Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ano ang ibig sabihin ng maligtas? Ano ang pagliligtas?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa’t ang hindi sumasampalataya ay parurusahan” (Marcos 16:16).

“Sapagka’t ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan” (Mateo 26:28).

Clip ng Pelikulang (1) "Niyanig ng Kidlat ng Silanganan ang mga Relihiyon"


Ang Kidlat ng Silanganan—ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw ay niyanig ang lahat ng sekta at denominasyon, at ibinunyag na ang lahat ng klase ng tao. Mas gusto pa ng maraming mabubuting tupa sa c na dumanas ng di-mapigil na pag-aresto at pagpapahirap ng Chinese Communist Party para lang mahanap at masiyasat ang Kidlat ng Silanganan.

Hinggil sa Patutunguhan

Sa tuwing binabanggit ang patutunguhan, itinuturing ninyo ito nang may espesyal na pagpapahalaga; lubusang maramdamin kayong lahat tungkol sa usaping ito. May ilang taong hindi makapaghintay na maging sunod-sunuran sa Diyos para lamang makarating sa magandang patutunguhan sa dulo. Kinikilala Ko ang inyong pagiging masigasig, na hindi na kailangang ilahad pa sa pamamagitan ng mga salita. Tunay na ayaw ninyong humantong sa kapahamakan ang inyong katawan, at bukod pa rito, ayaw ninyong mahulog sa kayhabang kaparusahan sa hinaharap. Kayo ay umaasa lamang na mabuhay nang higit na malaya at maalwan. Dahil dito, nakadarama kayo ng ligalig sa tuwing nababanggit ang patutunguhan, lubos na nangangamba na kapag hindi kayo nakapagtutuon ng pansin, na maaaring nagkakasala kayo sa Panginoon, at dahil dito, makatatanggap ng nararapat na parusa.

Tagalog Christian Skit | "Pagtitipon sa isang Kamalig" | Why Do Christians Meet in a Cowshed?


Tagalog Christian Skit | "Pagtitipon sa isang Kamalig" | Why Do Christians Meet in a Cowshed?


Sa kasalukuyan, ang pagpapahirap ng ateistang gobyerno ng CCP sa mga Kristiyano ay tumitindi araw-araw. Ang mga mananampalataya ay nahaharap sa mga pagbabawal na isagawa ang kanilang pananalig sa lahat ng oras; ni hindi sila makahanap ng lugar para makapagtipon nang payapa. Dahil wala nang pagpipilian, sa kamalig na lamang ni Liu Xiumin ginanap ang pagtitipon nila ng kanyang mga kapatid.

Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos

paniniwala,sundin,Karanasan,pananampalataya sa Diyos ,
Bakit ka ba naniniwala sa Diyos? Karamihan sa mga tao ay nalilito sa tanong na ito. Sila ay palaging may dalawang lubos na magkaibang pananaw tungkol sa praktikal na Diyos at sa Diyos na nasa langit, nagpapakita na sila ay naniniwala sa Diyos hindi para tumalima, nguni’t para makatanggap ng ilang mga pakinabang, o para makatakas sa paghihirap ng kapahamakan. Saka lamang sila medyo tumatalima, subali’t ang kanilang pagtalima ay may kundisyon, ito ay para sa kapakanan ng kanilang mga sariling adhikain, at ipinilit sa kanila.

Bakit Ba Ako Lumakad sa Landas ng mga Fariseo?

Suxing    Lalawigan ng Shanxi

Ako ay taong arogante at masyadong bilib sa sarili at ang katungkulan ay ang aking kahinaan. Sa loob ng maraming taon, nakatali ako sa reputasyon at katungkulan at hindi ko nagawang makalaya mula dito. Paulit-ulit akong naitaas at napalitan; nagkaroon ako ng maraming kabiguan sa aking katungkulan at mga problema sa pagdaan ng panahon. Pagkatapos ng maraming taon na ako ay pinakitunguhan at nagawang pino, naramdaman ko na hindi ko sineseryoso ang aking katungkulan. Ayaw kong maging kaparis ng aking nakaraan na inisip na hangga't ako ay isang pinuno, maaari akong gawing perpekto ng Diyos at kung hindi ako pinuno, wala akong pag-asa. Naunawaan ko na kahit ano pa ang tungkulin na aking tinutupad, kinakailangan ko lamang hanapin ang katotohanan at ako ay gagawing perpekto ng Diyos; ang paghahangad sa reputasyon at katungkulan ay paraan ng anticristo. Ngayon, pakiramdamn ko'y kahit ano pang tungkulin ang aking tinutupad, matatanggap ko ang hindi magkaroon ng katungkulan. Batas ng langit at lupa na ang nilikha ay tumutupad sa kanyang papel. Kahit saan ka pa nailagay, dapat mong tanggapin ang mga kaayusang ginawa ng Diyos.

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pagpapakita ng Diyos ay tumutukoy sa Kanyang personal na pagdating sa lupa upang gampanan ang Kanyang gawain. Dala ang Kanyang pagkakakilanlan at disposisyon, at ang Kanyang likas na pamamaraan, Siya ay bumababa sa sangkatauhan upang isakatuparan ang gawain ng pag-uumpisa ng isang panahon at pagtatapos ng isang panahon. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi isang anyo ng seremonya. Ito ay hindi isang simbolo, isang larawan, isang himala, o magarbong pangitain, at lalong hindi ito isang prosesong pangrelihiyon.