sa malabong Diyos, at naghahanap ng malabong paniniwala, ngunit hindi pa rin kayo kaayon kay Cristo. Hindi ba’t ang inyong paghahangad ng masama ay makatatanggap din ng kaparehong parusa gaya ng sa masama? Sa oras na iyon, inyong mapagtatanto na walang sinumang hindi kaayon kay Cristo ang makatatakas sa araw nang matinding galit, at inyong matutuklasan kung anong uri ng parusa ang nararapat sa mga nakikipag-alitan kay Cristo.

Yaong Mga Nagmamahal sa Salita ng Diyos ay Pinagpapala



Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Yaong Mga Nagmamahal sa Salita ng Diyos ay Pinagpapala

I
Yaong mga handang tumanggap sa pagmamasid ng Diyos
ay yaong mga habol ang pagkakilala sa Diyos.
Sila'y handang tanggapin ang salita ng Diyos.
Kanilang makakamit, pamana't mga pagpapala ng Diyos.
Sila yaong mga pinak-apinagpala.
Isinusumpa ng Diyos ang mga walang puwang para sa Kanya.
Kinakastigo Niya't iniiwan sila.
Kung minamahal mo ang gawain ng Diyos,
minamahal ang kaliwanagan N'ya,
kung minamahal mo ang presensya ng Niya,
minamahal ang pag-iingat N'ya,
kung minamahal mo ang salita ng Diyos
bilang realidad mo at bilang panustos ng buhay,
kung gayon ika'y ayon sa puso ng Diyos.

Isaisip ang Kalooban ng Diyos Upang Makamit ang Pagka-perpekto

Habang higit mong isinasaisip ang kalooban ng Diyos, mas bibigat ang iyong pasanin; mas mabigat ang iyong pasanin, mas mayaman ang iyong magiging karanasan. Kapag iyong isinasaisip ang kalooban ng Diyos, ibibigay ng Diyos ang pasaning ito sa iyo, at ikaw ay liliwanagan ng Diyos sa mga bagay na ipinagkatiwala Niya sa iyo. Pagkatapos na maibigay ng Diyos sa iyo ang pasaning ito, ikaw ay magsisimulang magbigay ng pansin sa mga katotohanang may kaugnayan sa iyong pasanin kapag kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos. Kung ang pasaning ito ay may kaugnayan sa mga kondisyon ng buhay ng mga kapatid na lalaki at babae—ito ay isang pasanin na ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos, kung gayon ang iyong mga panalangin sa araw-araw ay laging magdadala ng pasaning ito. Kung ano ang ginagawa ng Diyos ay ipinagkatiwala ngayon sa iyo, ikaw ay nagnanais na isakatuparan yaong kailangang gawin ng Diyos, at ito ang ibig sabihin ng balikatin ang pasanin ng Diyos na parang sa iyo. Sa puntong ito, ang iyong pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos ay matutuon sa mga usápín sa mga aspetong ito, at iyong iisipin, paano ko ba malulutas ang mga usápíng ito?

Maikling Dula | "Baka Nananaginip Tayo" | Can We Enter the Kingdom of Heaven Through Hard Work?




Isang pastor ng relihiyosong mundo na may jacket na gawa sa balat ng tupa, isang mabait at matapat na asawa, at isang tapat na Kristiyanong may pagkaunawa na nagmamahal sa katotohanan ang nagsasama-sama sa isang nakakatawang maikling dula na sumisiyasat sa tanong na, "Makakapasok ba ang isang tao sa kaharian ng langit sa pamamagitan ng pagsisikap?" Mapapaisip ang mga manonood dahil sa kabalintunaang lengguwahe at matalinong debate sa pagitan ng naniniwala at ng pastor…
Higit pang nilalaman: Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Clip ng Pelikulang Kumawala sa Bitag (1) | "Paano Malalaman ang Diwa ng mga Relihiyosong Fariseo"



Ang mga pastor at elder ng mga relihiyon ay pawang mga tao na naglilingkod sa Diyos sa mga simbahan. Madalas silang magbasa ng Biblia at mangaral sa mga nananalig, ipinagdarasal nila ang mga ito at nagpapakita sila ng habag sa kanila, pero bakit sabi natin, mga ipokritong Fariseo sila?

Tagalog Christian Music Video | "Hinahanap Ng Diyos ang Iyong Puso at Iyong Espiritu"


I
Taong nilisan tustos-buhay mula sa Makapangyarihan
di alam ba't umiiral, nguni't takot sa kamatayan.
Walang suporta at tulong,
ngunit nag-aatubili pa ring ipikit kanilang mga mata,
sinusuong ang lahat,
inilalantad walang dangal na buhay sa mundo
sa katawang kaluluwa ay walang malay.

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?"


Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kailangan ninyong makita na ang kalooban at ang gawa ng Diyos ay hindi payak katulad ng paglikha sa langit at lupa at sa lahat ng bagay. Dahil ang gawain sa kasalukuyan ay ang baguhin ang mga ginawang tiwali at nadungisan, ang naging labis na manhid, at dalisayin ang mga nilikha ng Diyos na ginamit ni Satanas, hindi para likhain si Adan o si Eba, hindi rin upang gawin ang liwanag o likhain ang lahat ng halaman at hayop.