Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinropesiya ng Panginoong Jesus Mismo na magkakatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw at magpapakita bilang Anak ng tao para gumawa ng gawain.

Biblia, Panginoong, Salita ng Diyos,
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:


“Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40).


“Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan” (Lucas 17:24-25).


“Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6).

Tagalog Christian Crosstalk | "Paano ba Talaga Darating ang Panginoon" | Have You Welcomed the Lord?


Sa mga huling araw, lalong umiigting ang pakiramdam ng mga Kristiyanong naghihintay sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, ngunit paano nga ba talaga magbabalik ang Panginoon? Sinasabi ng ilan, "Darating ang Panginoong Jesus kasama ng mga ulap". Sinasabi naman ng iba, "Ang mga propesiyang humuhula sa Kaniyang pagbabalik ay sinasabi ring, "Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw" (Pahayag 16:15).  "Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay, at itakuwil ng lahing ito" (Lucas 17:25).

Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat

katotohanan, Kaligtasan, Diyos,
Mayroong napakalaking lihim sa iyong puso. Hindi mo alam na naroroon ito dahil ikaw ay namumuhay sa isang mundong walang nagniningning na liwanag. Ang iyong puso at ang iyong espiritu ay kinuha na ng masamang nilalang. Ang iyong mga mata ay nilukuban na ng kadiliman; hindi mo makita ang araw sa kalangitan, at pati na rin ang kumikislap na bituin sa gabi. Ang iyong mga tainga ay nababarahan na ng mga mapanlinlang na mga salita at hindi mo naririnig ang madagundong na tinig ni Jehova, pati na rin ang tunog ng dumadaloy na tubig mula sa trono. Nawalan ka ng lahat ng bagay na dapat ay pag-aari mo at lahat ng bagay na ipinagkaloob sa iyo ng Makapangyarihan sa lahat. Ikaw ay pumasok sa isang walang katapusang dagat ng kapaitan, na walang lakas ng isang pagsagip, walang pag-asa ng kaligtasan, naiwan lamang upang magpunyagi at maging abala. ... Mula sa sandaling iyon, ikaw ay tiyak na mapapahamak sa kapighatian sa pamamagitan ng masama, napalayo mula sa mga pagpapala ng Makapangyarihan sa lahat, hindi maabot ng mga panustos ng Makapangyarihan sa lahat, at ikaw ay pumasok sa isang daan na wala nang balikan. Hindi na magawang pukawin ng milyong mga tawag ang iyong puso at espiritu. Natutulog ka nang mahimbing sa mga kamay ng masama, na tinukso ka papunta sa walang hangganang kaharian, na walang direksyon, na walang mga palatandaan ng daanan.

Ang Pagdanas sa Natatanging Pagmamahal ng Diyos

pagmamahal sa Diyos, karanasan, Kaligtasan,
Ang Pagdanas sa Natatanging Pagmamahal ng Diyos

Jiayi Lungsod ng Fuyang, Lalawigan ng Anhui

Ang aking kalikasan ay talagang palalo; anuman ang aking ginagawa, gumagamit ako palagi ng pagkamalikhain at pagka-mapanlikha upang ipakita ang aking galing atkaya madalas na lumalabag ako sa kaayusan ng mga gawain para gawin ang mga bagay sa sarili kong paraan. Ako ay lalo nang palalo tungkol sa pagpili ng mga tao para sa isang partikular na posisyon. Naniniwala ako na ako ay may naiibang kakayahan at pananaw na palaging tumutulong sa aking pumili ang tamang tao. Dahil dito, kapag pumili ako ng isa, hindi ko na pinagsisikapang suriin ang lahat ng kalalagayan ng taong nais kong piliin. Hindi ko rin masusing tinitimbang ang mga taong gusto kong piliin ayon sa mahahalagang mga prinsipyo.

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo"


Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo"
Cristo, katotohanan, Pagiging Kaayon,
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sinisikap lamang ninyong maging kaayon sa malabong Diyos, at naghahanap ng malabong paniniwala, ngunit hindi pa rin kayo kaayon kay Cristo. Hindi ba’t ang inyong paghahangad ng masama ay makatatanggap din ng kaparehong parusa gaya ng sa masama? Sa oras na iyon, inyong mapagtatanto na walang sinumang hindi kaayon kay Cristo ang makatatakas sa araw nang matinding galit, at inyong matutuklasan kung anong uri ng parusa ang nararapat sa mga nakikipag-alitan kay Cristo.

Yaong Mga Nagmamahal sa Salita ng Diyos ay Pinagpapala



Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Yaong Mga Nagmamahal sa Salita ng Diyos ay Pinagpapala

I
Yaong mga handang tumanggap sa pagmamasid ng Diyos
ay yaong mga habol ang pagkakilala sa Diyos.
Sila'y handang tanggapin ang salita ng Diyos.
Kanilang makakamit, pamana't mga pagpapala ng Diyos.
Sila yaong mga pinak-apinagpala.
Isinusumpa ng Diyos ang mga walang puwang para sa Kanya.
Kinakastigo Niya't iniiwan sila.
Kung minamahal mo ang gawain ng Diyos,
minamahal ang kaliwanagan N'ya,
kung minamahal mo ang presensya ng Niya,
minamahal ang pag-iingat N'ya,
kung minamahal mo ang salita ng Diyos
bilang realidad mo at bilang panustos ng buhay,
kung gayon ika'y ayon sa puso ng Diyos.

Isaisip ang Kalooban ng Diyos Upang Makamit ang Pagka-perpekto

Habang higit mong isinasaisip ang kalooban ng Diyos, mas bibigat ang iyong pasanin; mas mabigat ang iyong pasanin, mas mayaman ang iyong magiging karanasan. Kapag iyong isinasaisip ang kalooban ng Diyos, ibibigay ng Diyos ang pasaning ito sa iyo, at ikaw ay liliwanagan ng Diyos sa mga bagay na ipinagkatiwala Niya sa iyo. Pagkatapos na maibigay ng Diyos sa iyo ang pasaning ito, ikaw ay magsisimulang magbigay ng pansin sa mga katotohanang may kaugnayan sa iyong pasanin kapag kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos. Kung ang pasaning ito ay may kaugnayan sa mga kondisyon ng buhay ng mga kapatid na lalaki at babae—ito ay isang pasanin na ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos, kung gayon ang iyong mga panalangin sa araw-araw ay laging magdadala ng pasaning ito. Kung ano ang ginagawa ng Diyos ay ipinagkatiwala ngayon sa iyo, ikaw ay nagnanais na isakatuparan yaong kailangang gawin ng Diyos, at ito ang ibig sabihin ng balikatin ang pasanin ng Diyos na parang sa iyo. Sa puntong ito, ang iyong pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos ay matutuon sa mga usápín sa mga aspetong ito, at iyong iisipin, paano ko ba malulutas ang mga usápíng ito?